My Bestfriend is soon-to-be M...

By MissAngelHeart

395K 2.9K 201

Dahil sa maling akala ng Parents ni Chloe pinilit sila nito na magpakasal ng kanyang bestfriend na si Nathan... More

MBISTBMG?!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 18.2
Chapter 19
Chapter 19.2
Chapter 20
Epilogue + Authors Note
Special: KenLine Moments ♥ (Part 1)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 2)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 3)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 4)
Special: KenLine Moments ♥ (Last Part)

Chapter 4

15.8K 135 8
By MissAngelHeart

CHAPTER 4

Chloe's POV

Maganda ang gising ko ngayong araw na 'to. Nakapasok din ako sa school ng maaga. May ilang minuto pa bago mag simula ang klase namin. Iyon kasi ang patakaran sa school na 'to kailangan before sixth thirty in the morning ay nasa classroom na kami lahat.

"Ay anak ng butiki!" Nakakagulat naman! Bigla kasing nanghahatak ng bag. Nahawa na ko kay Roxy dahil sa mga words niya na 'yan kapag nagugulat sya. Pero anak ng tupa talaga ang madalas niyang masabi.

Siguro sa ibang tao maiisip na parang ang cheap namin dahil sa mga choices of words namin. Mahirap kasi kapag nakasanayan na, kaya pasensyahan nalang. Saka inilulugar naman namin minsan ang pagsasalita ng ganu'ng bagay.

"Ang laki ko naman para maging anak ng butiki," sabi ni Roxy at kinawit ang kamay niya sa braso ko saka sumabay sa paglalakad.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Kainis 'to ang aga-aga may ganang manghatak ng bag! Pasalamat ka Roxy kaibigan kita.

"Eh kase... Ano... Uhm... Basta halika na sa room." Hindi niya matuloy-tuloy ang gusto niyang sabihin. Ano kaya sasabihin nito?

"Teka! 'Wag ka masyado magmadali madadapa tayo niyan eh." May bagpack kasi akong pink saka dalawang makapal libro na hawak sa kaliwang kamay ko. For history and the other one is science book. You know? Kailangan mag aral ng mabuti para sa magiging future ko.

Nandito na kami sa tapat ng room. Napansin ko naman na nagkumpulan 'yong mga girls at ang mga mata nila ay kumikinang, 'yong iba kulang nalang mag heart shaped ng literal ang mga mata nila.

'Yung mga boys naman poker face lang, 'yung iba walang pakielam at 'yung iba natutulog.

Bakit kaya? Anong meron?

"Chloe Nicole! May new classmate tayo. Ang pogi talaga friend! Kilala mo s'ya!" Kinikilig na sabi ni Roxy.

Grabe kiligin 'tong kaibigan ko. Makapasok na nga sa classroom. "Tara na Roxy pasok na tayo." So what kung may new classmate kami? Kilala ko daw?

Sa bandang likuran ang upuan namin ni Roxy kaya 'di ko pinansin kung sino man yung bago naming classmate! Sungit ko yata ngayon ah.

Sa kaliwa ko nakaupo si Paulo at sa tabi niya doon naman nakaupo si Roxy.

But wait! Ang alam ko walang nakaupo sa kanan ko? Dahil bakante na talaga 'to. Kanino 'tong bag na nandito?

"Hi I'm Jessica! And my friends Janine, Janna, Janelle & Jacquelyn." Ngiting-ngiti na pagpapakilala ni Jessica. Akala mo naman talaga mabait. Eh kilalang-kilala sila sa buong school na grupo ng maaarte at matataray.

"Oh! Nice to meet you ladies. I'm Nathaniel."

Mapapalingon sana ako kung saan nagmula ang boses na 'yon. Kaso tinapik ako ni Roxy sa braso.

"Oh my gosh! Friend, he smiled! He's so handsome talaga!" si Roxy yan na parang hindi alintana na nasa gitna namin si Paulo na nakapoker face lang.

"Tumahimik ka nga dyan, Roxy!" saway ko sa kaibigan ko at napaayos naman siya ng upo ng mapansin niyang hindi na maipinta ang mukha ni Paulo. Smells fishy talaga sa dalawang 'to simula ng mag start ang klase namin this year!

Nakatalikod ako kaya hindi ko pa nakikita 'yung bago.

"Hi Nicole!" bati sakin nung lalake na nakalapit na pala sa 'kin at hindi lang iyon dahil umupo pa siya sa tabi ko. Teka! Parang may ka-boses talaga s'ya.

