Campus Nerd To Campus Princes...

By deliixx

18.8M 295K 48.6K

Published under Pop Fiction More

PROLOGUE
Chapter 1
About The 5 Campus Angels (CIELO)
About the 5 Campus Angels (Sofie)
About The 5 Campus Angels (Tracy)
About The 5 Campus Angels (Qim)
About The 5 Campus Angels (SHAYNE)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23 (Their Sides) Part 1 and 2
Chapter 23 (Anae's side) Part 3
Chapter 23 part 4
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 25 (Part 3)
Chapter 25 (Part 4)
Chapter 25 (Part 5)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30.5
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Epilogue

Chapter 75

114K 2.2K 603
By deliixx

“Ah e-ewan ko sayo! Dyan ka na nga!” sigaw ko at umalis habang sya ay tumatawa

Anong nakakatawa?! Nakakatawa ba kapag nalaman ng mahal mo na may fiancé sya?! God! Sira ata tuktok nito e.

Lumabas ako kung nasaan ang mga iba, nakapalibot sila sa apoy. Tumabi ako kay Qim at Cielo, maya-maya dumating na si Keith at umupo sa harap ko. Bakit ang hilig nyang umuupo kaharap ko? Tapos ano? Tititigan nya ako buong oras. Grabe…

 

“Okay, ano kayang pwedeng pag-kwentuhan?” tanong ni Sofie, eto na ang umpisa ng mahaba habang usapan.

 

“Shayne, natatandaan mo nung bata pa tayo?” tanong ni Cielo, ano nanaman kaya yun?

 

“Nung pinag-f’flames mo pa ang pangalan nyo ni K-“ hindi ko sya pinatapos mag-salita, tinakpan ko agad ang bibig nyang madaldal

 

“K daw! Wooh!” sigaw ng mga boys at pinag-tulakan si Keith hanggang sa matomba sya sa kinakaupuan nya

‘Tong mga ‘to, porket K lang si Keith na agad? Pwedeng Kristof? Kean? Pero totoong si Keith talaga yun. Hahaha. Sobrang crush ko sya nung elementary kami at alam kong hindi nya ako magugustuhan dahil sa weird look ko kaya hanggang flames na lang ako. Hahaha.

 

“Ah! I remember! Nung elementary pa tayo pag nag-t’truth or dare, laging tanong sayo kung sino ang crush mo at sinasabi mong nag-sisimula sa S. Hmm… Sino kaya yun?” tanong ni Kevin na nakahawak sa baba nya

 

“Shut up Bro!” hinagis ni Keith ang dala nyang bote kay Kevin

 

“So the feeling is mutual simula elementary?” tumawa sila at inasar kami. Itong dalawang katabi ko naman na sina Cielo at Qim ay kinikiliti nila ako sa tagiliran.

 

“Ikaw Cielo kung makapag-salita ka dyan parang hindi ka kinilig nung hinalikan ka ni Zander nung bata pa tayo.”

Natandaan ko nung mga 6 years old kami nung nakilala namin sina Keith at Zander sa playground ng isang subdivision, gumagawa kami ni Cielo ng sand castle noon ng may grupo ng malalaking bata ang sumipa sa castle na ginawa namin, syempre umiyak ako nun pero etong si Cielo handa ng lumaban ng biglang may dalawang lalaki na kasing edad lang namin ang humarap sa mga malalaking lalaki, natatandaan ko yung mga mukha ng mga jumbo boys nung nakita nila kung sino ang pumagitna sa amin at tumakbo na.

Hindi pa nga ako tumatahan sa pag-iyak kahit wala na yung mga jumbo boys kaya pati yung mga lalaking lumigtas sa amin cinomfort ako, at doon namin nalaman na Keith at Zander ang pangalan nila. Natatandaan ko pa nga na nag-promise ako kay Keith pero nakalimutan ko na kung ano yun. At bandang huli, hinalikan ni Zander si Cielo sa pisngi bilang good bye kiss.

