She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

33: ISOP President

23K 842 95
By fbbryant

Mabilis naming narating ang Bloodworth mansion dahil halos paliparin na ng magkakaibigan ang mga sasakyan nila. Ni hindi na nga sila pumarada nang maayos at tama nga ang hinala namin. Nandito ang lahat ng sasakyan ng ISOP.

Umuwi naman sina Faizah at Lorenzo para ipaalam ang nangyayari sa mga kapatid ko at pati na rin kay Grams Octavia.

Titus stormed inside the mansion and we followed him. Nadatnan namin ang mag-asawang Bloodworth kasama ang maraming armadong sundalo ng ISOP sa pangunguna ng isang lalaking siguro ay one hundred years old na na nakasuot ng puting business suit. Mukha siyang uugud-ugod na pero ang mga mata n'ya, they were full of wisdom.

"Good you're here," pormal na salubong ni Magnus sa amin. "This is Mr. Orpheus Gerhardt, the president of ISOP."

Ngumiti ang lalaking tinawag na Mr. Gerhardt sa amin. His hair was white, he looked frail, he looked unthreatening.

Muntik na akong mapangiti nang siniko ako ni Matteo. Ni hindi ko napansin na ginagawa ko na pala 'yun.

"Don't let the smiling face of this old man fool you," tiim-bagang na sabi ni Titus na sa lalaki pa rin nakatingin.

"That's not very nice to say, Mr. Bloodworth," nakangiti pa ring komento ni Mr. Gerhardt. "Kahit na matanda na naman talaga ako."

"Pagpasensyahan n'yo na ang walang modo kong anak, President," masama ang tingin ni Magnus sa amin.

"Oh, it's alright, Magnus. Ganyan talaga ang mga kabataan. Natatandaan ko, ganyan ka rin naman noong kabataan mo. How long has it been? Seventy? Eighty years? Mula n'ong maging leader ka ng Hellville?"

Seventy? Eighty? Years? Si Rosamund mga ninety na. Gan'on din siguro si Magnus.

"Sixty-five years," sabi naman ni Magnus.

"Ilang taon na ba ang ama mo?" bulong ko kay Titus.

Kunut-noo n'ya akong dinungaw. "Ninety-five years old."

Gusto kong mangilabot. Magnus and Rosamund looked like they were in their late twenties. Not almost a century. Si Orpheus Gerhardt ang mukhang one-hundred na.

Purebloods and their immortality.

"That old man is almost a thousand years old," aniya patukoy kay Mr. Gerhardt.

Nabilaukan ako kahit na wala naman akong kinakain.

One thousand? Sabi ko one hundred eh. Not a millennium!

"Stop gossiping, you two," saway sa amin ni Magnus kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

Naku naman. Baka fifty years old na itong si Titus. Pero baka naman hindi. Eighteen daw eh.

Bakit ba ang edad n'ya ang iniisip ko ngayon? Dapat itong ISOP.

"What is your business here in Hellville, Mr. Gerhardt?" tanong ni Titus.

"Oh. Gusto lang naming makilala nang personal ang vampire-witch na naka-assign kay Sentry Kirkpatrick. Balita ko ay pasaway daw ito," ngumiti nanaman sa akin si Mr. Gerhardt.

Pero pasaway? Ako?

Noon pumasok si Yadira. Pormal ang mukha niya at agad na lumapit kay Mr. Gerhardt. Tinanguan lang siya ng lalaki bago siya tumayo sa tabi nito.

"Ano naman ang ginawa ko? Paano ako naging pasaway?" lito kong tanong na kay Yadira nakatingin.

Seriously? Ginawa n'ya talaga 'to sa akin?

"We all know that there is something going on between you and T, Savannah. I already told you. I'm sorry but I will do my job," medyo ilang niyang sagot.

"So, pinatawag mo sila? Gan'on?" tanong ko. Nagdamdam na ako. I thought we were friends.

"Hindi. Nag-report lang ako. Desisyon nila ang magpunta dito."

