WMAMTG (Unedited)

By ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... More

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 43 - The Bar Incident
CHAPTER 44 - Unresolved
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 53 - Compromised
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 70 - Start of Mafia War

115K 1.8K 166
By ScarsAreBlind

CHAPTER 70 – Start of Mafia War

 

 

KYOHEI’s

 

We’re already at the private plane waiting for take off. Beside me is Raphie whose facial expression is undeniably showing how tense she is. I hold her hand and grasp it tightly.

“Don’t worry, everything will fall in place soon.” I assure her. I know she’s worried about everything.

“We need to rescue Lance’s sister as soon as possible. She might be in great danger.” Nag aalalang sabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Alam na lam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Yeah. That’s why I decided to rescue her pagdating na pagdating natin sa Japan.” Sabi ko na dahilan para mapunta sa akin ang tingin nilang lahat. Magkakaharap kasi ang mga upuan namin eh.

“You mean, walang pahinga? Pagdating na pagdating natin, susugod agad tayo sa kampo ng Yaban Jin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kisune sa akin. Tsk.

“Bawat oras na nasasayang natin, umiikli ang posibilidad na makuha pa natin ng buhay ang kapatid ni Lance.” Sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya.

“Pagdating natin sa Japan, ihahatid lang natin si Raphie sa main house at kukuha ng gamit. Kei, Kurt, Shin and Light, your mission is to find the girl and rescue her while the rest will be on guard and back you up. Yuji, any news on Hideoshi?” Dirediretsong pag latag ko ng plano sa kanila. Nagsitanguan naman sila bilang pag sang ayon sa plano ko.

“Yup, he’s also on his way.” Nakangiting sagot sa akin ni Yuji.

“Yosh. Magpahinga na muna kayo para may lakas kayo mamaya.”

KIYOMIKO’s

 

“Kiyo!” Napatingin ako sa direksyon ng taong tumawag sa pangalan ko at napangiti ng makitang nakuha na nga niya ang pinapakuha ko. Tumayo ako at sinalubong siya.

“Waaah! Karupi!! Mommy missed you!” Sigaw ko habang papalpit sa baby Karupi ko na bitbit ni Nanjiro na papalapit na din sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa isang parke sa Pilipinas. Kagabi pa kami nandito. Matapos kong makuha ang regal okay Gio ay agad kaming lumipad papunta dito.

Nagpasya akong harapin ang isang katotohanang ayaw kong tanggapin. Ayaw ko man siyang pakawalan pero kailangan ko ito ngayon. Kailangang matanggap kong wala na siya para maisakatuparan ko ang paghihiganti kay Hitomi.

“Sa kapitbahay ni Raven ko iyan nakuha. Umalis daw si Raven at mukhang matatagalan siya dahil iniwan niya rin ang ilang gamit ni Karupi.” Balita sa akin ni Nanjiro. Napakunot naman ang noo ko. Saan naman kaya pumunta iyong isang yun?

Tahimik lang kaami parehas ni Nanjiro habang naglalaro sa kandungan ko si Karupi. Nakaupo na kami ngayon sa damuhan. Habang nakikita ko si Karupi, naaalala ko si Seal. Aaminin ko, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang lahat. Hanggang ngayon, masakit parin sa akin ang lahat. Hanggang ngayon, umaasa parin akong hindi totoong wala na siya sa akin. Umaasa parin ako na isang pangaginip lang ang lahat. Pero sa isang banda, alam kong wala na talaga siya. Wala na ang soulmate ko.

“Kiyo, handa ka na ba?” Natigil ako sa pag iisip at napatingin sa direksyon ni Najiro. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko. Bigla akong nabato sa kinauupuan ko. Bakit? Bakit hindi ko man lang napansin na masagana na palang dumadaloy ang luha sa mga mata ko? Bakit kailangan pa niyang makita na umiiyak ako?

Bigla niya akong niyakap at marahang tinapik tapik ang likod ko. Lalo naman akong naluha. Hindi ko alam na kaya rin pala niyang pagaanin ang loob ko.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Nanjiro dahilan para mapahiga ako habang nasa ibabaw ko siya.

“Arrg.” Daing niya kaya agad akong napatayo. Nagulat ako ng makita ang isang pana na nakatarak sa braso niya. Napatingin ako sa paligid pero wala akong maramdaman na kahit anong kakaiba sa paligid.

“Damn it Nanjiro.” Sigaw ko sa kanya. Nakahiga na siya ngayon sa damuhan at wala ng malay. Kinakabahan ako. Wag mo sabihing may lason ang panang iyon? Nakita ko si Karupi na dinidilaan ang pisngi ni Nanjiro, mukhang nag aalala din siya.

Agad kong kinuha ang phone ko at kinontak si Mikage. Damn it. Sana nandito pa siya sa Pilipinas. Laking pasasalamat ko ng sinagot niya ang tawag.

