Group Date
Jay-jay's POV
"Horror house tayo!" Sigaw ni Ci-N at ng iba.
"Kayo na lang! Ayoko!" Sagot ko sa kanila.
Mga animal! Ang O.A nilang pupunta dito at susundan kami. Tapos parang nagseselos pa silang hindi ko sila inaya.
"KJ! Sasama ka!" Sigaw nila.
Inirapan ko naman sila. Kahit ayoko sa Horror House, wala akong choice. Hindi papayag tong mga to na hindi ako sumama.
"Naniniwala kana?" Bulong sakin ni David.
"O-oo... Ikaw na may instinct." Sagot ko sa kanya at ngumiti.
Ang kailangan na lang naming gawin ay humanap ng tyempo para makausap si Denzel.
Napatingin ako kay Yuri na tahimik lang. Para kasi syang napahiya kanina na hindi namin maintindihan.
Buti na nga lang at nagkasundo-sundo kami na mamasyal na lang ng sama-sama. Feeling naman nila ililibre namin sila.
Manigas! Nagpapalibre lang din kaya ako!
Napatingin naman ako sa malaking Ferris wheel. Medyo malayo pa yun sa pwesto namin pero dahil sa sobrang laki. Kitang kita ko na sa pwesto namin.
"Sakay tayo dun mamaya..." Sabi ko sabay turo sa Ferris Wheel.
"Wag na! Umuwi na tayo pagkagaling sa Horror House!" Sabi ni Keifer.
Tinignan ko sya ng masama. "Umuwi ka kung gusto mo! Basta ako sasakay dyan!"
"Tss."
Yan naman yung mahiwagang 'Tss'. Nakakabusit talaga tong lalaki na to. Kahit kailan ang lakas ng saltik sa utak.
Nakarating kami sa Horror House. Entrance pa lang parang gusto ko na umuwi. Tengene! Alam ko namang tao lang at machinery yung nasa loob nyan. Meron akong ibang kinatatakutan.
+++++++++++++++++++++++++++++
Yuri's POV
Over Acting!
Hindi ko napigilan yung sarili ko kanina. I don't know, but I have this weird feeling in my stomach and I immediately get mad.
Kainis!
Hindi tuloy ako makatingin kay Jay-jay. Nahihiya ako, baka kung anu isipin nya dahil ang O.A ko.
Naka-pila na kami sa entrance ng Horror House. Kailangan daw kasing maghintay ng 10 munites bago magpapasok ng panibagong grupo.
I try to look at Jay-jay. She looks so scared?----No! She looks so bothered. Para bang meron syang iniisip.
Gusto ko sana syang lapitan pero baka kung anu isipin ng mga to.
Sinenyasan kami ng crew ng Horror House na pumasok na. Nakapila pa kami. Nakagitna si Jay saming lahat.
Sa unang hallway palang nagkatakutan na. Biglang na lang sila nagsigawan. Halos mabasag ang eardrum ko.
Itai! (Ouch!)
Sinubukan kong tignan si Jay-jay pero hindi ko sya makita. Until they decided to run because of something.
Bakla ba tong mga to?
Sinubukan kong hindi umalis sa pwesto ko dahil gusto ko sanang puntahan si Jay-jay. Yung nga lang hindi ko sya makita, masyado ring makipot ang daan kaya natangay ako ng mga tumatakbo.
Huminto kami sa medyo maluwag na hallway. Naghabol muna ko hangin. Nahihirapan akong huminga sa lugar na to.
"Guys! Si Jay-jay?" Tanung ni Ci-N.
Agad kong niligid ang paningin ko pero wala nga sya. Hindi ko rin makita si David at Keifer. Wala din si Denzel at Eren.
"Saan sila napunta?" Tanung nila.
Sinubukan kong balikan yung hallway na pinanggalingan namin pero sarado na yung pinto.
Crap!
"Hindi na tayo makakabalik! Kailangan nating dumiretso!" Sabi nila.
But i need to get back! Panu kung ituloy ni David ang balak nya kaninang halikan si Jay-jay?
Fvck! Why do I feel this shit?! Why do I have to feel this?!
Pakiramdam ko mababaliw ako. This is not normal! Am i.... Am i feeling jelous?
+++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko may susugod sakin or mananakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Pero ayoko nito!
"Get up!" Sigaw sakin ni Keifer.
Ayoko!
"Tumayo kana!" Sigaw ulit nya.
"Tumayo ka dyan!"
Yan naman! Nagsisimula na naman! Hindi ko sigurado kung saan galing yun! Hindi kay Keifer, hindi sa Horror House na to at hindi sa ibang tao.
"Palamunin ka!"
Sa.... Sa i-isip ko?
"Walang kwentang bata!"
Hindi! Hindi! Hindi! Tumigil ka!
"Humanda ka sakin!"
"Jay-jay! Get up!" Sigaw ulit ni Keifer.
Bigla na lang nya ko hinawakan sa braso at hinatak patayo. Bigla na lang akong natakot at may kung anu sakin na nagpanginig ng laman ko.
"Wag nyo po akong sasaktan!" Sigaw ko kay Keifer.
Hindi ko alam kung saan galing yun at kusa na lang lumabas sa bibig ko.
"Anong sinasabi mo?" Sabi nya at humigpit ang hawak sa braso ko. "...Bakit nanginginig ka? Anu bang nangyayari sayo?"
"U-umalis na tayo dito... Please." Paki-usap ko sa kanya.
"S-sige..."
Bibitawan na sana nya yung braso ko pero bigla kong hinawakan ang kamay nya.
"Bakit?" Tanung nya.
"Wag mo kong bitawan!"
