In-LABabo With Mr. GAY Manage...

By JustALittleGirl07

23.5K 756 57

I'm Ylissa Ellaine Yu and I'm In-LABabo with Mr. GAY Manager. *Ylissa Ellaine Yu*Franco Ruiz Lorenzo* More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Epilogue

Chapter 4

3K 113 6
By JustALittleGirl07

Franco Ruiz Lorenzo's P.O.V

Kanina ko pa inaantay yung merlat na yun. Bakit ba ang tagal niyang umuwi. Kanina pa aketch pabalik balik sa paglalakad. Dehins lang lang aketch ininform kung where na siya. Pero nagulat na lang aketch ng may magdoorbell. Dali dali naman akembang nagbukas sa pagaakalang si Ylissa ang nasa pintuan pero nagulat aketch ng salubungin ako ng yakap ni Josh. Anyare?

"Franco, may dahilan na ako para hindi pakasalan si Nicole." Sabi ni Josh. May tuwa sa boses niya. Pinakawalan din niya aketch kaagad. Halos mapunit naman ang ngiti ni Josh.

"Really? Pero bakit mo naman aayawan pakasalan ang merlat na 'yon? Mabait naman ahh." Sabi ko. Yung ngiti niya napalitan ng lungkot. Pero bago pa man makasagot si Josh ay narinig kong tumunog yung elevator kaya napasilip ako.

"Ylissa, sa susunod wag ka ng iinom." Medyo pamilyar yung boses nung hombre. Napakunot noo ako ng makitang lungayngay na ang merlat na yon! Na sight kong tumawa ang merlat.

"Mesherep keyeng mag nomnom! Haha!" Sabi nito habang tumatawa. Napairap na lang ako at lumabas para salubungin ang merlat.

"Hey, where did you go?" Tanong ko sa babae. Hindi ko pinansin yung lalaking itey. dehins ko siya bet. Kaazar. Napatingin si Ylissa sakin. Medyo mapungay na ang mga mata dahil sa kalasingan.

"Uyy! Nandyan ka pala? Kasama mo na rin pala si boyfie mo! Hehehe! Edi masaya na siya, uyy! Hahaha!" Sabi niya habang tumatawa. Napailing na lang aketch bago kargahin ang manang. Tila pa nagulat yung lalaki. Wala akong pake sa kanya. Pwe! Tinalikuran ko na siya, baka kasi magwala yung kamao ko at dumapo sa mukha niya. May hitsura pa naman.

"Where are you going to take her?" Tanong nung guy. Napairap naman ako bago tumingin sa kanya. Nakakunot noo ito.

"To my unit." Sabi ko at tinignan ko ang merlat na nakasandal na sa dibdib ko bago ulit dun sa guy. "She trust me na wala akong gagawin sa kanya. Dyan ka na." Sabi ko tapos ipinasok ko sa unit ko si Ylissa. Tinignan ko muna si Josh na seryosong nakatingin sakin. Problema nito?

"Bukas na lang tayo mag-usap, Josh." Sabi ko at isinara ko na yung pinto. Hay, nako! Saan ba nagsusuot ang babaeng itey? Amoy alak! Inihiga ko siya sa kama ko.

"Hmm..." umayos siya ng higa. Naka-uniform pa ang babaeng itey. Kumuha ako ng bimpo sa cabinet ko at kumuha din ako ng palangganita. Nilagyan ko ng malamig na tubig yung palangganita at itinabi ko sa side table. Pinunasan ko ang babaeng 'to. napatingin naman ako sa Mukha niya.

Bahagyang nakabuka ang mga labi niya. Hindi ko namalayan na napakagat ako ng ibabang labi ko.

*dug*dug*dug*

Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Parang, kakaiba. Oo kakaiba naman talaga ehh. Dehins ko pa 'to naramdaman kay Josh kapag titingin ako sa mukha niya. Oh may gash! Di kaya may sakit ako sa bato? --este sa puso?

"Hmm.." napaside view siya ng higa at nakaharap sakin.

*dug*dug*dug*

Ano ba 'tong nararamdaman ko? It started to happen nung nagpunta kaming dalawa ni Ylissa sa tabing dagat.

