Philippines: Year 2300 (1st P...

By EMPriel

698K 12.3K 4.9K

Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste syste... More

Philippines: Year 2300
Chapter 1: On Snowy Streets of Manila (Sa Nagyeyelong Lansangan ng Maynila)
Chapter 2: A New Born Memory (Isang Bagong Silang na Memorya)
Chapter 3: Light of Hope (Liwanag ng Pag-asa)
Chapter 4: Fire in the Midst of the Cold (Apoy sa Gitna ng Lamig)
Chapter 5: A New World (Isang Bagong Mundo)
Chapter 6: The Great Wall Amongst Us (Ang Malaking Pader Saating Sarili)
Chapter 7: A Dark Past (Isang Madilim na Nakaraan)
Chapter 8: Deus Ex Machina (God of Machines)
Chapter 9: An Outlaw in Mexico (Isang Tulisan sa Mexico)
Special Chapter - Birth of Catastrophe (Pagsilang ng Kapahamakan)
Chapter 10: Face of Death (Mukha ng Kamatayan)
Chapter 11: Awakened Beast (Nagising na Halimaw)
Chapter 12: Ashes in the Air (Mga Abo sa Hangin)
Chapter 13: History or Fate (Kasaysayan o Kapalaran)
Chapter 14: Darkness to find Light (Kadiliman para mahanap ang Liwanag)
Chapter 15: Broken Pathways (Mga Hiwalay na Daan)
Chapter 17: The Wise and the Cunning (Ang Matalino at ang Tuso)
Chapter 18: Destined to Conquer (Nakatadhana upang Manlupig)
Chapter 19: A King of the New World (Ang Hari ng Bagong Mundo)
Chapter 20: A Friend or A Foe? (Isang Kaibigan o Isang Kaaway?)
Chapter 21: The Great Rebellion (Ang Malaking Pag-aalsa)
Chapter 22: Dress to Kill (Nagbihis upang Pumatay)
Chapter 23 part 1: An Unknown Friend (Isang Di' kilalang Kaibigan)
Chapter 23 part 2: A Memory of a Hero (Ang Alaala ng isang Bayani)
Author's Note

Chapter 16: Lineage of Lies (Angkan ng Kasinungalingan)

13.1K 277 88
By EMPriel

"To defeat evil, I shall become an even greater evil."

-Lelouch Vi Britannia, Code Geass


"A-Anong sinasabi mo?!" bulyaw ni Helena. "Hindi ka pwedeng maging katulad ko dahil wala ka namang taglay na lakas at bilis na gaya nang sa akin. Hindi pwede Johan. Hindi rin ako papayag!"

"Paano mo naman nasabi 'yan?" tila pagtataka naman ni Maria. "Wala kaming nakalap na impormasyon na isa ka sa mga experiments ng MEMO kaya 'wag mong sabihin 'yan."

"Dahil wala akong memory gene. Iniisip ko kung ang ama ko nga ba ang ayaw na lagyan ako ng memory gene o siguro nasanay na lang ako na naiiba. Kaya ko naisip na ayokong magpalagay noon, dahil unti-unti, nakikita ko kung anong klaseng bagay ang nakakabit sa inyo. Isang bagay na papatay ng maraming tao, isang bagay din na masasabing mga malalayang preso ang mga gumagamit nito," paliwanag ni Johan habang napapangiti nang matipid at umiiwas ng tingin sa dalawa.

"Hindi maaari ang sinasabi mo...ikaw lang ang naniniwala diyan. Para ano Johan? Para damayan ako sa kalagayan ko?! 'Wag kang magbiro!" bulyaw muli ng dalaga.

"Hindi ako nilagyan ng memory gene upang itago ng MEMO kung sino akong talaga. Naiiba ako sa lahat ng bidder. Gaya din 'yan ng kakaiba mong memory gene, Helena," paliwanag muli ni Johan.

"Tama na!" napasigaw muli si Helena, nagtakip ng kanyang mga tenga at muling lumuha.

"Hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba Johan. Isa pa, kung eksperimento ka ng MEMO. Bakit hindi sila gumamit ng memory gene sa 'yo para ma-adapt ng katawan mo ang mga gamot at aparato nila? At gaya nga ng sinabi ni Helena, Hindi ka naman malakas at mabilis," wika naman ni Maria.

"Ang tanong ay kung ano ang kaya kong gawin at ano rin ba ang kayang gawin ng kapatid ko? Maaaring alam ko na ang kasagutan at nagagamit ko na rin ang kakayahan ko pero hindi ko lang napapansin," paliwanag ng binata.

