Ang Girlfriend Kong Tomboy

By PursuingMyHappiness

3.1K 269 201

And now paano ko mapapasaakin ang babaeng hindi ako pinangarap lang man ni sa panaginip ? But I assure her... More

Ang Girlfriend Kong Tomboy
Chapter One
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourtheen

Chapter Thirteen

65 4 3
By PursuingMyHappiness

Chapter Thirteen

"Hello?"

"Hello this is Araya I would like to know if you are now available for our job interview tomorrow?"
Ano raw? Araya? Job Interview? Sino ito?

"Po? Araya? Ano pong job interview?" wala naman akong natatandaan na aattendan ng job interview eh at the same time ni hindi nga ako nag-aapply.

"This is from Gonzales Group of Companies and you were scheduled an interview last week but you failed to attend it so I would like to ask if you are now available for tomorrow?" It really creeping me out. What is she talking about? Baka wrong number lang.

"I'm sorry Miss Araya but I think you called a wrong number. I'm not actually applied on your company."

"Oh really? I'm so sorry. I thought you are Miss Maria Victoria Louise Penefrancia Gonzales. I'm so-"

"Wait po?!" Pangalan ko nga iyon pero bakit may Gonzales?

"Yes po?"

"Pa-pangalan ko nga po iyon p-pero bakit may G-Gonzales siya?"

"So you are Miss Gonzales. If you want us to answer your questions. You can directly go to our office and attend your scheduled interview tomorrow." and she hang up the phone yet I still don't have idea about what is she talking about.

I received a message and it was her again sending the address of her company raw. It was in Makati City.

Hindi ko maintindihan una saan niya nakuha ang number ko, pangalawa ang job interview raw na ito, pangatlo bakit alam niya buong pangalan ko plus the fourth one is naging Gonzales na agad ako bigla-bigla. Teka baka may kapareha lang talaga ako na name na Gonzales ang surname niya pero napaka-ewan naman nun na three words ang name ko at pati ang penefrancia ko ay gamit rin niya. This is really weird.

Pagkatapos ko kumain ay dumiretso ako ng sinehan at gusto ko tapusin ang Insurgent na di ko natapos. Para bumaba na rin ang kinain ko. At dumiretso ako sa supermarket na at namili ng mga food stocks sa bahay. Buti na lang Mom never forgot the budget for that kaya pagcheck ko sa atm ko ay nakapagpadala na siya ng allowance sa akin at yun ang ginamit ko sa pagbili ng mga stocks.

Alas-sais na ng matapos ako madilim na rin ng tuluyan na nakauwi ako sa bahay. Still di pa rin nawala sa isip ko ang job interview kuno na ito. If I have a job interview tomorrow, should I ready my things to wear tomorrow? Even if I didnt know kung anong klaseng job interview ba yun. Aba siguraduhin lang nila na legit ito at kapag niloko nila ako. Pagsusuntukin ko sila lalo na yung Araya na yun na pangalang bundok. I am well-trained martial arts second class kaya umayos sila.

Wala rin akong nagawa sa pakikipagtalo sa utak ko kaya inayos ko na rin yung mga susuotin ko bukas and since the interview schedule is at 9 am at 1 pm pa naman ang class ko tomorrow kaya no worries.

***
~insert Alarm Clock Tone

Napabalikwas ako ng tayo dahil sa maingay kong alarm clock. Napatayo ako at inabot ang maingay na alarm clock sa taas ng cabinet at in-off ko ito. Naalala ko ilang alarm clock na ang nasira ko dahil sa itinapon ko ito pag naiinis ako pag nagwawala ito at nasa lamesa malapit sa higaan ko lang naman ito nakalagay kaya madali ko siya mabato lalo na pag di ko mai-off kasi di pa nakabuklat ang mata ko sa sobrang antok and it turns out late ako nasiraan pa ako ng alarm clock. Kaya inilalayo ko na ito sa akin na tipong kailangan kong tumayo para mapatay siya dahil hanggat di ako nagigising at tumayo di rin titigil siya.

