I Will Never Leave You [On-Ho...

By conceitted

21.9K 1K 333

Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay a... More

Pagtatatuwa
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Kabanata 3

759 59 17
By conceitted

Makalipas ang isang araw, may pasok ulit kami. Tinawagan ko siya na nauna akong pumasok pero sabi niya, huwag muna daw akong pumasok sa classroom, hintayin ko muna daw siya sa gate. At Makalipas ang tatlumpong minuto kong paghihintay, sa wakas nakadating din siya. 

“O sige. Bilisan mo na diyan at baka mahuli pa tayo sa unang subject.” Pagmamadali ko naman sakanya

"Teka-teka bakit ka ba nagmamadali? Anong oras pa lang oh? 6:55 pa lang oh. Eh 7:20 pa yung unang subject natin. Huwag ka namang magmadali Nica. Bakit sino ba pupuntahan mo dun sa classroom? Huwag mong sabihin na may crush ka dun?” At bigla naman siyang tumawa

“Napakamalisosyo mo talaga kahit kalian”

“Tsaka, nung habang natutulog ako nun, wala ka bang ginawang masama sakin?’ Pagbibiro niya ulit sakin

“Talagang ganun pa itatanong mo sakin ha. Ano akala mo sakin, kung sino-sinong babae nalang? Huwag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa’yo no!” Tumawa lang siya sakin.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin, naalala ko ang nangyari nung nagkaroon kami ng Christmas Party for a cause. Nakalimutan kong ikwento sakanya at sa tingin ko eto na yung pagkakataon.

"Steph may kwento ako sa’yo. Last week pa ata nangyari ‘to kaya lang nakalimutan kong ikwento sa’yo. Kaya ngayon ko nalang ikekwento. May pinuntahan kasi kaming orphanage. Binigyan sila namin ng Christmas Party. At merong isang bata dun, ayaw na ayaw nang umalis sakin. Talagang kahit san man ako pumunta, hala panay sunod niya sakin, para bang ayaw niya na akong mawala sa tabi niya. Yung mga pinsan ko naman tawa lang ng tawa sakin. As in, ang saya-saya pa lang makatulong 'no?"

"Edi pwedi ka ng magnanay.? Hahahaha huwag kang mag-alala, bagay naman sa'yo eh"

"Ah ganun? Nakakailan ko na sakin ha?” Wala lang siyang ginawa kundi ngumisi nang ngumisi sa harapan ko. Pagkadating namin sa classroom, nagkatiyempo din na dumating na yung guro namin sa unang subject. Hindi na kami nakapagusap ni Stephen. Nakafocus na kasi ang isipan ko sa mga tinuturo ng guro namin.

Pagkatapos ng unang subject, nagkaroon na kami ng oras para makapagusap ni Stephen. Kasalakuyan kami ngayon nakaupo sa isang mesa. Siya na mismo ang bumili ng pagkain naming dalawa. Siyempre, libre niya. Habang wala pa si Stephen, madaming pumapasok na kung ano-ano sa isipan ko. Hanggang sa nakarating ang pag-iisip ko sa panahong nanliligaw si Stephen sa isa naming kaklase noon, Si Sarah. Hindi na ngayon nag-aaral dito sa Sarah pero isa yan sa pinakamabait at pinakamatalinong kaklase ko.

Flashback

"Siguraduhin mo lang na hindi ako papalpak dito Nica" Sabi sakin ni Stephen habang papunta kami sa isang lugar kung saan niya isusuperpresa si Sarah

Pagkadating namin sa lugar kung saan niya isusurpresa Sarah, natuwa naman siya sa ginawa  ko sa lugar. Ako kasi yung nagorganize ng lugar. Mistulang nasa isang fairytale si Sarah nito pag nakita niya yung lugar at siguradong akong sasagutin at sasagutin niya si Stephen.

"Grabe galing mo talaga Nics! Teka.. sasagutin ba 'ko nito ni Sarah?"

"Siyempre sasagutin ka niyan, huwag kang mag-alala kung nauutal ka sa mga sasabihin mo, andito lang ako sa likod ng mga kahoy na yan. Tsaka kung ako si Sarah, sasagutin talaga kita. Ako ba naman surpresahin ng ganito, naku! Ako na siguro yung pinakaswerteng babae sa mundo!"

"Talaga?"

