She's my Step-Sister

Yananymouss

12.7K 294 88

Oliver Lance Posadas, who was deeply in love with his friend's girlfriend Coleen Garcia. Complicated things h... Еще

She's My Step-Sister (Summary of Book1)
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 12

245 9 1
Yananymouss

[40]

"Sorry.." maikling sabi ko kay Coleen habang nakatayo lang kami sa pwestong yun. Kumunot naman ang noo nya, siguro hindi na nya inisip pa yung sinabi ko kanina. "Ah-Umm-dun sa pagsabi sa lalaki na girlfriend kita. Ano kase-ang dilim"

"hindi mo ko nakilala." Sinimangutan nya pa ko. "bakit ka naman nagsosorry. Hindi naman big deal yun.." nakaramdam na lang ako bigla ng pagsikip ng dibdib ko. Parang bigla na lang may kumirot sa loob nito..

"Ahh..." maiksing sagot ko sa kanya.

"Yeah, di ba nga nagkasundo na tayong wala ng pakialamanan..?" tinaasan nya ako ng kilay at tsaka nya ko tinalikuran. "But thanks for earlier.. thanks for saving me."napabuntong hininga na lang ako at napakapit ako sa dibdib ko.

"Who's that guy. Kilala mo?" tanong kong seryoso sa kanya.Habang nakatalikod lang naman sya.

"Of course-." humarap sya sakin at napahina na lang bigla yung sasabihin nya sana. "-not. Are you okay Kuya?"

"Huh??"clueless na tanong ko.

"Bakit mo hinahampas yung dibdib mo?" itinuro pa nya yung dibdib ko at napatingin naman ako. Agad kong tinanggal yung kamay ko sa dibdib ko.

"Ah.. wa- wala lang."

"Okay?Umm-that guy, nakita ko lang sya minsan sa party nina Liah. Then that, hindi pa nga kami magkakilala hinihila na nya kaagad ako sa lugar na hindi ko alam. Bar yata or something-" nakita ko na namang tinaasan nya ko ng kilay."Okay ka lang talaga Kuya?" tanong nya sakin habang nakatitig lang naman ako sa kanya.

"I guess." Maiksi kong sagot.

"So ayun nga, nasabihan ko syang bastos.Kase bigla-bigla na lang nya kong hinahawakan sa likod."

"Bakit ka ba nandun?Akala ko umuwi ka na?" napalip-bite naman sya nung tanungin ko sya nun.

"Umm-I was just, I was-"

"You were? What?"

"Umm-I'm waiting for someone."

"Who?"nag-isip ako sandali. Pagkatapos ay isang tao lang ang naisip ko. "Elmo?"

"Yeah? How d' ya know?"

"boyfriend mo ba sya?"

"Si Elmo!?" napatawa na lang sya bigla. "hindi no!Imposible! Haha." Tss.. I don't know if she's telling the truth. Kase kahit na ilang months ko na rin nakakasama tong si Coleen. Hindi ko pa sya masyadong kilala. Hindi ko nga rin alam kung may itinatago sya sakin, dahil minsan. Napaka-weird nya ko, kung tratuhin ako.

"Kung ganon, bakit mo sya hinihintay?"seryoso kong tanong at huminto naman sya sa pagtawa nya.

Pero hindi na nya nasagot yung tanong ko ng biglang may humintong kotse sa gilid namin.Napalingon naman kaming dalawa at nakita ko na si Manong, yung sundo namin.

Sumakay naman kaagad sa kotse si Coleen. Hindi man lang sya nagdalawang isip na sagutin muna yung tanong ko bago sya sumakay. Kaya nahalata ko din na iniiwasan nya ko.

 

Ano bang meron sa kanila ni Elmo at palagi silang magkasama?

 

[42]

Ilang araw na rin ang lumipas ng huli naming pagkikita ni Julie. Kahit na may usapan kami na ililibre nya ko para bumawi sa favor na ginawa ko para sa kanya. Sa totoo lang, hindi lang naman ako ang gumawa nun. Kaso hindi ko naman masabi sa kanya, dahil kasasabi ko lang kay Coleen na hindi ko na sya papakialaman. Di na rin nya ako nailibre dahil nawalan na rin sya ng time. Lately lang din kasi ay naging busy na sya sa work nya bilang isang artista.

