My Sweet Blackmailer

By TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... More

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Ch. 15: Still & Always
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.1: Cupid is Blind!
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 32.4 - CH
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 38 - I'd Lie
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 24.2: Twist and Turns

757 10 8
By TuronTuwingTrigo

Chapter 24.2: Twists and Turns

 [YSABEL'S POV]

Sht naman. Sht lang. So, kunwari lang pala syang excited sa 1st Monthsary namen together... TAPOS ANO?! Iindyanin nya ko?! Ang kapal kapal ng mukha nya ha. Maybe it was a mistake giving him another chance. Siguro, hindi na dapat ipagpilitan 'tong saming dalawa - tutal madami namang hadlang samen diba. OH DI SIGE NA. PANALO NA KAYO. KUHA NYO?! Nakakaasar.

Lumabas na ko ng Italiano at nag-abang ng taxi. Ugh! Since malapit na mag-12midnight ang konti na ng dumadaang taxi. Nakakainis. -____- KASALANAN MO LAHAT 'TO, ANGELO YUSON. I promise you, hindi na talaga kita mapapatawad sa pag-iwan mo saken. To think, Monthsary pa 'to ah. Nakakapula sa galit. ><

Walang daang taxi... Antay...antay...antay...

 Then, I started noticing tears rolling on my cheeks. ANO BA NAMAN 'TO. Naiyak na naman ako ng dahil sa walang kwentang lalaki na yon. !@#$%^&*()

*12:45am

 Finally, nakauwi na rin akong bahay. Pagpasok ko ng gate ay nakita kong bukas pa ang ilaw ng sala namen. Gising pa kaya si Alice?

"Alice?" - tawag ko habang sinasara ko yung gate

"Oh, Ysabel! HOW'S THE DATE?" - nang-asar pa talaga ha

"EH 'DI HINDI AKO SINIPOT!!!! ANO, MASAYA KA NA?!" - nagsimula na naman akong umiyak T___T

"HA?! Eh bakit hindi ka sinipot? Kagabi, excited kayong dalawa ah." - nagtaka si Alice at inalalayan ako pagpasok ng bahay

"TANONG MO SA KANYA." - I wiped my tears

*RING...RING...*

 "Cellphone mo, natunog." - bati ni Alice

"Eh ano?! Si Jelo lang yan. Ayokong sagutin." - tinakpan ko ng unan yung mukha ko

"Akin na, ako sasagot." - kinuha ni Alice yung phone ko sa bag at sinagot

[ALICE'S POV]

 Masyadong madrama 'tong pinsan ko. Tinatawagan na nga sya, ayaw pang sagutin.

"Akin na, ako sasagot." - kinuha ni Alice yung phone ko sa bag at sinagot

"Hello?"

[Alice!!! Si Ysabel]

"Eto naiyak. Ikaw kase. Bakit hindi mo sinipot?!" - EH G*GO KA PALA EH. ITATANONG MO SAKEN KUNG NASAN SI YSABEL EH IKAW NGA 'TONG HINDI SUMIPOT.

[Halaaaa. nagka-emergency kase. Can I come over?]

"ANO?! Nagka-emergency?! Mas mahalaga pa yang emergency na yan kesa sa 1st Monthsary nyo ni Ysabel????"

[Alice, you have to understand. Si Krissy kase...naglaslas. *sigh*]

SI KRISSY, NAGLASLAS? BAKET? TSAKA BAKET MAS INUNA PA NI JELO PUNTAHAN YUNG BABAENG YON KESA KAY YSABEL KUNG HINDI SIRA ANG ULO NYA. !@#$%^&*() MGA LALAKI TALAGA, KAHIT KELAN MANLOLOKO. DON'T TELL ME SILA PA RIN NI KRISSY PARA UNAHIN NYO YON AH.

Napalingon lang ako sa pinsan kong naiyak pa ren then I tried to calm my self down.

"So mas importante pa yan kesa sa pinsan ko."

[Krissy hindi! Alam mong importante at mahal ko si Ysabel, diba. Ayaw lang talaga ako paalisin ng parents ko at parents ni Krissy kase ako yung...]

"Ikaw yung alin, Jelo?"

[Ako *sniff* yung dahilan *cough* ng paglalaslas *sniff* ni Krissy *singhot]

Lumayo ako sa sala at lumabas ng bahay para patuloy na kausapin si Jelo.

