Ethereal Royale: The Long Los...

By _seizza

210K 1.1K 47

Welcome to Ethereal Royale. NOTE‼️ Under revisions More

Ethereal Royale: TLLE
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

15.5K 324 19
By _seizza

Powers

Ace's

Naglalakad kami ni Lilah dito sa madilim na kakahuyan, gabi na, it's around 11 post meridiem at maganda ngayon dahil full moon. Tumakas lamang kami dahil sa kahigpitan ng aming mga magulang.

We are best of friends since birth. Our parents are very close to each other that's why growing up has never been lonely for me. We're also living close to each other.

"Ace, bilisan mo naman, tara doon sa batis." tinuro niya ang malinis na batis pero masyadong madilim. Hindi na masyadong kita ang paligid dahil ang full moon nalang ang nagbibigay ilaw sa dinadaanan namin. It's peaceful, but scary.

"Ano ba kasing arte mo at gusto mo pang dito natin tanawin ang buwan." Reklamo ko ngunit hindi na siya nag salita at hinila nalang ako papuntang batis. Nadapa-dapa naman ako dahil sa bato-batong daanan at kakulangan ng ilaw para makita ang daan.

Umupo kami sa isang malaking bato at tinanaw ang full moon. Lilah and I fell in love with the sky, it's therapeutic in some way. We learned to love the majestic moon as we grow, hence we sneak out at night.

Growing up wasn't easy for me. I was often bullied for having a pure white hair. It's weird for them, sa 18 years ko nga naman sa mundong ito ay ako lang ang tinatanging mayroon na puting buhok sa lugar namin. A very natural white hair. Buti at sa nag daan na panahon, habang lumalaki kami, humapaw rin ang kantyaw nila dahil sa hindi pag mamayabang ay may angkin akong talino at ganda. Pretty face privilege.

"Hmm. I will never get tired of this." Lilah whispered while eyes closed as the breeze embraced us.

I leaned my head to her shoulder pero agad din na nawala ang pagiging komportable ko nang naramdaman na naman ang mabibigat na mata na nakatingin sakin. Matagal ko na tong nararamdaman. Mula noong bata ako madaming pagkakataon ko na itong naramdaman. I didn't bother when I was a kid, but now I am tempted to know who it is.

"Pre, tignan mo, may dalawang babae." Rinig kong bulong ng boses lalaki at ang mga tuyong dahon na nagsi-ingayan nang dahan-dahan silang lumalapit.

Pareho kaming napatayo ni Lilah dahil sa kaba at takot. Pinagpawisan na ako ng malamig nang dahan-dahan silang pumunta sa aming pwesto.

"Hi, Miss, kayo lang ba ang nandito?" Tanong noong may sumbrero. He showed a mischievous smile to us at kitang-kita ko na hindi maputi ang ngipin niya dahil sa mga itim sa gitna ng mga to.

Napa-atras na kami ni Lilah sa takot, wala rin namang mga tao kaya wala kaming hihingan ng tulong dahil jusko sa kakahuyan ba naman naisipan pumunta. Wala kaming ibang choice kundi ang tumakbo para makatakas.

"Wag k-kayong lumapit." kinakabahang sabi ni Lilah at itinutok na ang kanyang sling bag sa lalaking dahan-dahang lumalapit samin. Naku naman, teh, anong panlaban niyang sling bag?

"Kung naliligaw kayo ay hayaan niyo kaming ihatid kayo sa labasan, Miss." sabi naman nung magulo ang buhok at lumapit sa akin, umatras ako nang umatras. I cursed in my head when I felt a tree at my back.

Ano ba namang kamalasan to! Takas pa!

Lumapit ang lalaki at agad hinawakan ang braso ko, dahil doon ay nasampal ko siya nang malakas pero wrong move dahil mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa mga braso ko at nanlisik ang mga mata niya. Ang gaspang ng kamay niya at amoy na amoy ko ang alak galing sa kanya.

The instant regret of refusing my father's suggestion before to learn taekwondo consumed me. I insisted that I wanted ballet. Now, this is the consequence! Great!

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko na dahil nang sinubukan kong kumalas ay wala akong laban sa angkin nitong lakas.

"Ah!" Dinig kong daing ni Lilah.

Gumapang ang galit sa'kin nang nakita kong pinipilit ng isang lalaki si Lilah na lumapit ito sa kanya, kitang-kita ko ang higpit ng hawak niya sa kaibigan ko.

Dahil sa inis at galit ay buong lakas kong tinulak ang may hawak sa'kin at tumilapon ito sa pumpong ng mga tuyong dahon na nasa isang puno. My eyes widened when I realized what I did.

Am I that strong?