*Flashback*

Parehas na day-off namin ni Ylissa. Bawat isang linggo, may day-off kaming isang araw. At napagdisisyunan namin na magpunta sa tabing dagat na malapit sa condo unit na tinnirahan namin. Magkatabi lang ang unit naming dalawa at dehins ko inaasahan 'yon.

"So, this past few days naging close din tayo." Sabi ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Eto na rin ba ang treat mo sakin sa pag-iwan mo sakin sa Front desk at harapin ang 'Fiancèe' mong warfreak?" Tanong niya. Nailagay ko ang kamay ko sa baba ko. Yung index finger at thumb na nakahawak sa baba ko. Yung parang nagiisip ganun.

"Well, pwede na rin naman. Ay!  Gusto mo ba may chibog?" Tanong ko. Tumawa naman siya. At umiling.

"Nah, its fine. Kumain na lang tayo later but KKB tayo. Kahit naman na you're a Guy, you're a girl at heart." Sabi niya sabay ngiti sakin. Pero may kakaiba sa ngiti niya. Parang... Parang...

*dug*dug*dug*

Parang ang gumanda ata siya sa paningin ko? Oh may gash! What's happening to this world este to this heart?

"Ohh! Wait, wag kang gagalaw!" Sabi niya. Napakunot noo naman ako.

"Why?" Sabi ko. But not in my Gay tone but my Guy tone. Napakunot noo din siya.

"What's with the tone?" Tanong niya sakin tapos naka pout pa siya. Napataas naman ako ng kilay.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko sa kanya. Tinuro niya yung sa mga paa ko. Nakayapak kasi kami. At...

"May talangka sa paa mo." Sabi niya. Sh*t?!

"KYAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko(or tili) at napatago ako sa likod niya. Sh*t talaga! Takot akembang sa talangka.

"Bwahahaha." tawa niya. Kaya tinulak ko siya. Inis naman ehh.

"Langya ka, Friend! Papatayin mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. Napasapo ako sa dibdin ko. Namang babaitang 'to. Kaazar .

"Ang laki mong tao, takot ka dyan? Hahaha." Sabi niya habang natatawa. Sinabunutan ko siya.

"Gaga! Ehh sa takot akong masipit niyan ehh!" Sabi ko. Tumingil naman siya sa pagtawa niya pero hindi nawawala yung ngiti niya.

"Ang cute mo! Kaazar ka!" Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero...

Naginit...

Naginit ang mukha ko...

Napatakip ako ng bibig ko...

Shemay! anetch itey?

*blushing*

*dug*dug*dug*

"Ohh bakla, bakit ka namumula?  Ayos ka lang ba?" Tanong niya na nag-aalala. Shemay talaga. Tumalikod ako. Di ko alam pero... Shems... ano ba 'to?

"A-ayos lang a-ako?" Sabi ko. Parang di ata ako sure sa sagot ko.

"Sure ka ahh... Baka namimiss mo lang yung Josh. Nagpunta na ba kayo dito?" Tanong niya. Napalingon ako at nakatingin siya sa dagat sabay tingin sakin ng seryoso. Napaseryoso na rin ako.

"Ahh..." hindi ko alam ang isasagot ko. Actually, siya pa lang ang nadadala ko dito. Dadalin ko dapat si Josh dito sa monthsary namin pero dahil unexpected ang nangyari samin kaya hindi na natuloy.

"Wag mo ng sagutin. Baka masaktan ka lang. Pero alam mo, sabi ni Dad sakin... Kung may aalis, may darating. Kung siya ay better, meron namang best." Sabi niya tapos ngumiti sakin.

*dug*dug*dug*

"Ibig sabihin, kung siya ang better, may darating na best para sayo. Wag kang magmadali, darating din siya in God's perfect time." Sabi niya at tumingin sa dagat.

Her hair swayed when the wind blows. In her eyes, I can see the reflection of the sea waters. It sparkled like it was meant to be like that. Like a goddess who looks down on you, with love and happiness.

Sh*t?! What?

*dug*dug*dug*

Ano bang kinain ko kanina? Baka highblood ako?

*End of Flashback*

Simpleng galaw niya na kakaiba sa paningin ko. Namumula ako. Kagaya na lang nung kaninang umaga. Shems! Pagnaiisip ko yun, hindi ko mapigilan makaramdam ng pagiinit ng mukha ko.

Hindi kaya...

