Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 248K 27.3K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 36: Praegrandis Daemon

89.1K 3.3K 222
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

PRAEGRANDIS DAEMON

□◇◇♡◇◇□

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sa dami ng mga nagtitinda ng kakaibang bagay. May mga nagtitinda ng kakaibang pagkain, mga broom stick, mga kakaibang hayop o insect.

Napatingin ako sa mga bata na pinagkukumpulan ang isang Exotic Delight Shop na kung saan puro mga candy ang nakahilera. Kakaibang candy dahil makukulay ang mga ito at mukhang masarap. Napapakamot na lang ang mga magulang dahil hindi nila mapigilan ang mga anak nila sa pagbili ng mga candy. Naalala ko si Faye, baka magustuhan niya 'yan kung nandito lang siya.

"Ano pa'ng hinihintay niyo? Makita ang gwapong mukha ko?" nakangiting sambit ni Kairo at nagpacute pa.

Nandito na rin pala sila. Iginala ko ang paningin ko sa ibang direksyon para hindi ko sila makita.

"Eww.. Hindi bagay! Bakla ka eh," pang-aasar ni Airyn kaya natawa kami. Sinamaan siya ng tingin ni Kairo.

"Teka? Nasaan na 'yong mga witch?" biglang tanong ni Dara at palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

"Sinong mga witch?" takang tanong ni Jhane.

"Edi si Thony at Altrina!" sagot ni Val.

Nagpalinga-linga rin kami ngunit totoo nga. Wala nga sila maging si Lei.

"Hayaan niyo sila," sambit ni Vendell na parang walang pakialam.

"Oo nga, may sariling mundo mga 'yon!" tatawa-tawang sambit ni Drage.

Hindi namin napansin na nauna na pa lang naglakad si Charlie na parang walang tao sa paligid niya. Nakasunod na rin sa kaniya si Kairo at Jater. Maging si Neithan ay nauna na rin ngunit patingin-tingin naman siya sa mga shop.

"Broken," biglang sambit ni Kliffer kaya napatingin kami sa kaniya. Nakatingin ito sa direksyon ni Neithan.

"Sinong broken?" takang tanong ni Zyrelle at nakakunot ang noo nito.

Nagkibit-balikat lang si Kliffer at sumunod na kay Neithan. Sumunod na rin sa kaniya sina Vendell at Drage na tatawa-tawa lang. Mga baliw.

"Ang weird naman n'on," sambit ko at naglakad na rin.

Natawa naman si Airyn. "Yeah, minsan na nga lang magsalita, hindi pa maintindihan."

"Suplado pa." Napatigil kami sa paglalakad at napatingin kay Winzé. Napatigil din siya sa paglalakad at mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

"Yieeee! Suplado pala, ah?" panunukso ni Dara kay Winzé. Umirap naman si Winzé at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Natawa na lang kami sa naging reaksiyon niya. May something kaya sa kanilang dalawa? Hmm..

Patingin-tingin lang kami sa mga shops habang naglalakad.

"Sabihin niyo lang kung may gusto kayo diyan," nakangiting sambit ni Airyn. Nasa kaniya kase 'yong pera na binigay ni Prof Rigo. Tumango naman kami. So far, wala pa akong gustong bilhin.

Napatigil kami sa paglalakad at nagulat nang makita namin ang babae na aksidenteng nabunggo kay Charlie. Naka-cloak ito na kulay black at natatakpan ang kalahati ng mukha nito. Nahulog din ang mga nasa loob ng basket na bitbit niya. White pearl pala ang mga laman.

Nagmadali ang babae na pulutin ang mga ito at ibalik sa loob ng basket. Nakatingin lang si Charlie sa babae nang may pagtataka sa mukha.

"Paumanhin, Ginoo! Hindi ko tinitingnan ang aking dinadaanan!" kinakabahang sambit ng babae at hindi pa rin tapos sa pagpupulot sa mga maliliit na white pearl.

"Sana hindi siya sigawan ni Charlie," nababahalang sambit ni Airyn.

Ngunit mas nagulat kami sa susunod na ginawa ni Charlie. Tumulong siya sa pagpupulot ng mga white pearl. Pati sina Jater at Kairo ay mukhang nagulat din ngunit tumulong na rin sila sa pagpupulot.

Pinagmasdan ko si Charlie at napansin kong pilit niyang tinitingnan ang mukha ng babae ngunit dahil sa nakayuko ito at nakatakip ang mukha ay hindi niya makita ang mukha nito.

"Who are you?" tanong ni Charlie.

Mukhang nagulat ang babae dahil napatigil siya ngunit binilisan na lang niya ang pagpupulot. Nang matapos ay agad itong tumayo at nilagpasan na si Charlie.

