Ilang chapters na lang kaya ang nalalabi? Malapit na kaya 'tong matapos? Wohohoho. Abangan niyo na to. Got it? Mwehehe. :D
_____________________________________
Chapter XXIII
Lumabas na ako ng bahay at tsaka naglakad na para makarating na agad ako ng school. Napaparanoid pa rin ako hanggang ngayon. Para akong nagbibilang ng taong dumadaan sa harapan ko dahil sobrang sabaw an sabaw na talaga ng utak ko. Ayaw ng magfunction ng maayos ng mga brain cells ko. Sasabog na talaga yung utak ko kakaisip!
Hindi ko talaga kasi magets kung ano na ba nangyayari samin ni Christian? Para kasing ang gulo. Una, hinalikan niya ako ng wala man lang pahintulot! Pangalawa, kung umarte siya sa harapan ko, akala mong wala lang sa kanya yon! Ajujuju! Pangatlo, niyakap niya ako last week sa park at nagsorry tapos kung ano ano sinabi niya na hindi ko magets! Luuuh! Ang sakit sa ulo isipin ha?
Pagkatapos lang ng ilang minutong lakaran, nagulat na lang ako nasa harap na pala ako ng classroom ko. Haay nako. Sinampal sampal ko muna yung mukha ko bago ako pumasok sa loob ng classroom para magmukha naman akong new look pagkatapos ng dalawang linggong sembreak.
Pagkapasok ko ng classroom, umupo na agad ako sa upuan ko. Napansin ko kaagad yung kakaibang katahimikan sa paligid ko. Ibig kong sabihin, magulo yung buong classroom at puro mga halakhak ng mga bunganga ng mga kaklase ko ang nagiingay dito, pero parang may kulang.
Yung bunganga pala ni Angela at ni Jigs ang nawawala! Asan na ba yung dalawang yun? Tinignan ko yung upuan ni Angela na nasa harapan ko pero wala pa pala siya. Himala, nahuli ata ang kasing bilis ng kabayo kung kumilos? Natalo pa ata ang isang pagong na katulad ko? Tinignan ko yung wallclock sa classroom pero 7am na pero wala pa siya.
Lumingon naman ako sa likod ko para tignan si Jigs. Sakto andon siya at nakatulala sa kawalan. Ano nangyari don?
"Oy Jigs!" lumapit agad ako sa kanya at umupo sa armchair niya. "Oy, kumusta bakasyon? Kumusta kayo ni Ange?" humalumbaba lang siya sa may bintana at tsaka tumingin ng malayo. Napapano ba to? "Hoy! Di mo ba ako naririnig? Yoohooo! Oy! Jigs! Nakakabadtrip ka ha, umagang umaga pinakukulot mo mga bangs ko!"
"Akin na, irerebond ko." sabi niya pero halata namang matamlay.
"Hoy, may sakit ka ba? Himala ata nagkasakit ang gangster-wannabe ng campus?" pangaasar ko.
Napatingin na lang ako sa harapan ko nung nakita ko si Angela. "Yow, Ange! Musta?" tinignan lang niya ako at tsaka nilagpasan at umupo sa upuan niya. Sinundan ko lang siya at umupo sa upuan ko. "Long time no talk ha? Musta lablayp?" pangaasar ko sa kanya habang sinusundot yung tagiliran niya.
"Ano ba, hihihi. Nakikiliti ako!" yan yung ine-expect kong irereact niya. Sobra. Yung nga lang, sabi ni Papa madalas magkaiba ang ine-expect mo sa gagawin ng kapwamo sa realidad dahil pabalik-baliktarin mo man ang ang pantalon mo, magkaiba ang realidad sa expectation, at bukod don, pagbalik-baliktarin mo man ang pantalon mo, wala ka na talagang pera sa bulsa mo.
"Ano ba, Jessie. Wag nga." sinanggi sanggi lang niya yung braso ko habang kinikiliti siya at nilabas yung libro niya. Kelan pa to nagkainteres sa pagbabasa ng libro.
