Patient 95 (BTS Horror Fanfic)

By angel_irell

242K 11.3K 3.7K

Alamin ang buong kwento tungkol sa madilim na nakaraan ni Patient 95. --- Please don't buy, sell, or copy... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Author's Note
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Author's Note
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Epilogue
Author's Note
Patient 95's Book 2

Chapter Ten

5.3K 299 86
By angel_irell

"Chapter Ten: Jimin's Birthday"

[Seulgi's POV]

It's morning already and nafeel ko na masakit yung likuran ko at namamanhid yung braso ko. Hala. Nakatulog pala ako dito sa desk buong gabi. Tangna. Ang manhid tuloy ng braso ko.

Hinihilot ko yung braso ko para mawala yung manhid. Biglang pumasok si Sehun.

"Seulgi?"

Lumingon ako sa direksyon niya. May bitbit siyang mga papeles. Siguro mga information yun tungkol sa mga pasyente dito. Teka. Speaking of papeles and informations, naaalala ko yung personal info ni Jungkook.

Tinignan ko yung desk. Wala na yung papeles na binasa ko kagabi. Lumingon ako sa desk ni Sehun.

"Yung papeles ba hinahanap mo?" biglaan niyang tanong. Siguro habang natutulog ako, napansin niya yung folder.

"A-ahh oo. Sorry pala kung pinakealaman ko yung papeles." sagot ko. Tinignan ko lang siya. Hindi siya nakatingin sakin. Nakatuon lang yung atensyon niya sa ginagawa niya. Siguro galit pa rin siya sakin.

"I've heard that Jeon Jungkook is one of his close friends." sambit niya.

"Ne. I've read about that." sagot ko.

"Nagpapakita rin ba siya sa panaginip mo?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin. Naging interesado na rin siyang makinig sa mga weird nightmares ko.

"And sorry kung binasa ko dream journal mo."

What? Binasa niya dream journal ko? Hays. Di naman ako mukhang baliw diba? Hays. Sana talaga nilagay ko na lang yun sa dorm. Nakakahiya pa rin aish.

"Oo. He's telling me to take care of Jimin." sagot ko. Nakatuon na ulit yung atensyon niya sa mga ginagawa niya at yung expression niya hindi pa rin nagbabago. Blangko pa rin pero di tulad ni Jimin. Kung mysterious si Sehun, mas mysterious si Jimin.

Iniba niya yung topic. "Umuwi ka muna sa dorm niyo. Ayusin mo muna sarili mo tas balik ka ulit dito."

"Ahh. Sige." pagsang-ayon ko. Aalis na sana ako kaso tinawag niya ulit ako.

"Seulgi."

Lumingon ako sa kanya. "Yes?"

"Sa paglubog ng araw, magkita tayo sa rooftop. May sasabihin ako sa'yo." sambit niya. Ano naman kaya sasabihin niya sa akin? Makikipagbati na ba siya? Sana naman oo.

Nagbow lang ako saka umalis na. Habang naglalakad ako sa daan, biglang nagvibrate yung phone ko. Bumungad yung notification nung sa calendar.

2016 October 13th

Park Jimin's 21st Birthday.

Hala. Oo nga pala. Birthday ni Jimin ngayon. Baka sign yun kung bakit nagparamdaman si Jungkook sakin. Speaking of Jungkook, ano kaya yung pinapahiwatig niya na papatayin kami ni Jimin nung lady poltergeist? Whatever. What a life.

---

Matapos kong maayos ang sarili ay nagpaalam muna ako kay Sehun na aalis muna ako saglit kasi may bibilhin ako sa bayan kaya andito ako ngayon sa isang mall. Bumili ako ng cake at pangregalo sa kanya since birthday ni Jimin ngayon hehehe. Ang sweet ko ano? Ganito talaga ako sa mga taong mahalaga sa akin. At oo, mahalaga si Jimin sakin. I don't know why. Hindi rin naman dahil naaawa ako sa kanya.

Papaalis na ako sa mall at habang papalayo ako dun, may nabangga akong isang matandang babae. Ang misteryoso nung mga tingin niya sakin.

"Sorry po halmeoni." nagbow ako tas umalis na.

Papauwi na ako ngayon at sumakay na ko ng bus. Tinextan ko si Joohyun unnie.

