Almost is Never Enough

By chagocx

185K 5.2K 1.2K

Bakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong... More

Prologue
Crush
Wrong turn
S.O.S
Dinner Date
The moves
Jealous
Tulips
French kiss
Mistery name
Visitor
Status
Mistaken Identity
Face-off
Talent
Babyfats
Perfect match
Nevermind
One Punch
Sweety
Send Help
Nurse AJ
A Love Untold
Moodswings
Ate Barbie
Hopia
Closer
Mokong Wins
Cheers
Music on; World off
My Happy Pill
Ruined
Killer Text
Sana
Fast Forward
Summer Vacation Pt.1
Summer Vacation Pt.2
Sweet Chaos
Mokong Strikes
Mokong Strikes Again
Thousand Years
Hi Rosella
Night of Pain
Bad News
No More Lies
Hunger Strikes
True Color
Winners
Lucky AJ
Hello Baguio
Baguio Pt.1
Baguio Pt. 2
1 4 3
One Down
Broken Hearted Girl
First Move
I'm Yours
Move On
Bodyguard
Bodyguard No More
Doomed
Bluer than Blue
Two Down
Safe and Sound
Key to my Heart
Notes

2 in 1

2.7K 66 10
By chagocx

Pagkagising ko kinabukasan ay may natanggap akong text message from Chris.

Chris: Good morning Aj! Namimiss na kita. Sunduin kita mamayang 3pm, I want to show you something. :)

Tumayo muna ako at nagstretch bago magreply. It's a beautiful day, sakto lang ang init ng araw at sobrang blue ng langit. Napangiti ako, sobrang nakakarelax, no projects, no assignments, haaay perfect day!

Nagreply ako kay Chris.

Ako: At ano naman yung ipapakita mo? Haha hindi kita nakikita sa school eh! Good morning din Chris! :)

Chris: You'll see! ;)

Ako: Okay! See you later!

Kahit na hindi ko alam kung ano yung ipapakita ni Chris, sasama nalang ako kasi wala naman akong gagawin buong araw. Mejo mas naging close din kami ni Chris simula nung nagkakilala kami, minsan din kasi sinasamahan niya kami nila Pangs tuwing break and siya yung naghahatid sakin kapag busy si dad.

Naisipan kong magmuni muni sa may veranda habang umiinom ng hot milk, sila mom and dad nagpunta ng Tagaytay dahil may binebenta silang property dun tapos imemeet na nila yung gustong bumili.

"This is life..." Sabi ko habang nakaupo sa may veranda, kukunin ko na sana yung candy magazine na nakapatong sa mini table ko nang biglang naramdaman kong may bumato sakin,

"Ouch!" Bulong ko sa sarili ko dahil sa nagulat ako pero nakita kong papel na binilog lang pala yung tumama sakin.

Hinanap ko kung saan galing yung papel..

"Good morning!" Bati sakin nung bumato.

"So, magaling kana kaya ang aga aga nambbwisit ka?" Sagot ko naman.

"Hindi mo naman kasi sinabing magaling ka pala magalaga eh.." Sabi niya sabay smirk..

"Come here, may ibibigay ako sayo!" Sabi pa niya.

"Ayoko nga, mas mabuti pang magrelax nalang dito." Sabi ko sabay kuha uli nung magazine.

Nung sinilip ko siya uli, nakita kong may hawak hawak siyang parang bag, itinaas niya yun at tinuro para mas makita ko pa.

"Halika ka na!" Sigaw niya.

"Okay fine!" Sabi ko sabay padabog na nilapag yung magazine sa mini table, ni hindi ko pa nauubos yung gatas ko huhuhu.

Sumilip muna ako sa salamin at tiningnan yung sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Akin na!" Sabi ko nung makita ko siya, hindi ko magawang tumingin sa kanya. Sobrang simple lang nung suot niya pero ang lakas ng dating niya.


"Aj, I want to say thank you." Sabi niya at dahil dun napatingin na ako sa kanya.

"Thank you dahil nung dumating ka sa bahay nung araw na yun, gumaan ng sobra yung pakiramdam ko.." Dagdag niya pa tapos bigla siyang ngumiti. Gosh I missed that smile.

"I-I'm sorry about your parents.." Hindi ko na napigilan yung bibig ko. Nakita kong biglang nawala yung ngiti niya.

"Oh, ibabalik ko na to. Iniwan iwan mo sa bahay, pano pagkinailangan mo ng napkin? Edi namroblema ka pa miss sungit?" Sabi niya habang binibigay yung emergency kit ko.

