Love Letters

Av Sibsam

49 7 0

One shots! Mer

Short Love Story

Masaya tayo, 'di ba?

38 5 0
Av Sibsam


Ayaw mo na ba talaga?

Hindi na ba talaga ako?

Sigurado ka na ba?

Hindi mo na ba talaga ako mahal?

Ganun na lang?

Halos one year din tayo.

Alin ba sa mga sinabi mo 'yung paniniwalaan ko?

Alin ba sa mga sinabi mo ang kasinungalingan lang?

Ako lang ba ang nanghihinayang?

Kausapin mo naman ako!

I-Message mo naman ako!

Promise, hindi ko kikwestyunin.

Promise, hindi ko bibigyan ng meaning...

Miss na miss na kita.

Miss na miss na kita...

Mahal...

Bakit ganun?

Ilang buwan na ba?

Sabi ko sayo noong huli tayong magusap magkalimutan na lang tayo kasi diba yun nga yung gusto mo noong una pa lang?

Pero bakit ganito?

Napakasakit.

Napakasakit na kinalimutan mo nga ako.

Nakinig lang ako ng kanta, napakasakit na.

May bigla na lang tumulong luha sa mga mata ko.

Putangina, diba?

Gasgas na 'yung linyahang ganito pero, tangina, Naiisip mo pa ba ako?

Sumasagi pa ba ako sa isip mo?

Para saakin ba yung latest na status mo sa facebook mo na 'Kamusta na kaya siya?'.

Kahit na may poop emoji pa yun sa dulo, wala akong pakialam.

Gusto ko lang na malaman.

Huli na ba talaga ang lahat saating dalawa?

Sinulat mo na yung 'The End' sa last page ng love story natin?

Dapat ininform mo naman ako.

Masakit kasi.

Nagulat na lang ako isang araw, sinabi mong may iba ka na.

Pero yung iba mo, meron ding iba.

Kawawa naman kami noong iba niya diba?

Wala kaming kaalam alam, may iba na palang mahal yung mga mahal namin.

Masaya tayo diba?

Sigurado na nga ako sayo.

Mahal na mahal na mahal — Tangina! Baka tamarin ka na sa kakalipat ng page sa love story natin hindi pa tapos 'yung salitang mahal na mahal kita para lang madiscribed ko sayo kung ano ba ang nararamdaman ko para sayo.

Gusto na ulit kitang makausap pero kinakain ako ng pride ko.

At takot.

Na baka pag chinat kita kahit na kita pa yung last message ko sa thread ng conversation natin yung mga salitang 'magkalimutan na tayo' e baka sa likod ng screen, pinagtatawanan mo na pala ako.

I wouldn't mind ng He is We 'yung theme song natin diba?

Iyon kasi yung kantang ginamit kong background music sa regalo ko sayong slides na may mga sweet messages ko na pinagpuyatan kong i-edit noong 3rd monthsary natin.

Tanda ko pa, diba?

Balikan mo pa 'yung date ng convo natin, tama ako.

Iyon ay kung hindi mo pa dinedelete 'yung alala natin.

Hindi ko kasi iyon makakalimutan.

Hindi kasi kita makakalimutan.

Ah, Ewan.

Hindi ko maintindihan.

Paano ba kita minahal ng ganito?

Ni hindi kita nahawakan.

Ni hindi kita nakita.

Wala akong ideya sa mukha mo.

Wala.

Ayaw mo.

"Ikaw at ako~ Tayo'y pinagtagpo."
"Ikaw at ako~ di na muling magkakalayo"

Tanda mo pa?

'Yang mga linyang 'yan sa Ikaw at Ako ni TJ Monterde?

Iyan yung kinanta ko saiyo diba?

Voice message sa messenger?

Hahaha.

Nakakatuwang isipin na yung akala kong mahal na mahal kita... Sa simpleng 'Nakakainlove ang boses mo' lang...

Nahulog pa ako lalo.

Ng mas malalim.

Sobrang lalim kaya ang hirap umahon.

Ngayon.

Ngayon na iniwan mo na ako.

Ilang beses na ba tayong nag break tapos babalik ka at buong puso kitang tatanggapin?

Hindi ko na matandaan.

Ang dami na kasi.

Pero...

Akala ko ba 'di na magkakalayo?

Bakit magisa na lang ako?

Bakit iniwan moko?