Magkakasakit ako? Haluh?

Napatingin ako sa mga labi niya na tila nangaakit. Oh may gash! Mga Dyosa ng bakla! Anetch ang nangyayari sa aketchi!lumapit ang mukha ko sa kanya para makita lang ng maayos ang mukha niya pero...

Wahhhhhh!!! Sh*t!

Napatakip ako ng bibig ko. Gumalaw kasi siya at dahil malapit ang mukha ko sa kanya...

Sh*t?!

Pero ang lambot at masarap... Wahhhh!!! Erase Erase!!!

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko kaya napatakip ako ng mukha.

"Tsk..." umupo ako sa kama ko at napasapo sa ulo ko. Masyadong napadami ata ang inom ko.

"Ohh, gising ka na pala." Narinig kong may nagsalita sa tabi ko kaya napalingon ako. Si Franco. Napakurap ako.

What?!

"AHHHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw ko at napataklob ako ng kumot.

"Anetch yan girl? Multo ba ang mukha ko?" Tanong niya.

"Anong ginagawa mo sa unit ko?" Tanong ko. Hindi ko natatandaan na pinapasok ko siya. Wait? Wait? Wala akong matandaan sa nangyari kagabi.

"Teh, unit ko 'to. Dito ka dumiretso kagabi." Sabi niya. Napakurap na lang ako. Teka nga? Oo hindi ko nga Ito kama. Blue ang kumot ehh, cream ang kumot ko. Tinanggal ko ang pakakaka talukbong ko at tumingin sa kanya. Pero isang malaking PERO!

*Blush*

"Wahhhhhhhhh!!!" Sigaw ko na naman at tumalikod sa kanya. Pano ba naman. Nakalabas ang... Ang... Pandesal niya at naka boxer lang siya! Nakakatakam --este nakakasura!

"BAKIT BA! KANINA KA PA SUMISIGAW AHH -- F*CK?!" Sabi niya sabay alis niya sa kwarto. Ako naman napalingon at ng makitang wala na siya tsaka lang ako nakahinga ng malalim. Grabe. Ang aga! Ang init! Ang init niya! Napahawak ako sa ulo ko. Bigla na namang sumakit. Kainis.

"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang sarili ko. Suot ko pa ang uniform ko sa trabaho.

"Kumatok ka sa pintuan ko. Kasi naman, maglalasing pero hindi naman alam ang ginagawa." Narinig kong sabi ni Franco. Napatingin ako kanya. Naka sando na ito at naka pameywang siya na nakatingin sakin. Pero kita sa mukha niya ang pamumula ng pisngi nito. "Uli-uli, pag hindi ka sanay uminom wag kang uminom." Sabi niya. Napasimangot ako. Para siyang si Mommy pero... Napangiti na rin ako. Concern si Bakla sakin.

"Pero ang alam ko tinawagan ko si Jerrald para ihatid ako sa unit ko." Sabi ko. Nakita kong sumimangot si Franco. Napakunot ako. Anyare sa lalaking 'to?

"Wala! Walang naghatid sayo!" Sabi niya sabay alis. Napahilamos na lang ako ng mukha. Ang weird naman niya. Tumayo na ako at napansin ko yung Cellphone ko sa bedside table. Nagcheck ako ng messages ko. Puro si Carlie ang nagtext.

From: Bebe Carlie

Kamusta na, girl? Nasa unit mo na ba ikaw?

Tulogs ka na ba, beh?

Uyy! Di ka na sumasagot?

Sino yung kumuha sayo? Sabi ni Jerrald may nagbuhat sayo at dinala ka sa unit niya! Sino yun? Akala ni Jerrald kakainin siya ng buhay ehh!

Huh? May nagbuhat sakin? Sino? Si Franco? Napakurap naman ako. Pero diba ang sabi ni Franco walang naghatid sakin? Ang gulo nila. Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila. Tsk. Tumayo na ako at sinuot ko yung sapatos ko habang nakahawak sa ulo ko tapos lumabas sa kwarto ni Franco. Pagkalabas ko nakita ko si Franco na naghahanda ng agahan. Pumunta ako sa lamesa at kumain. Masakit pa rin ang ulo ko. Kaya habang ngumunguya ay nakahawak ako sa ulo ko.