"What?" naginit yung ulo ko sa sinabi niya.

"Pinakialaman mo yung gamit ko?" Sabi ko kasi naalala ko may undies pa ako doon and napkin!!!

"I had no choice. Nakita ko yan sa baba ng kama ko and kinailangan kong buksan para malaman kung kanino yan then nung nakita ko yung baby panty nalaman ko kung sinong mayari." Sabi niya sabay smirk.

Pinaghahampas ko siya!!!

Grrrrrrrr nakakainis nanaman tong mokong nato!!!

"Gusto mong magkalagnat nanaman ha?!! Gusto mo?!!" Sigaw ko habang hinahampas yung emergency kit ko sa kanya.

Tawa naman siya nang tawa at sinasangga bawat palo ko.

"Paki ulit nga yung sinabi mo ha?!!" Patuloy padin ako sa paghampas.

"Ang sabi ko, I'm hungry! Let's eat breakfast together!" Masayang sabi niya sakin.

"Sorry, nagalmusan nako." Sarkastiko kong sagot.

"Edi magalmusal ka ulit! Hindi naman kita aasarin sa baby fats mo eh." Sabi niya sabay ngiti nanaman. Tiningnan ko siya nang masama.

"Tsaka magpalit ka nga ng damit! Napaiksi ng shorts mo tapos ang nipis pa ng damit mo! Dali na. I'll wait for you here." Utos niya sakin. Inuutusan niya talaga ako.

"Eh pano kung ayaw ko? Tsaka F.Y.I. pantulog ko tong suot ko!" Pagtataray ko sakanya,

"Wag nang matigas ang ulo, aantayin kita dito." Sabi niya sabay tulak sakin papasok ng gate hanggang sa loob ng bahay namin.

Pagkapasok namin ay umupo siya sa sofa na parang boss!

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nakakapagbreakfast." With a smirk in his face, sinabi niya yan. Sa loob pa mismo ng bahay namin!!!

Padabog akong umakyat sa kwarto ko at sinarado ko ng malakas yung pintuan ko. Ang akala ko panaman magiging maganda yung weekend ko. -.-

Nagpalit ako ng jogging pants tapos tshirt na mejo malaki sakin. Nagsuklay ako at naglagay ng konting blush-on sa cheeks. Huminga ako ng malalim. Matatapos din yung araw na to Aj, onting tiis lang.

Nakatutok siya sa phone niya pagbaba ko kaya nilakasan ko yung hakbang ko para makuha yung atensyon siya. Napatingin siya sakin tapos tumayo siya nang nakangiti.


"Mas okay pala na may sakit ka noh?" Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng gate.

"Oo, tapos aalagaan mo uli ako?" Ngiti niya sakin.

Nagroll ako ng eyes.

"May bayad. Wala nang libre sa panahon ngayon." Sabi ko sakanya.

Tumawa siya,

"Magkano naman?" Sabi niya sabay ngiti.

"Hmmm, depende." Sabi ko

"Depende saan?" Sagot naman niya.

"Sa mga gagawin ko. For example kung bubuhatin kita syempre may dagdag bayad yun, and kung mas malala yung sakit mo may dagdag bayad din yun." Sabi ko sabay kibit balikat.

"Really?" Sabi niya tapos sobrang seryoso nung mukha niya na talagang tinatatak niya sa utak niya yung mga sinabi ko.

Tumawa ako ng malakas. Agad naman niyang kinagulat yun.

"Don't tell me naniniwala ka?" Sabi ko habang tumatawa pa din.

Napakamot siya sa ulo.

"Halika ka na nga!" Sabi niya habang nakakunot yung noo niya, ako tawa pa din ng tawa. Tapos hinila na niya ako papunta sa plaza malapit sa bahay namin.

Minsan tinitingnan ko siya habang naglalakd kami, minsan naman siya yung tumitingin sakin. Pero kapag nahuhuli ko siyang nakatingin, nginingitian ko siya na para bang nangaasar ako.

"Kung gaano karami yung pagkakahuli ko sayo na nakatingin ka sakin, ganun din dapat kadami yung panglilibre mo sakin ng breakfast! Deal?" Sabi ko sabay ngiti,

"Deal! Pero pag hindi moko nahuli susunod ka sa gusto ko." Sabi naman niya sabay smirk.

Sobrang confident ako na ako ang mananalo kasi lagi talaga niya akong tinitingnan. Kaya mula nung magumpisa yung challenge namin ay hindi na nawala yung tingin ko sa kanya.

Siya na nga yung naguusog o tutulak sakin kapag tatama na ako sa poste ng ilaw eh.

