Haraam (GxG)

By Messiahd

48.3K 2.2K 499

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 22

1.1K 68 38
By Messiahd

“Ano ba ang Eid al-Adha?” Tanong ko kay Heather.

Iyan kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit kami naka-out of town ngayong dalawa; To spend the long holidays. Nagkataon kasing magkakasunod ang petsa ng Ninoy Aquino Day, Eid al-Adha, weekends at National Heroes Day.

Mula sa bintana ng eroplano ay lumipat ang tingin niya sa'kin. “Eid al-Adha means Feast of The Sacrifice.” Sagot niya. “Are you familiar with the story of Abraham in the bible?”

“Yung t'in'est ni God na i-sacrifice ang anak niya?”

Tumango siya. “Base do'n yung seni-celebrate ng Muslims. And in case you don't know, in Islam, Abraham is called Ibrahim. He is recognize as a prophet.”

“So, pa'no nila kino-commemorate ang ginawa ni...Ibrahim?” Tanong ko, kasi alam kong muslim siya pero never ko pa siya nakitang nagdasal or gumawa ng kahit anong islamic practice or rituals.

“Netflix and chill.”

Napairap ako sa hangin. “Puro ka kalokohan.”

“Kasi naman hindi pare-pareho lahat ng Muslims, okay?” Napapangiting sabi niya pero biglang umayos nang mapansing hindi ako nakikipagbiruan. “Mn, usually during Eid al-Adha, they celebrate by starting the day going to the mosque to pray. Tapos, family and friends gather together for a feast.” Paliwanag niya saka sumandal sa kinauupuan. “Some muslims sacrifice a goat or a cow, tapos ibibigay yung karne sa mga less fortunate. Pero may mga muslims na di kumakatay kaya bumibili na lang sila no'ng meat na ibibigay. Yan yung alam kong various ways to honor the story of Ibrahim and remember his loyalty and devotion to Allah. Parang sa Christmas, dapat magbigayan at magmahalan daw kasi pasko - araw ng kapanganakan ni Jesus? But if you ask me, di naman kailangan hintayin pa ang kung anong date or holidays para gawin yung mga simple act of kindness. We should normalize the concept of ‘pagbibigayan’ and ‘pagmamahalan’. And please don't believe me, wala talaga akong alam.” Natatawang bawi niya sa huli.

“Anak ka lang talaga ng Muslim.”

“Hmn.” Napakibit-balikat siya at nagpadausdos sa kinasasandalang upuan na para bang tinatamad. “I don’t follow the rituals that are associated with being a Muslim because I never really included my self being a part of the nation of Islam. However, I follow the aspect of it that focuses on just me and the God they named Allah.”

“So, naniniwala kang there is a God?”

“We can find God in the face of a stranger. The one being kind without expecting something in return, or the one reaching out a hand when we don't wanna try anymore. He or She or maybe even It; God is always with us.” Wala siyang direktang sagot sa tanong ko.

“Sabi mo diba Pantheist ka?” Naalala ko no'ng nabanggit niya 'yon kela Jade.

“Not really. Sinabi ko lang yun para di na sila mag-focus sa pagiging Muslim ko.”

“E bakit nga kasi parang di ka okay sa pagiging muslim mo?”

Nagkibit-balikat ulit siya. “People could be judgmental...sometimes. Kapag nakita nilang naka-abaya at hijab ako, iisipin nilang I'm an oppressed woman. That I belong to a religion that promotes violence and terrorism. Kapag di naman ako naka-hijab at nalaman nilang muslim ako, magtataka naman sila at pag nagtaka sila syempre magtatanong sila kung bakit. Mas mahirap mag-explain kung bakit kesa magsabi ng something obvious pero di pa rin nila maintindihan like the word ‘Pantheist’ - It's so obvious pero wala pa rin silang idea kung ano yun? 'Pan' means 'All'. 'Theist' means 'Belief in God'.” Napabuntong-hininga siya. “Sometimes, their lack of common sense amuses me.”

* * *

Pagkalapag ng eroplano ay bumyahe ulit kami by land gamit ang color black Mazda na minaho ni Heather papunta sa Vigan City. Hindi ko alam kung bakit may kotse kaming gamit ngayon kasi ang akala ko mag-co-commute pa kami papunta sa destinasyon pero ang paliwanag ni Heather, rented car lang daw. So, technically, pag-co-commute pa rin yun.

Ngayon ay nandito kami sa isang restaurant sa Vigan na nag-se-serve ng authentic Ilocano food. Nasa loob ito ng dinarayong Hidden Garden - ang malaparaiso at malawak na hardin. Maganda ang ambiance at ang mga ornaments sa restaurant ay nakapag-re-remind sa'kin ng artistic home nila tito Vincent. Gusto ko rin ang lutong-bahay na pagkain nila.

“Isn't it ironic na Poqui-poqui ang name ng dish na 'to pero ang main ingredient ay talong?”

Masarap yung tinutukoy niyang ulam na kasalukuyan kong nilalasap pero halos hindi tuloy ako makakain dahil sa pinagsasabi na naman ni Heather kaya yung dessert na buko halo-halo na lang ang pinagdiskitahan ko kasi inubos na niya yung ibang nakahaing main dish. Nakapagtatakang in shape pa rin ang katawan sa kabila ng katakawan.

“Hindi ba pork belly yang bagnet?” Tanong ko habang pinapanood siyang ubusin yung Bagnet Sisig. “Bawal ang pagkain ng pork sa Muslim, diba?”