"Oo! Huwag kang mag-alala. Tsaka huwag kang matense. Kelangan confident ka sa mga sasabihan mo. Para bang, mapapaniwala mo siya. Pero siyempre dapat totoo naman yung mga sasabihin mo sakanya"

"Sige. Teka tatawagan ko lang siya"

Tinawagan niya si Sarah. Halos isang oras na kaming nahihintay kay Sarah. Akala nga namin di siya pupunta. Naku grabe pa naman yung effort na ginawa ko dito pero di nagtagal dumating na din siya.Pagkapasok niya sa pintuan, parang nagkaroon ng isang liwanag. Nakakasilaw ang ganya niya. Nakasuot siya ng isang dress na all-blue lahat at nakaponytail ang kanyang buhok. Grabe, napakaganda niya.

Hinatid ni Stephen si Sarah sa mesa. Pabilog yung lugar tapos puno ng lights ang kanilang paligid. May nagviviolin din sa tabi nila.At hulaan niyo kung saan ako? Andito lang naman ako sa likod ng puno na  panay silip ng silip sakanila. Kanina ko pa tinitignan si Stephen gamit ang aking makamandag na tingin para alamin kung kailangan niya pa ang tulong ko. At buti nalang nakita niya din ako. Ngumiti lang siya sakin at sign na yun na kaya niya na nga.

Pagkatapos ng kanilang dinner, nag-usap sila. Ang nakakalito lang dito, wala pang sampung minute ang kanilang usapan, natapos kaagad. At makikita mo sa mukha ni Stephen na parang disappointed siya. Lumakad sila palabas ng lugar at hinatid ni Stephen si Sarah sa kanilag bahay.

Pagkabalik ni Stephen, hindi na mapinta ang kanyang mukha. Nagkaroon na ata ako kutob na merong hindi magandang nangyari.

"Oh ano? Ok ba? Anong nangyari?" Pagusisa ko naman sakanya

"Sige uwi ka na Nics, ako nalang bahala dito. Thank You nga pala” Ganun lang ang nasabi niya sakin at biglang tumalikod at naglakad-lakad sa lugar. Hinabol ko siya at tinanong kung anong nangyari.

"Ha? Teka lang, bakit mo naman ako papauwiin? Bakit ano bang nangyari? Hindi ba naging successful?” Bigla nalang siyang yumuko at nilagay ang kaliwan niyang kamay sa kanyang noo. Kaagad kong narinig ang kanyang mga hikbi. Gusto ko sanang tumawa pero sa tingin ko hindi ganito ang tamang panahon para magbiro. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Shh.... Shh... Hindi naman kasi lahat ng bagay, makukuha mo. Kung mahal na mahal mo siya edi sabihin mo sakanya na hihinatayin mo siya” Pagbibigay ko naman ng konting payo sakanya. 

Agad niyang kinuha ang yakap ko sakanya a humarap sakin "Hindi Nics eh. Hindi pa daw siya handang sagutin ako. Sabi ko sakanya maghihintay naman ako eh, pero ayaw niya talaga

“Ganun ba…Edi huwag ka nang umiyak. Naku! Yang poging mukha? Umiiyak lang? Sige na.. Itigil mo na yan.Para ka naming bata niyan eh” Hindi ko na alam kung ano pa yung magbibigay ko na payo sakanya kaya dinaan ko nalang sa biro. Una ayaw niya pang ngumiti pero dahil sa pagpapatawa ko, napangiti ko din siya.

End of Flashback

"Oh ano bakit tumatawa ka diyan?” Habang nakatingin sakin ng malalim. Nagulat naman ako nung nagsalita siya.

"Wala!" Sagot ko naman sakanya habang pinipigilan ang mga tawa ko.

"Bakit nga?" Pamimilit naman niya sakin

"Wala nga sabi eh. Naalala ko lang nung niligawan mo si Sarah. Hahahaha Umiiyak ka pa kasi nun eh!" Kumirot naman ang kanyang mga noo nang sinabi ko yun. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang ipinapalala ko sakanya yun.

"Tsk. Huwag mo na ngang ipapaalala sakin yan. Besides may bago naman ako at sigurado akong magiging masaya ako sakanya" Nakangiting sabi naman niya sakin

"Bago? Hahahaha Oh asan? Dalhin mo nga dito kung meron nga ba talaga! Ikaw parati ka nalang sabi ng sabi. wala naman. Hahahaha" 

"Hmm.. Hintayin mo lang mamaya. Papakilala ko siya sa'yo." Pabiro naman niyang sabi. Hmp. Siya may bago? Eh paiba-iba nga yung babae niya araw-araw eh, bago pa? Tsaka kung may ipakilala din naman siya sakin, sigurado akong isa nanaman yan sa mga babae niya.