"Bago ka bumalik sa unit mong babae ka, kumain ka muna. Dyan ka lang, kakausapin ko lang si Josh sa Rooftop." sabi ni Franco. Tahimik lang akong kumain at hindi ko siya pinansin. Dahil siguro hindi ako sumagot tinapik niya ako. "Narinig mo ba ako?" Tanong niya. Tumango ako at kumain ulit.

"Oo na, sige na baka importante ang pag-uusapan nyo." Sabi ko sa kanya. Naramdaman kong umalis siya at lumabas na ng unit niya. Tinigil ko yung pagkain ko. Tapos huminga ako ng malalim feeling ko ang hirap huminga. Tinapos ko na ang pag-kain ko at hinugasan na iyon. Sumasakit pa rin ang ulo ko pero pinilit ko ang sarili ko na bumalik sa sarili kong unit at doon na lang ipinagpatuloy ang pag-papahinga ko. Pati na rin ang walang patid kong pag-iyak sa pagkasawi ng una kong pag-ibig.

"I hope you'll be happy, Franco." Sabi ko at mapait na napangiti. "Sa piling ni Josh." Ibinaon ko ang ulo ko sa unan ko at umiyak ng tahimik. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman at umupo sa kama. Tinignan ko yung tumatawag.

Its Dad.

Sinagot ko naman. Kaagad.

"H-hello?" Nagaalinlangan na pagbati ko. Nakarinig ako ng pag-singhot sa kabilang linya.

"Anak..." nanginginig na boses ni Daddy. Napakunot noo ako.

"Daddy, ayos lang ba?" Tanong ko. Narinig kong umiyak na ng tuluyan si Daddy. Napangiti ako.

"Anak! Umuwi ka na!" Sabi ni Daddy habang umiiyak. "Anak, umuwi ka na. Sorry na!" Naririnig ko ang boses ni Mommy. Napangiti ako. Namimiss ko na rin sila. Gusto ko na rin umuwi.

"Sige Mommy. Sunduin nyo na ako dito." Sabi ko. Tumigil sa pag-iyak si Daddy.

"Talaga anak? Uuwi ka na? Nasan ka na ba? Pupuntahan ka namin dyan anak." Sabi ni Daddy.

"Nasa Subic po ako, Daddy." Sabi ko naman at nahiga sa kama.

"Pupunta na kami ng Mommy mo dyan. Intayin mo kami ahh." Sabi ni Daddy. Napangiti na lang ako. I'm a daddy's girl. "I miss you, princess." Sabi ni Daddy.

"I miss you too, Daddy. I will wait for you." Sabi ko. Ibinaba na ni Dad yung tawag. Huminga muna ako ng malalim bago ibaba ang cellphone sa higaan ko. Napatingin ako sa orasan ko na nasa bedside table. Mga hapon na sila darating dito.

And I decided to marry Giordano. And I will follow Mommy na lang. Ipipilit pa rin naman niya din sakin in the end.

I hope masaya na si Franco ngayon.

Franco Ruiz Lorenzo's P.O.V

Pumunta aketch sa rooftop dahil gustong makipag-usap ni Josh sakin. Pero ngayon ang inaalala ko ay si Ylissa. Bakit naman naglasing ang babaeng 'yon kagabi? At sino yung nag-hatid sa kanya kagabi? Ugh. Pag na aalala ko yubg lalaking yun ay nagiinit ang ulo ko at gustong kumawala ng kamao ko at dumapo sa mukha niya.

"Franco..." narinig ko ang boses ni Josh kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sakin.

"Anetch ba ang sasabihin mo, Josh.?" Tanong ko sa kanya. Pero nakakapag takang kagabi ay ang ingay sa unit nila ni Nicole. Parang nag-aaway ata sila.

"Franco. Sorry, I should not agree with my parents when they ask me to marry Nicole." Sabi ni Josh. Napataas naman ako ng kilay. Ano bang pinagsasabi nito.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Nakikita ko naman silang masaya ni Nicole and wala akong balak nansirain yung sayang meron sila. Kahit na masakit pero hindi naman gaya noon na sobra. Minsan medyo nakakaselos at nakakairita pero konti na lang naman.

"I want you back, Hon." Sabi niya sabay ngiti. Napakurap ako. Wait? Tama ba ang rinig ko? He wants me back? Napanganga na lang ako.