"Isa lang ang solusyon para malaman natin. Kailangan nating hanapin ang propesor na binanggit ni Albert. Doon ko mapapatunayan na katulad mo lang ako, Helena. Sinubukang gamitin ng gobyerno pero itinago ako sa lipunan upang magamit ng walang hahadlang," dagdag pa niya.

Bigla namang sinampal ni Helena ang binata. Napaigtad siya at napatagilid ang mukha. Ikinagulat iyon ng binata.

"Sinungaling ka, Johan! Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Hindi ako papayag. Sinasabi mo 'yan dahil naaawa ka na sa akin, 'di ba? Na kapag naiipit tayo sa gulo wala kang magawa kundi panoorin lang ako! 'Yan ang totoo 'di ba? Gumagawa ka ng sarili mong haka-haka para lang makatulong? Para madamayan ako?! 'Yan ang totoo!" bulyaw naman ni Helena.

Tila muling bumalik ang ulirat ni Johan. Naguguluhan siya. Maaaring sinasabi niya nga lang iyon para maibsan ang pangungulilang nararamdaman ni Helena ngunit tila nagalit pa lalo ang dalaga sa kanya.

Tumalikod na lamang ang binata at huminga nang malalim. Agad namang sumunggab ng yakap si Helena mula sa likuran nito.

"Johan, tao ka. Hindi ka isang eksperimento lang. 'Wag mong ilalagay ang sitwasyon mo sa akin. Hinding-hindi ko matatanggap 'yan," wika ng dalaga.

Dahan-dahan namang hinawakan ni Johan ang kamay ni Helena at inalis ito nang marahan.

"Kailangan nating pumunta sa UST at hanapin ang nag-iisang taong maaaring alam ang kasagutan," wika niya. Agad siyang naglakad papunta sa pintuang bakal at inangat iyon.

Napatingin na lamang si Maria sa lumuluhang dalaga.

"Tara na, Helena. Malalaman din natin kung ano ang totoo," wika niya.

*****

"You are evil all these years! For what? For the sake of your company? And now you try to justify your love by harmlessly capturing your own son?!" wika ni Mrs. Erlinda Klein habang kausap sa sala ang kanyang asawa na si Dr. Levine.

"I'm sorry, I didn't..." Napatigil naman sa pagsasalita ang doktor dahil sa pagsampal ng kanyang asawa.

"You liar! You lied to us!"

Pinagsusuntok ni Mrs. Erlinda ang kanyang asawa sa dibdib. Tila wala namang magawa ang doktor kundi tumayo na lamang. Tanggap niya ang kamaliang nagawa ngunit hindi nya alam kung paano maaayos ang nasirang pamilya lalo na ang bansang kinabibilangan ng pamilya niya at ang mga taong nabuhay at naninirahan na dito.

"Innovation, that is what we seek. The company deserves great respect. The government of the new world deserves more than gratitude from its people. We can no longer give freedom for every men. Because we gave them their lives, we gave them the privilege to live as long as they want. And that is what we want. To rule this world, through the memory gene," paliwanag ng doktor.

Hindi naman makapaniwala ang kanyang asawa sa mga naririnig. Nanlaki ang mga mata nito habang dahan-dahang umaatras palayo sa kanyang asawa.

"But all of these reasons are nonsense without Johan. I protected him because he is the key to all our works. All our blood and sweat will be wasted if Johan will be destroyed so we protected him. I hid him from the eyes of the government. I loved him as a father. But now is a different time. The world needs ruling, and I need him to rule this world. To manipulate every existence, to have peace," dagdag pa ng doktor.

Tumulo ang luha sa mga mata ng kanyang asawa. Tila hindi niya na kilala ang taong nagsasalita sa kanyang harapan.

"R-rule? To have peace?! You monster! There will never be peace if you rule everyone without freedom! I curse you for being the father of our son. I curse you for being my husband. I curse your creation!" wika ng kanyang asawa. Kinuha niya ang bread knife na nakapatong sa mesa katabi ng ilang tinapay at tsaa. Tinutok niya iyon sa kanyang memory gene na animo'y sasaksakin ito.

"This is a cursed machine! You promised a life of happiness, a life of living in a world without death in exchange for the death of thousands of people who cannot afford it. Your son is right, this is not happiness. This is hell, you and what your company made!" bulyaw niya habang nakatutok ang kutsilyo sa likuran ng kanyang ulo.

"N-no, don't do this! Please!" Agad lumapit ang doktor sa kanyang asawa.

