"Mahal na mahal kita Chesca. You know that I'm not good at long sweet messages but will you marry me baby?"
---
Umupo ako sa may kama bago nag-inat. Alas cingco pa lang kaso kailangan ko nang bumangon para makapaghanda na para sa trabaho mamaya.
Lumingon ako sa may kanan kaso bakante kaya napakunot ang noo ko. Ang aga niya atang nagising ngayon? Akma na sana akong aalis nang sakto namang pagbukas ng pinto.
"Good morning baby"
I looked at him with a confused look pero napalitan ng pagpigil ng kilig habang papalapit siya sa'kin. Paano ba naman e bihira niya lang gagawin yan sa'kin; kapag natamaan lang ata ng kung ano sa kaluluwa niya.
Pagkalapag niya ng tray na may breakfast na pangdalawahan at kape, binigyan niya ako ng halik sa noo. Ramdam ko na rin ang pamumula ng pisngi ko sa pinaggagawa niya. I know it's just a simple gestures but for me it's not. Bihira lang siya maging ganito kaya ganito na lang ang epekto niya sa'kin.
"Ano namang kaluluwa ang sumanib sa'yo ngayon aber?" Natatawa kong sabi sa kanya at pinisil ang chubby cheeks niya. Sumimangot naman siya sabay irap sa'kin. Hinawakan din niya ang pisngi niyang namumula na dahil sa panggigil ko.
"Tsk. Just eat, lumalamig na ang pagkain. Dami mo pang dada." Masungit niyang sabi habang inaayos yung adjustable table sa tabi ng bed at inumpisahan ng kumain. Bwusit na lalakeng 'to, daig pa akong babae kapag may regla e.
Magkaharap kami ngayon; siya, nag-umpisa nang kumain kaso ako nakatingin lang sa kanya hanggang sa mapatulala ng hindi ko namamalayan. Dun niya napansin na hindi ko pa ginagalaw yung pagkain ko.
Tinignan niya ako saglit at walang imik niyang kinuha yung kutsara kaya nagtataka ako. Hindi ko alam yung gagawin niya pero natauhan lang ako nung nakaharap na sakin yung kutsara na may kanin at ulam.
"Kain na. Ayaw mo ba?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot o gagawin ko. Hindi lang magsink in e. Hindi ako sanay na ganito siya.
Ano ang meron ngayong araw na'to? May nakalimutan ba akong araw na espesyal?
"Ah...ehm ako na. Siguro half asleep lang ako kanina." Pigil hininga at medyo awkward kong sabi sa kanya. Hindi nakatakas sa akin yung pagngiti niya kaya napangiti na rin ako sa kanya. Kinuha ko na yung kutsara at hinalikan naman siya sa may pisngi.
"Thanks po" Tumango naman siya at ipinagpatuloy na ang kumain.
Nabalot naman ng katahimikan ang kwarto pwera lang yung pag-ingay ng plato at mga kutsara't tinidor na gamit namin. Malimit lang kasi siyang magsalita kaya wala ng pagtataka ang malimit din niyang pagpapakilig o pagiging sweet. Minsan nga naisipan kong pakainin siya ng sandamakmak na asukal para naman langgamin.
Teka, kung ganun ano naman kaya ang mangyayari? Paano kaya siya maging super sweet? Hmm...hihi baka naman--
"Anong tinatawa mo dyan?" Nakakunot noo niyang tanong sa'kin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti lang ako at umiling.
Kung hindi ka ba naman isa't kalahating baliw, Chesca. Sus.
Tapos na siyang kumain kaya nag-aantay siya habang inuubos na lang niya yung kape niya.
Hindi ko maiwasan na isipin ang ilang memories naming dalawa noong magbf-gf pa kami. Kagaya lang din naman ng normal na relasyon ang takbo ng sa amin. Syempre, hindi maiiwasan ang tampuhan at selosan na magiging rason ng away. Mag-aantay kung sino ang unang susuko para humingi kaagad ng tawad para magkabati at magkaayos bago matulog. May asaran at kulitan din na halos mapapahiga na lang at mahingal sa sobrang pagod.
