Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 9⇝

1.2K 21 4
By Yllianna

                “Wow! Ang dami ngang tanim na gulay,” abot-tenga ang ngiti na sabi ni Kiari pagkakita nito sa mga tanim sa bukid na di sinasadyang nakita nina Ren at Kenji. Agad nilang binalikan ang mga ka-grupo nang ma-diskubre nila ang lugar at pinangunahan ang pagbalik sa bukid.

              “Ayan, dyan ka magaling. Takaw,” medyo naaasar na komento ni Maeda. Saglit lang nawala ang ngiti ni Kiari. Agad din bumalik ang excitement niya nang muling ibaling ang tingin sa mga gulay.

                “Ligtas ba dito, Kenji?” tanong ni Shizu.

                “Hindi pa namin alam. Hindi pa kami nag-iimbestiga ni Ren. Nang makita namin yang bukid binalikan agad namin kayo.”

                “Sorry Shizu. Excited kami ni Kenji eh. Gutom na kasi talaga kami,” sabi naman ni Ren na matipid na nakangiti.

                “Ayos lang, Ren.”

                “So ano’ng plano?” tanong ni Maeda.

                Saglit na sinuyod muna ni Kenji ng tingin ang paligid bago sumagot.

                “Mukhang walang biters sa paligid. Pero hindi natin masasabi kung ano ang nasa pagitan ng mga iyon,” sagot ni Kenji na itinuro ang hilera ng mga gapangan ng gulay sa isang bahagi ng bukid. Sinundan ng tingin ng mga kasama ang itinuro niya. Mga tinabas na kawayan ang mga iyon na itinusok sa lupa at tinalian ng lubid para maging gapangan ng sitaw at ampalaya. Mahigit dalawampu rin marahil ang hilera ng mga iyon at lampas tao ang taas. Kaya walang makapagsasabi kung ano ang meron sa pagitan ng mga iyon.

                “Unahin nating imbestigahan ang gulayan. Ren, doon kayo ni Kiari sa gitna. Maeda, kayo naman ni Shizu sa kaliwa. Ako sa kabilang dulo. Maging alisto din kayo sa paligid. Baka may biters na itinatago ng mga puno sa kakahuyan.”

                Tumango ang mga kasama niya bago sila sabay-sabay na maingat na lumapit sa gulayan. They jogged quietly until they reached their assigned spot. Nililinga din nila ang paligid lalo na ang bahagi ng kakahuyan paminsan-minsan para siguruhing walang biter na paparating.

                Tinanguan ni Kenji ang mga kagrupo bilang hudyat ng pag-atake. Sabay-sabay silang tumambad sa pagitan ng mga gumagapang na gulay. Wala. Inisa-isa nila ang bawat pagitan ng mga iyon. Wala pa rin. Malinis ang buong gulayan. Nagkita-kita sila sa kabilang dulo ng hilera ng gulay.

                “Clear,” sabi ni Ren.

                “Clear,” sabi din ni Shizu. Tumango lang si Kenji. Tapos ay sinenyasan niya ang mga kasama na ang kubo naman sa di kalayuan ang imbestigahan. Agad tumalima ang mga inutusan. Humiwalay sina Kiari, Ren at Maeda at nagpunta sa kanang bahagi ng bahay kahit hindi sinasabihan ni Kenji. Samantalang si Shizu naman ang sumunod kay Kenji sa kaliwang bahagi ng bahay. They checked the surrounding. Nothing. Tahimik sa buong paligid.

                Muli silang nagkita sa likod ng bahay. Walang salitang kumilos si Kenji para isunod naman ang loob ng bahay. Pumuwesto din ang mga kasama niya. Si Ren ay sa tapat ni Kenji naka-pwesto kaya napapagitnaan nila ang makipot na pinto.