"W-what?! What about Nicole?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang gulat na expresyon ko sa mukha. Umiling siya.

"She Cheated. And she's also pregnant with someone else. The important thing is meron na akong rason para hindi ituloy ang kasal naming dalawa." Sabi ni Josh. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Pero nung hawakan niya ang kamay ko bigla akong... Ewan... Nandiri?

"Ahh... Josh..." panimula ko tapos pasimpleng kong hinatak ang kamay ko mula sa kanya. "Ano kasi... p-pwede... Pag-isipan ko muna? Hindi kasi madali ang gusto mo. Nasaktan ako sa nangyari satin." sabi ko sa kanya. Napakunot noo naman siya pero tumango din.

"I understand." Sabi niya tapos ngumiti. "I hope you can still accept me. Mahal pa rin kita, Franco. Pinakisamahan ko lang si Nicole dahil nga ikakasal kami. Ikaw pa rin." Sabi niya sakin ng seryoso. Tahimik na lang aketch. Diba dapat maging masaya aketchi diba? Pero bakit wala akembang maramdaman? Tumalikod na aketch sa kanya at bumaba na para pumunta sa unit ko. Pero hindi ko na naabutan ang merlat na yun. Nagbihis muna ako tapos lumabas ako katukin ang unit ni Ylissa. Bumukas din naman kaagad at nakangiting Ylissa ang sumalubong sakin.

"Ohh... Ikaw pala, kamusta naman?" Sabi ni Ylissa ng nakangiti.

"Gusto mo bang lumabas? Its our day-off rin naman. And may pag-uusapan tayo." Sabi ko. Tumango siya.

"Magbibihis lang ako." Sabi niya at hinayaan niyang nakabukas yung pinto. Pumasok naman aketch at isinara yung pinto at umupo sa sofa. Nanuod ako ng T.V. habang inaantay siya. Naramdaman kong bumukas yung pinto ng kwarto niya kaya napalingon ako. She's wearing a black long sleeve and short shorts pero yung hindi naman sobrang ikli na parang underwear na. Nakapusod ang buhok niya at naka ruber shoes. Hapit sa katawan yung damit niya ay kita ang curves niya in right places.

Napalunok ako. She's soo....

Hot & sexy...

Sh*t?!

"Well, how do I look?" Tanong niya sakin ng may ngiti. Napaiwas naman ako ng tingin. I felt my face warm up and my heart... Goodness! Its like a galloping horse.

"N-not bad. Pero 'teh! Ang ikli ng shorts." Sabi ko. Narinig ko naman na natawa siya.

"Well, That's fine. Matchi-match tayo." Sabi niya. Tinignan ko ang sarili ko. Yeah, we're wearing the same. I"m wearing black long sleeves and a Shorts that reached my knees and rubber shoes. Ngumisi na lang akembang.

"Let's go?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

"Tara!" Sabi niya at lumabas na. Pumunta kami sa isang zoo doon. Actually this is where Josh and I went to on our firat date. Hindi naman sa gusto kong tandaan si Josh, I want to take Ylissa here too. I just don't know why.

"Wow! This place is so big!" Manghang mangha si Ylissa sa nakikita. Maganda naman kasi ang Zoo na 'to. Well maintained and animals here are so friendly and cute.

"Yes, its quite amazing. This is the first place I visit nung dito ako nagtrabaho sa Subic." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin at nagcross arms.

"Hindi ko pa alam ang storyang yan." Sabi niya at naglakad na para pumasok. We bought tickets at napagkamalan pa kaming mag jowa ni Ateng.

"You two look good together, sir. Sana maging kayo na lang." Sabi ni ateng sa cashier. Napangiti na lang ako. We look good together? Biglang nag jump ang puso ko. Natuwa siya parang naramdaman kong naginit ang pisngi ko. Pumasok na kami sa zoo at nag-ikot ikot.

"So, what do you want to tell me? Sabi mo may pag-uusapan tayo." Sabi ni Ylissa at humarap sakin habang naglalakad kami siya nakatalikod at nakatingin sakin ng may ngiti. Bigla ulit nag-jump ang puso ko. Naku! May sakit nga ata akembang sa puso. Pag ngumingiti si Ylissa parang... It takes my breath away. Goodness.