Hindi ko nga maisip na hahantong kami sa panahon ngayon kung saan ay malapit na kaming ikasal. Sobrang saya ko nga ng magpropose siya sa akin. It was one of my special and blessed day for me- for the both of us.
"Ako na lang maghuhugas. May meeting pa naman kayo ngayon. Tsaka magcommute na lang ako, malate ka pa kapag sabay tayo." Pagboluntaryo ko at inumpisahan nang ayusin ang pinagkainan namin.
"Are you sure?" Tinignan ko siya at tumango na nakangiti. His eyes are my favorite. It's where I can see his deep love and care for me, enough that I can settle down and feel relaxed.
"Yup. Ok lang. Magbihis ka na."
Pagkatapos kong magligpit, naglakad na ako papuntang kusina para hugasan na yung mga ginamit namin.
Sakto namang tapos na ako sa paghuhugas nang makita ko siyang nasa may bukana ng kusina at busy sa pagsusuot nung coat niya at inayos. Lumapit naman ako para ayusin yung necktie niyang 'di naitali ng mabuti.
"I'll go ahead." Sabi niya pagkaayos ko nung necktie. Naglakad na siya paalis pero inunahan ko siya at hinarangan yung main door gamit ang dalawa kong kamay na nilagay sa may doorway.
Hayy. Galaw childish na naman ako. Tssk.
"Teka, eh na saan kiss ko?" Nakapout kong saad sa kanya na may halong pagtatampo. Napailing naman siya, in a joke way, sa pagiging immature ko at hinalikan ako--just a peck on the lips.
Pinapanood ko lang siyang naglalakad palabas ng gate na may ngiti sa labi. Bago siya sumakay sa kotse, lumingon muna siya sa'kin at ngumiti sabay sabing "I love you"
Imbes na mapatulala tumakbo ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng yakap. A minute or two had passed, we untangled from the embrace.
I looked at his dark brown eyes and smiled. "I love you too. Please, take care."
"Mas lalo ka na." Malumanay niyang saad. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sumakay ng kotse at umalis. I waved goodbye while smiling.
Shet! Okay, hindi ko ulit mapigilang kiligin habang naglalakad ako pabalik sa loob ng bahay. Ni hindi nga ata maalis alis yung ngiti at kilig ko. Tae! Para akong bumabalik sa pagkateenager nito e.
Tama na nga. Kailangan ko pang magbihis para makapasok na rin ako sa trabaho. We both work on a known company. Naisipan namin yun para hindi na rin kami mahirapan pa kapag magkaiba kami ng pinapasukang kompanya.
"Nandyan na ba si Sir Quin?" Tanong ko sa secretary ni boss.
"Ah, oo. Pasok ka na."
Tapos na ba meeting nila? Tinignan ko yung relo ko at wala pang 1 oras ang nakalipas. Parang ang bilis naman yata?
"Ha? Mamaya na lang siguro. Ayokong makisingit o ano man." Uupo na sana ako kaso nagsalita si Gina, secretary ni Sir Quin.
"Hindi, pinapatawag ka talaga ni Sir Quin. May sasabihin daw siya." Sabi naman niya at ibinalik na ang atensyon sa ginawa niya.
Alinlangan pa ako kaso nagpasalamat na lang ako. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Franchesca..." sabi ko na nga bang dapat hindi ako pumasok e. I'm invading their private talk here.
I smiled sheepishly and bowed slightly. Sa pag-angat ulit ng tingin ko, may katabi si Aldrich na bisita. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng kaba ng makita ko ang pagngiti niya sa akin.
"I'm sorry for interrupting Sir but you asked for me to be here. I'll just come again afterwards."
"No, it's okay. I just want to tell you that this is Miss Kristine Salvador and she will be working with us on our new project."
Miss Salvador? Saan ko na kasi narinig ang pangalan na 'yan? Bakit ang bigat naman yata sa loob ko pagkarinig ng pangalan niya? What's with her name?
Muli na naman akong napatingin kay Kristine. Nakita ko naman yung tingin ni Aldrich sa akin but then I smiled sweetly saying, "Pleased to finally meet you Miss Kristine. Welcome."
"Anyway Franchesca, can you please accompany Miss Kristine to look around and show where will be her office? Aldrich and I have something to talk about. Thank you."
