---
Isa. Dalawa. Tatlo.
Ilang oras na nga ba akong naghihintay kay Chinito dito sa open field? Nagtext siya kanina na on the way na daw siya papunta dito sa school pero bakit hanggang ngayon wala pa din siya? Kinakabahan ako at nag-aalala na. Ilang beses ko na din siyang sinubukan na tawagan pero nakapatay ang phone niya. Nagtanong na din ako kina Jorell pero wala din silang idea. Nakakainis! Makakatikim talaga ng mag-asawang batok ang singkit na 'yon kapag dumating siya.
Haay.
"Himala! Hindi mo kasama ang Chinito mo." gulat na napalingon ako sa lalaking naupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko nang mapagsino siya. Mula sa 5:5 na buhok niya, sa weird pero cute na kilay niya, sa singkit na mga mata, maninipis na labi..
Yuan.
"Matunaw naman ako niyan." nakangisi niyang sabi habang inaayos ang buhok niya na nililipad ng hangin.
"Why so pretty?" parang tangang natanong ko sa kanya.
"Huh?" waring nahiya naman siya. He covered his face pero kita ko pa din ang pamumula niya.
"Hala, naconcious? Hahahaha. 'Wag mong takpan. Ang ganda ng view ko dito eh." natatawang hinawi ko ang mga kamay niyang nakaharang sa mukha niya.
"Tss. Sira!" hindi ko malaman kung natatawa ba o naaasar na napakamot na lang siya sa kilay niya. Ang cute.
"Hahahaha. Di nga, seryoso.. bakit ang ganda mo?"
"What a term ah! Pwede namang handsome!"
"Ano ka? Ano bang tagalog sa handsome? Di ba magandang lalaki?"
"Yeah right."
"Pasalamat ka depress ako at madilim noong una nating pagkikita kaya hindi ko masyadong nakita ang kagandahan mo kundi... Naku.. Hahahahaha"
"Landi nito. 'Pag nalaman ng Chinito mo ang mga pinagsasasabi mo ngayon baka i-break ka non."
"Nyek! Hindi din.. Alam naman niya na na weakness ko ang mga singkit. Saka siya lang ang nag-iisang Chinito sa buhay ko no!"
"Eh s'ya ba.. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso niya?" Hindi ko alam pero biglang nabura ang ngito ko sa sinabi niya. Pero nang makita ko ang nanunukso niyang tingin ay agad din naman akong napangiti bago ko siya mahinang hinampas sa braso.
"Buang ka! Parang hindi mo naman alam ang pinagdaanan namin!"
"Naks! Pinagdaanan talaga? Konting misunderstanding lang naman ang nangyari sa inyo eh.."
"Kahit na.. Considered as pagsubok na din 'yon no! Teka.. nakapagpasalamat na ba ako sa'yo?"
"Oo.. noong bago kita iwanan sa park."
"Aishh. Hindi 'yon.. Ay! Hindi na nga pala ulit tayo nagkausap after naming magkaayos ni Marky. Tapos nagkita man--"
"Nagkita man pero dineadma mo lang naman ako. Tss."
"Sorry naman.. Hindi agad kita namukhaan eh! Sana nagpakilala ka, hindi 'yung nang-asar ka pa.."
"Sus! 'Tong mukhang 'to? Hindi mo natandaan? Kalokohan! Eh kulang nalang umagos ang laway mo nung nasa park tayo nang makita mo ang kagwapuhan ko!" Madrama pa niyang tinuro turo ang kanyang mukha.
"Kapal nama---" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang phone ko. Kunot noong binasa ko ang message ni Marky. I sighed before ako magreply. Nagt-type pa ako ng magsalita si Yuan.
"Hulaan ko.. That's Marky and he can't make it."
"Pakialam ko sa hula mo!" mataray na sagot ko sa kanya habang nagtetext pa din.
"Uy, badtrip? Hahaha."
"Hindi.. Goodtrip!" Ibinulsa ko ang phone ko bago ko siya binalingan.
"Taray! Hahaha. Hindi ka lang sinipot sambakol na 'yang mukha mo.."
"Pakialam mo ba? Ikaw kaya ang maghintay ng dalawa o tatlong oras tapos hindi naman pala makakarating.. Hindi ka kaya mababatrip?"
