This Time Around

By blossomgrace_bg

16.3K 538 277

Minsan ng umamin si Rossane sa nararamdaman nya sa homeroom teacher nyang si Patrick, noong highschool pa lam... More

i
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 FINAL
A/N & Reviews

Chapter 3

1K 33 20
By blossomgrace_bg

Tapos na ang klase nila at palabas na sila ngayon ng review center. Nauna nang umuwi si Sherryl at may pinuntahan naman si Alex kaya naiwan si Rossane at Mia. Pagkatapos din kasi nila sa review center ay didiretso naman sila sa mall para mag-grocery.

"Um Rossane, hawakan mo muna 'to...", sabi ni Mia sabay abot ng listahan ng mga bibilhin nila at ang pera.

"Bakit mo binibigay sa'kin 'to?", nagtatakang tanong ni Rossane nang tinanggap nya iyon.

"Ah kasi... may emergency. Um... makikipagkita sa'kin kapatid ko, si Marry Ann."

"Huh? Ngayon na? Pa'no 'yan? Eh mag-grocery tayo." Rossane.

"Kayanga eh. Naisip ko, ikaw lang muna ang mag-grocery tapos pupuntahan na lang kita pagmatapos ka na. I'm sure tapos na rin kaming mag-usap no'n ." Sabi ni Mia pagkatapos ay ngumiti ito.

"Mia! Tumatakas ka lang eh! I-indian-in mo nanaman ako eh!" Rossane.

"Hindi ah! Totoo! Magkikita kami ni Marry Ann! Ipapakita ko pa sa'yo texts niya sa'kin!" Mia.

Pagkatapos ay akmang kukunin nito ang phone pero pinigilan lang ni Rossane.

"Oo, sige na! Pero pagmatapos ako pupuntahan mo ako ha!" Rossene.

Mas ngumiti ng maluwag si Mia. "Oo naman! Osige na Rossane! Nakakatakot magalit kapatid ko pagnainip 'yon! Bye! See you later!" Sabi nito na may pakaway-kaway pa. Pagkatapos ay sumakay ito ng jeep at iniwan siya sa tapat ng gate ng review center.

Bumuntong-hininga si Rossane. Sa totoo lang, duda siya na makikipagkita ito sa kapatid, dahil no'ng una na inutusan si Mia at pinasama rin siya, nagpaalam din ito na aalis. Ang dahilan ay makikipagkita raw ito sa ina at babalikan siya, pero hindi na ito bumalik. Ang dahilan naman no'n ay ay nag-enjoy daw ito na kasama ang ina kaya nakalimutan siya. Sana naman this time ay tuparin na nito... "Kung hindi malalagot na talaga siya sa'kin!" Sabi nya sa sarili.

Pagkatapos ay sumakay na siya ng jeep papuntang mall. Bago siya mag-grocery, dumaan muna siya sa bookstore para bumili ng bagong fiction novel. Saktong naabutan niya ang bagong published ng paborito niyang author at sakto ring limited edtion pa iyon. Mabuti na lang at naabutan pa nya ang libro bago pa maubusan ng stocks. At nang matapos ay pumunta na siya sa super market.

Habang dahan-dahang tinutulak ni Rossane ang push cart ay seryoso naman niyang binabasa ang nasa listahan, pero wala doon ang isip nya. Iniisip nya kasi ang paraan kung paano niya madadala ang lahat ng mga nakalista sa isang lenghtwise na papel. Ngayon pa lang kasi, alam na nyang hindi na siya sisiputin ng kaibigan. Kaya naii-stress siya ngayon.

Sa kakaisip, hindi nya namalayan na may tao pala sa harap nya. Nabunggo nya tuloy ang push cart nito. Agad siyang nagtaas ng tangin.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." sabi ni Patrick.

Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya inaasahan na magkikita silang muli.

Lumapit si Patrick sa kanya. Natigil siya nang may inalis ito ng kung ano sa mukha nya. Tila ba nakoryenre siya ng maramdaman ang balat nito sa mukha nya.

"Your eating your own hair..." sabi nito.

Bigla siyang natauhan. "Ah... k-kayo pala Sir Patrick..."

"Nagkita ulit tayo. But where are the others?" Tanong ni Patrick nang mapansing nag-iisa lang si Rossane.

"Ah, may pinuntahan sila." Rossane.