"Huy, napano ba kayo ni Jigs? Para kayong mga ulopong dyan na nakasibangot. Pasukan na pasukan hindi ko man lang mapinta yung mga pagmumukha niyo! Ah teka! May tawag dyan eh... Umhhh... Ayun! Yiiieee! LQ sila ni Jigs!" kiniliti kiliti ko pa yung tagiliran niya.
"Ano ba? Sinabi ko nga di bang wag nga!" tumayo siya bigla at kinuha yung bag at mga libro niya. Pero hinarangan ko yung dadaanan niya.
"Wag ka ngang hot-blooded. Umagang-umaga ha. Alam mo, pwede naman daanin niyo to ni JIgs sa magandang usapan di ba?"
"Tumabi ka nga," aalis na sana siya uli pero hinarangan ko uli yung dadaanan niya.
"Ano ba poblema niyo ni Jigs? Pwede niyo namang sabihin sakin eh. Ahihihi!"
"Pwede ba susunod, wag ka ng magpakita sakin?" nawala bigla yung mga ngiti ko sa labi.
"H-Hoy! Ange," tumingin ako sa paligid ko habang pinapanuod kami ng mga kaklase ko. "A...A-ha-ha. W-Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan!"
"Kung akala mo nagbibiro ako, sige, isipin mo na lang nagbibiro ako. Pero simula ngayon, tatapusin ko na ang pagkakaibigan natin." napanganga ako sa sinabi niya habang nakikita ko ang pagtutubig sa mga mata niya at tsaka niya ako nilagpasan.
"A... Ano ba ginawa ko, Ange?" bigla akong napiyok dahil gusto na ng mga mata kong umiyak pero please wag muna dito.
"At tsaka nga pala," naramdaman ko ang paghinto niya sa paglalakad sa likuran ko. "Wag mo ng babanggitin yung pangalan ko. Ayokong naririnig yung pangalan ko sa bibig mo, nasasaktan ako masyado." tsaka siya tuluyang lumabas ng classroom kaya tuluyang tumulo yung luha ko.
Napatingin ako kay Jigs pero nakatingin lang siyasa bintana niya at hindi man lang kumikibo na parang wala siyang narinig kaya nilapitan ko kaagad siya.
"Jigs! Ano ba nangyayari?! Ha? Kaya ba wala man lang akong nababalitaan sa inyo nung sembreak, eto na ba yung binabalak niyo ni Ange?! Ha?" pero hindi manlang siya kumikibo kaya sinipa ko yung upuang katabi niya kaya napatingin siya sakin.
Dahan dahan siyang tumayo at kinuha yung bag niya. May balak pa siyang layasan din ako ngayon? Pero bago pa ako sumigaw, bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tsaka umalis. Ano ba? Hindi ko na maintindihan?
***
Lunch break namin ngayon pero mas pinili kong makipagkita muna kay Angela sa comfort room ng girls para makapagusap kami ng kaming dalawa lang at nilock yung pinto. BUti na lang at pumayag siya kahit papaano.
"Ano dapat nating pag-usapan?" agad siyang nagtanong.
"Madami... Madami akong gustong itanong sayo."
"Dali, magtanong ka na, marami pa akong gagawin." huminga ako ng malalim pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Unang tanong ko, bakit ka galit sakin? Bata pa ba tayo para magkagalit tayo? Kaylangan bang umabot sa ganto to?"
"Madami... Kagaya mo, madami din akong dahilan kung bakit nagagalit ako sayo. At una na doon, dahil kay Jigs."
"Si Jigs?! Dahil kay Jigs? Dahil lang ba kay Jigs kaya tayo nagkakaganto? Bakit? Ano kinalaman ni Jigs dito?"
"Dahil desperada ako sa kanya at nagpapakat@nga naman siya sa katulad mo."