"I would rather end this immortal life than live it in misery!" Bago pa man makalapit ang kanyang asawa ay agad na niyang sinaksak ang kanyang memory gene.

"NOO!" sigaw ng doktor. Tumingin naman nang masama ang kanyang asawa sa kanya at tuluyan na itong pumikit pagkatapos. Napaliguan ng dugo ang kanyang magarang damit at agad na bumagsak sa sahig.

"No!"

Napahagugol naman ang doktor nang yakapin ang kanyang asawa. Halos maligo sa dugo ang binti niya dahil sa pagkahiga ng ulo niya dito. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. Wala na siyang nagawa para sa buhay ng kanyang mahal.

"You're the only reason I live. Why did you do this?! Why? Why?" wika niya habang umiiyak. "I will end this if you let me. You just have to give me a chance to change it,"

Nag-iba bigla ang kanyang mukha. Tila nahaluan ng galit ang kanyang paghihinagpis.

"This is all your fault. I will end your life, you worthless experiment. You gave me nothing but trouble, Jonas!" ani Dr. Levine Klein.

*****

Napakaraming sundalo ang nakakalat nang makarating sina Johan sa paligid ng UST. Sa Espanya pa lamang ay nagkalat na ang mga bid na sinusubukan ding pumasok sa loob ng mahigit dalawampu't dalawang ektaryang campus.

"Mukhang mahihirapan tayong pumasok dito," wika ni Johan habang patingin-tingin sa paligid.

"Kung sa kabilang daan ka pupunta baka posibleng makapasok tayo," suhestiyon naman ni Maria.

"Pero sarado rin sigurado ang gate na naroon," sagot naman ng binata.

"Mas maigi na 'yong sarado ang daan kaysa binabantayan ng mga sundalo ang papasukan natin," sagot naman ni Maria.

Napangiti naman ang binata at tumingin sa kanya. Pinaandar niya ang hover car sa kahabaan ng Espanya. Mangilan-ngilan din ang mga kotseng stranded sa tapat ng UST. Wala na ang mga may-ari nito at marahil iniwan na lamang ang kanilang mga sasakyan upang makapasok sa loob.

Nang makarating sila sa kabilang gilid ay agad pinatay ni Johan ang makina ng sasakyan. Tumingin-tingin muna siya at saka bumaba. Sa 'di kalayuan ay nakita nila ang isang mataas na gate na mayroong barbed wire upang hindi makaakyat ang sinumang magtatangka.

"Paano tayo makakapasok diyan?" tanong ni Helena.

Tumingin naman ang dalawa sa kanya.

"'Wag niyong sabihing aakyatin ko iyan para mabuksan mula sa kabila," wika niya.

"Ikaw ang nag-isip niyan ah." Napangiti na lamang ang binata. Napabuntong hinga naman ang dalaga at saka lumapit sa gate.

Mangilan-ngilan pang tao ang nakapaligid sa gate na iyon kaya't naghintay muna ng tiyempo ang dalaga bago umakyat. Nang malingat ang ilan sa mga ito ay saka tinalon ni Helena ang bakod malapit sa gate at saka nagfreefall sa kabila.

Nang makarating sa baba ay nakita niya ang coded na lock sa gate. Nangangailangan ito ng gate pass card upang mabuksan o kaya naman ay ang number combination nito.

Nagtago muna si Helena sa gilid nang makita ang isang paparating na sundalo. Nang makatyempo ay agad niya itong sinakal gamit ang kanyang braso. Dinala niya ito sa gilid kung saan siya nagtago nang maramdamang wala nang malay ang sundalo. Kinapkapan niya ito at sa bulsa at nakita niya ang isang gate pass.

Agad siyang pumunta sa lock ng gate upang i-swipe ang card. Agad namang nagkulay berde ang ilaw nito, senyales na bukas na ang lock. Automatic namang bumukas ang gate at saka pumasok sina Maria at Johan. Isinara rin nila ito agad upang hindi makapasok ang mga bid na nasa labas. Nang maisara iyon ay agad na kinatok ng mga bid ang malaking gate.

"Papasukin niyo kami parang awa niyo na. Mamamatay sa gutom ang pamilya ko!" sigaw ng isa.

"Papasukin niyo kami!"

"Tulungan niyo kami kahit kaunting pagkain lang," sigaw ng iba pa.

Napatigil naman si Maria nang marinig ang mga hinaing ng mga taong iyon. Napatulala siya, na tila naaalala niya ang kahirapang dinanas noong panahong buhay pa ang kanyang mga magulang. Naaalala niya ang panlilimos niya kasama ang mga kapatid sa kalye ng Maynila upang may makain lamang sa araw araw. Tila naawa siya sa mga ito at para bang gusto niyang buksan ang gate para makapasok. Bubuksan niya na sana itong muli ngunit nakita siya ng binata.