                Inilapat ni Kenji ang kanang palad sa dahon ng pinto at marahan iyong itinulak pabukas. Tapos ay si Ren ang mabilis na humakbang sa gitna niyon. Nakaakma ang hawak nitong kitchen knife. Pero walang biter siyang nakita. Pumasok si Ren sa loob kasunod sina Kenji. Maingat nilang inimbestigahan ang bawat bahagi ng madilim na kubo na hindi inabot ng isang minuto dahil liit niyon.

                “Ayos. May pagkain na tayo may bahay pa tayong matutulugan ngayong gabi,” masayang sabi ni Ren na nakapagpangiti sa kanilang lahat.

                “Haaaa. Sa wakas makakakain na uli tayo,” sabi ni Kiari na nag-unat pa.

                “Mamimitas muna kami ni Ren ng mga gulay sa labas,” anunsyo ni Kenji na agad tinungo ang pinto.

                “Kenji, Ren, sandali,” tawag ni Shizu. Tumigil sila sa paglabas sa pinto at nilingon ang babae. May hawak itong basket. “Eto o. Nakita ko ito sa may kusina. Gamitin ninyong lalagyan ng mga gulay.”

                Si Ren ang umabot ng basket. Iminuwestra lang niya ang basket sa mukha ni Shizu bilang pasasalamat.

                “May bigas din dito. Magsasaing na rin kami,” narinig nilang sabi naman ni Kiari na nasa harap ng isang maliit na bigasang yari sa plastic. Nasa isang sulok iyon ng maliit na kusina. Walang partisyon ang kusina at sala kaya kita nila ang isa’t isa. Ang dining room ay hindi naman talaga dining room. Wala nga talagang masasabing dining room. May isang lumang mesang pang-apat na tao lang na nakalagay sa pagitan ng sala at kusina para masabing may dining area din ang bahay.  

                 Kumilos na para magsaing si Kiari nang makalabas ang dalawang lalaki. Si Shizu naman ay naghanap ng magagamit nila sa pagluluto ng ulam. Samantalang pinili namang lapitan ni Maeda ang pinto sa kanang bahagi ng bahay. Binuksan niya iyon at tumambad sa kaniyang paningin ang isa sa dalawang kwarto ng kubo. Pumasok siya doon at binuksan ang aparador na siyang naglalaman ng mga damit.

                Matapos ang labin-limang minuto, bumalik sa kubo sina Kenji at Ren bitbit ang basket na puno na ng mga gulay. May ilang hinog na bayabas ding napitas si Ren sa puno na nakatanim ilang pulgada ang layo sa kubo.

                “Amina ‘yan Ren. Kami na ni Kiari ang bahalang magluto ng hapunan natin,” sabi ni Shizu na sinalubong ang mga bagong dating.

                Naupo si Kenji sa pang-dalawahang silya na gawa sa kawayan na nasa sala. Tinabihan sya ni Ren. Noon lumabas si Maeda mula sa kwarto na may bitbit na t-shirt. Nilapitan nito si Kenji.

                “O. Para hindi nakaparada ang katawan mo,” kulang sa emosyon na sabi ni Maeda saka inihagis ang t-shirt sa mukha ni Kenji at tinalikuran siya. Nagkatinginan lang sina Kenji at Ren sa ikinilos ni Maeda.

                “Ren, maliligo ako. Bantayan mo ang pinto ng banyo,” utos ni Maeda sa pinsan na ni hindi lumingon. Basta diretso lang siya sa pinto na malapit sa kusina na nahulaan na nilang banyo.

                “Ren,” tawag uli ni Maeda na nakapamewang na nilingon na ang pinsan nang hindi ito sumunod.

                “Oo. Oo na. Para namang may maninilip sa’yo,” reklamo ni Ren. Pero sumunod din naman.

                Bubuksan na lang sana ni Maeda ang pinto ng banyo nang biglang lumabas ang isang babae mula sa lumang baul na nasa tabi ng inuupuan ni Kenji.

