The Set-Up Wedding [PUBLISHED...

By AnanymouslyInLove

1.4M 15.6K 202

Book 1 is Published. Book 2 will be launched this coming #MIBF 2017 ;) Some chapters are deleted due to stipu... More

A Wedding Surprise
Aklat Awards 2017
Start Reading Here: SUW II - 11 !
SUW II - 12
SUW II - 13
SUW II - 14
SUW II - 16
SUW II - 17
SUW II - 18
SUW II - 19
SUW II - Epilogue
SUW III - Set Up - 20
SUW III - 19
Author's Note
Dedication
Details About the Published Part 1 of the Book
SUW Book Cover (Sneak Peek!)
Book Cover Reveal
Where?
Book 2 is Coming Soon!
Details About the Published Part 2 of the Book
Set-Up Wedding's Playlist
Slum Note: Ellen Claire Estabillo
Slum Note: Jude Castillo
Why I Hate Jude
Bodie Navar
Poll: The Other Love Team
Character Portraits 1 - Ellen
Character Portraits 2 - Jude
Character Portraits 3 - Stella, Bodie & Marco
Character Portrait 4 - Matilda
Character Portraits 5 - Efren
Marco's POV
Character Portraits 6 - Jude's Group
Character Portraits 7 - The Girlfriends
Character Portraits 8 - The Family
Character Portraits 9 - The Supporting Characters
How Jude and Stella Met
SUW Draft Trailer Video
Seven Minutes In Heaven
Seven Minutes In Heaven Preview Chapter
Efren's POV
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...
I've Got A Blank Space, Baby...

SUW II - 15

18.1K 216 1
By AnanymouslyInLove

Dedicated to Yhanne Espeleta from Facebook. Hindi ko malagay yung dedicate FB friend kasi nagtatago ako ng identity. HAHA! But then, thanks for liking my page. :)

CHAPTER FIFTEEN

One week later...

Nakanguso lang si Ellen pagkababa ng cell phone niya sa kama. Wala man lang calls or text galing kay Jude. At hindi ba meeting lang ang pupuntahan nito? Bakit oras ng lunch wala pa ang asawa niya?

Sinubsob na lang niya ulit sa kama ang mukha niya nang may kumatok sa pintuan. Sumilip si Yaya Lourdes.

"Ma'am Ellen? Handa na po ang hapunan," anito.

Inangat ni Ellen ang ulo. "Si Jude? Hindi pa ba dumadating?"

"Wala pa po eh."

"Sige, Yaya, kumain ka na, sunod na lang ako."

O_____O "Ma'am? Ako po?"

Inangat niya ulit ang ulo na nakasubasob na ulit kanina sa kama. "Yup. Baka gutom ka na. Kumain ka na."

Nahihiyang napayuko ang maid. "Ah... eh, ma'am. Pwede ko naman po kayong saluhan. Nakakahiya naman po kasi na ako ang katulong eh, ako yung mauuna sa inyo na kumain."

"Katulong ka lang pero tao ka pa rin," check ni Ellen sa cell phone na binagsak lang niya ulit sa kama kasi wala talagang text na galing kay Jude. "Ako rin, asawa lang ako, pero tao din ako," bulong niya sa sarili.

"Tara na po, ma'am?"

Bumangon na sa kama si Ellen.

Pagkaupo nila sa dining room ay pinaghanda na siya ni Yaya Lourdes ng pagkain. Magkatabi lang sila na umupo at hinihintay ni Lourdes na kumain na si Ellen pero parang nakatitig lang ito sa pagkain.

"Ma'am?" pukaw nito sa atensiyon ni Ellen.

"Sige lang, Ya. Kumain ka na."

Napabuntong-hininga ito. "Hindi ka sanay na hindi kasama po si Sir Jude?"

Umiling-iling si Ellen. "Ewan ko, Yaya. Dati naman okay ako na hindi ko siya nakakasama ng two months."

Naalala niya tuloy ang pag-iyak niya gabi-gabi at that time at ang paglutang ng isip niya sa oras ng trabaho at... Okay nga lang ba talaga siya ng mga panahong iyon?