Ayaw nga nya maligo nun kasi kiniss daw sya ng crush nya.

Tinignan ko si Keith na nakatitig sa apoy, gumwapo talaga sya. Pumuti tapos isali mo pa ang brown hair nya, nag-gym rin siguro ‘to kaya ganito ang katawan, naging firm ang muscles nya. Nag-iwas ng tingin nung lumingon sya tapos tumawa. Gusto kong lamunin ako ng buhangin! Nakita nya akong nakatitig sa kanya!

Nag-kwentuhan kami doon hanggang maisipan naming mag-movie marathon ulit. Kinabukasan, naisipan nilang pumunta sa water falls kaya nag-bihis kami ng sando at board shorts. At dahil by pairs ang pag-akyat, ako ang nasa dulo at si Keith syempre.

 

“Do you need help?” tanong nya, umiling ako. Inayos ko ang pag-kakabuhat ko sa bag na puro pagkain ang laman. Naisipan kasi naming doon na mag-lunch

                                                                                                                                

Minadali ko ang pag-akyat kasi nahuhuli na kami sa mga iba, pero may naapakan akong malaking bato at ang resulta ang na-slide ako pero laking gulat ko nang may humawak sa likod ko at binuhat ko.

 

“Hoy! Ibaba mo nga ako!” sigaw ko pero di nya ako pinansin, tuloy-tuloy lang sya sa pag-akyat.

 

“Hold me.” Napatingin ako sakanya, diba sapat na binubuhat nya ako? Gusto nya may kasamang touch

 

“Bakit ko naman gagawin yun?” tanong ko, nakahawak ako sa bag para hindi mahulog

 

“Hold me or else we’ll fall.” Sabi nya pero di ko ginawa, gantihan lang boy.

Tumigil sya at tumitig sa akin, akala ko ibababa na nya ako pero hindi sya gumalaw. Nakatitig lang sya sa akin, ngayon ko lang napansin na isang metro lang ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa.

 

“I said hold me or else-“

 

“We’ll fall? Pwede mo naman akong ibaba.”

 

“Or else I‘ll kiss you.” Nagulat ako sa sinabi nya, automatic na nilagay ko ang kamay ko sa leeg nya.

Tahimik lang ako at ganun rin sya, patuloy lang sya sa pag-akyat at nung malapit na kami sa water fall kung nasaan ang mga kaibigan namin ay pwersahan ko syang tinulak at bumaba balak pa ata nyang buhatin ako hanggang sa falls.

 

“Hanggang dito na lang, salamat.” Sabi ko at tinalikuran sya pero hinabol nya ako at hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako pero bigla nya akong nilagpasan dala-dala ang bag na dala ko kanina.

 

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?!” Nakakahiya! Nag-assume ako na hahawakan nya ang kamay ko pero yun pala kukunin lang nya ang bag

 

“Wag ka ng mahiya, alam ko namang gusto mong hawakan ang kamay ko.” Bumalik sya at hinawakan ang kamay ko.

 

“H-hindi ah!” sinubukan kong tanggalin ang pag-kakahawak ng kamay namin pero masyado syang malakas

 

“Uy! Ano yan?!”

Patay! Nakita nila kami na magkahawak kamay!

 

“W-wala.” Sabi ko at inagaw ang kamay ko kay Keith

Tinignan ko sila isa-isa, tahimik lang sila pero halata sa mga mukha nila na naka-ngisi sila.

Pagkatapos ilapag ang mga pagkain ay tumakbo agad kami papunta sa falls, yung mga boys naman ay nag-sitalunan sa ilog.

Nakasandal lang ako sa malaking bato habang may bumubuhos na malamig na tubig mula sa itaas.