"P-pare, t-tara na!" Puno ng takot ang boses nang sinabi 'yun ng nag tangka sa akin at tumakbo na sila ng kasama niya, kitang-kita ko sa kanilang mata ang takot at gulat kaya mas lalo lang akong hindi makapaniwala na nagawa ko siyang itulak nang ganon kalakas.

"Ace!" Tawag sa'kin ni Lilah at niyakap ako pero hindi na ako maka-kibo dahil sinusubukan kong iproseso ang nangyari. How? What just happened?

Ngunit agad na nawala doon ang isip ko at napa-pikit nang may naramdaman akong napaka-lakas na enerhiyang dumadaloy sa buong katawan ko. Napaka-lakas nito dahilan kung bakit mamilipit ako sa sakit.

The pain is too much I wanted to cry. I braced myself when I heard Lilah's scream. She's bracing herself because of pain, too.

"Damn." may narinig akong isang lalaki na nagsalita at kasabay noon ay ang pagbagsak namin nang sabay ni Lilah sa lupa dahil sa sakit. Malabo ang paningin ko dahil sobrang nanghina ako sa malakas na enerhiyang iyon. And just like that, everything whent black.

Liv's

Dinala namin sa Ethereal Royale ang dalawang elemental user, nandito sila sa dorm namin. Tuwing full moon pumupunta kami sa Mortal World para makahanap pa ng mga elemental user, tuwing full moon lumalabas ang mga natatagong kapangyarihan sa katawan nila, and to what I've witnessed, I guess hindi nila alam na may kapangyarihan sila.

"Parang wala silang alam kanina na may kapangyarihan pala sila at hindi sila ordinaryo. Dahil kung alam lang nila ay sana kaya nilang kontrolin ang kapangyarihang iyon." sabi ni Kai, isa sa mga kasama ko kanina nang mag puntang Mortal World. May point siya. For the past years of bringing elemental users from the Mortal World, majority of them were aware of their abilities.

"And it looks that it's been ages since they last used their abilities. Their power reactions earlier were severe." sabi naman ni Astrid. Isa rin sa mga kasama ko. Dalawa lang kaming babae sa grupo.

"I can feel their strong aura." I added. Parang weird kasi kanina. Yes, marami na kaming nakuhang mga elemental users sa Mortal World pero iba yung aura nila e, kakaiba.

"Yes..." Mav agreed. The strong energy from them was undeniable.

"We need to train them." suggestion naman ni Cassius, isa rin sa mga kasama ko. My gaze stayed at him. Grabe naman. Train agad? Ni hindi pa sila nakaka isang araw rito sa Ethereal and we need consent if we would ever train them.

"We are not in the place to make decisions like that, Cas." Lux stated. I nodded, agreeing.

"Masyado pang maaga para mag isip ng mga bagay na yan. Puntahan ko muna sila, baka gising na." sabi ko at pinuntahan yung kwarto ng may kulay abo kaninang mga mata.

Narinig ko ang munting ungol niya, she's awake.

I slowly came near her and made myself sit at the edge of the bed. Her immaculately made eyebrows furrowed. She has natural long lashes, small pointy nose, cupid's bow lips, and her white hair that completed her look.

I tilted my head. Mas nakikita pa ang ganda niya dahil sa mamula-mula niyang pisngi at mala harinang. Grabe! She looks like a living doll. Magmumukha akong alalay niya pag tatabi ako rito.

Hindi nag tagal ay unti-unti na niyang minulat ang mga mata niya. Her brown eyes bore into me. Napa-upo siya at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin kaya binigyan ko siya ng pala-kaibigang ngiti.

"Hi, how are you feeling?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang siya ay nakatingin pa rin sakin, nanlalaki ang mga mata.

"S-sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Tanong nya at parang kinakabahan ang boses, mabuti naman hindi siya sumigaw katulad ng ibang elemental users na literal na mawawalan ka ng pandinig dahil sa mga matitinis nilang sigaw.

"You're not in your room. Try to remember what happened to you and your friend." Confusion etched her face, she hold her head as she tries to remember what happened.

"Kasama ka ba doon sa mga taong lumapit samin? Niligtas niyo ba kami ni Lilah?" tanong niya. Mabuti naman at naaalala niya. Minsan kasi may mga nakakalimot na elemental users kapag tinatanong namin sila.

I smiled at her, "Yes, kami nga yun." napatango-tango naman siya sa sinabi ko. She looks relieved now. Hindi niya ba naaalala na lumabas ang kapangyarihan nila kanina?

"Uh... so, what's your name?" She asked.

"Call me Liv." I gave her a small smile because I am still bothered. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na nag palabas siya ng kapangyarihan kanina pero ayaw ko naman siyang biglain.