"Alam mo bang ganyan ang mangyayari, Jelo?"

[Alice, Hindi. Alam mong mahal na mahal ko si Ysabel. *sniff*]

"Tigilan mo na pinsan ko, Jelo. Parang awa mo na. Hindi lang ikaw at sya ang nasasaktan. Pati ibang tao, nadadamay na. Please lang, Jelo.]

[Alice, sand----]

I cut him off. Ayoko ng marinig ang explanation nya. -___- Eto namang si Krissy, panira ng moment. Ganon bang kalakas ang radar nya para malaman na ngayon ang 1st Monthsary nila Jelo at Ysabel at tinaong maglaslas. NAKAKAINIS. Sobrang awang awa na ko kay Ysabel. T___T

Bumalik na ko sa loob at naabutang nakaupo si Ysabel.

"Hey, I don't wanna hear a thing." - babala nya saken kase magsasalita na ko

"You sure?" - umupo ako sa tabi nya

"Yeah."

"Punta ka munang Italy." - napatingin sya saken "Um, I mean...unwind yourself."

"Great idea. Hmm, bahala na. Sige, akyat na ko ah. It's been a long day. Gusto ko ng magpahinga." - she stood up and kissed me on the cheek.

YSABEL HURTS SO BAD. RAMDAM KO. T_____T

---------------------------------------

 [YSABEL'S POV]

 Thank God it's a new day. I checked my phone. ADIK?! Ang daming missed calls and text messages from Jelo. EH BAHALA SYA. I WON'T ANSWER ANYTHING.

Patayo na ko ng kama then suddenly nag-beep na naman yung phone ko.

 [1 New Message from: Monkey <3]

 Meet me today, kung san dapat naten sinelebrate and 1st Monthsary naten. We need to talk, Ysabel. Bring anyone, if that's what pleases you. See you at 6pm. Bye. Be safe.

WE NEED TO TALK.

 WE NEED TO TALK.

 WE NEED TO TALK.

Teka, baket? Mags-sorry ba sya? Eh hindi naman nya ko ginagamitan ng ganitong tono 'pag nags-sorry eh. Tsaka bakit walang I Love You?! Eh kahit nagkakatampuhan kase, sinasabihan nya ko non eh. Is there something wrong?!

Bumaba na ko para mag-breakfast. Saktong naabutan ko si Alice at Jasper na nagp-prepare ng breakfast.

"Good morning." - bati ni Jasper with a big smile on his face

 "Morning." - I smiled a bit

 "Oh umagang umaga problemado agad?" - napansin ni Alice ang pagsimangot ko

 "Si Jelo kase..." - umupo ako at kumuha ng tinapay

 "Anong sabe?!" - talagang sabay pa silang magtanong

 "He wants to meet up, later. Sa Italiano. Sabi nya kailangan daw naming magusap eh." - I frowned

 "Ayaw mo nun. Malay mo aayusin na nya." - positive si Jasper

 "Oo nga, pinsan."

 "Sige. Samahan nyo ko ah."

 "SURE!" - sagot nilang dalawa

 "I might as well contact all of them. Gusto mo lahat sila andon." - Jasper

 "Haha. Bahala ka." - I answered

Wala akong ginawa mag-hapon kundi magmukmok at intayin ang 6pm.

Anong sasabihin saken ni Jelo?

Mags-sorry kaya sya kase hindi sya nakasipot kagabi?

May surprise kaya sya para saken?

Pfft. This better be good, kundi b-break-in ko na talaga ang lokong yon.

(^___^V

*6pm

 "Couz, let's go?" - pumasok si Irene sa kwarto ko

 "Yup." - tumayo na ko at lumabas ng kwarto

Sa kotse kami ni Alice nakasakay pero si Jasper ang nagd-drive. Sabi ni Jasper ay andon ang buong tropa, except Rob.

Bakit kaya wala si Rob? Hmmm. Matanong nga kay Jasper

[JASPER'S POV]

 We're on our way to Italiano. Hmp. I knew this day would come. Kailangan gawin ni Jelo 'to, for Krissy's sake...and also for Ysabel. Jelo told us what happened. At kaya hindi rin kasama si Rob ay dahil binabantayan nya si Krissy. Alam ni Alice ang mangyayari ngayon sa pagpunta nameng Italiano. We just smiled para ipakita kay Ysabel na magiging okay ang lahat. Kasi 'pag sinabi namen ang totoong dahilan, for sure... HINDI sya sasama papuntang Italiano.

