From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

37. Habilin

18.3K 262 48
By hunnydew

Katatapos lamang magsimba ng pamilyang Pelaez nang mapagkasunduan ng mag-anak na dalawin si Hiro sa ospital. Bagamat malayo na sa panganib, inabisuhan ang binata ng doktor na manatili muna sa ospital upang tuluyang maka-recover ang katawan. Nauna nang dinala ng mga magulang nila ang Xbox nito noong nakaraang linggo upang hindi mabagot si Hiro na pirming nakahiga lamang sa kama at nagpapagaling.

Paalis na sila pagsapit ng hapon nang magpaiwan ang bunsong si Charlotte. “A-Ahhh…ano, may tinatapos pa po akong mas importante pa kay Hiro,” anito at nangakong ito na lamang ang magsasara ng bahay at susunod sa ospital.

Nagkatinginan naman sina Mark at Chad na pawang mukhang nababagabag.

Gumagawa pala ng paper roses si Charlotte na siyang itinatago sa mga kahong pinaglagyan ni Hiro ng Cherifer noong kaarawan ng bunso. Ilang buwan nang pasikretong tinatapos iyon ni Charlie subalit sa ‘di-inaasahang pangyayari habang naglilinis sina Chad ng kwarto ay natuklasan nila ang mga origami. Natabig kasi ni Mark ang isa sa mga kahon at kumawala ang maraming papel na bulaklak

“Putspa, ‘pag nalaman ko talagang may nililigawan si Prinsesa, ipapasok ko siya sa kumbento,” marahas na bulong ni Mark kina Mason at Chad habang pasakay sila ng kotse. Hindi muna nila ibinalita ang hinala sa mga nakatatandang kuya habang hindi pa napapatunayan ang haka-haka nila.

Kahit na lihim na ring napapaisip si Mase sa inaasal ng bunso, mas malaking parte pa rin ang tiwala niyang walang katotohanan ang tinuran ng kapatid niya. Bukod sa wala namang naikukwento ang madaldal na si Charlie, wala rin naman siyang napapansing may kinahuhumalingan nga ito para bigyan ng mga iyon. Kaya hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung para saan ang mga origami na ginagawa ni Charlotte.

Pagkarating nila sa ospital, naroon na rin si Chino na galing pa sa apartment nila sa Diliman. Sabay-sabay nilang tinungo ang silid ni Hiro. Hindi pa nga lubos na nakakapasok ang mag-anak sa kwarto’y sinimulan na nilang batuhin ang binata ng sunud-sunod na pangangamusta. Mabuti nga’t nasusundan pa nito ang mga tanong at nasasagot nang matino—patunay na magaling na nga ito.

At habang kausap ng mga magulang nila ang Ina ni Hiro na si Adeline, naungkat na rin ang pagkabigla ng mag-anak matapos mapanood sa telebisyon ang ginawang pag-amin ni Lorenzo na may anak na babae pa pala ito.

“Grabe. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala  na magkapatid nga kayo ni Louie,” saad ni Mark na umiiling. Ngayon lang ulit kasi nila makikita si Hiro matapos malaman ang itinatagong sikreto ng pamilya nito.

“Ako nga din eh,” nakangiting sambit ni Hiro.

Tumango-tango naman si Chad. “Oo nga ‘no, may hawig kayo,” sambit nito at halos lahat sila’y biglang napasulyap nang mabilis kay Hiro at napansing tama nga ang tinuran nito. “Pero eto, tanong ko lang ha. Na-broken-hearted ka ba nang malaman mo?” natatawang tanong nito.

Agad namang pinamulahan ng pisngi ang binata. “Kuya talaga. Medyo lang, hahaha.”

Napailing na rin si Mason sa kalokohan ng mga kapatid na sinasakyan pa talaga ni Hiro. Subalit napagtanto niyang hindi kasalanan ng binata kung mahulog nga ang loob nito kay Louie. Kahit sino naman kasi ay mahuhumaling sa dalaga. She is an epitome of beauty and brains.

 

“Ayos lang ‘yan. Mas bagay naman talaga kayong magkapatid eh,” sambit naman ni Chino na lumapad ang ngiti nang magtama ang mga mata nila ni Mason. Muli na naman tuloy siyang napailing.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang panganay na si Marcus na sa ospital na iyon din nagdu-duty. Tumango muna ito sa mga magulang na abalang nag-uusap bago bumaling sa mga binata. “Teka, nakapag-hand sanitizer ba kayo bago lumapit sa pasyente?”

“Oo naman Doc,” sabay-sabay na tugon ng magkakapatid.

Nagkaroon pa ng mahabang pag-uusap matapos inspeksiyuhin ni Marcus ang kalagayan ni Hiro. Doon na rin nag-merienda ang mag-anak. Napag-alaman nilang araw-araw din palang dumadalaw si Louie sa kapatid nito at sa katunayan, halos nagkasalisihan lamang ang dalaga at ang pamilya nila.

