MONTGOMERY 5 : Waiting For Su...

By SilentInspired

4M 88K 6.8K

Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away... More

Uno
Simula
▪ 1 ▪
▪ 2 ▪
▪ 3 ▪
▪ 4 ▪
▪ 5 ▪
▪ 6 ▪
▪ 7 ▪
▪ 8 ▪
▪ 9 ▪
▪ 10 ▪
▪ 11 ▪
▪ 12 ▪
▪ 14 ▪
▪ 15 ▪
▪ 16 ▪
▪ 17 ▪
▪ 18 ▪
▪ 19 ▪
▪ 20 ▪
▪ 21 ▪
▪ 22 ▪
▪ 23 ▪
▪ 24 ▪
▪ 25 ▪
▪ 26 ▪
▪ 27 ▪
▪ 28 ▪
▪ 29 ▪
▪ 30 ▪
▪ 31 ▪
▪ 32 ▪
▪ 33 ▪
▪ 34 ▪
▪ 35 ▪
▪ 36 ▪
▪ 37 ▪
▪ 38 ▪
▪ 39 ▪
▪ 40 ▪
▪ 41 ▪
▪ 42 ▪
▪ 43 ▪
▪ 44 ▪
▪ 45 ▪
▪ 46 ▪
▪ 47 ▪
▪ 48 ▪
▪ 49 ▪
▪ 50 ▪
▪ 51 ▪
▪ 52 ▪
▪ 53 ▪
▪ 54 ▪
Wakas
My heart speaks

▪ 13 ▪

73.6K 1.7K 175
By SilentInspired

Come for you

"Your doorknob sucks," reklamo ni Uno.

Napangiwi ako at inirapan siya.

"Damn... I can easily enter your apartment without using too much force," rinig kong bulong-bulong niya.

Anong akala niya sa apartment ko? Afford magpalagay ng high security?

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pintuan. Bago ako pumasok ay hinarap ko siya. Kita kongnatigilan siya sa biglaang pagharap ko at hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

"What?" inosente niyang tanong.

Tumikhim ako at inayos ang ekspresyon ko.

"Maraming salamat sa paghatid mo, pwede ka nang umuwi. Ingat ka," pamamaalam ko.

Akmang tatalikod na ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako muli sa kanya. Ako naman ang natigilan sa ginawa niya. Nahigit ko ang aking hininga at namilog ang mga mata ko sa munting paglapit niya sa akin.

Evie!

Gising, huy!

"Uh... ano?"

Sinubukan kong maging normal ang boses at ekspresyon ko.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya.

Maagap akong umiling.

"Why?" hindi makapaniwala niyang wika.

"Di ba sinabi ko na sa'yo yung dahilan. Lalaki ka, babae ako at hindi magandang tingnan. Gabi na, delikado sa daan. Sige na..." saad ko.

"Are you mad at me?"

"Hindi."

"Really?" pangungulit niya.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa hamba ng pintuan.

"Bakit mo ginawa yung kanina?" deretso kong tanong.

"What are you talking about? The traffic thing?"

Hindi ko alam paano niya nagagawang magmukhang inosente sa mga panahong ganito.

"Hindi talaga ako makapaniwala... grabe... paano... gusto mo lang makuha ang number ko..." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

Hindi talaga ako makapaniwala. Oo nga at mayaman siya, kaya niya pero normal ba 'yon? Dahil kaya at pwede niyang gawin ay gagawin niya na?

Isa pa, bakit? Anong makukuha niya sa pagsasayang ng pera para lang sa mga ganito?

"Fine... sige na. Pumasok ka na sa loob. See you tomorrow," aniya habang halatang nagpipigil ng ngiti.

Kumunot ang aking noo.

"Akala ko ba puno ng meetings ang araw mo bukas?"

Tuluyan na niyang hinayaan ang kanyang sarili na ngumiti. Inangat niya ang kanyang kamay at bahagyang akong napaurong nang bigla niyang tapikin ang aking ulo.

"Don't think too much. Lock your doors and don't stay up too late. Good night, Evangeline," ngitingngiting wika niya.

Tinalikuran niya ako at dumeretso na sa kanyang sasakyan. Sinundan lamang siya ng aking mga mata at hindi ko mapigilang mapabuga na lang ng hangin nang makita ko siyang makaalis nang tuluyan.

Sandali akong mariing napapikit bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment ko. Napasandal ako sa pintuan at mahigpit na napakapit sa seradura ng aking pintuan.