"Maria, hindi mo sila matutulungan sa ganyang paraan. Dapat matuto silang lumaban para mabuhay. Hindi sila dapat mamuhay sa limos at awa lang," wika niya.

Napatingin na lamang ang dalaga sa kanya at nalungkot.

"Tara na. Pinapangako ko sa 'yo, hindi masasayang ang lahat ng pagod at sakripisyo mo, Maria," nakangiting sambit ni Johan. Inabot naman ni Helena ang kamay niya upang akayin. Inabot din ni Maria ang kanyang kamay at saka tumakbo ang dalawa patungo sa loob ng campus.

Maraming mga estudyante ang pagala-gala sa loob nito. May mga dalang tablet at bag ang iba. Ang iba naman ay tuwang-tuwa sa pakikipagkwentuhan sa iba pang mga kaibigan. Tila hindi nila alintana ang nangyayaring gulo sa loob ng kanilang eskwelahan. Napasimangot na lamang si Johan nang makita ang kahipokritohan ng mga kabataang bidder na naroon. Nagsara ang kanyang mga kamao ngunit yumuko na lamang siya upang pigilan ang galit na nararamdaman.

Kinapitan na lamang siya ni Helena upang pakalmahin.

Naglakad sila nang normal upang hindi sila mapansin ng ilang mga sundalong nakapaligid sa lugar. Patuloy naman ang pagronda sa himpapawid ng mga heli ship at mangilan-ngilang mga jet fighter plane.

Ganito na ang naging hitsura ng Maynila simula nang ipatupad ang Martial Law. Tila nakahanda para sa gyera ang lahat ng sundalo ng Pilipinas.

Dumaan ang tatlo sa chapel ng UST, ang Santisimo Rosario Parish Church. Luma na ito kung titingnan at marami nang sira. Sinusuportahan na lamang ito ng mga bakal na pundasyon sa paligid upang hindi tuluyang gumuho.

Nakasulat pa ang mga katagang Universitas - Pontificia -Sancti - Thomae - Aquinatis sa arco ng chapel. Namangha naman sa ganda ng disenyo ng arkitektura si Maria.

Nagtataasan na ang mga makabagong gusali ng UST. Umaabot na ito sa halos 500 na palapag. Marami-rami na rin ang mga hanging platform na nagkokonekta sa bawat gusali upang matambayan ng mga estudyante habang walang klase. Open area pa rin ang main field at malawak pa rin ang espasyo nito. Marami-rami na rin ang walkway sa buong lugar.

Ang mga lumang gusali naman ay pilit na pinepreserba ng gobyerno upang mapanatili ang natitirang kasaysayan ng unibersidad.

"Saan ba tayo unang maghahanap, Johan? Ang laki ng eskwelahang 'to," tanong naman ni Helena. Nang makarating sila sa harap ng lumang main building ng unibersidad ay napatigil si Helena. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng gusaling ito kahit na tila nilulumot na ito sa sobrang kalumaan.

Sa itaas nito ay makikita ang isang malaking orasan at ang siyam na eskultura. Ang tatlong nasa gitna ay ang tatlong paring sumisimbolo sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig---- Sina Vincent de Beauvais, St. Augustine at St. Raymond de Peñafort. Ang tatlo sa kanan ay ang tatlong tanyag sa pilosopiya na sina Aristotle, St. Albert the Great at Plato. Ang tatlo naman sa kaliwa ay ang tatlong bihasa sa larangan ng literatura na sina Calderon dela Barca, Sophocles at William Shakespeare. Ang malaking krus sa itaas ay napalitan na ng mas matibay na bakal. Mas lumaki rin ang sukat nito.

"Napakaganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng disenyo ng building," wika ni Helena habang nakatingala at namamangha. Napangiti naman si Johan ngunit bigla itong napawi nang muli siyang humarap sa kinaroroonan ng entrance ng main building.

"Pumasok na tayo," wika naman ng binata.

Nang makarating sa loob ay agad makikita ang reception area. Lumapit doon si Johan at naroon ang isang lalaking tila tanungan ng impormasyon.

"Sir, itatanong ko lang po sana kung nasaan si Professor Marco dela Paz?" wika niya. Agad namang nagmasid at nag-usisa ang lalaki. Tinitigan niya si Johan at tila kinikilala ito.

