Chapter 1: Love? First Sight? Dingdong?
Sunday before the first day of school:
Katapos ko lang magsimba at hapon na, pumunta ako sa Memorial Garden kung saan madalas kong pinapanood ang sunset. Pagkarating ko doon pumwesto na ako sa bench na madalas kong inuupuan kapag pinapanood ko ang sunset. Naupo na ako at habang naghihintay ng sunset scene, binuksan ko ang dingdong na dala dala ko. Madalas ako kumain ng dingdong habang pinapanood ang sunset. Habang kumakain ako, napansin ko sa kabilang bench na may naghihintay din ng sunset. Isang girl na mahaba ang buhok, straight bangs, maputi, nakasalamin, medyo petite ang height nito siguro kapag tumayo, singkit, at sobrang ganda (parang may lahi Korean? Japanese? Chinese? Taiwanese?). Sunset na pero siya pa din ang tinitignan ko, ang ganda kasi ng scene. Bigla siyang tumingin sa akin dahil napansin niya na nakatingin ako sa kanya.
(O///O)
Tumayo siya at umalis. Napansin ko na tapos na pala ang sunset, sayang naman di ko napanood. Sino kaya siya? Ang lakas ng pintig ng puso ko. Is this what they called love at first sight?
First Day of school: 5:00 a.m.
Aaaaahhh!!! Sarap talaga mag unat pagkagising mo ano? 5am ng umaga na pala, kailangan ko na magprepare para sa school. Maaga talaga ako magising kasi ayoko malate. By the way ako pala si Eri Mint Summers oo sadyang napagtripan ng parents ko ang pangalan ko dahil mala candy yung dating pero okay lang kasi unique at kakaiba. Medyo mahaba ang buhok ko abot sa may collar ng polo ko sa school, naka one side lagi ang bangs ko, maputi ang aking balat, at medyo matangkad. Isa akong aspiring writer and yes mahilig kasi ako magsulat at nainspire ako sa mga writers katulad nila J.K. Rowling. Bukod dun mahilig ako sa rock music, mahilig ako magbasa ng libro lalo na pag humor ang genre, at mahilig ako manood ng anime. Kumukuha ako ng AB Literature sa University of Arts(U.A.). Oo private school ako pumapasok at mayayaman at foreigner ang pumapasok dito. Hindi ako mayaman, may kaya lang kami at may 40% discount ako sa tuition ko dahil may honor at awards ako nung high school. Bumaba na ako at pumunta sa dining room para kumain ng breakfast. As usual yung favorite ko ang ginawa ni mama, champurado at tuyo ang sarap diba? "Anak ito yung baon mo ilalagay ko na lang sa ibabaw ng table aayusin ko pa kasi yung gamit ni bunso ingat at goodluck sa first day of school ahh" nilapag na ni mama yung pera ko at umakyat na siya para ayusin ang gamit ng kapatid kong si Victor. Grade 3 pa lang ang kapatid ko at sabihin ko sa inyo, sobrang spoiled yan sa akin pero mabait din naman si Victor(may pagkapilyo at pasaway lang talaga minsan).
Pagkatapos ko kumain, maligo at magbihis, pumasok na ako ng school. Sumakay na ako ng jeep, bigla kong naalala yung babae na nakita ko kahapon sa Memorial Garden. Sana sa U.A. din siya pumapasok para masilayan ko siya hehe ang landi. 6am na at malapit na ako sa school grabe kabado ako dahil first day of school at first day ko sa college.
Ring!
Ring!
Ring!
Pagkababa ko ng jeep, biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag pala si Victor. Sinagot ko ang phone at kinausap ko siya habang naglalakad ako papunta sa entrance ng school. "KUYA!!! HINDI KA NAGPAALAM SA AKIN MADAYA KA!!!!! PAGKAUWI MO MAMAYA DAPAT MAY PASALUBONG KA SAKIN!!!" sabi ko na nga ba pasalubong naman pero wala ako magagawa siguro uuwian ko na lang siya ng spaghetti na galing sa Mcdo, favorite niya kasi yun ehh. "Oo sige bibilhan na lang kita ng favorite mo kumain ka na diyan 8am pasok mo diba gumawa ka ng homework mo kapag may binigay ang teacher mo huh" mas maaga ang pasukan nila Victor sa amin. "Oo kuya! laro tayo mamaya ahh" lagi kasi kami naglalaro ng Elsword, oo gamer kami parehas, bata pa lang kasi tinuturuan ko na siya maglaro ng iba't ibang online games, arcade games, at console games. "Sige basta unahin mo muna ang assignment mo sige na bye na ingat ka maya papasok na ako ng entrance ng school" pagkababa ko ng phone pumasok na ako ng school, napansin ko bigla na ang daming tao sa isang lugar na parang may pinagkakaguluhan sila doon.