"Yes sir."
"Miss Kristine..." tawag ko sa kanya kaya tumayo na siya. Bago kami umalis nagpasalamat muna siya kay Mr. Quin at nagpaalam kay Aldrich.
"So how's your trip from Australia Miss Kristine?" Pag-oopen ko ng usapan habang papunta kaming elevator.
"Nakakapagod sa totoo lang pero unti unti naman na akong nasasanay kaya okay lang. And stop with the formality, Franchesca. Magkatrabaho naman tayo at same level din." She giggled and smiled at me kaya ngumiti rin ako.
"Haha, sure. Ikaw ang bahala."
Maya't maya yung masaya niyang aura biglang nawala pagkapasok namin ng elevator. Napalitan ito ng lungkot kaya hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Are you okay?"
"Kamusta naman siya?" Hinarap naman niya ako at hinahantay ang sagot ko.
Hindi ko naman alam isasagot ko kaya tahimik lang ako hanggang sa magsalita ulit siya.
"Si Aldrich, kamusta siya?"
Kahit nagtataka ako sa biglaan niyang pagtanong kay Aldrich, sinagot ko na lang.
"Ahhh, okay naman siya. He always wear that serious expression; seldoms smile though. But he's a gentleman, super. Makikita at mararamdaman mo ang care niya at respect towards his co-workers kahit na may pagkamasungit. Bully nga ako sa kanya sa pang-aasar at kulit. Minsan nga lang niya pinapakita yung cute side niya na sana mapadalas balang araw." Walang tigil kong pagkukwento kay Kristine ang tungkol kay Aldrich. I was carried away that's why I apologized to her. Baka mamaya isipin pa niyang ang daldal ko na wala man lang akong manner sa ganitong bagay.
"It's okay. That's good to hear though. Type of person he is. Sa efforts, actions rather, dun niya pinapakita at hindi sa salita, 'di ba? Sayang, I let go of the chance. Napakaswerte mo dahil siya ang mapapangasawa mo."
What does she meant by "I let go of the chance?" May relasyon sila rati? Were they a couple before? And wait, how did she know about us?
Gusto ko sanang itanong pero mas pinili ko na lang na huwag na atsaka mas gusto kong marinig ko na rin mismo ito kay Aldrich.
Lumabas na kami sa elevator at tinungo ang kwarto kung saan ang office ni Kristine. Nagthank you ulit siya sa akin. Ngiti at tango naman isinagot ko. But I'm still bothered, I can't stay calm after that.
"Ahm Kristine?" Muli ko siyang hinarap habang hawak hawak ang doorknob.
"Yes?" Alinlangan pa ako pero tinanong ko rin naman kalaunan.
"Were you and Aldrich in a relationship before? Baka mali lang a--"
"It's true. Engaged na rin kami noon but something happened. I know that Aldrich told you the story, am I right?"
I think there's a lump in my throat when I heard that. May alam ba ako tungkol doon? Bakit parang wala naman? At ang malala pa muntik na rin silang ikasal.
"Y-yes. He did."
It hits me real hard when I remembered something from before.
"Alis na'ko. If you need something, just approach me. My office is just next door." Sinarado ko na ang pinto pero hindi magsink in yung nalaman ko.
Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Paano kung magbalikan sila? Lalo na't under kami sa iisang project at mapapadalas ang pagsasama nila; they are both engineers! Papaano na lang kung...? Geez Franchesca! Snap out of it! Magfocus ka, huwag kang aanga anga.
"Chesca! Matagal ka pa ba? Malalate na tayo sa meet up ng mga Dela Vega" malakas na sabi ni Aldrich mula sa labas ng bahay.
"Palabas na!" Agad agad naman na akong lumabas at sumakay sa kotse.
Tinatahak na namin yung daan papunta ng venue nang magring ang phone ni Aldrich na sinagot niya rin naman agad.
"Good evening. Yes? No, on the way pa lang naman kami. Sure. Saan ka ba? Ok, got it."
"Sino yun?"
"Kristine" pagkasabi niya yun iniliko niya yung sasakyan sa kaliwa. Hindi naman dito ang daan kaya nilingon ko siya na nagtataka. Bago pa ako makatanong sa kanya nagsalita na siya.
