She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

38: Grand Plan

21.7K 721 28
By fbbryant

Tahimik lang si Yadira habang pasulyap-sulyap sa rearview mirror. Kita n'ya doon si Lucinda na kampanteng nakaupo habang nakatingin sa labas.

Nagising na lang sila kanina nang may sinabi nanaman si Lucinda na kung ano. Muntik na nga niya itong saksakin buti na lang napigilan ko.

"Sigurado ka ba dito?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako.

Ano pa nga ba ang choice namin? Mukhang determinado si Lucinda. Baka gamitan n'ya uli kami ng spells n'ya.

Marahas na bumuga ng hangin ang katabi ko.

Napakatahimik ng kabayanan nang napadaan kami doon. Halos ayaw nang lumabas ng mga mamamayan kahit ang mga bampira.

Nang tinatahak na namin ang daanan papuntang Upstate ay hapon na. Ilang oras na lang at magsisimula nanamang magiging aktibo ang mga Turned.

Nilingon ko si Lucinda at nakita kong seryoso pa rin siyang nakatingin sa labas.

Agad na bumukas ang gate nina Titus nang makarating kami. Napansin kong busy ang lahat nang makapasok kami sa bulwagan ng mansyon. Naglilinis ang mga maids, may mga nagkakabit din ng mga magagarang drapes, at may nag-a-arrange ng mga decorations sa isang mahabang buffet table.

"Anong meron?"

"May pa-party si President bukas. All leaders from other vampire towns are coming tomorrow night to announce the takeover of ISOP of this town formally," balewalang sagot ni Yadira saka humakbang papunta sa conservatory.

Natigilan ako. Paniguradong galit na galit sa akin ang mga bampira ng bayan.

At bakit masyado naman yatang nagmamadali si Orpheus Gerhardt na i-annouce ang pagbabago?

"Pag-isipan mo ang sinabi ko sa'yo kanina," bulong ni Lucinda sa akin saka sumunod na kay Yadira.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Nadatnan naming kampanteng nakaupo si Orpheus sa isang couch habang nakaharap sa malalagong dahon ng isang purple na halaman.

"Ms. Fitzgerald," aniya nang bumaling sa amin ngunit agad din siyang napakunut-noo nang makita ang kasama namin ni Yadira. "Lucinda Montgomery," pormal niyang sambit.

"Orpheus Gerhardt," sagot naman ng babae.

So, magkakilala na sila.

"I assume Ms. Fitzgerald brought you here," ani Orpheus saka tumayo at humarap sa amin.

"Yes. Mukhang kakailanganin n'yo ang tulong ko," ani Lucinda saka umupo na parang reyna sa isa pang couch.

Mukhang hindi siya natatakot kay Orpheus kahit na halos lahat, kung hindi man lahat, ay nanginginig na sa takot dito.

"And tell me why would that be," tila amused na sabi naman ng lalaki.

"I will give you Alistair Bishop, and Ms. Simmons here," inilahad pa ni Lucinda ang kamay sa direksyon ko kaya naman tumaas ang kilay ko.

Hindi ko maalalang pumayag na ako sa deal na ginawa n'ya.

"How could you make that possible?" may ngisi na sa mukha ni Orpheus. Mukhang aliw na aliw nga siya.

"I just can," confident na sagot ni Lucinda.

"Very well then. Come tomorrow and attend my party. The Bloodworths are not very happy about it but I'm sure they will be thrilled to know that you can be of help to us."

Tumayo na si Lucinda nang may ngiti sa mga labi na tila ba nanalo siya sa isang malaking competition.

"I will see all of you tomorrow then," aniya saka humakbang na palabas kaya nasundan ko na lang siya ng tingin.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Orpheus kaya napabaling ako sa kanya nang may kunot sa noo.

"Ikuha mo ako ng kape, Yadira," utos nito sa katabi kong babae na agad namang sumunod.

Hindi lang pala Sentry si Yadira dito? Utusan din?

"Ms. Fitzgerald, please have a seat," nauna nang naupo ang lalaki kaya tahimik akong tumalima.

"Why did you call me here?" walang gana kong tanong.

Ngumiti siya na para bang ang bait-bait n'ya. "I know I can do it without asking your permission but I respect your right, so I'm going to ask you personally to bring your younger brother here tomorrow."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko iyun inaasahan. "Si Max?"