Napailing na lang ako. "Akala ko kaibigan kita."

"Kaibigan mo nga ako kaya ko ito ginagawa. Hindi kayo pwede, okay? Hindi. Ilang beses ko bang dapat sabihin 'yan sa'yo? And besides, this is my job. The reputation of my Sentry family is at stake here. Hindi ko sila kayang biguin."

"At sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na may namamagitan sa amin ni Titus?" tumaas na ang mga boses namin at nagagalit na ako.

"Enough!" dumagundong ang boses ni Magnus kaya napatigil kami sa pagsisigawan. "Titus Thaddeus, Ms. Simmons, everyone can see that you two have romantic feelings toward each other. No need to deny it. We are not blind, and definitely not stupid. Now that ISOP is here, they will take over. Do not worry, they will take care of you from now on, Ms. Simmons."

"But Father-."

"No buts, T. Labas na tayo when it comes to Ms. Simmons."

Nakita kong naikuyom ni Titus ang kanyang mga kamay kaya hinawakan ko s'ya upang kalmahin. Hindi ko man matanggap ang nangyayari ay wala na akong magagawa pa.

Napatingin ako sa napakaraming sundalo. They were armed to the teeth. Ang dami nilang espada, daggers, at kung anu-ano pa.

Saka ko lang na-realize, these must be Sentries. Not just a student like Yadira, but full fledged Sentries.

"Sundin na muna natin sila," bulong ko sa kanya. Ayoko ng gulo lalo na kung may kinalaman ito sa ISOP. Hindi namin kayang kalabanin ang napakaraming trained fighters.

Naiintindihan ko naman kasi na gusto ni Magnus na mapanatili ang law and order ng Hellville nang hindi nakikialam ang ISOP sa governance nila.

They could maintain their autonomy from ISOP as long as they maintained their Pureblood-only policy.

"Pero, Nichola."

Umiling lang ako sa kanya at hindi na s'ya muling umimik. Nginitian ko rin ang iba pa naming mga kaibigan na nanatiling tahimik at mukhang nagtitimpi lang din dahil nakakuyom din ang kanilang mga kamay.

Sumenyas si Mr. Gerhardt sa mga tauhan n'ya at dalawang babae ang lumapit sa akin. Hindi na ako nagpumiglas nang ilayo nila ako kina Titus.

"You just made a wrong move," 'yun ang huli kong narinig mula kay Titus bago ako tuluyang nailabas mula doon.

Sa isang lumang motel ako dinala ng mga tauhan ng ISOP. Binayaran yata nila ang buong building dahil nakita kong nagmamadaling lumabas ang mga customers kanina.

Kasama ko dito sa silid na ito ang dalawang babae at tatlong lalaking Sentries. Alam kong meron ding nakabantay sa labas ng kwarto at may nakapalibot sa buong building.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyun at pumasok doon sina Mr. Gerhardt at Yadira kaya alam kong nalukot agad ang mukha ko.

"So, ano 'to? Naging prisoner ako bigla?" matigas kong tanong. "Ano ba ang krimen ko? Na nag-sex ang mga magulang ko at nabuo ako? Kasalanan ko ba 'yun?"

I didn't care about manners anymore. I was angry.

"No, no, Savannah, you are not a prisoner. We are just taking some precautions," malumanay na sagot ni Mr. Gerhardt.

"For what?"

"Para sa umuusbong na pagtitinginan ninyo ni Titus Thaddeus Bloodworth. We have to end it before it even starts."

Masama kong tiningnan si Yadira at yumuko lang siya. So, hindi n'ya ako matingnan sa mga mata ngayon?

"Paano n'yo ako ilalayo sa kanya?"

"We will take you back to Graviville. You can work there for us."

"What? No thanks. Hindi ako pwedeng umalis sa lugar na 'to!" asik ko.

"You have no choice, dear."

Nag-init ang ulo ko bigla. Binalot ng sobrang galit ang buong sistema ko kaya gusto kong sumabog. Gusto ko silang saktan. Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko dahil sa galit.