 

“Ahhh!” napasigaw ako dahil may humawak sa paa ko

 

“Shhhh.” Napatalon ako ng biglang sumulpot si Keith mula sa ilalim

 

“What the- Bakit ka nandito?!” tanong ko pero disya nag-salita, sumandal sya sa tabi ko. Bigla tuloy akong nailang dito sa katabi ko

 

“What’s the problem? I own this island, I own this land, I own everything who stepped in this island including you.” Tinignan ko sya sa mata at umiwas ng tingin. Fudge! Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko dahil sa sinabi nya. Ano ‘to? Bakit ako kinikilig sa isang salita lang nya? Dapat mainis ka Shayne, kailangan mo syang pahirapan kahit mahal na mahal mo sya.

 

“Pati sina Cielo?” tanong ko ng nakangisi

 

“May sinabi ba ako? Ang alam ko ikaw lang e.” sabi nya at lumingon sa akin, kung kanina ako ang nakangisi ngayon naman sya ang nakangisi at ako naman ang nakasimangot

Ewan ko sayo Keith Tyson, masyado kang possessive.

 

“Bess! Mommy mo tumatawag!” sigaw ni Qim at winagayway ang phone ko na nag-riring.

 

“Papunta na!” umahon ako at iniwan si Keith, bahala sya sa buhay nya!

Tinignan ko muna si Keith bago ko sinagot ang phone, as usual nakasimangot sya.

“Hello Mom?”

 

“How’s your trip? Are you okay?” tanong nya, ayos dito sa island na ‘to ah, may signal

 

“I’m fine.” Sabi ko “Mom, I have something to ask.” Tanong ko, matagal na ‘tong nanggugulo sa utak ko at alam nyo na kung ano yun

 

“Hmm?”

 

“About my fiancé, you said that he’s here in France right? When will I meet him?” Gustong-gusto ko na talaga syang makilala, gusto ko syang makita as soon as possible para sabihin na may iba akong gust, at si Keith yun. Pero paano? Pinag-kakait ata ako ng mundo sa fiancé ko na ilang buwang di ko pa nakikita.

                                

“Soon dear, soon.” Sabi nya at pinatayan ako

 

“Ganyan kana ba ka despiradang makilala ang fiancé mo?” napatalon ako sa nag-salita sa likod ko

 

“Wag ka ngang nag-e’eavesdrop!” sinapok ko sya ng sinapok

 

“Aray!” sigaw nya at hinawakan ang kamay ko

 

“Masakit na ah!” sigaw nya, hindi parin nya binitawan ang kamay ko

 

“Bagay nga sayo!” sabi ko, aalisin ko na sana yung kamay ko pero lalo nya pang hinigpitan ang pag-kakahawak nya sa kamay ko

 

“Wag mong hawakan ang kamay ko.” Sabi ko at pinilit na tanggalin ang kamay ko sa kamay nya

 

“Sa iba nga yakap e, hawak lang sa kamay ang gusto ko ipag-kakait mo pa.” sabi nya ng nakasimangot, sinong kayakap ko?

 

“Si Jake ba ang tinutukoy mo?” Sya lang kasi ang lalaking kayang yakapin ako

 

“Bakit may iba pa ba?” Bakit biglang sumungit ang isang ‘to?

 

“As if! Tska kaibigan ko yun.”

 

“Kaibigan ba nga talaga?” narinig kong bulong nya

 

“Hoy narinig ko yun!” sinapok ko sya ulit gamit ang kabila kong kamay pero this time nakaiwas sya

 

“Kung kaibigan mo sya, e ano ako?” napatigil ako sa sinabi nya, ano ba sya sa akin? Stranger, Friends, or more that friends?

 

“Anoooo?” napatalon ako sa sobrang lapit ng mukha namin, bigla ko syang nasapok dahil sa sobrang gulat ko

 

“Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!” sabi ko at binawi ng malakas ang kamay ko kaya nabitawan nya at noon ako nag-walk out

Dalawang oras na ang nakakalipas at naisipan na naming umuwi dahil delikado kung gabihin kami dito. Mag-s’stay kaming lahat sa living room, last day na namin dito kaya susulitin na daw namin. Naliligo pa ang mga iba, pumwesto ako sa dulo ng pabilog na sofa dahil ayoko ng hot sit kung sakaling mag-tatanungan sila sa kung ano anong bagay.