"Well..." pinakalma ko ang sarili ko. Chill, Franco. Tumingin ako sa kanya. "First off all, nasan ka kahapon? And who's Jerrald?" Tanong ko sa kanya. Pag natatandaan ko talaga ang lalaki yun, gustong gusto kong sirain ang pag-mumukha ng lalaking yun. Tumalikod ulit siya sakin at humarap sa nilalakaran niya.

"Jerrald is my Bestfriend's Fiancèe, Carlie." Sabi niya. Napatango naman akembang. Okay, binabawi ko na. May Fiancèe naman pala. Pero sino yung sumagot ng tawag ko?

"Sino naman yung lalaking sumagot ng tawag ko?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Siya rin. She likes to fool around. He always does that to those who will call me." Sagot niya at tumingin sa akin. "Why?" Tanong niya. Nagiwas naman ako ng tingin.

"Wala naman. Nagtatanong lang." Sabi ko. "Saan ka pala nagpunta kahapon?" Tanong ko ulit. Tumawa naman siya. Aba? Nabaliw ata si ateng.

"You sounded like a boyfriend." Sabi niya. Namula naman ako. Do I?

"Nagtatanong lang ako! Like a friend!" Dipensa ko. Tumawa lang ulit siya.

"Defensive much?" Pang-aasar niya. Inirapan ko na lang siya. "Nagkita kami kahapon tapos nag-gala. Inikot ko sila dito sa subic, sa mga pinagdalhan mo sakin except sa beach na pinuntahan natin. I want that to be only ours. I mean, tayong dalawa lang ang nakakaalam." Sabi niya sabay ngiti. Why do I always feel like... Happy and contented when I am with her. I feel at peace. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat pa nga siya at tinignan niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya.

"You told me na NBSB ka, so only this day... I will be your boyfriend. Pero ngayon lang ahh." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Sabi mo yan ahh." Sabi niya sakin at hinila niya ako. Nagkwentuhan lang kami ng nag-kwentuhan.

"Why did you Run away from your parents?" She asked me. Kumakain kami ngayon sa isang restaurant na malapit sa dagat.

"Well, my Dad can't accept me na isa akembang sirena. You know, nagiisang anak lang ako, lalaki pa tapos bakla pa. Sinong ama ang hindi magagalit?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Do you have any reason why kung bakit ka naging ganyan?" Tanong niya ulit. Umiling ako.

"Nope. Since birth ata, judeng na akembang. Kaya ayun." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Napainom ako ng tubig. Her smile. Emegerd.

"Ganun pala." Sabi niya sabay inom ng iced tea niya. Ako naman ang nag-tanong sa kanya.

"Well, how about you? Diba nag-run away ka rin?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya. "Why did you run away?" Tanong ko sa kanya. Nagpalumbaba naman siya.

"My Mom want me to marry somebody I don't love. I want to marry someone who loves me not because I'm beautiful but beacuse he loves me for who I am." Sabi niya sakin sabay ngiti.

"NBSB ka pero did you fell in-love?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya pero tumingin siya sa labas ng restaurant kung saan makikita mo ang dagat tapos bigla siyang napangiti.

"Yes, its the best feeling but at the same time it hurts deeply." Sabi niya at tumingin sakin ng may ngiti pa rin sa labi. Pero yung ngiti niyang yun, kakaiba dahil hindi ito umabot hanggang mata na palagi kong nakikita sa kanya. "He's in love with his first love. I can't take his love away from him so I help his first love to get together with him again." Sabi pa niya. Tumango ako.

"Bulag ata siya at hindi ka niya nakikita. He's missing the best thing on his life." Sabi ko sa kanya at ininom yung iced tea ko. Narinig kong tumawa siya.

"Baka nga." Sabi niya. Tumingin naman ako ng diretso sa kanya. Sasabihin ko na ba? Yung napag-usapan namin ni Josh kanina.

"Um... Ylissa?" Tawag pansin ko sa kanya. Tumingin siya sakin.

"Yes?" Tanong niya. Magsasalita na sana ako pero biglang tumunog ang Cellphone niya. May tumatawag. Tumingin muna siya at sumenyas na sasagutin lang ang tawag niya. Tumango lang aketch. Tumayo siya at lumabas ng Restaurant. Sino kaya yun para kailangan pa niyang lumabas para kausapin lang?