To: Joohyun unnie <3

Unnie, sunduin mo ko sa bus waiting area. :*

Pagkatapos kong isend yun, sumandal ako sa bintana at tinignan ang mga lugar sa bawat nakakasalubong ko. Naisip ko bigla si Jimin. Siguro kung buhay pa sina Jungkook at yung mga kaibigan niya, siguro masaya siya ngayon kasi kasama niya yung mga kaibigan niyang nagcecelebrate ng birthday niya. Hays. Nakakaawa talaga si Jimin. Andun siya sa hospital. Malungkot, traumatized, depressed. Siguro nakatadhana talaga ako dun sa hospital na yun at nakatadhanang ako yung magbabantay sa kanya. Tadhana nga naman.

Andito na ako nga sa waiting area at nakita ko agad si Joohyun unnie.

"Unnie~" bati ko habang patakbo akong lumapit sa kanya.

"Where have you been at ano yang dala mo?" tanong niya sa akin. Napansin niya agad yung mga bitbit ko.

"Sa akin yan ano?"

"Baliw hindi!" tumawa ako tas nagpout siya. Feeling bata naman this unnie hahaha.

"Eh? Para kanino ba yan?" tanong niya.

"Para kay Jimin 'to. Birthday niya kasi ngayon." masaya kong sagot.

"Ows? Birthday niya pala ngayon? Ikaw ha. Ang lakas ng tama nun sa'yo. Naku! Baka may gusto ka dun ah." pang-aasar niya. Napaisip ako. Kung mahalaga siya sa akin hindi dahil naaawa ako sa kanya, siguro dahil may gusto talaga ako sa kanya? Pero posible nga bang mainlove ang isang tulad ko sa isang baliw? Kung si Dr. Harleen Quinzel a.k.a Harley Quinn ay nagkagusto sa isang baliw na si Joker, edi pwede ding mangyari sa akin to? I don't know hahaha.

"Oh sha sha. Alis na tayo baka magalit pa si Sehun at sesantehin pa tayo nun." sambit ni Joohyun unnie. Agad naman kaming umalis at naglakad papuntang hospital.

Thirty minutes lang ay nakarating na kami. Pumasok na kami sa hospital at sabay na kaming pumunta sa room 95. Tumigil muna kami sa may pintuan.

"Seulgi, bigyan muna kita ng privacy ha? Para naman makabonding mo si Jimin ng solo. Saka tirhan mo ko ng cake ah? Favorite ko naman yang chocolate cake." sabi niya tas tumawa ng mahina.

Tumawa rin ako. "Oo na. See you at lunch, unnie." 

"See ya." saka umalis na siya.

Binuksan ko na yung pinto at nakita kong yakap yakap ni Jimin yung mga binti niya habang umiiyak. Dali dali ko namang nilagay yung mga dala ko sa lamesa at tumabi sa kanya.

"Jimin? Anong nangyari?" pag-aalala kong tanong.

"Nakita ko siya, nakita ko siya..." paulit-ulit na sabi ni Jimin tas turo-turo niya yung wall. Lumingon ako sa tinuturo niya at sht...

Happy birthday

Isa tong sulat na nakahangul at ito'y nakaimprinta sa dugo. Holy crap. Sinong gumawa nito?

"Yung babae ba yung gumawa nito?" seryoso pero nanginginig kong tanong habang nakatitig pa rin sa dingding. Naramdaman kong tumango naman siya. Agad kong kinuha yung mga dala ko kanina.

"Jiminnie, lumabas muna tayo." sabi ko sabay hila sa kanya.

Lumabas na kami sa kwarto at maging sa hospital pero syempre, nagpaalam muna ako kay Sehun na ipapasyal ko lang siya sa park. Maiintindihan rin naman niya ako kasi birthday ni Jimin ngayon at kailangan niyang maging masaya sa mismong kaarawan niya hindi yung palagi na lang siyang nakakulong dun sa kwarto niya diba?

Umupo kami sa isang bench. Medyo marami-rami ang tao ngayon since afternoon ngayon at maraming nagpipicnic. Nilabas ko yung maliit na cake sa karton nito at pinakita ito sa harap niya. Namamaga pa rin kasi yung mga mata niya at nararamdaman pa rin niya yung takot dahil nung nangyari kanina.

I put the candle on the center of the cake and lighted it then sings, "Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday dear Jimin~ Happy birthday to you~"

Habang kumakanta ako, nakatitig lang siya sa akin pero di gaya ng dati na walang expression. Kahit hindi siya nakangiti, nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya. Siguro naaalala niya yung masasayang selebrasyon na nagaganap sa tuwing birthday niya kasama yung mga kaibigan niya ano?

"Happy birthday, Jiminnie~ Blow mo na yung candle." I said with a happy tone. He blew the candle and I cheered happily. He smiled. I really can't believe that he smiled. He smiled with his eyes and... I find it really cute and adorable.