"Kakapasok niyo lang po ba dito?" tanong ng lalaki.

"Hindi po. Estudyante niya ako, gusto ko lang sana siyang puntahan para sa project ng klase namin," sagot ni Johan.

Pinuna naman ng lalaki ang kawalan nila ng ID.

"Sir, wala po ba kayong ID?"

"Ah pasensiya na. Naiwan kasi namin sa field. May meeting kasi kami doon at kailangang ilista ang mga pangalan namin," paliwanag ni Johan. Unti-unti ay nauubusan na siya ng pasensiya. Napapangiwi na lamang dahil sa dami ng tanong ng lalaking iyon.

Mayamaya pa'y nag-type na siya sa kanyang hologram keyboard. Tila hinahanap na niya kung saang palapag at saang kwarto naroon ang naturang propesor.

"Nasa laboratory siya ngayon sa 51st floor. Sa A3 New building," sagot niya, ngunit kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalinlangan at kaba.

"Salamat." Ngumiti na lamang si Johan at pagkatapos ay naglakad palabas ng gusaling iyon.

"Hindi ba delikado, Johan? Iba ang tingin ng lalaking iyon kanina. May pagdududa," sagot naman ni Helena.

"Alam ko. Maaaring may nakapaskil na impormasyon sa computer niya kaya pwedeng nakilala niya na rin tayo. Mayroon lang tayong ilang minuto para magtagal dito," tugon ng binata.

Tumunog ang bell ng eskwelahang iyon habang nasa isang tahimik na klase ang isang lalaking may katangkaran at mayroon na ring katandaan. Maputi ang balat nito at halos namumuti na rin ang kanyang buhok. Naka-tuck in ang polo niyang kulay dilaw at naka-slacks na brown. Bigla namang nagtayuan ang mga estudyanteng kanina lamang ay tahimik na sumasagot sa kanilang exam sa pamamagitan ng mga tablet at hologram sticks. Tahimik pa rin ang kanilang pagtayo at animo'y nagkakamot at umiiling-iling pa marahil sa kawalan nila ng sagot sa naturang exam.

"Nai-send niyo na ba sa 'kin? Kapag hindi ko nakita ang exam ninyo sa e-mail ko, wala kayong grade," wika ng propesor habang nakaupo at malamlam na nakatitig sa kanyang mga estudyante. Agad bumalik sa mga upuan ang mga estudyante at kinonekta ang kanilang mga hologram stick at tablet sa mga kable na hinuhugot mula sa arm rest ng kanilang upuan at pagkatapos ay agad lumabas ng kwartong iyon.

Nang unti-unting maubos ay saka pumasok sina Johan at ang dalawa pa sa isang classroom na tila laboratory ang likod ngunit may mga upuang nakakabit sa sahig nito.

"Kung hahabol kayo sa pagpasa ng project, mamaya na kayo bumalik. Break ko pa," wika ng propesor habang nakayuko at tila nagbabasa sa kanyang hologram stick.

Napangiti naman si Johan at tumingin sa dalawang kasama. Tumayo pa rin sa harapan ang mga ito habang hinihantay na tumingin ang propesor. Mayamaya pa'y umangat na ang ulo niya at tila nanlaki ang mga mata nang makita ang binata.

"Professor Marco Dela Paz? Tama po ba?" tanong ni Johan.

"Johan...Johan Klein. Anong maipaglilingkod ko sa isang tulisang napadpad sa isang lugar kung saan mahigpit ang seguridad?" wika ng propesor.

"Kilala mo na rin pala ako," tugon ng binata habang nakangiti. "Kung seguridad ang pag-uusapan, mukhang hindi naman ganoon kabigat para hindi kami makapasok at hanapin ka."

Napangiti na lamang ang propesor at pinatay ang kanyang hologram stick.

"Matagal na kitang kilala Johan, bago ka pa maging wanted. Bago ka pa magkaisip ay kilala na kita, ang pagkatao mo at ang pamilya mo," wika ng propesor. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana para sumilip.

Agad namang pumunta si Maria sa gilid habang nakatitig sa propesor. Tila binabantayan niya ang kanyang mga galaw.

Napatingin naman kay Maria ang propesor saka ngumiti.

"Hindi naman imposible 'yon dahil kilala ang pamilya namin," sagot naman ni Johan. Agad lumingon sa binata ang propesor.