"Medyo.. Pero mababaw.."
"Anong mababaw ang sinasabi mo diyan?"
"What time ba talaga kayo magkikita?" napalunok naman ako sa tanong niya. Binigyan ko siya ng tagilid na ngiti bago magsalita.
"Ah--hehe. Maya pang 4pm kasi my aasikasuhin pa siya.."
"I knew it! Walastik! 4pm pa? Tapos kung makareact ka diyan akala mo pinaghintay ka talaga ng ilang oras eh ikaw naman pala ang advance ng tatlong oras!"
"Bakit ba? Eh naeexcite ako eh!"
"Tsk. Girls.."
"Problema mo sa'ming mga babae?"
"Kahit kelang ang aarte niyo! Kaya gumugulo ang mundo eh dahil sa maliliit na bagay na pinapalaki niyo!"
"Kung makapagsalita ka.. Tse!"
"Ano'ng nireply mo sa kanya?" bigla niyang tanong.
"Usi ka talaga.."
"Ano nga?"
"Tsk! Bakit ba kahit nakakayamot ka napapasunod mo pa din ako? Kaasar! I texted him na it's okay.. Text na lang siya if ano ng nangyari sa kanya.."
"Maluwag sa dibdib mo ang mga sinabi mo?"
"Dami mong tanong! Wala naman tayo sa The Buzz.."
"Sagutin na lang kasi.."
"Fine. Siyempre masama ang loob ko.. Antagal kong nag-antay sa kanya tapos bigla na lang siyang magtetext na hindi siya makakapunta. Ano 'yun joke? First monthsary namin ngayon tapos I won't be spending it with him. Sucks di ba?"
"Yen.. Since ang OA mo.. bibigyan kita ng magandang advice."
"Advice your face!"
"Tong babaeng 'to parang ewan.. Ikaw na nga ang bibigyan ng payo eh!"
"Oo na!"
"Okay.. There's nothing wrong if you'll tell him what you really feel. Kasi 'yun 'yung totoong nararamdaman mo eh. Hindi lang siya ang niloloko mo pati na din ang sarili mo. Uhmm.. Siguro nga iwas away 'yung o-okay ka.. Pero para namang may ilang kilo o ilang toneladang bato ang nakadagan diyan sa dibdib mo. You can tell him na masama ang loob mo in a way na hindi siya maiinis. You know.."
"Baka naman isipin niya na hindi ko siya naiintindihan.."
"Kaya nga gagandahan mo ang pagsasabi eh.."
"Paano?"
"Anong paano?" parang tanga na napamulagat siya sa'kin.
"Sample nga ng sasabihin ko.."
"Tss." Bigla siyang pumikit at parang nagcoconcentrate na kung ano.. Ano'ng pakulo neto?
"Nakakainis ka naman Chinito eh! Nagpaganda pa naman din ako tapos hindi mo ako sisiputin! Alam mo ba kung anong pinapakawalan mo!? Hmp!!" Sabay flip ng hair niya. Muntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko nang biglang magtransform si Yuan. Oo nagtransform siya.. Mula sa pagiging itlog ay naging malanding itik. Hahahha. Epic. Sa kakatawa ko ay tuluyan na akong nalaglag. Pero wapakels na utas na utas pa din ako sa kakatawa. Habang siya naman ay nakapameywang na nakatingin sa'kin.
"Ano? Nalusaw na ang kabadtripan mo?"
"H-ha?"
"Sarap ng tawa mo eh.. See? Sino'ng makakaresist sa'yo kapag inartehan mo ng ganyan?"
"Mukha namang tanga.."
"Nakita mo naman.. Kapag umasta ka ng ganun hinding hindi magagalit sa'yo si Marky. Matutuwa pa 'yun dahil sa kakyutan mo. Hahaha. Magmumukha ka nga lang tanga.. Hahahaha."
"Tse!"
"Effective 'yun.. Sa'yo nga tumalab eh!"
"Ewan ko sa'yo! Puro ka kalokohan!"
"Eh kalokohan din naman 'yang pag-iinarte mo! Sino ba namang ewan ang magagalit sa taong walang kaalam-alam na naghihintay ka ng tatlong oras na maaga sa pinag-usapan niyo? Malay ba naman ng tao na masyado ka palang atat.."
