From A Distance

Von hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... Mehr

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

39. Susubukin

18K 256 136
Von hunnydew

Hindi na ulit naungkat ng mga kapatid ni Mason ang tungkol sa naudlot na paglabas nila ni Louie. At malaking tulong iyon upang hindi na rin niya maalala ang masaklap na pangyayari.

Kung anumang dahilan ni Louie sa pagtanggi, wala na siyang balak alamin. Siguro nga’y tama si Chad. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para sa kanila ng dalaga. Kung magkakaroon man, sana’y handa na siya. Kung hindi naman ay tanggap na rin naman niya.

“Siya nga pala pagtatapos ng kursong ito, magkakaroon tayo ng final exam,” anunsiyo ng guro nila sa Kasaysayan 1 na siyang pumukaw sa diwa ni Mason. “Kailangang kabisaduhin niyong mabuti ang mapa ng Pilipinas. Kung kaya niyong i-drawing ng walang kopya, mas maganda. Kailangan niyo ring kabisaduhin ang bawat lalawigan sa bawat rehiyon. Kasama sa exam ‘yon.”

Karamihan sa mga kamag-aral ni Mason ay napalatak sa sinabing iyon ng kanilang guro, samantalang hindi naman niya inalintana iyon. Nasa ikalawang linggo pa lamang sila ng summer classes. Marami pa silang panahon upang isaulo ang mapa ng Pilipinas. Isa pa, kabisado na iyon ni Mason simula pa noong high school pa lamang kaya madadalian siya sa kursong iyon.

Napansin niya ang panyong nalaglag mula sa babaeng may kulay mais na buhok at nakaupo sa harapan niya na napatungo na rin sa armchair nito. Wala sa mga katabi niya ang nakakita kaya naman nagmagandang-loob na lamang siyang pulutin iyon.

Miss,” pabulong niyang tawag ng pansin dito at marahang tinapik ito sa balikat. “Nahulog.”

Lumingon naman ito at bakas ang pagkadismaya sa mga tinuran ng guro. Subalit namilog ang mga mata nito kasabay ng pagkakakilanlan niya sa dalaga. “Oh, hey!” nakangiting bati ni Hayley at inabot ang panyo. “Thanks,” bulong nito at napansin ni Mase na nangingibabaw pa rin ang British accent nito. Mukhang hindi pa rin natutong magsalita ng Tagalog.

Ginantihan lamang niya ito ng isang tipid na ngiti bago itinuon ang atensiyon sa guro na muling nagsalita. “Ngayon pa lang, sinasabi ko na para makapaghanda kayo. Class dismissed.”

Halos sabay-sabay na nagtayuan ang mga mag-aaral kabilang si Mase na notebook at ballpen lamang ang dala. Nag-aalangan pa siya kung dapat ba niyang kausapin si Hayley subalit ipinagsawalang-bahala na lamang iyon at nilisan ang silid. Sa katunayan, nagtataka siya kung paanong hindi niya napansin ang dalaga na kaklase pala niya. Ganoon na lamang ba siya kadesedidong mapapayag si Louie na lumabas sila at hindi niya nagawang magmasid sa kanyang paligid?

“Mason!” tinig ni Hayley iyon at naramdaman niyang may marahang humawak sa kanyang balikat kaya lumingon siya at tipid na ngumiti dito. “I can’t believe I didn’t notice you! How long have you been sitting behind me?” namamanghang tanong nito.

Napakibit-balikat na lamang siya. Kung ganoon, parehas pala sila ng iniisip. “Kaklase pala kita?”

“I know!” segunda naman nito at napasulyap sa relos na pambisig. “Uhh, it’s already lunch time. Are you with someone?” tanong ng dalaga at minsang  umiling si Mase. “Do you mind if I join you for lunch?”

 

Sandaling napaisip si Mason. Wala naman siyang ibang pupuntahan. Sa katunayan, kakain na rin naman siya. Wala naman sigurong masama kung sabay silang kakain ni Hayley. “Ayos lang. Tara?”

