Alexandra's Revenge (PUBLISHE...

By MsKindGirl

10.1M 218K 20.3K

(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil n... More

Prologue
Chapter 1: The Beginning
Chapter 3: Flashback
Chapter 4: Billionare
Chapter 5: Blackmail
Chapter 6: Seal the deal with a kiss
Chapter 7: Video
Chapter 8: Henry Monteverde
Chapter 9: About Drew
Chapter 10: Pretend
Chapter 11: Photoshoot
Chapter 12: Fake Relationshit
Chapter 13: Xander's Loveteam
Chapter 14: Jail
Chapter 15: Why I am Hurt ?
Chapter 16: The Girl He Love
Chapter 17: Please take care of me
Chapter 18: Game Over ?
Chapter 19: Noob ?
Chapter 20: Busy
Chapter 21: I Can't Stop Imagining My Life With You
Chapter 22: The Necklace
Chapter 23: My #1 Fan
Chapter 24: HURT
Chapter 25: He's Jealous ?
Chapter 26: Sick
Chapter 27: The Letter
Chapter 28: Cupcake
Chapter 29: I HATE YOU
Chapter 30: Who's that child ?
Chapter 31: Audio Recorder
Chapter 32: He's the best
Chapter 33: Hitting Two Birds With One Stone
Chapter 34: Unexpected Kiss
Chapter 35: It's hard to Believe
Chapter 36: Barney Song
Chapter 37: POCKY ^_^V
Chapter 38: Broken
Chapter 39: Revelation
Chapter 40: Falling Apart </3
Chapter 41: IDKWBIFIWY
Chapter 42: Invitation
Chapter 43: Confession
Chapter 44: Questions
Chapter 45: Bed Scene ^_^
Chapter 46: Love
Chapter 47: Pervert
Chapter 48: Revenge
Chapter 49: Forgive
Chapter 50: UNEXPECTED
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Author's News
SPECIAL CHAPTER 2
⭐Attention ⭐
*Attention again*
SPECIAL CHAPTER 3
Questions & Answer
MsKindGirl
SPECIAL CHAPTER 4
Book 2
Announcement <3

Chapter 2: Drake Andrew

246K 4.3K 335
By MsKindGirl

Chapter 2

Mag isa akong kumakain ng breakfast nang marinig kong may pababa ng hagdanan. Sino pa nga ba? Ang nag-iisang kapatid kong sinasabi ng marami na isa daw Anghel dahil sa taglay niyang kabaitan.

Pero ang hindi nila alam na ang tinatawag nilang Anghel ay may sungay at buntot na nakatago.

Naiirita talaga ako sa pagmumukha ng babaeng nakikita ko ngayon. Akala mo naman napakaganda niya pero hindi naman. Yeah! Sabihin na natin na mas matangkad siya sa akin pero mas palaban ako.

'Yong tipong kaya ko siyang gabutan sa harapan ng maraming tao para lang mapahiya siya. Hindi lang sabunot ang maabot niya mula sa akin dahil kakalmutin ko din siya.

Malay ko bang nangangati na siya at gusto lang magpakamot.

Muli akong tumingin sa kanya at ang gaga binagalan ang pagbaba ng hagdan. Feel na feel ang pagbaba ng hagdan na animo'y may nag-iintay na prince charming sa kanya sa ibaba.

Hinihiling ko na sana mahulog siya sa hagdanan na tipong hindi na siya makakalakad at gagapang siya na parang ahas.

"Good morning, Alexandra!" masayang bati niya sa at kaagad na umupo sa harapan ko kaya napairap ako.

"What is the good in the morning?! " mataray kong tanong at ibinagsak ang kutsara ko sa plato na naglikha ng malakas na ingay.

"I thought we're okay?! You kissed me lastnight and you even smile at me," naguguluhan niyang sabi kaya natawa ako dahil napaka assuming din pala ng babaeng 'to.

"Are you kidding me?! We're not okay, FOREVER AND EVER!" wika ko habang natatawa at inirapan ko siya dahil naiirita na ako sa mukha niyang kunwari maamo.

Hindi nila alam na sa likod ng inosenteng mukha ng babaeng 'to. May kalandiang hindi niyo inakala.