Ang korni pero hinahanap hanap parin kita.

Yung chat mo sa umaga at gabi bago matulog.

Yung napakahaba.

Hanggang sa umikli ng umikli.

Hinahanap hanap ko iyon.

Tapos iyong mga panahong magbibilang tayo.

3...

2...

1...

Tapos sabay nating hahalikan ang larawan ng isa't isa.

Habang buong puso kong hinalikan ang larawan mong paniwalang paniwala akong ikaw...

Iniisip ko rin kung ganoon ka rin ba.

Ikaw kasi nagsuggest non diba?

Hindi kasi pwede sa personal, e.

Hanggang screen lang tayo.

O, baka naman ginawa mo lang iyon para lang pagmukhain akong tanga?

Masaya tayo diba?

Ang dami kong gustong sabihin.

Pero, baka kasi pagtawanan mo ako.

Wala na lang kasi iyong mga bagay na iyon saiyo ngayon, alam ko.

Kaya alam kong pagtatawanan mo nalang ako.

Masakit.

Buti pa sa panaginip ko...

Kahit hindi makita iyong mukha noong lalaking kasama ko doon...

Dama ko iyong pakiramdam pag magkausap tayo habang nanaginip ako.

Gusto ko na ngang hilingin na sana managinip nalang ako habang buhay.

Kasi doon... Kasama kita.

Kasi doon... Masaya tayo.

Masaya tayo diba?

Masama ka bang hangarin?

Ikaw lang naman, e.

Mag-U-turn ka na, o.

Naliligaw ka ng daan.

Hindi yan ang daan papunta saakin.

Papalayo ka, e.

Mag U-turn ka na, o?

Kailangan pa kita.

Kailangan mo rin ako, diba?

Sabi mo...

Noon.

Naaalala mo?

Noong hindi kita mareplyan noon kasi bumagyo tapos nalowbat ako.

Pagbukas ko ng phone... Daangdaang message mo ang pumasok.

Diba?

Hahaha.

Nakakatuwang isipin.

Sana pala hindi ko iyon dinelete para may magpapangiti parin saakin pag naaalala kita.

Ang sakit kasi ng ganito, e.

Palagi na lang akong nagpipigil.

Pigil ng nararamdaman.

Pigil ng iyak.

Pigil ng mga salita.

Pigil ng daliri para pindutin ang dp mo para machat ka sa messenger.

Hindi na kasi pwede.

Masaya tayo diba?

Masaya tayo... 'di ba?

Tangina. 'Masaya tayo, 'di ba?'

Sinong ginago ko?

Ni hindi ko na nga masimulan ang umaga kasi wala ka na.

Simula noong iniwan moko, wala na.

Imbes na tunog ng notification ng phone ko ang marinig ko dahil nagtext ka na, yung puso ko ang naririnig kong sinisigaw na wala ka na.

Sinisigaw iyung sakit.

Yung walang tigil na sakit.

Ang galing mo kasing mangiwan.

Ang galing mo kasing manakit.

Pero sana magaling ka rin magturo kung paano ko ba hindi mararamdaman ang dalawang salitang yan.

Hindi iyong bigla ka nalang magiiwan nang walang paalam kaya sobrang sakit.

Masaya tayo diba?

Masaya pa tayo noon.

Walang problema.

Pero bigla kang naging si The one that got away.

Tapos nagiwan ka pa ng malaking espasyo sa puso ko na hindi mapunan punan.

Palaging hindi kasya.

Iba ka kasi, e.

Iba ka magmahal.

Tangina ka, e.

Nga pala, narinig ko 'yung ringtone ng phone ko kanina, bago ko i-type 'to. Yung ringtone ko noon pag magkatext tayo.

Nagkandadapa pa ako sa pagkuha... Para lang madisappoint kasi hindi ikaw iyong nagtext doon.

TM pala.

Pinapaalalang espesyal daw ako sakanila kaya mayroon akong libreng 300MB para makapagfacebook dahil naabot ko 'yung quota na load.

Nalakatawa.

Buti pa sa TM, espesyal ako, ano?

Buti sana rin kung tayo pa para mapakinabangan ko naman yung 300MB kong mobile data na nakuha ko sa kakapaload sa pagasang isang araw, magtetext ka.

23:11, gaya dati, noong tayo pa.

Tangina.

