The Gangster Queen

By jmsanx26

9.7K 346 24

May mga bagay na nakakapagpabago sa isang tao. Ganito ang nangyari simula nang may matuklasan si Avery Caden... More

Chapter 1 - It Starts Right Now
Chapter 2 - Meet My Enemy Gray
Chapter 3 - Additional Hatred
Chapter 4 - My New Classmates
Chapter 5 - Someone Knows
Chapter 6 - Stefan's GF and Gray's Sister
Chapter 7 - Why Him?
Chapter 8 - Six Letters C-H-E-R-R-Y!
Chapter 9 - Another One
Chapter 10 A Close One
Chapter 11 Unexpected Trip
Bonus Chapter - Stefan Cruz
Chapter 12 - Goodbye!
Chapter 13 - Let Him Go
Bonus Chapter - Gray Fernandez
Chapter 14 - Now What
Chapter 15 - M.A.S.K.S.
Chapter 16 - Women Without M.A.S.K.S.
Chapter 18 - Her Happiness
Bonus Chapter - Cloud Villegas
Chapter 19 - Truth Be Told
Chapter 20 - Move On From The Past
Bonus Chapter - Date Night
Chapter 21 - When Jealousy Strikes
AUTHOR'S NOTE
Bonus Chapter - Cherry Fernandez
Chapter 22 - Kiss and Make Up
Bonus Chapter - David Caden's POV
Chapter 23 - One of THEM
Chapter 24 - The End of the Line?
Chapter 25 - Gray Fernandez and Avery Caden's POV

Chapter 17 - More Enemies

262 6 0
By jmsanx26

Chapter 17

FRIDAY ngayon at makakapasok na ako. Kahit two days na akong nandito sa bahay ay ngayon lang ako pinapasok ni Mom kahit sabi naman ng doktor ay pwede na akong pumasok. Makulit lang talaga si Mom. May cast naman ako para hindi ko masyadong maigalaw ang kaliwang braso ko at para mabilis na ding gumaling yung gunshot wound ko. Matatanggal ko na din naman ito after two days.

Isinukbit ko na sa kanang balikat ko ang bag ko at bumaba na. Nadatnan ko naman sa dining area si Mom at si Dad. Hindi ko na lang pinansin si Dad. Not once na dumalaw man lang siya para tingnan kung ano na ang nangyari sa akin. Hindi ko alam sa kanya kung ano ang dahilan niya. Kinalimutan niya na lang talaga siguro ang pagiging ama ko.

"Kumain ka na Avery. Damihan mo para gumaling ka na agad." Sabi ni Mom at kung ano-ano ang inilalagay sa plato ko.

"Mom, magaling na ako. Papahilumin na lang ang sugat ko." Ngumiti ako sa kanya. Namiss ko lang din siguro ang pag-aalaga niya. Kumain na din ako. Hindi kasi masarap ang pagkain sa ospital. Na-miss ko din kumain dito sa bahay.

"Dumaan ka sa kay Principal Torres, Avery." Sabi ni Dad. Nakakapagsalita pa pala siya.

Nag-aantay ako ng paliwanag pero hindi na siya ulit nagsalita. Si Mom naman tahimik na kumakain. Binilisan ko na lang din ang pagkain ko at umalis na. Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta kay Tatay Jun. Umalis na din naman agad kami.

Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa HHS. Maaga pa din at wala pa masyadong tao. "Thank you po Tatay Jun." Tumango siya sa akin at ngumiti. Bumaba na ako sa kotse at naglakad papasok sa HHS.

Tinahak ko na ang papunta sa office ni Principal Torres. Kahit hindi ko pinansin si Dad ay narinig ko naman ang sinabi niya at masunurin naman ako. Minsan. Mga ilang minuto ay narating ko na din ang office niya.

Napaangat naman ang mukha niya nang makita akong pumasok. "Oh Avery, andyan ka na pala. Please sit." Sabi niya at itinabi ang notebook niya. May isinusulat kasi siya.

Umupo naman ako sa harap niya. "Ano po ba ang dahilan at nandito ako?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya. May kinuha naman siyang folder. "Medyo madami kang naging absences mula nang lumipat ka dito. I'm just going to remind you na humabol ka. Pero as I've heard from the teachers, you are an exceptional student. Naniniwala akong makaka-cope up ka agad."

"Kaya ko naman po." Sagot ko.