"AHHH SI SHIRAYUKI!"
"YUNG IDOL KO DITO NAG AARAL!"
"WAAAAAA!! YUNG PINAKACUTE NA ARTIST!"
"PA AUTOGRAPH!!!! WE LOVE YOU SHIRAYUKI!!!"
Ang dami namang fans nito sino kaya ito, kailangan na gamitin ang mala kuroko na moves para makasingit at makita kung sino yun nakakacurious ehh. So ayun singit dun singit dito singit diyan hay naku ang daming tao! Patuloy ang pag excuse ko hanggang sa natatanaw ko na yung taong pinagkakaguluhan nila. T-teka? Familiar yung dating niya, nakasalamin, straight bangs, maputi.
(-.-)?
(O.O)
S-siya yung nakita ko sa garden?! Sikat pala siya. Ang daming nagpapapicture at nagpapa authograph sa kanya ng manga, isa pala siyang manga artist sa pagkakarinig ko sa crowd na nakapaligid sa kanya. Sa dami ng tao na nakapaligid, hindi maiwasan ang tulakan ng mga tao. Hanggang sa natulak ako sa malaking espasyo kung saan siya nakatayo at nadapa sa harap niya.
"Okay ka lang?" may nag abot ng kamay sa akin, ang liit naman ng kamay nito at ang lambot tapos ang bango niya, inabot ko ito para makatayo ako ng maayos. Pagkatayo ko pinagpag ko yung uniform ko at magpapasalamat ako sa taong tumulong sa akin tumayo. "Salama-" biglang napansin ko na si mystery famous girl pala yung tumulong sa akin. "Walang anuman teka diba ikaw yung nasa me-" bigla akong nagulat dahil naalala pala niya ako kaya
(O///O)
"Ah! Thanks ulit sige bye bye!" tumakbo na ako papunta sa room ng first class ko dahil nahiya ako sa kanya ng sobra. "T-TEKA!" narinig ko na sumigaw siya pero hindi ko na pinansin yun dahil pangalawang pagkikita namin madadapa ako sa harapan niya grabe how embarrasing.
7:00am na at nakarating na ako sa room namin, pumasok na ako at lahat ng kaklase ko ay sobrang tahimik(malamang first day pero lalabas din mga kulo niyan kapag tumagal na). Nakatingin sila lahat sakin pero deadma lang ako, umupo ako sa may second to the last row at yung upuan na malapit sa bintana. "It's a miracle! dito ka din pala pumapasok!" pamilyar yung boses na yun ahh? pagtingin ko sa katabing upuan ko, may nakaupo na dun. Maikli ang buhok, fair ang skin tone niya, mapayat, at matangos ang ilong, si Marco pala! High school tropa ko pala! "Hayop! tae ka Marco dito ka din pala mag aaral! hahaha!" buti na lang hindi ako magiging tahimik na tuod dahil may kakilala na agad ako "Haha oo nga ehh si Nevil lang ang nahiwalay sa atin, sa S.T.U. kasi siya nag enroll, gusto daw niya kasi maging malupit na programmer" si Nevil ay isa sa mga kasama ko lagi noong high school. Trio kasi kami noon pero lumipat na siya ng school at ng lumipat na din sila ng family niya ng ibang lugar. Sinabi lang niya sa amin na mawawala siya ng sobrang matagal na panahon dahil may pinasok siya na part time job na hindi pwedeng sabihin na kahit samin ay tinago niya yung secret job niya. Hindi namin napansin na sobrang ingay namin kaya lahat ng kaklase namin ay nakatingin na sa amin ni Marco. Hininaan namin ang boses namin nakakahiya kasi ehh haha "Pre andito daw yung sikat na manga artist ng Pilipinas ahh" mukhang si mystery famous girl yung tinutukoy nia "Hindi ko kasi kilala yun ehh, pero yun ata yung pinagkakaguluhan ng mga tao kanina" hindi ko sinabi sa kanya na nakita ko na si mystery famous girl at dalawang beses pa. Usually kasi binabasa kong manga ay galing talaga sa japan at hindi ko napapansin ang mga local manga kaya hindi familiar si mystery famous girl sa akin. "Oo pre! kalat na kalat nga dito sa U.A. kahit malaking school ito, pang international kasi yung mga works niya at high school pa lang daw siya gumagawa na siya ng manga at mabenta daw talaga sa panlasa ng tao yung ginagawa niya" grabe! ganoon ba ka kagaling yung artist na yun? Ang hirap naman mareach nun! Pero crush ko lang naman siya ehh. Hindi ko kasi alam na ang magiging crush ko ay sikat at dito pa nag aaral sa pinapasukan ko meant to be ba ito?! haha ambisyosong aso! Dumating na ang first professor namin kaya tumahimik na kami at nakinig sa prof. namin.