"Evie... hindi maganda 'to," bulong ko sa aking sarili.

Napahawak ako sa aking puso at dinama ang mabilis na pagtibok nito.

"Uuwi ka na ba?"

Napalingon ako kay Raffie na kapapasok lang sa loob ng station.

"Tapos na ang duty ko, ikaw?" balik kong tanong sa kanya.

Umupo siya sa aking tabi at binuksan ang cellphone niya.

"Hanggang mamaya pa ako. Nakipagpalit kasi ako ng shift kay Leila. Stressed na stressed na nga ang kilay ko," reklamo niya.

Bahagya akong napangiti dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit?"

"Mamayang madaling araw ay luluwas ako papuntang Pampanga, birthday ng lolo ko at gusto niya roonmag-celebrate. Alam mo naman 'yon, mahal na mahal niya ang Pampanga," ani Raffie.

"Pakibati na lang si lolo para sa akin," saad ko.

Tumango siya at napatingin sa kanyang orasan.

"Kakain na ako kasama si Kelly, ikaw? Saan ka magdi-dinner?"

"Sa apartment na lang, kailangan kong magtipid," sagot ko.

"Hay nako! Bakit di mo na lang yayain si SuperUno! For sure, gustong gusto niyang kainin ka—joke lang! Kumain kasama mo!" aniya sabay halakhak.

Namilog ang aking mga mata nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin. Napahagikgik siya lalo at ginalaw galaw pa ang kanyang bangs.

"Bibig mo!" pagbabawal ko sa kanya.

Napangiwi ito at napa-roll-eyes pa.

"Oo na! 'To naman! Inosente inosente kunwari! Pero nasaan na nga ba si SuperUno? Bakit hindi ko yatanakita ang anino niya buong araw?"

Napaiwas ako ng tingin sa hindi malamang dahilan. Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kahapon. Kung titingnan parang ang arte-arte ko para damdamin pa 'yon pero hindi ko talaga maiwasang hindi maisip 'yon.

Hindi ko maiwasan na mailang.

Ang bilis naman kasi ng lalaking 'yon. Nakalilito pa kung totoo ba ang pinakikita niya. Mukhang maalaga siya sa lahat at mukhang mabait talaga kaya nakatatakot. Hindi naman ako ganoon ka-inosente para walang maramdaman.

Babae ako...

Nagkaka-crush din.

"Uy! Ayos ka lang? Namumula ka riyan! Parang ganyan ang mukha ng mga nakaaalala ng crush—oh my gulay! Crush? Hindi nga? Sino? Si Sir Uno?" aniya na para bang gulat na gulat.

Napaawang ang aking labi at mabilis na umiling. Pati ang kamay ko ay marahan kong winagayway na para bang sinasabi kong hindi totoo ang kanyang sinasabi.

"Hindi 'no!" mabilis kong depensa.

"Hindi ako naniniwala sa'yo!" mabilis niyang saad.

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap na lamang.

"Evie!"

Napalingon ako sa palapit na Kelly. Mukhang nagmamadali siya dahil halos takbuhin niya ang distansya papunta sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"May naghihintay sa'yo roon sa ICU," aniya.

"Sino?"

"SuperUno?" singit ni Raffie.

Binigyan ko siya muli ng masamang tingin pero sa kaloob-looban ko ay hindi ko mapigilangmakaramdam ng kiliti.

Tinignan ko muli si Kelly pero mabilis na parang pinagbagsakan ang puso ko nang makita ang kanyang pag-iling. Rinig ko rin ang pagkadismaya kay Raffie pero mabilis kong pinilig ang ulo ko para mabura ang kung anong masamang bagay na tumatakbo sa isip ko.

"Sino?" inis na tanong ni Raffie.

"Yung isa..." alanganing wika ni Kelly.

"Si Sir Carl?!" gulat na gulat na sambit ni Raffie.

Tumango si Kelly at tiningnan ako.

"Anong meron sa mga reaksyon niyo? Kayo talaga! Hindi naman responsibilidad ni Uno na pumunta rito araw-araw 'no. Busy yung taong 'yon, baka nga hindi na bumalik 'yon dito. Sige na... kumain na kayo. Uuwi na rin ako niyan, may ibibigay lang ako kay Sir Carl," saad ko at hindi na sila hinintay magsalita pa.