Nakailang kanto na yung nadaanan namin pero hindi parin siya tumitingin. Nagsimula na yung kaba ko.

"Uyyyyyy! Tumingin ka naman!" Sabi ko habang niyuyugyog yung braso niya pero nagsmirk lang siya at hindi tumingin sakin.

"Tingin ka naman... Breakfast lang naman eeeeh!" Dagdag ko pa. Pero walang epekto.

Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa harap niya at tinapat ko yung mukha ko sa mukha niya habang naglalakad ako patalikod.

"Titingin na yaaan. Dali na!! Daya mo naman eeeeh!" Sabi ko pero nagiwas siya ng tingin sakin, sa mga puno puno nalang siya tumingin..

Nawawalan na ako ng pagasa.

Ilang beses ko pa siyang kinulit hanggang sa makarating nalang kami sa plaza.

"I won," sabi niya at dun lang siya tumingin sakin.

"Ang daya mo!!!" Sigaw ko naman.

Tumawa lang siya.

"Anong madaya dun ha? Liit mo kasi kaya hindi mo mapantayan yung mata ko eh." Pangaasar niya pa.

"Sinasadya mong hindi tumingin eh!" Sabi ko sabay nagpout at tiningnan siya nang masama.

"Syempre, gusto kong manalo eh." Sagot naman niya tapos tumawa siya. "Don't worry ako naman taya ngayon eh." Sabi niya sabay yaya sakin sa loob ng isang Restaurant.

"Dalawang Tapsilog miss. Tapos isang iced coffee, tapos hot milk." Sabi ni mokong dun sa waitress.

"Bakit ikaw namili ng kakainin ko?" Nakataas yung isa kong kilay.

"Ako yung manlilibre ah, tsaka nakita ko hindi mo naubos gatas mo kanina baby girl." Nangaasar nanaman ba to? >(

"Bwisit ka talaga." Bulong ko.

"Wag ka magaalala, yun lagi kong kinakain dito. For sure magugustuhan mo yun." Ngiti niya sakin.

"Okay, sabi mo eh." Sarkastiko kong sagot, tapos natawa siya at kinurot yung pisngi ko.

Nung dumating yung order namin ay agad namin yun nilantakan.

"Ganyan pala yung nakapag breakfast na." Sabi ni mokong habang pinapanuod akong kumain,

"Kumain kana nga lang jan! Kakain palang kasi dapat ako nung nambwisit ka," sabi ko habang punong puno ng kanin yung bibig ko.

"Eh ikaw, bakit dito ka nagbreakfast? Hindi ba nakapagluto sila ate Sally?" Tanong ko naman.

"Gusto ko lang ng may kasabay kumain." Tamad niyang sagot.

Ilang saglit ko pa siyang tinitigan, naalala ko lahat ng sinabi sakin ni ate Sally, kung gaano niya nilayo yung sarili niya sa kanila.

"Bakit hindi mo yayain yung parents mo kumain, sigurado ako magi-" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Kung gusto nila akong makasabay kumain, hindi ko na sila kailangan pang yayain Aj." Nakatingin lang siya sa pagkain niya habang sinasabi yun.

Natahimik ako sa sagot niya. Mukang mali ata yung sinabi ko.. Biglang nag iba yung mood niya.

"Sorry.." Sabi ko sa kanya para naman makabawi.

Tumingin siya sakin at ngumiti,

"San nga pala sila tito? Gusto ko rin kasi humingi ng sorry about sa nangyari nung last week." Nagchange topic siya.

"Asa Tagaytay sila, may binebenta silang property dun." Sinuportahan ko yung pagchange topic niya.

"Ah, oo nga pala.." Sagot niya naman sakin,

"Ano nga pala yung property na binebenta nila?" Dagdag niya pa.

"Yung bahay namin dati.. Sa totoo lang ayoko ngang ibenta nila yun kasi dun ako lumaki, dun din tumira yung lola ko tsaka dun niya din ako inalagaan noon.. Pero simula nung nawala si lola kahit sobrang ganda nung place na yun ay hindi na namin binalikan pa.. Hindi pa rin kasi kaya ni mom bumalik dun.. Tapos naisip ni dad na ibenta nalang.." Paliwanag ko sa kanya..

"Wag kana malungkot, lahat ng nawawala may kapalit." Sabi niya sakin.

"Baliw hindi ako malungkot, that was like 4 years ago?" Sagot ko naman sa kanya.

