The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 3: Breaking up

3.1M 69.2K 25.9K
By blue_maiden

CANDICE

Apat na oras na akong naglalakad. Kung saan ako papunta? Hindi ko alam. Wala na ako sa sarili ko dahil sa sobrang pag-iisip ko sa kanya. Kahit anong gawin ko, siya at siya lang 'yong naiisip ko.

Nabalot na lang ako ng kalungkutan no'ng napansin ko na nasa isang park na pala ako. 'Yong park na palagi naming pinupuntahan. 'Yong park na nagpapaalala sa 'kin ng maraming masasayang alaala namin.

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa dalawang bata na nasa harap ko.

"Ice cream ko 'yan ah!"

"Pahingi lang, Karl, e. Ang damot mo naman."

"Sige na nga. Kiss mo muna ako?"

"Ayoko nga! Behlat!" Pagkatapos no'n, naghabulan na lang silang dalawa.

Parang ako at si Jeydon lang. Napangiti ako pero unti-unti rin akong naiiyak. Naalala ko 'yong mga panahon na magkasama pa kami rito sa lugar na 'to.

Jeydon, bakit gano'n? Kapag iniisip kita, naiisip ko kung gaano kita kamahal. Umupo ako sa gilid ng basketball court. Pinatong ko sa mga tuhod ko 'yong ulo ko tsaka ko hinayaan 'yong sarili ko na umiyak. Jeydon, mahal na mahal kita... Mahal mo rin naman ako, 'di ba?

Hindi pa man niya tinatapos 'yong relasyon namin pero sobrang sakit na 'yong nararamdaman ko. Paano na lang kapag mismong nasa harap ko na siya at tatapusin na niya ang lahat sa 'min? Makakaya ko ba? Kaya ko bang mawala na siya sa buhay ko?

Sana isa na lang ulit 'tong panaginip. Isang bangungot. Sana magising na ko kasi ayoko na rito.

Tumunog bigla 'yong cellphone ko. Kinuha ko siya at nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. Ang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. No'ng nakita ko kung sino 'yong tumatawag sa 'kin, mas lalo akong naiyak.

Doraemon<3 is calling...

Dati, kapag nakikita ko 'yong pangalan niya na tumatawag sa 'kin, natutuwa ako. Pero ngayon, nalulungkot ako at natatakot. Paano kapag sinagot ko siya at bigla niyang sabihin sa 'kin na tapos na ang lahat sa 'min? Hindi ko pa kaya... Hindi pa ako handa.

"Ilang minuto pa, Jeydon... Bigyan mo pa ako ng konting oras..."

Ilang minuto 'yong lumipas pero nakikita ko pa ring tumatawag siya sa 'kin.

"Konti na lang. Ihahanda ko lang 'yong sarili ko."

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag sa 'kin. Gano'n mo na ba kagustong tapusin ang lahat sa 'tin, Jeydon? Konting oras lang naman 'yong hinihingi ko e.

Ang tanga mo, Candice. Tama na. Kahit anong gawin mo, iiwan at iiwan ka pa rin niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot 'yong tawag niya.

"He-hello?"

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya, tahimik kaming dalawa. Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong marinig niya ako na umiiyak. Ayokong umiyak kahit ang sakit-sakit na.

"Candice..."

Kahit anong pagpipigil 'yong gawin ko, kusa pa ring pumatak 'yong mga luha sa mata ko. Ilang araw pa lang kaming hindi nag-uusap pero sobrang na-miss ko na 'yong boses niya. Jeydon, miss na kita. Miss na miss na kita.

"We need to talk."

Sa tagal namin na hindi nagkita at nag-usap, 'yan lang ba 'yong sasabihin niya? Hindi niya man lang ba sasabihin na na-miss niya ako? Parang wala na akong halaga sa kanya.

Jeydon, mahal mo pa ba ako?

"Ano... importante ba yan?"

"Yes, it is."

"Okay, bigyan mo lang ako ng konting oras. Konti na lang..."

Binaba ko na 'yong phone.

Kaya ko na ba talaga? Maisip ko pa lang na maghihiwalay kami, nadudurog na 'yong puso ko. Doble pa 'yong sakit kasi kaya niya ako iiwan ay para sa ibang babae, para kay Kim.

Binaba ko agad 'yong phone. Sorry, Jeydon, hindi ko pa talaga kaya. Hindi pa ako handa. Konting oras pa.

Kahit anong gawin ko, ang sakit pa rin. Kahit paulit-ulit ko nang nilalagay sa utak ko na iiwan na niya ako, ayoko pa rin maniwala. Ayokong paniwalaan kasi ayokong tanggapin. Ayokong tanggapin na iiwan na niya ako.

Kahit kailan hindi ko naisip na maghihiwalay kami ni Jeydon. Akala ko siya na talaga 'yong para sa 'kin. Lahat naman ng prinsesa ay nakakatuluyan si Prince Charming. E bakit ako hindi?

Napayuko ako, nakaupo, at umiiyak sa gitna ng ulan.

Ganito pala kapag nasaktan ka nang sobra? Parang may kamay na nakahawak sa puso mo tapos unti-unti niya 'yong pipigain.