Alam kong naguguluhan sya. Kahit ako naguguluhan din. Hinawakan nya yung kamay ko at pinag-iterwined yun. Bahagya akong lumapit sa kanya at hinawakan ng isang kamay ko yung braso nya.
Hindi ko mapigilan. Kasalanan to ng takot na nararamdaman ko. Makalabas lang ako dito, hindi na talaga ako babalik.
Naglakad na kami at pumasok sa panibagong hallway na may ibang disenyo.
"Jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...p-pwedeng lumayo ka ng kaunti."
Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero hindi ko ginawa. Natatakot pa rin kasi ako, hindi sa mga multo dito sa Horror House kundi sa mga multo sa utak ko.
"Jay..." Tawag ulit ni Keifer. "I'm uncomfortable."
Kahit hindi ko maintindihan lumayo pa rin ako. Hindi ko alam kung sa ilaw lang ba o namumula ang tenga niya.
Tsk!
Habang naglalakad, may narinig akong mga sigawan ng lalaki. Parang boses nila Ci-N. Ibig sabihin, malapit lang sila samin.
"Sila Ci-N yun!" Sabi ko at bumitaw kay Keifer. Tatakbo na sana ako sa susunod na hallway ng biglang magsara yung pinto sa likod ko dahilan para mahiwalay ako kay Keifer.
"Jay-jay!" Sigaw ni Keifer mula sa kabila.
"Keifer!" Sigaw ko at nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa mata ko.
"Lumayo ka Jay! Sisipain ko yung pinto!" Sigaw nya.
Bahagya akong lumayo at dinig ko yung malakas na balabag sa pinto. Pero hindi man lang natinag or kahit gumalaw yung pinto.
"FVCK!!" sigaw ni Keifer.
"Keifer! Natatakot ako!" Sigaw ko at tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.
"No! Don't be scared!" Sigaw nya.
Sinubukan kong sipain yung pinto pero wala pa ring saysay.
"Jay... I will search for another way!"
"Ha?! W-wag! Wag mo kong iwan dito!"
"Jay! Walang mangyayari kung mag-uusap lang tayo dito! Hahanap ako ng ibang daan! Hahanapin kita!"
Hahanapin kita!
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nung marinig ko sa kanya yun. Hindi ko alam kung bakit.
"Jay! Naririnig mo ba ko?!"
"Oo!"
"Okay! Aalis na ko!"
Nawala na kong narinig mula sa kabila. Napa-upo na lang ako sa sahig. Hahanapin daw nya ko kaya walang dahilan para matakot ako.
Napatingin ako sa paligid ko. Puro mga nakakatakot na maskara at meron pang mga sapot-sapot ng gagamba.
Nakakatakot nga pero mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin. Ayoko na ulit marinig yung mga boses na yun. Para silang bahagi ng nakaraan ko pero hindi ko naman maalala.
May narinig ulit akong sigawan ng mga lalaki. Hindi ako sigurado kung sila Ci-N pa rin yun pero isa lang ibig sabihin nun. May malapit na grupo sakin.
Kahit ayokong umalis sa pwesto ko, napilitan akong tumayo at maglakad. Dahan-dahan ang naging kilos ko hangang sa may nalaglag na manikin sa harap ko.
Medyo nagulat ako pero ako nagpatinag. Kailangan ko mahanap yung grupo na yun. Hangang sa may bigla tumulak sakin na kung ano.
Natakot ako kaya agad akong tumakbo. Kung saan saan ako sumuot, meron pa kong napasukan na kwarto na may headless body at parang burol kaya napilitan ako lumabas at magtatakbo ulit hangang sa may mabunggo ako.
"Aw..." Sabi nung nabunggo ko.
Bumangon ako at tinignan kung sino yun. Laking ginhawa ko ng makitang si Eren pala ang nabunggo ko.
"Eren!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.
"Easy..." Sabi nya at bahagya akong tinulak.
Tumayo sya agad at inalalayan ako sa pagtayo.
"Ayos ka lang?" Tanung nya sakin.
"O-oo..." Niligid ko yung mata ko para hanapin yung iba pero wala sila. "... Asan sila?"
"Yun nga ang problema ko. Nahiwalay ako sa kanila."
Shit!
Nagsisimula na naman akong magpanic. Yung takot ko kanina bumabalik na naman.
"Buti pa... Hanapin na lang natin ang exit. Sa labas na lang natin sila hintayin."
Tama! Maliwanag sa labas. Hindi na ko matatakot ng ganito.
"S-sige... Tara na." Sabi ko at nag-umpisang maglakad.
"Sure kang okay ka lang?" Tanung ni Eren.
"O-oo.."
"Pwede kang kumapit sakin kung gusto-----"
"JAY-JAY!" Sigaw ng kung sino.
Pareho kaming napalingon sa likod.
Keifer!
Mabilis syang tumakbo palapit sakin. Aaminin ko, sobra-sobra yung ginhawang naramdaman ko. Tuluyan ng nawala yung takot ko. Para akong nabunutan ng tinik.
Paglapit ni Keifer agad nya kong niyakap ng mahigpit.
"Fvck! I thought i'll never find you!"
*Dugdug**Dugdug**Dugdug**Dugdug**Dugdug*
Ang puso ko! Hindi na to normal! B-bakit? Bakit ko nararamdaman to?!
Bakit ganun yung sinabi ni Keifer? Natakot ba sya? Natakot sya na hindi nya ko makikita? Pero bakit?
Naguguluhan ako! Gusto kong bumitaw mula sa pagkakayakap nya pero hindi ko magawang pumalag.
"May relasyon naba kayong dalawa?"
++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++