WANTED PERFECT BOYFRIEND for...

By VixenneAnne

32.4M 828K 96.3K

She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez... More

Author's Note
1. She's the Boss
2. No Suitor? No Boyfriend?Why....?
3. The BF Pressure
4. Her Black Encounter
AUTHOR'S NOTE
5. Pressure!Pressure!
6. Black Encounter Strike 2
7. Black Back Again
8. Black Part of Him
9. The Proposition
10. The Reunion
11. After Shock
12. The Girl for Black
A/N
13. BLACKmail
14. The Demetri's
A/N
15. Missing BLACK
16. Teasing Black
17. Morning Break
18. Spell SELOS
19. Love Game
19. Love Game(2)
20. Beware: Mga lalaking pa-fall
21. Boyfriend on Duty
23. A rose for an angry lady
24.Moments with Black
25.Diamond Vs Darkness
26.The Fallen Angel
27.Black Tricks
28.Black Intruder
29.The Revelation
30.Lady Veronica's Warning
31.Black Identity
32.Pride and Prejudice
33.When the Devil Returns
34.Chasing Black
A/N Facebook ni Black
A/N Promoting Drico Antonio Divanne
35.The Elusive Black
36.The Plan
37.Black Motives
A/N A Poem from a Reader
38.Black Cares
AUTHOR'S NOTE: FACEBOOK UPDATE
39.Prince Vs. Prince
40.The Devil's Proposition
41.Teenage Dream
42.The Fall
43.The Heartbreak
44.Black Thoughts
45.Wildflower
46.b-LIE-vee
A/N: Recently in Facebook
47.It's a beautiful day..
48.Two-Faced Devil
49. Black Karma
50. The Dream
A/N Facebook Fun
51.The Conflict
52.Beautiful life.
EPILOGUE
Published under Psicom
SMX Mall of Asia
Shopee

22. Black all day

512K 22.2K 998
By VixenneAnne



Ilang sandali pa patango-tango nalang siya, at patawa-tawa sa mga kilyente para masabayan niya ang usapan ng mga ito. Kahit wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ni Black pakiramdam niya ay hindi naman siya nito nilalaglag. Mukha namang sinasabi nito kay Mr. Ramirez ang eksaktong pinapasabi niya dito. Bawat sabihin niya ay pinapaintindi nito sa mag asawa.

Nakikita niya sa mga mata ng mag-asawa na tuwang-tuwa ang mga ito sa company ni Black. Well, sino nga naman ang hindi, taong bato lamang ang hindi mabibihag sa nangungusap na mga mata, sa mapang-halinang mga ngiti at sa nakakalokang appeal na nakalukob sa buong pagkatao nito. Bawat galaw ni Black ay tila magnet na nag-iimbita ng yakap sa kahit na sinong kaharap.

"Anong pinagsasabi mo sa kanila? Sumusunod ka ba sa mga sinasabi ko sayo?" tanong niya nang masolo niya ito dahil sumama ang mag-asawa kay Candy upang kumuha ng pagkain. "Basahin mo ulit to, ang mga ito ang sasabihin mo sa kanila ha!"

Parang napipilitang inabot ni Black ang papel at pinasadahan ng tingin ang papel na binigay niya, tapos ay isinantabi. "Alam ko kung ano ang gagawin ko ok? I understand the main goal is to make them buy the most expensive townhouse here in Tagaytay, mas mahal mas malaki ang komisyon ng kompanya mo, tama ba?"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Wag kang mag-alala, alam ko ginagawa ko, hindi pa ako pumapalpak."

"Napaka-hangin mo talaga."

"Mukha ba kong electric fan?." pairap nitong sagot sa kanya.

Umikot ang eyeballs niya sa sagot nito. Napaka-pilosopo.

"Panu ka nakapunta dito?Panu mo nalamang andito ako?"

"I called your office early this morning. Guess what?? Your employee gave away your information just like that to a stranger over the phone. Hindi mo ba alam na bad practice yun? Itrain mo ang mga tauhan mong itago ang whereabouts mo dahil balang-araw yan ang ikapapahamak mo. Ni hindi man lang tinanong kung sino ako.Tch! Mag iingat ka, wag kang tatanga-tanga."

