Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 28: Vinci, Watchout!

73.9K 918 103
By Mnemonicss

Chapter 28: Vinci, Watchout!

Vinci’s POV

“Woooh! May chemistry!”

 

“Kiss!”

 

“Nicole and James, astig ng scene ninyo!”

 

“Bagay na bagay!”

Damn!

That’s the most annoying words that I’ve ever heard..

Jealous?

Fine! I’m jealous. If that’s what you think!

But what I really felt on this very moment?!

ANGER!

Kung alam ko lang sana, hindi nako nagvolunteer sa class nya!

*flashback

 

[At Music Department]

 

“Ok, Mr. Romero. According to the director, you will be assisting----“

*toktok

 

Napatingin naman kami nung biglang may kumatok sa pinto..

 

“Wait lang ha..”sabi sakin nung prof sa music department then nagpunta siya para buksan yung pinto..

(Bukas ng pinto)

“Hi, goodmorning!” sabi nung prof na pumasok.

“Oh, yes professor Villareal. How can I help you?”

 

“I just want to ask if kung may available pa bang S.A.?” sabi ni Mr. Villareal

Tumingin naman sakin yung professor sa music department then back to Mr. Villareal..

“Ahhmm.. So far, si Mr. Romero lang..”

 

“Can I borrow him for a while?” sabi ni Mr. Villareal.

 

“Sorry.. But he was going to assist the other class eh..”

 

“Ahh.. Ganun ba?” sabi ni Mr. Villareal.

“Bakit mo nga pala kailangan ng S.A.?” sabi nung prof sa music department.

“Gagawin ko sanang vocal coach para sa class ng theatre Arts 301. Actually, complete na talaga yung nakuha kong Vocal coach.  Kaso nag-backout lang yung isa dahil may klase daw sila ng mga oras na yun.” sabi ni Mr. Villareal.

Napatingin naman ako bigla kay Mr. Villareal nung marinig ko yun mula sa kanya..

Theatre Arts 301?

Class ni Nikki yun ah..

“Really? Sayangsabi nung prof sa music Department. Ok sana si Mr. Romero. Kaso mag-aassist na kasi siya sa ibang class eh.. Besides, hindi rin natin sure kung papayag siya..”

“Yun na nga eh. Hayss..” pagbubuntong hininga na sabi ni Mr. Villareal..  “Well, anyways. Thank y---”

“Ahmm.. Excuse me po..”

 

Napatingin naman sila sakin nung bigla akong magsalita..

“Yes, Mr. Romero?”sabi nung prof sa music department.

Sorry for Eavesdropping.” sabi ko.“But I can volunteer myself into that class..”

“Woah, really?!”gulat na gulat na sabi ni Mr. Villareal.

“Are you sure, Mr. Romero?”  sabi nung prof sa music department.

“Yes, ma’am.ngiting sabi ko. And besides, It might be a big help kung mag-aassist po ako kay Mr. Villareal.”

 

“Actually, it’s really a big help talaga, Mr. Romero” ngiting sabi ni Mr. Villareal then tumingin siya sa professor ng music department.. “So, pwede ko na ba siya mahiram?”

Nag-isip muna yung prof sa music department.. I’m not sure if she will agree pero hopefully, sana pumayag siya..

Then..

“Ok, if that’s what you want.” sabi sakin nung prof sa music department.

Honestly, napangiti ako when she finally agrees.

“But next time, sa iba kana mag-aassist, ok?” sabi nung prof sa music department. “As of now, dun ka muna sa class ni Mr. Villareal”

“Yes ma’am” ngiting sabi ko sa kanya.

After that, lumabas na ako sa music department kasama si Mr. Villareal..

“Thank you so much, Mr. Romero.” Sabi ni Mr. Villareal

“No problem, sir.”

*end of flashback

 

Tsk..

I really can’t imagine na nagawa ko yun. Nakakainis. Kung alam ko lang talaga, hindi ko na ginawa yun..

And guess what?

I even expected na ako pa yung magiging vocal coach nila Nikki kanina.. How stupid is that?

*flashback

 

“Ok. Para fair. Mag-drawlots din tayo in terms of vocal coaches” sabi ni Mr. Villareal

Everyone looks very excited for the drawlots..