Marami pa kaming napagusapan gaya ng mga namissed niyang quizzes nung absent siya. Mga hobbies and everything.. Ang tanging hindi lang namin napagusapan ay yung parents niya tsaka yung buhay niya.

"So ano? Masarap diba?" Masaya niyang tanong sakin habang naglalakad kami pauwi.

Nakangiti naman akong tumango,

Tahimik nalang kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa bahay, parehas kaming nagpapakiramdaman at parehas din naming ineenjoy yung view na nadadaanan namin.

"Let's do this again next time?" Sabi niya sakin nang makarating kami sa tapat ng gate.

ngumiti ako.

"Sure.." Sabi ko at tinulungan niya akong buksan yung gate.

"Basta ako nanalo kanina ha?" Sabi niya sabay tawa. Tiningnan ko lang siya nang masama.

Pero hindi ko napigilan at tumawa na rin ako, "Oo na! Thanks sa breakfast ha?" Sagot ko naman sa kanya.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Nakangiti parin ako. Hindi ko kasi lubusang maisip kung paanong nangyari ang lahat. Sa totoo lang masayang kasama si mokong. At ngayong wala na siya feeling ko sobrang mabobored ako sa bahay.

Tinuloy ko nalang yung pagbabasa ng magazine at nanuod ng movie, after naman ng lunch umidlip ako. 2:30 pm na nang magising ako dahil narinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay namin, naisip kong sila dad na yun at bumaba ako agad para kamustahin kung anong nangyari sa bahay.

Pagkabukas ko ng gate nakita ko si Chris pababa ng kotse niya.

OMG!!!! Nalimutan kong magkikita nga pala kami!!!

"Hi Aj!" Masayang bati niya sakin.

"C-Chris.. Sorry hindi pa ako nakapagready.." Sabi ko sa kanya.

Ginulo niya pa lalo yung buhok kong magulo tapos tumawa siya.

"May laway ka pa sa gilid ng bibig mo." Omggg agad kong pinunasan yung laway,

"sige na magready kana, antayin kita. Pinaalam na rin pala kita kay Tito," nakangiti niyang sabi.

Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay at binigyan ng iced tea. Tapos habang nanonood siya ay nagready na ako. Naligo ako nang mabilis at nagbihis. Dress yung sinuot ko para hindi ko na kailngan mag mix and match. Wala pang 30 minutes tapos na ako, parang magic!

"Chris, okay na ako!" Sabi ko nang makababa ng hagdan.

"Wow, that was fast?" Sabi naman niya sakin. Natawa kaming dalawa.

"But still you look so beautiful." Ngiti niya sakin.

Nakalagay yung kamay niya sa bewang ko habang naglalakad kami, tapos pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang paandarin na niya yung sasakyan.

"Namiss kasi kita kaya gusto kitang makasama ngayon.. Sigurado akong magugustuhan mo yung pupuntahan natin." Sabi naman niya sakin.

Naging masaya yung byahe namin ni Chris, napagusapan namin yung magaganap na outreach program nila at sinabi ko sa kanya na makakasama nila ako dun. Agad naman niyang ikinatuwa yun.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na kung saan kami papunta.

"Tagaytay?" Tanong ko sa kanya, kanina niya pa ako pinapahula kung saan kami pupunta.

"Correct!!! Anong gusto mong prize?" Sabi niya sakin.

"Ummm, I want mcdo fries and caramel sundae!" Sigaw ko na parang bata, nagtawanan kaming dalawa.

Agad naman niyang niliko yung sasakyan niya sa drive thru ng Mcdo na nadaanan namin.

"Seriously???" Kinikilig kong tanong sa kanya.

"Why? Kala mo hindi ako seryoso?" Sabi niya sakin.

Tinawanan ko siya, "Syempre hindi! Pero sige na nga, nagccrave ako ngayon sa mcdo fries and caramel Sundae eh!"

Tumango siya nang nakangiti.

Nilantakan ko agad yung fries pagkabigay palang samin. Sorry naman sa katakawan ko pero hindi ko talaga mapigilan. Hihih

Nilalagyan ko ng icecream yung fries, best combination ever! Paminsan minsan naman sinusubuan ko din si Chris, hindi kasi siya makakain ng maayos kasi nagddrive siya.

"We're here!!!" Masayang sabi ni Chris nang makarating kami sa Isang amusement park sa tagaytay.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan, tapos hinila niya ako sa bilihan ng tickets.

Siya na rin yung nagkabit ng ticket sa kamay ko, ako naman yung naglagay nung kanya.

Isa isa naming sinakyan bawat ride, as in sobrang nagenjoy kaming dalawa. Syempre hindi ko kinalimutan na magtake ng pictures!

