Married To A Womanizer

By gingerbread9

28.6M 270K 27.3K

PUBLISHED UNDER SIZZLE (SUMMIT MEDIA) Love. Regrets. New Beginnings Katherine Rosales is head over heels i... More

Married To A Womanizer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7: Hangover
Chapter 8: My Wife
Chapter 9: Get What You Want
Chapter 10: Tender Love And Care
Chapter 11: The Plan
Chapter 12: Epic Result
Chapter 13: Tired
Chapter 14: Welcome Back
Chapter 15: Bonding
Chapter 16: Secretary
Chapter 17: Disappointed
Chapter 18: Dad
Chapter 19: Tickets
Chapter 20: Singapore
Chapter 21: Do I?
Chapter 22: Confused
Chapter 23: Damnation
Chapter 24: Stupid Engagement Party
Chapter 25: Flashback
Chapter 26: Decisions
Chapter 27: Duplicate Key
Chapter 28: Victoria
Chapter 29: Celebration
Chapter 30: No Please
Chapter 31: Oh No!!
Chapter 32: Where Are You?
Chapter 33: Pictures
Chapter 34: Innocent Liam
Chapter 35: Forever Alone
Chapter 36: Papers
Chapter 37: Accident
Chapter 39: Text Message
Chapter 40: Setting You Free
Chapter 41: Luggage
Chapter 42: Note
Chapter 43: The Visitor
Chapter 44: Help
Chapter 45: Criminal
Chapter 46: Goodbye Liam
Chapter 47: Leaving on a Jet Plane
Chapter 48: Starting Over Again
Chapter 49: Baby
Chapter 50: The Call
Epilogue
Matt and Kylie

Chapter 38: Waiting..

458K 4.7K 405
By gingerbread9

ZACH

Nagluluto ako ng pagkain ko para ngayon, wala kasi si Charmaine. Ewan ko ba kung magiging masarap tong luto ko eh, lalagyan ko na ng toyo yung niluluto ko ng biglang nagring yung phone ko. Shit! Di ko alam kung anong uunahin ko, baka masunog tong niluluto ko. Pero dahil hindi ako mapakali, pinatay ko muna yung apoy tsaka ko kinuha yung cellphone ko sa sala.

Gene is calling..

Agad ko naming sinagot yung tawag nya. "Hello? Bakit? Nagluluto ako!" Inis na sagot ko sakanya.

"Dude, mamaya na ang luto luto. Pumunta ka nalang dito sa hospital! Nag aagaw buhay si Liam!" Sabi ni Gene sakin. Seryoso ba tong mga sinasabi nya?!

"Wag mo nga kong lokohin! Ano ba talaga kailangan mo?" Inis na tanong ko sakanya, nakikipag lokohan pa tong sira ulo na eh.

"Gago ka ba? Hindi naman ako tatawag ng ganto kung hindi totoo eh! Pumunta ka na ditto! Mamaya mawala na si Liam, hindi man lang tayo nakapag paalam sakanya!" Shit! Mukhang seryoso nga tong si Gene.

"Sige, pupunta na ko. Text mo sakin kung saang hospital." Sabi ko at binaba ko na yung tawag.

Woo! Nagugutom ako, pero syempre kaibigan ko yun si Liam. Kahit gago yun pupuntahan ko padin yun. Pero bakit naman nag kaganun yun at nag aagaw buhay?! Shit! Di naman pwede to. Wala naming iwanan! Iniwan ko yung niluluto kong pagkain dun. Tinakpan ko na yung hindi pa lutong adobo. Tetext ko nalang si Charm na emergency at sumunod nalan sya sa hospital. Baka kasi mag tampo yun eh.

Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive na papunta dun sa hospital kung nasaan si Liam. Medyo kinakabahan ako, hindi lang ako makapaniwala na si Liam mag aagaw buhay. Ano bang kagaguhang ginawa nun na ospital yun? Minsan talaga may pag ka tanga din yun eh.

Mga ilang minute nandito na din ako sa hospital, tinanong ko kung anong room number ni Liam at agad akong pumunta dun. Pag bukas ko ng pinto, nandun si Gene at Jeric nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. What the?! Bakit parang hindi naman sila.. sira ulo talaga tong mga to.

"Ayan ka na pala eh." Sabi ni Gene at tumayo.

Lumapit naman agad ako kay Liam na nakahiga sa hospital bed at may bandage sa ulo, may mga sugat sugat din sya sa mukha nya. Tumingin naman ako kay Gene at Jeric. "Anong nangyari dito? Akala ko nag aagaw buhay na tapos kayo, parelax relax lang?"

"Syempre, biro lang yung nag aagaw buhay para pumunta ka na dito." Sabi ni Gene at natawa.

"Miss na din kasi kita, Zach." Sabi ni Jeric. Tss bading talaga. Mga sira ulo. Nag aalala din ako kay Liam syempre kaibigan ko yan.

"Ano bang nangyari kay Liam?" Tanong ko sakanila.