"N-nice to meet you. I'm Ace." pag papakilala niya at nakipag shake hands pa. She's obviously kind not only because of her sweet and soft features, I can really tell by just feeling her.

"So, Ace, don't you remember what happened earlier? In detail?" tanong ko nang hindi ko na napigilan ang kati ng dila ko. Gusto ko na kasing malaman kung ano yung kapangyarihan niya because as I've said, the energy was undeniably strong.

She took a moment to think before pouting, "May lumapit sa aming dalawang lalaki at may balak pa ata kaming ipahamak ni Lilah. Tinulak ko siya pero hindi ko inaasahang sobrang lakas ng pagkakatulak ko. Hindi nagtagal ay nakaramdam nalang ako ng malakas na enerhiyang dumadaloy sa buong katawan ko. Kasunod no'n ay nakita ko kayong papalapit sa pwesto namin bago ako mawalan ng malay." kwento niya, detailed and did not miss an information.

"Then you know na may ability ka?" kalmado ko pa ring tanong. Sa oras na marinig ako ni Lux ay mapapagalitan ako no'n sa pagiging matanong ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, "Ability? 'Yun ba yung malakas na enerhiya kanina?"

I nodded as I come near her, na excite ako. "Ability is also known as powers. Yun yung kaninang sinasabi mong enerhiya."

I saw a ghost of smile etched in her face, "Are you serious? Paano naman ako magkakaroon ng kapangyarihan? It doesn't exist, it's just in movies."

I was about to raise an argument, but I heard the door opened.

Napatingin ako sa pintuan at pumasok silang lahat kasama yung babaeng may berde ang mata kanina. She's pretty, just fiercer than Ace.

"Yow!" nakangising bati ni Mav, I glared at him.

"Ace," tawag no'ng may berde ang mata kay Ace bago ito lumapit at umupo rin sa tabi namin. Kalmado lang ang mukha no'ng may green ang mata na nag ngangalang Lilah.

"Lilah, naaalala mo ba yung nangyari kagabi? Sinabihan ka rin ba nila tungkol sa ability-ability na 'yan? Naniniwala ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Ace sa kaibigang nakatingin lang sa amin.

Lilah turned to Ace before giving her an assuring smile after nodding.

Inilipat ni Ace ang tingin niya sakin, "Kung ganon totoo talaga yung sinabi mo, Liv?" naninigurado niyang tanong na tinanguan ko lang. I understand why she's confused. Sino ba'ng ordinaryong tao ang maniniwala sa isang kapangyarihan?

"Liv?" Tanong ni Lilah at agad naman akong nginuso ni Ace.

"She's Liv, the one who came here. She's also the one who said that we have powers."  sabi ni Ace na tunog hindi pa din naniniwala. Napa buntong hininga ako. Ito yung pinaka-mahirap kapag nagising na ang elemental user, ang paniwalain sila na may kapangyarihan sila.

"Liv, sino sila? Sila ba yung mga kasama mo? Kayong anim lang ba ang mga taong may kapangyarihan?" Pabulong na tanong ni Ace na nakapag-patawa nalang sakin. Sa oras na may isang tanong siya ay nasusundan na ito ng madami.

"Nope. Madami kaming may mga immortal, I mean, tayo. Kaming anim lang ang mag-kakasama na pumupunta sa mortal world dahil kami ang inatasan ng Empress and Emperor na dalhin dito lahat ng may kapangyarihan. Isa rin na dahilan kung bakit nila kami pinag-kakatiwalaan ay dahil matataas kaming uri ng immortal." paliwanag ko sa huli niyang tanong. Dahan dahang tumango si Ace na nakaawang pa ang labi habang si Lilah naman ay nanatiling walang ekspresyon ang mukha.

Silence stretched kaya agad ko namang binalingan ang mga kasama ko, "Wala ba kayong balak na mag pakilala?"

Parang hangin lang yung tanong kong yun. Grabe sila makatitig sa dalawang 'to pero si Mav lang yata ang naka ngiti at parang mukhang masaya habang nakatitig sa kanila. Wala talaga 'tong pinipiling panahon sa emosyon niya. Laging masaya at parang may nakakatawa kahit na seryoso ang lahat.

Siguro ay nararamdaman din nilang malalakas ang aura ng mga ito kaya ganyan sila makatitig.

Tumikhim ako at handa na silang ipakilala kina Ace at Lilah, nakakahiya naman sa kanilang sila pa ang magpakilala kaya eto nalang, ako nalang.

Tumikhim ako dahilan kung bakit ko nakuha ang atensyon ng dalawa, I pointed to Astrid, "That's Astrid, the Princess of Aques Royale. She can manipulate water and ice. And by the way, there are five kingdoms here in Ethereal Royale."