"We're just going to pick her up. Nasira raw kasi yung gagamitin niyang sasakyan."
"She's your ex." Wala sa sarili kong sabi. Nabigla siya dun pati ako nabigla sa sinabi ko ng walang alinlangan.
"Franchesca, this is not the right time for this kind of talk. We'll just talk after this." Sagot niya ng kalmado pero nang tinignan ko siya, nakakunot ang noo niya at tuliro.
"Why didn't you tell me about this? There was also a day that you were drunk and you were holding a picture even if it's been torn; it was a picture of the both of you."
Naalala ko na naman yung araw na yun. He's not also aware of that. He was so drunk. That day was also our 5th monthsary. I was about to ask him but I shook it off and did not bother about it anymore. Ayoko rin kasing mag-away kami. But, I can't help not to doubt.
Was I beginning to over act, again? Pero ang sakit kasi, biglaan. I can't constrain myself. Mali bang pinatagal ko pa? Shit lang.
"Bakit di mo sinabi sa akin na siya pala yun? Lalo na yung engaged kayo noon. Kaya ba malimit ka lang na ngumiti? Kaya ba malambing ka kaninang umaga dahil sa makikita mo na ulit siya? Dahil ba sa may chance pang maging kayo at maging pamilya? Yun ba y--"
"What the hell Chesca?! Bakit ganyan ang mga pinag-iisip mo?! I can't believe you." Dismayado niyang sabi na may halong inis sa bawat salitang binitiwan niya. Galit at iritado rin ang nakarehistro sa mukha niya ngayon.
Naiyukom ko yung kamay ko at pinilit kalmahin yung sarili ko. Ito yung ayaw ko, kapag magtatanong ako parang reklamo kasi ang dating para sa iba. Bakit ganun? Tila walang may gustong makinig sa sasabihin ko. Kaya matagal ko ng pinili na itago na lang lahat. Tama lang nga siguro ang desisyon kong manahimik na lang at huwag na lang sabihin sa kanya kapag may problema ako.
Gusto ko sanang magsorry pero pinili ko na lang na huwag akong umimik. Pinapamanhid kasi ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak para sana gumaan loob ko pero wala, wala akong mailuha.
Nanatili lang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay ni Kristine. Nasa labas na siya ng bahay nila kaya makakaalis na kami kaagad.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang bawat galaw ni Aldrich nang lumabas siya ng kotse upang alalayan si Kristine papasok ng kotse. Pero deadma nalang ako. Tiwala na lang talaga ako, yun na lang. Yun na lang nga siguro.
Pero parang unti unti namang naglalaho.
One and a half week na ang nakalipas at tama lang ang hinala ko. Maraming nagbago. Malalim na ang gabi kapag nakakauwi siya ng bahay. Hindi na rin kami nagsasabay pumasok dahil napakaaga na niyang umalis. Nagaantay akong magpaliwanang siya kaso wala, ni isa. Nawawala na rin yung bonding namin kahit may pagkabusy sa trabaho. Yun bang inilalayo niya ang loob niya sakin, yun ang pinaparamdam niya sakin e. Kahit ganun, nanatili pa rin ako sa mga gawi ko. Ako pa rin yung dati ang kaso nasasaktan--namamanhid.
I sighed heavily and tried to hold back my tears that's beginning to fall. Ang hirap naman ng ganito. Parang nakakagago naman. Lalo na't magkasama na naman silang dalawa, parang hindi na nga mapaghiwalay.
"Miss Wilson?"
Miss...? Ah oo nga pala, hindi pa kami kasal. Ikakasal palang.
"Miss Wilson? Is something wrong? We need to gather for the approval."
I snap to reality when I heard my boss' voice the second time. Sa peripheral vision ko, tumingin lang si Aldrich sa akin saglit at binalik ang atensyon kay Kristine at iba pang kausap. Winalang bahala ko na muna at iniayos ang sarili.
"No sir. Just a bit nervous. Sunod na lang po ako."
"Don't be. Your proposal is great. Be confident and have trust, okay?" He gave me a pat on my shoulder before heading to where everyone else is.
