Chapter [65]
Sam p-o-v
Hayyy parang kagabi may kakaiba.. para kasing nakakarinig ako ng ------ tsk !! baka guni guni ko lang yun.. siguro dahil sa pinanuod kung vampire kagabi…. Umhf, makabangon na nga tangahali na naman pala… tahimik ah.. habang pababa ako ng hagdan napatingin ako sa relo ko , tanghali na nga tsk late breakfast na naman ako neto , baka wala na naman akong kasabay sa pagkain.. ano ba ngayon? Sabado? Aha muntik ko ng makalimutan nagpromise pala ako kay kuya na ipag luluto ko sya ngayon ng paborito nila ni ate aloha na chapsoy na may halong egg ng pugo.. nakatikim ka naba non? Yun kasi ang paborito nung dalwang lovebirds eh.. iniisp ko palang natataka----
“good morning!!!!!!” Masaya nilang sabi at naka smile pa silang lahat.. napangiti tuloy ako ng Makita ko sila.. kulang na lang talaga si kuya pero pag nakauwi sya makukumpleto na ulit kami..
“good morning din, akala ko wala na akong kasabay sa pag kain ngayon tinanghali ako ng gising eh.. ah ano pong meron? Hehe bakit ang dami naman atang pagkain ngayon”
“ate oh upo ka muna”sabi ni Justine at inalalayan nya ako sa pag upo.
“salamat just” sabi ko pero ngiti lang ang sinagot nya.
“ate kain na” sabi naman ng kambal na todo abot langit din ang ngiti nila.
“anak pagkatapos mong kumain ito kainin mo banana at puto” mama..
Ano daw? Pagkatapos kumain? Adik si mama , gets nyo ba ako? Plano ba akong patabain?
“anak ito inumin mo tong gatas pagkakain mo tinimpla ko pa yan para sayo anak” papa
“kain na sam, kain na tayo.. sa wakas naman at nagising din yung hinihintay natin , makakakain na tayo” masayang sabi ni ate sabay kuha ng pagkain nya.
Ako? Hinihintay?
“eris anak” saway ni mama sa kanya
“hehe jowks lang naman po” sabi nya sabay V sign at sumubo na…
“anak kain na oh.. eto oh may gulay isda karne, pili ka lang ng gusto mo” sabi ni mama na panay turo sa mga sinasabi nya.. ang dami talaga ng pagkain parang pistahan eh kami..
Kakaiba talaga no? parang may alam sila na hindi ko alam.. pero ayoko munang intindihin yun sa ngayon dahil nasilaw agad ang mata ko sa nakakatakam na lechon ^__^ gusto ko nyan, matagal nadin naman akong di nakakain eh. *kuha kuha kuha* ..ayan puno na yung plate ko.. pero susubo na ako ng balat ng lechon ng mapansin kong nakatingin silang lahat sakin..
“Justine diba sabi ko wag muna kayong magpapaluto ng lechon kasi makolesterol iyan??” mama
“Justine sinabi ko naman na pwede lang kayong kumain ng mamantika pag nasa school kayo diba?” papa
“Justine msyadong masebo ang lechon alam mo namang----“ ate sris
“eheemmm” sabay sabay silang lahat na sumaway kay ate habang ako parang nakafreze eh , isusubo na nga lang dami pa nilang sinasabi,
“Justine alam mo namang ayokong makakita ng masesebong pagkain ngayon diba?” pagpapatuloy nya
“justine---- --“ sabay ng kambal
“KAMBALLLL” saway nina mama papa at ate pero di naman kalakasan
“ay, kuya Justine diba dapat sa school lang tayo nakain ng ganito?” joy
“kuya Justine pwede naman baunin na lang kesa ihain ditto diba?” jay
“tama “ pagsang ayun na naman nung tatlo sa kambal, parang piling ko naiiyak na si Justine, de joke lang hehehe piling ko sya ata ang kawawa dito.. pero nagulat ako ng tumayo sya at kinuha agad agad yung plato ko kasama yung tinidor na may balat ng baboy..
“ate akin na nga yan, ako ng kakain, ginigisa na nila ako oh hehehe” sabi nya at sumubo na nga sya nun pagka upo nya.
“akin yan eh, dami naman ditto bakit dika kumuha dito” sabi ko sabay tayo at kukuha na ulit sana ng bigla silang sumigaw
“YAYA!!! Ibalik sa kusina yung menu dito na masesebo mamantika at makolesterol” sabay talaga silang lahat, daming sinabi para namang iisang word ata yun.. o hindi…
Pakiramdam ko tuloy pinagdadamutan nila ako.. nakakainis ayaw nila akong pakainin nung gusto kung kainin eh.. tumayo na alng ako at tumalikod na , nawalan na ako ng ganang kumain eh..
“sam kain na muna” mama papa at ate
“ate kain ka na” kambal at Justine
“tsk, mamaya na lang.. ang dadamot nyo” sabi ko pero yung last sentence sinabi ko lang sa hindi nila maririnig , ilong ko lang makakarinig..
Ikaw na may gusto kang kainin tapos ayaw nilang ibigay? Di ba nakakawalang gana.. pinagdadamotan nila ako..