Nagkaroon ng isang malaking piging ang mga GRANDE sa loob ng mansion, ngayon ang ika limangpu't isang kaarawan ng Senyor Alfredo, maraming kilala at makapangyarihang tao ang bisita sa piging na iyun.. Abala ang matanda sa pag aasikaso sa kanyang malalapit na kaibigan. Bagama't sa loob ng mansion ang salosalo ay hindi ganoon kahigpit ang bantay kay Marian ng Senyor ngunit kahit saan pa din mag punta ang babae ay may isang bodyguard ng matanda ang laging nakasunod lamang sa kanya. Umupo siya sa likuran ng mansion kung saan walang gaanong tao doon, mas gugustuhin na lamang niya ang mag isa kesa ang makihalubilo sa mga taong mas matataas sa kanya at mahihirapan siyang pakisamahan. Ngunit hindi niya magagawang makapag isa kung laging may nakasunod sa kanya.
Ang hirap naman ng buhay ko!!
Ang kanyang bantay ay parang robot na kung hindi niya kakausapin ay hindi naman mag sasalita, bigla niya tuloy naalala ang dating kanyang bantay na si Leo.. Mula ng magkakilala sila ni Richard sa isang party at takasan niya ito ay hindi na niya ito muling nakita pa ang lalaki.
Sinisante kaya siya ni Alfredo? Hays! Kasalanan ko ang nangyari!!
Nasira ang mga iniisip ni Marian at nabasag ang katahimikan sa lugar kung saan siya nandoon ng marinig niya ang boses ng isang lalaki.
"Bakit nandiyan ka?!"
Papalapit ito sa kanya, habang ang dalawang kamay nito ay nasa loob ng kanyang bulsa. Ngunit bago pa man niya malapitan ang babae ay agad siyang hinarang ng bodyguard na lagi lamang nakabantay kay Marian. Huminto naman agad ang lalaki sa kanyang pag lapit.
"Ohhh! Marian, ibang klase pala ang body guard mo! Mas nakakatakot."
Wika ni Richard na parang hindi man lang natatakot sa body guard na ngayon ay nakaharang sa kanya. Tatawa tawa pa si Richard.
Namimilog naman ang mata ni Marian at nag aalala para sa kanyang kaibigan, ng bunutin na nito ang baril at itapat kay Richard.
Itinaas ni Richard ang kanyang dalawang kamay ngunit nananatili pa din nakangiti ang lalaki.
"Umalis kana Chard.. Baka mapahamak ka lang!"
Sabi pa ni Marian.
Pero walang takot si Richard sa baril na nakatutok sa kanya.
"Alam mo ba na isa akong Santibaniez? Kapag may nangyari sa aking masama ay papatayin ka ng pamilya ko! O natatakot ka kay Senyor Alfredo?!" Sunod sunod na sabi ng lalaki. "Dahil baka siya ang pumatay sayo? Umalis ka sa pag babantay mo sa babae yan at bibigyan kita ng pera para sayo at sa pamilya mo!" Dagdag pa ng lalaki.
"Chard.. Ano ba ang mga sinasabi mo?!"
May pag aalalang sabi ni Marian na ngayon ay nasa likuran ng kanyang body guard.
Pero hindi naman siya pinakikinggaguard. Richard. Hindi pa din ito umaalis sa kanyang kinatatayuan kaya naman ang baril ng body guard ni Marian ay nakatutok pa din sa kanyang dibdib..
"Ano? Papatayin mo ko? Sige na iputok muna! At kapag namatay ako ihanda mo na din ang kabaong mo!"
May galit at pag babanta na din sa pag sasalita ng lalaki.
Ilang minuto pa ang nagtagal ay dahan dahan ng ibinaba ng body guard ang baril na kanina pa nakatutok sa dibdib ni Richard. Mabilis naman na kinuha ng lalaki ang baril at itinutok naman niya ito sa body guard.
"Tumakbo kana!!!"
Sigaw ni Richard.
Dahan dahan naman inihahakbang ng body guard ang kanyang paa palayo at bigla itong tumakbo upang makaalis na sa lugar. Tila natakot ito sa pag babanta ni Richard sa kanya.
Naiwan na lamang si Richard at Marian sa lugar, agad na lumapit si Richard kay Marian at niyakap niya ng mahigpit ang babae, yakap na matagal na niyang gustong gawin kay Marian. Halos hindi makahinga si Marian sa higpit ng pag yakap sa kanya ni Richard.
"Chard.. Nasasaktan ako."
Mahina lamang ang pagkakasabi ni Marian dito at mat lambing din ang kanyang tinig. Ng ilalayo na ni Marian ang kanyang sarili ay mas hinigpitan pa ng lalaki ang pag yakap sa kanya.
"Wag Marian! Hayaan mo lang akong yakapin ka!"
Natigilan si Marian sa sinabi ni Richard sa kanya, at hinayaan niya na yakapin lamang siya nito katulad ng hinihiling ng lalaki.