Tumango-tango si Patrick. "Um, pwede bang sabay tayo mag-grocery?"

Hindi nakapagsalita si Rossane. Hindi nya alam kung anong sasabihin. Kung sasabay ito sa kanya, ibig sabihin ay magkakasama nanaman sila. May part sa kanya na natuwa siya ideya na iyon, pero may part din sa kanya na nagsasabing umatras siya.

"Okay lang ba Rossane?" Tanong ulit nito.

Hindi nya namalayan na tumango-tango na pala siya. "Ah, oo naman.", pati rin ang lumabas sa bibig nya. But all she know is when he smiled after she said it.

Habang sabay silang namimili, hindi niya mapigilang mapangiti dito. Hindi dahil sa mga ikinukwento nito, kundi dahil sa saya na naidudulot buhat ng pagkikita nilang muli.

Aaminin nya, hindi nanaman nya mapigilang mahulog sa dating guro. Nagkita nanaman sila, kaya hindi nanaman nya mapigilang umasa. Pero tuwing naiisip nyang ito nanaman ang huli nilang pagkikita, nawawalan nanaman siya ng pag-asa. At kahit na gano'n, hahayaan na lang muna nya ang nararamdaman. Kahit isang araw lang. At kahit isang araw lang din na hindi nya ito ituring na dating teacher.

"What?" may pagtatakang tanong ni Patrick.

Nagkunot-noo naman si Rossane. "Huh?"

"Why are you smiling like that?" Patrick.

Smiling like that? Bigla siyang natauhan. "Ah ano... Natutuwa lang ako na nagkita tayo ulit." sabi nya.

Pinagbigyan na nya ang sariling sabihin ang tunay nyang nararamdaman, kahit ngayon lang, dahil natutuwa talaga siyang makita ito ulit.

Ngumiti ng matamis si Patrick. “Ako rin.”

Hindi man nya alam ang ibig sabihin ng mga sinabi nito, pero natutuwa pa rin siya. Kung pwede sanang araw-araw niyang nakikita ang mga ngiti ng dating guro.

Masaya at magaan ang pag-uusap nila habang nagg-grocery. Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari sa araw nila at kung ano-ano pa na patungkol naman sa mga paninda sa loob ng supermarket.

Pagkatapos nilang mag-grocery, ay lumabas na sila sa mall dala ang push cart na naglalaman ng mabibigat na plastic bags. Nagtaka si Rossane nang pinabantayan sa kanya ang grocery nito at pinahintay sa tapat ng mall, pagkatapos ay nagmadaling tumakbo papuntang parking area. Pagkailang minuto ay may humintong kulay asul na sasakyan sa harap nya. Nalaman niyang si Patrick pala ang may-ari no'n nang lumabas ito mula sa loob. Kinuha nito ang mga groceries at nilagay sa back seat ng sasakyan nito. Pagkatapos ay binuksan nito ang trunk at lumapit sa push cart nya.

"Hatid na kita." Sabi ni Patrick na kumindat pa sa kanya. Pagktapos ay kinuha nito ang mga pinamili at nilagay sa loob ng trunk.

Hindi naman nakagalaw si Rossane ng kindatan siya nito. She skipped-bit.

"Rossane?" Tawag ni Patrick nang matapos na niyang ilagay sa trunk ang groceries ni Rossane. Napansin din nyang nakatulala lang ito. Nilapitan nya ang dalaga. "Rossane, let's go?"

"Huh? Saan?" Naguluhang tanong ng dalaga.

Ngumiti si Patrick. "Sa boarding house niyo. Ihahatid na kita."

"Ay naku po, 'wag na!" tanggi ni Rossane. "M-magco-commute na lang ako..."

Pumunta si Patrick sa front seat ng passenger seat at binuksan ang pinto para dito, ngunit tinitigan lang iyon ni Rossane. Pagka-ilang segundo ay lumapit na ito at pumasok sa loob. Lihim na napangiti si Patrick. Pagkatapos ay pumunta na siya sa driver's seat.

Parang panaginip lang para kay Rossane na nasa loob siya ng sasakyan ni Patrick at hinahatid siya pauwi. Kung ito man ang huling araw na makakasama nya ito, gusto na niyang damhin ang pagkakataon. Gusto niyang mahulog ulit dito kahit sa ganitong kaikling oras. Parang siya si Cinderella, hindi magtatagal na ang pagkakataon kung saan masaya siya ay maglalaho rin. Kaya pagbibigyan nya muna ang sarili.