“Here we go again.” Sambit niya bago uminom saka dumighay ng malakas na sa tingin ko'y sinadya niya. Gamit ang tissue paper, nagpunas siya ng bibig bago muling magsalita. “Yes, pero sabi mo nga diba anak lang ako ng Muslim.”

“Okay. Pero bakit ba bawal ang pagkain ng baboy sa Islam?”

“Because it is considered impure?” Patanong niyang sagot sabay kibit-balikat. “Dirty kuno.” Napairap siya sa hangin at nagpakita ng ekspresyon ng pagkadisgusto. “Actually, hindi lang naman pork ang haram kainin sa Islam. Animals that has fangs, produce toxic, birds of prey - all those kinds are not permisibble to eat. Pati nga yung mga considered halal, magiging haram food if it's slaughtered in an inhumane way, kapag nabahiran ng impurity. Tapos kapag kakatay ka, you have to excuse or ask permission to the one who gave life to every creature - at yun nga ay si..." Ilang ulit na tinapik ng kanyang dalawang palad ang surface ng mesa para lumikha ng kunwaring suspense drum roll, “Allah.” sabay mulagat ng mga mata habang nakangisi nang sabihin niya yun. Tapos napasandal siya sa kinauupuan at balik sa usual na resting-bitch-face. “Sa Islam, yun ang tawag sa Creator or God. Pero bakit sa ibang religion iba din ang tawag? May pangalan ba siya or wala? Kung meron, ano ba talaga? Allah? Elah? Elohim? El? Brahma? Waheguru ...”

May na-realized ako sa mga pinagsasabi ni Heather. Sa test kahit multiple choice, nahihirapan pa rin ang estudyante lalo pag confusing yung tanong, di sure sa sagot tapos maraming pagpipilian. Yung one question lang pero lagpas na sa bilang ng alphabet yung choices. Pero may tama bang sagot? Baka tama naman lahat. O baka naman wala talagang tama. Kung estudyante ang tingin sa mga follower or believer, paano yung mga walang pinaniniwalaan o ayaw maniwala? Yung Atheist o Ignostic, kumbaga rebelde o out of school youth?

“I have a question.”

Nanumbalik ako sa diwa nang marinig iyon kay Heather. “Ano yun?” Pagtataka ko bigla.

“What if sinunod ko lahat ng mga usual Islam practices like wearing conservative clothing, hindi pagkain ng pork, the five pillars of Islam and whatsoever. But I'm greedy, full of envy, liar, bully, thot or a lustful homosexual. Anong mangyayari sa'kin?”

Para akong nasa klase na biglang tinawag ng teacher on the spot para mag-recite pero walang maisagot.

“There are people who define the faith in God base on a religion that is based by a certain practice or accustomed beliefs that is base on what?” Turan ni Heather. “Hindi ko kasi maintindihan. Gano'n talaga siguro ako kabobo para isiping it's not about what I wear, what I eat or what I believe in. It's about what I think and what I do.”

Habang nakikinig sa kanyang sentimyento ay nakatitig lang din ako sa mukha ni Heather.

“Kung Katoliko ako na sumasamba sa Holy Trinity," Pagpapatuloy niya.  “uma-attend ng Mass, nagpapamarka ng krus sa noo tuwing Ash Wednesday, hindi kumakain ng karne tuwing holy week, humihinto para sa 3 o'clock prayer habit at sa bawat oras ng Angelus Prayer pero bingi at bulag sa mga bagay na mas nangangailangan ng atensyon at aksyon gaya ng pagtulong sa mga nangangailangan, pang-unawa sa mga sitwasyong dapat intindihin o nakasanayang mali na dapat itama - I am a hypocrite. Gano'n din if I'm a Hindu, Sikh or follower of any religion. I just technically practice what has been accustomed on that religion but don't actually practice humanity.”

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kakomplikado ang pagiging simple ni Heather pero isang bagay ang malinaw para sa'kin. Nahuhumaling ako sa kanya hindi dahil sa ganda niyang nakikita sa labas kun'di dahil sa pagtangay niya sa'kin sa kalawakan ng kanyang magulong pag-iisip.

“There's a lot of religions and if you study each of them, you can see the indoctrination is almost identical. Pare-pareho lang naman ang pinapangaral. To believe in something and to love one another.”

“Nazi?” Pareho kaming napatingin ni Heather sa tumawag. Isang binatang sa tantya ko'y kaedaran din namin. Matangkad, moreno, may kapayatan at mala-adonis ang mukha. Nakatayo ito sa tapat ng table namin at na'kay Heather ang atensyon. “Kunak ket sika ni Naz.” Hindi ko naintindihan ang sinabi nito pero base sa itsura mukhang nagagalak ito. “Dattoy ka gayam.”

Mn, ta awan ak di diay.” Ngiting sagot din ni Heather na di ko rin naunawaan. Pareho silang nagtawanan at bago pa 'ko ma-out of place, bumaling sa'kin si Heather para maipakilala ako. “Si Vanessa.” Saka ulit humarap sa lalake. “Kadwak.” At tumingin ulit sa'kin pero bago pa maipakilala ang bagong dating ay ito na ang unang um-approach sa'kin.

“Hello. I'm Kiko, the owner of this place. Did you like the food? Since when you're here? What can you say about the Philippines?” Walang patid nitong pang-uusisa sa'kin.

Kita kong napa-cringe si Heather. “Gago, hindi yan turistang foreigner. Tagalog yan.”

“Ay sorry.” Sa agarang pamumula ng mukha nito bakas ang pagkapahiya. “'Kala ko bisita ka rito ni Naz galing ibang bansa.” Paliwanag nito sa'kin habang hinihimas ang batok.