"Yes, si Maximillian."

"Anong kailangan mo sa kapatid ko? Leave him alone. His vampire blood isn't awaken yet. Even his witch blood. So, he's not a threat to your beloved ISOP," galit kong asik sa kanya.

Tumawa lang siya kaya mas nainis pa ako. "Don't worry. Wala naman akong masamang plano sa kanya. I just want to meet him."

"But why?"

"That's for me to know and you to find out," aniyang nagkibit-balikat lang.

Marahas akong napailing. "Hindi ko hahayaan na saktan mo ang mga kapatid ko. Hinding-hindi ako papayag na makalapit ka sa kanila."

Humalakhak si Orpheus. "In three years, Ms. Fitzgerald, he will be mine also. Just like you're mine now."

"She is not yours."

Sabay kaming napalingon sa mga bagong dating. Near the door were Titus, Nadine and Matteo standing like royalties.

"Who does she belong to then, Mr. Bloodworth? Sa'yo?" natatawang tanong ni Orpheus.

"She belongs to herself. C'mon, Nichola. Leave this lunatic old man," matigas na sabi ni Titus saka ako hinawakan sa kamay at kinaladkad palabas ng conservatory.

Tss. Itong si Titus lang yata ang hindi takot kay Orpheus pero alam ko naman na naroon ang respeto n'ya dito bilang presidente ng ISOP. And well, si Lucinda rin pala. Isa pa 'yun.

Lumabas kami ng mansyon nang tahimik hanggang sa makarating kami sa mga sasakyan nila.

Wala pa rin kaming imikan kahit na nang makarating kami sa mansyon ng mga Brigham.

"Ate!!!" napakalaki ng ngisi ko nang makita ang mga kapatid kong tumatakbo papunta sa direksyon ko nang nakapasok kami sa bulwagan ng mansyon.

"Rianah! Max!" mahigpit ko silang niyakap. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang maramdaman sila sa loob ng mga braso ko. I missed them so much. I missed holding them like this.

Dahil sa mga pangyayari ay hindi ko namalayan na mas napabilis ang pagkatuto ko ng kontrol ng aking bloodlust. Everything was happening so fast.

"Miss na miss ka na namin, Ate. Gabi-gabi na lang umiiyak si Rianah dahil wala ka," sumisinghot na sabi ni Max kaya mas napahagulhol ako.

I cried. I loved my younger brother and sister so much but our family's secrets messed us up so freaking bad.

Dahil hindi kami inihanda ng mga magulang namin kaya naging ganito kagulo ang lahat. Dahil hindi ko alam kung paano gawin ang mga bagay-bagay.

"Na-miss ka rin namin," dinig ko mula sa likuran kaya napalingon ako d'on.

"Faizah! Lorenzo!" Niyakap ko rin sila nang sabay nang may kasama pang paglambitin kaya natawa ang lalaki. Alam kong nakita ko sila noong umatake ang mga Turned pero saglit lang 'yun. At may kinailangan kaming gawin n'on.

"Kumusta ka na rito?" ani Lorenzo na hinawakan pa ang magkabila kong pisngi.

I smiled widely. "I'm okay," sagot ko sabay singhot. I faced my siblings again with a wide grin on my face.

Titus handed me a white handkerchief at agad ko iyung siningahan kaya napangiwi s'ya. Ang lakas ng 'Eww' ni Matteo at napatawa naman ang iba.

When my nose finally cleared up I smelled something sweet kaya napatingin ako sa mga kapatid ko. Mukhang galing sa kanila ang masarap na amoy na 'yun.

"Wear your amulets now, Max," biglang sabi ni Titus na agad tumabi sa akin at hinawakan ang aking kamay.

I felt confused. All I could think about was that delicious smell my brother and sister were emitting.

Lalapit na sana ako sa kanila nang pigilan ako ni Titus at nagmamadali naman ang mga kapatid ko na magsuot ng mga alahas nila.

Wait. Anong nangyari?

Nasapo ko ang noo ko when the air seemed to finally clear up.

"I...I uhm..."

Niyakap ako ni Titus and he let my face bury on his well chiseled chest.

Did I just...?

Napatingin ako sa mga kapatid ko. Pareho silang may ngiti sa mga labi but their eyes said something different.

They were scared.