Mayamaya pa ay kumalas ito kay Marian at hinawakan ang magkabilang balikat ng babae.
"Sumama ka sakin! Ilalayo kita sa lugar na ito!"
Wika ni Richard sa babae.
Tumingin si Marian sa mata ni Richard at nang gigilid ang luha nito.
"Sumagot ka Marian!! Sumama ka sakin. Ilalayo kita. Hinding hindi kita papabayaan!!" Nagtaas na ng boses si Richard.
Iniling iling ni Marian ang kanyang ulo. At hindi na din napigil pa ang kanyang pag luha.
"Hindi ko maaaring gawin ang gusto mo!"
Mahinang sagot ni Marian.
"Kung ganoon bakit?!!!!"
Sigaw ni Richard na niyuyogyog pa ang balikat ng dalaga.
Ngunit tila hindi makasagot si Marian sa tanong ni Richard sa kanya.
"BAKIT MARIAN?!!! BAKIT HINDI MO MAIWAN SI SENYOR GRANDE AT ANG MANSION?!!!!!!"
Galit na galit si Richard na nakatingin sa mga mata ng babae.
"DAHIL HAWAK NG MATANDA ANG BUHAY NG KAPATID KO!!! DAHIL AYOKONG IWAN ANG TAONG MAHAL KO!!!!" Nagtaas na din si Marian ng boses na tila hindi mapigil ang emosyon na kanyang nararamdaman.
Dahan dahan nabitawan ni Richard ang pagkakahawak niya sa balikat ng babae at tumalikod.
"Sorry Richard! Sorry!"
Umiiyak na ang babae sa lalaking ngayon ay nakatayo sa kanyang harap at nakatalikod.
"Ipaliwanag mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nag pakasal sa Senyor!"
Mahina ang boses ni Richard na hindi man lang tinitignan ang babae.
Tinatakpan ni Marian ang kanyang sariling bibig na tila pinipigilan ang kanyang malakas na panangis.
"Ipaliwanag mo!!!" Muling sigaw ni Richard.
"Ang kapatid kong si Laura, ang nakababata kong kapatid, may malubha siyang karamdaman. At para maipagamot ko siya ay pumayag ako magpakasal kay Senyor Alfredo! Noon ay lagi akong may balita sa kapatid ko nung nandiyan pa si Leo, pero ngayon wala na kong alam sa nangyayari, punong puno na ng pag aalala ang puso ko!" Kwento Marian sa lalaki.
Hindi lubos maisip ni Richard na napakalalim ng problema at dahilan ni Marian na iniisip nito araw araw.
"Pero sino ang taong hindi mo magawang iwan sa impyernong lugar na to!!!" Pag tataas ng boses ni Richard na ngayon ay hunarap na sa babae.. Nakita niya ang sunod sunod ba luhang gumagapang sa pisngi ni Marian na nang gagaling sa mata nito..
"Si Si."
"Sino Marian??!!!!!
"Si Lindon! Mahal ko si Lindon at hindi ko siya magawang iwan sa lugar na ito! Pero ganun pa man ay pinipilit kong maging matatag para sa kapatid ko!!"
Umiiyak ang babae. Ngunit muli siyang niyakap ni Richard.
"Tutulungan kita Marian!"
Umiiling iling ang babae na hindi pang sang ayon sa gusto ni Richard.
"Ayokong madamay ka sa sarili kong problema Richard! Ang mabuti pa ay layuan mo na lamang ako."
Kumalas dahan dahan si Marian sa pagkakayakp sa kanya ng babae. At nag tatakbo palayo sa lugar upang iwanan na lamang si Richard..
NAPAHINTO SI Marian sa pagtakbo at namilog ang kanyang mga mata ng makita niyang nakatayo ang Senyor sa kanyang daraanan, kasama pa nito ang ilan sa kanyang mga bodyguards.
"ALFREDO!!!"
Gulat na tawag niya sa pangalan ng kanyang asawa.
Nakita niyang nakayukom ang kamay ng matanda at masama ang tingin sa kanya nito na labis naman niyang ikinabahala.
"Kunin niyo na siya at ipasok sa loob ng kwarto namin. Iwasan niyong may taong makakita sa kanya."
Agad na sumunod ang mga gwardiya sa utos ng matanda. Nilapitan ng mga ito si Marian at hinawakan sa magkabilang kamay upang dalhin sa kwarto nila. Pilit na kumakawala ang babae sa mga ito ngunit sadyang malalakas ang mga body guards kaya wala siyang magawa. Alam ni Marian na ikukulong na naman siya ni Alfredo na parang isang bilanggo.
Ngunit sa hindi kalayuan ay nakasilip ang isang babaeng nakita ang lahat. Si Zamantha.. Narinig niya ang lahat ng pag uusap ng kanyang kapatid na si Richard at Marian. Ngayon ay alam na ni Zamantha ang lahat lahat. Ngunit nag dadalawang isip ang babae kung sasabihin ba niya ang lahat ng nalalaman sa kanyang kasintahan na si Lindon, pero nakaramdam si Zamantha ng matinding awa para sa babaeng inagawan ng kalayaan.