Three minutes na palang nag-ngunguwa ito. Kaya pumasok na ako agad sa banyo at maligo para mas lalong magising ang diwa ko. Saglit lang ang ginugol ko sa CR dahil hindi naman ako nagbawas kaya 20 minutes lang ay natapos na ako maligo. Kinuha ko ang nakasampay na damit na inihanda ko kagabi. Suot ang isang loose white top na itinack-in ko pa sa isang pencil cut skirt ko na si Mommy pa bumili. Ang laman ng mga closet ko ay halos mga ganito. Ni pati ang mga slacks ko ay itinago niya at di ko alam saan nilagay kaya pag mga formal ay usually dresses at skirts ang gamit ko talaga.

And I just put some foundation in my face and a lip balm para kahit papaano ay mag-glow ng kaunti ang mukha ako. Yun ang sabi ni mommy pag mga normal days daw dapat ganun ang mga nilalagay lang pero not for me, normal days is wala dahil pulbos sapat na kaya pag mga ganito okay na yung mga yun. Inilugay ko lang ang di masyadong mahabang buhok ko at inubos ang chocolate drink na itinimpla ko kanina and I'm ready to off. Nagbigay ako ng 2 hour allowance para sa pagbiyahe dahil rush hour ang 7 am onwards kaya pag isang oras ay di kakayanin. Makati pa naman yun at nasa Paranaque ako ngayon.

Dala ang lumang sasakyan na bigay sa akin ni Mommy. Dumaan ako sa pinakamalapit na Fast food chain at nag-drive thru ako. Di kasi ako nakakain at tanging chocolate drink lang ang ininom ko. Nakakahiya naman kung tutunog ang nagrereklamo kong sikmura especially sa mag-iinterciew sa akin.

Napaisip ako. Di ko alam  kung anong klase ba ang ijojob interview ko. Kinakabahan ako dahil it is my first time na mag-job inteview kasi laging school interview lang lagi ang meron ako. I know na pa-fourth year na ako at mag-oojt na ako pero di pa naman kami masyadong sinasanay ng mga Professor namin sa mga ganun.

Nakarating ako ng 8:25 am sa office nila pero bago yun ay nilamon ko muna  ang binili kong burger kanina para sa umagahan ko at ng pumasok ako ay una kong tinanong kay Kuya Guard kung nasaan ang CR dahil magtotoothbrush ako. Mahirap na baka sensitive ang ilong ng makausap ko at maamoy pa sa bungana ko ang burger na kinain ko. Hygiene pa lang bagsak na ako. It's a No no for me. Nakakahiya. Naglagay uli ako ng foundation at lip balm para ano ba tawag doon re? re? ah retouch. Tawag ni Mommy pag magmamake up ka uli pero kaunti na lang para di lang masira ang make up daw at magfade ang mga ito.

Nang matapos ako ay tumungo na ako sa receptionist na nasa unang part ng company. Nai-describe ko na ba ang company na ito? Actually I think this is a 10 to 15th floor building ata ito. Nasa bandang gitna ito ng Makati City at nakikipagpaligsahan sa ganda ng structure ng mga buildings dito. Kung maganda ito sa labas mas bongga sa loob nito. Para akong nasa 5-star hotel dahil malaki ang lobby niya at may sobrang laki ng waiting area.

Doon sa babae na I assumed is receptionist nitong hotel ay tinanong ko kung pwede ba kay Miss Araya the secretary of the President. Yan ang nakalagay sa text niya na hanapin ko daw siya and if they ask me why ay sabihin na for a job interview scheduled for today. At pagkasabi ko naman yun ay tumawag agad siya sa isang telephone at ngayon ay kausap niya na siguro si Miss Araya on the phone.

"Ma'am, Miss Penefrancia is here. She is looking for you for a job interview today."

"....."

"Okay Ma'am." and she hang up the phone.

Ngumiti siya sa akin. Actually napaka-gentle ng ngiti niya. Nakakahawa tuloy.

"Ma'am Araya is actually waiting for you Miss Penefrancia. She's in the 12th floor of this building. She has a small open office room there and you can approach a petite lady there."

"I see that. Thank you." At paaalis na sana ako pero napatigil ako ng tinawag niya uli ako.

"Yes?"