"Alam kong isang araw ay talagang sasadya ka dito para hanapin ako. Hindi man tungkol sa New Order ay siguradong tungkol naman ito sa pagkatao mo," wika ng propesor.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ng binata na tila napapakunot-noo dahil sa pagtataka. Naglakad naman ang propesor papunta sa kinaroroonan ng binata. Si Helena naman ay agad na naglakad sa harapan ni Johan upang humarang ngunit kinapitan siya ng binata at nginitian. Tila sinasabing ayos lang ang lahat.

"Talaga bang kilala mo na na ang pamilya mo, Johan? Alam mo na ba ang sikretong nakapaloob sa iyong pamilya? Ang tungkol sa MEMO at kung ano ang koneksyon ng iyong kapatid sa iyo?" wika ng propesor. Tumigil siya sa harapan ng kanyang desk habang nakaharap sa binata.

"Si Albert ang nagsabi sa akin ng lahat. Kaya minabuti kong hanapin ka para malaman kung ano ang totoo." Napailing naman ang propesor at umupo sa kanyang upuan habang nakangiti. Dinukot naman ni Johan ang bulsa ng kanyang jacket para ibigay sa kanya ang isang sulat.

"Siya rin ang nag-utos sa akin para ipadala 'yan sa 'yo," dagdag pa ng binata.

Napangisi naman ang propesor nang makita ang isang papel na sobre sa kanyang harapan.

"Nakakatawa 'di ba? Sa modernong panahon, may mga gumagamit pa pala ng papel. Pero hindi ko kinahihiya ang adhikain ng grupo nila. Natutuwa pa nga ako kasi marunong silang tumanaw sa nakaraan. 'Di gaya ng ibang tao na sa modernisasyon lang nakatuon. Gusto nila ng pagbabago pero hindi nila naiisip na ang pagbabago ay makakasira sa buong sangkatauhan," paliwanag naman ng propesor habang nakangisi.

"Ang sinasabi mo ba ay ang tungkol sa memory gene? Kung ayaw mo ng sistema nito, bakit ka gumagamit?" tanong ng binata.

"Matanda na ako. Kung tutuusin ay mas matanda pa ako sa iyong ama. Isang daan at dalawampu't apat na taong gulang na ako at gaya ng kakaunting nilalang na nagising sa katotohanan, namulat din ako sa madilim na sistema nito," paliwanag ng propesor, at tila nawala ang ngiti sa kanyang mga pisngi habang tinitingnan ang sulat na nasa kanyang mesa.

"Maituturing akong pinakamasamang bidder na gumamit ng memory gene noong hindi ka pa nabubuhay, Johan," pagpapatuloy ng propesor.

"Paano mo nasasabi 'yan?" tanong naman ng binata.

"Gumamit na ako ng halos labindalawang katawan upang mapaglipatan lamang ng aking memorya. Kung tutuusin, sa tanda kong ito ay dapat tatlo pa lang ang nagagamit ko," paliwanag ng propesor. Tila nagulat naman ang tatlo sa narinig at nagkatinginan.

"Hindi ako mapirmi noon sa katawang nililipatan ko. Kundi masyadong malaki, masyado naman itong mabigat. Kung maliit naman ay hinuhusgahan ng tao at kung payat ay hindi naman makabuhat ng mabibigat...." Napailing na lamang siya matapos bitiwan ang mga katagang iyon. "...hindi makukuntento ang tao sa kung ano ang mayroon siya. Maaaring magustuhan niya ang bagay na nasa kanya ngunit kinabukasan ay siguradong magsasawa din siya dito. Depende pa kung delikado ang trabaho mo, kung ikakamatay mo. 'Yan ang pinakilala sa atin ng modernisasyon. Ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili."

"Iyon din ang dahilan ko kung bakit hindi ako gumagamit ng memory gene," wika ni Johan. Natawa naman ang propesor sa kanyang sinabi.

"Desisyon mo ba ang kawalan ng memory gene mo o desisyon ng iyong ama?" tanong ng propesor.

"Hindi ko alam ang totoo, pero mayroon na rin akong ideya kung bakit hindi ako nilagyan ng aking ama ng memory gene. Iba ako sa lahat, gaya rin ng pagkakaiba ng lahat ng may mga memory gene kay Helena." Tumingin naman siya sa dalaga, at tila seryoso ang kanyang mukha.

Namangha naman ang propesor nang mapansing naiiba ang memory gene ng dalaga. Agad siyang lumapit upang suriin itong mabuti. Nairita naman ang dalaga ngunit hinayaan niya lamang ang propesor nang makita ang kapanatagan sa mukha ng binata.

"Ikaw pala 'yan. Ang tinatawag nilang 'Subject 7.' Tunay na kahanga-hanga ang iyong memory gene." Nanlalaki naman ang mata ng propesor habang sinisiyasat itong mabuti.