GRRRRRMMMMM!!!! ah shet! ang sakit ng tiyan ko di ko alam kung bakit nasobrahan na naman ata ako sa lamon kanina o baka may nakain ako na dingdong na expired na nung nasa jeep ako. "Okay class introduce yourself state your name, age, where do you live, what are your hobbies, what do you like, what's your dislike, and what's your motto in life" so ayun nagpakilala na sila isa isa at medyo matagal tagal pa ako dahil nasa second to the last row ako nakaupo. 7 rows kasi kami at kada row ay 7 students ang nakaupo at sobrang dami namin sa klase, hindi ko alam na madami rin palang mahilig sa pagsusulat, yung iba napilitan lang daw kasi wala nang maisip na course. Ang sakit pa din ng tiyan ko sana naman mamaya ka na mag alburuto. Natapos na ang introduction ng ibang mga studyante pati si Marco which means ako na ang magiintroduce. Oh shit ang sakit talaga ng tiyan ko. Tumayo ako ng dahan dahan dahil sobrang sakit, parang gusto ko na pumunta sa c.r. para sa matindihang ginhawa.
"Ako po si Eri Mint Summers" GRRRRRMMMM!!!! ayan na naman yung tiyan ko. "Are you okay Mr. Eri? you're sweating" napansin ng prof. ko na may problema sa akin, nanlalamig na ang mga kamay ko, siguro pagkatapos ko magintroduce diretso C.R. na ako "Yes sir okay lang po ako nervous lang po hehehe" GRRRRRMMMMM!!!! mas tumitindi yung alburuto ng tiyan ko na parang gusto na lumabas nung nilalaman nitong atomic bomb. "I'm 17 years old......" bigla akong nautot ng mahina shet! Sana di malaman na ako yun. Naamoy ito ng mga kaklase ko dahil aircon ang classroom namin.
"Sino yun? Grabe ANG BAHO!"
"ITAE MO NA YAN!"
"GRABE TOXIC! AIR POLLUTION!"
Nawala na yung amoy buti na lang. "My hobbies are...." PRUUUUUT!!!! Ito na naman grabe nahihiya na ako first day pa lang ganito na ang mangyayari sa akin T.T pesteng dingdong yan baka nga expired yung nakain ko huhuhuhu. Napatahimik ako bigla kasi hindi ko na kaya yung sakit ng tiyan ko. "Uhh Mr. Eri what are your hobbies?" napatingin ako kay sir at "Sir Natatae..." oh shit bakit ko sinabi to "Your hobby is pooping?" nagsitawanan ang mga kaklase ko at si Marco. Hindi ko na kaya to kaya tumakbo na ako sa C.R. at umupo sa pinakamaginhawang upuan sa mundo, ang toilet.
Pagkatapos ko magritual sa C.R. dumaan muna ako ng clinic para kumuha at uminom ng gamot para sa sakit ng tiyan. Bumalik na ako sa room namin at nakatingin lahat sila sa akin at nagtatawanan yung iba ng tahimik. Grabe nakakahiya talaga. Hinihintay namin ang prof. namin sa aming next subject. "Grabe ka pare hahahaha akala ko ba ang hobby mo ay pagsusulat at hindi pagtatae?" tawa ng tawa si Marco na parang kinikiliti siya ng tatlong unggoy sa kili kili
t(-_-t)
"Ito kang hayop ka kasalanan ng dingdong at ng tindera yan hindi ko alam na expired na pala yung ibinenta sa akin" nakakaasar kasi hindi na talaga ako bibili ng pagkain dun kahit expired binebenta nila "Baka kasalanan mo din yan pre haha kain ka kasi ng kain hindi mo na tinitignan yung expiration date dapat kasi tinitignan mo muna bago ka lumamon" malay ko ba tsaka ang pagkakaalam ko walang nakalagay na expiration date yung dingdong na tagpipiso diba? Dumating na yung prof. namin, as usual introduction na naman. Nagkaroon na tuloy ako ng embarrasing moment sa school ang nakakainis pa dun first day of school pa T.T why oh why?