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

"Hello, Daddy?" Si Daddy tumawag. Baka malapit na sila.

"Malapit na kami, anak. Sinabi na ni Carlie ang dahilan ng pag-alis mo ng bahay. Wag kang mag-alala, hindi ka na pipilitin ng Mommy ko na pakasalan si Giordano." Sabi ni Daddy. Narinig ko naman na nagprotesta si Mommy.

"Pero, Jackson! Malaki ang maitutulong ng pamilya ni Giordano sa atin." Narinig kong sabi ni Mommy. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Tumigil ka, Mathilda! Kaya umalis ang anak mo ng dahil sa pagpipilit mo sa kanya!" Sagot ni Daddy. "Sige princess, magkita na lang tayo sa tinutuluyan mo okay?" Sabi ni Daddy.

"Sige po, Daddy. Iintayin kita. Paki sabi kay Mommy na... Pakakasalan ko na si Giordano." Sabi ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Mommy sa kabilang linya.

"Talaga anak?" Narinig ko ang masayang boses ni Mommy. Malungkot na napangiti naman ako.

"Yes, Mommy." Sabi ko. Narinig ko ang boses ni Daddy na sinasaway si Mommy. Bahala na kung anong mangyari. Matututunan ko rin naman ding mahalin si Giordano kahit na ganun siya. Bahala na.

"Anak, sigurado ka ba?" Tanong ni Daddy.

"Opo, Daddy. Sige po, ingat kayo ni Mommy. I love you, Daddy." Sabi ko. Narinig kong napabuntong hininga si Daddy. Naririnig ko pa rin ang masayang boses ni Mommy.

"Okay sige, anak. I love you too." Sabi ni Daddy. Dun na rin natapos ang pag-uusap namin. Bumalik ako kay Franco at nakita ko na nakakunot ang noo ng bakla. Hay, mamimiss ko ang baklang 'to.

"Sinetch ang kausap mo, girl?" Tanong niya. Ngumiti lang ako.

"Someone important to my life. Ano nga pala ang sasabihin mo sakin?" Tanong ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sakin.

"Kasi... Diba nagusap kami ni Josh sa rooftop kanina?" Tanong niya. Tumango ako. Tumingin ulit siya sakin at huminga ng malalim. "He wants me back, Besh!" Sabi niya. Ikinuwento niya sakin ang napagusapan nila ni Josh. Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya. I smiled tapos tinapik siya.

"That's great! Buti nagising na rin siya sa katotohanang ikaw pa rin ang pipiliin niya." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Tingin mo, kailangan ko siyang balikan?" Tanong niya sakin. Kunwaring nag-isip ako.

"Bakit hindi? Diba mahal mo naman siya? Atsaka, may chance na kayo ulit bakit hindi nyo pa ituloy?" Sabi ko tapos ngumiti. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Tapos hinarap ko sakin. "Listen to your heart, Franco. Gawin mo ang sinasabi ng puso mo." Sabi ko sa kanya tapos tinapik ko siya sa kanang pisngi niya. Pero hindi naman malakas. "Tara uwi na tayo." Pagyayaya ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo na sa upuan niya. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Sinabi mo yan ahh." Sabi niya sakin ng may kasamang ngiti. Ngumiti na rin ako at maghawak kamay kaming pumunta sa koste niya. At least naranasan kong maka-holding hands si Franco bago kami magkahiwalay ngayon. I will cherish this moment na kahit papaano ay nakaholding hands ko ang unang taong minahal ko. At sana siya na rin ang huli kong mamahalin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/n: I'm not a good writer but i'm trying my best to update my stories... madami kasing tambak na story sa utak ko... huhuhu... samahan nyo akong mag pray na sana....

Sana... madownload ko na ang Descendants of the sun Episode 15... I badly want to watch it... huhuhu...

Salamat sa nagiinatay... xD
@EllieWanderer

Continue Reading

You'll Also Like

42.8K 423 18
um guys thise is alamat like alamat ng isda and maramung pang iba..
193K 6.7K 46
HE WAS A GAY Written by: ImVictorique Book Cover: Mushy23 Gay Series#3 She's a lesbian while he's gay. What will happen if 'LOVE' was on their way...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.8K 152 33
Darrene Lein De Chavez