"You cant use those elevators in the right since the floor is only for Basement Floor to 10th Floor. So there's a room with a silver door in left side of this building beside a staircase room. And that elevator is only for our executives and their secretaries."

Naguguluhan ako pero nag-nod at nagthank you na lang ako sa kanya. Madali ko natunton ang silver door at katabi nga ng staircase room ito. Pumasok ako at may dalawang elevator nga dito. Pumasok ako sa isa at napaka-elegante rin ng loob nito. Tama nga si Miss hanggang 13th Floor and siniserve ng elevator na ito kaya ipinindot ko ang 12th floor. Hanggang 13th pala ito at nasa bandang taas ang floor nila Miss Araya pala. Ano kaya ang nasa 13th?

Nakakapagtaka lang din bakit sa executive elevator ako ipinasakay given the fact na ito lang ang elevator na nagseserve ng higher floors. Pero di ba pwede naman sa ibang floor na lang since I am just here for an interview. Ganito rin kaya ang ginagamit ng mga nag-aapply dito? Actually di naman talaga ako nag-apply. Nakakaloka lang talaga.

Ting*  Huminto na ang elevator sa 12th floor at bumukas at bumungad sa akin ang napaka-gandang 12th floor. Sinabi ko ba kanina na pang 5-star hotel ang lobby dito sa 12tg floor pang 7th-star hotel ito sa ganda.. I'm not really good on describing structural things pero masasabi ko milyon ang presyo ng interior design nito.

I look for a small open room dito na office raw ni Miss Araya. Parang wala naman ditong small room pero may open office pero not totally open. Magmumukha lang itong open kasi salamin ang pagitan nito na makikita sa labas. Nakita ko na nakangiti siya at ngumiti rin ako. Di ko alam kung si Miss Araya ito pero kung hindi itatanong ko na lang ulit kung nasaan siya. Nakita ko na naglalakad na siya patungo sa akin habang ako naman ay lumakad papuntang parang waiting area nila dahil may magandang sofa set at table doon.

"Miss Gonzales! You're finally here. You're so early." Sabi pa niya ng tuluyan na siyang nakarating sa harapan ko.

And ayan na naman siya sa Miss Gonzales niya. The hell I'm not Miss Gonzales, Penefrancia! And tama siya maaga nga ako dahil 8:42 am pa lang and it is according to the not so big wall clock dito.

"I'm sorry but I'm not Miss Gonzales, I'm Maria Victoria Louise Penefrancia."  pagkukumpleto ko pa sa pangalan ko. Maganda ng malaman niya ang tunay kong pangalan kesa kung anu-ano pangalan ang tinatawag sa akin.

Ngumiti lang siya sa akin na mas kinatakot ko.

"You can take your seat here for awhile and I'll just ready the room for your interview. Anyways, do you want anything? Drinks?"

Lahat ba ng nagpapa-job interview inaalukan ng maiinom? Hala hindi ko alam kasi since una pa lang ito.

"Ah no thank you. I'm okay." mahirap na baka singilin ako dito o kung ano man ang ilagay doon. Hehe nag-iingat lang.

"Alright. Just wait me for a couple of minutes." I just nod at tumungo siya sa malaking room na parang 2/5 ang part nitong room na ito.

Nagcheck ako ng phone ko baka tumawag si Mommy at di nga ako nagkakamali tumawag si Mommy just 8 minutes ago and ....

*insert ringing tone

"Mommy! I'm sorry I wasnt able to answer your call." bungad ko agad sa kanya baka mapagalitan na naman kasi ako.

"It's okay baby. Anyways I received already the baggage and thanks to you, you put all my needed things here neatly."

"Wow talaga? Ang bilis naman ata mommy?" Tanong ko dahil kung pinaship ito usually it will take days pa di ba?

"My secretary went here at isinabay sa baggage niya and he arrive just 2 hours ago." Oh that explains that.

"Anyways have you eaten your breakfast na?"

"Yes mommy!"

"Oh what is your breakfat honey? I remember we didnt buy stocks since I got a urgent meeting that time."

"Ah about that I already bought yesterday after dumating ng secretary mo and I just bought in a nearby fast food chain a breakfast since I'm in a hurry."