Sa araw-araw naman namin na pagkikita namin ni Coleen, para lang kaming isang bula sa paningin ng isa't-isa. We never talked that much, maliban na lang kung  may pinag-uusapan kami kasama sina Papa at Mommy at pati na rin si Kuya Owy. Ginawa ko na rin naman yung sinabi kong hindi ko na sya pakikialaman sa mga bagay na ginagawa nya o gagawin nya.

Kahit na naiinis ako kapag may nakikita akong lalaki na kasama nya. Kahit na si Quen at kahit si Elmo, pero maging sa ibang department ng school ay mga kaibigan syang lalaki na nakakasama nya. Di ko nga sya pinapakialaman pero minsan hindi ko lang talaga napipigilan ang sarili kong sundan sya.

Madalas na syang sumasama kina Liah at Angel, yung mga bullie at nabalitaan kong leader ng sororities. Nag-aalala pa rin naman ako sa kanya kahit  bawal ko na syang pakialaman. Kaya minsan ay sinusundan ko sila sa bar na pinupuntahan nila.Madalas na syang ginagabi, pero lagi ko lang syang pinagtatakpan.

"Sige babe. Yeah. Aight. See you there. Bye Iloveyou.." si Elmo.

Now that I could see him in my own eyes, hindi ko na maitatangging sya yun. Kausap nya ang girlfriend nya, then who is his girlfriend?

Sinundan ko sya hanggang makarating kami sa parking lot ng school. Sumakay sya dun sa kotse nya na dala-dala nya nung huli syang pumunta sa bahay namin. Pinaandar naman nya kaagad iyon at umalis na kaagad. Hindi ko naman sya magawang sundan dahil hindi pa naman ako pinag-dradrive ng sariling kotse kahit na nakuha ko na ang license ko. Di ko rin alam kung kelan ako papayagan. Until now kasi, hatid sundo pa rin talaga ako.

"Uy!Lance!" napalingon na lang ako sa tumawag sa pangalan ko.Nakita ko naman si Ully na papalapit sakin, kasama nya si Chris Yuan. Isa sya sa mga nagiging classmate ko sa ilang subjects ko, sya rin yung pinakamatalino sa pagkakaalam ko. Bakit naman kaya kasama nya si Ully?

"Oh Ully."Maikling sagot ko kay Ully tapos tinapik na nya ko sa braso ng makalapit na siilang dalawa sakin.

"Nabalitaan ko, kasali ka sa Growling Tigers ah?Bakit di mo naman sinasabi samin?" nagulat na lang ako bigla sa sinabi nya. Hanggang ngayon kasi ay itinatago ko pa rin yun kina Mommy at Papa. Pati na rin kay Kuya. Si Coleen nga lang ang nakakaalam dahil sya ang pumirma dun sa waiver at pati na rin si Chi dahil isinama sya ni Coleen nung nagpractice kami.

"Ah- Ano,sino-sino ng mga nakakaalam?"nauutal na tanong ko.Kinakabahan ako, kasi baka malaman ni Kuya at makarating kay Mommy. Nakakapaglaro namna kami ni Kuya ng basketball sa court sa subdivision, pero sandali lang yun at hindi ako masyadong napapagod. Kaya okay lang kay Mommy, pero simula nung araw na naaalala ko. Hindi na nya ko pinapasali sa kahit na anong sports.

"Huh?"  clueless  na tanong ni Ully. "Ahh, kakaalam ko lang nung isang linggo. Nakwento sakin ni Chi, di ko alam kung sino ng may alam. Bakit? Bawal bang may makaalam? Bakit pre, may pinopormahan ka bang chix dun? Ireto mo naman ako." Nakangising sabi nya habang tinatapik tapik pa ako.. Tss.. wala namang babae sa basketball team no.

"Ully, wag mong sasabihin kahit kanino ha.."bigla na lang napaangat ang isang kilay nya.

"Bakit?"nagsalubong na lang bigla ang magkabilang kilay nya.

"Basta... ha?"tinapik ko sya sa braso nya."Sige, una na ko.."tatalikuran ko na sana sya para makaalis pero humawak syang bigla sa braso.

"Teka bro, papakilala ko nga pala to sayong kasama ko." Napatingin naman ako kay Chris Yuan.

"Kilala ko na sya bro,classmate ko sya sa other subject. Chris Yuan di ba?"tumango naman sya pero hindi nagbago ang expression ng mukha nya.