Tiningnan nya si Patrick na focus sa pagmamaneho. She is not expecting for a chance encounter again, but she is hoping that destiny has something to do with this encounters.

Muntik na siyang mapapitlag ng tumunog ang smartphone nya. Naabutan nyang lumingon si Patrick sa kanya bago pa man siya bumaling sa bag nya. Na-distract nya tuloy ito.

Hinanap na niya ang phone sa loob ng bag, pero mukhang hindi nya ito makita. Nilabas niya muna ang ilang laman nito. Habang hinahanap nya ang phone, 'di niya namalayang may nahuhulog na pala.

"Okay ka lang?" tanong ni Patrick nang mapansin na nagkakalat na si Rossane.

"Huh? Ah oo. Okay lang naman. Sorrt naistorbo tuloy kita." Rossane.

Nagkagat-labi siya nang mapagtantong nasa ibaba na ang ibang gamit nya.

"Sorry ulit, nagkakalat na ako." Paumanhin nya habang pinupulot ang mga nahulog.

Ngumiti ito na labas pa ang ngipin. Saglit na napatigil si Rossane nang ngumiti ito ng gano'n. Hindi maikakaila na ang ganda nito ngumiti. Napangiti rin siya.

Nang mahanap na nya ang phone, na nakalagay lang sa bulsa sa loob ng bag, binuksan niya ito agad. Kay Mia galing ang text. Nags-sorry ito dahil hindi nakarating, at ang dahilan ay kailangan ito ng kapatid. Naghinga siya. Hindi nya alam kung paano niya naging kaibigan ng ganito katagal si Mia. Naa-amaze lang talaga siya sa ugali niya.

Pagkatapos ay tinuro nya kay Patrick ang direksyon papunta sa kanila. Wala silang masyadong napag-usapan sa buong byahe. Pagkailang minuto, nakarating na rin sila. Bumaling muna siya dito bago bumaba.

"Um, salamat." sabi nya na nakangiti pa.

Ngumiti rin si Patrick sa kanya. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto para bumaba na. Bumaba rin ito at dumiritso agad sa trunk ng sasakyan. Siya naman ay pumunta agad sa hanggang baywang na gate para bukasan iyon. Pagtalikod niya, naroon na pala si Patrick.

"Um, ako na lang." Insist nya na kahit alam nyang hindi nya kayang buhatin ang gano'n kabigat na palstic bags.

"Kaya mo 'to?" pabirong namang tanong ni Patrick.

Hindi nakapagsalita si Rossane. Ngumiti nanaman ito ng maluwag. Kanina pa nya napapansin, ang hilig nitong ngumiti ng gano'n.

"Ate Rose? Ikaw na ba 'yan?"

Sabay na lumingon ang dalawa pagkarinig sa boses na iyon. Si Ben, na palapit sa kanila.

"Ben?", 'di makaniwalang sabi ni Patrick pagkakita sa estudyante.

"Sir Patrick?" Nagtaka rin si Ben. Nagpalipat-lipat muna ang tingin nya sa dalawa bago maintindihan ang nangyayari. "Ah, good eve Sir..."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Patrick habang kinukuha nito ang mga plastic bags.

"Um actually, nagb-board din siya dito..." Paliwanag ni Rossane.

"Sige Sir, pasok na po ako..." Pagkasabi ni Ben, tumalikod na siya at pumasok sa loob dala ang mga plastic bags.

"Um, pasok ka muna?" yaya ni Rossane.

"Ah hindi na. Kailangan ko na rin kasi umuwi." Tanggi ni Patrick.

Nakaramdam ng lungkot si Rossane. "Ah gano'n ba? O-osige..."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Tinitigan ni Patrick ang dating etudyante. Bumuntong-hininga siya. "See you next time?", Patrick.

Naguguluhang tinitigan ni Rossane ang kaharap sa ibig sabibin nito.

"I'll go ahead." Tinapik muna ni Patrick ang balikat ni Rossane saka pumasok sa loob ng sasakyan at pinaandar ito.

Habang pinapanood ni Rossane ang palayong sasakyan nito, hindi nya maiwasang malungkot. Hindi man lang siya nagsalita at nagsabing "Goodbye". Naghinga siya.