But..

My eyes just focused on one person..

“Ok!” sabi ni Mr. Villareal habang hawak yung nakuha nyang papel. 

Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi nya yun. He looks at me, then he smiled to his class.

“And his group will be...”

 

*drumroll

At that very moment, I was hoping na mapunta ako sa group nila so that I can be with--

“Group 1!”

What?!

*end of flashback

 

Hayss,,. Bwisit talaga.. Bakit kasi hindi pa ako yung napunta sa kanila eh..

Kainis! Pasalamat talaga yang James na yan at hindi ako yung napunta sa group 2..

Because if I’m the vocal coach,..

I will never let that happen..

Ever!

***

Evening, 6pm, After class....

Nikki’s POV

Pauwi na ako ngayon galing school. After kasi ng class namin sa basic acting, nag-aya yung mga kaklase ko na magbonding daw kaming lahat including the vocal coaches.

Kaso, at that time, hindi na namin nakasama si Vinci kasi bigla nalang siyang umalis ng walang paalam. Hayss.. Ang weird talaga nun..

Actually, sa totoo lang.. hinanap ko pa nga siya kanina eh..

*flashback

“Guys.. Wait lang ah” sabi ko sa mga ka-group ko.

Oh.. Saan ka pupunta?” sabi ni Nico sakin.

“Mag-ccr lang saglit” sabi ko pero ang totoo pupuntahan ko si Vinci.

“Ah.. ok. Sige. Balik ka kaagad ah” sabi nya.

“Samahan na kita?” sabi ni James.

Tumingin naman si Nico kay James..

“Nag-the the moves, pare?” sabi niya.

“Haha. Ganun talaga..” bulong na sabi ni James kay Nico pero rinig ko naman..

“Ah. Naku, wag na.. Hehe” ngiting sabi ko pero sana hindi halatang pilit. “Oh, siya.. Sige na..labas nako ah..”

 

“Ok. Sige” sabi ni Nico.

Then, nagmadali nakong lumabas ng auditorium..

Paglabas ko sa auditorium, hinanap ko kaagad kung nasaan si Vinci...

Hmmm.. Saan naman kaya nagpunta yun?

Niligid ko yung mata ko pero hindi ko talaga siya makita.. Hayss.. Ang bilis naman nya maglakad.

Sinubukan kong maglakad lakad sa paligid ng labas ng auditorium. Nagbaka-sakali kasi ako na baka makita ko siya na naka-upo somewhere..

Maya-maya, habang nililigid ko yung mata ko, may nakita kong guard na nakatayo sa pintuan ng auditorium..

Si manong guard kaya, alam? Hmmm.. Siguro naman, nakita nyang lumabas si Vinci kanina..

Agad kong nilapitan si manong guard na nakatayo sa pintuan ng auditorium tapos nagtanong ako sa kanya..

“Hi manong guard!” sabi ko.

Siyempre, tumingin naman sakin si manong guard nung kinausap ko siya.

Yes, ma’am?Ano pong kailangan nila?” sabi ni Manong guard

“Magtatanong lang po sana ko..” sabi ko

“Ah.. sige po. Ano po yun?”ngiting sabi ni Manong guard.

Dinescribe ko naman sa kanya kung ano yung itsura ni Vinci..

“May nakita po ba kayong lalaking matangkad, maputiat mukhang masungit pero medyo may itsura naman?”

 

After kong sabihin sa kanya, napaisip naman si manong guard..

“Lalaking maputi, matangkad at mukhang masungit pero medyo may itsura naman? Hmmm..”

Pilit inisip ni manong guard kung may nakita nga siyang ganun. Pero sana talaga nakita nya si Vinci..

Maya-maya..

“Ah. Oo. May nakita nga ako..” sabi ni manong guard.

“Woah! Talaga po?sabi ko. Saan nyo po nakita?”

“Ayun, nagpunta sa cr kanina.” Sabi ni manong guard.

“Ahh.. ganun po ba? Salamat po.” Sabi ko..

“Walang anuman” sabi ni manong guard.