Ang bullshit.

Ang talkshit mo.

Sabi mo, hanggat kaya mo, hindi mo bibitawan yung kamay ko.

Sabi mo, hinding hindi ka magsasawa saakin dahil sobrang mahal moko.

Sobrang talkshit mo para sabihin saakin iyon, e, magsasawa ka naman pala. Kita mo nga. Binitawan mo yung kamay ko.

Iniwanan mo ako.

Kaya, thank you narin. Hindi mo pinakita saakin iyong totoong mukha mo. Nanatili ka lang nagtatago sa likod ng picture ng lalaking mala anghel ang hitsura. Baka kasi ipinahanap na kita ngayon para ipagulpi.

Hahaha.

Biro lang.

Naalala mo yung linya natin noon?

'Kahit ako nalang masaktan ng masaktan, huwag lang ikaw'

Pfft.

Diba?

Kahit wala na tayo, naalala ko parin.

Ako unang nagsabi niyan sayo, e. Tapos sumunod ikaw naman.

Pero ako nalang ngayon ang gumagawa niyan.

Talkshit ka kasi.

Hahahaha. Inangyan.

Para saan pa ba tong iniiyak ko?

Sa sakit dahil naalala nanaman kita?

O sa pagiging talkshit mo?

Ah, mali pala yung sinabi ko kanina.

Hindi mo naman ako iniwan ng walang paalam noong huli nating breakup.

Nagsend ka pala saakin ng video noon.

Hindi ko sure kung boses mo ba iyon at kung ikaw ba iyong naggigitara.

Pero, 15 seconds yun diba?

Let me be the one iyong kinanta mo.

Kilig na kilig pa ako pero kasi kinantagan mo ako pero tangina, pamamaalam na pala iyon.

Pero baligtad ka.

Ako dapat kasi yung kumanta noon para sayo.

Kasi diba?

Ikaw naman yung na-fall out of love hindi ako.

Dati, kinikilig pa ako sa Marry Me ni Jason Derulo.

Pero dahil sa 'yo...

Dahil sa tanginang speech mo na galing sa lyrics nayon, ang hirap nang pigilang di maiyak pag naririnig ko iyong tumutugtog.

Talkshit ka nga kasi.

Talkshit ka.

Sa kulang isang taon... Sayo lang ako. Pero hindi ka naging saakin. Kinalimutan mong saakin ka. Nagpaangkin ka sa iba.

Pero kung tutuusin, talkshit din ako.

Sinabihan mo na kasi ako noon na mahirap kang mahalin pero sinabihan parin kitang wala akong pakialam at hinayaan ko.

Hinayaan kong maging ikaw 'yung lahat para saakin.

Pero hindi ako ang lahat saiyo.

Nagpanggap ka lang.

Kaya pala sobrang perfect.

Kasi planado.

Tangina, 'di ba?

Talkshit kasi ako.

Masaya... Tayo... Diba?

Bakit?

Bakit hindi ko pala kaya?

Na wala ka na?

Na hindi na tayo?

Na hindi na ako ang mahal mo?

Ano bang minahal ko ng sobra sayo?

Tangina kasi! Gusto ko ng kalimutan.

Gusto ko ng makalimot.

Pero hindi ko magawa.

Sa kulang isang taon... Anim na buwan mo lang ata ako pinahalagahan sa mga panahon na 'yun.

Tapos ano? Patay sindi na tayo bigla.

Habol ako ng habol hanggang sa naging aso mo na ako.

Nakalimutan ko ng alagaan ang sarili ko dahil ikaw nga iyong amo ko.

Kikilos lang ako kung ano ang sabihin mo.
Hindi kita sinukuan, 'di ba?

Kahit kailan.

Pero, bakit ang dali lang sayo?

Minahal mo ba talaga ako?

Bakit magisa nalang ako?

Bakit napagod ka kaagad?

Heto pa ako.

Nasasaktan parin ako.

Bakit?

Pinalampas ko lahat...

Kaya bakit?

Inintindi ko lahat...

Kaya bakit?

Bakit wala kang pakialam sa luha ko?

Bakit wala kang pakialam kahit umiiyak na ako?

Bakit hindi ko manlang napalambot ang puso mo?

Ang babaw lang kung tutuusin diba?

Kulang isang taon? Sus. Baka pagtawanan pa ako ng mga makakarinig.