Hinati ko na yung cake into four slices. One for me, one for him, one for unnie, and one for Sehun of course.

"Kaya mo na bang kumain na ikaw lang?" tanong ko sa kanya. He looked at me with his happy face. Sana ganyan ka na lang lagi, Jimin. Tumango naman siya at kinuha yung platito na may cake at yung tinidor. Kumain na rin ako.

Habang kumakain kami, lumingon siya sa akin at tinitigan ako. Binaling ko yung atensyon ko sa kanya at nagtagpo yung tingin namin. Palapit siya nang palapit sa akin. Bumibilis yung tibok ng puso ko.

"A-anong ginagawa mo, Jimin?" pautal-utal kong tanong. Palapit siya nang palapit sakin tas itinaas niya yung kamay niya at pinunasan yung gilid ng labi ko.

"M-may... d-dumi..." sabi niya tas ipinakita sa akin yung chocolate icing. Takte. Feeling ko yung dugo umaakyat ngayon sa ulo ko at paniguradong namumula ako ngayon.

"O-okay... k-ka lang?"

"H-ha?" I snapped back to reality. "Ahh o-oo. Haha."

Ngumiti siya sa akin tas kinain yung chocolate icing na galing sa gilid ng labi ko. Ang cute niya talagang tignan tas guess what? Nakikita ko na yung eyesmile niya. Meant to be yata kami nito. May eyesmile din kaya ako hmf!

Naalala ko bigla yung binili kong regalo para sa kanya. Nilabas ko iyon at tinago muna sa likuran ko para kumbaga isosorpresa ko siya.

"Jimin, tumalikod ka muna." sabi ko at sinunod niya naman ito. Naku. Ang inosente pala nito. Parang bata.

Habang nakatalikod siya, isinuot ko ang isang bracelet na may pendant ng infinity symbol na silver. Pinaharap ko siya sa akin at tinignan kung bagay ba sa kanya.

"Ang ganda." masaya kong sambit. "Infinity. Symbol yan ng friendship natin. Kahit anong mangyari, andito ako para sa'yo at andito ka para sa'kin at hinding hindi tayo maghihiwalay. Pangako natin yan sa isa't isa ah?"

Tinignan niya ako ng inosente. Napagbuntong hininga na lang ako. Kinuha ko yung kamay niya at nagpinkie promise kami.

"Di tayo maghihiwalay okay?" sabi ko at nginitian siya.

---

Natapos na ang araw na ito nang napakasaya. Nakita ko nang masaya si Jimin, naging masaya na rin ako. Ang bilis ng oras at saktong lulubog na yung araw. Andito ako sa rooftop ngayon at saktong dumating si Sehun.

"Sorry ngayon lang ako. May inasikaso lang." pagpapaumanhin niya.

"Di. Okay lang. Ano nga pala yung sasabihin mo?" tipid kong sagot. Napagod din kasi ako ngayong araw.

"Sorry nga pala dun sa nangyari kahapon." yumuko siya. Di rin naman niya kasalanan yun eh. He was just trying to protect me but I insisted to help Jimin because he needs someone like me and I think I am the only one who can help him.

"Hindi. Okay lang yun." sabi ko saka nginitian siya at tinapik yung balikat niya. Pumunta kami sa may dulo at tinignan yung sunset.

"Ang ganda." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sunset.

"Oo parang ikaw." bulong niya pero rinig na rinig ko. Teka. Namumula na naman ako.

"Alam mo ang hardworking mo. Kahit mapanganib yung tinatrabahuan mo, you still insisted to stay and help recover Patient 95. Hindi mo lang mahal yung trabaho mo kundi mahal mo yung ginagawa mo, yung makatulong sa iba. Hindi mo inaalala yung sarili mo kung ano yung maaaring mangyari sa'yo basta matulungan mo lang yung taong gusto mong tulungan. At dahil dun, mas naturn on ako sa'yo."

Napalingon ako sa sinabi niya. What does he mean na naturn on siya sa akin? Gusto niya ba akong ipromote? Char lang hahaha.

"I like you, Seulgi. I really like you."

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 67 12
a recommendation book for readers of the historical fiction genre. you can also promote your stories here! Started: August 23, 2019 (uploaded on Nove...
3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
96.9K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...
The Camp By Ma'am_Dhan

Mystery / Thriller

1.6K 88 38
After how many years, magkikita kita din ulit ang magbabarkada. But at first, Dani is hesitant to join their reunion because her ex-boyfriend and bes...