"Ganyan po talaga, ma'am pag bagong kasal. Kailangan niyo lang po mag-adjust."

Darn, naimbento pa ang cell phone! Binigyan pa ako ng cell phone ni Jude kung hindi niya rin lang pala ako itetext o tatawagan, nguso niya bago sinimulan ang pagkain.

Ding-dong!

Naulit ng tatlong beses ang doorbell nang tumayo na si Yaya Lourdes.

"Pasensya na po, ma'am. Titignan ko lang po kung sino ang nasa pinto."

"Ako na!" talon ni Ellen mula sa pagkakaupo. Mukhang nakauwi na rin si Jude sa wakas. Sabay silang makakapag-lunch, then they will spend the afternoon together...

Pero pagbukas niya ng pinto, si Bodie ang bumungad sa kanya.

Napangisi ito. "Ellen," tawa nito. "What a surprise, isn't it?"

Bumagsak ang mga balikat ni Ellen at alanganing napangiti dito.

"I-Ikaw pala. Si Jude?"

Nangunot ang noo ni Bodie. "Wala siya dito?"

Umiling-iling siya. "Wala pa eh."

Silence.

"Uhm, can I come in?"

"Ah!" bumalik na sa reality ang isip ni Ellen, nasa likuran lang niya si Yaya Lourdes at nakatingin sa kanila. Nilakihan na ni Ellen ang bukas ng pinto.

"Actually," lakad nila papunta sa dining room, "nagtatanghalian na kami ngayon ni Yaya Lourdes."

"Oh?" Bodie sighed. "Nakakahiya naman, nakaistorbo yata ako sa tanghalian niyo."

"Don't worry," balik ni Ellen sa upuan niya. "Ayos lang. Come and join us."

Napatitig lang si Bodie kay Ellen. "Inviting me for lunch, eh?"

"Sayang naman ang dami ng niluto ni Yaya kung kami lang ang kakain."

Umupo na si Bodie sa opposite side ng table, opposite Ellen's position. Automatic na pinaghanda na ni Yaya Lourdes ng pinggan si Bodie at nilagyan ng pagkain.

"Hindi ba dito magtatanghalian si Jude?"

"Ewan," she shrugged her shoulders. Nakita ni Ellen na aalisin ni Yaya Lourdes ang pinggan nito sa mesa. "Yaya, huwag ka na mahiya sa amin. Dito ka kumain. Okay lang iyan," binalingan niya si Bodie. "Right, Bodie?"

Hindi pa nakakakain si Bodie since birth na kasabay ng isang maid but then, maid naman ito ni Ellen kaya ngumiti na lang siya. "No problem with me."

Tahimik lang na umupo ang katulong at nakikain sa kanila.

"So what are you here for pala?" tanong ni Ellen kay Bodie.

"I want to talk to Jude."

"About what?" tanong niya dito.

Bodie stared at Ellen for a minute. He groaned, "I don't know. Gusto ko lang na magkaayos na kami."

Her face brightened up. "Talaga? That's good!"

Ngumiti si Bodie. "You think it will work?"

Natigilan si Ellen. Nilingon nito si Yaya Lourdes. "Ya, sa tingin mo ba masungit si Jude?"

Nagulat ito pero pinilit na makasagot with all honesty. "Hindi naman po, ma'am. Mukhang approachable po."

"See?" baling ni Ellen kay Bodie. "Even Yaya Lourdes agrees with me. Kaya for sure, magkakabati rin kayo ni Jude."

"Hopefully," kibit-balikat ni Bodie although he doubt na magiging madali ang pakikipagbati niya kay Jude.

Pagkalabas ni Jude mula sa boardroom, he checked his cell phone na may missed calls mula kay Michaela. He rolled his eyes. Now what does this woman want?

He did not call her back though. Pagkapasok niya sa sariling office para kolektahin ang gamit, his cellphone vibrated inside his pocket again. Doon na niya sinagot ang tawag.

"Mi-"

"Papi!"

"Mikey?"

"Opo, ako nga. I used Mama's phone!"

