Undercover Chic (Published un...

By sunnyzaideup

4.8M 90.4K 5K

Hot Drug lord versus Badass Police Chic? This means a total riot. Well.. well... well... Officer Yeo reportin... More

Undercover Chic
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Ang Hinaing (Author's Note)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Special Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Hiatus
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Enawnsment
Let's Get Sweaty He Said (Special Chapter)

Chapter 31

57.9K 943 10
By sunnyzaideup

"Doon lang sa aming puwesto sa may Tacloban City ay na-anod sa may coastal area yung 11 na ka-tao kaagad. Isa po doon ay bata."

Tutok na tutok lang ako sa balitang pinapalabas ngayon sa telebisyon dito sa pantry. Grabe pala talaga ‘yung dumaan na bagyo kahapon. Puro putik at sira sirang bahay ang pinapakita ngayon sa balita. Halos wala ka na ngang makita na nakatayong bahay. Isama mo na ang nagkalat na mga bangkay sa kalsada. Sunod sunod na lumalapit sa camera ‘yung mga survivors at humihingi ng tulong. Nakakaawa ang kalagayan nila dahil kahit mga evacuation centers ay pinasok din ng tubig at madami ding nalunod. Nagmistulang ghost town ang Tacloban.

“Nakikinig ka ba sa akin, baby?” sabi ni Charles na nakatawag ng pansin ko.

“Huh?” wala sa sarili kong tanong sakanya.

“Ang sabi ko mag-leave ka muna. Pagalingin mo muna ‘yang sugat mo,” sabi niya.

“Ah,” tipid na sagot ko. “Hindi naman kailangan. Kaya ko naman, baby. Wala namang buto na natamaan 'yung bala. Okay lang ako. Daplis lang 'to. Hindi naman din ganun kabigat ‘yung trabaho ko. Nakaupo lang naman ako buong maghapon.”

“Pagalingin mo muna ‘yang sugat mo bago ka umaksyon uli sa mission mo. Pwede ba ‘yun?” halong alala at inis na sabi niya. Tumango na lang ako. Binigyan niya ako ng ngiti, “Here, masarap ‘to,” sabay lagay sa plato ko ng pagkain. Ewan ko kung ano na namang putahe ‘to. Pero mukha naman talagang masarap.

Simula kagabi nung pumunta siya sa bahay ni Trevor eh walang sawa na siya sa pag-aalaga sa akin. Hatinggabi na nga siya umuwi. At kung hindi ko pa paaalisin, hindi pa nga talaga aalis. Hindi ko naman nakita si Trevor kagabi pagkapunta ni Charles. Sabi ni Lee nasa kwarto lang daw at nagpapahinga. Sinundo din ako ni Charles kaninang umaga at sabay kaming pumasok dito sa opisina. Maya’t maya din ang tanong niya kung masakit ba ‘yung sugat ko. Kulang na lang kumuha siya ng wheel chair at doon na ako paupoin.

Matapos niya akong ihatid sa floor ko eh dumiretso ako sa office ni Trevor dahil may ipapagawa daw siya. “I want you to get me a hall reservation in a hotel. Hire an event planner for a charity auction. Get the best catering service in town. And lastly, contact the director of DSWD and tell him that we will be volunteering for the repacking of goods,” sunod sunod niyang utos ng hindi ako tinatapunan ng tingin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina niya.

“We?” tanong ko.

Saka niya lang hiniwalay ‘yung tingin niya sa monitor. “Yes. We. Staff and employees of Machismo.”

“Okay,” sagot ko sabay labas na ng opisina niya. Teka natandaan ko ba lahat ng utos niya?

Pagkabalik ko sa desk ko, nakaramdam ako agad ng antok. Tsk. Kaya ayaw kong bini-baby ako eh, nagiging antukin ako. Hotel reservation, event planner, catering service and DSWD director. Better start now. Sinimulan ko ng mag-search ng hotels at nagtingin tingin ng reviews kung maganda ba ‘yung lugar.