Kasalukuyan na ang program dahil sa pagtanggap nung proposal sa bagong project. Makikitang masaya ang lahat sa resulta kasi isa nanamang successful project ito. Masaya rin naman ako, dapat. Hinanap ko siya at pagkakita ko 'di na ako magugulat na kasama niya si Kristine. Nakahawak pa sa bewang ang gago. Bwusit na!
Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako at umuwi na ng hindi na nagpasabi sa kanya. Busy kasi makipaglandian yung gago, makikiistorbo pa ako? I-enjoy na lang nila ang presenya ng isa't isa hanggang magsawa sila.
Gusto ko sana siyang kausapin pero huwag na. Hayaan ko na lang muna. Kaya ko pa namang ilihim sa kanya lahat ng sakit at bigat ng loob ko dahil sa nangyayari. Ayaw niyang makinig. Ayaw niya akong kausapin. Ayaw niyang magpaliwanag.
Pasado alas dos na ng madaling araw ng maramdaman ko ang pagbigat sa kabilang parte ng kama. Nagulat pa ako sa biglang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko ng mahigpit, kahit papaano napangiti ako kaso may kasamang pait. Hinayaan ko na lang hanggang sa tahimik na lang na tumulo ng walang tigil ang luha ko.
Nahihirapan akong huminga kaya umalis ako at nagpuntang kusina para uminom ng tubig para kahit papaano tumahaan ako. Kaagad din akong bumalik sa kwarto pero sa may sofa na lang ako natulog.
Mga eight ng umaga na ako nagising kaya tumayo na ako ng dahan dahan para hindi siya magising, mahimbing pa naman ang tulog.
A small weak smile formed on my lips as I walk away from our bed. Nilipat niya ako sa kama kagabi and that made smile, yet.
Saktong weekend ngayon kaya gagawa na lang ako ng paraan para makabawi sa nawalang bonding naming dalawa. Kinuha ko muna yung mga damit na lalabhan, maglaba muna ako saglit bago maggrocery.
Sa pagkuha ko ng damit na ginamit niya kagabi, naamoy ko yung pabango niya pero napansin kong may bahid ng pabango ng pangbabae. Nilapit ko pa yung ilong ko para makumpirma.
Softly, I laughed bitterly and shook my head. Naks naman ang galing nilang manakit, sobra. Napakagago naman. Napakaclingy nilang dalawa. I've had enough.
I shut the door with full force, not even care a bit if he's going to wake up because of the loud bang caused of the door. Takte, masakit naman na. Bwusit!
Namalayan ko na lang na umiiyak ako dahil sa mga luhang tuloy-tuloy na umagos sa pisngi ko. Kahit anong pigil ko wala na, napahagulgol na ako sa sama ng loob ko.
Natapos akong naglaba pagkatapos ng isang oras. Nagbihis na rin ako kaagad para umalis ng bahay. Tumingin muna ako sa salamin making me groan from disappointment, namaga yung mata ko. OA na mata 'to, namumula pa. Asar.
Makalabas na nga.
"Where are you going?" I froze on my tracks when I heard his voice. Shit na malagkit. Kupad kasi Franchesca! Makikita niya ata ang pamamaga ng mata ko nito. Sht.
Lumingon lang ako ng kaunti sa gawi niya na kalahating metro lang ang layo. Kinakabahan na rin ako pero di ako papahalata. "Sa grocery. Wala na kasing stock sa ref."
"Without saying anything? Aalis ka na lang bigla?"
The side of lip twitched on what he said. Aba, parang ako pa magkakasala sa kanya sa hindi pagpaalam. Buti sana kung ipinaalam niyang sasaktan ako. Grabe ah.
"Saglit lang. Ngayon lang naman ako di magpapaalam kaysa naman sa walang pasabi katulad ng iba, 'di ba?" puno ng pait at inis kong sagot sa kanya. Nagpipigil na rin ako sa galit ko, baka biglaan ko na lang siyang masigawan o baka sa sobrang sama ng loob iiyak na naman ako.
"May problema ba?" Hinawakan niya yung pisngi ko para iharap ako sa kanya kaso umiwas ako agad.