"Gege." Itapik ko sa kanilang dalawa at tinalikuran ko ulit sila.

"Teka bro." sa uniform ko naman kumapit si Ully. Tsk, konti na lang maiinis na ko. "Pinsan ko tong si Chris. Gusto nya sanang sumali sa grupo, okay lang sayo?Itatanong ko sana sa lahat ng members kaya kasama ko sya ngayon." Huh?Sya?

"Ikaw Ully, joker ka." Ngumisi lang ako at tumalikod na lang ulit ako. Naglakad na ko palayo ng marinig kong sumigaw si Ully.

"Oy Bro!Seryoso yun!" si Chris Yuan?yung nerd na yun? Pshh. Joker talaga yung si Ully, pero di nakakatuwa yung biro nya.

Dumertso na ko sa classroom ko at like the usual nagklase kami.

"Pst. Pre"

Sa pagka-annoy ko dun sa nagsasalita ay nilingon ko ito. Nakita ko si Quen na nakatingin sakin sa may kanang upuan ko. Kinunutan ko sya ng noo at binigyan ko sya ng clueless na expression.

'oh?'

Ngumisi sya at inihagis sakin ang isang papel na crumpled. Inabot ko naman yun at ibinuklat, nakita ko na lang na may nakasulat sa loob.

 

Pwede ko na ba ngayong ligawan si Coleen?

Sht.. Ano to?

Binalikan ko ng tingin si Quen at nakita kong nakangisi lang sya sakin. Napatingin ako sa teacher namin na patuloy lang naman sa pagtuturo. Tumingin ulit ako sa papel na sinulatan ni Quen. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pakiramdam ko may bigla na lang sumakit sakin, pero hindi ko alam kung san galing.

Anong isasagot ko sa kanya?

Binalikan ko ulit ng tingin si Quen at bigla na lang syang nagthums up sakin habang nakangiti. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga ng malalim. Quen is a friend of mine. Tinutulungan nya ko kapag nalalagay sa panganib si Coleen. Isa syang mabuting tao. Why am I bothered to let him court her? I mean, kapag hinayaan ko syang manligaw kay Coleen. Hindi ko na sya kailangan pang sundan, hindi ko na kailangang mag-alala pa sa kanya, at lalong hindi ko na rin sya mapapakailaman pa.

If there's someone na magtratrato ng maayos kay Coleen, alam kong si Quen yun..

'Ge lang.'

Maiksing salitang isinulat ko dun sa papel at inihagis ulit yun papunta kay Quen. Hindi ko na nagawang tignan pa sya. Dahil may naramdaman na naman ulit ako kumirot sa dibdib ko.

[43]

"Sigurado kang ayaw mo magpahatid?" tanong sakin ni Quen habang nakasakay sya sa kotse nya. Gusto nya kasi sana akong ihatid pauwi dahil walang susundo samin ngayon ni Coleen. Si Coleen naman tinext ako na hindi daw sya maaga makakauwi dahil may group project daw sila. Asa naman akong totoo yung sinabi nya. Alam ko naman na araw-araw ay sumasama sya kina Liah at Angel. Di ko naman alam na kung saan sila pumupunta,basta pinaninindigan ko lang yung napag-usapan naming dalawa.

"May dadaanan pa ko. Salamat na lang.." sagot ko, sa totoo lang ayaw ko rin namang ihatid nya ko sa bahay. Naiinis din kasi ako sa kanya, pero hindi ko naman magawang magalit dahil isa syang mabuting kaibigan sakin.

"Sige pre, ingat." Kasabay ng pagkaway nya ang pagpapa-start ng kotse nya at umalis naman kaagad sya. Ako naman, nalakad na palabas ng school.  Habang naglalakad ako ay nakita ko lang si Chi at Nicole na magkasama, sila na lang palagi ang nakikita ko ngayon na magkasama. Dahil busy rin naman si Julie sa pag-aartista ay ilang araw lang ang schedule nya sa pagpasok sa school.

"Chi!Nicole!" tawag ko sa kanilang dalawa habang papalapit ako. Napalingon naman kaagad sila.

"Uy, Oli- este Lance."paglilinaw ni Chi sa sinabi nya. "Bakit?"

"If you're looking for Coleen. She's not with us. Malimit na syang sumama samin and we didn't know why." Masungit na pagkakasabi ni Nicole at siniko naman kaagad sya ni Chi.