Ang tahimik ng buong byahe namen papuntang Italiano.

"Jasper, bakit hindi kasama si Rob ngayon sa Italiano?" - kinulbit ako ni Ysabel kasi sa back seat sya nakaupo

 "Ah, eh kasama kasi ng papa nya eh. May pupuntahan daw." - palusot ko

 "Ah ganon ba. Sayang naman. Kumpleto pa man din tayo ngayon." - masaya yung boses ni Ysabel.

Hindi na ko umimik, kasi awang awa na ko kay Ysabel. Wala syang idea kung ano ang mangyayari mamaya. Hay, Ysabel. Kung pwede lang na kami na ang magsabi ni Alice sayo, eh nasabi na namin. Kaso, ayaw naman naming pangunahan si Jelo.

[YSABEL'S POV]

Hindi rin masyadong nagtagal at nakadating na kami sa Italiano. Agad akong bumaba ng sasakyan. Kailangan ko ng makita si Jelo. Gusto ko nang makapagusap kami. Asus, magbabati rin kami nitong si monkey ko. KAMI PA. ;)

"Ysabel, hinay hinay lang. Excited ka masyado eh. Hahaha." - napansin ata ni Jasper yung pagmamadali ko.

"HAHA. Eh kasi gustong gusto ko na malaman yung sasabihin nya saken." - gigil na gigil ako. "Tara na nga! Hahaha."

Nauna ko maglakad kesa Alice at Jasper. Nang makadating kami sa loob, agad kaming dumiretso sa 2nd floor. Nirent daw kasi ni Jelo yung buong 2nd floor. Hala. May surprise nga sya saken. Medyo kinikilig naman ako don. :">

Pagakyat ko, nakita ko na yung barkada. Sila lahat walang imik. Nakakapanibago. Lumingon lingon ako hanggang nakita ko si Jelo. Nakaupo sya sa tabi nung glass window nung resto, nakatingin sa buwan. Hindi sya nagsasalita at hindi din sya lumingon sa direksyon ko.

Lumapit ako.

"Oy, problema mo?" - bungad ko

Tumingin sya saken. Hindi pa rin sya nagsalita. Yung mga mata nya. Puno ng kalungkutan. Kasing lungkot ng ulap na walang mga bituin.

"Uyyyy. Bakit ka ganyan? Anong nangyari?"  -umupo ako sa upuan na kaharap nya

"Tanda mo nung sinabi kong ipaglalaban kita? Ipaglalaban kita kahit kanino?" - tumingin sya ng malumanay sakin

"Oo naman. At kahit kelan hindi ko nakalimutan at kakalimutan yon."

"Ysabel, alam mong mahal na mahal kita diba?" - tanong nya

"Oo naman noh. I-----" - pinutol nya yung sinasabi ko

"Pero I think I'm not the right one for you."

Pero I think I'm not the right one for you.

Pero I think I'm not the right one for you.

Pero I think I'm not the right one for you.

Pero I think I'm not the right one for you.

Pero I think I'm not the right one for you.

"Ha? Anong sinasabi mo?" - gulong gulo na ko at tumulo na ang mga luha ko

"Ysabel, siguro magkanya kanya na muna tayo. I can't handle this anymore. Ang daming nangyayari. Gulong gulo na ko." - napahawak sya sa ulo nya at tumulo na din ang mga luha nya

""Anong ang daming nangyayari? Jelo hindi kita maintindihan." 

"Si Krissy..."

"ANONG SI KRISSY? SI KRISSY NA NAMAN. SHET NAMAN JELO OH. SO NGAYON MAS PINIPILI MO SYA KESA SAKIN. IBA KA RIN EH NOH. ANO KA BA?! AKO. AKO YUNG GIRLFRIEND MO DIBA. BAKIT KASAMA NA NAMAN SI KRISSY?"

"Si Krissy. Naglaslas."

Natahimik ako sa sinabi ni Jelo. Parang walang lumabas na boses mula sa lalamunan ko sa pagkagulat. Naglaslas si Krissy dahil kay Jelo. Kaya ba nagkakaganito si Jelo....