Nakatatlong balik ata ako sa pantry para magtimpla ng kape. Kaso tuwing babalik talaga ako sa desk ko at uupo, inaatake ako ni antok. Hindi ko na mabilang naka-ilang hikab na ba ako. Naghahanap na ako ng catering service nang talagang hindi na kaya ng mata ko kaya naman binaba ko muna ang ulo ko sa desk at umidlip.

Dapat talaga may sleeping room dito sa office eh…

Kinakaladkad ko ‘yung kalbong magnanakaw ng gin sa tindahan ng bigla kong naramdaman na parang lumulutang ako. Dinilat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang muka ni Trevor. “Hey,” nakangiti niyang bati sa akin. Tinignan ko kung nasaan kame at mukhang nasa bahay na kame. Dahan dahan niya akong inihiga sa kama ko at doon lang pumasok sa isip ko na buhat nga pala niya ako. Umupo siya sa gilid ko. “Ang tagal mong nakatulog kanina. At mukhang malalim ang tulog mo kaya hindi na kita ginising.”

Umupo din ako. “Sorry. Hindi ko na natapos ‘yung pinapagawa mo.”

“It’s okay. You should take a leave.”

“Hindi naman kailangan eh,” angal ko. “Kayo kaya may kasalanan kung bakit parating antok ang pakiramdam ko. Masyado niyo akong bini-baby. Nakakaantok tuloy. Hayaan niyo na lang akong gawin ‘yung mga kaya ko namang gawin, okay?”

“Well, okay.” He patted  the pillow as a sign na humiga na ako. So I did. Inayos niya ‘yung kumot at itinaklob na sa akin. He kissed my forehead and whispered a good night.

They are really acting weird. Para akong bata na alagain. I closed my eyes when he closed the door. I tried to find Mr. Sleep again. But I cannot. Itinaklob ko ang kumot sa ulo ko at nagsimula ng magbilang.

Nakaka-labinglima na ako pero wala pa din. Umikot ako sa kama at tinaklob naman ang unan sa ulo ko. Blinangko ko ang isip ko pero kung ano anong lyrics ng kanta, kalokohan ng mga kaibigan ko, mukha ni Trevor, at mga banat ni Charles ang naiisip ko.

Tinanggal ko ang taklob ko sa ulo at umupo. “Aaaaysh. Hindi na ako makatulog uli.” Bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto. Naka-dim light na ang mga ilaw sa hallway. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Pagpunta ko sa foyer sa baba ng grand staircase, naagaw na naman ng pansin ko ‘yung dalawang hallway sa gilid nito. Pero this time, sa right hallway ako pumasok. Katulad ng sa left hallway, may mga paintings din sa dingding at madami ding pinto. Sinubukan kong buksan ‘yung isang pinto pero sinarado ko din agad ng makita ‘yung dalawang kasambahay ni Trevor na natutulog sa loob. Ito siguro ‘yung headquarters nila. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad hanggang makadating ako sa dulo. Right and left ang option ko kung saan ako tutuloy. Lumiko ako sa left. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makakita na naman ako ng pinto. Dahan dahan kong binuksan iyon at sinilip kung ano ang nasa loob. This is the control room. Kung saan nakalagay ang monitor ng mga CCTVs. Tinignan ko ‘yung walong monitor na nasa harap ko ngayon. Puro camera sa labas ng bahay. Dalawa sa may gate. Isa sa front door. Sa may backyard. At ‘yung natitirang apat ay sa apat na sulok ata ng labas ng bahay.

Lumabas na ako at pinagpatuloy ‘yung paghalughog dito sa baba. Diniretso ko na lang ‘tong nilikuan ko hanggang sa napansin kong napunta na ako sa left hallway ng grand staircase. Kung didiretsuhin ko ‘tong nasa harap ko, ito 'yung daan papunta sa mystery door at andito ako ngayon sa right hallway na hindi ko nilikuan noon. Nagmadali akong maglakad papunta sa mystery door. Umaasang bukas at nakalimutang ikandado ni Lee. Nang hilain ko na ‘yung pinto, ayaw talagang makisama sa akin ng pagkakataon, naka-lock ito. Tss. Pero dahil pagkakataon na ito, lulubus lubusin ko na.