“Tsaka, hindi si Kiko ang owner nitong garden and resto. Sa parents niya 'to.” Informed sa'kin ni Heather saka sinamaan ng tingin ang binata.

“Sensya na ha?” Alanganing ngiti sa'kin ni Kiko.

Nginitian ko na lang din ito dahil hindi ko alam ang sasabihin. Kapagkuwa'y naupo ito sa bakanteng upuan nang hindi nawawaglit ang ngiti at tingin sa'kin.

“Ano kayo ni Naz?”

“Ha?” Hindi ko inaasahan ang tanong nito at di rin ako sure kung tagalog ba iyon o ibang salita pa rin dahil bigla akong na-mental-blocked.

Nagpintas nga kapadam.” Usap naman nito kay Heather bago pa ako makapagsalita.

“Pwede ba Kiko, magsalita ka ng tagalog kasi hindi alam ng kasama ko ang Ilocano.”

“Ay sorry.” Paumanhin na naman nito sa'kin. “Ang sabi ko lang naman maganda ka. Naisip ko na baka relatives kayo ni Naz kasi muk'a ka ring may lahi.”

Nagkatinginan kami ni Heather at tila parehong napaisip. Never na-mention sa'kin ni Heather yun bilang alam kong di naman niya tinitingnan ang bawat tao sa panlabas nilang anyo pero noon may ilang pagkakataong napagkakamalan akong hindi full-blooded Filipina base sa last name ko at may nagsabing dahil din sa itsura at height kong hindi tipikal na pang-pinay. Hindi ko alam dahil parehong ampon ang magulang ko at di rin nila alam kung kanino sila galing. Yung last name namang Stefan ay mula sa mga dayuhang nag-adopt kila tatay. Hindi naman importante sa'kin yun noon pero ngayon bigla akong naging curious.

“Magpinsan kami.” Sagot ni Heather para sa'kin at muli kaming nagkatinginan sabay ngiti sa isa't-isa. Naging inside joke na ata para sa amin ang pag-introduce sa iba na magpinsan kami.

Minsan parang mas okay na lang ang pagsasabi no'n, to cut the story short. Hindi ko naman din kasi alam kung ano talaga kami. Roommate lang ba? Schoolmate? Magka-department? Higit pa kasi do'n. Friends? More than friends? Walang makapagsasabi. We do like each other but don't act like lovers.

Matapos kaming kumain ay sinamahan kami ni Kiko na mag-sight seeing dito sa malawak at malaparaiso nilang hardin. Sa pakikipagkwentuhan rito ay sinamantala ko na ang pagkakataon upang makilala si Heather sa point of view ng ibang tao. Ito lang kasi ang kauna-unahang taong na-meet kong nakakilala kay Heather bago ako.

Napag-alaman kong si Kiko ang drummer ng banda kung saan umi-extra si Heather kapag may unavailable member. Nagkakilala sila noong nagtrabaho si Heather bilang food attendant sa kanilang restaurant. Nang malaman ng magulang ni Kiko na mag-isa lang si Heather na naninirahan sa Pinas at underage pa ay sila ang nagsilbing pansamantalang pamilya niya rito kaya hindi lang siya basta naging empleyado sa kanila.

Habang tumitingin-tingin ng mga naritong attractions ay naikwento rin ni Kiko na ang ilang mga handicrafts na naka-display sa restaurant at sa kanilang dinadayong landscaped garden ay gawa ni Heather, gaya no'ng mga clay-pots at woodcarvings, pati ilang pinaglagyang paso ng mga bonsai.

“Gusto mong magpa-picture?” Tanong sa'kin ni Heather na may malokong ngiti.

Huminto kasi kami sa tapat ng wooden bench na nasa sulok ng malawak na hardin at sa itaas ay may wooden sign na nakapaskil ang Hidden Garden - Lover’s Corner.

“Oo nga 'no?” Pagtanto ni Kiko. “Kanina pa tayo naglilibot dito pero kayo lang hindi nag-pi-picture.”

“Picturan mo kami.” Hindi request kun'di demand ni Heather sa binata.

“Diyan?” Takang tukoy ni Kiko sa Lover's Corner.

“Hindi. Diyan sa balon.” Pilosopong sagot naman ng kasama ko na ang tinutukoy ay ang katabing balon na kinaroroonan ng wooden bench.

Hindi na umangal pa si Kiko, inilahad na lang ang kamay. “Amin na phone niyo.”

Tini'gnan naman ako ni Heather para ipahayag na ang phone ko ang gamitin dahil flipphone lang ang meron sa kanya. May camera nga iyon ngunit asahan namang hindi good quality.

Inilabas ko ang phone mula sa sling bag, binuksan ang camera at iniabot kay Kiko. Kami naman ni Heather ay naupo sa Lover's corner.

“Smile naman kayo. Ano ba yan?” Reklamo ni Kiko habang nakaabang na  mag-pi-picture, nakatutok na sa'min ang camera ng phone.

Naramdaman kong umusog palapit sa'kin si Heather. Inakbayan ako at bahagyang inihiga ang ulo sa balikat ko.

“One, two, three.” Mabilis na bilang ni Kiko.

“Patingin.” Sambit agad ni Heather pagkatapos. Nakaakbay pa rin sa'kin dahil si Kiko na mismo ang lumapit para ipakita ang kuha.

Parang hindi ako yung may ari ng phone kasi silang dalawa yung tumitingin habang hawak pa rin ito ni Kiko na nasa kanan ni Heather. Kailangan ko pang mag-lean on para makitingin.

“How could you express happiness only with your eyes?” Tanong ni Heather sabay harap sa'kin. Sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa ay nagpang-abot ang tungki ng ilong namin at kamuntikan pang maghalikan. Mabuti na lang at maagap kong nailayo ang ulo sabay kuha ng phone nang akmang ibabalik pa lang sa'kin ito ni Kiko.

Sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na nabigyang pansin ang sinabi ni Heather. Para hindi ma-awkward, napatingin na lang ako sa screen ng phone. Dito ko naunawaan ang sinabi niya. Kumpara kasi sa ipinakitang mala-toothpaste model na smile ni Heather, hindi nakangiti ang labi ko bagkus sa mga mata ko makikita ang tuwang hindi ko alam kung sa'n ko nahugot. Siguro ay na-excite din ako sa isiping magkakaroon kami ni Heather ng picture together. May isang picture kami noon sa White Coat Ceremony pero kasama namin sa larawan ang foster parents ko.

Deep inside, masaya akong kasama si Heather...dito, sa pad, sa tahanan ng pamilya ko at sa kahit saan pa.

Matapos magliwaliw sa Hidden Garden ay sumaglit muna kami ni Heather sa tahanan nina Kiko para bisitahin at makamusta ni Heather ang mga magulang nito. Kita sa malugod nilang pagbisita ang galak nilang makitang muli si Heather. Masasabi kong hindi lang basta naging tauhan kun'di pamilya talaga ang turing nila kay alien. Lihim din akong natutuwa sa pakiusap nitong tagalog na lang ang gamitin nilang salita para daw hindi ako ma-out of place.

Ngayon ay nasa terrace kami ng kanilang bahay, matapos paghandaan ng merienda kahit pa tumanggi kami at sinabing kumain na kanina sa kanilang restaurant.

“Mag-ho-hotel pa kayo? Gastos pa yun. Ey bakit hindi na kayo dito?” Kwestyon ng tatay ni Kiko nang tanungin kung saan kami tutuloy.

“Naka-checked-in na po kasi kami at nando'n na po yung gamit namin.” Paliwanag ni Heather.

Anya met ten.” Sambit ng nanay ni Kiko na parang nanghihinayang. “Pero ha? Do'n na kayo sa resto kumain, libre na para di na kayo gumastos.” Akma sana kaming tatanggi nang pandilatan kami nito. “Ay, wag ng aarte. Welcome na welcome kayo sa'min anytime.”

“Nakakahiya, auntie. Tsaka kasali na po sa package yung pagkain namin sa hotel.”

“Ay sika! Bakit kasi'y di ka nagpasabi?”

Natural lang ba sa mga Ilocano ang magsalita na parang galit o sadyang ganito lang  ang mga nanay?

“Nakakahiya nga kasi.”

At kakatwang tagalog pa rin ang gamit ni Heather pero may accent ngayon na parang gano'n sa parents ni Kiko.

“Ey bakit pumunta-punta ka pa sa restaurant?” Kwestyon ulit ni tita na hindi naman talaga galit pero parang.

“Kasi gusto niyang makita si Caloy.” Singit naman ni Kiko na may mapang-asar ngayong ngiti kay Heather.

“Ha! Siya kamo ang gustong makakita sa'kin.”

“Ay sus, nahuli ka ng hakbang! Kahapon ey may pinakilala siyang babae dito por da perstaym.”

“Oh? So, ngayon lang yun nagka-girlfriend?”

“Bakit kasi e ayaw mo sa panganay ko? Ito namang si Kiko may Angela na. E ikaw ang kursunada kong maging manugang.”

“Eh? Auntie!” Saway ni Heather sa mga pinagsasabi ng nanay ni Kiko.

Hm, adda ti boypren mon anya?”

Bigla namang natawa si Heather sabay tingin sa'kin. “May boyfriend daw ako.” Saka ulit humarap sa mag-asawa. “Oo na lang diyan.”

“Dugong bughaw pa nga e.” Pakli ko.

“Talaga?” Usisa sa'kin ni tita saka bumaling kay Heather. “Hmm. Nakow. Kilalanin mong mabuti yung lalake, baka naman pinapasikatan ka lang. Tsk! Kung si Caloy sana, sa'inyo ko pa ipamana yung negosyo.”

“Ey puro banda inaatupag ng mga anak mo.” Omento ng tatay ni Kiko. “Ikaw nakong, kamusta pag-aaral mo?” Tanong nito kay Heather.

“Okay lang po.” Tipid na sagot ni Heather.

“Yan dapat unahin niyo, ang pag-aaral.” Bilin nito sa'ming pareho. “Mag-aral kayong mabuti, ha? Para din sa inyo yan. Tandaan niyo.”

Tiningnan ko ng makahulugan si Heather, ipinagdiinan ang sinabi ni tito.

“Tsk. Walang problema diyan. Good influence 'tong si Vanessa. Maaral. Sobra.” Hindi ko alam kung nagmamayabang siya para sa'kin o sarcastic lang.

Kahit limitado ang kilos dahil paralyzed ay nagawa pa ring tumango ni tito sabay sabi sa'king “Kapag nagloko yang si Naz, isumbong mo sa'min at pagsasabihan namin.”

“Hindi nga po niya inuuna ang pag-aaral.” Biro kong sumbong.

“Ay bakit?” Tanong agad ni tita na ngayon ay nakapamewang pa.

“Lumalandi po siya.”

Pinamulagatan si Heather ng mga mata ni tita, ang asawa naman nito'y parang hindi naniniwala. Samantalang si Kiko ay mahinang natawa.

“Sus! Samantalang no'ng nandito ka ey ang suplada mo sa mga umaaligid sa'yo pati sa mga anak ko!”

“Hindi po ako suplada at hindi po ako lumalandi ngayon.” Taas ang kanang kamay na sabi ni Heather.