"My god!" natutop ko ang bibig ko nang ma-realize kung ano ang nangyari. "I'm so sorry. I'm so sorry!" Akmang lalapitan ko sila ngunit agad na hinapit ni Titus ang baywang ko.

What have I done? Isa akong halimaw for craving my brother's and sister's blood.

"Hindi ko sinasadya. I'm so sorry," nagpa-panic kong sabi.

Did I really get tempted?

Kani-kanina lang ay naisip kong magaling na akong ikontrol ang aking bloodlust. Pero hindi pa pala.

Kulang pa. Ipapahamak ko ang mga kapatid ko kapag nagpatuloy ito.

"Ate, wag kang mag-alala. Naiintindihan naman namin eh. Kapag time na naming maging vampire-witch, ikaw naman ang mag-guide sa amin, okay?" nakangiting sabi ni Max.

Luhaan akong napatango. "T-Thank you for being so understanding."

Kawawa ang kapatid ko. Napilitan siyang mag-mature dahil sa sitwasyon namin.

Rianah was smiling but she was crying too. This was just too painful. Seeing them like this and being far from them were just pure torment.

They seemed so near yet so far. I couldn't even touch them now.

Yumakap na lang ako uli kay Titus na agad namang gumanti ng mas mahigpit na yakap. Sa kanya na lang ako kumukuha ngayon ng lakas para makapag-isip ng maayos.

Humagulhol ako sa sobrang bigat ng dibdib ko lalo na at naririnig ko ang hikbi ng mga kapatid ko.

"Sshh... You'll get used to it one day," malumanay na bulong ni Titus sa akin habang hinahagod n'ya ang likod ko.

"Uhm...Dito na kayo maghapunan," basag ni Matteo sa tensyon. "Si Mrs. Octavia pala? How is she?"

Oo nga pala. Si Grams Octavia.

"She's fine," nakangiting sagot ni Faizah. "Actually, isasama sana namin s'ya dito ngayon para magkita naman kayo, Savannah. Pero may lakad siya sa labas ng bayan. May mga herbs silang hinahanap ng mga kaibigan n'ya."

Nakamasid lang ako sa mga kapatid ko habang nagkukwentuhan sila. Hindi ako papayag na magkalayo kami nang tuluyan. Magkakasama rin kami uli. Gagawin ko ang lahat kahit na may maisakripisyo man ako para sa kanila. And no, hindi ko hahayaang pati sila ay malapitan ni Orpheus Gerhardt.

At kailangan kong matuto ng kontrol sa lalung madaling panahon.

---

"So you mean tutulungan n'ya tayo na mahuli sina Alistair?" hindi makapaniwalang bulalas ni Matteo habang nasa iisang mesa kami.

Well, kahit na ayaw namin ay nandito kami sa party ni Orpheus ngayon. Tulad nga ng sabi ni Yadira, nandito ang mga leaders ng iba pang mga bayan.

All vampire leaders specifically, and not just the Purebloods. May mga vampire-human din.

"Sshh. Tumahimik ka nga. I-announce ba?" binatukan ni Nadine si Matteo.

"Sorry. Pero paano n'ya gagawin 'yun?" mahina na ang boses ni Matteo this time.

"I think we're going to talk about it later with Orpheus," nakahalukipkip na sabi naman ni Titus na mukhang komportableng-komportable sa pagkakaupo. Nakakrus pa ang mga paa n'ya.

Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol kay Lucinda. Ibinaling ko sa mga bisita ang atensyon ko.

Nakita ko ang mga babaeng pormal at eleganteng naka-gown at ang mga lalaki ay naka-tuxedo ng mamahalin. Lahat sila ay busy sa pagtatawanan at pag-uusap ng kung anu-ano.

Sa VIP table ay naroon sina Orpheus, Magnus, Rosamund, parents ni Nadine at parents ni Matteo.

"So, Yadira is not invited as a guest huh?" ani Nadine kaya napatingin ako sa babae na nakatayo sa tabi ng isang pabilog na pillar. Nakasuot siya ng black leather tight jumpsuit na malalim ang dibdib at long-sleeved. May nakasabit na dalawang daggers sa baywang n'ya at mayroon pa sa bawat hita n'ya.

"Pero in fairness, ang sexy n'ya talaga," dreamy pang nangalumbaba si Matteo.

"Eww. Pervert ka talaga," yan tuloy nabatukan nanaman ni Nadine.