"Ano?!" hindi ko na napigilan yung sarili ko. Labas lang ako ng labas ng hininga mula sa kailaliman ng dibdib ko. Nagiinit ako. "Angela, si Jigs lang yon, pwede ba? Ha? Maliit lang na bagay."
"Bakit? Para sayo ganon ganon lang si Jigs? Jessie, mahiya ka nga sa sarili mo! Parehas tayong desperada at ikaw kay Christian! Pero ibahin mo ako sayo. Pare-parehas lang tayo, nasa iisang room at lahat ng nasa room na yon ay mga katulad natin na walang alam. Kaya wag mong nila-lang si Jigs dahil nila-lang mo lang din yung sarili mo. Nakukuha mo?" nanigas ako bigla sa mga sinabi niya.
"Pangalawang tanong ko, ano ginawa ko kay Jigs... para magalit ka ng ganito sakin?" huminga ako ng malalim bago ko marinig yung mga sasabihin niya.
"Alam mo..." biglang naging malungkot yung boses niya at nagsimula ng magwave yung tono ng boses niya. "Nung gabing yon, inuwi niya ako bahay at tinulungan niyang mapagsundo yung mga magulang ko. Kaya sabi ko sa sarili ko... Eto na kako yung tamang panahon. Sinabi ko na kay Jigs lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Kahit katiting sinabi ko sa kanya kasi akala ko andun na eh. Pero alam mo kung ano sinabi niya sakin? Kagaya lang ng pagmamahal mo sa kanya ang kaya din niyang ibigay sakin... at iyon pang maging magkaibigan na lang kami. Kasi iba daw ang gusto niya, at hindi ako iyon kundi ikaw pa Jessie na bestfriend ko. Ang saya diba?" tumulo uli yung luha niya. "Kaya simula ngayon, ayoko na sayo. Galit nga diba ako sayo? Kasi alam mo Jessie, ang sakit pala sa feeling. Kaya gusto ko, maramdaman mo naman yung nararamdaman ko ngayon!" tsaka siya lumabas ng CR at naiwan ako ditong umiiyak magisa.
Naglakad ako ng naglakad kung saan saan sa loob ng campus, madami na akong nabubunggo tapos nagagalit sila sakin, yung iba minumura ako at nilalait pa ako na ang panget ko daw. May nakabunggo ako na may dala ng tubig at tumapon yon sa sleeve ng polo ko, may dumaan na may dala na spaghetti at nasawsaw doon yung buhok ko at merong dumaang may dala na kape at natuluan yung buong damit ko pero pinabayaan ko lang. Kasi kulang pa... Kulang pa yung nararamdaman ko sigurong sakit sa nararamdaman ngayon ni Angela. Pero kulang pa ba yung kay Christian?
Napahinto ako nung makita ko si Jigs sa harapan ko at gulat na gulat yung ekspresyon niya sakin. Nung nakita ko pa lang yung mga mata niya, gusto kong magalit sa kanya dahil sa nangyayari samin ni Angela ngayon. Pero alam niyo kung ano ginawa ko? Hindi ko siya nasampal, nabugbog, natadyakan o kaya nasipa, pero mas pinili kong umiyak at lagpasan siya. Pero ang masakit sa lahat, hindi man lang niya tinawag yung pangalan ko o kaya pinigilan man lang ako.
Dahil sa away na to... Ako ang kalaban ng lahat.
----------------------------------------------------------------
Dear Diary,
Alam mo ba ang saya-saya kanina sa school. Nung umaga nakasabay ko si Jigs sa paglalakad! Buti na lang at may naka-daldalan ako bago ako makarating ng school. Nakita naman namin si Angela, ang laki na ng pinagbago niya! Mas maganda pa siya kesa sakin! Natalbugan ata yung beauty ko! Pasalamat siya meron siyang baon na lunch at mayaman ang lola dahil nilibre pa niya kami ni Jigs ng softdrinks! (Pasensya na, asa sa libre yung tiyan ko eh.)
P.S. Lahat niyan... Mga expectations ko lang pala. :'(