Tumayo na ako at umalis na sa lugar na 'yon dahil panira siya ng araw. Ang sarap kumain ng mag isa ng dumating siya. Mas nanaisin ko pang kumain ng mag-isa kaysa makasabay ko ang babaeng 'yon.

Favorite ko pa naman ang hipon at nung tinitigan ko kanina, mukha niya ang nakita ko kaya parang gusto kong masuka dahil para akong kumakain ng malandi at baka kumalat pa sa katawan ko.

Pumunta ako sa Boutique na pinatayo kong mag-isa gamit ang perang inipon ko. Yeah! Kaya ko ng mabuhay ng walang nagbibigay sa akin dahil mayaman na ako pero wala akong sariling bahay dahil ayaw kong iwanan si Dad sa babaeng 'yon.

Isa akong sikat na Fashion Designer kaya maraming na akong boutique na nagkalat sa iba't-ibang panig ng mundo.

That's why I'm rich at proud ako sa sarili ko dahil nakayan kong mag-isa na tumayo sa sarili kong mga paa at dahil sa aking kakayahan.

Hiniling ni Mommy na huwag akong umalis sa mansyon na 'yon kahit na anong mangyari. Nangako ako kay Mom at tutupadin ko 'yon. Wala akong balak na biguin si Mom at wala din akong balak na tigilan ang babaeng 'yon.

"Kamusta ang pagbebenta?" tanong ko sa pinagkakatiwalaan ko na nagtatrabaho sa boutique ko.

"Halos paubos na po lahat yung bagong labas niyong gown at nagkaka-agawan nga po sila kanina dahil last na 'yon. Ganun din po sa Russia, Italy, Korea at Thailand at nagre-request pa sila na magpadala ng magagandang damit." nakangiting balita nito habang pasulyap sulyap sa kanyang phone upang tingnan siguro ang mga nag request pa ng ibang bansa.

Ganyan ako kasikat na kahit ibang bansa ay kilaka ako. Marami na din akong nakilalang sobrang sikat na actor at actress sa ibang bansa para lamang magpagawa ng design sa akin.

Minsan sila pa ang dumadayo dito sa pilipinas makilala lamang ako at hindi lang 'yon dahil madami na ding nag-interview sa akin dahil sa ganda daw ng mga design ko.

"Good to hear that! Magpadala ka sa bawat boutique ng magagandang damit. Siguraduhin niyo na madami ang maipapadala niyo sa iba't ibang para mas marami ang benta." sabi ko sa kanya at tiningnan ko ang orasan ko dahil kailangan ko ng makatapos na mag sketch kasi madami pang nakapila ako na dapat na gawin.

"Okay po Ma'am." aniya at kaagad na umalis para gawin na ang inutos ko sa kanya.

Pumunta ako sa opisina ko at nagsimula ng mag sketch ng bagong design ko na gown. Sisiguraduhin kong mas magarbo 'to na siguradong hindi mapapantayan ng Yvette na 'yon. Walang makakahigit sa mga naiisip kong design na kahit na sino.

Pareho kaming Designer kaya kilala din siya ng lahat.Pero wala akong pakealam dahil mas magaling ako sa kanya at mas maganda ako sa kanya. Tapos ang usapan.

Alam ko naman na nakikipag kumpitensya lang sa akin ang babaeng 'yon. Akala niya siguro magpapatalo ako. Pwes, NO! Wala sa bukabularyo ko ang magpatalo dahil siya ang patutumbahin ko.

Habang busy ako sa pagi-sketch ay narinig kong may kumakatok sa pintuan ko.

"Come in." sabi ko pinagpapatuloy ang pagi-sketch ko habang hindi pinapansin ang taong pumasok.

"May bagong inilabas na bagong gown ang inyong kapatid na si Ma'am Yvette at ang dami na po ang nagkakagulo para lang makabili ng gown na 'yon. May pumupunta nga po dito at tinatanong kung may ganun tayong design tutal magkapatid naman daw po kayo." sabi nito habang may pinapakitang litrato sa akin na madaming nakapila sa harapan ng boutique ng babaeng 'yon.