Tumawag ito sa office? Wala man lang nag-inform sa kanya? Parte ng puso niya ang kinilig dahil naisipan naman pala nitong kumustahin siya kahit papanu at sinundan pa siya nito dito sa Tagaytay. May kalayuan din ito sa Manila ah. Pero pinigil niya ang tuwang nararamdaman, ayaw niyang umasa na naman tapos ay mahulog na naman sa patibong nito. Higit sa lahat, hindi niya palalagpasing tinawag na naman siya nitong tanga.

"Hoy, wag mo nga akong turuan ng dapat kung gawin, dahil hindi kita kaanu-ano. Anong kailangan mo't sumunod ka dito?"

"Pambihira ka, sinalba na kita't lahat sa problema mo, yan pa igaganti mo sakin, ang lupit mo talaga!"

"Oh eh bakit? Di ba lahat ng kibot mo may kabayaran? Wag ka nang mahiya, babayaran naman kita sa serbisyo mo today, ayokong magkaroon ng utang na loob sayo noh!"

"Sumakit ang puso ko dun ah." sabay kunwari hawak sa pusong nasaktan. "Grabe ka sakin. Para sabihin ko sayo, pumunta ako dito para makita ka. Itxt mo kasi ako, hindi yung wala kang paramdam! Sumasakit ang bangs ko sayo."

Natawa siya. Kahit ayaw niyang tumawa, kahit gusto niyang panindigan ang asar niya dito hindi niya napigilang tumawa. Bangs daw? Haha. Loko-loko talaga to.

"Wala kang bangs, baliw!"

"Bakit, may bangs ako dati!"

Iningusan niya lang ito.

"By the way, hindi ka talaga nauubusan ng surprises no? San ka naman natutong mag-Spanish?"

"Sa internet, sa google translate. Andami mong tanong."

"Sumagot ka nga ng maayos!"

"Maayos."

"Ano??"

"Oh di ba sabi mo sumagot ako ng 'maayos', ano pa gusto mo?"

Gusto niyang manapak! Gusto niyang manabunot! " Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, bahala ka sa buhay mo. Ayusin mo nalang ang pinapagawa ko sayo."

"Ganyan ka naman eh, puro ka utos, wala ka namang bininigay na kapalit."

"Bakit, sino bang nagpapunta sayo dito? Wag mo kong dramahan, dahil babayaran kita!"

"Talaga? Eh panu kung hindi pera ang gusto kong bayad mula sayo ha?"

Napatitig siya sa mga mata ni Black sa sinabi nito. Bigla kasing sumeryoso ang mga iyon at tila nagkaroon ng malalim na kahulugan ang sinabi nito. Nakatitig din si Black sa kanya. Tila binabasa kung ano ang iniisip niya.

"Wag kang magpaka-bayani alam kong pera lang naman ang habol mo dito." lakas loob niyang turan.

"Akala mo ba talaga yun lang ang gusto ko? May iba pa akong gusto sayo..." walang halong tawa ang boses ni Black. Ang tingin nito'y unti-unting bumaba mula sa mga mata niya papunta sa bibig, sa leeg, at sa kurba ng katawan niyang litaw na litaw sa hapit na blazer at skirt. "....at sa tingin ko malapit ko nang makuha yun."

Pinamulahan siya ng pisngi. Anong pinagsasabi ng lalaking to? " I don't wanna play games with you, Black. Simula ngayon wag kang magpapakita sa harap ko hanggat di ko sinasabi. Unang una sa lahat hindi kita boyfriend, pangalawa hindi tayo magkaibigan. I'm only tolerating your presence here coz I don't have a choice, I have to bear with you until the day is over. You will be well compensated, and you will stay out of my sight after this. You understand?"

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Tingnan natin, Binibining Virgin." Iniwanan siya nito ng kindat a matamis na ngiti. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil halos malaglag ang puso niya dahil doon.

Pathetic. She was such a pathetic liar, desperately trying to hide her true feelings through her spicy little dialogue na halata namang hindi epektibo kay Black. Masyadong mataas ang bilib nito sa sarili, tingin talaga nito hindi niya ito kayang tiisin.





They were in front of a big table filled with native foods na pinahanda nila ni Candy para sa importanteng mga bisita. Puro tawa at tango lang sila ni Candy, habang si Black ang nagkikipag-usap dito gamit nakakamanghang kaalaman nito ng linggwaheng Espanyol. Pinapaliwanag nito sa mga kliyente kung gawa saan ang mga pagkaing nasa harapan. Kahanga-hanga. Habang pinapakinggan niya ang bawat banyagang salitang lumalabas sa bibig nito para siyang namamagnet palapit dito. Ang sarap sundan ng tingin ang bawat pagbuka nito ng mga labi.

