Loving the Casanova (JaMantha...

By redzeL

1K 34 32

A fanfic based on Alesana_Marie's NTBG. More

Loving the Casanova (JaMantha FanFic)

1K 34 32
By redzeL

A/N: Isa akong CERTIFIED JAMANTHA, kaya nagawa ko po ito.  =)

THIS FANFIC IS BASED ON NTBG's CHAPTER 54- HISTORY REPEATS ITSELF (Part 1). Noong nabaril si Red dahil sa pag-save niya kay Samantha. :)

Dedicated nga pala awesome na author ng TBYD at NTBG. Alesana Marie! \(^o^)/

________________________

**Samantha

“Jared, please. Please, don't leave me..."

Tumatakbo ako kasabay ng stretcher ni Red papuntang Emergency Room. Mahigpit and pagkakahawak ko sa kamay niya, as if my life depended on it. Pinilit kong magconcentrate sa mukha niya dahil alam ko na kapag tinignan ko ang duguan niyang dibdib, maaalala ko na naman kung paano siya tinamaan ng bala. Hinarang niya ang katawan niya para lang maligtas ako.

Natamaan man ako ng bala sa binti, patuloy pa rin ako sa pagsabay sa stretcher ni Red. 

"Stay with me, okay? Red, wag mo akong iiwan," sabi ko sa pagitan ng aking paghinga. Nagsimulang umikot ang aking paningin dahil sa sakit dulot ng bala sa binti ko. Nanghihina man ako, binalewala ko iyon alang-alang kay Red. Focusing my eyes on his face, I said, "You promised. You promised me na hindi mo ako iiwan. Please don't leave me."

Nakarating na kami sa pintuan patungong Emergency Room at naramdaman kong may brasong tumigil sa akin sa pagsunod. Tumingin ako sa nurse at sinubukan kong kumalas sa hawak niya.

"No. Jared needs me." Tinignan ko ang papalayong stretcher ni Red at lalo kong pinuwersa ang pagkalas sa nurse. "Red! Please. Please..."

"Miss, hanggang dito lang po kayo. Hindi na po kayo maaaring pumasok sa loob. Hayaan na po natin ang doktor na gumamot sa kanya."

"You don't understand," I said in ragged breaths, "Kailangan niya ako! Kailangan niya--"

Natigil ako nang biglang bumigay ang mga binti ko. Napaupo ako sa sahig, and I tried to blink several times, trying to ease the dizziness. Out of the corner of my eye, nakita ko ang duguan kong binti.

But all I can think of is Jared.

His smile.

The way he looked at me every time, like I was the most precious thing in his life.

May mga nurse na lumapit sa'kin para tulungan ako pero wala akong naintindihan sa mga pinagasasabi nila. Sinubukan kong magconcentrate sa isa sa kanila pero habang tumatagal, lalong nagblu-blurry yung mukha niya.

Umiikot ang paningin ko. Nanghihina ako.

Jared… Jae… Hindi ko alam kung makakaya kong mawala ka sa buhay ko. Wag na wag mo akong iiwan.

*******

Minulat ko ang mga mata ko. Iniikot ko ang paningin ko para tignan kung nasaan ako.

May nakita akong nurse sa tabi ko na nagsusulat. Sinubukan kong bumangon pero bigla akong nahilo.

“Ma’am, may sugat pa po kayo sa binti niyo. Magpahinga ka po muna.” sabi ng nurse.

“Ilang minuto na akong natutulog?”

“Hmm..mga twenty-five minutes pa lang po.”

Bigala kong naalala si Jared.

“Nasaan yung kasama ko kanina? Nasaan si Jared?!” tanong ko sa nurse.

“Nasa ER pa ri---“

Di ko na pinatapos yung sasabihin ng nurse. Dali-dali akong tumayo at pinagtatanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin. Hindi ako nagpapigil sa nurse. Kahit na nahihilo ako, tumakbo ako papuntang Emergency Room.

Nakita ko si Red sa loob na nakahiga. May cardiac monitor sa tabi niya.

Dahan-dahan akong umupo at nagdasal.

Maya-maya pa, lumabas na ang doktor.

“A-ano pong lagay ni Jared? A-a- ayos na ba siya?”

“Im sorry. Pero… masyado nang mahina ang katawan niya dulot ng bala na tumama sa kanya. Marami ding dugo ang nawala sa kanya.” sagot ng doktor.

“P-pero… magigising pa rin naman po siya, di ba?” naluluhang tanong ko.

“To tell you the truth… maaari siyang mawala anytime. All we can do is pray and wait for a miracle.”