May biglang tumabi sa akin na asungot at alam nyo na kung sino.

 

“Sino ba si Jake?” nagulat ako sa tanong nya. Ano bang meron kay Jake at kanina nya pa ao tinatanong tungkol sakanya?

 

“Bakit? Crush mo?” biro ko sakanya pero di sya tumawa o ngumiti man lang, poker ang mukha nya halatang seryosong seryoso sya sa tinatanong nya

 

“Kidding! Kaibigan ko lang sya.” Tumango-tango sya sa sinabi ko, parang di sya convince na kaibigan lang kami ni Jake

 

“Di ka ba naniniwala?” tanong ko pero ngumisi lang sya

“Bakit? Nag-seselos kaba?” bigla syang humarap sa akin at kinulong ako sa dalawang braso nya na nakapatong sa gilid ko

 

“What if I am? Iiwasan mo ba sya?” tanong nya, seryoso ba sya? Si Jake ang pinag-uusapan namin dito, sya yung taong nagpasaya sa akin kapag malungkot ako

 

“Bakit ko naman gagawin yun?” tanong ko, hindi ako makagalaw dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. One bad move ay baka mahalikan ko sya.

 

“I just said it, nag-seselos ako kaya dapat mo syang iwasan.”

 

“I can’t do that!” tinulak ko sya pero di sya natinag, nakakulong parin ako sa dalawang braso nya

 

“Bakit Shayne? Hindi ba sapat na nag-seselos ako kaya dapat mo syang iwasan?” tanong nya na kinainisan ko

 

“You know what? Ang selfish selfish mo. Si Jake ang nandyan nung time na iniwan mo ako, sya ang nag-papasaya sa akin kapag malungkot ako and now that you’re back papaiwasan mo sya sa akin? You can’t do that Keith, kahit mahal kita hindi ko pwedeng gawin yun kay Jake.” Sabi ko, tinulak ko sya at iniwan syang mag-isa doon. Mag-kukulong na lang ako sa kwarto.

 

“Shayne?” tawag sa akin nina Cielo, tinanguan ko sila at nilagpasan sila papunta sa kwarto ko

Nag-kulong ako sa kwarto ko, naririnig kong sinisigaw nila ang pangalan ko mula sa baba pero di ako lumabas. Ayaw ko syang makita ngayon, gusto nyang inwasan ko si Jake dahil lang sa nag-seselos sya? No way, Jake is my friend. I can’t afford to lose one of my friends dahil lang sinabi nya.

Nandyan na si Jake simula pa lang, sya ang nag-tatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin at sya rin ang nag-papasaya sa akin kapag malungkot at umiiyak ako.

Di nya ba naisip na dapat pasalamatan nya si Jake? Kasi si Jake ang laging nandyan para sa akin, na kapag may problema ako uuwi agad sya sa Pinas galing ibang bansa para icomfort lang ako. Ngayon ko alng naisip, sa lahat ng tao bakit si Keith ang minahal ko? Di na lang si Jake na from the start ay nasa tabi ko. Yung sure na hindi ako sasaktan, bakit si Keith pa?

Kahit alam kong niloko nya ako nagawa ko parin syang mahalin.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang umiiyak. Pag gising ko sa sikat ng araw, nakakasilaw. Agad akong bumangon, pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan sina Cielo pero laking gulat ko ng maling kwarto pala ang napasukan ko!

 

“S-sorry!” sigaw ko

Nakita ko si Keith na umiinom ng kape habang nakatingin sa balcony ng kwarto nya. Topless sya at naka boxer shorts lang. First time ko syang nakitang ganyang ang suot kaya gulat na gulat ako.