Saan nga kaya ito natuto? Saan ito nag-aral at mukhang mas madami pa itong alam kesa sa kanya? Marami siyang tanong sa pagkatao nito na alam niyang hindi na dapat niya pakialaman dahil wala naman talaga siyang direktang kaugnayan dito. At kapag nagtanong naman siya, siguradong puro kalokohan lang ang isasagot nito. Sa loob ng maikling panahong nagkasama sila, sinasabi ng instinct niya na mag ingat siya kay Black. Dahil kagaya ng pangalan nito, napakadilim ng pagkatao nito, ni hindi niya maaninag totoong iniisip nito.

She had to be very careful.

"Miss Vee, ok ka lang po?" pukaw sa kanya ni Candy.

"Ha?"

Napatingin sa kanya si Black. Tapos bumaba ang tingin nito sa hawak niyang table knife, nahiwa na niya ang daliri niya nang hindi namamalayan.

"Dammit!" he silently cursed. His eyes narrowed on hers.

Maliit lamang ang sugat kaya itinago na lang niya sa ilalim ng mesa bago pa makahalata ang mga kliyente sa katangahan niya. Nakakahiya, baka mawalan ng tiwala ang mga ito sa kanya.

Then Black said something in Spanish, clearly asking permission to excuse themselves for a moment na pinagbigyan naman ng mga ito. Hinawakan siya nito sa pulsuhan at isinama sa parteng may public sink kung saan niya pwedeng hugasan ang sugat.

"Alam mo bang ikaw palang ang kilala kong nahiwa ng table knife in broad daylight? Wala ka bang mata? Kumakain ka ba ng nakapikit?" pagalit nito sa kanya habang hawak ang kamay niyang may maliit na sugat. Hinugasan nito iyon upang malinisan at wag nang dumugo. He got a table cloth somewhere pinunit nito using his teeth tapos ay tinali sa daliri niyang may sugat ang maliit na piraso nun.

Napamaang siya sa ginawa nito, he was such a brute. A very gentle brute, a paradox of both sweetness and sarcasm.

Nag-alala ba ito sa kanya? Kasi parang naramdaman ng puso niyang OO ang sagot sa tanong niyang iyon.

"Seriously? Its just a small scratch, don't make so much fuss about it. In short, wag kang OA!" kunwa'y pairap na tugon niya.

Kinalabit nito ng malakas ang ulo niya. Napangiwi siya dahil masakit iyon.

"Ang sabihin mo, natutulog ka ng dilat ang mata! Ang sabi ko sayo, wag kang tatanga-tanga!"

Kumabog ang dibdib niya dahil sa sigaw na iyon ni Black. Mukhang seryoso ito sa sinasabi at mukhang nainis talaga sa kanya dahil nasugatan niya ang sarili.

"Hindi ako tatanga-tanga, ikaw palang nagsabi sakin ng ganyan." sagot niya dito. " Will you stop acting like you care!"

" I'm not acting. I care. And I can't stop." Yun lang at iniwanan na siya nitong nakatunganga sa sinabi nito.

"Tch! Artista siguro talaga to. Ang galing eh! Akala mo totoo.." bulong niya sa sarili. Pilit niyang kinakalaban ang kakaibang damdaming nagsisimula na namang kumawala sa dibdib niya.

Nang makabalik siya sa table ay sinabi ni Candy na napagpasyahan ng mag asawa na mag-extend. Imbes na umuwi na sila ngayong gabi, gusto daw ng mga ito na manood ng ilan pang mga cultural show sa kalapit na museum. Ibig sabihin ay kailangan nilang magpaumaga.

"Ano? Wala tayong hinandang accommodation dito for an overnight stay."

"Si Mrs. Ramirez na po mismo ang nag-arranged, pinigilan ko nga po kaso ang sabi regalo niya daw sa'tin for a job well done. Pumirma na po si Mr. Ramirez, yung pinakamahal na townhouse ang kinuha nila."

"Talaga?!" excited niyang sabi.

Masayang tumango si Candy. "Tuwang tuwa po siya sa boyfriend niyo!"

"Stop it. Hindi ko siya boyfriend." napalis ang ngiti niya kay Candy, iningusan niya ito.

"Pero yun po ang pakilala ni Black sa inyo. Ang sabi niya diyan sa mag-asawa, girlfriend niya kayo."