Bahagyang nagpatiuna si Mason sa paglalakad dahil hindi naman siya sanay na may kasabay na babae. Iyon nga lang, sinabayan ng dalaga ang bawat hakbang niya hanggang sa makalabas sila sa gilid ng AS.

“So… where do we eat?” narinig niyang muling tanong ng kasama.

Natigilan si Mase at nag-alangang humarap kay Hayley. “Ah, CASAA sana,” sambit niya. Sa itsura kasi ng dalaga’y tila hindi ito sanay kumain sa mga estilong food court . “O gusto mo sa iba?”

Pinagmasdan niyang mag-isip ito nang sandali bago sumagot nang may punto pa rin. “Okay lang dito.”

Naisip ni Mason na mainam na rin sigurong masanay ito sa mga kainan sa pamantasan. Marahan niyang binuksan ang screen door papasok ng canteen na iyon at pinaunang pumasok ang dalaga.

“What do they have here?” tanong ni Hayley habang nagpapalinga-linga sa mga tindahan na nagbebenta ng iba’t-ibang  uri ng pagkain. May normal na kanin at ulam, may pasta, pizza, sizzling plate, shawarma at kung ano-ano pa sa presyong pang-estudyante.

Medyo matagal niyang sinundan ang dalaga upang makapili ito ng pagkain dahil tila hindi nito alam ang bibilhin. Mukhang kailangan nito ng tulong. “Ahh… first time mo ba dito?” naitanong niya. Kung hindi kasi siya magsasalita baka kung ano’ng oras na sila makakain.

“Yup,” agad na sagot nito na walang bahid ng pagkailang. Lumapit ito sa tindahan na may haing asian cuisine. “I’ll have… shawarma,” nakangiting sabi nito sa tindera. “And one of this…” dagdag pa nito at tumuro sa tray ng Chopsuey.

Hindi agad nakahuma ang ale kaya agad itong tumingin kay Mason na nangingiti. “Ano daw?” naguguluhang tanong nito.

Kaya minabuti na niyang siya ang umorder para sa kanila. “Ah, dalawa pong shawarma. Tsaka isang order nito, Ate,” pag-ulit niya at agad namang tumalima ang ale na napapakamot sa ulo.

“’Kala ko kung ano na. Nagkalat na talaga ang mga conyo dito,” puna ng tindera habang inihahanda naman ng kasamahan nito ang itinurong pagkain para sa kanila.

At agad namang pinabulaanan iyon ni Mason. “Galing lang po ng UK, Ate.”

“Ahh, kaya pala ‘di ko halos maintindihan ang sinasabi,” napapailing na dagdag nito. “Inumin, pogi? Anong gusto niyo? Pakitanong na rin yang si Tisay.”

Bago pa niya matanong si Hayley ay nagsalita na ito sa kanya. “Bottled water would be fine.”

 

Tumango naman siya. “Dalawa pong mineral, Ate.”

Buy one-take one ang C2 namin dito, baka gusto mong patusin,” mungkahi pa ng tindera  na malawak ang ngiti.

Saglit na napatingin si Mase sa naka-display na C2 Apple at naalala ulit si Louie.  Ibinaling niya ang tingin sa kasama. “Nakainom ka na ba ng C2?” nag-aalangan niyang tanong dito subalit umiling naman ang dalaga.

Sa huli, isang C2 Apple at Strawberry na lamang ang kinuha nila. Akmang magbabayad sana si Hayley subalit pinigilan niya ito at nagpresentang magbayad. Para sa kanya, hindi kaaya-ayang pagbayarin ang babae pagdating sa pagkain lalo na kung silang dalawa lamang ang magkasama.

Matapos kunin ang mga pagkain, naghanap na ang dalawa ng mauupuan. Nauna muna niyang pinaupo ang dalaga bago siya kumuha ng mga kubyertos at dalawang baso para sa kanila.

“Alin ang gusto mo?” tanong niya dito pagkabalik niya sa mesa’t inilapag na ang mga baso.