After kong makipag-usap kay Manong guard, naglakad na ulit ako pabalik ng auditorium.. Pero habang naglalakad ako pabalik ng auditorium, napaisip tuloy ako..

Hmmmm.. Nagpunta ng cr?

*end of flashback

Nagpunta daw ng cr si Vinci? Hmm..

Eh kung nagmadali siyang lumabas kanina sa auditorium tapos sabi ni Manong guard, nagpunta daw ng cr..

Ibig sabihin..

Woah! Hindi kaya..

Shocks!

May LBM si Vinci?!

Hala! Naku, Kawawa naman.. Baka jebs na jebs na yun kaya nagmamadaling lumabas sa auditorium.. Nakakahiya nga naman kung dun siya magkakalat. Eh kulob pa naman dun..

Naku, ok na kaya siya ngayon?

Hmm...

Teka, saan nga ba may malapit na botika?

Agad akong naghanap ng botika na malapit sa kinaroroonan ko ngayon. Niligid ko yung mata ko kung saan nga ba meron at—

Ayun!

Buti nalang meron!

Nagmadali akong pumunta sa Venus Drugstore para bumili ng gamot. Baka kasi lumala yung LBM ni Vinci pag di ko pa siya binili eh..

Nung nasa botika nako..

“Miss pabili nga po ng gamot” sabi ko dun kay Ateng Pharmacist (A/N:Segway segway din ng profession ni Ms. Author pag may time.. haha)

“Para saan po, ma’am?” sabi ni Ateng pharmacist

“Para sa LBM po sana”

“Ah ok. Sandali lang po” sabi niya sakin tapos pumunta siya sa likod para kumuha ng gamot.

Habang naghihintay ako..

“Nikki?”

Napatingin naman ako sa katabi ko nang biglang may kumausap sa akin at---

Waaaaaah! Si Xander my loves! ^_^

“Hi Xander!” ngiting sabi ko sa kanya.

Shocks. Ba’t madalas ko siyang na-eencounter ngayon.. Kinikilig tuloy ako..hihihi..

“Hello din. Kanina ka pa ba dito?” ngiting sabi ni Xander my loves.

“Hindi naman, kadadating ko lang.” ngiting sabi ko sa kanya.. Ikaw? Kanina ka pa ba dito? ”

Medyo.. Bumibili kasi ako ng gamot para sa lagnat sabi nya.

“Hala, may lagnat ka?” pag-aalalang sabi ko sa kanya.

“Naku, hindi ako.. Yung kapatid ko yung may lagnat..” sabi nya sakin.

“Ah, ganun ba?”sabi ko sa kanya.“Kala ko, ikaw na yung may sakit eh..”

“Naku, hindi ako..” ngiting sabi nya sakin. “Pero anyways, thanks sa concern”

“You’re always welcome.” ngiting sabi ko.

Hahaha.. Nga pala, ikaw? Anong ginagawa mo dito?” sabi nya.

“Ah.. bumibili din ako ng gamot..” sabi ko.

“Para saan?”

Para saan? Ahhh. Ehhh..”

Hala, sasabihin ko ba? Nakakahiya naman..

“Ma’am, eto na po yung gamot sa LBM nyo..” sabi ni Ateng Pharmacist sakin.

“LBM?!” gulat na gulat na sabi sa akin ni Xander tapos sabay tingin sakin. Nag-tatae ka, Niks?”

“Ha?! Hala.. Naku,Hindi ah!” *iling iling “Ahhh.. ehh.. ano kasi----“

Naku, Ok lang yan. Hindi mo na kailangan mag-explain” Sabi nya habang nakahawak pa sa balikat ko.

“Pero—“

 

“Saka natural lang naman yan. Kaya wag ka nang mahiya.” Ngiting sabi nya sakin.

Magsasalita pa sana ko nang biglang umextra si Ateng pharmacist..

“Sir, eto na po yung order nyo”

“Salamat” sabi ni Xander tapos sabay tingin sakin. “So paano, una nako ah. Bye, Nikki. See you sa school..”

 

“B-Bye Xander”

Yun nalang ang nasabi ko hanggang sa umalis na siya..

Nang maka-alis na si Xander..