 

“W-wait!” sigaw nya at pumasok sa kwarto, para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Halatang kagagaling lang nya sa workout, kitang kita ko ang pawis na namumuo sa muscles nya. Napalunok ako, sa isang taon na hindi kami nag-kikita ang laki ng pinagbago nya

 

“Sorry, nag-kamali ako ng kwarto.”  Sabi ko, lalabas na sana ako sa kwarto nya ng bigla nya akong hinila paharap sa kanya at niyakap

 

“Sorry kagabi, nadala lang ako.” Napaatras ako, masyadong akong malapit sa abs nya

 

“O-okay lang.” sabi ko, unti-unti akong umaatras mula sakanya

 

“Why are you so kind Shayne?” sabi nya at niyakap ulit ako “Sorry kung pinaiyak kita kagabi.” Sabi nya at hinalikan ako sa noo

Sa sobrang taranta ko dahil sa abs nya, tumakbo ako palabas ng kwarto nya. Bakit alam nyang umiyak ako kagabi? Ibigsabihin pumasok sya sa kwarto ko habang tulog ako?

Busy ang lahat sa pag-iimpake habang ako ay nakaupo sa harap ng dagat. From the start, wala naman akong damit na dinala at nakakahiya naman kung iuuwi ko yung mga yun. Suot ko ang damit na sinuot ko nung pumunta kami dito, nilabhan ko ‘to kahapon.

Nagkuhanan sila ng picture para ipost sa kanya kanyang insta at facebook. At nung dumating na ang yate ay inalalayan ng mga boys ang mga girls sa pag-akyat.

“Ako na.” sabi ko ng inilahad ni Keith ang kamay nya sa akin, pero hinawakan nya parin ako at niguide paakyat sa yate. As usual, puro asaran nanaman ang mga kaibigan namin

 

“Ligawan na yan ulit!” sigaw ni Royce nasa likod ni Keith

 

“No need cause from the start she’s mine.”

 

~

 

“Tita!” sigaw ni Eya, ang 3 years old kong pamangkin, tumakbo papunta sa akin. Kinarga ko sya at kiniss nya ako sa pisngi

 

“How are you?” tanong ko

 

“Fine~ Mommy is there with my baby brother!” sigaw nya at tinuro ang isang fast food restaurant

 

“Okay, ibababa na kita.” Sabi ko at binaba sya, masyado ng mabigat si Eya.

Pag pasok ko, nakita ko si Ate Rachel karga-karga si Miguel. Kiniss ko sya sa pisngi at ganun din sya sa akin

 

“How’s your fiancé?” tanong nya, kalat na sa pamilya namin ang tungkol sa fiancé ko. Sabi nila maswete daw ako sa mapapangasawa ko kasi mayaman at tagapagmana ng kompanya nila

 

“Ayun, di ko parin sya nakikilala.” Sabi ko, dalawang araw na ang nakakalipas simula ng umuwi ako pero di parin nag-paparamdam ang magaling kong fiancé.

 

“Sasabihin ko na sayo! Ang gwapo nya! Ang hoooot!”

 

“Ha? Nakita mo na sya?”

 

“Oo! Kahapon lang. Bumisita sya sa bahay at pinakilala ang sarili nya sa amin bilang fiancé mo. Oh my god! He’s totally hot!” May asawa at dalawang anak na nyan sya ah? Pero kung umasta parang teenager. Pero sabagay 24 years old palang naman sya.

“Talaga?” iniimagine ko kung anong itsura ng fiance ko pero ang tanging nasa utak ko lang ay yung muhka ni Keith isali mo pa ang well defined abs at muscles nya na tugmang-tugma sa salitang abs.

May dinner kami with the whole family, hindi mo pwedeng palagpasin ang ganitong event dahil twice a month lang ‘to nangyayari. Summer and Christmas eve.

Lumabas kami at nakita namin ang driver na mag-hahatid sa amin papunta sa restaurant kung saan ang dinner. Tumambad sa amin ang pinakamaunlad na hotel sa buong Europa, ang sabi ni Ate Rachel ay mag-kakaroon ng ganito sa Pilipinas.

