My Bodyguard

By DisenchantedNow

9.7M 121K 5.6K

Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ni Kristoffer para sa kanila ng anak niyang si Kyle, humingi na... More

My Bodyguard
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Thirty Four

162K 2K 97
By DisenchantedNow

34

MAIAH

Hindi ba ako nabibingi ? Tama ba ang naririnig ko? Na nawawala si Kyle?

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Everything's still in place. Walang nabago, walang nagulo, except on Kyle's bedsheet kung saan kami nakatulog. Ang alam ko nakatulog talaga ako sa tabi niya pero hindi ko maintindihan kung bakit nasa lapag na ako.

"Maiah, tell me, are you okay?"

Nalingon kong muli si Tony. Worried na worried ang mukha niya.

"Tell me that is a joke. Hindi nawawala si Kyle. Hindi siya pwedeng mawala."  mahinahon kong sabi. Umaasa pa rin ako na hindi totoo ang sinasabi nila. Na nasa labas lang siya at nagbibiro lang sila.

"Hinalughog na namin ang buong sulok ng safehouse. Pero wala talaga. Isa pa, may nangyari sa labas. Kaya panigurado, hawak siya ng sindikato." paliwanag ni Greg.

Nalingon ko siya. Bullshit! Nagtagis ang mga bagang ko. Pinilit kong tumayo pero mukha akong lasing na gumewang dahil umiikot ang pakiramdam ko.

Kamuntikan na akong bumagsak nung binigla kong tumayo, pero naramdaman ko ang mga matitigas na braso at muscles ni Tony na sumalo sakin.

Shit! Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Magdahan-dahan ka naman. We strongly believe you were drugged that's why the syndicate were able to get him." sabi ni Tony.

"But how come?! Ganon ba ako katanga?! Shit, ano na lang mangyayari sa kanya ngayon?! Hindi natin alam kung buhay pa siya o hindi na?!" at nakuyom ko ang mga palad ko.

Hindi ko matanggap na nakidnap siya ng nasa tabi ko lang. Na kasama ko siya pero nakuha pa din siya ng mga sindikato. Na wala akong nagawa para iligtas siya. Diyos ko po, Kyle. Please. Stay alive. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa yo ngayon, pero kukunin kita sa kanila. Hindi ako papayag na hindi kita makuha.

Ayoko mang isipin pero natatakot din ako sa posibleng mangyari. I mean, nasa kanila na ang matagal na nilang tinatarget na makuha. And knowing High Class, wala silang binubuhay na biktima. This is all wrong! Paano'ng nakapasok sila sa safehouse ng hindi napapansin ng mga security sa labas? Nagkalat ang mga security, at hindi ko maisip na nalooban kami sa sariling safehouse namin!

"Nasaan si Sir Kristoffer? Alam na ba niya? At ano'ng sinasabi niyong may nangyari sa labas?!"

Nagtinginan ang 2. "Sir Kristiffer was rushed to the hospital earlier. Inatake siya sa puso dahil sa pagkawala ni Kyle. We are really trying to wake you up but you are unconscious." si Tony.

Fuck! Just fuck! Mariin akong napapikit. How this all happened?! Bakit?! At habang nagkakagulo sila eh wala lang akong malay?! Shit, magbabayad sila sa ginawa nila.

"Masyadong magaling ang sindikato, Maiah. Nakapasok sila ng hindi namamalayan ng mga security. 7 sa security natin sa labas ang wala ring malay gaya mo at nakahilera pa sa likod ng safehouse. Kaya hindi nakapag-ingay. Tinira sila patalikod. Well, they're still alive. Pero mas mataas na dosage yata ang naiturok sa kanila dahil hanggang ngayon, tulog pa rin sila. At alam kong tinaon nila na tulog kayong dalawa. I know tinurukan ka nung tulog ka at tulog din si Kyle. Hindi ko alam kung pati si Kyle eh tinurukan nila. Tinaon nilang gawin ang pagtakas dito sa parte ng kwarto niyo, kung saan hindi umikot ang mga natitirang security nun sa labas. Miniteeng din kasi sila ni Boss nun." kwento ni Greg.

Shit. "Halatang plinanong mabuti ng High Class yung ginawa nila." sabi ni Tony na napapaisip din.

Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Hindi naman pwedeng wala akong gawin. Wala akong pakialam kung gaano kadaming droga ang isinaksak nila sa katawan ko. I need to find Kyle. I need to save him. I need to kill them.

"Where's Boss? Ano, wala man lang bang paramdam yung mga hayop na yun? Hanggang ganon na lang sila? Tayo?! For Christ's sake, his father is in the hospital because his son is gone missing while her bodyguard is stupidly unconscious!"

At naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga mata ko. Hindi na nahintay ng mga luha ko na pigilan ko sila. Agad silang nagunahan na tumulo. Natatakot ako. Natatakot ako, sa totoo lang. Paano kung huli na ako? Paano kung wala na si Kyle?

"Maiah! Pwede ba?!..." galit na sabi ni Tony. Tiningnan ko siya ng masama at marahas na pinunasan ang mga luha.

"...Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan. No one saw it coming. We're already working on them when it happened. No one wanted this, you know that. Kaya wala kang karapatang sisihin ang sarili mo dahil wala ka namang kasalanan."

"Ano bang alam mo sa nararamdaman mo?! Wala naman, di ba? At ano pa bang mali sa sinabi ko?! Bodyguard ako ni Kyle pero wala man lang akong nagawa?!"

"Eh p@/@%$ i*@ naman! Alam ko dahil nasasaktan ako! Nasasaktan ako na iniiyakan mo siya at hindi mo man lang magawa yan sakin! Pero kahit masakit, wala akong magawa dahil mahal mo! Oo na, talo na ako! Talong-talo na ako sa kanya! Pero utang na loob, huwag mo akong pahirapan, huwag mong sisihin ang sarili mo!" galit na sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Tony. Namumula ang mukha niya sa galit, pero parang iiyak rin ang mga mata niya sa sakit. Shit. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng sobra-sobra. As in. At hindi ko alam kung ano ng dapat sabihin. Ramdam ko ang bigat ng loob niya. Ramdam ko kung gaano siya nasasaktan.

"Ano ba naman kayo. Ganito na nga ang nangyayari pero nag-aaway pa kayo. Guys, Martins are in danger. Si Sir Kristoffer at si Sir Kyle. Walang panahon para sa sisihan at sumbatan. We need to move!" awat ni Greg.

Doon lang ako napakurap. Tumalikod si Tony mula sa amin pero napansin ko ang malalim na paghugot niya ng hininga.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, at inayos ang sarili. Napabuntong-hininga ako. Tama si Greg. I need to focus. We need to save them.

"I need to talk to Boss. We need to find them. Si Kyle. Kung saan siya dinala. Any update from the syndicate?" at tiningnan ko si Greg.

Pero umiling siya. "Wala. Wala silang paramdam. Ni hindi man lang sumugod. Inaasikaso ni Boss ang security na nakaset up kay sir Toff. Para iassure na well-secured ang buong kwarto niya sa hospital dahil baka may binabalak na assassination ang sindikato, mahirap na. Pero so far, wala pa kaming idea kung nasaan si Kyle. Tahimik lang sila." sagot niya.

Oh my God. Hindi pwedeng maghintay na lang kami ng impormasyon galing sa sindikato. We need to have a way! Hindi ito isang kidnap for ransom case na naghihintay ng pera galing sa pamilya ng biktima. Ang sindikato na to ay pumapatay ng biktima nila, at wala silang sinasanto. Pwede nilang patayin si Kyle, ano mang oras gustuhin nila, o kung kelan nila matripan.

Hindi nila pinapatagal ng dalawang araw ang biktima at dinidispatya na nila yun.

Shit talaga. Ni wala pa nga kaming matibay na ebidensya at impormasyon kung sino ang mastermind. At hindi rin pwedeng mawala si Kyle basta-basta dahil may alam siya tungkol kay Leonel Jason Ruiz. Malaking tulong yun sa kaso.

"We really need to find him. Kung ako ang kailangang gumawa, gagawin ko. I need my laptop. Did you see it?" at hinanap ko ang computer ko na hindi ko agad nakita.

"Kailangan nating maghintay ng order kay Boss. Di ka pwedeng kumilos mag-isa." tiim bagang na sabi ni Tony.

