I Will Never Leave You [On-Ho...

conceitted

21.9K 1K 333

Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay a... Еще

Pagtatatuwa
Prologo
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Kabanata 1

1.4K 104 36
conceitted

"Uy! Asan ka na ba? Tsk. Tagal mo naman. Kanina pa ko naghihintay dito oh" Siya si Stephen Ledesma. Bestfriend ko yan since elementary. Madali yung pagiging close namin kasi magkaibigan din yug mga parents naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit parati niya nalang akong minamadali kung siya ang nauuna pumasok samantala kapag ako naman ang nauna pumasok hindi naman ako nagrereklamo. Pero kahit ganun, nasanay na 'ko sa ugali ni Stephen - na napakarekladamor, gusto palaging sinusuyo, at nasusunod sa lahata ng mga gusto niya. 

"Oh teka lang, sandali. Papunta na talaga ako. Pramis malapit na talaga ako" Sagot ko naman sa kanya sa gitna ng pagtatawagan namin. Kahit na medyo malayo-layo pa ko ng konti, sinabi ko nalang na malapit na 'ko para wala ng reklamo. Mabuti nalang at konti lang ang mga tao dito sa jip kasi kung hindi, kanina pa siguro ako pinagtitinginan dito ng mga tao. Binaba ko nalang ang tawag niya para wala na kong marinig sakanya.

Kung paguusapan ang pagkakaibigan namin ni Stephen, hindi ko na mabilang kung ilang taon na kaming nagsasama. Napakabata pa kasi namin noon nung nagkakilala kami pero as far as I could rememeber, nung elementary days around grade 4 or 5 ata kami nagstart na maging close. Nung elementary ko kasi, wala talaga akong kaibigan na babae nun. Yung tipo ba na makakausap mo araw-araw, mahihiraman mo ng pencil o eraser, mapagmamayabangan mo ng mga bagong gamit mo. Pero yun nga, sayang kasi wala may gustong makipagkibigan sakin noon. Advantage naman noon kasi andiyan si Stephen na bagog lipat lang sa school ko. Sa kalagitnaan na siya ng school year lumipat kaya ako yung naging una niyang kakilala. Sinabihan din kasi ako ni Mama at Tita na samahan ko daw siya sa school kasi nahihiya daw siya. Kaya ayun, araw-araw ko siyang sinasahaman hanggang sa ngayon, magkasama pa din kami.

Although, lalaki siya, babae ako, walang awkward-akward saming dalawa. Di uso samin yan. Minsan nga sinasabihan kami ng ibang tao na "Kayo ba?". Siyempre ako naman parang wala lang sakin yun, alam ko naman kasi na magkaibigan lang talaga kami. Pero tong si Stephen, hay naku, ayaw paawat. Nung first day of class nitong school year, may nagtanong sakanya, actually new student ang nagtanong sakanya.

"Hi, girlfriend mo ba siya?" Malinamnam na sabi ng kaklase ko.

Nagtataka pa una si Stephen kung ano ang isasagot niya. "Ahh.. Oo girlfriend ko siya" Nungung mga oras na yun nagulat talaga ako. Dinilatan ko siya pero ngumiti lang siya sakin ng nakakaloko.

Simula nun, hala panay dikit sakin, panay tawag ng 'babe' sakin. Yung mga kaklase/barkada ko naman tawa lang tawa saming dalawa. Napansin ko din yung babae palagi nalang akong sinusungitan kahit nagmamagandang-loob naman ako sakanya. Ano to selosan? Simula nun, sinabihan ko na si Stephen na itigil niya na ang kakatawag na 'babe' sakin at pagpapanggap na girlfriend niya ko. Hindi kasi ako sanay na merong kumokontra sakin sa classroom. Pero tong isa, minsan may pagkakulit din eh. Ayaw palaging magpaawat kaya ako na nagsabi dun sa bagong kaklase namin na hindi naman talaga kami magkarelasyon. At alam niyo ba kung ano ang naging reaksyon? Ay naku, tuwang-tuwa. May gusto ata kay Stephen. Heh. Ano naman nagustuhan nun sa lalake? 