"Sabi ko, hindi ako aalis dito!" sigaw ko sa kanila.

"Savannah! Savannah tama na. Stop it."

Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sahig at nakadagan sa akin si Yadira na mukhang namumutla at hinihingal pa.

Nakita kong tumayo si Mr. Gerhardt at ang limang Sentry mula sa sahig.

Nalilitong inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Everything was a mess. Basag ang salamin, tumaob ang kama, mga upuan at mesa.

Did I... Did I do this?

"Calm down, okay?" ani Yadira saka tumayo na rin. She offered her hand to help me but I shove it away. Tumayo akong mag-isa.

"This is why we try to stop a union of a witch and a vampire. Your kind is very dangerous and powerful. Especially you and your siblings. You're from the Simmons clan," kampanteng sabi ni Mr. Gerhardt habang pinapagpag ang suot na suit na parang walang nangyari.

"I didn't choose this, so don't try to control my life."

"We are not controlling you, Savannah. But we have to do this. It's our law."

"Bullshit. Everything about this is bullshit. I am not leaving this town. Not without my brother and sister."

"Susunod sila sa'yo kapag pwede na silang makalabas sa bayan."

"You're kidding, right? Ilang taon akong maghihintay kay Rianah kung gan'on? Thirteen years pa bago s'ya pwedeng mag- Channeling."

"Then, that's what you're gonna do."

"Hindi!" malakas kong sigaw. "Hindi ako papayag na ilalayo n'yo ako sa mga kapatid ko. Wala kayong karapatan. Magkakapatayan na muna tayo."

"Mr. President, mukhang mas mabuti siguro na 'wag muna natin siyang galitin sa ngayon," sabi ni Yadira na tinanguan naman ng lalaki.

"We will leave you here."

"I want to see my brother and sister."

"We will see what we can do. If I were you, Ms. Fitzgerald, I would be wise and follow what ISOP wants to make sure that my loved ones are safe," sagot ni Mr. Gerhardt bago sila lumabas.

Did he just threaten me? My family's safety?

Inayos ng mga Sentry ang mga gamit dito sa kwarto habang nasa banyo ako at nakatingin sa repleksyon ko sa malaki at medyo blurry nang salamin dito.

Ako ba ang gumawa ng malakas na pwersa kanina kaya nagulo ang buong silid? Paano ko ginawa 'yun?

Hindi ako makapaniwala na mas lumala pa yata ang problema ko ngayon.

Higit sa lahat, gagawin ko ang lahat upang hindi ako mawalay sa mga kapatid ko. Sa mga taong mahal ko.

Nakarinig ako ng ilang kalabog sa labas ng banyo kaya agad akong napalabas. Hindi ko inaasahang makita na nakahiga na sa sahig ang mga Sentry at nakatayo sa tabi nila sina Titus, Nadine at Matteo.

"Anong ginagawa n'yo dito?" gulat kong tanong.

"How are you?" agad akong nilapitan ni Titus at niyakap. Pero nanatili ang tingin ko sa mga Sentry. At nang tingnan ko ang nakabukas pang pintuan ay nasa sahig din ang mga bantay doon.

"Anong ginawa n'yo? Did you kill them?"

"What? Of course not," kunut-noo akong tiningnan ni Titus. "Naging kriminal pa kami n'on. Pati kami ay ikukulong ng ISOP."

"Pinatulog ko lang sila, Savannah, kaya 'wag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Matteo.

Tumango na lang ako saka nginitian sila. "Bakit nga pala kayo nandito?"

"These two just won't shut up kasi. Nag-aalala lang kami sa'yo," sagot ni Nadine na parang ini-examine ang buong silid. Isinara naman ni Matteo ang pinto at muli akong niyakap ni Titus.

"Okay lang naman ako. Hindi n'yo kailangang mag-alala. Hindi naman siguro nila ako papatayin 'di ba?"

"I don't think they will do that," sagot ni Titus.

"Kaso balak nila akong ilabas ng bayan at dalhin sa Graviville."