Nagsukatan kami ng tingin. Pero hindi ko siya sinagot. Hindi ako pwedeng maghintay na lang.

Nakita ko ang laptop ko at nakapatong dito ang maingay na cellphone ni Kyle sa ibabaw ng drawer.

Agad kong nilapitan yun at binasa ang mga dumating na messages. 6am ang oras na dumating ang mga messages.

At isang number na hindi nakasave ang nagregister.

"I still love you, Kyle."

"Please, let's meet."

"Kyle, I need you back. You don't need that Maiah. You only need me. She's a trash compared to me."

3 ito sa mga messages na pinadala ng nahuhulaan kong sender. Damn it! Nanggigigil ako sa kanya ngayon. Gusto niyang balikan si Kyle, pero sinaktan-saktan niya. Ang tanga lang, di ba? Ibinulsa ko ang cellphone ni Kyle, at agad na binuksan ang laptop.

Pero napakunot-noo ako ng naging black screen lang ang computer ko matapos mag-start up ng windows.

Ano to? Navirus?!

"Shit! What's happening?!" takang tanong ko.

Lumapit sila Tony. At nakita ang nangyayari sa computer ko.

"Mukhang hinack din nila ang computer mo at nilagyan na nila ng virus. Hawak na nila tayo ngayon, Maiah." komento ni Tony.

Nalingon ko siya. "At papayag na lang ba tayo na magpahawak sa kanila?! Damn! Yung mga computer niyo, pwede bang magamit?"

Umiling silang 3. "Ganyan din ang nangyari sa computer namin. Tinatry ng ayusin ng IT team ang problemang to, pero masyado daw magaling ang gumawa nito. Kaya hanggang ngayon, inaayos pa nila." paliwanag ni Greg.

Napukpok ko ang keyboard ng laptop ko. Shit! Shit! Shit!

Ano'ng nangyayari sa team namin?

"Ano bang pro---"

Pero natigilan ako ng may marinig akong ingay mula sa computer ko.

Bigla na lang may nagpop-up na multimedia window.

At natutop ko ang bibig ko ng bumungad sa akin ang pasa-pasang mukha ni Kyle! Nakabusal ang bibig niya at malalakas na tawanan ang naririnig kong background ng mga myembro ng sindikato na walang awang pinapaulanan siya ng suntok.

Fuck! Mga walang hiya! Nadudurog ang puso ko habang pinapanood ko ang video. Ano ba talagang rason bakit nila ginagawa ito?

Muling sumungaw ang luha ko ng makita kung gaano nahihirapan ang mahal ko sa lagay niya. Nakatali rin ang mga kamay niya kaya wala talaga siyang kalaban-laban.

Muli kong naalala ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga paglalambing niya. Sana pinagbigyan ko na lang pala siya kagabi. Sana hindi ko na lang siya inaway. Sana hindi ko na lang siya sinungitan. Sana di na lang ako natulog at magdamag na lang  siyang binantayan. Hindi mangyayari to kung hindi sa kapabayaan ko! Ako ang bodyguard niya, ano pa bang silbi ko?!

Hindi ko na napigilang mapaiyak. Nakabig ako ni Greg para aluin.

Pagkatapos nilang pagsusuntukin ang walang kalabang-labang mukha ng mahal ko, inilublob naman nila ito ng makailang beses sa drum ng tubig.

"Shhh... Tama na, Maiah." sabi ni Greg.

"H-Hindi ko na kayang panoorin. Please." at panay pa rin ang punas ko ng mga luhang walang tigil sa pagbagsak.

"Hindi pwede, Maiah. Alam nating lahat na may dahilan kung bakit mo nareceive ang video na yan. Kung para yan sa buong team, kanina pa nareceive yan ng isa sa amin. Pero hindi eh. Ikaw lang ang pinadalhan. May dahilan kung bakit ikaw ang gustong makapanood. Ang makakita. Baka may maibigay din silang impormasyon tungkol sa lokasyon niya ngayon." seryoso pa rin si Tony habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

Wala na ang gwapong mukha ni Kyle. Puno na ito ng pasa at sugat. Panay din ang tulo ng dugo mula sa sulok ng labi niya.