*panic mode activated

Waaaaahh.. Shocks! Nakakahiya naman.. Grabe.. Napagkamalan pa tuloy akong may LBM. Huhuhu.. Nakakahiya tuloy kay Xander my loves.. T_T

Hindi naman ako yung may LBM eh.. T_T

Haysss.. Hayaan na nga lang. Wala na.. Nangyari na eh..

Waaaaahh.. Nakakahiya talaga.. Huhuhu.. >///<

Anyways, ayun.. After kong mapahiya kay Xander my loves, umalis na din ako dun sa drugstore..  Haysss.. Grabe.. Ba’t ko ba kasi naisipang bilhan pa ng gamot si Vinci eh.. Napahiya tuloy ako..  Huhuhu.. =(

Habang naglalakad ako, naramdaman ko nalang na nag-vibrate yung cellphone ko..

*1 message received

Hmmm.. sino naman kaya to?

(Opening message)

From: Unknown number

Hi Nikki. Si James ‘to. Ingat sa pag-uwi ah. Sorry nga pala kanina. Hope you’re not mad at me. :)

Ahh.. si James lang pala. Kala ko kung sino..

*replying to text message..

 

To: Unknown Number

Hi James. Ok lang. Wala yun. Tapos na naman eh. Geh, Ingats din. Godbless.

*message sent

Nagpatuloy na ulit ako sa paglakad nang mag-vibrate ulit yung phone ko.

From: Unknown Number

Hope na maging CLOSE tayo sa isa’t isa. =)

Huh? Close daw?

Naku, hayaan na nga. Nakakatamad na mag-reply.. Hehehe..

Anyways, after kong basahin yung message ni James, nagpatuloy na akong maglakad hanggang sa makarating nako ng bahay..

Pagkapasok ko sa bahay namin, naalala ko nanaman yung nangyari kanina..

Shocks! Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon. Imagine, napagkamalan ka ng crush mo na may LBM ka.. Tapos.. Tapos...

Waaah.. nakakahiya talaga.. >///<

Epal kasi si Ateng Pharmacist eh.. Bigla-bigla nalang sumusulpot..

Waaaah! Nakakahihiya.. Hindi naman kasi ako yung may LBM eh.. =(

Anyways, speaking of.. asan na kaya si Vinci? Hmmm... Nandito na kaya siya?

“Good evening, Ma’am Nikki” bati sa akin ni Manang Beth.

“Good evening din po, Manang Beth. Nakauwi na po ba si Vinci?” sabi ko kay Manang Beth.

“Ay, opo. Kanina pa po. Nasa kwarto na po siya” sabi ni Manang Beth.

“Ahh.. Okay po. Salamat po”

After kong makausap si Manang Beth, nagmadali na’kong umakyat sa kwarto nya. Baka kasi malala na yung sakit ng tiyan nyakaya kailangan ko nang mabigay ‘to sa kanya..

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya..

*toktok

“Sino yan?” sabi ni Vinci na nasa loob ng kwarto.

“Si Nikki ‘to”

“Wala ako..”

Nyeh? Wala dawpero sumasagot. Ano kaya yun?

Hmm.. Katukin ko na nga lang ulit..

*toktok

 

“Sino yan?”

 

Si Nikki ulit ‘to” sabi ko.

“Wala! Natutulog nako!”

Aish! Loko to ah. Niloloko nya ba ko? Pambihira naman oh..

Sa sobrang inis ko, kinatok ko na ng malakas yung pintuan ng kwarto nya..

*toktok

“Sino yan?”

 

“Hoy! Mr. Antipatiks!”

 

“Bakit nanaman ba?!” sigaw niya mula sa loob..

“Niloloko mo ba ko?!”

Maya-maya, nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto..

“Ano ba kailangan mo sakin, ha?!” galit na sabi nya sakin tapos naka-ngunot pa yung kilay nya.

“Bakit ba hindi mo ko sinasagot ng maayos kanina pa?!” sabi ko sa kanya.

 

“Eh sa ayaw kitang sagutin ng maayos eh?! Bakit ba?!” inis na sabi nya sakin.

“Eh bakit ba kasi ayaw mo?!” sabi ko.

“Eh sa ayaw ko nga eh!”sabi nya.