                “Wag!” naaalarmang sigaw nito na nakataas pa ang kamay hudyat ng pagpigil nito sa pagpasok ni Maeda sa banyo. Halos mapatalon si Kenji sa gulat dahil sa di inaasahang pagsulpot ng isang babae mula sa baul. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang may tao sa lumang baul na ‘yon. Akala nila ay kung anong lumang gamit lang ang laman niyon.

                 Kunot ang noong napatingin saglit si Maeda sa katabing si Ren. Saglit nagtama ang kanilang mga mata bago ibinalik ni Maeda ang tingin sa di nakikilalang babae.

                “Maliligo lang ako. Sino ka ba?”

                “Bahay namin ito,” sagot ng babae na hula nila ay bata ng isa o dalawang taon kaysa sa kanila. Tiningnan ni Maeda ang babae mula ulo hanggang paa.

                “Namin?”

                Marahang tumango ang babae. Halata pa rin ang pagkabahala sa mukha nito.

                “May iba pa bang nagtatago sa kubong ito?” tanong ni Kenji na nakatayo na noon.

                Saglit siyang tinapunan ng tingin ng babae bago ito umiling.

                “I’m sorry,” sabi ni Kenji na naintindihan ang ibig sabihin ng pag-iling nito. “Hindi namin alam na may nakatira pa pala sa kubong ito. Gusto lang sana namin makitulog ngayong gabi.”

                “H-hindi pwede,” mahinang sagot ng babae.

                “Aalis din kami sa umaga. Kailangan lang namin ng matutuluyan. Alam mo naman siguro kung ano ang naghihintay sa amin sa labas di ba?”

                Muling tiningnan si Kenji ng babae. Matagal. Parang tinatantiya nito kung masamang tao ba siya. Kung mapagkakatiwalaan siya. Maya-maya ay nagbaba ito ng tingin.

                “S-sige. Pero ngayong gabi lang.”

                Tumango si Kenji.

                “Salamat.”

                Napangiti na rin sina Kiari at Shizu na nakikinig lang sa kanilang usapan kanina.

                “I hope you don’t mind. Pinakialaman na namin ang mga gamit mo sa kusina. Magluluto kasi kami ng hapunan,” sabi ni Kiari.

                Matipid na ngumiti ang babae saka lumapit kina Kiari at Shizuka.

                “Tutulungan ko na kayo.”

                “Salamat. Ako nga pala si Kiari,” nakangiting pakilala ni Kiari na naglahad ng kamay. Tinanggap iyon ng babae. “Siya naman si Shizuka. Tapos iyon si Ren at Maeda at siya naman si Kenji,” pakilala nito sa mga kasama.

                “Ikaw ano’ng pangalan mo?” tanong ni Shizu.

                “Erika.”

                Magsisimula na sana sila sa paggagayat ng gulay nang mapatingin uli ang babae kay Maeda.

                “Wag!” pigil uli nito sa gagawin sanang pagbukas uli ni Maeda sa pinto ng banyo. Nakasimangot na nilingon ng babae si Erika.

                “Ano na naman?” inis na tanong nito. “Ano ba talaga’ng meron sa loob nito?”

                “Wala,” nabiglang sagot ni Erika na lalo lang nagpalaki ng suspisyon ni Maeda. Walang-salita at pabalang na binuksan nito ang pinto ng banyo.

                “Haarrr!” growled a female biter who instantly jumped out of the dark bathroom and grabbed Maeda. Nagulat silang lahat.

                “Aahh!!!”

                Bumagsak si Maeda sa kawayang sahig habang bumagsak naman sa ibabaw niya ang biter. Pilit nitong kinakagat ang leeg ni Maeda habang pigil naman ito ng babae sa leeg. Nanlaki ang mga mata ng mga nakapaligid sa kanila ng biter lalo na si Erika.

                “Maeda!” sigaw ni Ren na agad nag-alala para sa kaligtasan ng pinsan. Sinabunutan nito ang biter, hinila ang ulo niyon para mailayo ang mga ngipin nito kay Maeda at marahas na sinaksak sa bumbunan.