Pero hindi kasi ganon.

Pinaramdam mo kasi saaking sumaya noong magisa lang ako.

Pinasaya mo ako ng sobra.

Pinahalagaan.

Inalagaan.

Kahit screen ang pagitan.

Pero, hindi nga pala unlimited lahat.
Natapos kasi kaagad iyong saiyo.

Ang... Tangina.

Bakit mo ako nilagay sa sitwasyong wala na akong pagpipiliian kundi ang bitawan ka na lang dahil ayaw mo na?

Ayoko, e.

Wala akong balak kahit hirap na hirap na ako.

Pero, wala na kasi akong pagpipilian.

Nasasaktan ka na sa piling ko.

Nasasakal ka na sa paghabol ko sayo.

Nasasaktan din naman ako dahil 'di mo na ko pinakikialaman kahit tayo pa noon.

Noong nagselos nga ako, diba? Nagalit ka pa saakin kaya nagaway na naman tayo.

Sabi mo, ang babaw ko.

Tumahimik na lang tuloy ako.

Kaya sinabi mong napaka-arte ko.

Hindi kasi kita mareplyan.

Baka kung ano pa ang masabi kong masakit at masaktan kita.

Pag ganoon kasi, nakikipagbreak ka bigla.

Tapos nung gusto kong magpalambing, naaalala mo?

Sinumbatan mo ako.

Na wala kasi ako noong gusto mong maglambing saakin.

Sorry, ah?

Sorry.

Pinagsisisihan ko na naman.

Na minsan busy ako.

Sobra sobra pa nga.

Hindi ko naman kasi alam na ako lang pala ang kayang magintay sa 'yo.

'diba nga, noong busy ka, kahit madaling araw na at papaumaga, gising parin ako.

Gusto kasi kitang makausap kahit puyat na ako.

Pero,

Hindi ka kasi ganoon.

Hindi ka pala ganoon.

Kaya...

Sorry...

Kasi parang dahil doon... Kaya ka nawala bigla.

Bullshit.


Paalam na lang.

Sa mga puso natin na sabay pa at pareho ang ritmo ng pintig noon.

Paalam na lang din doon sa pangako natin sa isa't isa na lalaban tayo at magpapakasal pa tayo dahil may mahal ka ng iba at masasanay din ako.

Parang kahapon lang yun para saakin.

Pero, ala ala na lang talaga e.

Ala ala ko na lang.

Pakasaya ka, ah?

Isipin mo rin ako minsan.

Kasi diba...

Masaya tayo?

Noon.

Nung tayo pa.


Pero ngayon kasi, sa panaginip ko na lang.

Sa panaginip na lang kita.

Buti pa sa panaginip ko.

Hahaha.

Teka lang, sandali.

Nakokornihan na kasi ako.

Biruin mo?

Noon, direkta sa 'yo mga long sweet messages ko.

Pero heto ako ngayon...

Sa memo ng phone ko nagtatype.

Kasi...

Hindi ko magawang imessage sayo lahat.

Gusto man kitang makausap ulit,
Hindi ko magawa.

Ayoko na kasing guluhin ka pa.

Kaya hahayaan ko na lang ang sarili kong maging ganito.

Huli na kasi ito.

Na long message.

Na hanggang memo na lang ngayon.

One year and eight months na kasi natin.
Diba?

Naaalala mo pa?

Tagal na dapat natin.

Masaya tayo, 'di ba?

Sa panaginip ko.

Masaya tayo, 'di ba?


Sa imahinasyon ko.

Masaya tayo, 'di ba?


Masaya ka na diba?


Kasi wala na ako.







You're welcome. :)

———

All Rights Reserved.
Masaya Tayo, 'Di Ba?
Written by Sibsam. (Thirteen)

Dedicated sa lahat ng mga may pinagdadaanan d'yan! :)

Hindi ko naman pwedeng sabihing ayos lang 'yan dahil halata namang hindi iyan ayos.

Pero, magiging maayos ka din, friend. :)

Makakalimutan mo rin siya. :)

Sigurado ako don.

<3

Fortsett å les

You'll Also Like

8.1K 409 39
Everything about her screams perfection, aphrodite herself might feel overshadowed if they stood side by side. - Kivriel Lew Mercer If you can't reme...
824K 40K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
108K 151 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
9.9K 56 49
Enjoy