Lihim na napabuntong-hininga si Mason nang malaman ito. Tila mas mahihirapan yata kasi siya kung sa personal niya iimbitahan ang dalaga gayong hirap na hirap na nga siyang isipin kung paano ito sasabihan sa pamamagitan ng text.

 

Habang masiglang nag-uusap ang lahat, tahimik lamang si Mase na nakaupo sa isang sulok at nagbabasa ng Readers Digest. Maya-maya pa ay inilabas niya ang telepono at tinitigan ang isang draft ng mensaheng hindi pa niya naipapadala.

To: Louie Kwok

Louie, may limang libo akong nakuha galing kay Kuya J. Tara, gastusin natin :) –Mase

 

Sa lahat kasi ng mga naisip niyang mensahe, iyon ang pinaka-safe. Siguradong hindi mag-iisip ng kung anong dahilan si Louie kapag nabasa niya iyon at mas malaki ang pagkakataong pumayag itong lumabas kasama si Mason dahil walang bahid ng pagiging romantiko ang mga salitang iyon. Tingin kasi niya, kung didiretsuhing ayain ang dalaga sa isang date, gagawa ito ng paraan upang makaiwas.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga’t itinago muli ang telepono kasabay ng pagpapaalam ng mga magulang nila na lalabas muna para mag-grocery kapiling ni Adeline.

Ibabalik sana ni Mason ang atensiyon sa magazine na binabasa nang magtama ang tingin nila ni Hiro. Nakangiti ito sa kanya na siyang ikinabahala niya. “Mga Kuya… uhm… pwede ko ba munang makausap si Kuya Mason kahit thirty minutes lang?” anito sa mga nakatatandang lalaki na pawang nakangiting-aso na.

“Ano ba ang pag-uusapan niyo at kailangang wala kami? Hmm?” tanong ng chismosong si Mark.

“Parang may ideya na ako diyan ah,” segunda naman ni Chad.

“Ako din eh,” nangingiting dagdag ni Chino at bumaling sa panganay. “Naisip mo ba ang naiisip ko B1?”

“Oo, B2,” tugon naman ni Marcus. “Kaya tara na. Bigyan na ng panahon ang dalawang mag-usap,” dagdag pa nito habang ginagaya ang boses ng tauhan sa Bananas in Pajamas bago iginiya ang mga kapatid palabas ng pinto.

“Sige, Bayaw. Kausapin mong mabuti ‘yan ha?” pahabol pa ni Mark na siyang nagpahalakhak sa papalabas na mga binata bago sumara ang pinto.

Marahan na ring binitawan ni Mase ang binabasa matapos niyang bilutin ito upang ibato sana sa makukulit niyang mga kuya. Sa huli, humila na lamang siya ng upuan papalapit sa kama ni Hiro at nagbuntong-hininga.  “Bakit…?”

“Kuya, may gusto ka ba kay Louie?” walang paliguy-ligoy na tanong ni Hiro.

Agad na napaiwas ng tingin si Mason upang itago ang pagkabigla. Batid niyang tatanungin siya ng binata tungkol doon dahil na rin sa inaasal ng mga kapatid niya. Sa katunayan, inihahanda na niya ang sarili. Iyon nga lang, hindi niya inaasahang iyon agad ang ibabato sa kanya ni Hiro.

Hindi pa siya nakakahuma sa paunang tanong ni Hiro ay nagsalita na ulit ito. Kung sabagay, wala rin siyang masabi.

Okay lang kung nahihiya kang aminin. Alam ko naman eh. Dati ko pa nahahalata,” saad nito at napasulyap na lamang si Mason sa binata. Batid niyang malaki ang kinalaman ng walang-humpay na pasaring ng mga kapatid niya kaya nagka-ideya si Hiro sa nararamdaman niya para kapatid nito. Siniguro kasi ni Mase na ikubli ang paghanga niya kay Louie kaya rin madalas ay tahimik siya lalo na kung kaharap ang dalaga.

Bukod sa nauutal siya sa tuwing nariyan si Louie, kinakabahan siya sa maaaring maging reaksiyon nito kung malamang may pagtingin si Mase sa dalaga.

Sa totoo lang, ayos na kay Mason ang humanga mula sa malayo. Masyadong marami lang ang nagtutulak upang mapalapit siya kay Louie. Minsan ay napaisip na rin siya na baka dahil sa mga panunukso sa kanila ni Louie ng mga taong malalapit sa kanila, kaya lumago ang dapat lamang ay paghanga niya para sa dalaga.

At aminado naman siyang lubos siyang nasiyahan sa bawat pagkakataong nagkakaroon sila ng interaction.