"Nabangga nga. Hindi ko alam kung bakit nabangga yan, basta ang sabi ni Tita bantayan muna naming kasi may pupuntahan daw sya. Okay naman si Liam! Hindi naman ganun kalakas tama nya." Sabi ni Jeric at kumain ng cheetos.

"Sira ulo talaga kayo! Akala ko nag aagaw buhay talaga. Nagluluto pa naman ako ng ulam naming tapos iniwan ko kasi akala ko nag aagaw buhay na!" Sabi ko sakanila.

"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman yung dalawa. Tumabi naman ako sa kanilang dalawa at nakikain nadin. Langya! Gutom na gutom na ko. Dapat pala nag drive thru nalang muna din ako. Pero ayos lang naman may pag kain naman sila dito.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kwekwentuhan nila Gene ng may narinig kami umungol. Napalingon naman kami kung nasaan si Liam. Minulat nya na yung mga mata nya at parang nagtataka sya kung nasan sya. Lumapit naman kaming tatlo sakanya.

"Goodafternoon dude! Kamusta tulog?" Tanong ni Jeric sakanya. Tinignan nya lang si Jeric at nilobot yung mata nya na parang may hinahanap. Tumingin naman sya ulit samin at kumunot yung noo nya.

"Bakit nandito ako?!" Tanong nya samin.

"Baka naaksidente ka?" Sagot ni Gene sakanya, binatukan naman ni Jeric si Gene.

Sumama naman yung tingin nya samin at pinipilit nya tumayo. "Woah, woah, woah! Bat ka tumatayo? Magpahinga ka lang Liam!"

"Tangina, ayoko dito! Kailangan kong puntahan si Kath!" Sigaw nya samin at pilit padin tumatayo. Pinipigilan naman naming tatlo si Liam pero ayaw mag paawat.

Umupo sya sa kama at hinilamos nya yung palad nya sa mukha nya. "Arrrghhhh!!!" Nagulat naman kami sa susunod nyang ginawa. Tinanggal nya yung suero at mga dextrose na nakakabit sakanya at tumayo. Lalabas na sana sya ng kwarto pero napiglan padin namin sya.

Ano bang nangyayari dito?! Bakit ba sya umaasta ng ganyan. Kasalanan naman nya kung bakit sya iniwan ng asawa nya! "Tangina naman Liam tumigil ka na nga!!" Sigaw ko sakanya at napatingin naman sya sakin.

"Wala naming magagawa yang pag wawala mo dito eh. Sa tingin mo ba pag nag wala ka lang pupuntahan ka dito at babalikan ka ng asawa mo?!" Napatingin ako at napailing nalang. "Kasalanan mo naman yan! Sinabihan kita dati! Pero binale wala mo lang! Tapos ngayon kung kalian iniwan kana tsaka ka mag hahabol?!"

Hindi ko na kasi maintindihan tong si Liam eh. Alam kong mahal na nya si Kath pero hindi ko naman masisisi si Kath kung bakit nya iniwan at sinukuan na si Liam. It's his fault. Kung nung una palang inayos nya yung pag trato nya sa asawa nya, hindi sya iiwan nun. Hindi ko alam kung bakit hindi magawa ng mga kaibigan kong mag tino. Hindi naman habang buhay ganyan dapat sila. Eto namang si Liam nag tino na pero maling oras naman.

Hindi naman na nagsalita si Liam at nanahimik nalang. Siguro pumasok din sa kokote nya yung mga sinabi ko. Dapat lang na pumasok naman yun sa kokote nya. Bigla naman bumukas yung pinto at agad naman lumingon si Liam dun. Pumasok naman si Tita Lizzette. Nagulat naman sya sa nakita nya.

"My god. What happened?!" Tanong ni Tita. Lumapit naman agad sya kay Liam at niyakap nya. "Liam.. Are you okay?"

LIAM

Hindi ko alam kung bakit pa ko nagising. Pag gising ko tumingin agad ako sa paligid, inaasahan ko na sya agad ang una kong makikita pero hindi. Tangina, sana hindi nalang ako nagising kung hanggang ngayon ganto padin yung mararamdaman ko. Sana natuluyan nalang ako eh..

Tinanggal ko yung mga pesteng suero at dextrose o kung ano anong nakakabit sakin. Hindi ko kailangan nyan. Ang kailangan ko yung makausap ko sya. Sinubukan kong lumabas pero hindi ako nakapalag sa mga kaibigan ko. Medyo nanghihina ako pero wala akong pake. Gusto kong mag usap kami, kasi ayokong iwan nya ko. Ayokong mag hiwalay kami.. Pero hindi ako nakapalag

Yung mga sinabi sakin ni Zach, tama nga. Sana nung sinabi nya sakin yun tinrato ko na sya ng maayos. Hindi ko din alam paano ako nag kagusto sakanya, pero kahit wala syang ginawa para mahulog ako sakanya bigla nalang akong nahulog sakanya. Hindi ko akalain mangyayari to. Eto naman yung gusto ko dati. Yung maghiwalay kami pero bakit parang ang hirap hirap na ngayon?

Yung tipong sana hindi ko nalang hiniling yun dati. Sana una palang minahal ko na sya, pero wala. Nasayang lahat..