Akala ko ang OA ng mga bida sa mga teledrama o mga Koreanovela kapag nasasaktan sila dahil sa pag-ibig. Hindi pala, ang sakit pala talaga.

Jeydon, bakit mo ba sa 'kin 'to ginagawa?

Tumayo ako, kailangan ko siyang puntahan. Hindi niya kayang gawin sa 'kin 'to. Mahal na mahal niya ako e. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Nangako siya sa 'kin. Pwedeng naguguluhan lang siya o baka may kinalaman si Kim dito. Hindi niya ako pwedeng iwan.

No'ng nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Jedyon, inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.

"Noona?" Lumapit agad siya sa 'kin tsaka niya ako niyakap.

"Ah, Jayshin, kumusta?" Ang laki na rin ni Jayshin. Lumaki at gumanda lalo 'yong katawan niya.

"I miss you, Noona."

"I miss you too, Jayshin. Ang laki mo na ah." For sure, mas lalo siyang pagkakaguluhan ng mga babae.

"Malaki na ba talaga ako sa paningin mo, Noona? E di pwede na kitang ligawan?" Hindi pa rin pala nagbabago 'yong ugali niya.

"Ayoko. Baka magalit lalo sa 'kin si Tammy e." Biglang sumama 'yong itsura niya.

"Don't say bad words, Noona, okay? Bakit ka nga pala nandito?"

"Ah, kasi gusto ko sanang makausap si Jeydon..." Bigla na lang niyang nilayo 'yong tingin niya sa 'kin. "May problema ba?"

"Noona, I think it's not the right time." Pati ba siya alam na 'yong balak gawin ni Jeydon? Alam na ba nila? Ako na lang ba 'yong hindi nakakaalam?"

"Hindi, Jayshin," ngumiti ako sa kanya. "Wala nang tamang panahon kundi ngayon."

"But Noona—"

Nilagpasan ko agad siya. Sorry, Jayshin, alam kong nag-aalala ka lang sa 'kin. Alam kong ayaw mo lang naman masaktan ako, pero kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon, mas lalo lang akong masasaktan.Naglakad ako papunta sa kwarto ni Jeydon. Makikita ko na naman ba sila ni Kim na magkasama?Oo, nakita ko na naman sila... Ang saya-saya nila. Ang saya-saya ni Jeydon. Sa bawat ngiti na 'yon ni Jeydon, parang may kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Jeydon, bakit ganyan ka? Dati ako lang ang nakakapagpangiti sa 'yo nang ganyan 'di ba? Ako lang.

Masyado akong nasasaktan na para bang hindi na ako makahinga nang maayos. Ganito ba talaga kasakit?

"Candice?"

Napansin ako ni Jeydon. Hindi ko alam 'yong gagawin ko kaya naglakad na lang ako palayo.

"Sandali."

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak. Ayoko siyang lingunin at tignan kasi baka umiyak lang ako nang umiyak kapag nakita ko na siya. Hindi pa ako handa na harapin ka, Jeydon. Hindi pa ko handa sa sasabihin mo. Hindi pa ko handa na iwan mo ako.

"Candice..." Pinunasan ko 'yong mga luha sa mata ko.

Tumalikod ako para harapin siya, para makita ko 'yong mga mata niya. Gustung-gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan. Gusto kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya na-miss at gaano ko siya kamahal.

"Nandito na ako. Ano na 'yong sasabihin mo?" 'Wag kang iiyak, Candice. 'Wag kang iiyak sa harap niya.

Lumapit siya sa 'kin. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi siya makatingin sa 'kin.

"Candice, I'm breaking up with you."

Parang unti-unting nadudurog 'yong puso ko. Hinayaan ko na lang 'yong sarili ko na umiyak. Kahit alam ko nang sasabihin niya 'yon sa 'kin, ang sakit-sakit pa rin.

"Joke yan, 'di ba?"

"No, I'm serious."

"Sabihin mo, hindi ka naman seryoso 'di ba? Hindi ka naman talaga makikipag-break sa 'kin di ba? Sabi mo mahal mo ako. Kaya bakit ka makikipag-break?"

Please, Jeydon, sabihin mong hindi 'yon totoo. Sabihin mong mali lang lahat ng narinig at nakita ko. Sabihin mong hindi mo ako iiwan. Sabihin mong ako 'yong mahal mo. Please, Jeydon...

"Candice, mahal ko pa si Kim. Mahal na mahal ko pa rin siya."

Mahal pa niya si Kim?

"Paano ako?" Nahihirapan na talaga akong huminga dahil sa sobrang pag-iyak ko.

"Sorry, but I already chose her over you." 'Yan na lang ba ang kaya mong sabihin, Jeydon?

"Ang tanga tanga ko. Alam ko na naman na makikipag-break ka sa 'kin e. Narinig kita kanina tsaka nakita ko kayo ni Kim na naghahalikan, pero umasa pa rin ako na ako 'yong pipiliin mo."

"Stop it, Candice."

"Sabi mo ako lang... Umaasa ako."