Oo, maraming naghahabol diyan pero hindi ko pa din alam kung bakit. Oo, pogi si Stephen o pagkatapos? Haynaku, ewan ko nalang sa mga babae ngayon. Minsan sinasabihan ko yang si Stephen na kung pwedi tigil-tigilan niya ang pakikipaglandian/pakikipagrelasyon sa mga babae. Take note mga, ibig sabihan marami. Naalala ko noon, meron yang nakalandian, tinanong ko kung seryoso siya, pero pagkabukas ko ng phone niya, ay naku, hindi pala. Madaming babaeng katext. Tinawagan pa 'ko ng isa sa mga babae niya. Grabe yung putak ng bibig, halos lamunin na ko ng mga mura niya. Yun pala nagseselos, akala daw niya ako yung isa sa mga girlfriend ni Stephen. After nun, hiniwalayan na ni Stephen at naghanap nanaman para pangdagdag. Teka, nagring nanaman phone ko.

"Oh asan ka na?" Inip na tanong niya sakin

"Ano ba? Di ba kakasabi ko na papunta na 'ko? Eto na sumasakay na. Malapit na talaga ako. Maghintay ka diyan ng 5 minutes" Inip na sagot ko din sakanya. Muntikan ko na sanang ibaba ang tawag niya kasi sobrang nakakahiya na dito sa ibang pasahero na medyo tumitingin nasakin.

"5 minutes? Grabe ang tagal naman nun!" 

"Oh sandali, eto na pala ako, baba na ko. Manong pakibayad po" Sabay abot ko ng bayad sa isang pasahero at agad na bumababa ng jip.

Pumasok ako sa school namin. Medyo madami-dami na din ang mga estudyanteng dumadating. Malaki yung school namin pero hindi siya University. Ang dami kasing mga buildings dito sa school namin at ang laki pa ng canteen. Kahit na matagal na'kong nag-aaral dito, maliligaw pa siguro ako. Merong tig limang section sa bawat year level at kabilang kami sa first section. Actually matalino 'tong si Stephen, yun nga lang minsan may pagkatamad din. Pagpasok ko, sinalubong niya kaagad ako.

Pagkapasok ko, siya kaagad nakita ko. Lumakad ako papunta sakanya. "Grabe naman Nica, pinahintay mo naman ako." Salubong na reklamo niya sakin

"Oo na, kasalanan ko na. Sorry na po ha. Sana mapatawad niyo ko." Sarcastic ko namang sabi sakanya

Bigla naman napalitan ang inip niyang mukha sa isang nakakalokong ngiti. "Binibiro ka lang eh. Masyado ka namang pikon" Sabay kirot sa ilong ko - na palagi niya nalang ginagawa kapag dadating ako sa school.

"Ano ba Stephen. Masakit eh" 

"Kailangan mong gawin yan tuwing umaga para tumaas naman ng konti ang ilong mo." Pagmamayabang niya sakin. Sa isip ko, palibhasa matangos ang ilong mo.

"Teka, hindi naman pango ilong ko ah! Porke't matangos lang ang ilong mo, nagkakaganyan ka na! Halika na nga, pasok na tayo, mamaya late na tayo oh.... Pero teka bakit ka ba nagmamadali kanina?"

"Wala lang. Namiss kita." Sabi niya sakin sabay taas ng dalawang niyang kilay

"Heh, parang tatlong araw lang tayo hindi nagkita, miss mo na agad? Sus, tigilan mo ko sa kaartehan mo Stephen. Halika ka na at baka malate na tayo."

First subject namin ngayon is Physics. Mahal na mahal ko talaga yung subject na physics. 3 consecutive years na ako naging best in science sa classroom namin at sisiguraduhin ko na ngayong school year, makukuha ko sya. Siyempre I'll try my best talaga na makuha yun lalo na't graduating yung batch namin ngayon. At kailangan ko din makuha yung valedictorian, not that na ipagmamayabang ko sa mga kaklase ko, but for me, na maging madali yung paghanap ko ng school for college at maging proud yung parents ko sakin. Tatlong taon na kasi akong number 1 sa class namin at sa buong year level. Ang saya talaga. Kung ang iba nga sinasabi nila na maswerte daw ako, pero hindi nila alam, na through hard work at trust ko kay God, nakuha ko ang lahat ng mga 'to.