"Akala ko noon isa ka lang haka-haka. Tunay ka palang talaga." Nang hahawakan na ng propesor ang kanyang memory gene ay agad na pumalag si Helena. Hinawakan niya ang kamay nito at tila piniga nang hindi naman ganoon kadiin ngunit nakita pa rin sa mukha ng propesor ang sakit na naidulot nito. Nagmarka naman ang mga kamay ni Helena sa braso ng propesor.

"Pagpasensiyahan mo ako, iha. Masyado lang talaga akong humahanga sa disenyo ng memory gene mo. Isa lang ang may ganyang uri ng memory gene kaya pagpasensiyahan mo na kung masyado akong natuwa," pagpapaumanhin naman niya. "Malakas ka, iha. Tunay nga talagang ikaw 'yan. Mayroon kang lakas ng halos dalawang daang sundalo at bilis na katumbas ng isang humaharurot na sasakyan."

"Alam mo na kung sino si Helena noon pa, kung saan siya galing. Hindi ba?" tanong ng binata.

"Noong una, hindi ako naniwala na nabubuhay ang isang katulad niya. Pero nang pumutok ang balita tungkol sa mga eksperimentong ginawa sa France, naging curious ako. Lalo na noong namatay ang halos dalawandaang katao kasama na ang mga sundalo sa loob ng kanilang research lab. Lalo akong naengganyong halungkatin ang katauhan ng taong gumawa no'n. Mas lalo akong namangha nang pumutok ang balita tungkol sa insidente sa Antipolo. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob dahil mga bid ang sinagip mo, hindi ang mapang-aping gobyerno at ang militar," wika ng propesor.

Bahagya namang natawa si Johan sa narinig.

"Pumapanig ka sa mga bid pero sinabi mo kanina lang na gumamit ka ng halos labindalawang katawan upang paglipatan ng iyong memorya. Pero nang mabalitaan mo ang nangyari sa Antipolo ay natutuwa ka naman," wika ng binata.

Tumalikod naman ang propesor at naglakad palayo sa dalawa. Si Maria ay tila naalerto naman nang makita ang mangilan-ngilang sundalong patungo sa gusaling pinaglalagian nila.

"Noon 'yon. Pero nang malaman ko ang kwento ng katawang ginagamit ko ngayon, nag-iba ang pananaw ko. Nabuksan ang isip ko," wika ng propesor. Saglit namang sumingit si Maria upang alertuhin ang kanyang mga kasama.

"Pasensiya na Johan, pero mukhang may problema tayo," wika niya at muling tumingin sa bintanang sinisilipan. Agad namang nagtungo roon si Johan upang sumilip. Parami na nang parami ang mga sundalong pumapasok sa gusali. Tila maingat sila sa kanilang mga galaw marahil ay para sorpresahin ang binata at ang kanyang mga kasama.

Nilabas naman ng binata ang handgun at lumapit sa pintuan ng laboratoryo.

"Hindi mo kailangang gawin 'yan, Johan," wika ng propesor. May maliit na buton itong pinindot sa ilalim ng kanyang mesa at agad namang bumukas sa gitna ang tila malaking hologram screen board na nasa likuran ng propesor. Agad sumilip si Johan sa dulo ng hallway at nakita niya roon ang mga sundalong papalapit. Sinara niya ang pintuan at agad naglakad papasok sa sikretong kwarto kasama ang iba pa.

Isang tali naman ang hinigit ng propesor nang sila'y makapasok at agad ding sumara muli ang sikretong pintuan. Nang pumasok ang mga sundalo ay wala silang nakitang tao sa loob kaya't muli silang lumabas upang halughugin ang iba pang kwarto.

"Alam ng buong administrasyon ang blueprint ng gusaling ito. Sigurado akong matutunton nila tayo dito," pag-aalala naman ng binata.

"'Wag kang mag-alala. Ako ang nagdisenyo ng gusaling ito. Alam ko ang pasikut-sikot sa loob at kahit na ang mga lihim na kwarto at lagusan. Hindi problema ang blueprint dahil matagal ko na itong sinira at binura sa cyber system ng UST." Ngumiti ang propesor at saka tumalikod sa kausap. Madilim ang kwartong iyon ngunit nang humakbang ang propesor sa tila isang tile ng sahig ay agad umilaw ang buong flooring. Agad ding sumindi ang kulay puting mga ilaw sa kisame at naging malinaw lahat ng kung anong mayroon sa kwartong iyon.