He sighed. Of course, alam na ni Jude na he has to be nice and all that for Mikey. Kahit na 10 years old na ito, tila he thinks too young for his age. But then, he already became fond of this kid na sinustentuhan din niya.

"What's up?" ngisi ni Jude.

"Papi, next week na kami aalis ni Mama."

"That's good," hubad niya ng coat at sinukbit iyon sa balikat bago niya bitbitin ang sariling brief case. "Have a safe trip."

"Hindi niyo ba kami ihahatid sa airport, Papi?"

"Uhm... Baka busy kasi si Papi on that day eh, Mikey."

"Sabi sa'yo Papi Andres eh," narinig niya na kausap ni Mikey sa tatay nito. Himala yata at tila si Andres ang nagbigay ng idea na ihatid niya ang mga ito saa airport?

"Papi," balik ni Mikey sa kanya sa phone, "pasyal tayo, Papi, please."

"Kukunin ko na yung passport ni Mikey," narinig ni Jude sa background.

"Okay, love, kami na ni Mikey ang bahala."

"Papi... Please..."

"Pasyal?" balik ni Jude kay Mikey. "Nagpaalam ka na ba sa Mama mo at Papi Andres?"

"Opo naman, Papi. Please... ma-mimiss kasi kita talaga, Papi."

He sighed. "O, sige, sige."

"Yeheeeeeeeey! Mama, pumayag na si Papi!!"

Inagaw ni Michaela ang cell phone sa anak at kinausap si Jude. "Pumayag ka?"

"Well, yeah, right," he answered lazily as he walked out of his office.

"You shouldn't have. I don't think it's a good idea, Jude."

"I know, pero idea niyo eh."

"It wasn't our idea. It's Mikey's. I just told him papaya kami kung papayag ka."

"Well, I have no choice din."

Napangiti na lang si Michaela at umiling-iling. "Kaya yata talagang tuwang-tuwa sa'yo si Mikey eh, kinukunsinti mo."

"Pfft. Pupunta na ba ako diyan?"

"I guess so. Dito ka na magtanghalian. I also have something to explain to you."

"Like what?"

"Na hindi ikaw ang tunay na ama ni Mikey."

Alas-dos ng hapon.

"Matagal pa ba si Jude?" tayo ni Bodie mula sa pagkakaupo sa sofa. Si Ellen naman ay nanonood pa rin ng TV habang abala sa paglilinis ng mga kwarto si Yaya Lourdes.

"Ewan ko nga eh," sagot lang niya.

"Why don't you call him up?"

"No," lingon niya dito. "Baka abala 'yun eh. He will call me if he's not so busy."

Napailing-iling ito at nilabas sa bulsa ang cell phone para tawagan si Jude. "Pahingi nga ako ng number ni Jude."

Inabot lang ni Ellen ang cell phone dito. Hindi malaman ni Bodie kung mapapangiti o ano sa wallpaper ni Ellen sa cell phone. Ang picture nila ni Jude na nagki-kiss. He quickly browsed the contact numbers at madali niyang nahanap ang number ni Jude na may simpleng caller ID na Jude Castillo.

He copied it and called him. Pero panay lang ang ring ng cell phone nito kaya binaba na rin ni Bodie ang cell phone at binulsa ulit iyon.

"Napakatagal naman ng business meeting na 'yan," he murmured. "Siguro nagkaroon lang ng konting problema iyon sa company."

"Maybe," Elle sighed. Binulsa na rin niya ang sariling cell phone.

"Ellen," baling ni Bodie sa kanya. "How about I treat you out?"

"Oh? Why all of a sudden?"

"It's getting boring here," eyeroll ni Bodie. "Isa pa, baka gabihin na si Jude kung ganyang late na siya sa pinag-usapan niyo na uwi niya."

"How could you tell?"

"I was his best friend," tawa nito. "So, you wanna come with me?"

"I'd rather na bisitahin na lang natin si Efren..." Natigilan si Ellen. "That's if... if nandoon pa rin siya sa tita niya."

"Takot ka pa rin kay Tita Roxanne, ha?"

Tumayo na si Ellen. "She tried to kill me, Bodie..."

