Chasing Hell (PUBLISHED)

Oleh KnightInBlack

63.2M 2.2M 1.6M

Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you! Lebih Banyak

Work of Fiction
Chasing Hell
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 7

1.6M 56.8K 55.6K
Oleh KnightInBlack

Chapter 7: Virus

Ace's Point of View

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa cake na nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Masaya? Sobra. I love her efforts... there's no small things when it comes to her... It's all huge for me.

'Darling, I love you.' Yan ang mga nakaukit sa cake na binabalutan ng mga disenyo.

Tumayo ako at ibinalik muli sa loob ng refrigerator ang cake. Wala akong balak kainin ito, I will make it a souvenir. Gusto kong alalahanin lahat ng ginawa nya sa akin para may dahilan ako balang araw para pigilan lahat ng mga pagsisisihan kong desisyon.

"Gising ka pa?"

Nabalin sa likod ko ang aking tingin. Pumupungay ang inaantok na mata ni Zein habang nakatingin sa akin. Naka pajama na ito na Dora.

"Just visiting my baby..."

Kumunot ang noo nya at saglit na iginala ang mata sa kusina. Napangiti na lang ako nang ngumuso sya. "Pinagloloko mo ba ako?" Mejo irita nyang tanong.

Umiling ako at inakbayan sya. "Pinatulog ko na si baby... Darling, it is your turn now." Bulong ko.

Siniko nya ako na ikinatawa ko. "Sino bang baby ang tinutukoy mo?" Tanong nya habang papasok kami sa kwarto nya.

Napailing na lang ako nang makita ang magulo nyang kama. She really is a mess. Hindi man lang ba sya naaalibadbaran sa gulo ng paligid nya? Nakakatulog pa ba sya sa lagay ng kwarto nya?

"I am asking you, Ace."

Hinawakan ko ang bedsheet nya at inayos. "You should know how to clean a mess." Sermon ko habang inaayos ang mga unan nyang nasa sahig na. "Paano na lang kapag nag-asawa ka na?" Tanong ko pa habang inaayos ang mga librong nasa sahig at inayos sa maliit na drawer. "Ayokong araw-araw mag-ayos ng kalat mo." Wika ko pa bago kinandado ang mga bintana at inayos ang kurtina.


Nang matapos na ako ay binalingan ko ng tingin si Zein na titig na titig sa akin. "Gaano ka kasigurado na ikaw ang magiging asawa ko?" Tanong nito.

Sinenyasan ko syang umupo sa tabi ko. Pinatalikod ko sya sa akin at gamit ang kinuha kong suklay ay inayos ko ang magulo nyang buhok. Napangiti na lang ako habang iniisip na habang-buhay kong gagawin ito. Handa akong maging alipin nya... It's a pleasure for me.

"I am destined to be with you forever." Bulong ko. "I want you to write your name with Craige as your surname." Dugtong ko pa.

I can't wait for that time. Gusto ko na syang makitang naglalakad papunta sa altar kung saan ako naghihintay. I want her beside me when I close my eyes until I open it. I want her to be the mother of my babies. It's only her... It's only Zein Shion.

"Alam mo bang kinikilig ako?" Tanong nya.

Iniharap ko na sya sa akin nang matapos na ako. Namumula nga ang mukha nito at halos hindi makatingin sa akin. Napangiti akong muli... Hinding-hindi ako magsasawang ngumiti.

"I still want you beside me until my last breath..." I whispered. "Matulog ka na." I kissed her forehead pero mukhang hindi sya satisfied don dahil hinalikan nya pa ako sa labi.

I bit my lower lip as I watch her lie down beside me and smiling closed her eyes. "I love you, good night." She whispered.

Tumayo na ako at pinatay ang ilaw. "I love you too, good night." I answered as I lie beside her and hug her back.

"ACE CRAIGE!"

Napatayo ako at napakamot na lang sa batok ko. Pinaningkitan nya ako ng mata kaya natawa na lang ako.

"Alright, good night." Wika ko bago lumabas ng kwarto nya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay saglit akong naligo dahil nanlalagkit ako dahil na rin sa pawis ko sa panghahabol sa kotse na 'yon.