"Sino 'yon?"

Napahawak siya sa dibdib nang may biglang nagsalita sa likod. Nilingon niya ito. "Ano ka ba Flor!"

"Siya ba si Patrick Alegro?" Tanong ni Flor.

"Oo. Siya nga..."

Tumango-tango ito. "So siya pala ang manliligaw mo?"

"Ano!?" Heto nanaman. Tungkol nanaman sa ligaw-ligaw na 'yan.

"Asus! Manliligaw mo si Patrick eh!", pangungulit nito.

"Ano!? Nanliligaw sa'yo si Sir Patrick?"

Nagulat sila sa boses ni Ben, na nasa likod na pala nila.

Bumuntong-hininga si Rossane. "Secret!" Sabi nya sa dalawa, pagkatapos ay iniwan na ang mga ito at pumasok sa loob.

~*~

"Good evening Manang Glu." Bati ni Patrick nang maka-uwi na siya.

Naabutan nya si Manang Glu na naka-upo sa sopa at nagkakape habang nanonood ng T.V.. Hula nya ay inaantay nanaman siya nitong umuwi.

Si Manang Gloria, o kung tawagin niya ay Manang Glu, ang pinaka pinagkakatiwalaan nyang kasambahay. Nasa 60s na nito, at ang pamilya ay nasa probinsya. Simula high school pa lang siya, ito na ang nag-aalaga sa kanya. Kaya itinuturing na nya itong kapamilya.

Tumayo ito. "O hijo, andyan ka na pala." sabi nito at dumako sa kusina.

Sumunod naman siya dito.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Manang Glu habang naghahanda ng pagkain nya.

Hindi pa nga pala siya kumakain ng dinner. Sinubukan nyang yayaing kumain si Rossane kanina no'ng natapos silang mag-grocery, pero tinanggihan siya nito. Kailangan na raw kasi nitong umuwi.

"Hindi pa po." sagot nya habang inilalagay ni Manang Glu ang mga pinamili sa lababo.

"Sige, kumain ka muna."

Nilagay nya ang dalang gamit sa katabing upuan pagkatapos ay umupo na siya.

"Kamusta?" tanong nitong nakangiti na umaabot sa mata, habang inaayos pa rin ang mga pinamili niya.

"Mm, okay naman po."

"Medyo marami ang na-grocery mo ah." Humarap ito sa kanya. "Yung ibang binili mo hindi gaanong importante. Mukhang nasa mood kang mag-grocery ah."

Napangisi siya nang may maalala. "Ah 'yan po? Para sa 'nyo po 'yan."

Hindi kumbinsi si Manang Glusa. Binigyan nya ng pagdududang tingin ang amo. Napangiti si Patrick, pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagkain.

Naalala nya kanina habang naggo-grocery kasama si Rossane, hindi na nya namalayan na ang mga panindang kinukuha nito ay kinukuha na rin nya, kahit hindi naman kailangan. Napagtanto nya lang iyon nang dalawang plastic bag na ang dadalhin nya. Napangisi nanaman siya.

"Ano ba kasing mayro'n at ngingisi-ngisi ka riyan?" Sabi nito na nakatingin na pala sa kanya.

"Wala naman 'to, Manang." Patrick.

"'Yang ngiting 'yan... alam ko na 'yan eh." Nag-isip muna ito kunwari. "Babae 'yan 'no?" panghuhula nito.

Nakangiting tumango-tango siya.

"Hm, may nililigawan ka ulit. Mabuti 'yan. At sana simbahan na ang tuloy niyan."

Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi ko po iyon nililigawan. At siya po kanina yung kasama ko habang naggo-grocery ako."

Hindi na nya binanggit pa na dati rin nyang estudyante iyon.

"Hm, parang gusto ko siyang ipagluto. Posible bang imibitahin mo siya dito minsan?"

"Ah... imposible siguro, Manang Glu.", pagamin nya.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ito.

"Kanina kasi, it was just a chance encounter. Merely a coincidence..." Pagkatapos ay tinuloy nya ang pagkain.

Ngumiti ng makahulugan si Manang Glu.

"Patrick, anak, kapag itinadhana ang dalawang tao, magkikita't magkikita pa rin sila."