Niguide kami ng isang matankad at maputing babae papunta sa restaurant ng hotel, pumasok kami sa VIP area at tumambad sa amin ang napaka habang mesa at napaka daming upuan, may mga iilang kamag-anak na rin ang nadito. Wala pa sina Mommy at Daddy pero si Unnie at Sean ay nandito na.

Isa isa kong hinalikan ang mga pinsan, tito at tita ko sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

 

“How are you? You look awesome tonight!” bati sa akin ni Alex, makakulay kami ng balat pero brown ang buhok nya na pinahighlight. Nakasuot sya ng floral dress at nakastilletos

 

“Same as you are.” Sabi ko at bineso sya

 

“Buti di ka late?” sabi ko, tumawa kami

 

“Syempre, minsan lang ‘to malelate pa ba ako?” lagi kasing nlelate si Alex sa lahat ng bagay, sadyang mabagal lang syang kumilos. Kadalasan tinatamad

May mga pinsan akong na may dugong british, half british half pinoy kaya ang gagwapo.

Pinakahuling dumating ay sina Grandma at Grandpa.

May kanya-kanyang usapan ang matatanda at bata.

 

“How’s Knight?” tanong ko kay Alex

 

“Ayun, babaero parin.” Sabi nya. Si Knight ang bestfriend ni Alex and take note, babaero si Knight pero may bestfriend syang babae at yun ang pinsan ko. Nakilala ko si Knight noong Grade 6 ako at grade 5 naman sila, talagang close silang dalawa pero madaming crush si Knight at okay lang yun kay Alex. Buti nga at natitiis ni Alex si Knight e.

Alam kong sa bandang huli sila ang mag-kakatuluyan, alam nyo na cousin’s instinct.

Nag-kamustahan sina Mommy at Tita at pinagusapan nila ang pag iimport nila sa mga produkto sa Macau. Natahimik ang lahat sa pakikipag-usap nung pinatunog ni Grandpa ang baso nya gamit ang teaspoon.

 

“We have guest.” Sabi nya at nag-sitayuan ang lahat. Nakatingin silang lahat sa akin ng may ngisi sa labi.

Tumayo ako at tumingin sa may entrance ng VIP area, binuksan nila ang double door at pumasok ang maladyosang babae at gwapong lalaki na nasa late 40’s.

 

“Tita?” I can’t believe it! Nandito ang mommy ni Keith?! At yung kasama nya ay ang Daddy nya?!

Kasunod nila ang isang lalaking naka white tuxedo, ibang iba sya sa nakikita kong Keith na naka-shorts at polo. Lumaki talaga ang katawan nya lalo na ang upper body nya. May hawak syang bouquet, at iilang roses. Binigay nya nag mga roses sa mga tita ko, mommy ko at kay Grandma at ang bouquet na may ay sa akin.

Wait, bakit pala sya nandito? Diba magagalit ang fiancé ko kapag nalaman nyang may ganitong pakulo si Keith sa harap ng buong pamilya ko?

Tumingin ako kay Daddy at nakangiti lang sya, isang masayang ngiti habang si Mommy naman ay naluluha na. Wait, wag nyong sabihing…

 

“Shayne Dear, meet your fiancé Keith Anthony Tyson.”

Any suggestions? Follow me on twitter @CloudPrincess24 :)

Continue Reading

You'll Also Like

111K 1.6K 101
Wattpad lines random. Don't forget to vote! Thankyou♥
29.8K 364 6
May tumulak kay Rose Anne Grandia sa ilog na muntikan na niyang ikalunod. Nagkaroon siya ng suspetsa na may gustong pumatay sa kanya. Wala siyang pwe...
1.2M 6.1K 8
AVAILABLE IN ALL BRANCHES OF NATIONAL BOOKSTORE, EXPRESSION AND BOOKSALE Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin n...
66.8K 4.4K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...