"Why you're in a hurry? You're class today will be at 1 pm right?" she asked out dahil alam ni Mommy ang schedule ng mga klase ko dahil minsan nagsusurprise visit siya pag-umuuwi from other country.

"Yes Mom my class will be at 1 pm but I have an early schedule Job Interview today."

"Did you apply for a job honey? Why do you have a job interview and .... wait what is the name of the company you applied for?" tulad nga ng inaasahan ko ay marami ang tanong ang ipinukaw niya sa akin.

"Hindi nga ako nag-apply Mommy nagulat na lang ako ng tinawagan ako na may job interview daw ako. I think ano ba yung name na yun..." narinig ko na napatahimik si Mommy at parang naghihintay rin ng isasagot ko. Napansin ko rin ang pagbalik ni Miss Araya pero di na siya galing sa malaking room pero doon sa pangalawa sa malaking room dito. Siguro may connecting door sa loob nun kaya doon na siya lumabas sa isa. May sinasabi siya pero di ko naumpisahan dahil yung utak ko magulo at maingay.

"Pardon?" tanong ko habang inilayo ko muna ang cellphone sa akin.

"The President is waiting for you." I just nod at ngumiti sa kanya.

Ibinalik ko ang cellphone ko at naririnig ko si Mommy na nagdadaldal na at kung anu-ano sinasabi di ko maintindihan kasi nga di ba inilayo ko siya kanina.

"Mommy I'll hang up the phone muna. The President is waiting for me na daw. And natatandaan ko na ang company nila, Gonzales Group of Companies. Babye Mommy take care and  I love you." And I hang up the phone na. At inilagay ito sa sling bag na dala ko. Nakakahiya sa President dahil ako pa talaga ang hinintay...

P-pero...

'The President is waiting for you.'

'The President is waiting for you.'

'The President is waiting for you.'

B-bakit P-Presidente? S-siya ba ang mag-iinterview sa akin?

"Miss? Are you okay?"

"Ay President!" sigaw ko dahil sa pagkagulat.

"Yes actually he's actually waiting for you in the conference room na for your interview." Naguguluhan talaga ako. Ibig sabihin ang Presidente talaga ang mag-iinterview sa akin? Is it normal for this kind of company?

"Miss Araya is the President will be the one who will interview me?" I asked out na agad baka mali lang pala ako at nag-aassume lang. Sabi ng Professor ko sa English huwag daw mahiyang magtanong kung minsan because it will give us information para hindi naman daw tayo mashock pag andun na sa situation.

"You'll see it." At naglakad na siya papuntang Conference Room ata yun.

Anak naman ng ano oh!! Ano ang gagawin ko pag you will see it ang sagot sa akin? Edi self experience na siya?! Dapat pala talaga bago ako pumunta dito ay nagresearch ako ng kaunti about being in a job interview para hindi ako boplaks dito.

Basta gagalingan ko! Aba mahirap na baka isa lang sa mga Professor ko ito at tinitest lang kami at araw ko ngayon. Hayy naku. Maitext nga mamaya ang mga kaibigan ko baka tulad ko magulat sila na next na pala sila.

Sinundan ko si Miss Araya na nakapasok na pala ng room na iyon. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng conference siguro na room na ito at ramdam ko agad ang malamig na hangin na nagmumula sa isang malaking split type aircon dito.

"Miss Gonzales.."

"Ay aircon!" Anak naman ng ano ito si Miss Araya bakit ang hilig manggulat. Ano ba naman kasing di pa totally nabubuksan ang pinto at bumungad ang mukha niya from the dark dahil medyo madilim ang room na ito at nagsalita agad siya. Sino ang di magugulat doon.

"Hahaha.." narinig ko ang tawa na mula sa unahan ng room. Di ko masyado makita yung tao dahil medyo madilim nga lalo na sa part niya pero alam ko lalaki dahil sa pigura niya at sa malalim na boses niya. Bakit siya tumatawa?

Tuluyan na ako nakapasok ng room at siya ring pagtigil ng tawa ng lalaki sa unahan. Ginabay ako ni Miss Araya sa isang upuan at umupo na rin ako.

"I like you."

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
12.1M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...