Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 37: The Tres Marias

80.4K 2.9K 149
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

TRES MARIAS

□◇◇♡◇◇□

Nagsilabasan ang lahat ng tao at gulat na gulat sa nakikita.

"Malaya na tayo!" sigaw ng isang matandang lalaki at makikita mo ang galak sa kaniyang mukha. Madami ang napaiyak at nagtatalon sa sobrang tuwa.

Napangiti kami. Kanina ay takot na takot sila pero ngayon ay ginhawa at saya ang makikita sa mga mukha nila.

"Maraming salamat." Iyan ang bukambibig nila sa amin.

"Patawarin niyo ako. Hindi na ako manggugulo ulit," sambit ng daemon na siyang ikinagulat ng lahat.

"Kahit isang taon na mula nang apiin mo kami, pinapatawad ka pa rin namin," sambit ng isang babaeng ginang na siyang nakapagpangiti sa amin.

"Alam naming nagagawa mo lang iyan dahil sa gusto mong maghiganti. Nawa'y matanggal na ang galit sa iyong puso," sambit naman ng isang lalaki.

🔱🔱🔱


Ngising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Wala kaseng kurtina ang bintana kaya tumatagos ang sinag ng araw.

Kinusot ko ang mga mata ko at umupo. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama kong humihilik pa at masarap ang tulog. Nasa kabilang kwarto naman ang mga lalaki.

Ako pa lang ang gising? Tumingin naman ako sa wall clock at nagulat.

"Five o'clock pa lang," bulong ko.

Pero bakit parang tirik na tirik na agad ang araw?

Napailing na lang ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sa akin ang tahimik na sala. Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at nagmuni-muni muna. Hindi pa gumagana ang utak ko.

Naalala ko naman ang nangyari kahapon.

Tuwang-tuwa ang mga tao kahapon dahil sa wakas ay ligtas na sila. Nangako naman ang Praegrandis Daemon na hindi na siya manggugulo ulit at sa katunayan ay humingi siya ng paumanhin sa mga tao. Nagkasunduan naman ang mga tao at ang daemon na libre ang mga pagkain na kakainin niya sa araw-araw na ikinatuwa niya.

Natuwa nga rin kami dahil mabait naman pala ang daemon. Nang dahil lang sa gusto niyang maghiganti kaya nakakagawa siya ng kasamaan na hindi naman dapat. Natuwa rin kami kase pinatira kami ng libre sa bahay na ito na gawa sa kahoy at sakto lang para sa amin. Pinakain din kami kagabi bilang pasasalamat daw sa ginawa naming kabutihan.

Sa katunayan ay inaantok pa ako at nakakaramdam na rin ng gutom. Nawala ang antok ko nang biglang may kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ko at inisip kung may bisita ba kami. Sino naman kaya 'yon?

Napagpasiyahan ko na tumayo para buksan ang pinto. Pero may nag-uudyok sa akin na huwag ko itong buksan dahil baka magnanakaw pala. Huminga muna ako nang malalim at binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang tatlong ginang na nakangiti at may dalang maraming pagkain. Tila nagningning ang mga mata ko sa dami ng pagkain na dala nila.

"Magandang umaga, Selendria," nakangiting bati ng nasa gitna na may kulay violet na buhok.

Ang weird lang dahil iba-iba ang kulay ng buhok nila. Magaganda rin naman sila. Pero paano nila ako nakilala?

"Bakit po? Ano pong kailangan nila?" nakangiting tanong ko.

"Natuwa kasi kami sa ginawa niyo kahapon kaya naman nagluto kami nang makakain niyo," nakangiting sambit naman ng ginang na may kulay berdeng buhok.

"Mukhang ikaw pa lang ang gising?" tanong naman ng ginang na may kulay asul na buhok at parang sumisilip pa sa loob ng bahay.

Nawiweirduhan ako sa kilos nila.

"Ah opo.. Pero pwede po bang malaman kung ano ang mga pangalan ninyo?"