 

“Pero alam mo,” pagpapatuloy ni Hiro dahil hindi pa rin makaimik si Mason. “Bagay nga kayo ni Ate,” kumento nito at kumunot ang noo niya sa narinig. “Parehong matalino, tsaka ewan ko…” sambit nito na bahagyang nakangiti.

Lihim na natawa na lamang si Mason. Nadagdagan pa talaga ang mga taong pilit na ipinaglalapit sila ni Louie.

“Pero may ipapakiusap sana ako sa’yo,” ani Hiro at naging seryoso ang mukha nito. “Pakibantayan naman si Louie. Ipapaubaya ko na siya sa’yo,” nakangiting bilin nito.

Likas na tahimik si Mason at tunay na hirap makahita ng mahabang kumento mula sa kanya. Subalit sa sinabing iyon ni Hiro ay tila tuluyan na yata niyang nalulon ang dila. Bahagya pa siyang lumunok dahil natuyo rin ang kanyang lalamunan. Paano niya susubaybayan si Louie kung sa loob ng ilang araw ay magiging milya na ang layo nila sa isa’t-isa? Maliban na lang kung…

“Akala ko ba… sa Canada na siya mag-aaral?” nag-aalalang tanong niya. Sumibol din ang kaunting pag-asa na baka nagbago ang isip ng dalaga’t magpapaiwan na lamang sa Pilipinas.

“Oo nga,” nakangiting pagsang-ayon ni Hiro at nagulumihanan si Mase. “Edi kapag nandito siya. O habang nandito siya. Magbabakasyon din naman ‘yan sigurado,” dagdag nito.

Muling tumahimik si Mason upang pag-isipang mabuti ang pakiusap ni Hiro. Tila nanghinayang tuloy siya dahil balik-paaralan na siya sa pagsisimula ng summer classes kinabukasan.

 

Limang araw na lang…

 

Napaupo nang tuwid si Mase at tinignan sa mata si Hiro. “Sige.” Nagkamayan pa sila upang gawing pormal ang kasunduan.

“Kuya,” sambit ulit ni Hiro at inangat na muli ni Mase ang tingin dito. “Huwag mo siyang sasaktan,” tila nagbabantang saad nito.

Tumango naman agad siya nang may munting ngiti sa kanyang mga labi.

Bukod sa hindi niya kailanman inisip na saktan ang dalaga, paano nga ba niya masasaktan ang isang Louie Kwok na maging mga kidnaper ay wala nang binatbat sa kakayanan nito? Sa katunayan, nagdalawang-isip pa si Mason kung bakit ibinilin pa ni Hiro ang kapatid nito sa kanya gayong kayang-kaya naman nitong protektahan ang sarili.

Parehas silang napalingon sa nakapinid na pinto dahil dinig na dinig na nila ang malakas na boses ni Charlotte.

Bahagya silang natawa bago tuluyang nagpaalam si Mason at pinapasok ang bunso dala ang nakapasong mga papel na rosas. Subalit bago pa niya matanong ito, inunahan na siya ng mga kapatid nila.

“O! Anong napag-usapan niyo?” nasasabik na tanong ni Mark. “May basbas ka na ba ni Bayaw?”

Subalit hindi siya umimik at umupo lamang sa tabi nila.

Limang araw na lang…

“Siya nga pala, kailan ang date niyo ni Louie?”

 

“Oo nga! Sabi ni J, baka sa Sabado na ang alis nila.”

“Ano? Pupuntahan na ba natin sa bahay para mamanhikan na tayo?”

Inilabas ni Mason ang telepono at agad nagkumpulan ang mga Kuya upang sulyapan ang screen nito.

Saka niya pinindot ang send button sa mensaheng hindi pa niya naipapadala, kasunod na malakas na paghihiyawan ng kanyang mga Kuya na sabay-sabay pa siyang tinapik sa likod sa tuwa at bilang pagsuporta.

===

A/N: Pakiramdam ko, mauubusan ng buntong-hininga si Mason dahil sa mga kapatid niya . Dumagdag pa talaga si Hiro, huehuehue. Speaking of, anjan si Hiro na mukhang may sakit pa sa gilid. ^_^

Ipapaliwanag ko lang ang ‘Limang Araw’ na bilang ni Mase ha. Sabado ng umaga tumawag ang epal. Hindi sinama ni Mase sa bilang ang Sunday dahil family day daw yon.. hahaha. Maka-explain talaga eh noh, as if may nagtatanong.. hahaha. 

Ano sa tingin niyo ang reaction ni Louie nung mabasa niya ang text ni Mase? Hihihi. Ipaliwanag sa baba. Charrr.

Eksaytment na ba kayo sa next chapter? Ako, sobra.. hihihi. ^_^v

Continue Reading

You'll Also Like

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
443K 24.1K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...