I wrapped the towel around my waist as I open my laptop.

Nilog-in ko ang facebook ko at tama nga ang hinala ko. May message na sya sa akin. Napangiti ako habang nagtatype ng isasagot sa kanya.

Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man ang nasa likod nito. Kung may kinalaman man ito nung nasa loob pa kami ng Hell University ay malamang na kilala ko ang nasa likod nito... Hindi ko lang alam kung sino sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko. I call a person that can help me.

"Hello. Who's this?" He asked over the line. Napangiti ako nang marinig ang tinig nito. Parang nagbalik lahat ng alaala ng kahapon.

"It's been a long time, Sebastian." I answered.

"M-Master Ace?"

Sinandal ko ang likod ko sa headboard at tumingin sa ceiling. Bigla kong namiss si Dad.

"Yes... It's me."

"I need you..."

"Pero pinutol na ni Mr. Valdez ang connection nyo sa akin... I can no longer help you." Malungkot na saad nito.

Napangiti ako. "P-Patay na si Dad." I whispered na ikinatahimik nya. Siya ang pinakamalapit kay Dad, ang kanang kamay nito sa lahat. "And I want you back... Sebastian Lee." Dugtong ko.

Narinig ko ang pagpapakawala nya ng buntong-hininga sa kabilang linya. "Alright, Master Ace. See you." Sagot nito kaya pinatay ko na ang connection.

Pinagmasdan ko ang reply ko kay Hell.

'If I were you, magtago ka na. You don't know what I am capable with.'

***

Zein's Point of View

Something is not right. I can feel it. May mali sa mga nangyayari kahit hindi sabihin ni Ace, nararamdaman ko.

Kilala ko si Ace. Hinding-hindi nya ako magagawang paghintayin ng ganong katagal. Bawat segundo sa kanya ay mahalaga. Malakas ang kutob ko na hindi sya ang nagpapunta sa akin don. Naguguluhan ako pero nagtitiwala ako sa kanya. I learned to trust him more than myself.

"Bakit kailangan mo pang palitan ang phone ko?" Nakangusong tanong ko habang pinagmamasdan ang bagong cellphone na hindi Dora ang casing.

"It's for your sak--- I mean, for a change." Hi bit his lower lip as he park his car.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang palapit sa amin ni Ace. Nakangiti ito at hindi alintana ang mga mata ng mga estudyanteng nakatingin sa kanya.

Kapag sa malayo ay aakalain mong siya si Ace pero dahil sa pula nyang mata ay malalaman mong agad na si Mr. Raze ito. The jerk. Hindi pa rin ako nakakaganti sa kanya.

"Yow! It's a beautiful morning today, right?" He said with a wide green flashing his complete set of white teeth and stretched pinkish lips. Pero ang nakakapanibago ay ang kulay ng kanyang buhok... blonde.

"What do you want?" I asked.

Humalakhak ito. "Oh ang isang katulad mo... ay di na dapat pang pakawalan... alam mo bang pagnaging tayo, hinding-hindi na kita bibitawan~" Kanta nya na may konting sayaw pa.

Hindi ko maiwasang matawa. Ok, ang cool nyang tignan at aaminin kong gaya ni Ace ay biniyayaan din sya ng magang boses. What's with this brother?

Napatingin ako kay Ace na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Biglang nawala ang ngiti ko at tumikhim. Nauna na ako sa kanila at iniwan silang dalawa. Damn! Nagseselos na naman sya.

Pero, inaamin kong mas gusto kong nakikita syang nagseselos. Natatakot akong dumating ang araw na mawala 'yon... No, hindi 'yon mangyayari.

"Zein!"

Napatingin ako kay Jerome na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Huminto ako at hinintay syang makarating. Tinatamad akong salubungin sya.

"N-Nakita mo ba si Vanko?" Hinihingal na tanong nito. Namumula pa ang mukha nito dahil malamang na sa pagod.

"Kararating ko lang... Di ko sya nakita." Sagot ko. "Bakit?" Tanong ko pabalik.