                “Wag!!!” sigaw ni Erika. Nasapo nito ang sariling bibig habang nakatingin sa wala nang buhay na zombie. Parang sindak at hindi makapaniwalang nilapitan nito ang biter sa tabi ng bumabangon na si Maeda, habang umaagos ang mga luha. Lumuhod si Erika sa harap ng biter at halos hindi malaman ang gagawin.

                “Erika?”

                “Naaaaayyyy!” palahaw ni Erika saka niyakap ang duguang biter sa sahig.

                Nagkatinginan ang magkakaibigan.

                               

                “Kumain ka muna,” sabi ni Kiari sa walang imik na bagong kakilala. Inabutan niya ito ng pinggang may lamang kanin at pinakbet na siya nilang niluto. Hinayaan nila ito kanina na umiyak sa ibabaw ng walang-buhay na katawan ng ina. Para kasing hindi lang isang beses nawala ang ina nito. Una nang maging zombie ang nanay ni Erika. Pangalawa ay nang patayin ito ni Ren para iligtas si Maeda. Kahit naman zombie ang pinatay ni Ren, nanay pa rin ito ni Erika kaya naiintindihan din naman nila ang sakit na nararamdaman ng dalaga.

                Nang tumigil si Erika sa pag-iyak ay inalalayan siya ni Shizu na tumayo at iniupo sa silyang inuupuan ni Kenji kanina. Para namang robot itong sumunod.

                “Sorry sa nangyari Erika,” sabi ni Kiari nang hindi kumilos si Erika. Naupo siya sa tabi nito.

                “Okay lang. Naiintindihan ko naman. Alam ko namang wala na talaga si nanay eh. Pero kasi…gumagalaw pa siya. Humihinga. Kaya…inisip ko na lang na siya pa rin ‘yon. Nagbago lang siya pero siya pa rin ‘yon,” sabi ni Erika. Mabilis nitong pinunasan ang isang patak ng luhang nakawala sa kanang mata nito saka umayos nang upo. Kinuha ni Erika ang pinggan ng pagkain mula sa kamay ni Kiari at nagsimulang kumain.

                Nang makatapos silang lahat kumain ng maagang hapunan, nagtipon sila sa sala.

                “Ano’ng plano mo ngayon, Erika?” tanong ni Kenji na nakasandig sa dingding na gawa sa pawid.

                Sinulyapan muna ni Erika saglit ang sahig kung saan naroon ang ina kanina. Malinis na iyon at nailibing na nina Ren ang bangkay sa likod-bahay. Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto.

                “Erika, anak. Andito na ako,” sabi ng bagong dating na isang may-edad na lalaki. May bitbit itong maliit na baboy ramo sa kanang kamay habang may nakasukbit na jungle bolo sa bewang nito. Halatang galing ang lalaki sa pangangaso sa gubat.

                “’Tay!” sabi ni Erika na napatayo.

                Nangunot ang noo ng matanda.

                “Sino kayo? Bakit kayo narito?” tanong nito sa mataas na boses. Halata ang pagsususpetsa sa tinig ng lalaki.

                “Makikituloy lang po kami ngayong gabi,” sagot ni Ren.

                “Hindi! Umalis kayo. Alis!” sigaw ng tatay ni Erika. “Layuan ninyo ang anak ko.”

                “Sandali lang ho. Hindi ho namin sasaktan si Erika,” sabi ni Kenji na nagtaas ng mga kamay para kalmahin ang matanda. Nilapitan niya ang matanda pero napatigil siya nang hugutin nito sa suksukan ang jungle bolo at iniuma iyon sa kaniyang direksyon. Halos isang dipa lang ang layo ng matulis na dulo niyon sa kaniyang mukha. Napaatras si Kenji.

                “Sinungaling! Lumayas kayo. Layaaaasss!” sigaw ng matanda. Naputol ang pagsigaw nito nang biglang may lumusot na kamay sa dibdib ng matanda.

                “Tatay!!!” sigaw ni Erika.