“Ano ba kasing problema mo?!” inis na sabi ko sa kanya.

“Ikaw!” sabi nya.

Huh?! Anong ako?!” sabi ko.

 

“Basta!”

 

“Anong basta?!”

 

“Aish! Ba’t ba ang dami mong tanong?!”

 

“Kasi ayaw mong sumagot”

“Hayysss.. sabi nya tapos ginulo yung buhok nya. Bahala ka nga.. Ayoko nang makipagtalo sayo..”

Isasarado na sana nya yung pinto nang bigla ko siyang pinigilan..

“Wait!” sabi ko habang nakahawak pa sa pintuan.

“Oh, ano nanaman?!” sabi nya.

“Oh, hayaan” sabi ko tapos inabot ko sa kanya ng padabog yung gamot na binili ko.

Oh?! Para saan naman ‘to?” nagtatakang sabi nya.

“Para sa’yo!” sabi ko.

Mukhang nagbago naman yung mood nya nung sinabi ko yun sa kanya..

“P-Para sa akin?!” nagtatakang sabi nya.

“Hindi, para kay Manang Beth..” pagbabarang sabi ko sa kanya.

Aish.. Hindi nga?!” sabi nya.

“Oo nga. Sayo ko nga inabot diba?! Eh di sa’yo!” pagtataray na sabi ko sa kanya.

“Pero ano namang gagawin ko dito?!” sabi nya.

“Malamang iinumin mo yan..” sabi ko.

“Eh ba’t ko naman iinumin ‘to?!”sabi nya..

“Hayss.. Ano ba? Eh diba, may LBM ka?!”

Anong may—WHAT?! sabi nya tapos tinignan yung gamot na hawak nya.

“Oh, ba’t ka nagulat?” sabi ko.

“A-Anong LBM?!” nagtatakang sabi nya..

Hays, ano ba naman yan.. LBM nalang.. di mo pa alam.. Eh di Loose Bowel Movement.. In other words, na-jejebs. Di ba, may LBM ka kaya ka nag-walkout kanina sa auditorium?” sabi ko.

“H-Ha?” gulat na sabi nya.

“Pambihira..Magdedeny ka pa? Wag mo na ngang ikaila!” asar na sabi ko.

Pano kasi mukhang i-dedeny pa nya.. Eh obvious naman kaya.. Hindi naman siya magsusungit ng ganyan kung wala siyang masamang nararamdaman, di ba? Make sense.. Tsk.

“Anong nagdedeny? Hindi kaya ako nagdedeny..” sabi nya.

“Eh anong tawag mo dyan sa ginagawa mo?!” sabi ko.“Hayys..Anyways.. Natural lang yan kaya wag ka ng mahiya. Ganyan din naman ako pag may LBM kaya hindi ka nag-iisa..”

After kong sabihin yun, tinignan nya lang ako ng directly sa mata ko tapos…

*booog

Ay, pambihira! Tignan mo ‘to. Tama ba namang saraduhan ako ng pinto? Nagmamalasakit na nga sa kanya eh.

Hayss.. Hayaan ko na nga lang..

Vinci’s POV

“Natural lang yan kaya wag ka nang mahiya. Ganyan din naman ako pag may LBM kaya hindi ka nag-iisa..”

O_O

*booog

Pambihira, Ano nanaman bang kalokohan ‘tong pumasok sa utak ni Nikki?!

LBM?!

Pfftt..

Hahahahaha...

Baliw talaga yun. Ba’t nya naman naisip yun?

(Tingin sa gamot na hawak)

At binili pa nya talaga ko ng gamot? Pfft…

“Ganyan din ako pag may LBM kaya hindi ka nag-iisa”

 

Ibig sabihin..

Ibig sabihin, ganun pala siya pag may LBM?

HAHAHAHAHA...

Sorry.. Hindi ko talaga maiwasang matawa.. Ibang klase talaga ‘tong si Nikki..

Sinubukan kong pigilan yung tawa ko pero hindi ko pa rin magawa.. haha.. Ba’t ba ko nagkagusto sa baliw na katulad nya.. 

Pfft.. Pambihira, Magkaka-LBM nga yata talaga ko dahil sa sinabi nya eh.. Hahaha..

