A Boyish Love

De Enna-Lien

1.9K 27 10

"they say that Heartbreak changes people." Mais

Prologue

Chapter 1

475 13 6
De Enna-Lien


Chapter 1


"Grabe pare daig ka pa ng kapatid mo maglaro ohh."

"oo nga eh mas lalaki pa ata si Robi sayo ehh"


Pangaasar ng mga kaklase ni kuya Justin sakanya. Katatapos lang naming maglaro ng basketball, nakipagpustahan kasi sila kuya samin .


"dami niyong sinasabi kahit naman wala si Robi hindi parin kayo mananalo samin eh asan na yung pera?" sabi ni kuya na halatang naiinis na.


Agad din namang inabot sakin ng kaibigan ni Kuya ang pera na siyang pinaghatian naming magkateam.


"osiya pare mauna na kami ahh?" pagpapaalam ni Wacky. nakipag fist-to-fist naman si kuya sa mga kaibigan niya.


"Bye Robi" sabi nila tas nakipag Fist-to-fist din sakin bago umalis.


habang naglalakad kami ni Kuya Justin pauwi inakbayan niya ako at parang ewan na nagpapabigat pa sakin.


"ano Robi? Dota tayo? nang magamit mo yang napanalunan mo" pagyaya niya.


sabi ko na nga ba. Siniko ko siya ng mahina sa may tiyan.


" ano ka siniswerte?" pagkasabi ko nun ay tinanggal ko bigla yung pagkakaakbay niya sabay takbo.


mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko nung nakita kong tumakbo na rin si kuya para habulin ako.


"Robi sige na kasi daya neto ohhh" sigaw niya na parang batang nagmamaktol. Medyo binagalan ko yung pagtakbo ko at humarap ako sakanya.


Patalikod akong tumatakbo habang nag memake face sakanya.


Natigil sa pagtakbo si kuya Justin at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa likuran ko. "Robiiiii ...


May sasabihin pa sana siya ng maramdaman kong may nabangga ako agad naman ako Lumingon upang makita kung sino yung nabunggo ko at para makapag sorry.


"ay sorr...." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagulat ako nung nakilala ko yung lalaking nabunggo ko.


"M-Marco?" bigla naman ako netong niyakap ng mahigpit.

"Robi baby! namiss mo ba ako?" masiglang pagkasabi ni Marco.


"ano ba. bitawan mo nga---- hindi ko nanaman natapos yung sasabihin ko. bigla kasing lumapit si Kuya samin.


"Hoy Reyes! bitawan mo nga yang kapatid ko." naiinis na sabi ni kuya Justin.


agad namang bumitaw si Marco sakin pero inakbayan naman niya ako agad. kinindatan niya ako sabay tingin kay kuya.


"ayoko nga." natawa nalang ako sa pangaasar niya kay kuya.


siniko ko siya sa tagiliran niya kaya agad siyang napabitaw sakin.


"ano ba yan kadiri ka Marco." sabi ko.


"joke lang ang pikon mo talaga Robi baby" lumapit siya kay kuya at nag Manly hug sila tapos ginawa nila yung handshake nilang magkakaibigan.


"halika na nga umuwi na tayo. Pare dun ka na samin mag Dinner sure ako matutuwa sila kuya Alex at kuya Mico pag nakita ka." inakbayan ni kuya justin si Marco tapos naglakad na sila pauwe.


tss. ang babakla talaga ng mga 'to.

*


"KUYA ALEEXXXXX. KUYA MICOOOO MAY BWISITA TAYOOOOOOO!" Pagkapasok namin sa bahay bigla biglang sumigaw si kuya Justin para tawagin yung dalawa pa naming kuya.


bigla naman sumulpot si kuya Mico na galing sa Kusina.


"sino?" pumasok si Marco sa loob para magpakita kay kuya Mico.


"uy Tol kelan ka pa umuwi?" pagkasabi nun ni Kuya Mico lumapit siya kay Marco at nag Manly hug sila sabay ginawa nanaman yung Handshake nila.


may narinig naman akong may pababa sa hagdan paglingon ko dun ay si Kuya Alex na mukhang kaliligo lang naka boxer lang siya at medyo basa pa yung buhok niya.


"Oh Marco! kamusta ka na?" nag apir silang dalawa.


"ayun mas gwapo pa din sainyong magkakapatid" puro mura naman ang inabot ni Marco sa mga kuya ko pagkasabi niya nun.


Sobrang close talaga nila. si Marco kasi ang anak ng kumare ni Mommy. kaedad niya si Kuya Justin na isang taon lang ang tanda sakin, nung mga bata pa kami lagi silang magkakalaro nila Kuya Mico. tapos naging close sila ni Kuya Alex kasi nung 3rd year highschool si Kuya eh niligawan niya yung Ate ni Marco na si ate Lhes.


Habang nagkkwentuhan sila umakyat na ako sa kwarto ko para magshower dahil grabe ang pawis ko kanina sa laro.


Naglalaro ako sa computer nang biglang may kumatok sa pintuan. pagbukas ko ay Bumungad sakin si Kuya Alex.