Halos madurog ang puso ko sa narinig ko.

“Pumasok ka sa loob, hija. He needs you.”

Pumasok ako sa loob. Umupo ako sa tabi niya at hinawak ko ang kanyang kamay.

“Jae, d-di ba sabi m-mo, hindi mo ko iiwan? Akala ko ba superhero ka? Ba-bakit di ka pa rin bu-bumabangon dyan?” sabi ko habang pinipigilan ang aking pag-iyak.

“Jared dela Cruz naman! Wa-wag mong iiwan yung mga babae mo. K-kapag nawala ka, si-sino na ang magpapasaya sa ka-kanila?”

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkahawak sa kamay niya.

“So-sorry kung palagi kitang pinapagalitan… sorry ku-kung palagi a-akong mataray sayo. Sorry din kung palagi kitang inaaway…” di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. “…ba-basta gu-gumising ka na please.”

“Naaalala m-mo pa ba yu-yung mga araw na inaaway kita nung… nung nasa France tayo? Di ko namalayan kung gaano ako naging kasaya habang lumilipas ang mga araw na ikaw ang kasama ko.”

Napahagulgol ako sa iyak. Yumuko ako sa kama pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Red.

“At.… d-di ko rin na-namalayan n-na... mahal na pala kita. Pl-please Jae… w-wag mo k-kong iwan. Mahal na mahal kita.”

Di pa rin ako tumutigil sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay para bang…guguho ang mundo ko.

Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.

Gumalaw ang daliri ni Red.

Napatigil ako sa pag-iyak.

Tinignan ko ulit yung kamay niya. Baka namamalik-mata lamang ako.

Pero.. hindi ako namamalik-mata. Talagang gumagalaw ng kaunti ang mga daliri niya.

“Ja-Jared? JARED?”

Nakita kong unti-unting minulat ni Red ang mga mata niya at tinignan ako.

“Hin-hindi na-naman yun siguro pa-panaginip, no?” dahan dahan siyang ngumiti.

“P-pa-pakisabi nga ulit yu-yung sinabi m-mo kanina. Gus-gusto ko lang ma-masiguro na hi-hindi yun pan-panaginip.”

Mabilis ko siyang niyakap.

“Jae... Jared de la Cruz…” nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. “….mahal na mahal kita.”

******

After 3 days.

Nasa ospital pa rin kami. Binabantayan ko si Jared habang nagpapagaling siya.

“KUMAIN KA NA KASI!” sigaw ko sa kanya.

“AYOKO. Gusto ko na subuan mo ako, Samantha.” sagot ni Red.

“JARED DELA CRUZ! IM WARNING YOU! KAPAG DI KA PA KUMAIN---“

“Ano? Sasaktan mo ko? Shet naman, Samantha. Tignan mo naman ang kalagayan ko, oh. Di ka ba naawa sa akin? Akala ko ba MAHAL MO AKO? ^_________^” sabay ngiti niya ng nakakaloko.

>///<

“ Oo na! oo na! Eto na, oh! Say aaah.” sabi ko.

“Aaaaaah.” nakanganga siya.

Ang cute niya!! >o<

Di ko na napigilang tumawa. “HAHAHAHAHA. Ang cute mo, Jae! Ang cute cute moooo! ^o^” pinisil ko yun pisngi niya.

“Ano ba?! Masisira yung mukha ko! Atsaka.. di ako cute! GWAPO ako, Samantha. GWAPO.” pinisil niya rin ang pisngi ko. >///<

“Ikaw din, Sam. Ang cuuuuute cute mo. Hahaha”

“Masakit Red ah!” mas lalo ko pang nilakasan ang pagpisil sa cheeks niya.

“A-a-araaaay! Masakit yan! SAMAN----“

Biglang bumukas ang pinto.

Napalingon kami ni Red para tignan kung sino ang pumasok.

Si….TOP.

Bigla ko namang binitawan ang pagkakahawak sa pisngi ni Red. Tumayo ako.

“T-Timothy?”

“Miracle…” agad siyang lumapit sa akin at yumakap.

Medyo natuwa ako dahil alam kong nakakakita na siya.

“Miracle… are you okay? I knew what happened... I was terribly worried...kaya ako napasugod dito. Im sorry, Miracle. I didn’t know that this will happen. Kung alam ko lang sana… I will never go to Japan and leave you alone. Im sorry.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“We need to talk, wifey.”

Di ko alam pero, kinabahan ako.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.

May humawak sa kamay ko... si Red.

Tinignan ko siya.

“I trust you. Talk to him, Samantha.” sabi ni Red.