"Liam.. Are you okay?" Tanong sakin ni mommy. Hindi nalang ako nag salita. Sa lagay ko na to alam ko hinding hindi ako magiging okay. Narinig ko namang nag sumarado yung pinto. Lumabas sila Gene at kami nalang naiwang dalawa dito ni mommy.

"I'm sorry Liam.. Sinubukan ko syang kausapin pero wala.." Mahinang sabi ni mommy. Alam ko kung sino tinutukoy nya.

Parang may kumirot na naman sa puso ko. Ganun nalang ba talaga kadali sakanya na iwanan ako?! Sana.. sana namatay nalang ako. Bakit hindi nalang sana pag gising ko maayos na ang lahat. Okay na kami, Masaya na kami.

"Mom, bakit wala sya? Bakit hindi sya pumunta.. hindi nya na ba ko mahal?" Tanong ko sakanya, kahit alam ko namang hindi nya alam.

"Liam.. I- I don't know.. please wag mo ng pahirapan yung sarili mo."

"I love her mom.. I need her, hindi ko kaya.. Sana namatay nalang ako.." Di ko na namalayang tumulo na yung mga pesteng luha ko. Bakit ba kailangan ganito kasakit? Hindi na nagsalita si mommy at hinagod hagod lang yung likod ko.

ZACH

Umalis na kami nila Gene sa hospital, nandun nadin naman na kasi yung n\mommy ni Liam. Hindi ko alam pero naawa talaga ako kay Liam. Ngayon ko lang sya nakitang nagkaganun. Ngayon lang sya namroblema ng ganun. Ramdam na ramdam ko na nagsisisi nadin naman sya eh.

"San tayo?" Tanong ni Gene.

"Pupunta ko sa Ayala, nandun si Charm eh. Sabi nya sunduin ko daw sya." Sabi ko sakanila. Nagtext kasi si Charm sakin na sunduin ko sya.

"Aba Zach! Kailan ka pa nagging driver ng asawa mo? Hahaha!" Pang asar ni Gene. Kahit kalian talaga tong lalaki na to.

Natawa naman kaming tatlo. "Sige na, una na ko." Paalam ko sakanila at umalis na.

Nagdrive na ko papuntang Ayala. Pag dating ko dun, naglakad na ko papunta sa pagkikitaan naming ni Charm. Naramdaman ko naming nag vibrate yung cellphone ko at may text ako galling kay Charm.

From: Babe

Babe, wait mo ko mga 30 minutes okay lang? Ikot ikot ka muna dyan. Sorry :*

Shooot! Wala naman akong magagawa dahil sya naman ang boss ko. Kaya naglakad lakad muna ko, naalala ko na naman si Liam. Kaawa talaga tong kaibigan ko. Sinabihan ko na kasi eh, di naman nakinig. Kaya ayan. Nilibang ko muna yung sarili ko at nagtingin ng kung ano anong may makita akong babae na naglalakad..

Pamilyar sya sakin kahit nakatalikod pero hindi ko alam kung sya ba talaga yan kasi parang..

Kath?

Humarap sya pero alam kong hindi nya ko nakita. Sya nga! Woah, ang laki naman ng pinagbago nya. She's wearing high heels and a black dress tapos parang umayos yung pag ka kulot ng buhok nya. Siguro kaya din nagkakaganun si Liam dahil ang laki ng pinagbago ng asawa nya. Haha! Woo. Di ko na kailangan magbiro biro ngayon. Kailangan kong makausap si Kath.

Kaya nag naglakad nako papalapit sakanya, nakita ko naman na parang nagulat sya ng makita nya ako.

"Oh, Zach.. Uh, hi?" Naiilang na sabi ni Kath. "Long time.. no.. see.." Nginitian ko naman sya at ganun din sya.

Paano ko ba sasabihin to sakanya. Hindi man lang ba nya nabalitaan kahit papano yung nangyari sa asawa nya? Para kasing kalmado padin talaga sya eh.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. "Katherine.. uhm, we need to talk." Sabi ko sakanya.

"About what?" Nagtatakang tanong nya.

"Liam." Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya.

"Zach, busy kasi ako ngayon.. May pupuntahan pa kong meeting baka pwedeng next time nalang natin pag usapan yan."

Naglakad sya papalayo. What the? Bakit nya naman iniiwasang pag usapan si Liam? Asawa nya padin yun at alam ko naming mahal nya padin yun. Pero kailangan nya padin malaman kung anong kalagayan ng asawa nya ngayon.

Kaya hinabol sya at hinablot ko yung braso nya. "Katherine.. Nasa hospital si Liam ngayon. Kailangan ka nya ngayon.."

|12.13.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 137K 38
He is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love of her life to be hers, but thin...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
10.2K 460 36
Limang taon ang nakalipas ngunit dala-dala parin ni Stella ang pasakit na ibinigay ni Emman sa buhay niya. Ang dating secretary lang, ngayon ay isa n...
25.6K 263 3
WARNING: R18 "I'm sorry for hating you that much. Patawad kung isinumpa kita sa loob ng mahabang panahon. Now I understand why I can't start moving o...