"tapos na ako magluto. bumaba ka na nang makakain na tayo." pagkasabi niya nun ay bumaba na siya, sumunod na din naman na ako.


kanina kasing pagkaligo ko hindi na ako bumaba hinyaan ko na yung mga kumag na magkwentuhan sa baba. pagdating ko sa Dining area nakaupo na silang lahat dun.


umupo ako sa tabi ni kuya Mico nasa harap ko naman si Marco. Nagsimula na kaming kumain.


"hay namiss ko itong luto mo kuya Alex ahh" sabi ni Marco na halatang sarap na sarap sa kanyang kinakain.


Masarap naman talaga kasing magluto si Kuya Alex. pano ba naman siya na yung parang nanay at tatay namin simula pa nung bata kami. Siya yung laging taga luto namin kaya nasanay na siya. simula kasi nang mamatay si mommy naging mas busy na si Daddy sa trabaho.


Walong taon na ang nakalipas simula nung mamatay si mommy. Simula nun si kuya Alex na ang nag aalaga samin sa tuwing wala si Daddy. 13 years old na nun si kuya Alex ako naman ay 9 years old. hindi naman nahirapan si Kuya Alex noon kasi kahit papano tinutulungan kami ng kumare ni mommy at yun ay yung mommy ni Marco si tita Grace.


Sa aming magkakapatid ang pinaka panganay ay si Alexis Dale Faustino, 21 years old. 5th year na niya sa kursong Civil Engineering, sumunod naman ay si Micolo Faustino. 19 years old, 3rd year College and lastly, si Justin Michael Faustino, 17 years old. 1st year college.


Kaming tatlo nila kuya Mico and Kuya Justin ay sa iisang school nag-aaral at yun ay sa La Sierra University habang si kuya Alex naman ay sa Mondragon University.


Habang nagkkwentuhan ay may nag doorbell tumayo si Kuya Justin upang buksan ang pinto at bigla namang pumasok si Daddy.


"hay naiwan ko nanaman yung susi ko" sabi nito.


Agad agad naman kaming tumayo upang magmano sakanya. Nung time na ako na yung magmamano niyakap ako ni Daddy.


"Aww. Dad!" nahihiya kong sinabi.


"bakit? masama bang mamiss ang prinsesa ko" paglalambing ni daddy.


eto namang mga kuya ko ay Halatang nagpipigil ng tawa.


Hanggang ngayon kasi binebaby parin ako nila Daddy. Unica ija daw kasi ako, lagi akong bantay sarado sakanila. lahat ng mga kaibigan kong lalake kilala nila kuya ay hindi mali, KINIKILALA pala nila kuya.


"good evening po" bati ni Marco kay Dad.


Bumitaw si Dad sakin tapos nakipag Shakehand kay Marco.


"Oh Marco! kelan kayo dumating? kasama mo ba ang parents mo?" tanong ni Daddy.


"Kagabi lang po Sir naiwan po sila Mom sa US may inaayos pa po sa Negosyo." sagot naman ni Marco.


"Don't be too formal Iho. How many times do I have to tell you that you can call me tito Edwardo or tito Ed. tutal eh magkaibigan naman kami ng parents mo halos lumaki ka na din samin."  ani Dad.


"S-Sige po tito" nahihiyang sagot ni Marco. Sobrang nirerespeto ni Marco si Dad at takot talaga siya dito dahil nga General ang Daddy. dati naman ay tito na tawag niya siguro nahiya nanaman siya kasi 3 years ding nagstay si Marco sa US.


Umupo na kami upang bumalik sa pagkain. At nag simula nanaman silang magkwentuhan.


Makalipas ang ilang oras na pakikipagkwentuhan ay nagpaalam na si Marco samin na uuwi na daw siya.


umakyat na ako sa kwarto ko pagkahugas ko ng mga pinagkainan namin.


Pagdating sa kwarto ko ay chineck ko agad yung laptop ko sakto namang nagchat sakin si Jamie yung bestfriend ko.


Jamie Cristobal: Robi shopping tayo please :(

Robi Faustino: ehh ayoko.

Jamie Cristobal: ano ba yan. sige na kasi malapit na debut ni ate kailangan na nating mag hanap ng dress.

Robi Faustino: anong natin? ayoko nga mag dress.

Jamie Cristobal: ang arte mo!

Robi Faustino: ehh basta ayoko.

Jamie Cristobal: ano ba yan. osiyaa samahan mo nalang ako bumili ng dress ko. please bessy!

Robi Faustino: hayyyy. sige na nga oo na!

Jamie Cristobal: Yaaayyy. Love u! see you tomorrow. :***

Robi Faustino: Yuck. kilabutan ka nga Jam! :P Bye na matutulog na ako.

Jamie Cristobal: ayy. oo nga pala may chika ako sayo ... alam mo bang hinahanap ka sakin ni Pier kahapon. :"""">


alam mo bang hinahanap ka sakin ni Pier kahapon. 


alam mo bang hinahanap ka sakin ni Pier kahapon.


alam mo bang hinahanap ka sakin ni Pier kahapon ....



at dahil sa sinabi niyang yun halos hindi na ako makatulog nung gabing yun.

Continue lendo

Você também vai gostar

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.6M 53.3K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...