Hindi ko na masyadong napagtuunan ang mga sinasabi niya dahil napatulala na lang ako sa mga taong naglalakad sa open field.
"Hoy! Earth to Yen.." pero kunot noo pa din na nakatitig ako sa kanila.
"Bastusan ba 'to? Kinakausap eh..Bakit ka ba nakatulala diyan? Sino ba yang tinititigan mo---Sus! Sina David lang pala!" Balewalang palatak niya ng makita din niya ang grupo nina David. Pero ang nakakapagtaka ay saglit na tumigil sina David sa pangungulit kay Batangas girl at sumaludo kay Yuan ng mapadaan sa tapat namin.
"Kilala mo?" tanong ko.
"Sino bang hindi makakakilala sa kanila?"
"Hindi 'yun.. Ang ibig sabihin ko ay kung kilala mo siya personally?"
"Ah hindi.."
"Yung totoo? Sa itsura ng David na 'yun malabong sumaludo siya sa taong hindi niya kilala personally. Saka mukhang close kayo.."
"Sumaludo lang close na kaagad? Hindi ba pwedeng ibang tao ang sinasaluduhan niya at hindi pala ako?"
"Weh? Parang hindi naman.. Maliban na lang kung duling ako.. Kaso hindi naman.. Saka hello? Tayo lang kaya ang nakpwesto dito!" saad ko habang pinagmamasdan pa din ang papalayong grupo ni David.
"Tsk! Okay, okay.. Eh ano naman kung magkakilala talaga kami? Masama ba?"
"Kitamo na! Uhmm.. Wala namang masama kaso.. Parang hindi lang kayo match.. He's gangster wannabe, maangas and childish. and you are--"
"What? Like an angel? Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan.."
"Wow naman.. Patapusin mo muna kasi ako.."
"So, are you trying to say na hindi ako mukhang anghel? Oh c'mon!" exaggerated pa na pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"No."
"At talagang proud ka pang sabihin sa harapan ko 'yan?! Haistt!"
"Haha. You're funny.." nakatawa pang mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Tss. Abnoy ka!"
"WHAT? Who's abnoy?!"
"Kasasabi ko lang na abnoy ka di ba? Malamang ikaw!!"
"Aba.. Walang takot.. Tsk! Kung hinuhulog kaya kita diyan ng matakot ka naman!"
"Subukan mo lang.. Alam mo namang friends kami ni David, di ba? Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Huh! Baka mapaihi ka sa takot diyan!"
"Ay takot ako.." sarcastic ko pa siyang nginitian. "Pakialam ko kung magkaibigan kayo.. Hindi naman halata.. Bleeh!"
"Aba't.. Talagang hindi ka convinced? Sige nga bakit mahirap sa'yong maniwala na sanggang dikit ko 'yun?"
"Kasi nga.. You're too pretty.. Hindi bagay sa'yo na mag-ala gangster and bully. You know.."
"Tss. Dahil lang dun?"
"U-huh.."
"Yen.. Looks can be deceiving. Hindi ka dapat basta naniniwala sa nakikita mo. Minsan kung anong nakikita mo ay malayong malayo sa kung anong totoo." Patamad siyang tumayo pagkasabi niya non.
"Alis ka na?"
"Hindi.. Uutot lang."
"Kadiri ka! Hindi bagay sa kapretty-han mo ang sinasabi mo!"
"Tsk! Yan ka na naman sa pretty pretty na 'yan! Hindi ako naf-flatter. Ge, mauna na ako.." pinatong niya saglit ang kamay niya sa ulo ko bago siya naglakad.
"Sungit." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago ako nilingon.
"Masaya akong nagkita tayo ulit. Favor lang.."
"Ano?"
"Next time naman na magkita tayo 'wag ka ng OA ah!"
"Yuan!" pero hindi na niya ako nilingon ulit. Itinaas na lang niya ang kanyang kanang kamay bago tuluyang umalis palayo.
---
A/N: Waaah.! Gusto ko sanang mag-update ng mahaba pero hindi ko magawa. Mejo may pinagdadaanan lang kaya wala sa kondisyon. T.T bawi na lang ako. ;-) Nga pala belated Merry Xmas sa lahat! Happy New Year!