Durog na durog na ang puso ko habang pinapanood ko ang brutal na video na to.

Natigil ang paglublob nila sa tubig kay Kyle. Pasabunot nilang itinaas ang ulo nito habang hawak ng mahigpit ang buhok niya na basang-basa na. Halata sa mukha niya ang sakit sa pagsabunot, at sa sari-saring sugat na tinamo niya.

"M-Ma---i--a-h." hirap na hirap siyang banggitin ang pangalan ko. At alam kong humihingi siya ng tulong, pero wala akong magawa. Wala akong magawa para sa kanya dahil wala ako sa tabi niya. Ni hindi ko man lang siya maipagtanggol. Unti-unting humihiwa yun sa puso ko. This is all bullshit. Pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nila.

"K-Kyle." nanginginig na ang boses ko. Hindi lang sa sakit, kundi sa galit din.

Tumawa ang isa sa 3 lalaking nakabonet, na ayaw pa talagang ipakita ang mga hayop na mukha. Makikita niyo, mamamatay din kayong lahat.

"Alam naman naming pinapanood ka na ng girlfriend slash bodyguard mo, Kyle Martin. At sigurado kaming gigil na gigil na yang magpakitang gilas kay Boss. Ewan ko ba kung bakit hindi ka na lang patayin agad! Eh pera lang naman ang pakay namin!" at muling tumawa.

"Mga hayoop kayo!" hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko. Umalis ako sa tabi ni Greg at hinawi si Tony sa harap ng screen. Agad kong pinunasan  ang mga luhang nagbabagsakan pa rin. Pero wala ng puwang ang mga ito ngayon. I need to be strong like before. I need to find a way for Kyle. He doesn't need a weak like me. He needs to be saved. And I'm not going to die until I make him safe. Hindi ako ang Maiah na nagpapatalo na lang basta-basta. Lalaban ako. Lumalaban ako lalo na para sa lalaking mahal na mahal ko.

Lungayngay na ang ulo ni Kyle, alam kong nawalan na siya ng malay. Pakakalmahin ko ang sarili ko pero wag na wag nilang papatayin si Kyle, dahil sisiguraduhin kong mauubos ang buong sindikato nila. Pangako. Uubusin ko.

"Makinig ka, Maiah Ramirez... Bago namin patayin ang boyfriend mo sa harapan mo, gusto ka daw makausap ng Boss namin. Maghintay ka ng impormasyon para sa address. At huwag na huwag kang magkakamaling magsama ng kateam mo o kahit sino pa. Ikaw lang ang gustong makausap ni Boss. Ikaw. At wala ng iba. At huwag na huwag mong susubukang magsama, dahil hawak namin ang network niyo, ang mga files niyo, at nata-track din namin kung nasaan kayo. Nakikita pa nga namin kung ano'ng mga ginagawa niyo, eh. Hawak na namin ang Elite Team. At sa ayaw at sa gusto niyo, susunod kayo sa High Class. Kaya kung ayaw niyong sumabog ng hindi oras ang safehouse na pinaglulunggaan niyo ngayon at ang bungo nitong lalaki mo, pupunta ka mag-isa." at biglang nagshut down ang laptop.

Oo nga. Hawak nila ang network namin. Kinuha nila lahat ng impormasyon, at nagset up ng High End network control and security. Kontrolado nila ang lahat. Plinano nilang mabuti ang pag-atake sa elite team. Wala kaming kawala, sabi nila. Pero hindi ako naniniwala. May paraan. At hahanapin ko ang paraan na yun. 

Continue Reading

You'll Also Like

154K 2K 21
Date started: October 9, 2017 Date finished: June 25, 2019 #3 IN DIVORCE
1.4M 30.8K 35
Si Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabi...
2.8M 49.8K 38
Sinong nagsabi na mga good girls lang ang kayang magpatino sa mga playboy at bad boy? Well, well, well, ang kwentong ito ang magpapatunay na kaya din...
227K 12.8K 48
Kailangang pakasalan ni Abcidii si Prinsipe Alastair Lewis Markinswell dahil sa isang kasunduan na ginawa pa ng kanilang mga ninuno. Will they end up...