~*~

Nang matapos si Rossane mag-half bath at magbihis ng pantulog, humiga na siya sa single bed nya na para sa kanya ay pinaka malambot na kama sa buong mundo. Nagsuot siya ng tyernong pajamas at T-shirt, tingin nya kasi mas lumalambot pa ang kama kapag komportable siya sa suot nya at mas gumagaan ang pakiramdam nya.

Ayaw na nyang isipin si Patrick ngayong gabi, tutal hindi naman niya ito makikita pa. Masaya na siya na kahit papaano nakita niya ito at nakasama ulit.

Nabagot si Rossane sa kakatitig sa kisame. Tumayo siya at pumunta sa study table. Kinuha nya ang sling bag na dala nya kanina. Hinalukat nya ang loob para kunin ang novel na binili nya kanina sa bookstore. Nagtaka siya nang hindi nya maramdaman ang libro sa loob ng bag. Nilabas nya lahat ang laman niyon.

"Asan na 'yon?" Nag-aalalang tanong niya sa sarili nang wala ito sa bag.

Nagkunot-noo siya at nagkagat-labi. Asan na kaya 'yon? Ang natatandaan niya, nilagay niya iyon sa loob ng bag. Hindi naman ito gaanong ka-kapal, kaya kasya lang sa bag nya.

Biglang pumasok sa isip ni Rossane no'ng oras na nasa kotse siya ni Patrick. Naalala nyang nilabas nya ang ilang gamit at may ilan ding nahulog sa binti nya, kung saan nya muna nilagay ang mga gamit nya no'n. Pero pinulot naman nya ang mga nahulog. Hindi kaya...

~*~

"Saan na 'yon?" tanong ni Patrick sa sarili habang hinahanap ang red-sign-pen nya sa study table.

Nasa kwarto na siya ngayon para tsekan ang mga quiz papers. Nang matapos siyang kumain, dumiretso na siya sa kwarto para linisin ang sarili at gawin ang mga gagawin.

"Dito ko lang 'yon nilagay ah." sabi nya sa sarili.

Kinagat nya ang ibabang labi nang may maalala. Nilagay nga pala nya ang red signpen sa drawer ng kotse. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto.

"O hijo, sa'n ka pupunta?" tanong ni Manang Glu ng mapansing palabas si Patrick ng bahay. Nanonood pa rin ito ng T.V.

"Ah, diyan lang po sa kotse may kukunin." Pagkasabi nya ay dumuretso na siya sa labas.

Dumako siya agad sa kotse nya na nakaparada lang sa harap ng bahay. Binuksan nya ang pinto sa harap ng passenger seat ng sasakyan at binuskan ang drawer nito. Tama nga siya, nilagay niya iyon sa drawer.

Kinuha nya iyon at sinara na ang drawer. Pagkasara nya, nadulas sa kamay nya ang pulang signpen at gumulong sa ilalim ng upuan. Kinapa nya doon. Imbis na signpen ang maramdaman, isang malapad na bagay na tila libro. Kinuha nya iyon kasabay sa signpen nya. Isa nga itong libro, at fiction novel ito. Nagkunot-noo siya. Ang alam niya hindi siya nagiiwan ng novel sa kotse at... hindi ito sa kanya!

Pumasok siya sa loob at lumapit kay Manang Glu. "Manang, sa'yo ba 'to?" sabi nya na ipinapakita pa ang libro.

"Libro ba 'yan?" tanong nito.

Tumango-tango lang siya.

"Ay kung gano'n, hindi 'yan akin. Alam mo namang hindi ako mahilig ng mga ganyan. Bakit ba?"

"Kasi po nakita ko 'to sa ilalim ng upuan ng kotse ko." paliwanag nya.

"Sa ilalim ng upuan kamo?"

Tumango-tango siya ulit.

"Baka naman may pinasakay ka sa kotse mo at nahulog niya 'yan."

Dahil sa sinabi nito, nagkaroon na siya ng ideya. Maaring kay Rossane ito, dahil ito lang ang sumakay sa kotse nya ngayong araw at isa pa nahulog ang mga gamit nito kanina. Baka hindi nito nakuha o napansin.

"Ah, manang kilala ko na po kung sinong may-ari."

"O, eh kung gano'n, punatahan mo siya't ibalik mo 'yan sa kanya."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Patrick nang sabihin iyon ni Manang Glu. Pagkatapos ay bumlik siya sa kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...