Natigilan sila at parang nagulat sa tanong ko pero ngumiti pa rin.

"Ako si Maria Violetta," nakangiting pakilala ng nasa gitna na may violet na buhok.

"Ako naman si Maria Greena," pakilala ng may kulay green ang buhok. "At siya naman si Maria Asulia." Sabay turo niya sa may kulay asul ang buhok.

Tumango na lang ako. Inabot nila sa akin ang mga pagkain na dala nila.

"Sa amin po lahat ng ito?" nahihiyang tanong ko.

"Pwede naman ikaw na lang ang umubos. Magluluto na lang ulit kami at babalik," nakangiting sambit ni Maria Violetta.

Hala! Ang dami naman!

"Ah sige po. Maraming salamat po!" sambit ko kahit parang nagtataka ako.

"Sige, Selendria. Magpakabusog ka," nakangiting sambit ni Maria Asulia.

"Sige po!"

"Aalis na kami," paalam ni Maria Greena.

Nakangiti naman akong tumango. "Ingat po kayo!"

Sinarado ko na ang pinto nang tuluyan na silang makaalis.

"Nakakatakam naman ang mga pagkain na 'to!"

Agad akong nagtungo sa mesa at nilapag ang mga pagkain. Hindi ko alam ang mga tawag sa pagkain na 'to pero may mga manok at baboy at mukhang masarap naman! May carbonara at may mga prutas pa!

Agad akong kumuha ng pinggan at kutsara at nagsimula nang kainin ang carbonara. Unang tikim pa lang ay nasarapan na agad ako.

"Wow! First time ko makatikim ng carbonara na ganito kasarap!"

Kinain ko rin 'yong iba pang putahe. At namangha na naman ako sarap. Ang lambot ng karne ng baboy pati na ang manok. Pero ang nakakapagtaka lang ay 'yong amoy. Kakaiba 'yong amoy ng mga pagkain pero baka normal lang naman 'to!

Masaya akong nilalantakan ang mga pagkain nang dumating si Dara at Val. Nagulat sila sa nakita nila.

"Wow! Saan mo naman galing 'yan, Sendy?" tanong ni Dara.

"Oo nga! Mukhang sarap na sarap ka, ah?" natatawang sambit ni Val.

"May nagbigay lang kanina—"

"Saan mo galing 'yan?" kunot-noong tanong ni Airyn at mabilis na nilapitan ako.

Napatigil ako sa pagnguya.

"Bakit? Ano'ng problema?" takang tanong ko sa kaniya dahil parang inaamoy niya ang mga pagkain.

Bigla niya namang tinanggal ang kutsara na nasa kamay ko.

"Sendy?! Bakit ka tumanggap ng pagkain nang basta-basta lang?!" galit na sigaw niya.

Hindi ako nakasagot. Mali ba ang ginawa ko?

"What's happening here? Bakit may sigawan?" takang tanong ni Winzé na kakadating lang.

"What's that smell? It's so eww!" takang tanong naman ni Zyrelle at nilapit pa ang ilong sa mga pagkain. Napatakip na lang siya ng ilong.

"Iyon din ang hindi ko alam. Kakaiba ang amoy," sagot ni Airyn.

Hindi ko na pinansin 'yong amoy kase mukhang masarap naman ang mga pagkain, eh.

"Wow! Ang dami namang pagkain! Sakto gutom ako!" galak na galak na sambit ni Kairo at lumapit sa mga pagkain. Dudukot na sana siya nang hampasin ni Airyn ang kamay niya.

"Ouch! Why? Ang sama mo talaga—"

"Hindi mo ba naamoy?!" sigaw ni Airyn sa kaniya.

Napalunok naman si Kairo at inamoy ang sarili niya. "Alam kong hindi pa ako naliligo— aray!!"

Binatukan siya ni Airyn. "Amuyin mo ang mga pagkain."

Nilapit niya ang ulo niya sa pagkain at napalayo nang maamoy ito.

"Parang may kemikal na hindi ko masabi kung ano."