"W-wala. Wala naman tayong problema. Si-sige alis na ako." I gave him a quick kiss on the cheek before I went out. Ayaw mong makinig sa'kin noon then be it. Sasaktan ko lang lalo ang sarili ko kapag ipilit ko pa.
Hindi ako nagdiretso sa grocery. Nawawalan kasi ako ng gana, maglalakad lakad na lang ako.
Sa paglalakad ko, di kalayuan sa pwesto ko ngayon, nakita ko yung sasakyan ni Aldrich. Nakapangbihis siyang bumaba at pumasok sa flower shop.
Ahh, may date pala sila. Wow, di ulit ako informed. Baka bukas sila na. Ha-ha-ha. Busi ang sakit na naman. Sinasakal ako sa sakit. Hindi lang yun, tila pinipiga yung puso ko na parang hindi pa ako makahinga ng maayos. Langya!
Pinalipas ko lang ang oras hanggang sa maggagabi na. Hindi ko naman namalayan dahil sa preoccupied ako sa bilis ng pangyayari. Mga 6 na rin ng maisipan kong maggrocery kaya mga before 8 na ng gabi ako nakarating ng bahay. Ang bigat nga ng pakiramdam ko pagkapasok. Mas lalong nadagdagan ng si Aldrich ang makasalubong ko pagkapasok.
"Where have you been?" Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon, nakakunot naman ang noo niya--parang galit na ewan. Pero wow, nakauwi na pala, di pa sinagad sagad. Pakipot pa ang gago. Napataas pa ang isa kong kilay sa tanong niya at sa kanya.
"Grocery, malamang. Sorry late ng uwi." Mahina kong sagot. Nakakawalang gana. Nakakamanhid. Nakakagago. Pa-ulit ulit na lang.
"Franchesca, anong problema? Kaninang umaga ka pa. Galing ka ng grocery e kaninang umaga ka pa umalis? It's almost 8 in the evening for pete's sake! Kanina pa kita inaantay!" I slightly jump of his high voice but I immediately composed myself and tried to remain as calm as I can be.
"I even prepared a lunch date with you! Nakailang missed calls na rin ako sayo pero walang sagot ni text man lang. Franchesca naman." Dagdag pa niya. Sa bawat salita na sinasabi niya, ang bigat bigat ng dating nito sa akin. Hindi ako makasagot kaagad dahil sa parang may nagbara sa lalamunan ko. Sa halo halong emosyon iyak lang ang naisagot ko.
"Chesca..." malumanay na rinig ko galing sa kanya. Kahit medyo nanlalabo ang paningin ko, tinignan ko siya. Kita sa mata niya na nagaantay siya ng sagot at may bahid ng lungkot.
I sighed heavily shaking my head and tried to speak. "Pagod lang ako Aldrich."
Umiwas na ako ng tingin sa kanya, sa pag-iwas ko naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Mas lalo akong napaiyak sa ginawa niya kaya yumuko ako at sumiksik sa mga bisig niya.
"Bakit Aldrich? Ang sakit sakit na makita kayong dalawa and what's worst is that both of you are happy na parang hindi man lang ako nag-eexist--na parang walang tayo. Ang dami kong gustong itanong at sabihin kaso...geez. It's useless." I stopped for a second and pulled away from his hug. Pinunasan ko rin ang basa kong pisngi bago ko siya kinausap ulit but he interrupted.
"Did you ever open yourself to me, Chesca? You did but not fully. Lagi ka na lang nanahimik kapag kailangan mo ng makakausap. You're the one who's creating a distance between us. You shut me out Chesca."
"Bakit makikinig ka ba sa lahat ng gusto kong sabihin o itanong?!" Nakita ko ang pagkabigla kay Aldrich sa pagtaas ng boses ko. Sa pagsigaw ko, muli na namang tumulo ang mga luha ko.
"Gustong gusto ko naman mag-open up sa'yo pero kapag magsisimula pa lang ako ikaw na mismo ang lumalayo! I asked questions from before kaso pagkairita lang ang natanggap kong sagot. Kaya mas pinili ko na lang na itago lahat. I thought you're not like them, just like what you said, but slowly you are." Hindi ko na napigilan ang galit ko habang marahas na pinupusan ang luhang patuloy pa ring umagos. Hindi ko na kinaya ang bigat ng loob ko.
