Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Three

6.1K 98 14
By krizemman

Authors Note:

Napublished na ito under Rising Star Enterprise. Kaya kailangan ko ng magbura ng ilang chapter. Sana suportahan niyo din ang book ng Magkabilang Mundo. Salamat.

Available at 7-eleven, Pandayan, National Bookstores, Expressions & in all leading book stores and newsstands nationwide. P149.00

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

ShamEul- Three

Pagpasok ko sa loob ng kwarto namin ni Nico, dumeretso na ako agad sa higaan. Bigla na lang ako nakaramdam ng antok. Kaya ilang saglit lang, unti unti ng nabigat yung dalawang talukap ng mga mata ko, hanggang sa makatulog.

~~~

"Hahahaha" masayang tawa ng isang babaeng tumatakbo "habulin mo ako aking mahal" sigaw nya habang tuloy pa din sa pagtakbo.

"Kapag naabutan kita, hind na kita pakakawalan" usal ng lalaki habang hinahabol ang babae.

Takbo lang ng takbo ang babae. "kung mahuli mo ako aking mahal haha" masayang saad pa nya.

Dahil sadyang mabilis tumakbo ang lalaki, agad nyang naabutan at ikinulong sa mga braso nya ang babae mula sa likuran. "Sabi ko sayo kapag nahul kita, hindi na kita pakakawalan pa" habol hiningang bulong nya. Habang may ngiti sa labi.

Lumingon naman ang babae sa kanyang likuran. At nagtama ang kanilang mga mata. "Aking Mahal, mahal na mahal kita. Handa akong maghintay sayo hanggang dumating ang araw na makasama na kita" Seryosong saad nya.

"Mahal na mahal din kita. Handa akong harapin lahat ng hirap makasama lang din kita." saad naman ng lalaki na nanatiling naka yakap sa babae mula sa likuran.

Muli silang nagbitiw at masayang naghabulin uli.

~~~

"Bro gising na, kanina pa tayo hinihintay nila Mylene sa labas." dinig kong tawag sakin ni Nico. "Mag ayos kana kung ayaw mong umusok yung ilong ng dragon na si Arail" Sabay tapik nya sakin.

Bumangon na rin ako at deresto sa cr para maligo. Habang naliligo ako, pilit kong inaalala yung panaginip ko, pero parang kahit isang detalye wala na akong maalala. Pero sa pakiramdam ko ngayon parang ang saya saya ko.

"Bro bilisan mo dyan!" sigaw ni nico.

"Oo patapos na!" sagot ko. Binilisan ko nang maligo.

"Bakit kasi hindi mo ako ginising agad bro, mang gigising ka kung kailan mga nakaayos na kayong apat" sisi ko.

"Kanina pa kita ginigising, nakailang yugyog na nga ako sayo, kaso lang daig mo pa mantika kung matulog. Kaya naligo muna ako bago kita gisingin ulit" Nico.

'Ganun ba ako kahimbing matulog? hindi kaya pinagloloko lang ako nitong si Nico, eh konting kaluskos nga lang ng ingay nagigising na ako, yung yugyogin pa kaya nya ako.' takang tanong ko sa sarili ko.

"Bro alam mo naman mabilis akong magising kahit sa konting ingay lang, kaya wag mo akong pinagloloko, hindi mo lang ako ginising, gusto mo lang akong sigawan nanaman ni Arail." Tuwang tuwa pa naman yan kapag nagbabangayan kaming dalawa ng pinsan kong yun.

"Bro nagtataka nga ako, kung bakit hindi kita magising agad" tiningnan ko lang siya 'Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. "Ano bang ginawa mo kagabi? sabi samin ni Arail nakita ka daw nya sa may labas at may kausap ka." dugtong pa nya.

"Oo kausap ko kagabi si Shamy" sagot ko sa kanya. Nang matapos na akong magbihis sabay na kaming lumabas sa kwarto.

"Sinong Shamy bro? maganda ba? baka pwede mo naman ipakilala sakin?" sunod sunod nyang tanong habang pababa kami ng hagdan.

"Tsk.. si Shamy yung nakilala ko nung unang gsbi natin dito, oo maganda, pero hindi ko lng alam kung gusto ka din nyang makilala." sagot ko sa mga tanong nya.

"Kahit kailan talaga Eul ang kupad mo" sita na naman ni Arail ng makalapit na kami sa kanila.

"Tsk.. ako na naman nakita mo, yang si Nico naman sisihin mo, hindi nya ko ginising ng maaga." turo ko kay Nico.