Pagkatapos ng klase namin, meron kaming one and a half hour na vacant. "Eri! punta muna ako sa sasalihan ko na club dito sa school ahh maya na lang ulit men tsaka sasabay ako maglunch dun sa kaklase nating si Daisy, lakas tama ang ganda kasi ehh" pambihira pati ba naman dito madadala niya yung ugali niyang bababaero pero okay lang wala ako magagawa ganyan siya ehh "Oh sige pervert este playboy este Marco haha pupunta din ako sa Writers Club para sumali tiyak marami akong makikilalang magagaling na writer doon" naghiwalay na kami at dumeretso na ako kung saan ang registration booth ng Writers Club. Pagkarating ko doon, napansin ko bigla na sampu lang kami ang magreregister at may twenty members ang club na ito which means this semester magiging thirty na ang members namin. Sana may makuha akong mga tip sa mga senpai namin dito sa club na ito. Habang nasa pila ako, may kumalabit sa akin sa likod ko. Isa siyang babae na naka neko ears, medyo mahaba ang buhok, nakaclip yung bangs niya, maputi, kulay green ang suot niyang contact lens, at medyo maliit ang height niya dahil hanggang balikat ko siya(hindi siya nakaheels niyan). Napalingon ako sa kanya at ngumiti "Ano po yun?" bigla siyang ngumiti at kinurot ang pisngi ko "UWAAAAA!!! ANG CUTE MO NAMAN!!!" Grabe! Abnormal ba itong babae na ito! "ARAY! HUHUHU TAMA NA!" binitawan na niya ang pisngi ko buti naman T.T napakasadista naman nitong babae na ito "Dito ba yung pila ng registration para sa Writers Club?" sadista siya pero pag nagtanong ang hinhin parang may saltik utak nitong babae na ito ate sakit na yan magpaospital ka na "Opo miss dito po" pagkatapos ko siyang sagutin niyakap naman niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya ako pahingahin ano ito salvage! "Thank you cutie!!!! ahahahaha!!! ako pala si Christy Adams!" teka, parang pamilyar yung name niya? "Nice to meet you po wag niyo na po ako yakapin everyone is staring at us kasi please huhuhuhuhu hindi rin ako makahinga" binitawan na niya ako at narinig ko yung bulungan nung ibang mga tao "napakaswerte naman nitong nilalang na ito dalawang sikat na nakipaginteract sa kanya" sikat? para ngang narinig ko na o nakita sa isang babasahin ang name ni Christy. Bumalik na kami sa pila at nagregister sa club. May lumapit sa akin na fourth year student na lalaki na kasing tangkad ko, medyo katamtaman ang balat, nakaheadset siya at medyo mahaba at wavy ang hair. tinanggal niya ang headset niya at nakipagkamay sa akin "Welcome sa Writers Club, tomorrow may meeting ang club para sa welcome party namin sa inyong lahat ako pala si Silver ang president ng club na ito" wow ang cool naman ng name niya, kinamayan din niya ang iba pang mga bagong sali at ganun din ang sinabi niya sa kanila.
--Always remember, tignan ang expiration date ng kinakain mo bago mo ito kainin at siguraduhing maayos ang pagkakagawa nito. Uminom din agad ng diatabs kapag sumasakit ang tiyan at siguraduhing tumae muna bago pumasok ng school. Babala, huwag magpapagigil sa mga may saltik sa utak, malalaman mo din ang paghihirap ko tulad ng nangyari sa akin ngayon. Huwag kalimutan ngumiti araw araw at huwag kalimutan na magbukas ng ilaw habang nagbabasa para hindi lumabo ang iyong mata. Huwag din mag advance reading dahil mawawala ang excitement, matutong bitinin ang sarili sa pagbabasa o panonood para may thrill sa buhay. (^_^)