Hot Chick (Unedited)

By my_love_letter

1.3M 36K 650

Highest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di ma... More

Hot Chick (1)
Hot Chick (2)
Hot Chick (3)
Hot Chick (4)
Hot Chick (5)
Hot Chick (6)
Hot Chick (7)
Hot Chick (8)
Hot Chick (9)
Hot Chick (10)
Hot Chick (11)
Hot Chick (12)
Hot Chick (13)
Hot Chick (14)
Hot Chick (15)
Hot Chick (16)
Hot Chick (17)
Hot Chick (18)
Hot Chick (19)
Hot Chick (20)
Hot Chick (21)
Hot Chick (22)
Hot Chick (23)
Hot Chick (24)
Hot Chick (25)
Hot Chick (26)
Hot Chick (27)
Hot Chick (28)
Hot Chick (29)
Hot Chick (30)
Hot Chick (31)
Hot Chick (32)
Hot Chick (33)
Hot Chick (34)
Hot Chick (35)
Hot Chick (36)
Hot Chick (37)
Hot Chick (38)
Hot Chick (39)
Hot Chick (40)
Hot Chick (41)
Hot Chick (42)
Hot Chick (43)
Hot Chick (45)
Hot Chick (46)
Hot Chick (47)
Hot Chick (48)
Hot Chick (49)
EPILOGUE

Hot Chick (44)

24.7K 754 18
By my_love_letter

Ring ng ring yung cellphone ko na dahilan para magising ako sa pagkakatulog. Kinapa ko yun sa side table ko at sinagot without looking at the screen.

"Hello?"

"Good morning baby wake up." It's my boyfriend.

I chuckled. "Good morning din baby, thank you for waking me up."

"Anything for you. I can't wait to see you at school baby." Yaah! Finally back at school na kami. Masaya ako dahil makakasama ko na naman sila, lalong lalo na siya. Kahit lagi ko naman siyang kasama. Haha!

"Me too, baby."

"Sunduin kita ah. Tumawag lang ako para gisingin ka para nadin ako agad pumasok sa isip mo pag gising mo tulad ko."

Tumawa ako ng mahina. "Kahit naman di mo gawin yun ikaw padin ang unang pumapasok sa isip ko."

"Talaga? Hindi practice?"

"Second nalang yun."

I heard him laughed. "Okay baby, ibaba ko na to. Mahal kita."

"Mahal din kita, baby." Ibiniba na niya yung tawag. Nag stay pa din muna ko sa kama ko dahil mamaya pa namang tanghali ang pasok ko.

Ilalapag ko na sana yung cellphone ko sa side table ko nang bigla na naman tong mag ring.. It's.. 'Annoying Ex.' Magpapalit na talaga ako ng number dahil hindi na naman siya tumitigil sa pag tawag sakin. Hindi ko yun sinagot at hinayaan ko lang mag ring yung cellphone ko.

Hindi magandang makipag usap pa ko sakanya ngayong may boyfriend na ko, di naman niya ako tulad na salawahan eh.

Tumigil din naman sa pag ring yung cellphone ko pero nagtext naman siya.

*** Babe, gusto kong marinig ang boses mo. Miss na kita. ***

I sighed heavily. Ang kulit niya, ano bang kailangan kong gawin para tigilan niya?

Tulad ng sabi ng baby ko sinundo niya ko. Hihi!

First time nangyaring sinundo niya ko mismo dito sa bahay kaya nakakatuwa. Wala naman na si Mama dahil nasa trabaho na siya kaya wala sa mukha ni Damon ang kaba.

Bago kami lumabas ng bahay nag request ng halik ang baby ko. Eh ako naman si itong uto uto pumayag ako, gusto ko din eh. Hihi.

Pag dating naman namin sa school syempre hindi na naman sila sanay na mag kasama kami ni Damon, kailan kaya masasanay tong mga to samin ni Damon? Dapat masanay na sila dahil kami na ngayon.

Hinatid ako ni Damon haggang classroom ko tapos hinalikan pa ko sa labi kaya tong mga classmates ko hindi maiwasang tignan ako.

Pumwesto na ko sa upuan ko at napansin ko agad yung classmate kong isinayaw at nag confess sakin noong Acquaintance, paanong di ko siya mapapansin ang sama ng tingin niya sakin. Galit siguro dahil kami na ni Damon, o pwede ding dahil binasted ko siya. Oh BOYS!

After class..

Dumiretso ako sa Canteen kung saan panigurado nandun ang mga mababait kong kaibigan at di nga ko nagkamali, nandun na sila kasama ang baby ko na nakayuko sa lamesa na tila natutulog.

Tumabi agad ako sakanya. "Baby." I whispered. Unti unti niyang inangat yung ulo niya at tumingin sakin. I smiled at him. Ngumiti siya tsaka ako hinalikan sa pisnge.

"Hi, baby." He greeted.

"Hi." I greeted back.

"Sweet ah. Parang kailan lang nagbabatukan kayo." Majah said laughing.

"Ganun lang talaga magpakita ng love sakin si baby." Damon said smiling.

I chuckled. "Ganun ako magpakita ng inis nu." He pouts. Hala nag pacute pa. Haha!

My phone ring..

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at si Annoying Ex na naman ang tumatawag. I sighed heavily.. ayaw talaga niyang tumigil, pinatayan ko siya ng tawag.

"May problema ba?" Baby asked.

