I Will Never Leave You [On-Ho...

By conceitted

21.9K 1K 333

Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay a... More

Pagtatatuwa
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Prologo

3.7K 223 111
By conceitted

Hindi lahat  ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang.  Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung mga bagay na alam mong hindi mo makukuha kahit anong hirap pa ang gawin mo. Sa pag-ibig hindi sa lahat ng bagay, makukuha mo. Hindi sa lahat ng bagay, pwedi mo siyang madaliin. Kailangan mong maghintay at paghirapan, pero pano kung ang taong iyon ay napakimposibleng kunin? Tipong ang lapit lapit niyo sa isa't-isa pero parang ang layo-layo naman ng mga puso niyo. Tipong nasasasbi mo sakanya lahat ng mga sikreto mo, pero mismong nararamdaman mo hindi mo masabi-sabi sakanya. Tipong araw-araw kayong magkasama pero kahit ni isang moves eh wala kang nagawa. Minsan yun yung mahirap eh, kahit mahal na mahal niyo ang isa't-isa, wala kayong nagagawa kasi alam niyo sa huli, parehas kayong masasaktan.

Sabi ng iba mas mabuti kung ang magiging kasama mo sa buhay ay isang taong kilalang-kilala mo na. Yung tipong bawat galaw niya alam mo na kung ano yung motibo niya. Tipong titignan mo lang siya sa mata mababasa mo na kung ano yung mga nasa puso't-isipan niya, tipong nasa labas pa lang siya ng bahay mo, amoy na amoy mo na siya. 

Ano kaya yung feeling magkaroon ng isang kaibigan? Kaibigan na napakakulit, napakatamad, at napakairesponsable sa buhay pero alam mo naman na mahal na mahal ka. Kaibigan na para bang kayong dalawa lang yung nakakaalam ng isa't-isa. Kaibigan na para bang turing mo sakanya eh parang isang kapatid na. Pero pano kung sa isang iglap para bang nagbago ang lahat. Parang nag-iba na yung turing mo sakanya, para bang higit na sa isang kaibigan yung nararamdaman mo para sakanya?

Ang tanong: Susubok ka ba? Isasakripisyo mo ba ang isang relasyon na una pa lang eh alam mo ng walang kasiguraduhan, relasyon na hindi mo alam kung ano yung magiging huli nito, kung magiging kayo ba talaga o sa isang relasyon na alam mong panghabangbuhay kayong magkakasama? Pero pano ang puso't desisyon mo? Sasabihin mo ba sakanya ang tunay mong nararamdaman o itatago mo nalang sakanya habangbuhay? It's your choice to let your feelings out or tokeep it inside. Sa huli, It's either magiging masaya ka o habangbuhay kang magsisisi.

Ako si Danica Perris. At nasa 4th year highschool na ako ngayon. Gaya sabi ng iba, eto na yung pinakadabest na year sa highschool. Besides sa last year niyo na, ang daming challenges na madadaanan niyo. Ang daming memories na madadala niyo kapag pupunta na kayo ng college. Sabi din ng iba, eto din daw ang pinakamahirap na year. Oo, agree ako dito. Yung tipo kasi na ang dami-dami problema, ang dami-daming nakaasign na gawain sainyo tapos dagdag mo pa na ang hihirap pa ng mga lessons niyo. Pero kahit ganun, hindi ko kayang sumuko sa pag-aaral. Siyempre ano nalang mangyayari sa mga  kaibigan mo na palaging andiyan para sa'yo? Nakaktuwa lang isipin na andiyan sila palaging nakasuporta sa'yo lalo na ang bestfriend mo. 13 kaming lahat sa barkada at merong dalawang couples, si Gemi at Anderson at Shiela at Josh. Sa natirang walong barkada - hindi ako kasama - merong apat din na may girlfriend at boyfriend na. Ibig sabihin, kaming apat nalang ang natitirang single - ako, Stephen, Aubrey, at Kael. Sa apat samin, ako pa lang ang walang experience sa relationship, silang tatlo meron na naging kanya-kanang karelasyon noon kaso nauwi din sa hiwalayan.