Nakatingin lang kami sa babae na nilampasan na rin kami at mabilis itong naglakad palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.

"Do you know that girl?" Jater asked confusedly.

Napalunok si Charlie. "Her voice.. sounds familiar."

"Pagod ka lang, tara na," sambit ni Kairo at hinila na si Charlie sa braso. Tinabig naman ni Charlie ang kamay ni Kairo. "Wow! Ikaw pa nandidiri sa akin? Ha! Hindi ka kawalan!"

Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga pinagsasabi ni Kairo, eh. Konti na lang at maniniwala akong bakla talaga siya. Napapailing na lang sa kaniya si Jater.

"Wow..."

Napatingin kami kay Dara dahil mukhang mangha siya sa nakikita niya. Napatingin din kami sa tinitingnan niya at nakita ang Draco Shop na kung saan may mga baby dragon na nasa loob ng malaking glass na lalagyan. Lumapit si Dara r'on kaya sumunod kami.

Ang cute nila lalo na kapag lumilipad! Naglalaro lang sila! Ang size nila ay maikukumpara sa size ng kamay ko! Ang sarap ibulsa! Pero may Faye na ako! Hihi!

"Wow! Kamukha mo sila," natatawang sambit ni Drage kay Dara. Nandito rin pala siya at nakikitingin sa mga baby dragons. Medyo kinabahan pa ako kase nasa tabing shop lang pala sina Neithan. Mukhang may tinitingnan sila r'on.

"Talaga?" nanlalaking-matang tanong ni Dara.

"Oo, 'yong mga kabayo." Sabay turo ni Drage sa mga kabayo na malapit sa amin. Ang dudungis pa naman.

Nagtawanan naman kami. Grabe naman 'tong si Drage! Hinampas naman siya ni Dara kaya nagulat si Drage. Hindi alam ni Drage ang gagawin niya. Nakasimangot ngayon si Dara habang pinagmamasdan ang mga kabayo. Pfft..

"A-Ah.. so-sorry—" napatigil si Drage.

"MAGTAGO NA KAYO! NANDITO NA SIYA! BILISAN NIYO!"

Nagulat kami sa mga taong nagsisitakbuhan. May mga nadadapa pa. Naguguluhan kami sa nangyayari!

"What's happening?!"

"Iyan din ang tanong namin, Airyn," sambit ni Zyrelle.

Napapatili kami sa mga taong nadadapa at nadadaganan. Mabilis din nagsara ang mga shops at takot ang mababakas sa mga mukha nila. Iyong mga iba ay iniwan na lang na nakabukas ang mga shop nila at nakitakbo sa mga tao.

"Umalis na kayo rito! Nandito na siya!" sambit ng matanda pagkatapos niyang masarado ang Draco Shop niya.

"Sino po ang tinutukoy niyo?" tanong ko.

Napa-iling na lang ang matanda at umalis na. Puro sigaw at iyak ang naririnig namin. Nakatingin lang kami sa mga nagtatakbuhan hanggang sa wala ng ibang mga tao pang natira maliban sa amin na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin.


"Ano'ng nangyayari sa kanila? Bakit mukhang takot na takot sila?" takang tanong ni Kairo habang nagkakamot sa ulo.

"I dunno, bro," kibit-balikat na sagot sa kaniya ni Vendell.

"Mukhang hindi ito ang unang beses na mangyari ang ganito." Napatingin kami kay Jater.

"Why they are so afraid?" tanong ni Neithan.

Muntik na kaming matumba. Mabuti na lang at napahawak kami sa isa't-isa dahil parang yumayanig ang lupa. May naririnig kaming malakas na yabag na parang 'yon ang dahilan kung bakit yumayanig! Parang magkakaroon ng bitak ang lupa dahil sa mga yabag.

"What the hell!" singhal ni Kairo.

Ilang sandali pa ay nakarinig kami nang malakas na iyak ng batang babae. "TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!"

Napatingin kami sa gawi kung saan namin naririnig ang iyak at nagulat sa nasaksihan.

"Praegrandis Daemon," sambit ni Charlie.

Napatingin si Airyn kay Chalie. "How did you know?" takang tanong niya.

"Nakita ko sa libro."

Napatingin kami sa daemon na sinasabi ni Charlie. Napakalaki ng monster na ito. Marami siyang mata sa mukha pati na ang mga pangil niya na nakausli sa bibig niya. Mataba siya at kalbo! Kulay berde ang mga mata niya! Nakakatakot talaga ang itsura niya pero ang damit na suot ng monster ay butas-butas! Parang basurero lang.