“Mikage. Where are you?” agad kong tanong sa kanya.

“In my condo. Why? What happened?” Nag aalalang tanong niya.

“Natamaan ng pana ang fiancé ko. Wala na siyang malay. Please Mikage, save him. Nandito kami sa park malapit sa school.” Natatarantang sagot ko sa kanya habang matamang nakatingin kay Nanjiro. Shit. Wag niyo naman sana siyang kunin din sa akin oh. Ayoko ng may mawala pa sa akin.

“Okay. I am on my way.” Sagot ni Mikage sabay baba ng tawag. Agad naman akong lumapit sa tabi ni Nanjiro. Ayokong galawin ang pana dahil baka lumala ang kondisyon niya.

Makalipas ang sampung minuto ay natanaw ko na ang humahangos na si Mikage. Agad siyang lumapit kay Nanjiro at ineksamin ang braso niya. Maya maya pa ay kumuha siya ng dagger at lighter. Pinainitan niya ang dagger at hiniwa ang braso ni Nanjiro kung saan nakabaon ang pana. Matapos noon ay binunot na niya ang pana sabay tinalian iyon.

Pinagtulungan naming buhatin si Nanjiro patungo sa sasakyan ni Mikage habang nakasunod sa amin si Karupi. Nang maipasok na namin siya sa backseat at agad akong umupo sa shotgun habang si Karupi ay nasa likod, parang binabantayan niya si Nanjiro.

Pinaaharurot na ni Mikage ang sasakyan pero hindi pa kami nakakalayo ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig namin. Napatingin ako sa likod at nakita ang dalawang itim na sasakyan na sumusunod sa amin. Makailang beses pa akong napamura sa isip ko.

“Nagsimula na.” Napatingin ako kay Mikage dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“Nagsimula na ang mafia war, babes. Sinimulan na ng Yaban Jin anag matagal ng iniiwasang mangyari ng limang malalakas na mafia clan. Sinimulan nila iyon sa pagpatay sa limang importanteng miyembro ng limang malalakas na clan. Si Seal, ang mama ni Jansen at tatlo pang mga importanteng miyembro mula sa Vallejio Clan, Lotus Clan at sa Riejj Clan.” Mahabang paliwanag niya. Nangngatog ang mga kalamnan ko sa galit. Hindi lang para kay Seal kung hindi maging kaayusan na matagal ng pinangangalagaan nila Master Kiguri kasama aang apat pang Clan mula s ibat ibang panig ng mundo.

Patuloy parin sila sa pagbaril sa kotse na sinasakyan namin. Mabuti nalang at bullet proof ang kotse ni Mikage pero hindi parin sila natigil. Dahil sa nangangalit narin ang kalooban ko, pinindot ko na ang SIMAN ko at naglabas ng isang AS50 Semi automatic sniper rifle. Agad akong pumunta sa likudan at marahang binuksan ang gilid na parte ng salamin sa likod ng kotse. Halos lahat ng kotse ng Takehashi ay ganito ang design para sa ganitong purpose at karamihan sa kotse na gamit namin ay si kuya Kyohei ang nag disenyo.

Sapat lang ang butas ng salamin na iyon para ilabas ang nguso ng barrel ng baril ko. Kahit magalaw ang sasakyan nila at umaandar din ang sasakyan namin ay hindi iyon naging hadlang para mapigilan ako. Una kong inasinta ang sasakyan na nasa kanan. Itinutok ko ang barrel sa driver at ipinutok iyon.

“Fucking shit!” Napamura nalang ako ng mapag tantong naka bullet proof din silang sasakyan. Napangisi nalang ako ng makaisip ng paraan.

Itinaas ko ang hawak kong baril dahilan para bumaba ng bahagya ang asinta ng barrel. Itinutok ko iyon sa gulong ng sasakyan nila at agad na ipinutok.

“Boom!” Sinabayan ko ng sigaw ang pagsabog ng gulong nung isang sasakyan dahilan para gumewang ang andar nila at magkasalpukan ang dalawang sasayan. Dahil sa bilis ng andar ng mga sasakyan nila ay agad na tumaob ang nabanaggang sasakyan.

“One down, assholes!” sambit ko sa sarili ko sakaa inasinta muli ang sasakyan pero sa pagkakataong ito, makina na ang inasinta ko. Tatlong putok ang ginwa ko bago tuluyang sumabog ang sasakyan nila.

“That’s quite a show.” Nakangising sabi ko. Ibinalik ko na ang baril sa SIMAN ko at bumalik narin ako sa pwesto ko.    

 

RYUU’s

 

Nasa van kaming lahat pwera lang kay Ate Raphie. Kuya Kyohei is briefing us of the whole operation. Tahimik lang kaming Red Night at masusing nakikinig sa bawat detalyeng sinasabi sa amin.