"Exactly, Kai! It means, hindi ligtas na kainin 'yan—"

Bigla naman dumating si Drage at Vendell na tuwang-tuwa. May dala silang mga pagkain.

"Guys! Binigay ni Aling Elina! Kainan na!" masayang sambit ni Drage ngunit napatigil nang makita ang mga nakahain sa mesa.

Si Aling Elina ang siyang libreng nagpatira sa amin dito.

"Saan niyo naman galing 'yan? Bigay din ni Aling Elina?" takang tanong ni Vendell.

Umiling ako. "May tatlong ginang kanina na pumunta rito at ang sabi ay natuwa raw sila sa atin kaya pinagluto nila tayo," sambit ko.

"Kilala ba natin sila?" tanong ni Kairo.

"Hindi ko sila kilala pero nasabi nila sa akin ang pangalan—ahh!"

Mahigpit akong napahawak sa tiyan ko nang maramdamang kumirot ito.

"What's happening to you?" takang tanong ni Airyn at nilapitan agad ako.

"Arayyy!" sigaw ko dahil namimilipit na ako sa sakit.

"Hala! Baka dahil sa kinain mo, Sendy!" nag-aalalang sambit ni Dara.

"Kai, where is Charlie and Jater?!" tanong ni Airyn.

Nagkibit-balikat si Kairo. "Ewan ko! Pagkagising ko ay wala na sila pati si Neithan at Kliffer!"

"Gosh! Bakit ngayon pa!" inis na sigaw ni Airyn.

"Namumutla ka na, Sendy!" sambit ni Val at mukhang kinakabahan siya.

Agad na kumuha ng tubig si Winzé sa baso at inabot sa akin 'yon. Tinanggap ko naman 'yon at pinilit na uminom ngunit iniluwa ko rin ito. Parang ayaw tanggapin ng tiyan ko!

"Ang sakit!" nahihirapang sambit ko habang nakahawak sa tiyan.

"Eh kung humiga na muna siya?" suhestiyon ni Jhane. Tumango naman si Airyn.

Agad na lumapit sa akin si Kairo at binuhat ako papunta sa sofa. Sobrang sakit ng tiyan ko na parang tinutusok sa loob!

"What are we going to do now?" nag-aalalang tanong ni Winzé.

"What if may poison 'yong food na kinain ni Sendy?" tanong ni Zyrelle.

"Kung tama ang hinala mo, mahihirapan tayo nito!" natatarantang sambit ni Airyn.

Kasalanan ko 'to eh! Bakit kasi ang takaw ko?! Huhu!

"Tatawagin ko si Aling Elina!" sambit ni Kairo at umalis agad.

"Susubukan naming hanapin sina Charlie at Neithan," sambit naman ni Drage at umalis kasama si Vendell.

Naglagay naman si Dara ng basang bimpo sa noo ko. Malamig na pawis ang lumalabas sa buong katawan ko.

"Konting tiis lang, Sendy. Matatanggal din 'yan," sambit ni Val.

Ilang sandali pa ay nakarating na si Aling Elina at Kairo.

"Sino ang nagbigay ng mga pagkain sa'yo?" agad na tanong ni Aling Elina sa akin. Mukhang naikwento na ni Kairo sa kaniya ang nangyari.

Napalunok muna ako dahil nahihirapan akong magsalita. "S-Si Maria Violetta, M-Maria Greena at Maria A-Asulia," nauutal na sambit ko.

Hindi ko na talaga matiis ang sakit ng tiyan ko!

"Ano kamo?! Ang Tres Marias? Bakit mo tinanggap?! Masasama sila! Gumagamit sila ng black magic!"

Nagulat silang lahat sa narinig mula kay Aling Elina. Kaya pala parang kakaiba ang ikinikilos nila kanina! Hindi sila katiwa-tiwala.

"Kilala niyo po sila?!" tanong ni Airyn.

"Oo. Kilala sila bilang Tres Marias. Lahat ng tao rito ay galit sa kanila dahil masasama sila."