Nabaling ang tingin niya kay Black na nakikipagtawanan sa mag-asawa. Pinandilatan niya ito, sinuklian naman siya ng nakakalokong ngisi ng isa.

Ang laking sakit nito sa ulo.





Halos madaling araw na nang matapos ang mga palabas sa mini theatre na napuntahan nila. Nagyaya pang magvideoke si Mr. Ramirez nang makakita ito ng mga kabataang nagsisipagkantahan sa maliit na kubo on their way to their rooms. Isang magara at malawak na resort ang accommodation na nakuha ni Mrs. Ramirez para sa kanila.

Umupa sila ng isang kubo upang uminom at magkantahan pa. Tila walang kapaguran ang mga kliyente niya, sinulit talaga ang buong araw niyang schedule. Wala siyang nagawa kundi magpatianod sa gusto ng mga ito.

Lowbatt na siya. Mahina na ang palakpak niya sa mga kantang Espanyol ng dalawa. Pati si Candy napakanta na rin at mukhang maging ito at hindi pa gustong matapos ang gabi. Enjoy na enjoy din ito. Ilang sandali pa mukhang naramdaman na ni Mrs. Ramirez nag antok niya kaya lumapit ito sa kanya.

"Kumanta ka raw para sa kanya." sabi pa ni Black dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito.

Gusto niyang tumanggi, pero sino ba naman siya para gawin yun? Napakabait ng mga ito sa kanila maghapon, napakawalang galang niya naman kung tatanggi siya.

"HIndi po ako marunong. Ok lang sa inyo?"

Si Black ang nagtranslate nun. Tumango ang babae, pati asawa nito ay nauna na ring pumalakpak sa kanya.

Sandali siyang naghanap ng kanta sa songbook. Sa totoo lang hindi niya alam ang kakantahin. Lumagok muna siya ng dalawang basong alak bago nakapili.

Tumahimik ang lahat nang pumailanlang na ang intro ng kanta.

Wala siyang talent sa pagkanta, pero hindi naman siya yung tipong hopeless case. Her voice was bearable, or so she thought. Anyway..

' If you love me like you tell me

Please be careful with my heart

You can take it, just don't break it

Or my world will fall apart'

Nanginginig ang boses niya, sa totoo lang kinakabahan na siya. Feeling niya ilang sandali pa ay tatawa na ng malakas si Black. Napasulyap siya sa mag asawa, kahit hindi naiintindihan mukhang nag eenjoy naman ang mga ito. Bumaling ang tingin niya kay Black, namataan niyang kanina ay nakasalampak lang ito sa mahabang couch doon, ngayon ay tila umalerto ito, umayos ng upo at tumitig sa kanya.

"You are my first romance

And I'm willing to take a chance

That till life is through

I'll still be loving you."

Mula sa screen ng videoke, hindi niya napigilang muling ibaling ang tingin kay Black. Tila gusto niyang makita ang bawat reaksyon ni Black sa sinasabi ng puso niya. Halos mamula buong katawan niya nang ang mga titig ni Black ay bumabaon sa buong pagkatao niya.

' I will be true to you

Just a promise from you will do

From the very start

Please be careful with my heart'

Tuwing sumusulyap siya kay Black, parang ang mga lyrics ng kanta ay nagiging makatotohanan sa kanya. Hindi na niya kinayang tapusin ang kanta. Umarte na lamang siyang wala ng boses, but the truth was, she just felt very uncomfortable singing her favorite song with Black around.

Nang magpaalam ang mga kliyente niya upang magpahinga na, sumunod si Candy sa mga ito. Naiwan sila ni Black doon, lumayo siya dito nang maupo ito malapit sa kanya.

"Wala akong galis para pandirihan mo ah!" reklamo nito.

"San na nga pala ang room ko?" tanong niya rito. Nakalimutan na ni Candy na ipaalam sa kanya, nalasing na din kasi ito sa ininum nito.

"Sa room ko." Inangat nito ang susi.

"Ano?"

Tinawanan siya ni Black.

"Girlfriend kita, ang tindi nga ng common sense ni Mrs. Ramirez naisip niyang isang kwarto lang ang kelangan nating dalawa!"

"Anong kalokohan--"

"Sssshhhh." tinakpan nito ng dalawang daliri ang bibig niya. "Pagod na ako. Bukas ka na magreklamo, let's go." pabulong nitong sabi sa kanya dahil gahibla lang ang binigay nitong pagitan sa mga mukha nila.