"Bakit ako? ginising na nga kita dyan, sadyang masarap lang ang tulog mo. Ikaw ba naman makipag date ng hating gabi, talagang mapupuyat ka." naka ngusong depensa nya.

"Anong nakikpg date, nagkwetuhan lang kami ni shamy." depensa ko din sa sinabi nya. "Kung idedate ko man sya, dadalhin ko siya sa isang romantic place, yung kikiligin sya ng sagad" mayabang na usal ko.

"Tumigil na nga kayo" awat ni Arail samin at lumakad na.

"Ikaw kasi bro." pang aasar ni Nico.

"HOY! Ano dyan na lang kayo? mamaya mainit na baka tamarin na tayo mamingwit!" Sigaw ni Mylene na nauna nang naglakad.

"Tara na nga, nagmamadali 'yun para makapag hayahay ng maaga mamaya" natatawang aya ni Nico at tumingin sa direksyon nila Mylene.

Naglakad na din kami, kasunod ng tatlong babae.

"Bro mamaya puntahan natin yung bahay nila Shamy, para naman maipakilala mo na ako, malay mo magkagusto pa yun sakin." pangungulit nya.

"Tange tingin mo magkakagusto yun sayo?" natatawang tanong ko. " Paano natin siya pupuntahan, hindi ko nga alam kung saan nakatira yun eh, mamaya tatanungin ko kapag nagkita kami."

"Eh di sasama na lang ako mamayang mag hintay sa kanya" pilit nya.

"Hindi pwede bro baka mamaya magalit pa yun sakin kung makita nyang my kasama ako" Tanggi ko. Kasi alam kong ayaw nyang ipakilala ko sya.

"Damot mo nama, papakilala lang" nakangusong usal nya pa.

Si Nico ang tipo ng tao na kapag may gusto, gagawin ang lahat makuha lang ito. Tuloy pa din kaming naglalakad hanggang makarating kami sa isang palaisdaan.

"Oh mga ineng at mga totoy, eto yung mga bulateng gagamitin nyo na pampain sa mga isda" turo nya sa isang garapon na binaba sa may damuhan.

Ito ngayon ang activity namin mag pipinsan sa araw na 'to, sinusulit o susulitin namin ang pagbabakasyon dito. Dahil pagbalik namin sa manila. balik kami sa usual na gawain namin, school at bahay lang at pag weekend maswerte nang maka gimik sa mga bar. Kadalasan kaming lima din mgkakasama, Ganyan kami ka close.

"Oi Eul ikaw nga maglagay ng bulate dito sa pamingwit ko, nakakadiri kasi hawakan." Lapit sakin ni Arail. Kinuha ko din naman yung pamingwit nya at nilagyan sa dulo ng pain.

Nang matapos na namin mag lagay ng mga bulate sa mga pamingwit, nag kanya kanya na kami ng hanap ng magandang pwesto.

"Nakakainip naman pala tong ganto, tutunganga ka lang habang naghihintay na may kumagat na isda sa pamingwit, sana pala natulog na lang ako." reklamo ni Mylene.

"Pwede ka naman matulog muna, habang wala ka pang nahuhuli" sabat ni Aira. Tiningnan ko naman si Nikki na hindi kalayuan sa pwesto ko, mukhang seryoso sa ginagawa nya, ginagalaw galaw nya yung hawakan ng pamingwit na gamit nya.

Si Arail naman may hawak na phone. Siguradong nagbabasa na naman to sa wattpad, dahil paminsan minsan nangiti na animo parang baliw.

Si Nico, ayun binabato ng malililiit na bato yung tubig kung saan naka pwesto yung panghuli nya. 'Hindi ba nya alam na imbis na may lumapit na isda sa pwesto nya, eh lalo nya lang itong tinataboy palayo' napailing na lang din ako.

At ako, ito ngayon, seryosong naka upo naghihintay lang ng may kumagat na isda sa bulateng nakalubog sa tubig.

Isang oras na kaming nakaupo dito pero ni isa wala pang nakagat sa mga hawak namin pamingwit.

"Ayy!!! naku ayoko na, sakit na ng pwet ko dito, nakakainip, lunod na yung bulate hindi pa din ako nakakahuli!." reklamong sigaw ni Nikki, pahagis nyang binitawan ang pamingwit na hawak nya. "Guys dyan muna kayo, una na ako uuwi sa bahay. Naiinip lang ako sa ginagawa nating 'to" Paalam nya at naglakad ng palayo.

'Tsk, kahit kailan mainipin din yung isa na'yon' sabay tingin na lang ako sa kanya na palakad palayo.

Ngayon apat na lang kaming naiwan dito, si Tatay Jess kasi pumunta muna ng talipapa dahil may bibilhin daw siya.