"uhmm. Si Coleen, may-may group project daw sila ng ibang classmates namin. Di ba Nicole?" nakangiting sabi ni Chi na halatang fake naman. Sinimangutan naman sya ni Nicole at agad na ngumiti ng fake sakin.

"Don't worry guys, I know where she is. At pansin ko din na hindi na kayo palaging magkakasama." nagkatinginan lang naman ang dalawa matapos kong sabihin yun .

"Sure ka Lance?" nagtatakang tanong ni Chi.

"Yeah. Why?"

"Alam mo ba kung kanino sumasama si Coleen?"tanong ni Chi at tumango naman ako. "And you don't even bother about it?"

"She's with Liah and Angel. Kilala mo ba mga yun?" pagsabat naman ni Nicole sa sinasabi ni Chi. "kapatid ba talaga turing mo kay Coleen?Wala ka man lang concern sa kanya?"

"Nicole.. stop." Napahawak na lang si Chi sa braso ni Nicole.

Nagkatinginan lang ulit yung dalawa.Hindi ko alam kung paranoid lang ba ko, pero parang may pinag-usapan silang dalawa sa isip nila.Mga babae talaga oh.

"Bakit mo kami tinawag?"pag-iiba ng topic ni Chi.

"Alam nyong kasali ako sa basketball team di ba?" sabay naman silang tumango. "Please don't tell anyone about it, okay?"

"huh? Bakit naman?" tanong ni Nicole.

"Pero, nasabi ko na kasi kay Ully eh.." sagot naman ni Chi.

"I know, basta.. don't tell anyone. Kahit kay Kuya Louis. Okay?"

"Okay?" maiksing sagot nilang dalawa.

"Thank you"tinapik ko silang dalawa tsaka ako umalis.

Sumakay naman kaagad ako ng jeep para pumunta sa mall. Feel ko lang pumunta dahil gusto kong aliwin ang sarili ko sa ibang bagay. Dumertso ako sa world of fun at naglaro ng dance revo. Eto kasi kadalasan naming nilalaro ng chicser kapag nagpupunta kaming mall. Wala namang pumapansin sakin dahil mag-isa lang ako. May ilang nanonood lang dahil school hours pa ay wala pa masyadong estudyante.

Natapos ko naman ang pagsasayaw at A ang result, nakarinig pa ko ng ilang palakpakan pero napaupo n alang ako doon sa sobrang pagod. Nakakapanibago, dati naman hindi ako madaling mapagod pero habang tumatagal. Humihina resistensya ko. Kallangan ko na yatang magkaron ng healty living.

Nagulat na lang ako ng biglang may babaeng lumapit sakin. She's wearing a uniform, green skirt.

"Okay ka lang?" napatingin na lang ako sa mukha nya. She looks really worried. "Lance?"

"Yeah, I'm okay Jericha.." tumayo naman ako at ganun din naman sya. Pumunta kaming dalawa sa gilid at umupo sa isang bench. Inabutan nya ko ng panyo pero tinignan ko lang yun.

"Don't worry. Hindi ko pa nagagamit yan.."nakita ko syang ngumiti. Pero hindi naman yun ang naiisip ko.Meron naman akong sariling panyo kaya may pamunas ako sa pawis ko.

"I'm okay.." humawak ako sa kamay nya at itinikom yun. Binitawan ko naman kaagad yung kamay nya at kinuha ko yung panyo ko na nasa bulsa para ipahid sa namamawis kong mukha. Hinihingal pa din ako na hindi ko naman inaasahang mangyayari sakin.

"You looked so tired. Ilang beses ka ba naglaro?" tanong nya habang pinupunasan ko lang naman ang pawis ko. Isang beses pa lang naman ako naglalaro, pero ganito na lang yung reaksyon ng katawan ko. I feel so tired. Gaya nga ng sinabi nya.

"isang beses pa lang.."

"oww.."

"siguro pagod lang ako, galing din kasi akong school.."

"hmm.. that's why.."

"Ikaw, who's with you? Boyfriend?"

"Huh? No no no!" napatingin ako sa kanya at iwinawasiwas pa nya yung kamay nya sa harap ko. "Umm, kasama ko sina Yuuki at Shanaih kanina. Remember them? Pero nauna na silang umuwi eh. Iba kasi yung way ko. Then, I was waiting for someone to pick me up.."