May hawak pa siyang maso na sa dulo nito ay may bungo. Nakapatong ito sa balikat niya. Habang ang isang kamay niya ay may sakmal. 'Yong umiiyak na batang babae!

"We need to save the little girl!" sigaw ni Airyn.

"Yeah! But how can we do that?! It's dangerous!" sambit ni Kairo.

"SINO NAMAN KAYONG MGA KUTONG LUPA?!" Tumawa ang daemon at parang minamaliit niya kami base sa mga tingin niya.

Napatingin ako sa batang babae na sakmal niya. Umiiyak ito at mukhang nahihirapan nang huminga.

"Kung kutong lupa kami, ikaw garapatang putik!"

Nawala ang ngiti ng daemon dahil sa sinabi ni Kairo.

"Let go of her!" sigaw ni Charlie.

Muli na namang natawa ang daemon. "BAKIT KO SIYA PAPAKAWALAN KUNG SIYA ANG MAGIGING TANGHALIAN KO NGAYON?"

Napalunok kami. "Nababaliw na ba siya?!" bulong ko.

"Nakakatakot siya!" nangangatog na sambit ni Dara.

"Nakakaawa 'yong bata," nababahalang sambit ni Jhane.

"Bakit hindi ka na lang maghanap ng hayop na pwedeng kainin? Huwag mong idamay ang bata dahil sa patay gutom ka!" inis na sigaw ni Neithan.

"AT SINO KAYO PARA PAKIALAMAN AKO? MGA BATANG INUTIL!"

Sinulyapan ni Jater si Airyn at parehas silang tumango sa isa't-isa. Mukhang may plano sila.

Nagulat kami nang magpalabas ng hangin sa kamay si Airyn at mabilis na tumakbo si Jater. Gamit ang hangin ni Airyn ay mabilis na lumutang si Jater papunta sa daemon. May lumabas na tubig sa kamay ni Jater na unti-unting nagform ng malaking espada. Nang makalapit siya sa daemon ay iwinasiwas nito ang espada na gawa sa tubig sa katawan nito.

Akala namin ay tatablan ang daemon ngunit nagkamali kami. Nang maglanding si Jater sa lupa ay nagulat din siya. Walang talab ang ginawa niya bagkus ay nalusaw pa ang espada niyang gawa sa tubig.

Muling tumawa ang daemon. "INUTIL!" sigaw nito at napanganga kami sa susunod niyang ginawa.

Sinipa niya si Jater kaya tumilapon ito.

"Jater!" sigaw ni Kairo at Airyn.

Mabilis na nagpalabas ulit ng hangin si Airyn para kontrolin ang tumitilapon na katawan ni Jater hanggang sa malapit na itong bumagsak sa lupa. "Vendell!" sigaw ni Airyn.

Biglang nawala sa paningin namin si Vendell. Nakita na lang namin na buhat na ni Vendell si Jater na mukhang napuruhan.

"Hala! Napakalakas niya!" sigaw ni Drage.

"Susubukan kong kontrolin ang isip niya."

Napatingin kami kay Jhane. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata. Mukhang nag-aalala naman si Zyrelle sa kaniya.

"Jhane!" sigaw ni Zyrelle.

Pati kami ay nagulat sa nasaksihan. Bigla na lang din tumilapon si Jhane. Agad kaming tumakbo kung saan siya bumagsak.

Kita sa mukha niya ang sakit na natamo. "Malakas siya! Alam niyang kinokontrol ko siya!"

Inalalayan namin siya at pinaupo sa upuan na nasa gilid ng isang shop.

"Diyan lang muna kayo," seryosong sambit ni Airyn. Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod.

Pumunta si Vendell sa pwesto namin habang bitbit si Jater. "Wala pa rin siyang malay," sambit niya at ibinaba si Jater.

"Paano nila matatalo 'yan?!" nababahalang tanong ni Dara.

Ngumiti si Vendell. "Kaya nila 'yan. Umpisa pa lang naman."

"IYAN LANG BA ANG KAYA NIYO? MGA MAHIHINANG NILALANG!" Muli na namang tumawa 'yong daemon.

"Iyan ang akala mo!" sigaw ni Drage.

Biglang nagtransform ng dragon si Drage. Sumakay naman si Kliffer sa likod niya at lumipad ito papunta sa daemon. Napasigaw kami nang tirahin siya ng daemon gamit ng maso niyang may bungo. Mabuti na lang at nailagan iyon ni Drage. Muntik pang malaglag si Kliffer! Tumawa naman si Drage na parang inaasar ang daemon kaya naman napunta ang atensiyon ng daemon sa kaniya.

