Math Camp

Von South_Paul

312K 4.5K 589

Gaano ka kasigurado na sakit lang sa ulo ang dudulutin mo sa Math Camp? Paano kung sakit at hapdi sa katawan... Mehr

Prologue
Math Camp #1 - Officially open.
Math Camp #2 - CLOFAS' true indentity.
Math Camp #3 - It's all or nothing.
Math Camp #4 - Tortured Barbies
Math Camp #5 - I still love that big-ass jerk.
Math Camp #6 - The five leaders
Math Camp #7 - Marina and friends
Math Camp #8 - "Hayop ka!"
Math Camp #10 - Lady Rebellious
Epilogue
ANNOUNCEMENT!
ANNOUNCEMENT #2

Math Camp #9 - Escaping Hell

13.1K 274 22
Von South_Paul

*THIRD PERSON’S POV*

Nagtago sa likod isang shelf ang mga HUACS habang si Ellipse naman ay nangangailangan ng tulong. Ang lahat ng HUACS ay mayroong mga sandata kaya siguradong makakalaban sila. Dahan-dahan silang lumapit sa sumisigaw. Alam ni Quetzal na si Ellipse yun dahil magkaibigan sila kahit na iniwan niya si Ellipse mag-isa.

Nilabas ni Roel ang isang kutsilyo. Ang kutsilyo na pinampatay siya kay Yvonne. Paabante si Roel habang si Ellipse naman ay paatras. Hindi alam ni Ellipse kung paano siya lalaban, wala na man siyag armas na hawak at kung gamitin niya ang kanyang sariling panlaban, alam niyang mapapahamak lang siya.  Pero susubukan niyang lumaban. Sinipa ni Ellipse ang tuhod ni Roel dahilan para mag-bend si Roel. Sisipain niya na sana ang mukha ni Roel ngunit nahagilap agad ni Roel ang paa ni Ellipse. Tumalon si Ellipse at sinipa ang mukha ni Roel gamit ang isa niya pang paa. Naiwang nakahiga sa sahig si Roel. Dumako naman si Ellipse sa kabilang shelf para itulak ito at maglanding sa katawan ni Roel. Ngunit hindi niya ito matumba-tumba dahil mabigat ito. Laking gulat niya nang may nakita siyang kamay na tinutulak ang shelf sa kanyang kanan. Tinaas niya ang tingin niya at nakita si Quetzal. Katabi naman ni Quetzal ay si Nurse Michael. Kita sa mukha ni Ellipse ang saya dahil buhay pa ang kanyang kaibigan. Tumingin naman siya sa kanyang kaliwa at nakita ang isang tomboy at isang kakaiba ang suot, mga kasama yata ng kaibigan niya, isip ni Ellipse. Ngayon ay sabay-sabay nilang tinulak ang bookshelf at hindi naman sila nabigo. Pagkatapos nun ay niyakap ni Ellipse ang kanyang matalik na kaibigan.

“Namiss kita, Quetzal. Buti buhay ka pa. ” Bulong ni Ellipse kay Quetzal.

“Syempre ako pa! Namiss din kita, Ellipse.” Sagot naman ni Quetzal kay Ellipse. “May ipapakilala pala ako sayo.” Sabi niya at naghiwalay naman ang kanilang mga katawan sa pagyakap. “Meet Amber Liu and Patriella Perez. Kayo naman, meet Ellipse” Sabi niya at turo sa tomboy at sa may weird na outfit. “Nasaan na pala yung tinulungan mo?” Tanong niya. Tumungo si Ellipse sa pag alala ng bagong kaibigan.

“Patay na siya.” Tipid na sagot ni Ellipse.

“Sorry to break the atmosphere pero may plano ako.” Sabi ni Patiriella na kinasira naman ng mood. Napatigil sina Quetzal at si Ellipse at naghanda kami sa pagkinig.

 

“Here’s the plan, may sleeping gas dun sa inventory ng CLOFAS which is yung bus nila. Since lima tayo, dalawa ang kukuha ng bomba. Next, dalawang malakas ang loob ang susugod sa Gym para iligtas ang mga Hale University. Then yung natitirang isa satin ay kukunin ang Hale University bus para yun ang magsisilbing escape pod natin. Pag naligtas na ang mga Hale University students sa kamay ng mga CLOFAS, ipapasabog natin ang Gym ng sleeping gas para matulog ng mahimbing ang mga CLOFAS since karamahin sa kanila ay nandun and lastly pag tulog na sila, Aalis na tayo.” Paliwanang ni Patriella.