Ito ang unang misyon na gagawin namin kasama sila. Unang misyon matapos ang puspusang pagsasanay. Napatingin ako kila Kei at mapapansing pareparehas kaming kinakabahan pero may bakas din ng excitement.

Nang sumenyas na si kuya Kyohei isa isa na kaming lumabas ng van. Kasama ko si kuya Kisune samantalang kasama ni Martin si Kuya Kyohei. Si Kurt, Kei Light at Shin naman ay magkakasama na umalis. Sa likod ata sila dadaan.

“Ryuu, sa kanan tayo dadaan. Stay close to me and don’t ever die if you want Kiyo to stay sane.” Paalala sa akin ni Kuya Kisune. Parang kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Haay. Kailangang magawa namin to ng maayos.

Pumasok na kami sa kanang bahagi ng templo. Masayoadong mapuno ang lugar dito at tanging hagdan lang sa gitnang bahagi ang walang puno. Kailangan muna naming akyatin ang matarik na burol na ito bago marating ang pinaka templo na pinag tataguan ng Yaban Jin.

Sabi nila kuya Kyohei, dati daw itong templo ng Crow Deiti. Dati daw, may mga monghe na nagbabantay dito pero simula noong napatay ni Yomi yung tatay ni Hitomi, wala na daw nagbantay dito mula noon kaya ito na daw ang ginawang tahanan ng Yaban Jin.

“Ryuu, focus!” pasinghal na bulong sa akin ni kuya Kisune. Masyado na pala akong kinain ng pag iisip ko di ko man lang napansin na nandito na pala kami sa taas.

Sumilip kami ni kuya Kyohei mula sa puno na pinagtataguan namin at nakita na namin mula sa kabilang gilid na nakapwesto na din sila kuya Kyohei at Martin.

“Phantom to Kage, Phantom to Kage. Report situation.” Narinig kong sabi ni kuya Kyohei kay Yuji mula sa ear piece na suot namin.

“Kage to Phantom reporting. The situation is quite odd. Only handful of enimies spotted. Either they are slacking or it is a trap though the good news is, the girl is inside the house and still alive.” Balita ni Yujia mula sa van. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman ang mga impormasyong iyon pero hindi na ako magtataka doon dahil suportado sila ng Takehashi Technologies na isa sa pinaka advance when it comes to technologies.

“Damn it. We have no other choice but to save the girl. All of you, be extra cautious. Wakata?” (Understand?) Utos sa aming lahat ni kuya Kyohei.

“Wakaremashite/understood.” (Understood) Sabay sabay na sagot naming lahat.

“Yosh! Let’s rescue the girl.” Masiglang sabi ni kuya Kisune at bigla nalang nawala sa paningin ko. What the? Napalingon lingon ako sa paligid at nakita siyang marahang naglalakad papasok sa isang bintana. Are they still humans? Damn it. Mukhang mahaba habang pagsasanay pa ang kailangan namin ah?

Sumunod nalang ako sa kanya at marahan ding pumasok sa bintanang pinasukan nya. Pagpasok ko, wala na siya sa pasilyo. Hinayaan ko nalang at maingat na tinignan ang bawat kwartong madaanan ko.

Habang naglalakad, may narinig akong yabag na papalapit sa akin. Agad akong pumasok sa pinakamalapit na kwarto pero kung minamalas ka nga naman, may isang kalaban na nakatayo at nakangisi sa akin na para bang inaasahan na niya ang pag dating ko. Damn. Is it really a trap?

Agad siyang sumugod sa akin gamit ang isang katana. Tsk. Why do Japanese people love to use blades? Aarrg, as if I don’t have Japanese blood in me. Agad kong pinindot ang SIMAN na ibinigay sa amin nila kuya Kyohei at naglabas ng dalawang katana. Ang katana na nasa kanan kong kamay ay may baliktad na talim. Isa itong regalo mula kay mom nung nalaman niyang miyembro na din ako ng mafia clan na dati nilang pinaglilingkudan ni dad.

Sinangga ko ang katana ng kalaban kong pasugod sa akin gamit ang katana sa kaliwa kong kamay sabay wasiwas ng katana sa kanan kong kamay dahilan para masugatan siya sa tagiliran pero agad din siyang nakalayo sa akin kasabay ng pagbato niya ng dagger na hindi ko nasangga. Napasigaw ako ng bahagya dahil sa pagbaon ng dagger na iyon sa braso ko. Damn it.

Sa asar ko, binunot ko ang dagger sa braso ko kahit na napakasakit noon. Hindi ako pwedeng mamatay dito. Ayokong magalit sa akin si Yomi. Ibinato ko pabalik sa kaanya yung dagger niya agad naman siyang umiwas pero ginamit ko ang pag kakataong iyon para sumugod at gaya ng inaasahan ko, hindi siya handa sa pagsugod ko. Naitarak ko ang isang katana ko sa puso niya.