Lumabas ako ng station at dumeretso muna sa locker room. Kinuha ko ang bag ko at ang bag na may dalang pera. Dumeretso ako sa ICU at nadatnan ko siyang seryosong may kausap sa telepono.

Gusto ko man siyang lapitan pero natigilan ako nang marinig ang bahagya niyang pagtaas ng boses.

"Pabalikin niyo na si Simon, kung hindi ako mismo ang magdadala sa kanya rito!" galit na galit na wika niya.

Bahagya akong napaigtad sa ginawa niyang pagsigaw.

Napayuko ako nang makitang sinara niya ang tawag at lumingon sa akin. Tumikhim ako at ganoon din siya kaya hindi ko mapigilan ang mag-angat muli ng tingin. Sumalubong sa akin ang mainit niyang ngiti at kusa rin akong napangiti dahil doon.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at marahang nilahad sa harap niya ang bag na may lamang pera.

"Ito pala..."

"What? Sa'yo 'yan. Please don't insult me by giving it back," aniya.

Umiling ako.

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang bayad na ang hospital bills ni nanay kaya wala na akong mapaggagamitan nito. Isa pa, ang laking halaga nito para basta-basta mo lang ibigay sa akin," paliwanag ko.

"Then, gamitin mo sa iba. For sure you'll need those for your daily living," pagpupumilit niya.

Lihim akong natawa sa kaloob-looban ko.

Hindi ko maiwasang maisip kung ganito ba talaga sila kakulit. Kung nasa dugo na ba nila 'to?

"Hindi na. Hindi rin ako sang-ayon sa pagbibigay mo nito sa akin. Hindi naman sapat na dahilan ang ginawa kong pagtulong sa pamangkin mo para bigyan mo ako nito. Nakikiusap po ako..."

Natahimik siya sa aking sinabi. Mataman niyang pinagmasdan ang kamay kong may hawak ng bag bago niya tuluyang kinuha 'yon. Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha pero hindi ko talaga kayang tanggapin 'yon.

Buti na nga lang at mas madali siyang kausap kay Uno.

"Okay..." he traced.

Lumingon siya sa salamin na nakapagitna sa ICU at sa lugar kung saan kami nakatayo ngayon. Pinagmasdan niya ang kinaroroonan ni nanay at ganoon din ang ginawa ko.

"What happened to her?"

"Hindi ko rin alam. Hindi ko naman masabing na-hit and run siya dahil mismong ang nakasagasa sa kanya ang nagdala sa kanya rito. Binayaran pa ang hospital bills niya at alam kong patuloy siyang tinutulungan n'on. Hindi ko lang alam kung sino, hula ko ma-impluwensyang tao 'yon dahil hindi naman makapagtatago 'yon kung hindi, di ba? Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung bakit siya nagtatago..." saad ko.

"I'll help you find that person," desidido niyang wika.

"Hah? Hindi na..."

"Stop saying no," aniya.

"Baka hindi mo rin makita, yung mga kaibigan ko ngang nandito na nung mga panahong 'yon ay hindi siya nakita. Alam kong makikita ko rin siya, kailangan ko lang ng panahon," saad ko.

Nilingon niya ako at ngumisi sa aking gawi.

"Don't underestimate me. Kung ma-impluwensya siya, sinisigurado ko sa'yong mas ma-impluwensya ang apelyido ko," aniya.

Bahagyang bumuka ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Tuluyan na siyang ngumiti at tinapik ang aking braso.

"I need to go, see you," aniya at tuluyan na akong nilagpasan.

Sinundan siya ng mga mata ko at napasapo na lang sa noo ko nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Bakit lagi na lang akong napapasok sa mga sitwasyong ayaw kong maging parte?

Pinilig ko ang aking ulo at lumabas na rin. Hindi ko na nadaanan sina Raffie at umuwi na lamang sa apartment ko. Napaka-tahimik ng lugar at isa 'yon sa mga gusto ko rito. Hindi man kagandahan pero sapat na para sa akin.

Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng isang canned-good na binili namin ni Uno. Dapat ay lima lang ang bibilhin ko pero nagpumilit siya at ayaw niyang umalis sa supermarket nang hindi binibili kaya pinabayaan ko na. Babayaran ko rin naman 'yon at hindi ako papayag na libre lang 'to. Mabilis kong naramdaman ang pagod kaya dumeretso ako sa kwarto ko nang maramdaman ang pagod.