Umasa ako sa lahat ng sinabi mo. Umasa ako sa lahat ng mga pangako mo. Umasa ako sa 'yo pero binigo mo lang pala ako.

"Sorry..."

"Sorry? Matatanggal ba n'yan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi naman 'di ba? Kaya 'wag ka nang mag-sorry."

Hindi siya nakapagsalita. Tumayo ako, lumapit ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.

"Nasa'n na 'yong mga pangako mo?"

Hindi pa rin siya nagsasalita pero this time, tumingin na siya sa mga mata ko. Ang sakit tignan si Jeydon.

'Yong tingin niya sa 'kin dati na puno ng pagmamahal, ngayon wala na. Kung tingnan niya ako, parang wala na akong kwenta sa buhay niya.

"Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo palagi ka lang nandiyan sa tabi ko. Sabi mo ako lang 'yong mamahalin mo. Sabi mo lang pala 'yon e."

Nilagay ko 'yong dalawang kamay ko sa mukha ko tsaka ako umiyak nang umiyak. Lumapit siya sa 'kin tapos niyakap niya ako.

"Tama na, kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko. Kalimutan mo na ako."

"Gano'n na lang ba kadaling talikuran ang lahat sa 'tin? Isang araw mahal mo ako, tapos ngayon sasabihin mo na kalimutan na lang kita?"

"May mahal na akong iba. Alam mong mas mabuti kung tatapusin na natin 'to." Unti-unti siyang bumitiw sa pagkakayakap niya sa 'kin.

Tumalikod siya sa 'kin tsaka siya naglakad palayo.

"Jeydon!" Hinabol ko siya, hinawakan ko 'yong kamay niya tsaka ko siya pinigilan. "Please 'wag..."

"Candice..."

"Parang awa mo na, 'wag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin e, hindi ko kayang wala ka, Jeydon. Ikaw 'yong mundo ko e. Sa 'yo na umiikot 'yong mundo ko kaya paano na ako kung wala ka?"

Niyakap ko siya pero tinulak niya lang ako palayo.

"Tama na, 'wag mo nang pahirapan 'yong sarili mo. Candice, wala nang mangyayari kahit umiyak ka pa. Wala na tayo, tapos na tayo."

Napaluhod ako. Hinawakan ko 'yong mga tuhod niya habang nakayuko ako.

"Jeydon, mahal na mahal kita e."

Tinayo niya ako, hawak-hawak niya 'yong braso ko.

"Ano ba?! 'Wag ka ngang tanga! Hindi na kita mahal! Siya na 'yong mahal ko, siya at hindi ikaw. Kaya kung may natitira ka pang awa riyan sa sarili mo, itigil mo na 'yan."

Binitiwan niya ako at hanggang sa huli, tiningnan niya pa rin ako na parang wala akong kwenta sa kanya.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Jeydon naman e, sabi mo mahal mo ko! Sabi mo—"

"Babe? Did you break up with her na?" Hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko dahil dumating si Kim.

"Yes, babe." Lumapit si Kim kay Jeydon. Ang sakit makita na magkasama silang dalawa. "Candice, you better go."

"Pero Jeydon—"

"Hindi mo ba narinig si Jeydon?!" Lumapit sa 'kin si Kim. "Umalis ka na! Wala ka nang lugar sa buhay ni Jeydon. Alis!"

"Hindi ako aalis dito!"

"Alis na sabi e!" Bigla niya akong tinulak. Napahiga na lang ako sa sahig. "Umalis ka na dahil wala ka nang lugar dito!"

Tiningnan ko si Jeydon. Akala ko tutulungan niya ako pero hindi. Sa mga tingin pa lang niya, sinasabi na niyang wala siyang pakialam sa 'kin.

"Umalis ka na, Candice."

"Jeydon, gusto mo na ba talaga akong umalis? Umalis diyan sa buhay mo?"

Tumayo ako, tiningnan ko ulit si Jeydon. Walang pagbabago, tinitingnan pa rin niya ako na parang wala na akong kwenta sa kanya.

"Oo, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay ko."

Hinawakan ko 'yong dibdib ko, hindi ako makahinga. Pakiramdam ko, inaatake ako ng hika ko. Mas mabuti pa nga siguro 'yon para mawala na ako. Gusto ko na lang mawala para mawala na rin 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Tama na, Jeydon! Itigil niyo na 'yan ni Kim!"

May humila sa 'kin pagkatapos ay niyakap niya ako. Pakiramdam ko gumaan bigla 'yong pakiramdam ko.

"Tama na, Candice, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan."

Napayakap na lang din ako sa kanya.

"Hindi ko na hahayaan na saktan ka niya ulit. Hinding hindi na..."

Unti-unting pumipikit 'yong mga mata ko.

"Salamat, Lucas..."

Continue Reading

You'll Also Like

88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
12.7K 366 17
Six years is enough for Lance to accept how things turn out for him and for Cahriya. The love is still there but he already moved on. He already acce...
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
59.6K 1.3K 25
Jansport High School is opened once again and this time Cody and his friends are out to save the souls of students from their fears. Will they be abl...