Bumili din kami ng ibat ibang klase ng street food like cotton candy and popcorn. Nagtry din kami bumili ng souvenirs.. Binilhan ko sila pangs ng mirror and comb na gawa sa wood tapos may design na naka carved.

Last naming sinakyan yung Ferris wheel. Sobrang ganda ng view, and kapag asa tuktok ka makikita mo halos yung buong Tagaytay.

Tahimik lang kaming dalawa sa pag-eenjoy ng view.

"Aj, can I tell you something?" Binasag ni Chris yung katahimikan.

"Oo naman.. Ano ba yun?" Ngiti ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya, tapos seryosong seryoso yung tingin niya sakin.

"Chris? Ano ba yun?" Tanong ko ulit sa kanya, para mabawasan yung tensyon.

"Never mind Aj, I can wait,," sabi niya sabay ngiti.

"Hindi ko maintindihan.." Seryosong sabi ko naman.. I can wait for what?

Ngumiti siya.

"Wala, basta..hayaan mo na," nakangiti niyang sabi tapos mejo namumula yung pisngi niya.

"Sigurado ka? Baka importante yan ha?" Pangungulit ko sa kanya.

Tumango at umiling siya bilang sagot, hindi ko siya maintindihan talaga..

"Hmmm, sige ikaw bahala.." Nagkibit balikat ako.

Nang matapos yung mga rides at nang mapagod kami ni Chris, dinala naman niya ako sa isang restaurant malapit lang din doon.
Pagkapasok namin ay may kinawayan si Chris na lalaki.

"Hi baby girl!" Sabi sakin ni daddy.

Agad ko siyang niyakap at hinalikan, ganun din ang ginawa ko kay mommy.

"Na miss ko kayo sa bahay dad.." Sabi ko.

"Thank you Chris sa pagdala kay Aj dito ha? Upo na kayo at nang makakain na tayo," masayang sabi samin ni daddy.

"You're welcome tito! Nag-enjoy naman din po ako kasama si Aj eh." Masayang sagot ni Chris.

Nagsimula na kaming kumain nang tanungin ko si daddy and mommy kung kamusta na yung bahay.

"Naging successful naman yung transaction namin sa client anak, nabenta na namin yung bahay."

Nung marinig ko yung sagot ni mommy ay nalungkot ako bigla. Pero hindi ko yun pinakita sa kanila, kumain nalang ako na parang wala nang bukas. Dun ko nabuhos yung lungkot ko, patay nanaman ang mga baby fats ko neto. :(

After ng kainan ay nagdecide na rin kaming umuwi dahil late na din. Kila dad na ako sumabay para hindi na ako ihatid pa ni Chris.

"Chris, thank you ha?" Sabi ko habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"You made my day Aj, ako dapat mag thank you," sabi naman niya sakin.

Ngumiti ako bilang sagot,

"Mas dalasan pa natin yung ganito ha?" Masaya niyang sabi.

"Masaya to kaya why not? Isama din natin sila pangs next time." Sagot ko naman sa kanya.

"Magingat ka sa pagddrive okay?" Dagdag ko pa,

"I will. Magaantay pa ako eh." Sabi niya tapos nag wink siya.

"Ano ba kasi yun?" Sabi ko sa kanya at pinigilan ko siya buksan yung pintuan ng kotse niya,

"Malalaman mo din yun soon Aj!" tapos tuluyan na siya sumakay sa kotse niya,

Hinayaan niya lang akong magtaka.


Bumalik na ako kila dad at sumakay sa kotse namin. Halos magkasabay lang din yung pagpapatakbo ng kotse ni dad tsaka ni Chris kaya natatanaw ko pa din siya sa kabilang lane.

Habang nag uusap sila mom about sa iba pa nilang meetings ako naman chineck ko yung phone ko, may nakita akong text message.

Mokong: asan ka? Umuwi kana!
Sent 5:41 pm

Ano to? Ibig sabihin pumunta ulit siya sa bahay habang wala ako? He's crazy! Nooo, not crazy.. He's insane!!!






----------------------------------

Read * Comment * Vote

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 176 54
"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the ch...
334K 425 3
Bethel Rose Del Rosario is a typical girl. Hardworking at mabait, minsan makulit, minsan okay lang. Pangarap lang niya na magkaroon ng magandang trab...
74.7K 1.3K 39
Different. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palag...
24.8K 766 33
Doctors, particularly cardiologists, are the one who treats and fix hearts. Literally. But what if the doctor is the one who had a damaged heart? Who...