"Limang kaharian? Ibig sabihin madami kayong hari at reyna?" dagdag na katanungan ni Ace at siyempre ako na naman ang sasagot dahil na-pipi ata ang mga kasama ko.

Tumango ako, "Yes, tama ka pero ang mga kaharian dito ay nahahati sa bawat kapangyarihan na meron kami. Ang Aques Royale, Narnia Royale, Alight Royale, at Frio Royale. Ang isang kaharian naman ay ang pinaka-makapangyarihang kaharian dito sa Ethereal Royale, and it is the Ethereal Royale itself, sakop din nito ang lahat ng kaharian."

Nakanganga at nakatitig lang sila sa'kin, namamangha. Nagpatuloy ako. "Anyway, let's continue to this mini introduction. 'Yang lalaking maingay kaninang bumati pagka-pasok ay si Maverick. Narnia Royale's Prince. He can manipulate nature and he has fairy dust powers, he can also make his wings visible if he wants."

"Hi, ladies." Mav answered. Inirapan ko siya.

Sunod kong itinuro si Kai, "'Yan naman ay si Kaius. He's a duke, he's the cousin of the Prince of Frio Royale. Sila ang nangunguna ng nag-iisang tribo dito sa Ethereal Royale, ang Fuego Tribe."

Sunod kong tinuro ang tamad na naka upo lang na si Cassius habang nakatingin sa nakikinig sa'kin na si Lilah, "'Yang naka-puting damit ay si Cassius, hangin ang kapangyarihan niya. His title is a Knight, my kingdom's strongest warrior, the Alight Royale."

"Siy-"

"Call me Lux," pakilala ni Lux, cutting me. Medyo natigilan pa ako dahil sa pag papakilala niya. Taray, this is the first time he introduced himself! Oh well, understandable, he is always annoyed when I introduce him using his full name. Trip ko siya kasi alam kong naiinis siya binanggit ko buong pangalan niya.

At dahil hindi tinapos ni Lux ang kanyang introduction ay ako na ang nag patuloy, "He is Lux, the Prince of Frio Royale. He can manipulate fire and swords. Pinsan niya si Kai."

"And... you?" nabaling ang tingin ko sa nagsalitang si Lilah. Itinuro ko pa ang sarili ko para maka sigurong ako nga ang kinakausap niya, binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.

"I'm Liv. The Princess of Alight Royale. I can manipulate air and lightning." pagpapakilala ko bago makipagkamay kay Lilah na nakangiti na.

"It's nice to meet you all and thank you for saving us. Pero puwede na ba kaming umuwi? Baka kasi hinahanap na kami ng parents namin." sabi ni Ace na parang nag mamakaawa ang mukha.

"No, you can't. You're not allowed to leave Ethereal." agad naman na protesta ni Lux that made Ace's eyebrows furrowed.

"Huh? Why? May naghihintay sa amin at baka nag-aalala na sila." reklamo ni Ace. Oo nga naman, may magulang silang dapat nilang pag-paalamanan.

Ay, wait. Dapat alam ng magulang nila na may kapangyarihan sila! Mana-mana ang kapangyarihan kaya sigurado akong may kapangyarihan ang mga magulang nito.

"How can I let you go if you didn't even know you have power, hmm? You guys might get in trouble because of that." Lux stated.

"Eh paano ko sasabihin kay mama at papa na mananatili ako rito kung hindi ako pupunta sa pinanggalingan ko? Mag-aalala sila." Kontra pa ni Ace. Hindi na napigilan ni Lux kaya't bumaling ito kay Ace na may naiinis na mga mata. Natawa ako.

"Ang kapangyarihan ay hindi mo makukuha kung wala sa mga ninuno ninyo ang meron nito. Sigurado akong alam ng mga magulang mo na may kapangyarihan kayo at itinago lang nila sa inyo." paglilinaw ni Lux.

Annoyed Ace whispered something, "Tss. Mabuti kung ikaw ang pagalitan e." bulong at sabay irap ni Ace kay Lux.

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng ngisi ko. Nasisiyahan ako dahil si Ace lang ay may lakas ng loob na sumagot-sagot kay Lux. Halos lahat ata ng kakakilala palang kay Lux ay nabibihag niya nang walang ginagawa kaya't sinusunod kung ano man ang sasabihin. He's also very intimidating.

"What did you say?" salubong ang kilay ni Lux ngayon.

Binigyan siya ng matalim na titig ni Ace, "Wala po!"

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 1.6K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
12.3K 725 22
May kasabihang "Promises meant to be broken" daw. Pero sa kwentong ito, mapapako nalang kaya ang lahat ng pangako dahil sa pagkawala niya? Pero pano...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
84.1K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...