Sa lahat ng mga blessings na dumadating sa buhay ko - family, friends, at sa school - minsan tinatanong ng ibang tao, kung kelan daw ako magboboyfriend, actually yung mga mokong kong kaibigan talaga yung palaging nagtatanong sakin yan. Palibhasa ako nalang kasi yung natitira sa barkada na hindi pa nagboboyfriend. Ewan ko pero parang hindi pa talaga ako ready sa mga ganyang bagay o baka takot lang ako. Basta ang alam ko lang ngayon is, mag-aral ng mabuti.

Natapos na yung first subject namin sa umaga. Oras na para kumain. Sabay kaming lumabas lahat ng barkada sa classroom. Parabg may napansin lang akong iba sakanila ngayon, bakit nga ba sabay kaming lahat lumabas? Kahit na barkada kaming lahat, kadalasan kasi hindi kami sabay lahat kumain. Pwera nalang ang pag-uwi namin.

"Oh guys, san tayo kakain?" Tanong ko sakanila.

"Sa Jupiter." Pagpipilosopong sagot sakin ni Kael.

"Ewan ko sa'yo. Hindi kita kinakausap diyan"

"Hahahaha. Biro lang." Sabi niya naman sakin sabay ngiti. Tumawa nalang ang barkada.

Siya si Kael, kaibigan at kaklase ko din. Kasama din sa barkada. Makulit. Saakin nga lang. Pero sa iba, hindi. Kainis nga eh, ako nalang palagi yung nakikita. Kahit na matagal na kaming magkasama sa barkada, ni-isang seryosong usapan hindi kami nakakapagusap. Parati nalang kasi kaming nagbabayangan. Pero kahit ganun, hindi naman awkward sa barkada n hindi kami nag-uusap ni Kael. Nasanay na siguro.

"Oh ano na yung kakainin natin?" Sulpot naman ni Stephen

"Halika, bili na tayo dun." Yaya ko naman sakanilang lahat. Kung hindi pa kasi ako gagalaw dito, hindi din sila gagalaw.

Maglalakad na sana ako kaso bigla pa 'kong inutusan ni Stephen na kung pwede kunin ko daw ang wallet niya sa classroom. Naiwan niya daw kasi. 

Bumalik ako sa classroom para kunin ang wallet ni Stephen. Pagkapasok ko, walang tao. Pumunta ako sa upuan ni Stephen at binuksan ang bag niya pero pagkabukas ko, ni-isang libro o notebook man lang wala siyang bitbit.Tanging t-shirt lang at pampapogi ang dala niya. Kinuha ko nalang ang wallet at bumalik ulit sa canteen.

Nakita ko silang lahat na nakaupo na. Binigay ko kay Stephen ang wallet niya. 

Tumayo si Stephen sa kinauupuan niya para kunin ang wallet niya. "Tara Nics, sabay na tayong bumili ng pagkain. At dahil kinuha mo 'tong wallet ko, illibre na kita"

Hay naku, kahit kailan talaga napakatamad tong Stephen na'to. Palagi nalang ako inuutusan. Minsan nagmumukha nakong bodyguard nito. Pero okay lang. Naiintindihan ko din naman 'tong si Stephen eh. Lumaki kasing wala sa tabi niya ang mga magulang niya, lumaki siyang merong mga yaya at driver sa tabi niya kaya hindi na siya nahihirapan. Para bang, sa lahat ng bagay kayang niyang madaliin. Yun sana ang gusto kong itigil na ugali ni Stephen - ang hindi marunong maghintay sa mga bagay-bagay.

Продолжить чтение

Вам также понравится

MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman Ms. Patch

Любовные романы

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...