“Sinasabi mong nag-iimbento ako?” Aktong pangangaway ko sa kanya.

“Hindi ba pwedeng masaya lang? Ngayon lang ako naging masaya sa iba.” Muli siyang humarap sa mag-asawa. “Uncle, auntie, pramis tatapusin ko ang pag-aaral pero hayaan niyo 'ko maging masaya. At least ngayon may inspirasyon ako diba?”

“Hmm. Sige, basta wag kang magpabuntis agad.” Pareho kaming natawa ni Heather. Kung alam lang nila. “At pumayag kang doon na din kumain sa resto. Hindi ko kayo sisingilin. Libre kayo anytime. Yun na nga lang ang ma-o-oper namin senyo dito.”

“Kulit niyo auntie, may pagkain na nga sa hotel.” Atungal ni Heather.

“Alam mo? Maraming nagagandahan at nagpapa-picture do'n sa mga ginawa mong display display doon sa garden. Atraksyon sa kustomer.  Isipin mo yung pagiging libre niyo sa resto ay bayad na namin sa ginawa mo din.” Lumipat ang tingin sa'kin ni tita. “Diba?” At ako pa talaga ang hiningan ng pagsang-ayon. Ngiti na lang ang isinagot ko.

“Pwede na po ba kaming umalis?” Hinging permiso ni Heather.

“O sige na. Agpasyar kayon. Sayang ang oras.”  Sagot ni tito.

“Alis na kami.” Tumayo na rin ako nang tumayo si Heather para isa-isang bigyan ng yakap ang mabait na mag-asawa.

Pati ako ay pinabaunan ng mahigpit na yakap ni tita. Ang asawa naman nito'y nakangiting tumango na lang sa'kin dahil nga sa paralisado ito. Pasimple namang iniharang ni Heather ang katawan nang akmang aakap sa'kin si Kiko.

“Salamat po sa pa-meryenda.” Ani Heather sabay akbay sa'kin.

“Ay sandali nga!” May pagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ang nanay ni Kiko nang biglang parang may naalala. Kaagad din itong lumabas, hawak-hawak sa parehong kamay ang maliit na papel. Iniabot ito sa'kin. “Kapag may kailangan kayo, kontakin niyo yan. Namber ko yang nasa taas, yang sa baba telepon namber ng resto.”

“Oo nga 'no?” Singit naman ni Kiko saka napatingin sa'kin. “Kunin ko na lang number mo Vanessa.”

“At Bakit?” Taas ang isang kilay na tanong agad dito ni Heather.

“Para nga may contact kami sa inyo diba? Kapag kailangan niyo ng service na masasakyan.”

“Eh? Diskarte mo bulok.” Ungot ni Heather.

“Na-save ko na po yung number niyo tita.” Ani ko sabay  pakita sa screen ng phone ko para maputol na ang pag-uusap sa pagitan ni Heather at Kiko.

“Ay oh, sige. Ihahatid na kayo ng anak ko sa Bantay.” Tukoy ni tita sa sinabi naming sunod na pupuntahan. “Mag-ingat kayo ha? Wag sasama kung sino-sino. Nagpipintas kayo pay met nga balasang.” At di na naman nito napigilan ang mag-ilocano. Kaagad namang itinranslate sa'kin ni Heather na ang ibig sabihin daw ng huling salita ni tita ay magaganda daw kaming mga dalaga.

Malapit lang sa Hidden Garden yung hotel kung saan kami naka-check-in kaya nilakad lang namin ang pagpunta do'n kanina at hindi na ginamit yung kotse. Kaya naman ngayon ay ihahatid kami ni Kiko gamit ang owner-type Jeep service nila papunta sa next destination namin ni Heather - sa Bantay Bell Tower.

Mapan ka pay di diay kapilya ngem Muslim ka?” Patanong na sabi ni Kiko kay Heather habang ipinagmamaneho kami. Sa backseat kami nakaupo ni Heather.

Je ne sais pas.”

Anya?” Takang tanong ulit nito. Feeling ko ibang lingwahe ang ginamit ni alien kaya kagaya ko ay hindi rin iyon naunawaan ni Kiko.

“Nagtataka ka kung ano yung sinabi ko kasi di mo gets, wala kang idea. Hindi mo alam kung minumura kita, pinagtatawanan o ano.” Turan ni Heather sa kaibigan. “Ganyan ang na-fi-feel ni Vanessa kapag nag-i-ilocano ka. Kahit sanay tayong mag-usap sa salita niyo, magtagalog ka ngayon kahit ako yung kinakausap mo para maintindihan pa rin ng kasama ko.”

“Ay sorry.” Saglit na tumingin sa'kin mula sa rearview mirror si Kiko. “Sorry Vanessa ah. Wala naman akong sinasabing masama sa'yo. Tinatanong ko lang naman si Naz kung sa Bell Tower lang kayo o papasok pa ba siya doon sa simbahan e diba muslim siya?” Walang patid nitong paliwanag.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura nito o ano. Sa simpleng salita kasi ni Heather, nabahala agad si Kiko. Nakakatawa para sa'kin kapag may lalakeng natatakot sa pagiging taklesa ni alien.

“Wala namang nagbabawal na pumasok sa simbahan ng katoliko ang mga hindi katoliko diba?” Kwestyon ko rito.

“Sabi ko nga.”

Wala nang nagsalita sa'min hanggang makarating sa destinasyon.