"Forget it," hila ni Bodie sa kanya pero bumitaw si Ellen para patayin ang TV.

Nagpaalam na muna siya kay Yaya Lourdes bago sila umalis ni Bodie. Sumakay siya sa seat katabi nito at pinaandar na ni Bodie ang Porsche.

He observed na panay ang tingin ni Ellen sa cell phone niya.

"Hey," kuha niya sa atensiyon nito. "Smile ka din naman diyan."

Pilit lang na ngumiti si Ellen.

Sakto naman na paalis na sila Efren at ang mga pinsan nito nang dumating sina Ellen at Bodie.

"Where's kuya?" masayang tanong ni Efren sa kanila.

"Busy eh," sagot lang ni Bodie dito. "Anyways, saan kayo pupunta?"

"Magho-horseback riding kami, Kuya Bods," sagot nito. Mga cute na nagkakawayan kay Ellen ang tatlong teenage girls na mga pinsan din nina Bodie.

"Si Pascal hindi niyo kasama?"

"Nauna na kamo sa kotse!" tawa ni Efren, then kay Ellen naman ito tumingin. "Sama kayo sa amin, Ate Ellen?"

"S-Sure," ngiti niya dito.

Sa loob ng kotse, tinawagan muna ni Ellen si Stella at kinamusta. Masaya ito at nagkausap na ulit sila after a long, long time at iyon nga, talagang tuloy na tuloy na ang kasal nila ni Daniel at malapit na nilang i-distribute ang invitations matapos ang nuptial photoshoot nila.

Pagkababa ng kotse, kinakabahan na napatingin si Ellen kay Bodie. "Marunong ka mangabayo?"

"Sure," ngisi nito. "Most of the Castillos reside here in Tagaytay, kaya walang duda na halos lahat kami maalam."

"Even Jude?"

Natawa ito ng pagak. "Yes, Jude. He is. He's excellent. That's why I envied him."

Pinasya na lang nila na panoorin na lang sila Efren na mangabayo.

Nakatayo lang sila malapit sa kahoy an bakod at pinanood sila Efren na nagtatawanan habang nagi-strut ang mga kabayong sinasakyan nila.

"You envied Jude? Kaya ba kayo, you know, hindi nagkasundo?"

Bodie sighed. "Nah. I envied him in a way na parang, sana ako rin. Not the type na sana ako lang, you know what I mean, Ellen?"

She nodded and looked far.

"Bakit ba kayo nagkaaway ni Jude?"

"It's an old story. Sa kanya pinamana ang kumpanya, that company is a family legacy. Iyon talaga ang aim ko. Pero wala, sa kanya iyon napunta eh. Natanggap ko na rin naman. Masakit lang kasi... I even have to excel in academics to impress Tito Jose. Lagi akong nasa tabi ni Jude para lang mapansin nila. Jude is a very... very rascal guy, you know. Babaero 'yan noon, a party guy. Maraming kalokohan, nakabu-"

Natigilan ito.

"Naka?" Ellen waited na ituloy ni Bodie ang sasabihin nito.

"Never mind," he smiled down to her. "As I was saying, ako yung nagpakatino and I ended up getting nothing after all my efforts. Pero ayos lang. The company helped Jude to grow up anyways. And I think it's you..."

"Ako?"

"Well, hindi na siya nambababae. Logically, bakit pa siya mambababae? Kahit naman ako," tumitig ito kay Ellen, "kung ikaw ang mapapangasawa ko, mambababae pa ba ako?"

"Loko," ngisi ni Ellen as she slowly shook her head and watched the horses.

"Seriously, Ellen, I mean it."

Napatitig siya kay Bodie. Siya namang lapit ng kabayo sa may 'di kalayuan. Mukhang pababa na ang sakay ng dalawang kabayo. Sa puting kabayo, may nakasakay na babae na tila familiar kay Ellen. Ito yung tila kaaway ni Jude nung lamay ng ama nito, yung babaeng assistant ng forensic expert?