“Sino ang kukuha ng Sleeping gas? Sino ang dalawang susugod at sino ang matitira?” Tanong ni Nurse Michael.

“Nurse Michael, marunong ka ba magmaneho?” Seryosong tanong ni Patriella. Tumango naman si Nurse Michael. “Good. So ang kukuha ng sleeping gas ay ako at ikaw, Ellipse. Ang susugod ay sina Quetzal at Amber at ang mag mamanage ng bus ay si Nurse Michael. Any objections?” Sabi ni Patriella.

Nagtaas naman ng kamay si Ellipse. “Ayoko maging taga-kuha ng sleeping gas. Palit nalang kami ni Quetzal total mas maasahan si Quetzal sa mga bagay na yan.” Object ni Ellipse.

“Tama. Tagakuha nalang ako ng Sleeping gas kasi hindi magaling makipag away.” Sabi naman ni Quetzal

“Okay, magpalit nalang kayo.” Sabi ni Patriella. “So, magstart na ba tayo?” Imbita ni Patriella sa kanila.

“Wait lang.” Sabi ni Ellipse. Inubad niya ang damit niya kaya’y naka- Hale University uniform nalang siya. Kinuha niya ang Nametag ng kanyang uniforn na Lady Rebellious at sinuot ng may pagka-pride. “Let’s go.” Sabi niya at naghiwahiwalay na sila para gawin ang kanilang mga kanyang-kanyang responsibilidad.

*AMBER’S POV*

Naglalakad kami ni Ellipse papunta sa Gym ngayon. God, ang tahimik niya. Kilala ko na siya dati pa aside kasi na sikat siya sa campus, pinsan ko siya. Hindi ko alam kung naaalala pa niya ako o hindi. Napansin ko na wala siyag hawak na armas.

“Wala kang armas?” Tanong ko sa kanya. Malay mo kasi baka tinatago niya lang.

“Wala. Bakit kailangan ba?” Sabi niya. Napatigil siya sa paglalakad. Bakit siya napatigil? Agad na hinablot niya ang hawak ko na baril at pinaputok sa basurahan. Basurahan? Nag aaksaya ba siya ng bala? Natumba ang basurahan at lumabas ag isang CLOFAS member na may tama sa ulo. God, Ganun ba siya kagaling? Lumapit siya sa patay na CLOFAS member at kinuha ang baril at kutsilyo nito. “Tara na para matapos na ito.” Sabi niya at nagpatuloy kami sa paglakad.

Nakarating na kami sa Gym. Buti at wala pang CLOFAS member ag nakakahuli sa amin. Nakasilip kami ngayon sa isang bintana kung saan makiita mo ang loob ng Gym. Dugo at patay na mga tao ang naghari sa Gym. May maliligtas pa ba kami dito?

“Maghanda ka na, susugod na tayo.” Sabi ni Ellipse sa akin. Nag-kargahang muli ako. Pinukpok ni Ellipse ng baril ang bintana ng Gym. Nabasag ito dahilan para makuha ang mga atensyon ng mga CLOFAS na malapit sa bintana. Pinagbabaril ni Ellipse ang mga CLOFAS member na nakikita samin. Tumakbo kami palayo sa bintana at pumasok sa loob ng fire exit.

Ito na, rakrakan na!

*PATRIELLA’S POV*

Seryoso mode: ON!

Kasalukuyan kaming pumupunta ni Quetzal sa inventory bus ng CLOFAS. Buti at wala pang nakakahuli sa amin kasi kung mahuhuli kami, tiyak todas kami ni Quetzal. Nang makarating kami, walang bantay sa labas. Sinenyasan ko si Quetzal na magtago sa ilalim ng bus, agad naman siyang nagtago. Kinuha ko ang malikng bato sa kaliwa ko at binato sa isang bintana ng inventory bus. Agad ako na nagtago sa ilalim ng bus. May lumabas na dalawang CLOFAS member sa baba. Gumulong ako sa kabilang side ng bus at pumasok sa loob. Pagkapasok sa loob ay tulog ang driver. Kinuha ko ang TV sa taas at fire extinguisher saka pinambato sa CLOFAS member sa labas. Nang nagising yug driver, hinampas ko ang ulo niya sa manibala ng hindi na siya magising pa. Tinawag ko si Quetzal mula sa baba para tulungan ako sa paghahanap. Sa dami ng kahon sa bus, tiyak mahihirapan kami. Ngunit isang box ang nakapakaw ng atensyon ko.