“Andito na tayo.” Informed sa'min ni Kiko. Hindi na ito nag-park sa parking area kasi babalik din daw agad ito sa kanila kaya ibinaba na lang kami ni Heather sa harap ng  St. Augustine church. “Pagkatapos dito, saan kayo? Tawagan niyo ako pag magpapasundo kayo, ito number ko.” Akmang ipapakita nito ang cellphone nang in-interrupt ito ni Heather.

“Sa Calle Crisologo siguro. Magkakalesa na lang kami.”

“Okay. Sige, ingat.”

“Thanks, Kiko.” Pahabol ko habang nagmamaniobra na ito ng sasakyan. “Pakisabi ulit kela tita, salamat.” Ginawaran naman ako ng ngiti saka kumaway ng pagpapaalam hanggang sa hilain na 'ko ni Heather para maglakad.

“Mananalangin ka ba?” Tanong ni Heather pagkahinto namin sa bungad ng simbahan.

“Para sa'n pa't pumunta tayo rito?”

Napatingin siya sa direksyon ng bell tower sa may di kalayuan. “90% of people that goes here... ay dahil diyan.” Turo niya sa tinatawag nilang Bantay Bell Tower. “Para mag-picture or video.” Ibinalik niya ang atensyon sa kinatatapatan naming simbahan, inabot niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa St. Augustine church. “Glad you're part of the 10%.”

May mga tao rin naman sa loob. Karamihan sa kanila'y may edad na at ang ilang mga kabataang nakita namin ay naka-concentrate sa pagkuha ng mga larawan. Katabi kong naupo si Heather. Hindi na 'ko lumuhod sa luhuran para magdasal. Taimtim ko na lang na ipinagpasalamat sa kinikilala kong Diyos ang mga blessings na natatanggap ko; Na walang problema sa pag-aaral ko. Maayos ang kalagayan naming magkapatid kahit na magkalayo. Na kahit wala na ang real parents namin ay binigyan naman ako ng mababait na pangalawang magulang at nagkaayos na kami. Ipinalangin  ko ring ilayo Niya 'ko sa tukso at kapahamakan. At kung sakaling subukin ako ng pagkakataon ay sana wag magkaroon ng puwang sa'kin ang poot, galit, selos, inggit at pagnanasa upang di magkasala. Hiniling ko rin na sana bigyan ako ng linaw ng pag-iisip at pang-unawa para maintindihan kung platonic o romantic ba 'tong nararamdaman ko ngayon para kay Heather. Humingi rin ako ng sign na kung mali ang same-sex relationship, hindi ko dapat maramdaman ang pag-ibig sa babaeng kasama ko ngayon.

Nagtapos ang panalangin ko sa muling pasasalamat. Paglingon ko kay Heather, naabutan kong nakatitig siya sa'kin. Nakatagilid kasi siyang nakaupo paharap sa'kin habang namamahinga ang ulo sa kamay niyang nakapatong sa sandalan ng upuan. Kanina pa ba siya ganyan?

“Tara na?” Tanong ko sa kanya.

“Are you done praying?” Tumango ako bilang sagot. “So, hindi pala lahat ng katoliko ay nagsa-sign of the cross, lumuluhod, nakapikit at sarado ang mga palad pag nagdadasal?” Biro niyang tanong.

“Kagaya ng hindi lahat ng Muslim ay nag-wu-wudo bago magdasal.”

Napatango siya. “Do you believe in God?”

Parang kanina lang sa kanya ko itinanong yan. “Naniniwala ako sa concept ng higher power, that there is someone-or something greater than all of us.” Sagot ko.

“Do you believe in your God?”

“Kanino sa tingin mo ako nagdasal kung hindi ko pinaniniwalaan yung kinikilala kong Diyos?”

“Sa sarili mo? Because maybe God is only in people's head. Na yung Creator na pinaniniwalaan natin ay tayo lang din pala ang gumawa. We are the creators.” 

Ngumiti ako sa kanya. “Maganda yang philosophical thoughts mong yan.” Namumuring sabi ko upang tigilan niya 'ko sa ganyan kasi hindi ako kagaya niya na malalim at malikot mag-isip. Wala akong maibabatong out of line answer. Ako yung tipo na sumusunod sa sistema, following the straight line (kung straight nga ba.)

“Mas maganda ka.”

Napailing na lang ako saka na tumayo at nangunang naglakad palabas. Sunod naming tinungo ang Bantay Bell Tower. Tama nga si Heather. Mas dinarayo ito kesa do'n sa simbahan. Kagaya ng iba ay umakyat din kami ni Heather sa taas. Mula rito ay matatanaw ang magandang view ng buong paligid na nangingibabaw ang pagiging luntian.

Pagkatapos sa Bell Tower ay sunod kaming namasyal sa Calle Crisologo sakay ng kalesa. Kakaiba talaga itong si Heather kasi ang gusto e siya ang mag-kutsero. Natawa si manong na may-ari ng kalesa at hindi naman daw sa wala itong tiwala kay Heather, ipinaliwanag nitong kargo daw nila kung may mangyaring aksidente kaya kung maari ay hayaan na lang ito sa trabaho. Hindi na nagpumilit pa si Heather pero ngayon naman parang estudyanteng sobrang interested sa topic kasi enthusiastic o excited na nakikipag-participate sa lecture―well, hindi naman class lecture pero parang gano'n na rin―Bukod kasi sa pagiging kutsero ay nag-a-ala tourguide rin ang mga ito sa pagbabahagi ng basic information about sa mga nadadaanan naming ancestral house at pangalan ng mga street.

Para akong nagbalik sa Spanish colonial period habang nililibot 'tong Calle Crisologo sakay ng kalesa. Nakakamangha na na-preserve ang buong lugar maski na nagkalat ang souvinir shop, nangingibabaw pa rin ang pagiging makaluma ng bawat bahay at business stablishment. Nakakamangha.