"Guys para mag enjoy tayo, bakit hindi na lang tayo mag swimming ditio. " suhesyon ni Nico.

"Oo nga no, taena Nico sana kanina mo pa naisip yan, para mawala antok ko." si Mylene.

Kaya sabay na namin bintiwan yun mga hawak namin pang huli ng isda. At sabay sabay na kaming lumangoy.

-----

NIKKI'S POV

Dahil sa inip ko kakahintay na makahuli ng isda. Nagpasya na lang akong umuwi at iniwan silang apat don. Ang tahimik ng lugar na'to, ang daanan napapaligiran ng mga talahiban, pero hindi naman ganun katataas, tanaw pa din yung nasa malayo. Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad ng may narinig akong sumitsit.

"Pst..."

Lumingon ako ngunit wala akong nakitang tao.

"Pst..."

Pangalawang sitsit, lumingon ako ngunit wala pa din akong nakita. Kaya naman nagtuloy na lang din ako sa paglalakad.

"Pst..."

Pangatlong sitsit, hindi na ako lumingon. Naglakad na ako ng mabilis. Dahil may mga kasabihan na kapag may sumisitsit sayo o tumatawag ng pangalan mo, at hindi mo nakikita kung sino yun, mabuting wag mo na daw lingunin sa pangatlong beses, dahil isa daw itong engkanto o masamang ispiritu. Maaari ka din daw mapahamak.

Mabilis na akong naglakad pauwi ng bahay, ng medyo tanaw ko na ang gate, ang mabilis na lakad ko, ginawa ko ng takbo. Pakiramdam ko kasi may nakatingin at nakasunod sakin mula sa likuran ko.

Pagdating ko sa gate, habol hiningang binuksan ko yun. Pagpasok ko naglakad na lang ako papunta sa bahay, habang naglalakad napalingon ako sa malaking puno sa loob na bakuran.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o talagang may nakita akong nakatalikod na babaeng nakatayo dun malapit sa puno. Kaya kinusot ko ang dalawang mata ko, para siguraduhin kung may babae nga akong nakita. Pero pagbalik ng tingin ko wala na akong nakita doon.

Malapit na ako sa bahay ng makasalubong ko si Tatay Jess.

"Ineng bakit ang aga mo naman atang bumalik" tanong nya.

"Kasi naman po nakakainip pala yung ganun, akala ko po madali lang makakahuli ng isda, yun naman pala po ang tagal." reklamo ko "Saan po kayo pupunta at may dala kayong basket?" tanong ko ng mapansin kung may hawak siya sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay may hawak siyang gunting.

"Ah ito ba? mamimitas ako ng mga gulay sa gilid bahay, para pansahog sa binili ko, galing kasi ako ng talipapa, bumili ng karne para sa lulutuin ko na pang ulam natin." paliwanag nya.

"Pwede po bang sumama na lang sa inyo sa pagpitas ng mga gulay, mas mukhang masaya pa yan kaysa sa pamimingwit ng isda." tanong ko, mukha naman mag enjoy ako.

"Ok sumama ka na nga lang para hindi ka mainip mag isa dito."

Nagtungo na kami sa gilid na bahay kung saan parang may mini garden, na may ibat ibang uri ng gulay 'Bahay kubo lang ang peg ng taniman ni Tatay Jess' natawang nasa isip.

"Kahit pala hindi na kayo pumuntang palengke Tatay Jess, andami nyo po palang tanim dito sa gilid" sabi ko habang napistas ng okra, sinigang na baboy daw ang lulutuin namin mamaya. Kasama na din akong magluluto para matuto. "Tay Jess bakit dito kayo nagtanim, mas malawak sana kung dun kayo sa kabila, dun sa malapit sa malaking puno." Dahil mas malawak dun kung dun siya magtatanim.

"Naku ineng mas gusto ko na dito kaysa dun na malapit sa puno." usal nya "Oo nga pala nakalimutan kung ipaalala sa inyo na 'wag kayong lalapit sa puno na yun kung maaari lang" takang tumingin naman ako sa kanya. Naguluhan ako kung bakit sinasabi nyang wag daw kaming lumapit dun sa puno, at lalo naman akong naguluhan sa naging reaksyon nya habang binabanngit yung puno na iyon, parang may takot.

"Bakit naman po hindi kami pwedeng lumapit dun? Eh andito naman po sa loob ng bakuran natin"

"Basta wag na lang kayong lumapit dun, sabihin mo din sa mga pinsan mo" ulit pa nya

'Pano yun, nakailang lapit na dun si Eul sa puno, ano kayang mangyayari sa kanya?' tanong sa isip ko na naguguluhan.