Maganda ito at nakangiti na bumaba agad ng kabayo, halos kasabay nung lalaki na nakasakay sa brown na kabayo- si Jude. Pagkababa ni Jude, binaba nito si Mikey na ka-share nito sa sinasakyang kabayo.

"Wooo!" masayang-masaya si Mikey na yumakap sa leeg ni Jude. Nilingon nito si Michaela. "Mama! Ang saya-saya sumakay sa horse."

"I'm glad you're happy, baby," pisil ni Michaela sa pisngi ng anak.

Inasikaso na ng mga tauhan ng ranch na iyon ang mga kabayo na iniwan nila and they started walking in Ellen and Bodie's direction.

"I love you, Papi!" yakap ni Mikey sa leeg ni Jude sakto namang natigilan si Jude nang makalapit na sila kina Ellen at Bodie.

He was as shocked as them as well.

Even Michaela nang makita nito si Bodie.

Natahimik din si Mikey dahil sa kanila, nagtataka na ito.

Ellen don't know how to react from what she saw, from what she heard. And that kid calling Jude his father.

"So the father went out with his son, hm?" tila naiinis na sarcasm ni Bodie sa pinsan.

Naningkit ang mga mata ni Jude. "And look who took that as a chance to take my wife out."

Inagaw ni Michaela kay Jude si Mikey at binaba ito. She was overwhelmed by tension. Jude just said his wife. Therefore, ang babaeng kaharap niya ngayon... ito na nga ang asawa ni Jude. Kahit mukhang may katarayan si Michaela, she was praying deep inside na hindi masamain ni Ellen ang mga nakita, na magkasama sila ni Jude.

"Mikey," hila ni Michaela sa anak, "let's go."

Nagpahila na lang ang bata sa nanay niya kaya naiwanan na ang tatlo. Ellen was about to leave pero hinila ito ni Jude. Humarang naman si Bodie para paghiwalayin sila.

"Ano ba!" bulyaw ni Jude.

"Huwag mo siyang hilain, Jude."

"Bakit nandito kayo?"

"Ikaw ang bakit nandito!"

"Ellen!" pilit ni Jude na maabot ang asawa pero naiiyak na lang si Ellen na nakatayo at nakatitig kay Jude.

"M-May anak ka na pala," piyok ni Ellen bago siya nagmamadaling tumakbo para magkulong sa kotse ni Bodie.

Agad na sinapak ni Jude si Bodie para masundan ang asawa pero hinila ito ni Bodie.

"Bitawan mo ako, Bodie!" sigaw nito.

"Hayaan mo na muna siya! Nagulat lang siya, she'll recover from it!"

"Shock? She doesn't have to know this! Sinet-up mo ako, no? You framed me up!"

"Framed you up?"

"Sino pa ba sa pamilya natin ang nakakaalam na nakabuntis ako at nagkaanak? Ikaw lang naman, hindi ba?"

"Wala akong sinasabi kay Ellen!"

"Dinala mo siya dito para malaman niya!"

"What the fuck are you talking about? Sila Efren ang nagyaya sa amin dito!"

"Get out of my way!" tulak ni Jude dito.

Halos mabaliw-baliw na siya sa kaiikot sa buong ranch para hanapin si Ellen. He wouldn't find her, of course, kahit na nadaanan na niya ang kotse ni Bodie na may dark-tinted windows kung saan nandoon si Ellen at umiiyak. Luckily, hindi nai-lock ni Bodie ang isang pinto ng sasakyan kaya nakapasok siya.

Ellen felt like a third party. Nakita niya naman sila Jude, ang babae at ang anak nito. How they looked like a perfect family, how happy they are...

That made the sting more painful for her.

They looked perfect. And Jude looked just perfect without her.

Continue Reading

You'll Also Like

928K 13.3K 38
My dream finally came true. Your glances, smiles and kisses are all MINE now. Thank you for that night that changes everything. Cause, finally you l...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
3.6M 14.1K 7
ONE NIGHT WITH THE BACHELOR Hinalikan ko ang noo niya. "Hindi ko makakalimutan ang araw na ito." Bulong ko sa kanyang tenga. Alam kong hindi niya iy...
10.6K 864 35
(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa naka...