“Apple?”

 

Ilang sandaling natigilan si Mason sa ‘di maipaliwanag na kadahilanan. “Subukan mo na lang parehas,” mungkahi niya bago sinalinan ng apple ang  baso ni Hayley.

Matapos tikman ang parehong flavor, nakapagpasya naman agad ang dalaga. “The apple tastes better,” nakangiting kumento nito.

May naramdamang hindi maipaliwanag si Mase at sinubukan niyang alamin kung ano iyon at saan nag-uugat. Dahil kaya pinapaalala nito si Louie sa kanya? Sa huli, ibinigay na lamang niya sa dalaga ang natirang C2 Apple.

Tinikman din ni Mason ang strawberry flavor. Masyado itong matamis ‘di tulad ng apple na sakto lang. Kaya siguro nagustuhan din ni Hayley. Kaya siguro may maliit na boses na pumipigil sa kanya upang ibigay lahat iyon sa dalaga. Sana parehas na lamang na apple ang binili niya para sa kanila.

Pinauna muna niyang sumubo si Hayley bago siya umusal ng dasal at nagsimula na ring kumain. Nagkaroon sila ng kaunting pag-uusap hanggang sa napansin niyang ibinaba nito ang shawarma sa plato.

“Mind if I ask you something?” panimula ng dalaga at tumango nang minsan si Mason. “You see… I really need someone, and... I think you’re the perfect fit.” Sinundan ito ni Hayley ng malambing na ngiti.

Napataas ang mga kilay ni Mason sa tinurang iyon ng dalaga. Senyales iyon ng isang tanong na hindi niya masabi.

Sa puntong iyon, nahihiyang ngumiti ang dalaga. “I really need you… please don’t say ‘no’ to me.” Sinubukan nitong pabilugin ang singkit na mga mata na tila nagpapaawa.

Na siya namang mas ikinapagtaka ni Mason. Ibinaba na rin niya ang shawarmang kinakain. “Depende,” tugon niya at kitang-kita niya ang pagbagsak ng mga balikat ng dalagang nakaupo sa tapat niya. Hindi na tuloy niya naiwasang magtanong. “Para saan ba?”

Iyon pala, kailangan ni Hayley ng malaking tulong upang kabisaduhin ang buong mapa ng Pilipinas kabilang na ang labim-pitong rehiyon nito at ang napakaraming probinsiya at kabisera.

Para nga naman sa isang banyagang ngayon lang yata napadpad sa Pilipinas, napakalaking problema nga naman niyon.

“I badly need a hand,” dagdag pa nito at pinagdaop ang mga palad na tila nananalangin kay Mase. “Please? I’ll do everything.”

 

Muli siyang nagtaka kung bakit nakuha ng dalaga ang kursong purong Tagalog kung hirap ito sa lengguwaheng iyon. Nagkamali lang ba ito? O sadyang kinuha iyon upang matuto? Kung ano pa man ang dahilan, tila hindi na makakaurong si Hayley. At sa totoo lang, kahabag-habag nga naman ang sitwasyon nito.

Binuklat ni Mason ang kwaderno at kinuha ang ballpen na nasa bulsa. Sandali siyang nagsulat bago pinilas ang isang pahina at ipinakita iyon kay Hayley. “’Yan muna ang kabisaduhin mo.” Sinulyapan niya ang relo at nagbilang. “Five minutes,” utos niya rito.

Halata namang nataranta ang dalaga. “What?! Now? You’ve got to be kidding me! We’re eating.”

 

Subalit hindi ito pinansin ni Mason. “Four minutes, fifty seconds.”

 

“Oh, shit!” Hinablot ni Hayley ang papel at tinitigan iyon. Ilang beses pa itong pumikit at tumingin sa kisame upang memoryahin ang apat na lalawigan at kabisera ng Ilocos Region o Region 1.