"Tay Jess ano po bang mangyayari sa taong lalapit dun," yun na lang ang tinanong, at hindi ko na din binanggit sa kanya yung tungkol kay Eul. Habang tuloy pa din kami sa pagpitas ng mga gulay.

"Wag mo nang alamin ineng, basta sabihan mo na lang yung mga pinsan mo na wag lumapit dun." sa tono ng pananalita nya, bakas ang pag aalala.

"Sige po" maiksing tugon ko.

Nang matapos na kaming mamitas ng mga pang lahok sa lulutuin namin, dumeretso na agad kami sa kusina.

"Tatay Jess ako na po mahihiwa ng mga gulay" presinta ko.

"Ok sige, ako naman dito sa karne"

Nag umpisa na kaming mag hiwa ng may maramdaman na naman akong may nakatingin sakin mula sa labas ng bintana ng kusina. Kaya agad akong lumingo, may nakita akong babaeng nakatayo sa labas nun. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at umalis na din siya agad. 'Wierd naman nun'.

"Tatay Jess may anak po ba kayo?"

"Wala akong anak" sagot niya. 'Kung hindi nya anak yun, sino yung babaeng nakita ko ngayon lang' kaya naisipan ko ulit magtanong kay Tatay.

"Tay asan po asawa nyo? yung iba nyo pong kapamilya."

"Wala na akong asawa, matagal na siyang patay. Yung iba ko naman kamag anak mga taga dito din, dun lang sila sa kabilang bayan nakatira."

"Dito po ba may ibang taong napunta o dumadalaw sa inyo na kamag anak?"

"Wala din, simula umalis ang lolo't lola nyo, ako na lang ang mag isang nakatira dito, at bihira lang din may dumalaw na kamag anak ko" usal niya.

'Sino kaya yung babaeng nakita ko kanina?' tanong sa isip ko.

"Tay may nakita kasi akong babaeng nakatayo, kani kanina lang dyan sa labas ng bintana." sabay turo ko gamit yung kutsilyong hawak ko. "Pero saglit lang at umalis na din siya" kwento ko pa. Bakas naman sa mukha nyang nagulat siya, Pero agad din naman siyang nakabawi.

"Wala naman ibang taong nakakapasok dito, bukod sakin at sa inyo."

Gusto ko pa sanang magtanong, pero sa nararamdaman kong takot, kaya hindi na lang ulit ako nagtanong, Baka kasi hindi ko din magustuhan yung magiging sagot nya sakin.

Kaya tinapos ko na lang ang ginagawa kong pag hihiwa.

"Tay tapos na po akong maghiwa, aakyat lang po muna ako para maligo." Paalam ko at umalis na sa kusina.

Ang tahimik ng buong bahay. 'Buti nakatagal dito si Tatay Jess na tumira mag isa dito, kung ako siguro hindi ko kakayanin.'

Nakarating na ako sa kwarto namin at nag handa ng pamalit na damit. Pumasok na ako sa loob ng cr na nasa loob din ng kwarto namin.

'Bakit parang may kakaiba sa bahay na'to, parang may kasama kaming hindi namin nakikita' Isip ko habang naliligo. 'Hndi kaya may multo dito?' Natakot ako sa huling pumasok sa isip ko, kaya nagmadali na akong naligo. Nang matapos na akong maligo mabilis na akong lumabas ng kwarto, pakiramdam ko may kasama ako sa loob. Pagbaba ko, diretso na akong kusina ulit. Agad ko naman nakita si Tatay Jess na naglilinis ng mga ginamit namin sa pagluluto.

"Ineng tapos ko dito, pupuntahan ko na sila dun, para makakain na tayo ng sabay sabay" usal nya habang mabilis ang kilos sa ginagawa nyang paglilinis.

'Iiwan nya akong mag isa dito? Ayokong mag paiwan, natatakot ako' Natatakot talaga akong mag paiwan, lalo ng maalala ko yung babaeng nakita ko kanina sa labas ng bintana ng kusina at yung babaeng nakatalikod dun sa may malaking puno. Nagsisi ako kung bakit umuwi pa akong mag isa, kung ano anong nararamdaman, naririnig at nakikita ko simula ng pauwi ako.

"Tay sasama na lang po ako sa inyo, ayokong mag paiwan mag isa dito" sabi ko pero hindi ko na sinabing natatakot ako.

Umalis na kami agad ng matapos si Tatay sa gawain nya.

Continue Reading

You'll Also Like

494K 10.5K 61
Isang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isan...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48.1K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
13.7K 506 22
Dahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. K...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...