Umakyat kami ni Timothy sa rooftop ng ospital. Sobrang kaba ang nadadama ko.

“I missed you.” sabi niya, then hinawakan niya yung pisngi ko.

“I- I m-missed you too.” sagot ko

Nag-iba ang expression ni Timothy.

“What’s wrong?” tanong niya.

“N-nothing.”

“Do you still love me?”

Nilapit niya ang mukha niya para halikan ako.

Di ko alam kung bakit, pero.. napaatras ako.

“You fell in love with HIM?”

Dahan-dahan akong tumango. “I-im sorry, Timothy. Im sorry.”

“No. I should be the one who need to apologize.”

“What do you mean?” tanong ko.

“Miracle… you know that I really love you. Until now, this heart…this heart… still shouts your name. I didn’t stop loving you.”

“I know. Kaya ako nagso-sorry.” sabi ko.

Siguro namamalik-mata lang ako pero akita ko na may namumuong luha sa mata niya.

Huminga siya ng malalim.

"FCK." sinuntok niya ng napakalakas ang dingding.  “Ami is pregnant… and I'm the father...” 

Nabigla ako sa narinig ko.

Pero… bakit ganito? Bakit parang hindi ako nakaramdam ng galit?

“Im sorry, Miracle. It’s was a fcking accident. I was drunk and… that bullsh*t happened. But.. you’re the one that I love.”

“It’s okay. You don’t need to say sorry. Mahalin mo ang mag-ina mo. Gawin mo yun para sa akin, Timothy.”

“What?! No! I never loved that Ami! In my entire life, it's only YOU!! FCK! Believe me!” pagmamakaawa niya.

“Naniniwala ako sayo.” sagot ko.

“But--- Oh, right. I forgot that you fell in love with him..." unti-unting nagbago ang emotion sa mukha niya. Mas lalong nagalit. “HOW MANY BULLETS DO I HAVE TO BLOCK JUST TO MAKE YOU LOVE ME AGAIN??!” sigaw niya.

Umiiyak na ako.

“Im sorry, Timothy. Im very sorry.”

Umiiyak na siya. Di ko alam kung anong gagawin ko.

Kasalanan ko ba kung mahal ko si Red?

Niyakap ako uli ni Timothy. “If… if letting you go is the thing that will make you happy… ill do it. Im sorry for confusing you all the time. I knew from the start that the one that you truly love is… Jared. Im sorry if I restricted you from loving him. But now… now that you really know that Jared is the man that you want to be with forever…. I won’t stop you anymore. I don’t know if I can stop the pain but… IM LETTING YOU GO. Just remember that I will still be here, loving you.”

Niyakap ko na rin siya.

“Thank you, Timmy. Thank you.”

Pagkatapos ng usapan namin ni Timothy, bumalik kami sa room ni Red.

Lumapit si TOP kay Jared.

“Don’t even fckin' dare to hurt her. If you will, YOU’RE DEAD.”

Napangiti nalang kami ni Red.

“I will NEVER hurt her. If I need to block a thousand bullets just to prove na mahal ko siya, gagawin ko. Salamat, TOP.”

“Tss. I know that you two need to talk so I better go home now. See you next time.”

“Salamat ulit, Timmy.” sabi ko.

Niyakap na naman niya ako. =____=

“OY, OY! Ampupu, TOP. Harap- harapan? Wag mo nga yakapin si Samantha!... Ikaw naman, Samantha!! Bakit ka naman nagpapayakap?! Paksyet. Sinasamantala niyo ba habang hindi ako makagalaw ng maayos?!!” sigaw ni Red.

Napa- smirk na lang si TOP.

Sa wakas, bumitaw na rin sa pagkakayakap si Timmy. Lumabas na siya.

“Kung makapagselos ka naman dyan. Kumain ka na nga lang!” sabi ko the umupo na ko sa kama sa tabi niya.

Hinawakan ni Red ang mukha ko at agad niya itong inilapit sa mukha niya.

O/////O

“Ja-Jared! A- ano ba?!” sinubukan kong magpumiglas pero di ko kaya.

“May atraso ka pa sakin eh. Bakit ba kasi kailangan mo pang magpayakap kay TOP kung pwede mo namang halikan ang isang gwapong nilalang na tulad ko?”

Unti-unti niya nilapit ang mukha ko sa kanya hanggang lumapat na ang mga labi niya sa labi ko.

“I DO LOVE YOU, SAMANTHA.”

Napangiti ako.

“I LOVE YOU TOO, Jared dela Cruz.”

Continue Reading

You'll Also Like

27M 716K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
7.2K 496 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...