"Nathan! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Syempre dito na 'ko mag-aaral alangan naman ako teacher nyo." Pamimilosopo niya sa 'kin pero ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kaya hindi ko siya nakotongan sa ulo. Napansin ko naman 'yung grupo nila Jessica, ang sama na ng tingin nila sa 'kin pero hinayaan ko lang.

"Ahh ganun ba edi okay." Sagot ko sa kanya.

"So okay lang sa'yo kung magkatabi tayo?" tanong sakin ni Nathan.

"Ikaw ang bahala. Hindi ko naman pagmamay-ari iyang upuan na 'yan." Teka! Bakit parang ang sungit ko ngayon?

"Sungit naman nito ngayon. Parang wala tayong pinagsamahan."

Nagpapacute ba siya? Sarap kurutin ng pisngi!

"Pinagsamahan! Ayy oo nga pala." Natawa ako ng pilit, "Sorry naman kung nasungitan kita." Nginitian ko nalang siya.

May lahi talaga 'tong si Nathaniel James Arrastia na Spanish, German, Japanese, and Filipino. Kaya nga gwapo 'yang best friend ko.

Dumating na ang aming dakilang guro! Este ang strict teacher namin na si Ms. Dizon kaya kanya-kanya nang upo sa sariling mga upuan 'yong mga kaklase kong kanina lang ay nag dadaldalan.

After ng class may one hour break time kami. Kaya pumunta muna kami ng best friend kong si Roxy sa garden ng aming school, doon talaga kami madalas tumambay kapag wala pang klase.

"Friend bakit kanina pa nasa likod mo si pogi este Nathan?" pabulong na sabi ng kaibigan ko.

"Aba! Ewan ko dyan." pero bakit kaya?

Nagulat ako ng bigla niyang lagyan ng jacket na suot niya kanina 'yung likuran ko. Kaya ang ibang mga students na nandito rin ay napatingin sa amin.

"Bakit?" tanong ko kay Nathan.

"May... May tagos ka." pabulong na sabi nya sa akin.

What? Halos mamula ako dahil sa kahihiyan. Oh! Lupa lamunin mo na ako.

"Kaya pala ang sungit mo ha." nakangisi pang bulong niya sakin. Nakalimutan ko ngayon pala dadating ang monthly period ko.

"T-thanks!" sabi ko nalang sa kanya at ngumiti ng pilit. "Roxy, tara punta muna tayo sa CR." sabi ko sa kaibigan ko.

Kailangan kong magpalit. Buti nalang ay may extra skirt ako sa locker ko.


Hapon na ang uwian namin. Si Roxy tapos na agad magligpit ng gamit. Excited palagi umuwi 'yan eh.

"Nicole."

"Nicole!" Ako pala tinatawag.

"Huwag mo kasi akong tawagin na Nicole 'di na kasi masyadong ako sanay. Pero dahil kababata kita kaya pwede na rin," sabi ko kay Nathan.

"Pwede ba ako nalang maghatid sayo?" tanong ni Nathan.

"Uhm, sige friend mauuna na ako." si Roxy. Bumulong pa siya sakin, "Ihahatid ako ni Paulo. Sige enjoy este Bye!" Saka siya tumakbo at pumunta sa tapat ng gate kung saan nag aantay si Paulo.

"Sure, Nathan. Tutal wala naman akong kasabay ngayon umuwi." Sang-ayon ko kay Nathan.

Naglakad kami papuntang parking lot. Nang tumapat na kami sa kotse niya ay pinagbukas pa niya ako ng pinto. Gentleman!

"'Di muna kita ihahatid ha?" sabi niya sakin.

"HA? What? If you're planning to do something bad don't ever do it, Nathan! I'm still a V!" ano ba pinagsasabi ko? I should stop reading manga and watching some anime. Makontento lang dapat ako kay Spongebob.

Napatawa naman siya ng malakas dahil sa pagkakataranta ko, "Wala naman akong balak na masama."

"Sige tumawa ka pa!" Hinampas ko siya ng bag ko! Kainis eh!

Pero hala tawa parin s'ya tawa! 1-2-3-4-!

Okay tumigil na s'ya. Kaso parang nagpipigil mahampas nga 'to sa braso.

"Aw! Okay hindi na ako tatawa!" Wow serious na s'ya. Totoo ba 'yan?

"Kaya hindi muna kita ihahatid gusto ko muna i-treat ka ng food," sabi nya.

"Ahh ganun ba. Akala ko kasi... nevermind!" sabi ko.

"'Wag ka mag pout dyan baka gusto mong halikan---"

"Hoy! subukan mo lang makakatikim ka sa 'kin ng suntok!"