Itinikom ko ang kamay ko at hindi ko namalayan na naputol ko ang lapis na hawak ko. Nagulat si Kristine dahil sa ginawa ko pero hindi siya umimik at kaagad na yumuko at umalis habang ako ay nangigigil sa galit sa babaeng 'yon.

Alam na alam niya talaga kapag gusto kong mapag isa.

"That girl!" inis kong sabi at binato ko ang naputol na lapis sa sahig.

Nagsimula na ulit ako na mag sketch at sisiguraduhin kong mas magarbo pa 'to sa ukay ukay niyang gown. Hindi ko talaga hahayaan na mas malamangan ako ng babaeng 'yon. Hindi ako magpapatalo sa kanya. NEVER!

"Finally! I'm done." sabi ko habang nakatingin sa sketch ko at ngumisi paglatapos inunat ko ang braso ko dahil nangalay ako.

Lumabas ako ng opisina at pinutahan si Kristine na naglilista ng mga damit na kailangan alisin dahil may mga damage.

Sa loob ng apat na taon siya lang ang pinagkatiwalaan ko sa aking boutique maging sa paghawak ng mga pera. Kahit kailan ay never pa akong nagka-problema sa kanya kaya minsan ay sa kanya kona iniiwan ang lahat ng trabaho ko kasi sobrang mapagkakatiwalaan talaga siya.

"This is my new sketch, I trusted you for the color that suit to this gown. I need to go, please take care of it." nakangiti kong sabi sa kanya at iniabot sa kanya ang natapos kong sketch na mabilis niya namang tinanggap.

Nakasakay lang ako sa kotse ko habang nakamasid lamang sa labas ng Boutique ng babaeng 'yon.

Natatawa ako sa pangalan ng botique niya. ~ Angel's gown shop~" seriously? Baka naman pati mga madre sambahan ka dahil sa ka-inosentehan mo.

Napansin ko na ang daming tao sa labas habang matyagang nakapila para lang makabili ng design niya. Nakakainis dahil palagi niya nalang ako inaagawan ng mga costumer.

Palagi ko silang nakikita sa Botique ko na nakapila at tapos makikita ko silang nandito. Mga balimbing sila at wala silang isang salita.

Mga hindi marunong makuntento ang mga tao ngayon dahil mas better na ang una humanap pa ng iba.

Nakita ko ang kapatid ko na lumabas ng kanyang impyernong boutique habang nakasuot ng salamin at palinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap ng biglang may tumigil sa harapan niya na isang magarbong sasakyan.

Kahit na mayaman ako ay ngayon lang ako nakakita ng ganung sasakyan. Napaka-ganda ng sasakyan na 'yon na kulay black at sa tingin ko nagkakahalaga ng 400 million.

Nakita kong pumasok ang babaeng 'yon loob ng sasakyan na mabilis naman pinaharurot ng kung sino man ang taong nagmamaneho ng sasakyan na 'yon kaya pinaandar ko narin ang sasakyan ko at sinundan sila.

Hindi siguro nila napapansin na sinusundan ko sila kaya kampante ako sa pagsunod sa kanila.

Tumigil sila sa isang mamahaling restaurant kaya huminto nadin ako pero malayo sa kanila at nakita ko na ang unang lumabas ay isang lalaki na ngayon ay naka-sumbrero at kahit na nakaganun siya alam kong gwapo siya dahil sa tindig niya palang.

Sabay silang pumasok sa loob ng restaurant kaya nagsuot ako ng sun glasses at maingat na sinundan sila.

Natatawa ako sa ginagawa ko dahil bakit ko nga ba sinusundan ang mga 'yun? Unang-una wala akong pakealam kung kaanun-ano siya ng babaeng 'yon.

"Babe, what kind of food do you want to eat?" tanong nung guy sa kanya habang nakalibot ang braso niya sa bewang ng babaeng 'yon.

Ang kasama niya ngayon ay ang sinasabi nina Bianca na boyfriend ng babaeng 'to. Gusto kong makita ang mukha nito. Pero ilong lang at labi at nakikita ko dahil naka sunglasses siya na halatang tinatago talaga ang mukha niya.

"Anything." sagot nung babaeng 'yon at niyapos ang isang braso niya sa likod ng lalakeng 'yon.