"Naiinis na ako, Aldrich. Palagi na lang ganito ang nararanasan ko. Ang bigat bigat sa loob ko na maglihim ng problema. Nakakapagod. Nakakagago. Kapag mag-iiba trato ko, ako pa may kasalan. Kapag mas pipiliin kong tatahimik, magagalit kayo. Kapag gusto ko namang magka-usap tayo ng maayos, maiirita ka. Crap! Isipin niyo naman kung saan din kayo nagkamali hindi yung palaging ako na lang!" Pagpapatuloy ko kahit na halos mapiyok pa ako habang nagsasalita.
Tinignan ko siya para pakinggan ang dapat niyang isasagot pero umiwas siya ng tingin. Ang lalim ng buntong hingang pinakawalan ko bago ako umalis sa harapan niya.
"I'm sorry." He said softly making me stop on my tracks but I did not face him.
Nabigla ako nang hawakan niya yung kamay ko para pigilang umalis. "Let's talk baby. Ayaw kong matulog na hindi tayo magkaayos. Please. Ayusin natin 'to."
Ng hindi ako umimik, hinila ako ni Aldrich at ikinulong sa mga bisig niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at lalim ng paghinga nito.
"I'm sorry baby. Hindi ko namalayan. Sorry kung hindi ko napansin. Sorry kasi hindi man lang akong naglakas loob na kausapin ka--tanungin kung may problema ka ba. Sorry kung hindi man lang kita nakakausap ng mabuti." Mahinahon niyang sabi sa akin. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. Hayaan ko muna siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin ngayon.
"I want to talk to you about this matter the moment you come back. That's why I prepared this simple date in our house. Napapansin ko kasing parang hindi ka na interesado sa kung ano man ang meron tayo kaya natakot ako na mawala ka sa akin. I'm sorry baby. Dapat hindi ko na pinatagal pa itong problema natin. I'm sorry." Humigpit ang yakap niya sa akin pero natigilan ako ng mabasa yung balikat ko.
Iniangat niya yung ulo niya kaso iniiwas niya ang tingin sa akin. I hold his cheek and I let him face to me. I smiled shyly as I brush off the tear that run down his cheek. Namumula rin yung mata niya, siguro sa pagpigil ng iyak.
"Hala, ang pangit mo na." Natatawa kong sabi sa kanya. Siya naman sinungitan lang ako.
"I miss you wifey. I love you so much." Muli, niyakap niya na naman ako. Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap niya. Nakakamiss. Nakakagaan ng loob.
"Lesson learned." Sabi ko sa kanya.
Bumitaw siya sa yakap at hinarap ako. A smile was shown on his face as he softly stroke my cheeks.
"We know what to do next time. Lalo na't malapit na tayong ikasal. I know, I made a mistake but you also do. Pareho tayong nagkamali so...quits" Nakangiti niyang ani sa akin kaya napatawa na rin ako.
"Sorry din, mahal. Ayoko naman kasi na ginugulo pa kita kaya tinatago ko lang..."
"Which is wrong. You'll be my wife soon, Chesca. Handa akong makinig sa'yo. Ayusin natin kaagad kung may hindi man tayo pagkakaintindihan. Do I make myself clear here?" Maawtoridad niyang saad habang nakataas pa ang dalawang kilay sa akin.
Napapailing ako hababg tumatawa pero sumagot din kalaunan. "Sir yes sir!"
Napasinghap ako sa pagkabigla ng bigla niya akong binuhat at inikot. Saglit lang ay binaba niya na rin ako at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko; hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya lalo na sa mga mata nito.
"I love you so much Aldrich. Thank you."
Sa mga sinabi niya ngayon, gumaan kahit papaano ang bigat ng loob ko. Ang sarap sa pakiramdam na muli, may nakakaintindi sayo. Yung iintindihin at patuloy kang iintindihin.
Syempre, naintindihan ko rin yung part niya at lahat ng mga sinabi niya. Mabuti na lang nandyan pa rin siya para sa akin. I was more than thankful that he is my partner in life.