Hayss.. Makatulog na nga lang..

I was about to go to bed when..

When I realized something..

 Kung tutuusin pala, hindi naman talaga kasalanan ni Nikki yung nangyari kanina. And that James was the reason kung bakit ako nagalit..

Haysss..  ano ba ‘tong nagawa ko..

Siguro kailangan kong mag-apologize sa kanya..

When I see your face.. There’s not a thing that I would change..

 

Huh?

(Tingin sa cellphone)

Unknown number?

*answering phone calls

“Hello?”

“Hayss.. Finally. Sinagot mo din..” sabi nung nasa kabilang linya.

“Who’s this?” I said.

“Oh sorry! Si Kylie ‘to..”

“Kylie? sabi ko then umupo ako sa kama ko.. Paano mo nalaman yung number ko?”

Ay sorry, nakuha ko nga pala yung number mo nung kinalikot namin yung cellphone ni Nikki.”Sabi nya.

“Ahh.. ganun ba?”

“Yes.. Anyways..That’s not important” sabi nya.. “The important thing is.. You need to be quick. Baka maunahan ka ng iba kay Nikki.”

“Ha?! Pero paano mo naman nasabi?”sabi ko.

Kasi ganito yan. Nakita namin kanina si Xander. And looks like may something talaga nung kinamusta nya si Nikki..” sabi ni Kylie sa kabilang linya.

“Really?!”

“Yes. And hindi lang yun, I heard someone kanina. Sa may cafeteria. Mukhang balak yatang magpa-impress at ligawan si Nikki..”

“What?! May another guy ulit?!” sabi ko.

“Another guy? What do you mean?” sabi ni Kylie

“Oh nothing..” sabi ko “But wait.. Who’s that guy?”

“I’m not sure eh.. But ahmm.. James Stambough ata yung name?”sabi ni Kylie.

James Stambough? James?

*flashback

 

“James, ikaw nalang yung kapartner ni Nicole sa short play. And Nico, ikaw si Phantom”

 

*end of flashback

 

“Bwisit! So siya pala..” sabi ko.

To be honest, nagpantig talaga yung tenga ko nang marinig ko yung pangalang yun..

“You mean? Kilala mo siya?” sabi ni Kylie.

Gusto kong pigilan yung sarili ko para hindi lumabas yung anger ko tulad ng kanina. Kaya nagbuntong hininga muna ako bago magsalita..

“Siya lang naman yung bwisit na lalaking kapartner ni Nikki kanina sa short play” sabi ko.

“Woah?! Talaga?” sabi ni Kylie. “Eh di nagselos ka kanina? Ayieee”

“W-What?! I’m not jealous!”

“Owsss.. Really?” sabi ni Kylie. “If I know, namumula ka na sa galit nung nakita mo sila kanina. Ayiee.. Aminin..”

“Of course not.. It’s just that.. ahm.. Argh! Basta, I’m not jealous.” Sabi ko kay Kylie.

Haha. Fine. Sabi mo eh..” sabi ni Kylie. “Anyways.. Don’t worry.. I have a better plan..”

 

Huh?

 

You have a plan?!” nagtatakang sabi ko sa kanya.

 

“Yes, Of course!” Sabi ni Kylie.

 

“Teka, bakit may plan ka?”

 

“Bakit? Ayaw mo ba?!” sabi ni Kylie. “Hmmm.. Sige, Hindi ko nalang sasabihin if you don’t like to-“

 

“Wait!” sabi ko. “W-What plan?!”

 

Mukhang natawa naman si Kylie sa kabilang linya nung sinabi ko yun..

“Tsk. Kunwari ka pa. Gusto mo rin palang malaman. Haha.” Pang-aasar na sabi ni Kylie.

“Just tell me your plan..” sabi ko. “P-Please”

 

“Hmmm…Sige na nga.” Sabi ni Kylie.

“First, you need to get closer kay Nikki. Kaya as much as possible, wag mo siyang aawayin ah, Got it?”

 

“Ok. Got it!”

 

“And second, you need to-----“

 

*tootootoot

“Kylie?”

(Tingin sa phone)

What?!