Si Aubrey, meron naging karelasyon noon, hindi ko nga lang matandaan kung ano ang pangalan basta matangkad, gwapo, maputi, at mayaman. First boyfriend niya yun kaya binuhos niya lahat ng pagmamahal sa lalaking iyon. Para bang masasabi mo na nasalo na ni Aubrey lahat ng kaswertehan pagdating sa mga lalaki. Pero sabi nga diba, mostly sa gwapo hindi mo maasahan. Kaya nayun, isang araw nalaman nalang ni Aubrey na hindi lang pala siya ang girlfriend. Grabe yung iyak ni Aubrey noon. Hindi mo siya makakausap sa isang araw. Palagi nalang lutang. Parati nalang wala sa sarili. Hindi pa siya sumasama samin gumala. Tapos pati studies niya naapektuhan din. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw nagulat nalang ako na okay na pala siya. Napaisip ako noon na ang tapang pala ni Aubrey kasi kahit na mahirap, kinaya niya.

Si Kael naman, sa pagkakaalam ko meron siyang dinadalang babae sa school. Maganda yung babae. Mataas at maputi. Hindi ako sigurado kung girlfriend niya o nililigawana niya pero sabi ng barkada, sila na daw. Pero makalipas ang ilang buwan, hindi ko na nakita ang babae sa school. Hindi ko nalaman kung ano ang naging rason kung bakit naghiwalay o hindi na dinadala ni Kael ang babae. Hindi kasi kami close ni Kael. Minsan lang kami kung mag-usap at kung mag-uusap kami, bayangan pa minsan.

At ang huli, Si Stephen. Sa lahat ng barkada siya yung pinakaclose ko sa lahat. Wala pa noon ang barkada, magbestfriends na talaga kami ni Stephen. Madami akong alam sakanya. Napakadami. Ang dami niya kasing kinekwento sakin; mapatext man yan o personal, lahat sinasabi niya sakin na hindi niya nasasabi sa barkada. Si Stephen, wala yang permanent relationship. Araw-araw, paiba-iba ng babae. Kaya hindi ko na nga matandaan ang mga pangalan. Although pinapakilala niya naman sakin, but still nakakalimutan ko pa din ang mga pangalan dahil sa sobrang dami. 