Kumain na kaming dalawa. Pagkatapos ng klase namin, umuwi na kaming lahat. Lahat sa barkada, maliban samin ni Stephen at Kael, ay may pupuntahan na importanteng bagay. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa harap ng paaralan namin. Habang naglalakad kami, meron siyang tinanong sakin. Hindi ko narinig kasi lutang nanaman ako.

"Ano kamo?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ko, anong nakakatawa sa nangyari samin noon ni Sarah?"

"Ahh wala. Nakakatawa lang kasi umiyak ka noon. Yun lang naman yun. Tsaka hindi ka ba makaget over?"

"Siguro umiyak lang ako noon dahil hindi lang ako sanay na ako yung binabasted." Pagdedepense naman niya

"Sus! Kung alam ko lang na hindi ka pa din makaget over na umiyak ka noon. Haahaha Tsaka Grabe ha ang kapal naman ng mukha mo! "

“Siyempre makapal talaga tong mukha ko. At hindi lang makapal, pogi pa!” Tumawa nalang ako sa pagkaambisyoso niya. Pagkadating namin sa harapn ng paaralan namin. Sinabi niya sakin na kung pwedi, hintayin ko lang siya dito. Huwag daw akong aalis kasi meron daw siyang surpresa sakin.

‘Oh bakit mo naman ako pinahintay dito?” Tanong ko naman sakanya

“May pupuntahan lang kasi ako. Tsaka sabay tayong uuwi mamaya. Wala kasi akong kasama eh. Please.. Tsaka watch out nalang mamaya.” Pagmamakaawa naman niya sakin

"Huh? At bakit? San ka pupunta?"

"Basta."

"Basta bumalik ka kaagad ha. Andito lang ako. Hindi ako aalis dito"

Nagsimulang tumakbo si Stephen papunta sa kanyang sasakyan. Nalito naman ako kasi dala-dala niya ang kanyang sasakyan ngayon eh tuwing may pasok hindi naman niyan bitbit.

Dito lang ako naupo sa waiting shade ng paaralan namin, meron akong katabing ibang estudyante pero di nagtagal, umuwi din sila. Wala akong ibang kundi maglaro nalang ng mga games sa cellphone hanggang sa nagwarn ito na maloowbat na 'ko. Nang tinignan ko ang orasan  ko, nakaapatnapung minuto na pala akong naghihintay kay Stephen dito at medyo gumagabi-gabi na din. Gusto ko na sanang umuwi pero nangako ako sakanya eh. Kaya pinagtuunan ko nalang ng pansin ang libro ko. Nagadvance study ako kahit hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko.

Habang nakaupo at nagbabasa, merong tumabi na isang lalaki sakin. Akala ko si Stephen na pero nang matignan ko ang mukha, Si Kael lang pala. Gaya ko, nakauniform din siya. Nang tumingin ako, ngumiti siyang nakakainis sakin.

"Kung iinisin mo lang ako dito, umalis ka na" Akmang tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang aking kanang kamay at bigla niya akong pinabalik sa upuan ko.

"Eto naman masyadong highblood, tsaka bakit ka pa nandito? sino ba hinihintay mo?"

"Si Stephen"

"Ahh.. Edi samahan na kita"

Gusto ko na sanang umalis sa tabi niya kasi alam kong iinisin niya ako pero makalipas ang ilang minuto, wala naman siyang ginawang iba. Andiyan lang siya sa tabi ko, nakaheadset at may pagalaw-galaw pa siya ng kanyang ulo na tia yatang sinasabayan sa beat ang kantang pinapakinggan niya. Tinanong ko siya kung bakit pa siya nandito, pero ni isang sagot wala akong narinig sakanya. Hindi siguro makarinig, kaya sumigaw ako sakanya. Bigla naman niyang inalis ang kanyang headset at tinignan ako.

“Hmm? Anong sabi mo?” Sambit niya sakin na tila yatang walang narinig sa sinabi ko.

“Sabi ko, bakit andito ka pa?”

“Kumuha pa kasi ako ng namiss ko na quiz last week”

"Ahh ganun ba.."