Umakyat ako sa home office ni Trevor. Good thing hindi naka-lock ito. Kinalkal ko ‘yung drawers ng desk at naghanap ng susi. Siguro naman dito niya lang iniiwan ‘yung mga susi niya. Natigilan ako sa paghalughog ng may marinig akong naglalakad sa labas ng hallway. Dahan dahan kong sinara ‘yung drawer at naghanap ng matataguan.

Lumakas ‘yung tibok ng puso ko ng palapit na ng palapit ‘yung tunog ng footsteps. Shoot. Shoot. Shoot. Where to hide? Where to hide? Sexy naman ako. Kaya kahit saan kasya ako. Charot.

No choice ako kaya sa ilalim na lang ako ng table sumuot. Tinakpan ko ang bibig ko dahil kahit hindi naman ako tumakbo, hinihingal ako. Nanigas ako ng marinig na bumukas na ‘yung pinto. Dahan dahan itong sumara. Pucha. Pakiramdam ko nasa horror or suspense movie ako tapos ako na ‘yung next na papatayin. Dyusme. Kung si Trevor po ‘yan, ayos lang. Sigurado naman akong ang gagawin niya eh papatayin ako sa sarap. Choth~ Summer naman! Mahuhuli ka na’t lahat lahat, ‘yung utak mo talo pa ang dahon sa dami ng cholorophyll.

Hindi bumukas ang ilaw pero ramdam kong hindi lang ako ang mag-isa dito sa loob. Mas lalo akong nanigas ng may umupo sa swivel chair na nasa harap ko. Jutko po. Mahabaging bathala, y r u doing dez to meh? Ang nasa harap ko ngayon eh isang yummyng lalaki na ang tanging suot lang eh pajama. Face to face po kame ngayon ng abs niya. Kulang na lang mag-hi sa akin. Pumikit na lang ako dahil hindi kinakaya ng maganda kong mata ang nakahain sa harap ko ngayon.

Umalis ka na diyan. Please. Umalis ka na diyaaan. Alis na. Alis naaa.

Napadilat ako ng mata ng biglang tumayo nga siya. Ay, bakit ka umalis? Sinilip ko kung saan siya papunta. Tumigil siya sa harap ng vault at mukhang bubuksan ito. Konti na lang lalabas na ‘yung ulo ko. Sinusubukan kong makita kung anong mga numero ang pinipihit niya. Kaso masyado akong mababa kaya hindi ko makita. May kinuha siyang envelope sa loob. Napaurong ako at napabalik agad sa pwesto ko ng maglakad na siya pabalik dito sa desk. Umupo uli siya sa harap ko.

Naririnig ko ‘yung maglipat-lipat niya ng mga papel. Ano kaya ‘yun? May kinalaman ba ‘yung mga papel na ‘yun sa drug transaction niya? Sumandal na lang ako at pumikit uli.

Ilang minuto na siguro ang nakalipas pero hindi pa din siya umaalis. Medyo naiinip na ako. Pinatong ko na lang ‘yung noo ko sa tuhod ko at pumikit uli. Para akong fetus dito.

Nang dumilat uli ako at nag-angat ng ulo, wala na ‘yung nasa harapan ko. Dahan dahan akong sumilip sa taas ng mesa, walang tao. Sinilip ko ‘yung kabuuan ng kwarto, wala nang tao. Nakatulog ata ako. Tumayo na ako. Maliwanag na sa kwarto dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Umaga na.

Lumapit ako sa vault. Bahagya itong nakabukas at walang laman. Naiwan niya ata at dala dala niya pa din ngayon ‘yung laman. Tinignan ko ‘yung lock. 10. The last number is 10. 1 down. 2 more to know.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 249 34
First story of my Remembrance Series. Dennise Hope Santillan
163K 3.7K 78
COMPLETED!!! "I was not always heartless. But after you broke my heart, I started using my heart less. And it will your sins."
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...