At ako? Aaminin ko noon na nagwoworry talaga ako na walang nagkakagusto sakin, although na ayoko namang mainlove. Pero iba talaga yung meron kang admirer eh. Minsan tinanong ko ang sarili ko kung meron bang nagkakagusto sakin o kung pangit lang ba talaga ako? Hindi naman sa pagmamayabang pero sabi ni Stephen, maganda naman daw ako, maputi at matalino. Siyempre natuwa naman ako sa sinabi niya. But later on, narealize ko na hindi dapat ako magwoworry kung meron man o walang nagkakagusto sakin. Out of nowehere na sabi sakin ni Mama noon, na ang love makakapaghintay yan, kung dadating, dadating yan. Huwag magmadali at ienjoy lang daw ang teenage days ko. At huwag na huwag daw akong magpapadala sa mga kaibigan ko na meron ng  kanya-kanyang karelasyon. First boyfriend kasi ni Mama si Papa. Hindi kasi mahilig noon si Mama makipagboyfriend, focus lang siya sa studies niya noon. Sabi niya na maghihintay siya sa bibigay na lalaki sakanya ni God. Kung galing daw kasi sa Diyos, sigurado na iyon basta marunong ka lang maghintay. Hanggang sa binigay na God sakanya si Papa. Sabi ni Mama, nung una niya pa lang nakita noon si Papa parang nagkaroon ata siya ng love at first, although sabi niya hindi siya naniniwala sa mga love at first-love, love at first na 'yan pero there's something daw kay Papa na nagpapatibok ng  puso niya noon. Gustong-gusto niyang makilala si Papa noon kaso nga lang, nalaman niya na meron na pala ibang girlfriend si Papa. Siyempre nasaktan si Mama noon. Pagkatapos nun, kinalimutan niya na si Papa at nagfocus sa studies niya pero hindi daw siya makakapagfocus sa studies niya kasi daw panay tingin ng tingin sakanya si Papa at palagi daw siyang pinupuntahan sa classroom at tinatanong ng mga kung ano-anong tanong. Si Mama gusto niyang pigilan ang sarili niya na bumalik ulit ang fall niya kay Papa pero yun nga, hindi napigilan ni Mama. Sinabi ni Papa ang rason kung bakit palagi niyang tinitignan at pinupuntahan si Mama sa classroom, yun daw ay gusto niyang ligawan si Mama kaso ayaw ni Mama kasi merong girlfriend si Papa. Sinabi ni  Papa na nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya kasi parang wala daw spark yung relasyon nila sa isa't-isa. Napilitan lang daw si Papa noon na ligawan ang babae kasi naiinsecure daw siya sa mga barkada niya na merong kanya-kanyang girlfriend. Nung nakilala niya si Mama, dun niya napagtanto na baka eto na ang pagkakataon na mahhiwalayan niya ang kanyang girlfriend. Oo nakaktuwa lang isipin na nadahig pa si Mama sa kagustuhan ni Papa na makipaghiwalay sa babae pero inaliwanag naman ni Papa na hindi niya daw ginamit si Mama noon, talagang there's something din kay Mama noon kung bakit niya ito nagustuhan. But then, nakakatuwa lang isipin na nagkatuluyan talaga sina Mama at Papa sa huli. Until now, nasa puso ko pa din ang sabi sakin ni Mama: Love can wait. Kaya focus muna ako sa studies ko ngayon.

Palagi kong sinasabihan si Stephen na ang pagmamahal makakapaghintay yan pero sabi niya sakin ang boring daw ng buhay niya kapag walang babae sa tabi niya. Kung alam ko lang, kalandian yang kaboringan na tinutukoy niya. Kung sa iba kasi, ibang ugali ang pinapakita niya pero pagdating sakin, ayun, dun na lumalabas ang lahat - kakulitan niya, kacornyhan niya, pagkababaero niya, at mga ugaling hindi niya madalas ipakita sa barkada. Madaming sinasabing negative ang ibang tao kay Stephen pero kung lubos na kikilanin nila si Stephen, dun nila makikita kung sino ang totoong siya. Pero kahit ganun, siya pa din kasi yung tipong tao na walang pakialam sa kung ano ang sabihin sakanya ng ibang tao. Ang alam niya lang kasi, kung saan siya masaya, dun siya at wala ng pakialam ang ibang tao sa sarili niyang kasiyahan. Sa loob ng ilang taon naming magkaibigan, wala akong ibang ginawa kundi ang kasiyahan niya. Kahit humingi lang siya ng konting bagay sakin, agad akong sumusunod sakanya. Hindi ko alam pero parang may control sa self ko na kapag may iuutos o may sasabihin siya sakin, agad kong sinusunod ito. Siguro ganun nga talaga kapag mahal mo, lahat ginagawa mo, mapasaya mo lang siya. When it comes to advice, hinding-hindi talaga ako mawawala sa tabi niya. Wala kasi parati sa tabi niya ang mga parents niya kaya kapag meron siyang problema, sakin siya pumupunta. Minsan kahit hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa mga problema niya, tinatry ko pa din ang best ko para lang macomfort siya. Hindi ko alam pero there's something kay Stephen na kailangan ko siyang alagaan. Yung tipong makikita ko siyang nakangiti man o nakasimangot parang wala lang nagbago, yung tipong kahit meron siyang gawin na pinakaiinisan ko na pwede ko siyang saktan kapag ginawa niya sakin yun, but still kaya kong pababain ang pride ko, mapatawad lang siya. Sabi ng iba, mahirap mahalin ang isang Stephen, pero sabi ko nga, kung kikilalanin lang nila si Stephen, dun nila makikita ang totoong siya na mamahalin nila. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...