Ibinaba kami sa isang ancestral house na ang sabi ay bahay daw ni padre Jose Burgos kaya nagsilbi itong museum para sa gustong magbalik tanaw sa makasaysayang buhay ng isa sa tatlong paring martir.

“You know this priest, right?” Tanong sa'kin ni Heather matapos kaming pahintulutang libutin ang antique na bahay.

“GomBurZa. Isa siya sa mga tatlong paring in-execute kasi daw nagmimitsa ng revolution. Naging inspiration yung pagkamatay nila para sa El Fili ni Rizal.”

“Taga-Vigan siya, and he's no ordinary man. Did you know that he had seven college degrees?” Tukoy niya kay padre Burgos.

“Kasi nga privileged siya.” Pakli ko. “I mean, may dugo siyang Español - ang lahi na nag-ru-rule sa Pilipinas sa panahon niya. Nasa part siya ng second highest racial class ng Spanish heirarchy Hindi siya indio, ti'gnan mo naman.” Tukoy ko sa mga kagamitang makikita rito. May maralita bang nagma may-ari ng piano noon?  “Bukod sa meron siyang utak, may kakayahan din ang pamilya niyang pag-aralin siya.”

“So, you mean, ever since, the world is unfair?”

Lumibot ang paningin ko sa buong paligid. Saksi marahil ang bahay na ito sa hinagpis ng ina ni padre Burgos nang iuwi itong patay na dahil sa pag-garrote. Bigla kong na-picture sa isip ang hinagpis din ni Maria nang ibaba si Jesus sa pinagpakuang krus. Patunay na noon magpahanggang ngayon, paghihinagpis ang iniiwan ng kamartiran.

May husgahan, di pagkakaunawaan, sigalot at digmaan noon pa man. May duming kailangang pagtakpan at pangit na katotohanang kailangang tanggapin na lang.

Nanumbalik ako sa kasalukuyan nang dumako ang aking tingin sa abuhing mga mata ni Heather.

The world is ugly, but you’re beautiful to me ...

“Tingin ko, fair naman.” Kibit-balikat ko sa tanong niya. “Minsan, feeling ko unfair para sa'kin. Sa'yo din siguro at sa iba. Magkakaiba lang kasi tayo ng problem, solution and situation.”

Tumango-tango na lang siya bago luminga sa paligid.

“Garrote yung method ng execution nila.” Sambit niya habang pinagmamasdan ngayon ang replica ng aparatong ginamit sa pagkitil ng tatlong pari. “Do you think they had an erection?”

Nagsalubong ang kilay ko. Lumapit ako kay Heather upang masdan din ang tinitingnan niya.

“Kung ano-ano naiisip mo.”

“Kasi diba there's this thing called erotic aphyxiation? Yung sinasadyang pag-suspend ng breathing to be sexually arouse - in male, it'll cause them erection. Sa pag-garrote sa kanila,” Tukoy ni Heather sa mga paring pinatay. “imposibleng hindi sila tinigasan.”

“Pero, on purpose yun. Hay naku, tara na nga.”

Nang magsawa sa Burgos museum ay sunod kaming naglibot sa Old Provincial Jail na art gallery na ngayon at sa Crisologo museum kaya naman kung ano-anong napagdiskitahan ni Heather na nauuwi sa pagpapalitan namin ng kuro-kuro.

Gamit ulit ang kalesa, sunod naming pinuntahan ang isang jar factory. Dito makikita ang napakaraming banga at paso na naka-display. Gawa mismo no'ng mga potter dito at yung iba ay sa mga turistang sumubok pero di na kinuha o nabalikan siguro ang mga gawa.

Nang magbakasakali na namang mangialam si Heather do'n sa gumagawa, ngayon ay malugod siyang pinagbigyan.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng ginagawa ni Heather ay nahuhumaling ako. Ngayon ay pinagmamasdan ko siya sa paghulma ng clay sa umiikot na potter's wheel. Tila may sariling mundo siya sa paglikha ng another masterpiece. Naka-focus siya sa ginagawa at hindi ko alam kung weird ako pero para sa'kin, lalong naging attractive siyang masdan sa pag-pottery, and at the same time nakaka-amaze kasi putik lang yung hinuhulma niya pero habang patuloy sa pag-ikot yung wheel at sa pag-alalay ng mga kamay at daliri ni Heather, nakakamangha na nagkakaroon ito ng figure hanggang sa mabuo ang magandang banga.

“Babalikan ko yan bukas bago kami umalis. Please paki-ingatan ha?” Request ni Heather habang naghuhugas na ngayon ng kamay.

Si tatang na kaninang nagpahintulot kay Heather sa pottery ay maingat at maayos na inaalis ngayon mula sa potter's wheel ang gawa ni Heather.

Lumapit ako kay Heather at gamit ang aking panyo ay tila may sariling buhay ang kamay kong pinunas ang kanyang namamawis na noo saka inilagay sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok na nagpunta sa kanyang mukha.


Kinagabihan, matapos ang magdamagang paglilibot sa napakaganda at mayaman sa kasaysayang lugar ng Vigan ay narito na kami ngayon sa hotel. Nakaligo’t nakapagpalit na. Tapos na rin kaming nag-dinner.

Si Heather ang nag-set ng bakasyon na ‘to kaya siya rin ang nag-booked nitong hotel na kinaroroonan namin ngayon. Wala na daw available room na may two separate beds kaya naman magkatabi kami ngayon sa isang king-sized bed.

“Bakit an'dami niyo namang internship?” Kwestyon niya nang mabanggit kong start na ng Major Pharmacy Internship ko next semester.