Roxanne's POV

Ihahatid daw ako ngayon ni Paulo. Pero nandito kami sa park ngayon nagtungo, hindi pa naman masyadong gabi dahil alas singko pa lang ng hapon. Makasakay nga muna sa swing.

"Hoy! Paulo. Patulak naman oh!"

"Ayoko nga! Kita mo na ngang nagbabasa at nakahiga ako dito sa damuhan eh."

Nakahiga siya sa damuhan habang nagbabasa ng comics, nagsuot pa siya ng glasses niya. Ginagamit lang daw niya 'yan kapag nagbabasa siya. Pero madalas daw nagsusuot siya ng contact lens.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat niya. Tinitigan ko siya. Kung hindi lang talaga chickboy 'to baka ako na nanligaw sa kanya, pero ayokong gawin 'yon baka isipin niyang easy to get ako.

"Uhm, Paulo. Ibili mo nalang ako ng ice cream! Please." Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko habang nagpapacute sa kanya.

"Oh sige na nga," sabi nya at ayun bumili na ng ice cream ang mokong!

"Ito na ice cream mo." Mayroon din siya ng kanya. Ice cream na nasa cup 'yong binili niya. Rocky road flavor 'yong sa akin na favorite ko. Sa kanya naman 'yung cookies and cream flavor.

"Eh bakit ang sungit mo ngayon?" Daig pa nito ang may regla na babae. Syempre joke lang 'yon!

"Wala lang," sabi niya habang nakaupo sa tabi ko.

"Loves," sabi nya.

"Oh? Ano?" Natigilan ako. "Hoy! Anong loves?" Loves mo mukha mo! "Manligaw ka muna! 'Wag mo kong daanin sa pagtawag mo ng loves sa akin."

"Eh ano pa nga ba ginagawa ko ngayon?"

"Sa tingin mo nanliligaw ka na sa lagay na 'yan?"

"Sige kung gusto mong ligawan kita. Edi liligawan."

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mag search siya kung paano manligaw. Pero 'wag na, dahil walang thrill kapag ako ang mag suggest ng gagawin niya. He needs to work and make effort for it.

"Nganga." Sinubuan ko siya ng ice cream. Siya naman pinunasan niya ng daliri nya yung nagkalat na ice cream sa gilid ng labi ko. Napatitig tuloy ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

"I want to kiss you." Bulong niya.

"Ha? Anong sabi mo?" ako.

"Wala!" sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Tara uwi na tayo." Yaya ko sa kanya.

"Thanks Paulo!" hinalikan ko siya sa pisngi lang.

Anak ng tipaklong naman! Natulala ang loko! Napahawak pa sa kanang pisngi niya na nahalikan ko. Kinurot ko tuloy siya sa kaliwang pisngit niya "tara na!" hinila ko na siya.


Chloe's POV

Ang swerte ng magiging girlfriend ng best friend ko! Ang galante eh. Nandito kami sa isang Japanese restaurant, kanina kasi dumaan pa kami ng mall. Ano pa! Edi binilhan niya ako ng dress na color beige saka cute na heels.

"Here's your menu, ma'm and sir," sabi nu'ng waiter.

"What do you want to eat?" si Nathan.

"Bahala ka na," sabi ko. Paano ba naman kasi dalhin ba naman daw ako nitong lalaking 'to sa Japanese restaurant, natural wala akong masyadong alam na masasarap na food ng Japanese bukod sa sushi at sashimi. Mas sanay kasi ko sa Filipino Foods.

After niya umorder. Fifteen minutes na katahimikan ang lumipas.

"Nicole." nagsalita rin sa wakas si Nathan.

"Oh?" ako.

"Best friend pa rin ba tayo?" tanong nya sakin.

Napabuntong-hininga ako, "Oo naman. Bakit ayaw mo?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganu'n. Kasi ang sungit mo na sa akin. Parang maraming nagbago?"

"Asus! Naninibago ka lang sa 'kin." I  smiled at him in a reassuring way.

Wala naman sigurong nabago sa ating dalawa, Nathan. Ako parin naman si Chloe Nicole. Siguro nag aadjust pa kasi tayo sa isa't isa, dahil matagal tayong hindi nagkasama at nagkita. But I'm hoping na maging magkaibigan parin tayo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
7.1K 579 46
Meet Camille Ashley Jiminez, isang simpleng babae na may crush kay Blazter Lance Rodriguez na kaklase at kaibigan niya pa. Napaamin siya na may crush...
243K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.3K 2 1
(COMPLETED) (UNDER REVISION)