"your boyfriend?"

"No, my dad." Nakangiti nyang sagot.

"ahh.." maikling sagot ko.

"Ikaw? Kasama mo yung kapatid mo? " binigyan ko naman sya ng clueless na tingin. "uhh.. Coleen?The girl you was looking for at the party? She's your sister right?"

"ahh.. yeah. But she's not with me right now."

 

Bakit naman kaya si Coleen ang naisip nya na kasama nya ko ngayon.

"Okay, so mag-isa ka ngayon?"tumango naman ako..

"I guess.."  napangiti naman sya.

"Do you wanna hang-out with me. " binigyan ko lang sya ng seryoso look. " Parehokasi tayong walang kasama sa mall. I mean ikaw, naglalaro lang dito. Tapos ako, naghihintay sa Daddy ko.Why don't we hang-out for a little bit?"

"Di ka ba naiilang?Hindi pa kasi tayo ganun ka-close di ba?"

"of course not." Tumawa naman sya. "were friends right? Just like that. It's not a date okay?"pagngiti nya ay nakita kong lumabas ang dimple nya. Cute din pala syang ngumiti.

"okay, sabi mo eh."nginitian ko na rin lang sya.

[44]

 

I don't know why, pero ilang minuto lang na makasama ko sya parang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Parang sa mga ginagawa namin may naalala ako.

"uy Lance, are you okay?" tinignan ko naman si Jericha at nakita kong clueless ang mukha nya. "Bakit kanina ka pa nakatingin sa dress na yan? Don't tell me, type mo yan?" sabay tawa naman nya.

"Huh?No.. of course not.."  tinignan kong ulit yung damit bago ko ibalik ang tingin ko sa kanya. "ahh tara.." tumingin ako sa ibang direksyon at tumuloy na sa paglalakad.

"Uy Sir.. nandito ulit kayo?" tanong sakin ng isang babaeng saleslady na malapit din sa kinalalagyan nung dress kanina.

Ulit?I don't remember that I've ever been here. I mean, girls dress corner to. Di naman siguro ako magwewaste ng time pagtingin sa mga pangbabaeng damit.

"You've been here Lance?" tanong sakin ni Jericha na may pagtataka sa mukha. "May binilhan ka ng dress noon?"napakunot naman ang noo ko. I don't know, I don't remember anything.

"Sir, nakalimutan nyo na po?Ako po yung kumuha nung size para sa kasama nyong babae." Kinuha naman nya yung dress na kanina lang ay tinitignan ko."eto pa nga po yun eh. Last stock na po namin to. Kaso last year pa tong style na to kaya wala na siguro nagkakagusto."

I've been here with a girl, Last year?

"Ahh.. umm.."nakaramdam na lang ako bigla ng pagkirot sa ulo ko. "Nagkakamali ka, hindi ako yung tinutukoy mo.." mariing sabi ko sa saleslady at tinalikuran ko silang dalawa ni Jericha.

"Hey wait!Lance!"nagdire-diretso lang ako sa paglalakad ko hanggang sa maabutan na ko ni Jericha at hinawakan nya ko sa braso ko. Samantalang ako, nakahawak pa rin sa ulo ko at iniinda yung kirot na nararamdaman ko sa ulo ko. "Lance, is there a problem?" tumingin ako kay Jericha at ibang tao ang nakita ko. It was blurry, pero malinaw sa paningin ko na si Coleen yung nakikita ko. "Lance... hey Lance.. speak up. Are you okay?" ikinurap kurap ko ang mata ko, hanggang sa luminaw na ulit yung paningin ko.

"Jericha.." maikling banggit ko sa pangalan nya.

"Yeah, ako nga Lance.Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"worried na tanong nya. Kumurap-kurap naman ako, nawawala na rin ng tuluyan ang sakit ng ulo ko.

"I'm Okay Jericha.."hinawakan ko sya sa magkabilang braso nya. "I'm sorry, but I have to go first."kumunot naman ang noo nya.

"it's okay. Pero okay ka lang ba talaga?Gusto mo, hintayin na natin Daddy ko. Ihahatid ka na lang namin.." umiling naman ako.

"I'm okay Jericha. Magta-taxi na lang siguro ako." Binitawan ko ang magkabilang braso nya. "S-sorry, bye.." tsaka ko sya tinalikuran at naglakad ako ng mabilis. Masakit pa rin yung ulo ko, at panandalian lang pala nawala kanina.