Tila laboratoryo pa rin ito kung titingnan ngunit mas advance ang mga kagamitan dito. Nakapalibot sa isang paikot na mesa sa gitna ang mga hologram computer. Sa kaliwa ay makikita ang isang malaking babasaging tangke. Napasimangot si Helena nang makita niya iyon dahil naalala niya ang pag-eksperimentong ginawa sa kanya ng kanyang ama.

Sa kanang parte naman ay makikita ang dalawang mechanical chair. Tila bago pa ang mga ito dahil hindi pa tinatanggal ang plastic covering.

"Hindi pa gaanong nagagamit ang mga ito ah," wika ni Johan na tila sumasama ang tingin sa propesor na nakatalikod.

"Sa totoo lang, hindi pa nga nagagamit ang mga ito. Ang hologram computer pa lang ang nagagamit dahil wala rin naman akong paggagamitan ng tangkeng iyan at ng dalawa pang memory reader," wika ng propesor habang nakapamulsa. Tinutok naman ni Johan ang hawak na baril sa matandang propesor.

"Sino ka bang talaga? Bakit mayroon ka ng mga aparatong dapat ay MEMO lang ang nagmamay-ari?" tanong ng binata habang tinututok ang baril sa propesor. Nagulat naman si Professor Marco at itinaas ang kamay.

"H-huminahon ka, Johan. Hindi ako ang kaaway mo. Maniwala ka. A-ang kasama mo ang magpapatunay!" Tumingin ang propesor kay Maria. Nanginginig pa siya habang nakataas ang kanyang mga kamay.

"Maria?" wika naman ng binata.

"Totoo nga, na isa ako sa kumausap sa 'yo noon. Pero ang tanong, saan ka nga ba nakapanig? Sa New Order? O siguro naging tuta ka na rin ng gobyerno matapos naming makuha ang ilang impormasyon tungkol kay Helena at sa pamilya ni Johan?" paliwanag ng dalaga. Nagsidhi naman lalo ang galit ng binata. Nilagay na niya ang daliri sa gatilyo ng baril.

"S-sandali. Kung gusto ko kayong ipahuli, sana hindi ko binuksan ang sikretong pintuan papunta dito. I-isa pa, sana hindi ako pinagkatiwalaan ni Albert para papuntahin kayo," mangatal-ngatal na tugon ng propesor.

Nagkatinginan naman ang tatlo at muling bumaling kay Professor Marco.

"M-maniwala kayo. H-hindi ko kayo ipapahamak. Dinala ko kayo dito dahil alam kong marami kang tanong sa sarili mo, Johan. Ito lang ang paraan para maipaliwanag ko sa 'yo ang lahat," wika ng propesor.

Agad namang ibinaba ng binata ang hawak na baril. Dahan-dahan ding ibinaba ng propesor ang magkabilang kamay.

"Sige, ipaliwanag mo," utos ni Johan. Saglit na natahimik ang propesor. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.

"Hindi na ako nagpalit pa ng katawan. Mas pinili ko na rin ang matandang edad sa pisikal dahil marami akong pinagsisihan sa lahat ng aking ginawa. Mas pipiliin kong mamatay na lang sa normal na paraan," wika ng propesor.

"Snisingil ako ng tadhana, Johan. Hindi ko ninais na mabuhay habambuhay matapos kong mapag-isipan ang lahat. Hindi ko na kinaya ang konsiyensiya ko kaya't ako na rin mismo ang lumapit sa New Order para ilabas lahat ng nalalaman ko. Hindi sila ang lumapit sa akin kundi ako." Halata ang kalungkutan sa mukha ng propesor nang humarap siya sa binata.

"Ang katawang gamit ko ngayon ay hindi galing sa bid, kundi sa isang bidder." Nagulat naman si Johan sa kanyang narinig.

"Isang katawan na patapon na. Mas pinili kong hindi na ilipat ang memorya ko sa mas batang katawan," tugon naman ng binata.

"Tama ka. Ang katawang ito ay galing mismo...sa iyong kapatid na si Jonas."

Nanlaki ang mga mata ng binata dahil sa kanyang narinig.

Continue Reading

You'll Also Like

306K 10.5K 59
"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover...
5.2K 185 18
Book II - Plagiarist Duology Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo upang makamit ang pinakaaasam mong pagpapatawad mula sa taong pinagkakautangan m...
7.7K 341 31
Imagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.
29.8K 1K 18
** Watty's 2019 Winner -- Horror and Paranormal Category ** May tatlong dahilan kung bakit hindi makatawid si Rowan sa kabilang-buhay: Una, nawalan...