Napatiim-bagang si Titus at nagkatinginan naman ang dalawa.

"Ayokong umalis," tinitigan ko si Titus sa mga mata. Isa siya sa mga rason kung bakit ayokong malayo sa bayan na 'to. Inaamin kong ayoko ring malayo sa kanya.

"You're not going anywhere," matigas niyang sagot.

Sana nga.

"May pagkain ka ba dito, Savannah?" nagsimulang maghalughog si Matteo kaya napangiwi ako.

"Ano sa tingin mo, Matteo? This is not her place kaya syempre wala," nakaingos na sabi naman ni Nadine.

"We didn't come here to eat. Pag-usapan natin kung paano malutas ang problema na 'to," ani Titus.

Seryosong tanong. May balak ba akong pakawalan ng lalaking 'to? Daig pa tuko kung makakapit eh.

"Anong plano mo, T?"

"I don't know yet, Nadz. We can't go against ISOP that easily. We are outnumbered, and my father agrees with them. But for sure there is something that we can do."

Naisipan naming sumalampak sa sahig at mag-isip.

"Kidnapin na kaya natin si Savannah at itago mula sa kanila."

Sinapak naman ni Nadine si Matteo. "Ano nanamang katangahan ba 'yan, Matteo?"

"What? Buti nga ako may idea. Eh ikaw?"

Kung wala lang sana akong problema ngayon ay tutuksuhin ko na ang dalawang 'to.

"We can't do that. We don't want to be fugitives hiding from ISOP, do we?"

Napatango kami sa sinabi ni Titus. Kahit kailan talaga ay magaling mag-isip itong lalaking 'to.

Natahimik naman kami nang ilang saglit.

"Kailangan ba talagang sundin natin ang ISOP?" tanong ko.

"You're kidding, right? Of course. Or they will kill you. ISOP is like the highest vampire government," sagot ni Matteo.

"At ang president ay yung si Mr. Gerhardt?"

Tumango sila.

"Nakapagtataka nga eh. Hindi naman kasi 'yun usually umaalis ng Graviville para lang sunduin ang isang vampire-witch," dagdag naman ni Nadine.

"Witch. Right," biglang palatak ni Titus.

"Nangyari sa'yo?" baling ko sa kanya. Kanina pa kasi s'ya tahimik tapos bigla na lang magsasalita ng kung anu-ano.

"You can make a barrier just like what your grandmother did. But this time, you are the one who can't leave the town. Make it so a vampire-witch can't leave."

Sabay na pumalakpak sina Nadine at Matteo.

"Ang galing mo talaga, T," palatak ni Matteo na lumapit pa at niyakap si Titus.

"Fuck off, man. You're disgusting," tinawanan lang namin s'ya.

"Pero paano ko naman gagawin 'yun? Hindi pa ako nag-cast ng spell," nag-aalala kong tanong.

"Hindi ka namin matutulungan sa bagay na 'yan, Savannah. You have to figure it out before it's too late," ani Nadine.

Titus tapped my head. "You can do it. Babalik kami bukas to assist you if you need something. Tonight you have to make your spell."

What the hell? Gagawa ako ng ganito kalakas na spell? Agad-agad?

"Hey, you can do it, okay? You have to. It's the only way para hindi ka dalhin ng ISOP sa labas ng Hellville."

"Pero paano kung ma-reverse nila ang spell ko?"

"They can't. A Simmons spell can only be changed by a Simmons witch."

Tumango na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan din may gawin ako at 'wag asa lang nang asa sa kanila.

Isa akong Simmons witch. Kaya ko 'to.

"We have to leave now para masimulan mo na ang spell," ani Titus na tumayo na. Inalalayan n'ya ako sa pagtayo at gan'on din ang ginawa ni Matteo kay Nadine.

"Kaya mo 'yan, Savannah," nakangiting sabi ni Nadine saka ako niyakap nang mahigpit.

"Kaya ko 'to," sagot ko naman, still doubting myself.

Niyakap din ako ni Matteo at nauna na sila sa pinto.