"Naglaslas sya. And I need to be beside her. Ako yung may kasalanan kaya sya nagkakaganito. Ayokong mapano si Krissy ng dahil sa mga kagaguhang ginagawa ko. At nakiusap yung parents ni Krissy sa parents ko. Na. Na wag syang iwanan. Sorry Ysabel." - yumuko sya

Wala na akong masabi. Ang sakit at ang bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang maglaho bigla. Ayoko ng marinig yung mga susunod pa nyang sasabihin. HINDI KO NA KAYA.

"Let's part ways, Ysabel. I'm sorry."

Walang nagsalita saming dalawa. Walang nagsalita sa barkada. Feeling ko baon na baon na ko sa mga katagang binitawan ni Jelo. Ng lalaking pinakamamahal ko.

"AH SO KAYA SINABI MO SAKIN NA I CAN BRING ANYONE PARA IPAHIYA AKO SA BARKADA? PARA MAPANOOD NILA KUNG PANO KA MAKIPAG-BREAK SAKEN? KUNG PANO MO KO SAKTAN, HA JELO?" - sinigawan ko sya

Tumingin ako sa paligid. At nakita kong nakalapag yung car keys ni Alice sa table na inuupuan nila.

Hindi na ko nagdalawang isip. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng maglaho. Tumakbo ako papunta kila Alice sabay hablot nung susi at takbo pababa.

[ JELO'S POV ] 

Hindi na inantay ni Ysabel yung sasabihin ko nang bigla nyang halbutin yung susi ng sasakyan ni Alice sabay takbo. EH HINDI MARUNONG MAG-DRIVE YUNG BABAENG YON. Basics lang ang alam non eh.

"YSABEL!" - sigaw ni Alice

Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. 

Tumakbo na yung barkada pababa, ako rin ay napatakbo na.

[ YSABEL'S POV]

Hindi ako nagdalawang isip at pinatakbo ko yung sasakyan. Nakita ko silang nanakbo para habulin ako, pero hinarurot ko yung sasakyan. 

"PANO MO NAGAWA SAKIN 'TO, JELO? ANG SAKIT SAKIT." - sumisigaw ako sa loob ng sasakyan

Hindi ko alam kung san ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong lumayo. Magpakalayo.

[ JELO'S POV ] 

[JELO'S POV]

Sinundan ko ang kotse ni Geoff na hinahabol si Ysabel. Nahuhuli ako sa kanilang lahat. Lumiko si Geoff sa isang Technopark, exit ng high way. Pero alam kong mahaba ang daan paloob don. Tsk. Bago pa nila mahabol si Ysabel. Buti nalang may alam akong ibang shortcut papunta sa loob ng Technopark. Lumiko ako at doon dumaan sa shortcut. Ang bilis bilis ng takbo ko. 

Umo-overtake ako sa mga sasakyang nasa unahan ko. Wala akong pakeelam sa mga sasakyang sumasalubong saken. 

Kailangan kong maabutan si Ysabel. Baka mapahamak sya.

JELO. KONTI NALANG. MALAPIT KA NA SA LOOB NG TECHOPARK. BILISAN MO PA!!!

Seryoso akong nagd-drive nang...

Biglang napigtal ang bracelet ni Ysabel na sinabit nya sa rear mirror ng kotse ko. 

***FLASHBACK***

Kakatapos lang ng basketball practice namen. Inintay ko rin si Ysabel dahil may club meeting sya. Bandang mga 7, I drive her home.

"Tignan mo, ang cute oh!" - pinakita saken ni Ysabel ang kamay nyang may charm bracelet

"Sino may bigay?" - tinignan ko sya ng seryoso

"Hmp. Bago lang, may nagbigay agad? Hindi ba pwedeng itanong mo muna kung sinong bumili?" - nag-cross arms sya

"Oh, sinong bumili?" - nag-start na ko ng makina ng kotse ko

"AKO! Ganda diba?" - bumalik ang kanyang matamis na ngiti

"Weh?" - asar ko

"Oo nga!!! Ayaw naman nitong maniwala." -_______- - hinampas nya ko sa braso

"Aray! HAHA. Sige nga. Kung ikaw bumili nan, kaya mo ba yang iwanan dito sa kotse ko??? Meaning akin nalang. Display ng gwapo kong kotse. ANO, ANO?!" - pamb-blackmail ko ^_____^

"Yun lang? Osige ba!" - hinubad nya yung charm bracelet at inilagay sa rear mirror ng kotse ko "You happy, Mr. Yuson?"