"Ian is calling." I whispered. He just looked at me, blankly. I hold his hand tightly saying it's-nothing. He just sighed not convinced.

"Bibile lang ako ng kakainin natin." Seryoso niyang sabi.

"Anyare dun?" Luisa asked looking at Damon.

"Tumatawag na naman kasi sakin si Ian eh."

"Oh? Bakit daw?" Majah asked.

"Nakikipag balikan ba?" Luisa asked.

I shake my head. "He just misses me daw."

"Syempre part yun nu." Luisa said.

"Wag nalang natin pag usapan, baka marinig pa ni Damon." I said. They just nodded their heads.

Dumating na si Damon bitbit yung pagkain namin. Ang seryoso padin ng mukha niya. Since mukhang di naman siya makakausap ng matino dahil mukhang wala siya sa mood kaya nanahimik nalang ako at kumain.

Ano kayang pwedeng gawin para bumalik ang mood niya? Wala akong idea!

Nang matapos naman kaming kumain nagyaya na agad siyang umuwi, so sumunod nalang ako kasi baka kung humindi ako manakmal siya. Joke lang!

Tahimik lang si Baby habang nasa byahe kami para ihatid niya ko. Naiintindihan kong naiinis siya sa ideang tumatawag padin sakin yung ex ko, maski naman ako magagalit pag nalaman kong may tumatawag pa ding ex sakanya eh.

"Baby.." i called.

"Hmm?" He hummed not in mood.

"Don't worry about Ian, he's nothing to me now."

"I know baby, i just don't like the idea of him calling you."

"Hindi ko naman sinasagot."

"I still don't liked it!" He snapped.

I sighed. Bakit ba kasi hindi nalang ako tigilan ni Ian edi sana good mood ngayon ang baby ko at nilalambing ako.

"What is it?" He asked. I give him what look. "You're thinking?"

"Kung alam ko lang na sasaktan lang ako ni Ian, sana mas nauna kitang nakilala. I mean, kilala nga kita pero sa pangalan lang. Sana mas una kitang minahal kesa sakanya."

"Tingin ko hindi magandang idea yun baby. Kung noon mo ko minahal baka mas masakit pa ang nagawa ko sayo kesa kay Ian. Mas okay na ngayon, nasa tamang pagkakataon lahat."

"Sabagay, baka yung nasa puso mo pa nun ang special someone mo."

Hindi siya nag salita sa sinabi ko, ni parang wala ngang narinig. Bakit parang ayaw na ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa special someone niya dati, ni hindi nga niya nababangit yung pangalan. Hindi ko tuloy maiwasang mainis kasi naman alam na niya lahat tungkol sakin samantalang siya napakalihim.

Finally nakarating kami sa bahay.. hindi ko na hinintay pang pag buksan niya ko ng pinto at bumaba na agad ako ng kotse.

"Baby.." he called, grabbing my arm forcing me to face him. He looks confused, concerned at the same time.

"What?" Walang gana kong sabi.

Huminga siya ng malalim. "You looked irritated, what's wrong?"

"I just don't understand why aren't we talking about her."

"Who?"

"Your ex."

"It's just an old news baby. And I'm still not yet ready to talk about Bam."

"So.. Bam is her name." He nods. He walks closer to me, hugging me tight.

"Baby, lets not fight. I'm sorry kung hindi pa ko handang pag usapan si Bam, darating din tayo dun."

"Okay.. i don't want to fight either. Hihintayin kong maging handa ka nang sabihin sakin ang tungkol kay Bam."

"I love you, baby." He whispered.

"I love you too."

My phone fucking ringing again. Kinuha ko yun sa bag ko at halata sakin ang frustration dahil wala namang tatawag ng ganitong oras sakin kundi si Ian.. kakahiwalay lang namin ng mga kaibigan ko kaya for sure di nila ko tatawagan, si Mama naman nagtetext lang ng ganitong oras para ipaalam na pauwi na siya. Imposible namang ang baby ko yun dahil kasama ko siya.

Pagkatingin ko sa cellphone ko, tama nga ko ng hinala.

"Siya ulit?" Damon asked. I nodded. "Give me that, ako ang sasagot." Nag hesitate ako pero dahil sa seryoso yung mukha niya binigay ko na. "Listen to me dude, leave my girlfriend alone!" He angrily said. I hold his hand to keep him calm. He just ended the call, giving me back my cellphone.

"Gusto mong magpalit tayo ng number para di ka na niya guluhin?" Kalmado niyang sabi. Oh Gosh! gagawin niya talaga yun?

"No baby, it's fine. I can still handle him."

Huminga siya ng malalim. "Okay." He hugs me again. "Sorry kung nainis ako sa pagtawag ni Ian sayo, nagseselos lang ako."

"Naiintindihan ko, baby."

He chuckled. "Ang ganda mo talaga pag naiinis baby."

I grin. "Baka lagi mo naman akong inisin niyan dahil nagagandahan ka pala sakin pag ganun."

"No baby, mas maganda ka kapag nakangiti." Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge at unti unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko.

"I enjoyed our first fight baby." He said after he kissed. Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Alam na alam niya talagang mag pagaan ng mood.

--

Please vote. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

386K 15K 41
Dear Sexylove, Kailan kita makikita? Sana ay bukas na. Naghihintay, Blaze De Silva Disclaimer: No intended copyright infringement on cover.
116K 2.9K 59
[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever af...
1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...