Hinawakan ni Aling Elina ang kamay ko at nagulat siya. "Death poison ang nasa loob ng tiyan mo! Kailangan maagapan ito nang maaga!"

"Ano po ang kailangan naming gawin?" nag-aalalang tanong ni Dara.

"Nandito na kami!"

Napatingin silang lahat nang marinig nila ang boses ni Drage. At nandito na nga sina Charlie at Neithan. Kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Pero ang sakit na talaga!

"Arayyy!" sigaw kong muli nang sobrang kirot na ang naramdaman ko. Namimilipit ako ngayon sa sakit.

Naririnig ko ang hinaing nila.

"Kailangan natin puntahan ang Tres Marias dahil sila lang ang nakakaalam sa lunas." Tumingin si Aling Elina sa mga lalaki. "Maiwan ang mga babae rito," sambit nito at umalis na. Sumunod naman sa kaniya ang mga lalaki.

"Maiwan din ba ako?" inosenteng tanong ni Kairo. Hinatak naman siya ni Jater.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko! Feeling ko mamamatay na ako! Huhu!


🔱🔱🔱

JATER'S POV

"Sa liblib na kagubatan na ito nakatira ang Tres Marias. Dito sila naninirahan dahil hindi sila tanggap sa Magustic Town," saad ni Aling Elina.

Malayo-layo na ang narating namin. Sana ay kayanin pa ni Selendria. Mukha namang hindi na sakop ng Magustic Town ang lugar na ito dahil may bakod na ang lugar na ito.

"Ibig pong sabihin, hindi sila pwedeng pumunta sa Magustic Town?" inosenteng tanong ni Drage.

Tumango naman si Aling Elina. "Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano sila nakalusot at nakapasok sa Magustic Town."

"Pero hindi ba ang mas nakakapagtaka ay bakit sa bahay pa natin sila nagpunta?" takang tanong ni Kairo. Iyon din ang nasa isip ko.

"Oo nga, 'no? Nakakapang-hinala naman," sambit ni Vendell na parang may malalim na iniisip.

Kahit hindi sabihin ni Charlie at Neithan ay alam kong nag-aalala silang pareho. Tsk. Iyan pala ang nagagawa ng pag-ibig.

"Yuko!" sigaw ni Kliffer kaya naalarma kami at napayuko.

Muntik na kaming matamaan ng mga bumubulusok na shuriken na hindi namin alam kung saan nanggaling.

"Nandito na tayo sa teritoryo nila! Mag-ingat kayo at magmasid!"

Tumango kami sa sinabi ni Aling Elina.


Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng matinis na tawa ng isang babae na nanggagaling sa itaas. Napatingin kami sa itaas at nakita ang isang ginang na may kulay green ang buhok at nakatayo ito sa sanga ng isang malaking puno.

"Ang gandang bungad naman!" nakangiting sambit nito.

"Maria Greena!" galit na sigaw ni Aling Elina.

Tumawa lang si Maria Greena. "Nice to meet you again, Herelina! Mukha yatang miss mo na ako!"

"Ahh!"

Napalingon kami kay Kliffer nang marinig namin siyang dumaing. Nakahawak ito ngayon sa binti niya na may tumutulong dugo! May nakita kaming nakabaon na shuriken sa binti niya. Shit!

Ilang sandali pa ay umulan na naman ng mga shuriken. Umalingawngaw naman ang nakakainis na tawa ni Maria Greena.

"Shit!" singhal ni Charlie at inilagan ang shuriken na papunta sa kaniya.

"Maghanda kayo!" sigaw ni Neithan at nagpalabas ng blue flames.

🔱🔱🔱

AEYOUNG'S NOTE:

BIBITININ KO MUNA KAYO HEHE. IISIP PA AKO NG FIGHT SCENE HAHAHA!

You can tweet me sweeties!
@sensitivlysweet

#CrewdAcademy

I would love to read your thoughts about this story!

StaySafe and Pray Always!
GOD BLESSED!

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...