Shit?! Ba’t naputol yung linya?!

Sinubukan kong tawagan ulit yung linya pero hindi ko na matawagan. Hayss.. ba’t ngayon pa?

Anyways, looks like I really need to get advantage. Dapat pala hindi ko siya inaway kanina.. Damn, ano ba yung nagawa ko.

After kong ma-realize yun, lumabas na kaagad ako sa kwarto para mag-sorry kay Nikki. I mean, hindi dahil sinabi ni Kylie na hindi ko siya dapat awayin, but because I really want to say sorry for her. I was the one who made mistakes. And I realize na wala talagang kasalanan si Nikki..

I was about to knock on Nikki’s room, pero nag-hesitate ako bigla..

Damn! Anong sasabihin ko sa kanya? Saka paano ko eexplain sa kanya yung dahilan kung bakit ako nagalit?

Urgh! Anong gagawin ko?!

Dahil sa hindi ko pa alam yung sasabihin ko, sumandal muna ko sa tabi ng pintuan ng kwarto ni Nikki. Then I practice..

“Ahmm.. Nikki.. Sorry nga pala ah..I really didn’t mean to act like that..  and to be honest, wala talaga akong LB—“

Wait.. Bakit may LBM?! Aish! Erase...

*ehem

“Hoy, Nikking Makulit.. Sorry nga pala kanina at alam mo bang nainis ako sa inyo kanina?! Lalo na nung--”

Urgh! No.. Hindi rin pwede yun. Masyadong sarcastic ang dating..

“Nikki, I really didn’t mean to hurt you and---“

Wait.. Hindi naman siya na-hurt kanina ah.. Aish.. Hindi rin pwede..

Urgh! Bakit ba ang hirap mag-isip ng pwedeng sabihin?!

“Anong ginagawa mo?”

“Aaaaaahhh!”

(Tingin si Vinci sa tabi)

“N-Nikki?!”

 

Nung pagtingin ko sa tabi ko, nakita ko si Nikki na nakatingin na pala sakin..

 

“Oh? Ba’t parang nakakita ka ng multo dyan?” nagtatakang sabi sakin ni Nikki..

“K-Kanina ka pa ba dyan?” sabi ko..

Shit.. Narinig nya kaya yung sinabi ko kanina?

“Ahmm.. Hindi naman.. sabi nya.“Kukuha lang sana ko ng makakain sa baba.. Tapos nagulat nalang ako ng makita kong nandyan ka pala..”

“Ahh.. g-ganun ba?”

“Oo.” Sabi nya..

Whew! Buti nalang hindi nya narinig..

 “Ahmm. Ano nga pala ginagawa mo dyan? May kailangan ka ba sakin?” nagtatakang sabi nya sakin.

“Ah ehh.. Wala naman..” sabi ko. Hayss.. ba’t ba yun yung sinabi ko..

“Ahh.. ok.” Sabi nya.

Nagsimula na siyang maglakad pababa. Pero wait! Kailangan ko siyang makausap..

“Wait! Nikki?”

Huminto naman siya sa paglalakad nung tinawag ko siya then humarap siya sakin.

“Uhm? Bakit?” sabi nya.

Looks like wala nakong choice kundi sabihin sa kanya yung totoo..

Bumuntong hininga muna ako then nilapitan ko siya..

Tinignan ko siya directly sa mata.. and looks like naghihintay siya ng sagot mula sakin..

“Ahmm.. Nikki” sabi ko while looking at her eyes.

“Ano yun?” nagtatakang sabi nya..

“I-I.. Ahmm..”

 

*dugdugdug

 

Damn! Ang hirap magsalita..

“I?” sabi nya.

“I-I.. Ahmm.. *exhale.. I’m really sorry” sabi ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit yun lang ang nasabi ko.. madami akong gustong sabihin pero dahil sa sobrang kaba, hindi ko magawa..

“Sorry? Saan naman?” nagtatakang sabi nya. 

“S-Sa.. sa nangyari kanina?” sabi ko..

 “Ahhh..yun ba?” sabi nya.. “Naku, Wala yun. Don’t worry. Na-iintindihan naman kita eh..”

Then, she smiled at me..