Umalis nalang ako dahil wala naman akong mapapala doon at nandidiri ako sa kanilang dalawa. Masyado silang PDA na kulang nalang ay maghalikan sa harapan ng maraming tao.

"Oh! There you are."

"What?" inis kong tanong kay James ng makasalubong ko siya.

Siya lang naman ang isa sa bwisit kong pinsan na wala ng ginawa kundi inisin ako.

Kung hindi ko lang talaga pinsan ang isang ito kanina ko pa ito naibalyang dahil sa inis na 'yong tipong hindi na siya makakatayo.

"What are you doing here? Oh! Hi Ate Yvette." sabi ni James at kinawayan ang babaeng 'yon.

Inirapan ko lang sila at akma ng aalis ng hawakan ni James ang braso ko para pigilan at hinila ako papunta sa mga 'yon.

Nakatayo lang kami sa gilid nila habang 'yung boyfriend 'kuno' niya ay nakasandal sa upuan habang nakapikit ang mata niya at naka-cross arm.

"Hi Sandra." nakangiting bati sa akin ng babaeng 'yon.

Hindi ko siya pinansin sa halip inirapan ko siya. Hindi tayo close at lalong wala akong balak na makipag-close sa babaeng 'to.

Pilit kong tinititigan ang boyfriend niya kaso talagang hindi ko makita ang mukha niya dahil tanging labi lang ang nasisilayan ko.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ng babaeng 'yon sa aming dalawa ni James.

"Nagutom ako kaya rito ko naisipang kumain," sabi ni James habang nakangiti pa din 'to sa kanila.

Tumingin siya sa akin pero kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Alam naman niyang restaurant 'to tapos tatanungin niya pa kung anong ginagawa namin dito.

"Pumunta lamang ako para umihi dito. Tama! Dumayo lang ako rito para mag banyo!" nakangisi kong sabi sa kanya ng mapansin ko na sumalubong ang kilay niya na nakatingin sa akin.

"How about you? Anong ginagawa mo dito? Nakikipaglandian?" nakangisi kong tanong sa kanya.

Nagulat ako ng biglang tumayo ang boyfriend niya at ngumising tumingin sa akin na ikinangatog ng tuhod ko dahil kahit nakasalamin siya alam kong sa akin siya nakatingin.

Napansin kong hinawakan ng babaeng 'yon ang braso niya para siguro pigilan ang boyfriend 'kuno' niya.

"You don't care if we're flirting, how about you? What are you doing here? Following us? " nakangisi niyang tanong na ikinalaki ng mata ko

"P-paano?" gulat kong tanong dahil ibig sabihin kanina niya pa alam na nakasunod lanang ako sa kanilang dalawa.

"It's not obvious." sabi niya at hinila na niya palabas yung babaeng 'yon habang ako ay naiwang tulala.

Humanda ka talaga sa aking babae ka. Aagawin ko siya mula sayo ng masaktan ka ng sobra.

Narinig kong nag vibrate ang phone ko at nakita kong may message sa akinsi Irish na kaagad ko namang binasa at napangisi ako.

"Drake Andrew Cortwar pala ha?."

Humanda kayo sa akin dahil isiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko para magmamakaawa na ibalik ko sayo ang boyfriend mo.

Hindi ko hahayaan na maging masaya ka samantalang ako 'tong nagdudusa dahil nawalan na ng tiwala sa akin si Dad dahil sa pagsulpot mo sa buhay namin.

Masaya na sana kami, umepal kalang babae ka..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yvette Nicole Quijor ☝

VOTE, COMMENT AND BE A FAN 💖

Continue Reading

You'll Also Like

636K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
42.1K 1.9K 39
Papa-expire na ang working visa ni Eliza sa Italy nang makilala niya si Alessio Conti. Suki ito ng coffee shop ng kaibigan niyang si Manang Cora. Nag...
492K 15.4K 33
(#4) Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman kayang bigyan ng halaga pero anong magagawa mo? Maging ang puso mo ay hindi mo na magawang labanan dah...
1.9K 91 25
Love is the bright skyline on someone's dark path. It can turn what was once a lonely life into a life that is suddenly worth living. *** Mula noon...