Nakaramdam ako ng kakaibang nginig sa katawan ko. Ito ang unang pagkakataon na nakapatay ako. Ganto ba talaga ang pakiramdam ng kumuha ng buhay ng iba? Ganito rin kaya ang naramdman ni Yomi noong unang beses siyang nakapatay?

Binunot ko na ang katana sa dibdib niya at lumabas na din sa kwartong iyon pero hindi ko inaasahan ang maaabutan ko. Nagmistulang damp site ng mga bangkay ang pasilyo. Paanong nagkaroon ng ganito kadaming bangkay dito samantalang walang katao tao dito kanina?

“Ryuu! Tara na sa labas. Nakuha na nila si Lacey tapos na ang misyon natin dito. Baka dumami pa ang resbak nila pag nagtagal pa tayo.” Sigaw sa akin ni Martin mula sa kabilang dulo ng pasilyo. Agad naman akong tumango at tumakbo na papalapit sa kanya. Sabay na kaming lumabas pero pag labas namin, naabutan namin sila kuya Kyohei, kuya Kisune at Light na nakikipaglaban sa isag batalyon ng mga ninja. Ninja?! They still do exist eh?

Agad na kaming tumulong ni Martin sa kanila pero dahil sa sugat ko sa braso ay medyo nahihirapan ako, isama mo pa na masyado silang maliliksi kumilos. Kasalukuyan akong lumalaban sa isa ng biglang sumigaw si Martin.

“Ryuu! Sa likod mo!!” Sigaw niya sa akin. Medyo malayo din kasi ang posisyon niya sa akin. Agad akong napatingin sa likod ko at nasangga ang atake niya pero nawala sa isip ko ang kalaban ko sa harap kaya tinamaan ako ng sipa niya.

Nagulat ako ng pagbagsak ko ay kasabay ko ding bumagsak yung ninja na sumipa sa akin. Pagtingin ko sa kanya, may nakatarak na pana sa puso niya. Pana?! Sinong pumana sa isang ito? Agad kong inilibot ang paningin ko at mula sa di kalayuang puno ay nakita ko si Hideoshi at si Raven?! Parehas silang may hawak ng hankyu (short bow), katulad iyon ng pana na pag aari ni dad.

“Thankyou for saving her.” napunta ang atensiyon naming lahat sa lalaking nagsalita. Mukhang kaedad lang siya nila kuya Kisune. Sinenyasan niya ang mga ninja na kalaban namin at mabilis pa sa alas kwartong nawala sila sa paningin namin.

“Who the hell are you?” Madiin na tanong ni kuya Kyohei sa kanya.

“Not important though, just want to thank you guys from saving my precious girl from those bastards who dare lay a finger on her. Don’t worry she’s safe with me. Ja’ne.” Nakangising sagot nung lalaki at umalis na rin siya kasama nung mga ninja.

Agad naman akong inalalayan ni Martin para makatayo. Medyo nanghihina na ako dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Sabay sabay kming bumlik sa van kasama na sina Hideoshi at Raven. Sabi nila, kinontak daw si Hideoshi ni Yujia dahil inutos ni kuya Kyohei tapos sumama nalang daw si Raven.

Pagdating namin sa van, napatakbo kami ng wala sa oras. Si Yujia, Shin, Kei at Kurt ay pareparehong nakahandusay sa semento at walang mga malay. Shit. Did that guy did this to them? Just who the hell is that guy?!

“Kyohei.” Napaangat ang tingin namin kay Kuya Kisune na may hawak na isang papel. Ibinigay niya iyon kay kuya Kyohei.

“Lacey wa setsuyaki tadaki arigatou gozaimasu. Okeishi ni anata no shinsetsuni no kicho na hime no shori ni yobun na chuui suru koto wo yakuso kushimasu.” (Thanks for saving Lacey. in reciprocate to your kindness, i promise to be extra careful in handling your precious princess.) Basa ni kuya Kyohei sa sulat na nasa papel.

“Precious princess?” wala sa loob na tanong ko.

“Naintindihan mo Ryuu?” Tanong sa akin ni Kurt.

“Japanese ang nanay namin Kurt, baka nakakalimutan mo?” Iritang sagot ko sa kanya.

“Damn it. Kisune, contact Nanjiro immediately! And get everyone cured. Let’s head back to the main house.” Pasigaw na utos ni kuya Kyohei. Pareparehas kaming nagitla. Ngayon ko lang siyang narinig sumigaw, there really must be something wrong. I am worried, not for me but for Yomi.

Yomi, please, wherever you are, be safe.   

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.6K 78
[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities? Umm maybe the real question is... kaya...
84.9K 5.1K 35
[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada...
28.2K 1.4K 38
She's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She di...
509K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...