SLEEPING GAS.

Kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang parang tumbler na bomba. Kinuha ko ito at ito at hinila si Quetzal sa labasan ng bus ngunit tila kami ay naharangan ng isang naka-armadong CLOFAS member.

 

“Saan niyo dadalhin yan?”

*NURSE MICHAEL’S POV*

“Intruder ale---“ Sabi ng isang CLOFAS member nung nakita ako pero hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil inunahan ko na siya. Tinusok ko ang kanyang kanan mata gamit ang injection na hawak-hawak ko. Nandidiri kong tinangal ang injection sa kanyang mata.

“Intruder? Saan? Saan? Ayu---“ Sabi ng isang CLOFAS member mula sa malayo pero gaya kanina, inunahan ko na siya. Binato ko ang injection sa mukha niya at naglanding naman ito sa kaliwang mata niya. Hindi ko na kukunin ulit yung injection total may isa pa akong dala. Nakalimutan kong sabihin na dati akong varsity ng Darts. Ngunit laking gulat ko nung may nagheadlock sa akin.

 

“Paano ka nakalabas huh?” Tanong niya.

“Gamit ang paa ko!!” Sigaw ko at kinalampag siya sa pader na likod namin. Sa sobrang lakas ay napakawalan niya ako. Nurse man ako, mabait, maalalahin at hindi makakasasama sa mga paningin niyo pero wag na wag niyo ilalabas ang aming pagka-sadista.

Sa wakas at natagpuan ko na ang bus! Sa sobrang laki nito, kakayanin ko ba? Maruning ako mag-drive pero basics lang. Pumasok ako, parang G-liner lang. Ngunit laking gulat ko nung may biglang nagsalita.

“Don’t move.”

*ELLIPSE’S POV*

Tatlong CLOFAS member nalang ang natitira sa Gym. Naubusan na kami ng bala ni Amber. Sinugod ko ang tatlong CLOFAS member. Pinaguntog ko ang dalawa habag si Amber naman ang bahala sa isa. Pagkatapos sila paguntogin, sinapak ko ang isa at yung isa ay sinipa ko. Kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak sa aking sinapak habang yung sinipa ko ay sinakal ko. Matapos ang 10 segundo ay binato ko siya na tila para siyang unan. Tinignan ko ang mga Hale University students sa loob, Mukhang natakot sila sa ginawa ko.

“Sundan niyo kami, itatakas namin kayo dito sa mala-impyerno niyong kinalalagyan!” Sigaw ko sa kanila. Tila nawala ang kanilang takot sa aking sinabi. Buti nalang at pinagkatiwalaan nila ako agad.

“Ellipse, kung lalabas tayo as one, masyado marami. Baka maging obvious tayo at isugod sa atin ang mga buhay na CLOFAS member.” Sabi ni Amber sa akin.

“Pwes ihati natin sa dalawang grupo ang mga survivors.” Sabi ko.

“Mabuti pa nga.” Sabi ni Amber at hinati sa dalawa ang grupo ng survivors. Isa ay grupo niya, habang yung isa ay grupo ko. Naunang umalis ang grupo ni Amber sa Gym. Pagkatapos ng ilang minuto ay sumunod na kami. Maligaya kaming lumabas sa Gym, isinantabi muna namin ang takot. Mahigit kumulang kami ng 50 o 60. Malayo pa kami sa lokasyon ng bus. Sa wakas at matatapos na rin ang lahat...

Ngunit akala lang pala namin yun.

Pinigilan kami ng isang CLOFAS member ngunit siya ay kakaiba. Ilang parte ng uniform niya ay gawa sa ginto, may maskara siya na ang tanging natatakpan lamang ay ang mga mata niya, May mga spikes ang kanyang suot na sapatos, Hindi naman siya gaano katangkaran, May joker lips na make-up siya at may hawak na bazooka.

“Saan ang punta niyo?” Sabi niya.

Siya ba ang sinasabi ni Yvonne na Big Boss?

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~


Vote, Comment, Share and Support.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

10.2M 149K 26
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...