Napangiti na lang ako saka muling tiningnan si Yadira. This time ay lumapit siya kay Orpheus at binigyan ng isang kopita ng alak ang lalaki. Sunod naman niyang ginawa ay ang ikuha ng pagkain ang presidente mula sa buffet table.

"Looks like she's a personal maid than a high-ranked soldier," naka-smirk na komento ng katabi kong si Titus.

I silently agreed. It was as if she was doing her best to please Orpheus kahit na labas na iyun sa responsibilidad n'ya.

"Oh well. Maybe they're in love," nakangiwing nag-flip hair si Nadine at tumingin sa pagkain n'ya.

"Sa dinami-dami naman ng pwedeng dahilan 'yan pa ang naisip mo," naiiling na komento ni Matteo.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Ilang sandali pa ay umalis na si Matteo at nakipagsayaw sa anak ng isa sa mga leaders na naroon. Maganda ang babae syempre pero mas maganda pa rin si Nadine na ngayon ay nakasimangot at gigil na tinutusok ng kutsilyo ang steak.

Nagsikuhan naman kami ni Titus nang mapansin n'ya rin ang kaibigan.

"Why don't you ask someone to dance with you? That guy perhaps?" suggest ni Titus na ininguso ang isang lalaki sa kabilang mesa na kanina pa nakatingin kay Nadine. Gwapo naman pero mukhang walang hilig sa ligo.

"Seryoso? Wala kang ibang mai-suggest, T?" nakasimangot nitong react kaya napahagikhik ako.

"Eh 'yun?" ibang lalaki naman ang ininguso ng katabi ko. This time ay mukha namang puro ligo walang kagwapuhan.

"Eww. Di ba vampire-human 'yan?"

Titus chuckled. "Kahit naman hindi Pureblood 'yan 'pag nagustuhan mo, I will support you."

"Shut up, Titus Thaddeus!" asik nito kaya natawa na ako.

Nagkulitan pa silang dalawa kaya nakisama na rin ako. Nang bigla na lamang tumahimik ang paligid nang bumukas ang double doors ng bulwagan.

Lahat kami ay napatingin sa babaeng nakatayo doon. Nakasuot siya ng simpleng off white long gown. Kung titingnan ay siguro nasa early forties siya.

Tumikhim ng malakas si Orpheus kaya nawala sa babae ang atensyon ng mga bisita.

"Good evening, everyone. I appreciate each of you for joining me tonight at my inaugural gathering in Hellville. As many of you are aware, this town now falls under the purview of ISOP. While I initially intended to formalize this transition tonight, recent events have prompted me to reconsider. Therefore, I am extending Hellville the opportunity to prove itself, and for now, ISOP will refrain from asserting official control over it. For now."

Napakagat-labi ako.

"And why would he do this?" taas-kilay na tanong ni Nadine.

"Lucinda Montgomery's offer, for sure," sagot ni Titus saka ako sinulyapan.

"So for now, let's just enjoy the evening," pagtatapos ni Orpheus sabay taas ng kopita na ginaya naman ng mga bisita.

Sinundan lang namin ng tingin si Orpheus nang lumapit siya sa babaeng bagong dating na walang iba kundi si Lucinda. Agad namang sumunod sina Magnus, Mr. Brigham at Mr. Horton. Pumasok sila sa isang pinto kaya napatingin ako kay Titus na ngayon ay nakakunut-noo.

"Should we follow them?" tanong ni Nadine at saka namang pagbalik ni Matteo sa mesa namin na mukhang naiintindihan ang pinag-uusapan namin.

Umiling lang si Titus. "Let them. We will find out for sure sooner or later."

Nagmasid na lang kami sa paligid at nagkwentuhan na rin ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto na pinasukan nina Orpheus kanina.

Ano na kaya ang nangyayari sa loob?

I was deep in my thoughts nang biglang kunin ni Titus ang kanang kamay ko at pinaglaruan n'ya ang mga daliri ko.

Umusog siya palapit saka may ibinulong sa akin na nakapagpa-init ng mukha ko.

"You look stunning in your red gown."

I bit my lower lip dahil sa kiliting naramdaman ko.

My attraction towards  him was getting stronger everyday.

Please, Otillie Simmons, don't tell me na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng emosyon ko para sa lalaking ito. We didn't deserve that. I wanted this feeling to be mine.