Hindi siya nakasagot dahil kumabog na naman ang dibdib niya. Lalo pa nung dinala ni Black sa lips nito ang mga daliring dinikit nito sa labi niya. As if indirectly kissing her.

Umangat ang kilay niya sa ginawi nito, pero hindi na siya nakapagprotesta nang hilahin siya nito papunta sa magarbong kwartong nirentahan ni Mrs. Ramirez para sa kanila.





Ilang minuto siyang nakatulala lang sa loob ng isang malaking kwarto. Nakaupo siya sa nag iisang malaking kama habang nakatitig lang sa abstract painting na nakasabit sa wall. So ano? Magpapalipas na naman siya ng magdamag kasama si Black? Pakiramdam niya para siyang gamu-gamong lumalapit sa apoy sa ginagawa niya.

Napalingon siya sa pinto ng banyo nang magbukas iyon. Niluwa nito si Black, napalunok siya. His hair dripping wet from the shower. Mabuti na lamang at lumabas itong suot na ang manipis na sando at boxers dahil kung nagkataong nakatuwalya ito, baka di niya kinaya. Alam niyang maganda ang katawan nito at hindi iyon makakatulong sa damdaming pilit niyang sinusupil.

"Hindi ka maliligo?" tanong nito.

"Hindi."

"Bahala ka, masarap pa naman ang tubig." inabot nito ang bote ng mineral water sa side table malapit dito saka uminom mula doon. "Oh."

Napatitig siya sa binibigay nito. Pinapainom din siya nito mula doon.

"Uminom ka, ang putla mo. MUkha kang dehydrated na patatas diyan! Mantika nalang pwede ka nang french fries, alam mo ba?"

Inirapan niya ito. Nuncang iinom siya sa boteng nasayaran na ng mga labi nito.

"Sabi nang uminom ka!" asik pa nito.

Hay ang kulit! Pairap niyang kinuha iyon. Saka niya lamang naramdaman ang uhaw ng masayaran ng tubig ang lalamunan niya. Shit. She tasted his mouth through the opening of the bottle...or she was just imagining things? Lasing na siguro talaga siya.

"Matulog na tayo, maaga mo pang ihahatid ang mga kliyente mo sa airport bukas." pukaw ni Black sa kanya. Pinatay nito ang ilaw sa buong kwarto, tanging ilaw ng lamp shade ang bumubuhay ng liwanag doon.

Kampanteng nahiga si Black sa kama.

Tabi sila.

Kahit na halos dalawang tao ang pagitan nila ni Black, hindi pa rin mawaksi sa isipan niyang magkatabi silang matutulog sa kwartong to. Kinabahan siya, first time to.

"Matulog ka na. Sige na, nakakatakot ka eh, pakiramdam ko gagapangin mo ko!" untag pa ni Black. Nakatalikod na ito sa kanya at alam niyang nakapikit na.

"Ang kapal mo, ikaw may kagagawan nito." sagot niya.

Hay, ano nga bang mapapala niya sa pakikipagtalo dito? Tama naman ito, kailangan niya ng pahinga dahil maaga siya bukas. Kailangan na niyang matulog. Wala namang masama kung tatabi siya kay Black, wala namang mawawala sa kanya.

Wala nga ba? Ganti ng bahagi ng utak niya. Alam niyang kahit gago si Black, harmless ito. Ang inaalala niya ay ang kanyang sariling katinuan na malapit nang bumigay.

Sandaling nakalimot ang mga mata niya at nakaidlip siya. Ilang sandali pa ramdam nyang sobrang lamig ng aircon, nanunuot sa balat niya kahit makapal ang comforter ay tumatagos ito doon. Namaluktot na lamang siya at niyakap ang sarili.

Then she felt Black moved on the other side of the bed, umusog ito palapit sa kanya, ramdam niyang hinila siya nito palapit dito at niyakap siya mula sa likod. Naibsan ang lamig na nararamdaman niya dahil sa ginawa nito kaya muli siyang hinatak ng antok. Nakatulog siya sa init na nagmumula sa katawan ni Black.



A/N: Guys, opinion plz. And don't forget to press the star below.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.4K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
239K 7.1K 16
Though snob and uptight, Gian cannot help but be popular since he became a member of a band. He loves to play the drums but somewhat hates the fame...
70.4K 2.2K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...