"Ginawa nga. HAHAHA. Basta dyan na lang yan, Cheeky ah." - I smiled at her

"Sure. Pero 'pag yan hindi ko na nakitang nakasabit dyan ibig sabihin hindi mo na ko mahal, HAHAHA. Babaw eh!" - she laughed

"Eh 'di naka-mighty bond na pala yan dyan. Alam mo namang forever kitang mahal eh." - I held her hand

"Asus. Hehe. Basta dadagdagan ko pa ng charms yan ah, hanggang makumpleto yung MONKEY na letters dyan." - she giggled

"HAHAHA. Eh anong letters na ba yung andyan?" 

"M-O pa lang eh. HAHAHAHA."

***END OF FLASHBACK***

Bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko? May masama kayang nangyari kay Ysabel. Jusko, wag naman po sana. AKO NALANG. SAKEN NALANG MAY MANGYARING MASAMA. WAG NA PO SA BABAENG PINAKAMAMAHAL KO. LORD, 

PLEASE... T____T

Binilisan ko pa ang pagmamaneho ko hanggang sa nakita ko na ang sasakyan ni Alice na minamaneho ni Ysabel.

*BEEP...BEEP..BEEP***

Bumusina ako ng bumusina.

Malayo pa sya, pero sana kita na nya ko.

HALA!!! :O Bakit pa-gewang gewang ang drive nya.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong may palikong truck papunta sa lane nya.

YYYSSSSSAAAAAAAAAAAABBBBBBBBBBBBBBEEEEEEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!

Tumulo ang mga luha sa mata ko. Kahit malayo pa ako ay itinigil ko ang kotse at tumakbo papalapit sa kanya.

"YSABEL!" - sigaw ko

Nakita ko na ring dumating ang mga sasakyan ng barkada.

Lumuhod ako.

Niyakap ko sya.

DUGO. DUGUAN ANG MAHAL KO. 

"YSABBBBBEEEELLL!" - I shouted, habang yakap yakap ko sya

Umubo sya ng dugo at may tumutulong luha sa mata nya. Hanggang sa....nawalan na sya ng malay

"YSABEL! WAG MO KONG IWAN. HANG ON. DADALHIN KITA SA OSPITAL." - bubuhatin ko na sana sya pero itinulak ako ni Alice

"TUMABI KA NYA DYAN JELO!!! *sniff* TIGNAN MO ANG GINAWA MO KAY YSABEL. UMABOT PA SA PUNTONG NAAKSIDENTE SYA. BAKET? KAGAGAWAN MO NA NAMAN. KAYA DON'T YOU DARE NA HAWAKAN ANG PINSAN KO!!!" - itulak ako ni Alice palayo

"YSAAAAAAAAAAAABEEEEL!" - niyakap nya rin si Ysabel

Nakatayo ako sa harapan ni Ysabel at Alice na duguan na rin ang damit. Hindi ko mapigilang lumuha. Ang makitang walang malay ang pinakamamahal mo. Ang tanging mahihiling mo lang ay sana ikaw na lang yung nasa posisyon nya. Tutal, AKO 

NAMAN TALAGA ANG MGA KAGAGAWAN. T_____T

Agad-agad na may dumating na ambulansya at isinugod na sya sa pinakamalapit na ospital.

Nagsisunuran na rin ang pulis para maimbestigahan ang nangyari pati para kasuhan ang walanghyang driver ng truck.

I've been there through out the investigation. Kaming dalawa ni Geoff. Gusto kong mabigyang katarungan ang pagka-aksidente ni Ysabel. Hindi pwedeng ibalewala yan. IT'S MY LOVE'S LIFE.

[ALICE'S POV]

Sakay kami ni Mark sa ambulansya habang sina Jasper at Kiel naman ay nagc-convoy samen. 

Hay, YSABEL. HINDI KA PWEDENG MAMATAY. BIDA KA SA STORYANG ITO...TSAKA ANO NALANG SASABIHIN NINA NINANG AT NINONG. HINDI NAMAN KASI PINABAYAAN. CHOICE MO 'TO EH. T_____________T

Agad na inasikaso si Ysabel sa ER ng ospital pagkadating na pagkadating namen doon. 