“T-Talaga? You mean, hindi ka galit?” sabi ko.

“Oo naman. Di naman ako galit sa’yo eh..” ngiting sabi nya

“Ahhh.. Ok. Thanks” sabi ko.

To tell you the truth, napangiti ako nung nalaman kong hindi siya galit sakin..

“Saka naintindihan ko naman kung bakit ka nainis eh.. Siguro masakit lang talaga yung tiyan mo kaya mo ko sinigawan kanina..”

What? Ano daw?

“So ok na ba tiyan mo? Nainom mo na ba yung gamot?” sabi niya.

“A-Ah.. ok na. Ok na.. Hehe” yun nalang nasabi ko.

Sa totoo lang muntik nakong matawa nung narinig ko ulit yun mula sa kanya.. So iniisip nya pa rin pala yung sa LBM.

“Ok, buti naman” ngiting sabi nya..

I’m bulletproof.. Nothing to lose.. Fire away.. Fire away..

“Ay, teka ah.. May tumatawag ata sakin..” sabi nya then pumasok siya sa kwarto nya..

Dahil naiwang bukas yung kwarto nya, sumilip ako sa loob.. At dun ko lang nalaman na puro bintana pala yung loob ng kwarto nya.. Looks like pinasadya ni Tito Greg yung kwarto since claustrophobic si Nikki..

I was about to go back to my bedroom when I heard something..

“Hello? Xander?”

Xander?!

I was alarmed when I heard that from Nikki..

Bakit nya biglang tinawagan si Nikki?

So totoo kaya yung sinabi sakin ni Kylie?

Meron ba talagang something between them?

****

[On the other hand]

Marjorie’s POV

One month had already passed..

Few more days before my return..

Even though I’m not in Xaviers School of Arts..

Looks like everything is still under my control..

*dialling Unknown person…

 

“Hello, Marj?”

 

“How’s everything?”

 

“Everything’s okay. Nagawa ko na yung first move ko..”

“So how’s Nicole Sarmiento?”

Looks like Nikki doesn’t have any idea.”

“Good” sabi ko while staying at the balcony inside my room.. “Don’t do any actions yet until I said so.”

“Ok”

*end of phone call

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Looks like mapapabilis ata ang inutusan ko ngayon kaysa sa walang kwentang Candice.

I really felt sorry for you, Nicole Sarmiento. Kasalanan mo na nag-mana ka sa nanay mong magaling...

Mang-aagaw ng spotlight!

But don’t worry..

I have so many plans for you. Now that I’ve already KNOW your past now, my dear..

Of course, Hindi ko muna i-spill ang tungkol dun, because I want to play with your lives first..

I really want to play with you and Vincent Romero..  

And I will definitely reserve MY best plan for last!

Kung sa una, hindi ako nag-succeed..

This time..

I’ll make sure that I will succeed...

------> See you at Next Chapter 29: The Loveteams

 

--------------

Author’s Note:

Hi readers!

Na-miss ko kayo bigla.. Eh si Marj? Na-miss nyo ba? Haha.. Joke lang.. Nagparamdam lang siya kaya siya may POV.. baka daw makalimutan nyo siya.. hihi..

Nga pala, pagpasensyahan nyo na po ang inyong lingkod kung super late na po ako nag-UD. Busy much po eh..Ayun..sorry po. =( Saka.. pagpasensyahan nyo na din pala yung latest chapter ah. I know, walang masyadong kilig factor at puro kalokohan lang ata ang nilalaman..hehehe.. Pero anyways, sana kahit papano nagustuhan nyo.. ^_^

So ayun, thanks for reading and voting SACG. Godbless.. ^_^

-Ate Monic ^_^

PS: Side Story mode yung Next Chapter.. ayun lang.. Saka JOIN pala kayo sa Groups ng SACG sa FB. Dun ko din kasi sinasabi kung mag-uUD ako. Saka para makausap ko din kayo..hihi. Ayun. Makikita yung link sa profile ko sa wattpad. Thanks.. =)

 [Vote.Comment.Follow.Thanks]

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 202K 71
"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang pinapangarap ng lahat. Mga kalalakihang...
898K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
297K 20.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
77.4K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...