IBINALIBAG NI Senyor Alfredo ang kanyang asawa sa loob ng kanilang silid. Tumama ang katawan ni Marian sa pader.
"Pasalamat ka at marami akong bisita! Pero hindi ko papalagpasin ito. Ipag dasal mo na hindi maubos ang mga bisita ko!!!"
Umiiyak si Marian na nakatingin sa asawa.
"Maawa ka Alfredo! Huwag mo kong ikulong dito!" Nakikiusap ang babae sa kanyang asawa.
Lumapit pa si Marian sa asawa at lumuhod sa harap nito.
"Please Alfredo! Wag mong gawin ito!"
Pero lalong nag iinit ang ulo ni Alfredo, hinatak pa niya ang buhok ng kanyang asawa na ngayon ay nakaluhod sa kanyang harapan.
"Sinabi ko sayo noon pa na huwag mo ko susubukan Marian?!!!!!"
Piniga pa ng matanda ang pisngi ni Marian. Nanlilisik ang mata ng matanda sa galit at sa nakikita ni Marian ay kaya nitong pumatay ng tao.
"Hindi mo pa din ba alam kung ano ang kaya kong gawin??!!! Kaya kong patayin ang lahat ng taong mag tataksil sakin!!. Kahit ang sarili kong anak!!!!" Tapos ay binitawan ni Alfredo ang pagkakapiga niya sa pisngi ni Marian at iniwan na lamang na nakaluhod ang babae sa loob ng silid.
-------------------
"SAN KABA GALING?!"
Tanong ni Lindon sa kararating lamang na si Zamantha na tila bigla naman kinabahan.
"AH EH!! Naglibot libot lang ako."
Pagpapalusot ni Zamantha kay Lindon.
Nagsisimula na mag salita ang Senyor sa Stage. Ngunit napansin naman ni Lindon na hindi pa niya nakikita ang kanyang young step mom.
"Where's Marian?"
Mahinang sabi ni Lindon.
Bigla naman nakaramdam ng takot si Zamantha.
"Hi hindi ko alam!"
Sabi pa nito.
"Are you okay Zam?"
"Ye- yes. Im okay!"
Napalingon ang dalawa ng makita nila ang papalapit na si Richard sa kanila. Tila wala sa sarili ang lalaki.
"Are you okay Chard?"
Tanong ni Lindon sa kaibigan.
"Yes im okay."
Mahinang sabi ni Richard.
"Hindi ko nakikita si Marian. Nakita mo ba siya pare??"
Tanong ni Lindon kay Richard..
"Hindi pa din."
Nakaramdaman ng pag aalala si Lindon. Inilinga linga niya ang kanyang mata pero may napansin niya kakaiba dahil wala man lang body guard na nakapaikot sa buong mansion, hindi aalis ang mga ito kung wala itong mahigpit na binabantayan.
Lumapit ang isa sa mga kasambahay sa table nila Lindon upang mag serve ng alak sa kanila.
"Hey! Nasaan si Marian?!"
Tanong ni Lindon sa kasambahay.
Kinabahan naman ang kasambahay na sumagot kaya mabilis na lamang nitong tinalikuran si Lindon.
"Hindi talaga ako mapakali."
Tumayo si Lindon mula sa kanyang pag kakaupo. Pero mabilis hinawakan ni Zamantha ang kamay ni Lindon.
"Hindi ka aalis!"
"Why? Hahanapin ko si-
Hindi na naituloy pa ni Lindon ang kanyang sasabihin ng makita niya ang kanyang ama na nakatayo sa kanilang harapan at dalawang body guards lamang ang kasama nito.
Pumamulsa si Lindon at humarap sa kanyang ama.
"Dadalawa lang yata ang mga asong nakasunod sayo!"
Matigas na sabi ng kanyang anak sa kanya.
"Manang mana ka talaga sa akin Lindon, pati sa iyong pag sasalita!"
Tumawa pa ng parang isang demonyo ang matanda.
Ang mga kamay naman ni Lindon ay unti unting yumuyukom sa galit sa tuwing makakaharap niya ang kanyang ama.
"Hindi tayo mag katulad! Hindi ako masamang tao tulad mo!!" Galit na sabi ni Lindon sa sarili niyang ama.
Tila nag init ang ulo ng Senyor sa sinabi ni Lindon sa kanya. Pinag titinginan na sila ng mga tao sa party samantalang si Zamantha at Richard ay nakikinig lamang sa kanilang nakakakilabot na usapan.
Lumapit dahan dahan si Alfredo sa kanyang anak. At nag tapat ang kanilang mukha maging ang kanilang matang nanlilisik sa isa't isa.
"Tandaan mo! Marami akong kayang gawin."
"Hindi ako natatakot sayo!"
Wika ni Lindon sa sarili nitong ama.