 Sumakay ako ng taxi at agad na dumertso pauwi sa bahay. I didn't expect that to happen earlier,iniinom ko naman ang gamot ko sa oras at hindi din ako pumapalya sa pag-inom nito.

"Lance.." napatingin naman ako sa sofa. Huminto naman ako at nakita ko si Kuya Louis na nakaupo roon at may hawak na libro. May cover yung book nya ng brain, siguro about yun sa mga deseases sa brains. Sheesh, medical students  nga naman.

"Oh Kuya." Maikling tawag ko sa kanya.

"San ka galing? Mukha kang pagod?" napalunok naman ako. Napatingin ako sa ibang dereksyon, nag-isip ako ng palusot na isasagot sa kanya. "Umm..galing ako kina Quen. Naglaro lang sandali ng basketball.." sabay ngiti ko ng fake sa kanya.

"Quen?pumunta sya kanina dito. Hinahanap ka? Sigurado ka Lance?"

Sht. Bakit nama pumunta dito si Quen,walanja. Ako ba talaga hanap nun? Baka si Coleen?Nahiya lang kay Kuya? TSK!

"AHH! Kahapon pa pala nangyari yun!" napatalikod ako sandali at tsaka ako lumingon ulit kay Kuya. "Oo!Tama!Tama kahapon!" nakita ko naman ang pagsalubong ng dalawang kilay nya. "Masyado na kong makakalimutin kuya eh!" sabay tawa ko ng fake"Dun pala sa isa kong classmate!Nagyaya ng basketball eh. "

Tumango naman saglit si Kuya.

"Bakit namumutla ka?May masakit ba sayo Lance?"

"Huh!? Wala ah!" sabay tawa ko ulit ng fake sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman no!" ngumisi naman ako. "sige Kuya, pagod ako. Papahinga na ko."

"Okay Sige.."tinalikuran ko na sya para umakyat sa hagdan. Pero bigla akong napaisip dahil dun sa binabasa nya.

"Ah, pwedeng magtanong kuya?"tumingin sya ulit sakin.

"Ano yun?Tungkol saan?"

"May classmate kasi ako, madalas syang nakakaramdam ng pagkirot ng ulo nya. O kaya naman, panlalabo ng mata nya. Madalas din syang makalimot at pabago-bago din ang mood nya. Normal lang ba yun?"bigla na nagsalubong ulit ang noo ni Kuya.

 "I can't say it's normal Lance. I think, he needs to go to the specialist." Pero 2 times a mont or two times a week na ko kung pumunta sa doctor. And the Doctor told me that I'm okay. Psh. Why am I worried about it, sinabi na nga ng doctor na okay na ko di ba? I shouldn't worry about it.

"Ahh.. okay salamat.." dumeretso na ko sa hagdan at narinig ko na lang na may sinabi si Kuya.

"Kung may nararamdaman kang masakit sayo! Don't even bothered to ask me!"

Hindi ko na rin naman sya pinansin nun at tumuloy na ko sa kwarto ko.

 

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa kwarto ko ay nadaanan ko pa ang kwarto ni Coleen. May naririnig akong sounds mula sa loob, kaso hindi ko masyadong marinig kaya lumapit ako sa pinto nya at idinikit ang tenga ko sa pinto.

 

"When I close my eyes, then I realize with you I wanna be

And with open arms I'm waiting for the hour for the time that you we'll see

See and feel the love we deserve to have, you and I are meant to be

When I close my eyes, you are here with me."

 

One of the songs ni Julie na napakinggang ko nung isang linggo. I didn't know that she's interested on her songs too. Nagulat na lang ako ng Ilang sandali pa ay nawala ang sounds na yun at napalitan ng mga paghikbi.

Umiiyak ba sya?Bakit?

I want to knock her door. Pero napasandal na lang ako sa pintuan nya habang pinapakinggang ko ang paghikbi nya habang lumuluha sya..

Napayuko na lang ako at napahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ito kumirot. Pero naramdaman ko na lang iyon habang naririnig ko ang paghikbi nya.


Why I can suddenly feel her pain right now?

Продолжить чтение

Вам также понравится

371K 552 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
892K 11.7K 83
Republished
13K 352 44
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
1.7M 71.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...