"A-Ah? Uh... nagalit sa akin eh."

Umangat ang kilay ko. "Bakit naman? Ow! Lagi naman syang galit sa'yo kaya hindi na nakakapagtaka." Natatawa kong sagot na ikinanguso nya.

Jerome Marquez. May mukhang ipagmamalaki pero hindi ka sa mukha nya mahuhulog.... Dahil sa ugali nya. He is a funny person to be with. Punong-puno ng energy at handa kang patawanin kahit na corny na at sigurado akong 'yon ang katangian nyang ikinahulog ng isang babaeng kagaya ni Vanessa na pihikan.

"Grabe ka sa akin. Pero kasi nagpaturo sya sa akin sa isang subject nyo, kaso 'di ko naman alam pero hindi ko sinabi sa kanya. Sinagutan ko lahat ng assignments nya kahit na hindi ko alam kaya 'yon, naka zero sya. Galit."

Napahalakhak na lang ako sa sinabi nya. Naalala ko nga nung isang araw na nilamutak nya ang papel habang bumubulong sa sarili. "Lagot ka... Sige, mauna na ako." I waved my hands to him.

Sino ba namang baliw ang gagawa ng katangahan na 'yon? Only Jerome. Hindi ako magtataka kapag nagkita kami mamaya na may black eye na.

Naabutan ko si Angel sa tapat ng room namin. Halatang inip na inip na ito. Hindi maipagkakaila ang kagandahang taglay nito. Her as white as snow skin and her red thin lips. Plus na laging nakalugay ang buhok nito. She really looks like her name but just like other.... Nasa loob ang ugaling hinding-hindi mo magugustuhan kapag pinilit mong ilabas.

"What do you want?" Tanong ko na ikinalingon nya.

Napatingin ito sa akin na halos maiyak na. Parang hinang-hina ito. Bagay sa kanya ang tourism corporate attire nila. Hindi sya nag-aaral dito kaya anong ginagawa nya rito?

"Nakita mo ba si Matt?" She asked with a glimpsed of worried. She pouted her lips.

"Tinignan mo na ba sya sa BM Building?" Tanong ko pabalik. Baka kasi tanong sya nang tanong e hindi naman pala sya naghanap.

Mukhang nasagot na nya agad ang tanong ko nang ngumuso ito. Ano bang problema nila? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao? UGH!

"Kinain ko na ang pride ko para sa kanya. Nagawa ko ang mga bagay na hindi ko inaakalang magagawa ko." Namula ang mata nito at bumagsak ang kanyang balikat na animo'y nawalan na ng pag-asa. "Pero siguro, tama na..." Nanlaki ang mata nito nang makita si Matt. "Joke lang! Bye, Zein.... Matt!" Sigaw nito pero nung makita sya ni Matt ay mabilis na kumaripas ito ng takbo palayo.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Love is virus and I am infected.



****

Hell's Point of View

Napahalakhak ako nang mabasa ang message ni Ace Craige. Sumandal ako sa upuan ko at nag-isip nang susunod na hakbang.

Kahit na ilabas mo ang pinakamagaling na tauhan ng mga Valdez ay sa tingin mo mahuhuli mo ako? No. Ace Craige. Sooner or later... isa-isang mawawala sa'yo lahat ng mga pinaghirapan mo.

Luluhod ka sa harap ko.

"You did it again?" He asked. Binalingan ko sya ng tingin habang nakangisi. "Sa tingin mo ba, basta-basta mo mapapabagsak ang demonyong iyon? Baka nakakalimutan mong sya ang nagpabagsak sa buong Hell University. Hindi mo pa sya lubusang kilala." Wika pa nya.

Humalakhak ako. "Masyado ka namang bilib sa kanya baka nakakalimutan mo... Doon din tayo galing.... Demonyo rin tayo." Bulong ko.

Lets start the real game...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
103K 2.5K 21
May isang lalaking nakatayo sa ilalim ng arko. Ang lahat ng taong nandoon ay nakatingin sa sa kanya at pinag-uusapan sya dahil sa kanyang suot na hi...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)