Simula dun, nagpatuloy na yung pag-uusap naming dalawa. Kung ano-ano na yung mga pinaguusapan namin. Tungkol sa barkada, kung saan ikinwento niya na sa lahat daw sa barkada, siya lang daw yung hindi ko masyadong kinakausap. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Nag-usap din kami tungkol sa mga nagging karelasyon  niya.

“Hindi ako kagaya ng ibang lalake diyan! Na tila yatang iba-iba yung mga babae araw-araw. Ako, kapag nagkaroon ako ng girlfriend, stick-to-one lang ako. Hindi na ako hahanap pa ng iba. Ayoko kasing nakikitang umiiyak ang isang babae, lalong-lalo na ang mommy ko” Natuwa ako sa sinabi niya. Grabe napakaloyal niya pala. Napaisip din ako na mahal na mahal niya talaga ang mommy niya. Sayang, hindi ko siya hustong kinilala kaya hindi naging maganda yung samahan namin

“Mahal na mahal mo talaga ang mommy mo ‘no?”

“Siyempre. Mahal na mahal. Kaya nga ayoko siyang makitang nasasaktan… I don’t want to see her cry again”

“I don’t want to see her cry again? Bakit naman?” Pangusisa ko naman sakanya

"Ayoko ulit siyang nakitang umiiyak ng dahil sa isang lalaki… sa lalaking nangiwan saming dalawa” 

‘Huh? Pasensya na pero anong ibig mong sabihin?” Ayaw ko man sanang itanong sakanya ang mga bagay na ‘to pero dahil sa pagkalito ko, bigla nalang lumabas ang mga katagang ito sa bibig ko.

“Yung lalaking sinasabi ko is yung daddy ko. Iniwan kami when I was five years old. Wala pa 'kong malay ng mga panahon na yun pero I know na merong nangyayaring iba sa family namin. Araw-araw nalang silang nag-aaway at araw-araw ding akong umiiyak. One time, nagkaroon sila ng away, sa tingin yun na yung pinakagrabeng away na nakita ko sakanilang dalawa. Andun lang ako sa likod nila, tapos bigla nalang umalis si daddy bitbit ang kanyang maleta. Si mommy naman, nagmamakaawa sakanya. Gumising nalang ako na wala na ‘kong tatay na mag-aalaga at magsusuporta sakin habangbuhay. Hindi ko pa din kng ano ang mga nagging rason kung bakit sila nag-away, then when I was 9 years old, I saw my mom crying. Tinanong ko siya kung bakit. Tapos dun, kinwento niya sakin lahat. She told me na eventhough 4 years na silang hiwalay, still she's hoping na sana magbalikan pa sila ni Dad. Pero ngayon, as I could see, nakarecover na din siguro si Mama. I can see na masaya na siya ngayon.”

Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo matapos isalaysay ni Stephen ang kanyang buhay. Parang nagkaroon din ng kirot sa puso ko. Kahit na hindi kami broken family, parang ramdam na ramdam ko siya.

“I’m sorry to hear that Kael…Sana..” Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla niya nalang pinutol ang aking mga salita

“No.. Tsaka you don’t need to give me a piece of advice, okay na ‘ko ngayon” Sabi niya sakin at nasundan ito ng mga ngiti sakanyang labi.

Patapos ng yung usapan namin ni Kael pero hindi pa din dumadating si Stephen. Halos isang oras na akong ngahihintay dito.

"Nic sigurado ka bang susunduin ka ni Stephen dito?"

"Ahh oo sabi niya sakin hihintayin ko daw siya dito"

"Eh gabi na oh, tayo nalang yata yung natitira dito sa campus eh. Halika na, baka kung ano pa ang mangyari sa’yo dito” Agad na tumayo si Kael sa kanyang kinauupan. Tama nga naman siya, siguro kailangan na naming umuwi baka kung ano pa ang mangyaring masama samin dito

"Ahh sige halika na. Tetext ko nalang si Stephen na mauuna nalang ako" Agad din akong tumayo sa kinauupuan ko at nagsimula kaming maglakad palabas ng gate ng paaralan namin.

Pagkarating namin sa labas ng paaralan namin, nakita ko ang sasakyan ni Stephen. Tamang-tama talaga ng pagkalabas namin ni Kael. Bigla siyang bumaba sa kanyang sasakyan pero hindi pa dun natatapos, bigla siyang pumunta sa pintuan sa gilid ng kanyang sasakyan at pagkabukas nito, merong isang babaeng lumabas. Hindi nga siya nagbibiro. Agad naman akong naexcite kung sino ang babae.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...