                Nanlaki ang kanilang mga mata sa pagkabigla. Kitang-kita ni Kenji ang matutulis na kuko ng kamay sa dibdib ng matandang lalaki. Nababalutan ang kamay ng masaganang dugo. Sa pagitan ng mga daliri ay halos kalahati ng puso ng tatay ni Erika. Ni hindi na iyon nakatibok pang muli gaya ng ibang pusong kapupunit lang sa dibdib ng may-ari. Mariing nagsara ang kamaong may hawak na kalahating puso at tumalsik ang dugo mula doon. Nagkalat ang pilansik ng dugo sa sahig na umabot sa suot na sapatos ni Kenji. Saglit ding napapikit si Kenji nang may pumilansik ding dugo sa kaniyang pisngi.

                Halos parang slow motion na dumulas ang nadurog na puso mula sa pagitan ng mga daliri ng may hawak niyon ay nahulog sahig. Gumalaw-galaw ang kamay sandali bago iyon nahugot pabalik sa likod ng matanda. Noon bumagsak ang katawan ng ama ni Erika at tumambad sa kanilang paningin ang may-ari ng nakakasindak na kamay. Isang lalaking zombie. Halos kasing-taas lang ito ni Kenji ngunit malaki ang katawan. Halatang banat ang katawan nito sa mabigat na trabaho noong nabubuhay pa. May punit sa harap ang lumang de-manggas nitong damit na may bahid ng putik at sariwang dugo ng bago nitong biktima. Kaiba sa mga naka-engkwentro nilang mga zombie dati, nanlilisik ang mga mata ng biter sa kanilang harap habang nakatingin ito sa pinakamalapit na mabibiktima. Si Kenji.

                Napapalunok na napaatras muli si Kenji.

                “Harrrhhh!”

                The biter stepped inside in hurried steps. Something that they’ve never seen any other biter did before. Hindi halos nakapag-react si Kenji dahil sa kabiglaan. Nahagip siya ng biter sa leeg at umalma agad ito ng isang kagat. Ngunit dahil sa marahas na paghagip nito sa leeg ni Kenji, nawalan siya ng balanse at bumasak siya sa kawayang sahig kasama ang biter. Ironically, it was what saved him from that initial bite attack.

                “Kenji!”

                “Kenji!”

                Narinig niyang sigaw ng mga kasama sa pangalan niya. Agad iniharang ni Kenji ang braso sa pagitan nila ng zombie pero kulang siya sa lakas dahil sa pagsakal ng zombie sa kaniya. Nagmamadaling kumilos sina Maeda at Ren para tumulong. Halos sabay nilang sinaksak ang biter sa ulo. Sumabog ang nangingitim at malapot na dugo niyon sa mukha ni Kenji na iniikom nang mariin ang bibig para hindi pumasok ang dugo sa bibig niya.

                Pinagtulungan nina Ren at Maeda na hilahin ang katawan ng zombie palayo kay Kenji at hirap at walang ingat na binitiwan nila ang zombie sa tabi ng kaibigan.

                “Ayos ka lang, Kenji?” tanong ni Ren habang bumabangon si Kenji para makaupo. Hinubad muna nito ang suot na tshirt at pinunasan ang dugong sumabog sa kaniyang mukha bago tumango.

                “May pumasok ba sa bibig mo?” tanong ni Maeda na sinagot ni Kenji ng pag-iling. Ayaw niyang ibuka ang bibig at panay pa rin ang mariing pagpunas doon.

                “Mabuti. Maghilamos ka para sigurado.”

                Sumunod si Kenji. Nang makatalikod na si Kenji para magpunta sa lababo ng kusina, napatingin silang lahat sa dalawang katawang naliligo sa dugo. Tapos ay nagkatinginan silang lahat. Nangungusap ang kanilang mga mata na parang tinatanong ang isa’t isa kung hanggang kailan nila makakayanang makakita ng mga ganoong klaseng tanawin. At hanggang kailan nila matatakasan si Kamatayan?

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
6.9M 348K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
17.5M 657K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...