Saktong natapos ang limang minuto nang maubos ni Mase ang shawarma. Kinuha na rin niya mula sa kamay ng kasama ang papel. Sinubukan pang habulin iyon ni Hayley subalit hindi na nito nakuha sa kanya. Kaya tinapunan na lamang siya ng dalaga ng matalim na tingin.

Ngumiti si Mason. “Pangasinan.”

“Huh?” naguluhang sambit ng dalaga at nagkamot ng ulo. “PASS!”

 

Napailing siya rito. Unang tanong pa lamang, pass na agad? “Ilocos Norte.”

“Ahhh… I couldn’t read it,” reklamo ni Hayley. “It’s L-A-O-A-G,” pagbabaybay nito. Kulang na lang, isulat sa hangin ang mga letra.

“Lawag,” turo niya rito. “Okay. La Union.”

“Hmmm… San Fernando?”

Napatango siya. “Ilocos Sur.”

“Vigan!” walang pag-aalinlangang sagot ng dalaga na tila sigurado ito sa sagot. Palibhasa, iyon ang unang isinulat niya sa papel.

Ibinalik tuloy niya sa una ang tanong. “Pangasinan.”

Humalukipkip si Hayley. “That was the last one and I can’t read it too.”

 

“Ling-ga-yen,” muling pagtuturo ni Mason at maging siya ay napakamot na rin sa ulo. Paano na lang kakabisaduhin ni Hayley ang natitirang labing-anim na rehiyon kung sa apat na lalawigan pa lamang ay hirap na ito? Iniisip niya ito habang nakatitig kay Hayley na nagpapaawa na naman. “Siguro kailangan mo munang matutong mag-Tagalog.”

Ilang beses na tumango ito sa pagsang-ayon. “Can I eat now?” paghingi nito ng permiso.

Bahagyang natawa si Mase dito at muling nag-isip habang pinagmamasdan itong kumain. “Simulan natin sa pangalan mo.”

“Hmm?” ungol nito habang ngumunguya. “What are you talking about?”

 

Nag-isip si Mason ng tunog-Pilipinong palayaw na babagay sa dalaga. Pangalan pa lang kasi nito ay banyaga na. “Filipino nickname,” sagot niya. “Kailangan mo. Para masanay ka.” Mahabang katahimikan ang nangibabaw habang kumakain si Hayley at nag-iisip naman siya.

Paubos na ng dalaga ang Chopsuey nang sa wakas ay nakaisip na si Mason ng palayaw. “Elay…?”

Bakas sa mukha ng kaharap kung paano nito pinag-isipang mabuti ang tunog ng ngalang iyon. Hanggang sa unti-unting tumango ito at ngumiti sa kanya. Lalo pa tuloy naningkit ang mga mata nito. “Elay.”

Nang maghiwalay sila ng landas, may napansing kakaiba si Mason habang inaalala ang mga kaganapan sa araw na iyon. Hindi siya makapaniwalang nakausap niya nang tuloy-tuloy si Elay. Dahil siguro iyon sa kagustuhan niyang makatulong sa dalagang nais matuto ng wikang Filipino.

Hindi rin siya napagod magsalita. Sa totoo lang, natuwa siyang kausap ang dalaga dahil normal lang ang naging daloy ng pag-uusap nila. Hindi tulad ng bawat pagkakataong kaharap niya si Louie at nagdudulot sa kanya ng pagka-utal.

Tama nga siguro si Chad. Kailangang subukan ni Mason makihalubilo sa ibang babae upang malaman niya kung ano talaga si Louie para sa kanya.

At baka si Elay na nga iyon.

===

A/N: HEP!!! HEP!!! Walang kasalanan si Elay. Si Elay na walang malay! Nagkataon lang na si Elay ang nandiyan sa mga panahong bigo si Mason. OMG… nashi-shift na ba ang aking OTP feels?? OmO

Sabi ko naman, tao lang si Mase… nasasaktan… at natutukso rin.. HAHAHA. K.tnx.Bye.

PS. Totoo pala yung final exam na yan. Pinagawa samin yan -_-"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
597K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.