"Humanda ka ngayon! Ipaghihiganti ko ang Jater labidabs ko!" sambit ni Kairo at tumawa nang malademonyo.

Mabuti na lang at wala pang malay si Jater kung hindi baka siya ang humanda sa kaniya!

"Baliw ka talaga kahit kailan!" singhal ni Airyn sa kaniya.

Ginamit ni Kliffer ang wand niya at tinitira niya ang bawat mata ng daemon. Mukhang nasasaktan naman ang daemon.

Gagamitin na sana ni Charlie ang red flames niya nang hawakan ni Neithan ang kamay niya.

"Hawak niya ang bata. Baka mapahamak ito," mahinahong sambit ni Neithan.

Umiiyak pa rin ang bata at awang-awa na kami sa sitwasyon niya. Mukhang nanghihina na rin siya!

Nagpalabas naman ng ugat si Kairo sa mga kamay niya patungo sa paa ng daemon. Hindi namalayan ito ng daemon dahil nasa atensiyon niya si Drage at Kliffer. Wagi naman itong naipulupot ang mga ugat sa dalawang paa ng daemon. Napatingin ang daemon sa mga paa niya na may ugat. Aalisin na niya sana iyon ngunit huli na ang lahat dahil malakas na hinatak 'yon ni Kairo.

"Shit, mga bro! Help me!" sigaw ni Kairo na mukhang hirap na hirap siyang pabagsakin ang daemon.

Mabilis na nawala sa paningin namin si Vendell at nakita na lang namin siyang nakayakap kay Kairo at mukhang tinutulungan niya ito sa paghila. Hinawakan naman ni Neithan ang dalawang kamay ni Kairo para tulungan din ito.

Lumipad naman si Airyn at mukhang inaabangan niya ang bata na makawala sa kamay ng daemon. Nagulat kami nang magkaroon ng tubig ang tinatapakan ng daemon na gawa ni Jater na kagigising lang. Dumulas ang tinatapakan ng daemon at ito rin ang naging sanhi nang tuluyang malakas na pagbagsak niya na siyang nagpayanig sa lupang kinatutungtungan namin.

Biglang nagkaroon ng bitak ang lupa papunta sa kinatatayuan ko kaya dumausdos ang paa ko.

"AHHHH!" malakas na sigaw ko.

"Sendy!" sigaw nila at mabuti na lang ay nahawakan agad ni Dara at Winzé ang dalawang kamay ko. Tumulong din si Val at Zyrelle para mahila ako. Nang maiangat na nila ako ay natanggal ang kaba ko.

"Salamat!" sambit ko habang hinihingal. Kinabahan ako r'on! Akala ko katapusan ko na!

"Pinakaba mo kami, Sendy!" sigaw ni Val na mukhang malapit nang maatake.

"Muntik ka na r'on!" sambit naman ni Dara.

"Ayos ka na? Hindi ka nasaktan?" nag-aalalang tanong ni Winzé. Mabilis naman akong umiling.

"Ayos lang."

Nakita namin na pinalilibutan na ng apoy ang ngayo'y nakaupong daemon. Nakatulala lang ito habang nakatingin sa red flames na nakapalibot sa kaniya.

Nakita namin na mabilis na nasalo ni Airyn 'yong batang babae na mukhang nawalan ng malay. To the rescue naman si Drage at sinakay si Airyn at ang bata para makababa agad.

"Papatayin niyo rin ako? Kagaya nang pagpatay nila sa mga katribo ko?" May luhang lumandas sa mga mata niya. Na parang sariwa pa rin sa ala-ala niya ang mga karanasan niya.

"Ano ba'ng ginawa nila sa inyo?" malumanay na tanong ni Charlie.

"Sinunog nila ang mga pamilya at kaibigan ko! Wala silang tinira!"

"Hindi 'yan totoo!"

Napalingon kami sa nagsalita. Isang matandang babae na galit na galit.

"Alam mong kasalanan ng mga katribo mo kung bakit namatay sila! Sila ang dahilan ng sunog na nangyari! Sila ang mismong pumatay sa sarili nila!"

Wala nang nagawa ang daemon kung hindi ang manahimik habang lumalandas ang mga luha galing sa mga mata niya.

May binanggit naman si Kliffer na kakaibang lenggwahe na siyang dahilan kung bakit napalibutan ng makapal na transparent barrier ang daemon. Unti-unti na ring inapula ni Jater ang apoy.

🔱🔱🔱

You can tweet me sweeties!
@sensitivlysweet

#CrewdAcademy

I would love to read your thoughts about this story!

StaySafe and Pray Always!
GOD BLESSED!

Continue Reading

You'll Also Like

59.3K 2.4K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
1.6M 63.8K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
43K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...