Naghilamos lang ako at tuluyan nang humiga sa aking kama. Niyakap ko ang hindi kalambutan na unan ko at binalot ang sarili ko ng kumot. Hinayaan kong pumasok ang lamig mula sa bintana at hindi na binuksan ang electric fan. Sayang sa kuryente at isa pa, pagod ako para makaramdam pa ng init.

Siniksik ko ang aking sarili sa kama ko at hinayaang kainin ng antok.

Naalimpungatan lang ako nang may marinig akong kaluskos sa labas. Napaupo ako at bahagyang kinusot ang aking mga mata. Inalis ko ang nakabalot na kumot sa akin at tumayo mula sa kama ko. Dumeretso ako sa pintuan at walang pag-aalinlangang binuksan 'yon pero mabilis kong natakpan ang bibig ko nang makita ang nangyayari roon.

Kusang gumalaw ang kamay ko at sinara ang pintuan ng aking kwarto. Ni-lock ko ito at naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay at dahan-dahang umakyat ang takot sa puso ko. Kitang kita ko ang pagkalkal ng kung sino mang lalaking 'yon sa mga gamit ko.

Bakit ako pa?

Wala naman siyang makikita rito. Hindi ba dapat sa malalaking bahay nagnanakaw ang mga magnanakaw? Anong iniisip niyang makukuha niya rito?

Narinig ko ang mabilis na yapak mula sa labas. Namilog ang aking mga mata at mabilis na lumapit sa kama ko para kunin ang cellphone ko. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay nagawa ko pang tawagan si Raffie pero mabilis kong pinatay 'yon nang maalalang aalis pala siya. Mabilis kong pinindot ang pangalan ni Kelly at hinintay siyang sumagot pero nagri-ring lamang 'yon.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha nang marinig ang paggalaw ng seradura ng aking pintuan. Madali kong pinatay ang tawag at naghanap pa roon ng matatawagan at napakagat ako sa aking labi nang makita ang pangalan ng taong hindi ko akalaing kakailanganin ko ngayon.

Napatingin ako sa pintuan ko habang hawak-hawak ang cellphone ko. Rinig ko pa rin ang pagsubok ng taong 'yon na buksan ang aking kwarto.

"Hey..."

Parang may punyal na tumusok sa aking puso nang marinig ang kanyang boses.

Sinubukan kong buksan ang aking bibig ngunit hikbi lang ang lumabas doon.

"Evangeline? Are you okay? Are you crying? I'm sorry it took a while before I answered your call. I'm inthe middle of a meeting—"

"Nasa meeting ka? Pasensya na..."

Mabilis akong lumapit sa seradura ng aking pintuan at mahigpit na hinawakan 'yon. Napadako ang tingin ko sa lamesa sa tabi at mabilis na hinila 'yon para iharang sa pintuan.

"What? No! It's okay... What's the problem?" puno ng pag-aalala niyang tanong.

"Uno..."

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa hindi ko mapigilang paghikbi.

"Napasukan yung apartment ko... may tao sa labas. Hindi ko kilala. Pinipilit niyang buksan ang kwarto ko ngayon... Uno... natatakot ako... hindi ko alam ang gagawin ko," puno ng takot kong wika.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at humagulgol ako. Natakpan ko ang isa kong tainga dahil ayokong marinig ang ginagawang pagkalabog ng pintuan ko.

"What? Fuck, where exactly are you?"

Ramdam kong na-alarma siya sa sinabi ko.

"Nasa kwarto—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig na may taong kumakausap sa kanya sa kabilang linya.

"Sir, hinahanap na po kayo—"

"Shut up. Tell them to continue without me," malamig niyang wika sa taong tumawag sa kanya.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan sa kabilang linya.

Napaigtad ako nang marinig kong muli ang pagkalabog ng pintuan ko. Mariin akong napapikit at mabilis na niyakap ang aking sarili para maibsan ang takot na nararamdaman.

"Uno..." tawag ko sa kanya.

"Listen to me, Evangeline. Hide, wait for me. This won't take long, I'll be there without you knowing. Sa ngayon... hide first okay?"

"Okay..." saad ko sabay tango na para bang nakikita niya ako.

"Trust me... I'll come for you. I'll kill that fucking asshole," aniya bago pinatay ang linya.

Continue Reading

You'll Also Like

76.3K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...
Complicated By Pat

Teen Fiction

408K 2.6K 8
Prianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet...
2M 80.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
59.6K 798 13
|🔞R-18| ⚠️Matured Content| ONGOING DREAME ONLY❗