Akala niya noong nag-intern ako sa isang drug factory noon bago pa ang naging internship ko sa isang community pharmacy at hospital ay yun na yun. Ipinaliwanag ko sa kanyang apat ang internship sa kurso namin. Una ay ang internship sa mga community pharmacy gaya ng Mercury Drugstore kung saan ang mga gamot ay laging bagong punas at laging may empleyadong buntis. Pangalawa ay sa pharmacy naman kami ng hospital kung saan laging may poot sa bawat isa ang mga nurses at pharmacist (o sa experience ko lang?) Pangatlo ay ang Manufacturing Pharmacy Internship o sa madaling salita ay sa pagawaan ng gamot...gamot nga ba? At ang huli nga ay ang Major Pharmacy Internship. Choice na namin kung alin sa tatlong nabanggit na internship namin gugugulin ang oras at experience sa kinukuhang karera.

Ang hirap ng inaaral at pinagdadaanan naming mga pharmacy students tapos pag naging Registered Pharmacist na, tindera ng gamot lang ang tingin sa'min dito sa Pilipinas.

“Ikaw, diba start na rin ng internship mo?” Tanong ko kay Heather.

Umismid lang siya. “Di naman yan iniisip ko.”

“Hoy, pagbutihin mo na. Pag may na-failed kang major, madi-delay ka. Di ka makakapag-intern.” Nagpapaalalang sabi ko.

“Nag-wo-worry ka lang kasi hindi magiging tayo.”

“Sinasabi mo?”

“Diba, may kondisyon ka? Na kapag wala akong failed this sem, magiging tayo na.”

Sa totoo lang, nakalimutan ko na yun hindi dahil sa di ako tumutupad sa usapan. Sa lagay kasi namin ngayon ni Heather, kuntento na 'ko. Tama nga siyang mas okay ang maging travel buddy, study buddy, best friend, life partners, ride or die … Kapag officially girlfriends na ba kami, ganito pa ring enjoyable o higit pa?

“Parang gusto kong mag-settle down dito sa Vigan,” Nagising ako sa diwa dahil sa pananalita ni Heather. “or somewhere na probinsya. Maganda siguro kung puro green, tapos maganda ang klima. Makapagtatanim at makapag-aalaga tayo ng makakain. Sa Mountain province siguro or sa Batangas. Hm, sa Quezon province kaya? Magpapatayo tayo ng parang gano’n sa foster parents mo. Cabin-style na bahay and artistic, karamihan ng mga gamit natin tayo yung gumawa. Idi-display ko din lahat ng artworks ko. At mag-aampon din tayo ng mga batang kailangan ng kalinga. Okay na ba sa'yo ang lima? Tapos tuturuan ko sila ng mga art--”

“Teka.” Pigil ko sa kanya. “Bakit ganyan iniisip mo? At ako? Ako ang kasama mo sa dream house mo? Sa future mo?” Di makapaniwalang tanong ko.

“Bakit, hindi mo ba ‘ko nakikita sa future mo?”

* * *


“Magpinsan ba talaga kayo ni Naz?” Di ko inaasahang tanong sa'kin ni Kiko.

Narito ulit kami ngayon sa garden slash restaurant nila. Kani-kanina lang ay nagpaalam si Heather na lumayo para sagutin ang tawag sa flipphone niyang halata kong kanina pa buzz ng buzz. Kaya naman kaming dalawa lang ngayon ni Kiko ang naiwang naglalakad-lakad sa garden.

“To be honest, hindi.”

“Sabi na e. Girlfriend ka niya 'no?” May pagka-usisiro din pala 'tong lalakeng 'to.

“Hindi.” Hindi pa.

“Kilala ko si Naz. At halata kayang gusto ka niya.”

“Ba’t mo naman nasabi yan?”

“Beni-belong ka niya sa mga kakilala niya. Kitam? Pinagtatagalog niya kami para lang di ka ma-OP sa bawat usapan. Tapos kada hihingi'n ko number mo, di okay sa kanya. Nakakatawa.”

“Ano bang pagkakakilala mo kay Heather?” Sa ganitong paraan, mas makikilala ko ang isang tao base kung paano siya i-describe ng ibang tao.

“Mabait yun si Naz. Weird nga lang ng sense of humor, pero okay siya. Saka pag naging kayo no'n, wala kang pagseselosan  kasi di yun mahilig sa tao. Baka nga ang maging karibal mo ey yung mga artistic hobbies niya.” Mahina ulit itong natawa sa huling sinabi.

Bago pa man din ako makapagsalita ay napahinto kami nang makita si Heather. Sa paglalakad-lakad kasi namin ni Kiko ay di namin inaasahang makasalubong ang pinag-uusapan. Hindi niya kami napansin kasi abala siyang nakikipag-usap sa phone at nakatalikod pa mula sa'min. Hindi ko maintindihan ang naririnig kong gamit niyang salita kasi parang foreign language.

Napakibit-balikat lang din si Kiko nang tingnan ko ito upang itanong kung nauunawaan ba niya. Hindi na lang kami nagpahalata pa at lumayo na sa kinaroroonan niya.

Sa mga gano'ng pangyayari, hindi ko na naman maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Ayaw niya 'kong ma-out of place kila Kiko, para i-belong ako sa kanila o patunayang wala siyang tinatago? Pero bakit ngayon kailangan niyang lumayo para kausapin kung sino man yung tumawag. Ayaw niyang marinig ko? E ano naman kung marinig ko, hindi ko naman naiintindihan. Dobleng pag-iingat na yun kung meron man siyang itinatago sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.5M 58.2K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...