"Tinawagan mo na ba sila?" - tanong saken ni Jasper habang nakaupo kami sa waiting area ang OR. 

Inoperahan kaagad si Ysabel dahil pumutok ang ulo nya, at ang daming nawalang dugo sa kanya. Nagkaron din sya ng internal hemorrhage at blood clot sa brain nya.

"Ha? Sino?" - wala na kong lakas. Sobrang stressed na ko sa mga nangyayari

"Parents ni Ysabel." - tumabi saken si Jasper

"Ah. Hindi pa. Tatawagan ko na ba?" -_____-

"You should." - inabot saken ni Jasper ang phone ko

"Hmm. Okay."

Dialing...Connecting...Calling...

"Ah, hello, Ninang?" 

[Oh, Alice. Napatawag ka?]

"Si Ysabel po kasi..."

[Oh, how is she? Tinatawagan ko sya kanina pero hindi nagr-ring eh.]

"..."

[Hello. Alice. Are you there?]

"..."

[Alice?!]

"Ah opo. Ninang, ano kasi eh... Si Ysabel po kasi."

[WHAT? ANONG NANGYARI SA ANAK KO?]

"Si Ysabel po kasi...naaksidente. Pero ninang, inooperahan na sya."

[ANO?! BAKIT NAAKSIDENTE? SAAN? KELAN? AT ANO?!! INOOPERAHAN???BAKIT?!]

"Car accident po, ninang."

[CAR ACCIDENT???!! EH HINDI NGA MARUNONG MAG-DRIVE YON EH!!!]

"Yun nga po eh. Basic lang po ang tinuro sa kanya, pero hindi naman po namin akalaing mangyayari 'to. I'm really very sorry, ninang."

[BAKIT SYA NAAKIDENTE? *sniff*] 

"..."

[*sniff* It's about Jelo, right. HAY NAKO. Kelan ba titigilan ng lalaking yan ang pananakit sa anak ko.] - her voice lowered

"I'm sorry po."

[*sniff* Sige. We'll book an early flight home tomorrow. *cough* Um and Alice...]

"Po?"

[Wag mong papapuntahin si Jelo dyan sa ospital. Sabihin mo ren sa mga kaibigan mo. Hindi sya pwedeng makita ng anak ko.]

"Sige po."

[Okay. Tawag ako mamaya to check on her ah. Uuwi na kami agad bukas.]

"Sige po ninang."

*call ended*

-_____-

"Oh what did she say?" - Jasper

"Uuwi na sila agad bukas. And, Jasper. Pasabi sa barkada na hindi pwedeng pumunta dito sa Jelo." - tumamlay na ko

"Ganon. Sige, I'll tell them." - inihiga ni Jasper ang ulo ko sa balikat nya "Pahinga ka na. Gigisingin nalang kita 'pag lumabas na yung doktor."

[JASPER'S POV]

Hinayaan ko munang mag-rest si Alice at kami nalang ang nag-intay ng doctor.

"Ano na kayang nangyari? Parang ang tagal ah?" - pagtataka ni Andrew

"Kaya nga eh. Tawagan ko muna sila Rob." - lumayo si Kiel at tumawag na

Hayst, Ysabel. Bakit ba umabot sa ganito. Na naaksidente ka pa. Asan na nga pala yung si Jelo and Geoff?

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente? " - lumabas ang doctor mula sa OR

"Ah, mga kabarkada po kami ni Ysabel. Bukas pa po dadating ang parents nya eh." - Andrew

"Alice....Alice" - ginising ko na si Alice na mahimbing na natutulog sa lap ko

"Mmm." - kinusot nya ang mga mata nya

"The doctor's here." - I helped her sit down

"Oh doc!!! Kamusta na po sya?" - biglang nabuhayan si Alice

"She's fine, thank God. We'll transfer her to a room later on. Wag nyo muna sya masyadong kakausapin or tatanungin ah, since kakaopera lang ng ulo nya, maari pa 'tong sumakit. Wag nyo muna syang bigyan ng kahit anong rason para ma'stress. 

We'll run more tests." - the doctor responded

"THANK GOD. Thanks doc! - Alice

Napangiti kaming lahat to know that Ysabel's alright. Yesss! Hindi namatay ang bida ng storyang ito!!! ^____^

Continue Reading