I looked at Titus. Kahit saang anggulo talaga tingnan ang lalaking 'to, gwapo talaga. Kahit butas ng ilong, gwapo.

I chuckled kaya napatingin s'ya sa akin nang may pagtataka kaya napailing ako to tell him it was nothing.

Naiiling naman siyang nagbawi ng tingin but there was a small hint of smile on his lips. I would cherish his smiles, his laughters, his small sweet gestures.

But our attention was caught by someone again.

Bigla nanamang bumukas ang malalaking double doors at pumasok doon ang isang humahangos na lalaking bampira.

"Si Rocco 'yan ah," napatayo si Matteo at sinalubong ang bagong dating.

Nagtungo sila sa sulok at doon nag-usap.

"Mukhang seryoso," komento ko habang nakatingin sa nakakunut-noong si Matteo.

"Let's go," ani Titus at nagpatiuna na.

Agad naman kaming sumunod ni Nadine at nang namataan kami ni Matteo ay sinalubong n'ya kami.

"Nagkakagulo raw sa downtown. Turned vampires are attacking the houses," ani Matteo.

"T, what's the matter?" hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin sina Ambrosia at Fredrick.

"Fredrick, umuwi na kayo," sa halip na sumagot sa babae ay ang asawa nito ang hinarap ni Titus.

"Turned vampires are attacking again," ani Nadine.

"Let's go, Brooke," Fredrick gently led his pregnant wife out of the ballroom. Panay pa ang lingon sa amin ni Ambrosia pero hindi na namin siya pinansin.

Hindi na muling nagsalita pa si Titus. Humakbang siya papunta sa pinto kung saan pumasok ang grupo ng kanyang ama at sumunod nanaman kami sa kanya.

Papalabas na rin sina Orpheus nang buksan ni Titus ang pinto. Seryoso ang mga mukha nila maliban kay Lucinda na naka-smirk.

"What is it?" tanong ni Mr. Horton.

"The Turned vampires are attacking again," matigas na sagot ni Titus.

Lucinda chuckled kaya napatingin kami sa kanya. She looked at Orpheus and gave him a knowing look. "I told you."

"Let's go," ani Orpheus at agad na sumunod sa kanya ang mga kasama n'ya.

Iniwan namin ang party nang hindi namin sinasabi sa kanila ang dahilan. Agad kaming sumakay sa mga sasakyan.

"Titus..." napahawak ako sa braso niya na may hawak sa manibela.

"Don't worry. It's going to be alright," his right hand let go of the wheel while the other continued maneuvering it. He held my hand tightly.

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero alam kong sa bandang huli ay kailangan kong magdesisyon.

Hindi nagtagal ang biyahe at narating namin ang bayan na gulung-gulo. May mga nagsisigawan, may mga bahay na kinakain ng apoy, may mga umiiyak.

"Sumunod kayo sa akin," ani Lucinda na siyang nagpatiuna palapit sa isang malaking bahay.

"Why should we listen to her?" mahina kong tanong kay Titus na nagkibit-balikat lang.

Nakita kong kakababa lang din nina Nadine at Matteo mula sa kotse ng huli. Katulad namin ay mukhang nagtataka rin sila kung bakit sumunod kay Lucinda ang mga ama nila at si Orpheus.

Ang mga Sentry naman ang kumakalaban sa mga Turned na akmang lumalapit sa amin. Nandoon din si Yadira na handa yatang mamatay para sa president.

Tss. Akala ko ba ako ang binabantayan nito?

Pero at least may silbi na rin ang mga Sentry ngayon. Finally!

"Alistair!" malakas na tawag ni Lucinda sa harap ng malaki ngunit luma nang bahay.

"This is Mayor West's house," mahinang bulong ni Titus.

Napaatras ako at muntik pang mabuwal nang makita ang lalaking lumabas ng bahay. Puno ng dugo ang gilid ng kanyang bibig at may hawak siyang espada na may dugo rin.

"Lucinda, anong ibig sabihin nito?" confusion was written all over Alistair's face as he looked at our group.

"This...is my grand plan, Alistair," malumanay na sagot ni Lucinda na nakapanindig ng aking balahibo.

What the hell was happening?

***

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
10.9M 557K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
2.1M 72K 22
Lost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisi...
260K 9.2K 46
-BOOK 1 OF ELITE FORCE SERIES- *********************************** Honey was only seven-year-old when she was being abducted and became Faith Savilla...