At nang tingnan ko si Titus ay agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Without any hesitation, he gave me a mind blowing kiss. Nanlaki naman ang mga mata ko at napansin ko pa ang pagsisikuhan ng dalawang nakatayo sa may pintuan. Si Matteo halatang kinikilig.

"Don't mind them," bulong niya saka ako hinalikan uli.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tumugon sa mainit niyang halik.

He showered me small kisses before hugging me tight and I felt the warmth in my heart.

"I will not let you go," he said in his husky voice.

Tumango ako. Wala rin akong planong lumayo.

Nang makaalis sila ay saka naman nagising ang mga Sentry. Nag-panic pa sila sa pag-aakalang tumakas ako.

"I want to be alone. Siguro naman ay bibigyan n'yo ako ng privacy para makatulog?"

Tumango naman sila at iniwan na ako sa maliit na silid na ito ng motel.

Umupo ako sa gitna ng kama at nag-isip ng spell.

Inang Kalikasan, dinggin ang panalangin. Ipahintulot nawa ang kahilingan.

Kinilabutan ako. Not because it was amazing, but because it was cringe.

Paano ba gumawa ng sariling spell? Ang mga itinuro kasi sa akin ni Faizah ay nasa booklet na.

Huminga ako nang malalim. I had to try.

Dapat ba rhyme?

Inang Kalikasan, pakinggan aking kahilingan. Isara ang bawat lagusan para sa mga bampira.

Hindi ko yata kayang gumawa ng spell.

Frustrated na naihilamos ko ang mga palad ko at itinuloy ang pag-iisip. Hanggang sa umabot ng hatinggabi na gan'on pa rin ang ginagawa ko.

Hindi sinasadyang nakatulog na pala ako habang nakaupo dito sa kama at nakasandal sa headboard.

Nagising na lang ako dahil sa ingay sa paligid. May mga nagsisigawan at tila may mga tumatakbo papunta sa iba't ibang direksyon.

"Anong nangyayari?" agad akong bumangon at sumilip na rin sa bintana. Bumukas ang pinto ng aking silid at pumaso ang maraming Sentry.

"Mukhang may nangyayaring gulo dito sa bayan," anang isa.

Gulo?

Ang mga kapatid ko!

Akmang lalabas na ako nang harangan nila ako.

"Hindi kayo pwedeng lumabas hangga't hindi sinasabi ni President Gerhardt, Ms. Fitzgerald."

"Padaanin n'yo ako. Kailangan kong puntahan ang mga kapatid ko," nagpipigil sa galit na sabi ko.

"Wag po kayong mag-alala. Pinapuntahan na po ni Ms. Kirkpatrick ang mga kapatid n'yo para i-secure."

"Siguraduhin n'yo lang na walang mangyayari sa kanila pati na rin sa mga Atwood. Kapag may nangyaring masama sa kanila, kayo ang sisingilin ko."

Nagkatinginan lang sila pero hindi umalis sa pagkakaharang sa pinto. Kaya padabog na lang akong bumalik sa bintana at sumilip doon.

What the heck!? Tama ba 'yung nakita kong tumalon mula sa rooftop ng isang building papunta sa kabila?

Umaatake na ba sila ngayon?

Nanlalaki ang mga mata ko nang bumaling ako sa mga Sentry na kasama ko.

"Turned vampires are attacking the whole town," halos hindi makahinga na sabi ko sa kanila.

***

Continue Reading

You'll Also Like

26.8K 1.9K 55
The deal is very simple. Zenaia had to find six individuals wearing a certain tattoo or brand. That's the only thing she needs to do in turn for thei...
23.3K 1.2K 63
「COMPLETED」「UNEDITED」 Babaeng happy go lucky, laging nasusunod, lahat ng gusto nakukuha agad agad. May kapatid na sweet at caring at syempre may magu...
103K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
71.1K 2.5K 24
How can something so beautiful be so deadly? Ara Hope does not have the perfect family but despite this fact she had the perfect childhood. She has a...