Napatitig naman siya sa kaliwang braso ko. "Masakit ba?" Umiling ako. "Of course." Sagot niya at hindi kumbinsido. Ang mukha ko naman puno ng pagtataka at napansin niya yun. Napangiti pa siya. "I'm a former gangster. A gangster leader to be exact."

Nanlaki naman ang mata ko. Pero hindi naman malayong mangyari yun. Hindi naman dahil principal siya dito ay hindi na siya pwedeng magkaroon ng ganong background. Nagulat lang ako dahil sinabi niya pa sa akin kahit hindi naman kailangan.

"I was shot once or twice back then." Kwento niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "I did love fighting. Pero I wanted to change. I did. Ginawa ko naman lahat at ito na ako ngayon."

"But why choose this place?"

"Dito ako nag-aral. At gusto kong magaya sa akin ang mga estudyante dito. Hindi naman imposible ang makatapos sila. Pero kailangang maisip din nila yun. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. At hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit iba-ibang gang sila ay hindi nagkakaroon ng giyera dito?"

May point siya. Kaya siguro hindi ako makakita masyado ng mga nag-aaway ay dahil takot sila kay Principal Torres. Hindi ko siya naabutan. Kailan kaya siya nag-quit maging leader?

"I was the leader of Spyx. Stefan was my successor. We ruled this city. Pero kinailangan kong umalis. Alam ko namang naaalagaan ni GQ ang Spyx." Nakangiti siya habang nagkukwento. "Sayang at hindi ko siya naabutan. I would love to fight by her side. Pero masaya na ako sa pinili ko."

Nagulat na naman ako. Spyx din pala siya. Bago si Stefan ay siya muna. Hindi ko na pala talaga siya aabutan. "I hope you can change them. Inspire them." Pagtukoy ko sa mga estudyante dito sa HHS.

"Sana nga. Kahit sana isa lang sa kanila. Masaya na ako. Anyway, don't worry about your condition. Hindi ka naman siguro magiging target dito. Nakausap ko na si Mr. Cruz. Mali ang bintangan ka. Siyempre madaming nag-aabang na makilala si GQ. Maging ako ay ganon. Pero mali ang ginawa niya dahil napuntirya ka. Pero napatunayan mo namang hindi ikaw yun. Nakidnap ka pa ng M.A.S.K.S."

May pagkachismoso ang principal na ito. Gusto ko na ngang lumabas kasi parang gusto niya lang mag-reminisce sa mga gangster moments niya. Wala sigurong mapagkwentuhan.

"I wonder kung kamusta na si Tracey." Pabulong lang na sinabi ni Principal Torres yun pero narinig ko. Hindi ko naman matanong kasi hindi ko naman dapat kilala si Tracey at dahil hindi ako si GQ.

Nag-bell naman bigla. "I'll go now Mr. Torres." Sabi ko.

"Yeah, yeah. And just call me Sir Jamie." Ngumiti naman siya at tumango.

Tumayo na ako. Kinuha naman ni Sir Jamie ang notebook na gamit niya kanina at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumabas na ako. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano ang ugnayan nila ni Tracey. Itatanong ko kay Tracey yun kapag nakita ko na siya. For now, I'm back to being a student.

May nakabangga naman ako buti na lang at sa may bandang kanan na parte ng katawan ko siya nakabangga. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko ang abuhing mata niya. Ngayon ko na lang siya ulit nakita. Pero walang laman ang mga titig niya. Nagmadali na din siyang lumakad.

Naglakad na lang din ulit ako. Bakit palayo siya sa room namin? Saan pa kaya pupunta yun? Tinanggal ko naman sa isip ko ang mga iyon. Ano ba naman ang iniisip ko? Bakit siya pa din kahit nakapagdesisyon na ako? 'Iba kasi ang sabi ng puso mo.' Bulong ng isang parte ng utak ko. Kinilabutan naman ako. Hindi na pwede ito.

Nagmadali na lang ako na makarating sa classroom. At least madami na akong ibang makikita. Pagkapasok ko naman ay tumahimik ang kwarto. Hindi ko na lang pinansin. Umupo na agad ako sa upuan ko. Dumating naman si Stefan.

"Bakit ang tahimik niyo? Nagwapuhan kayo sa akin ano?" Pagyayabang naman ni Stefan.

Binato naman siya ni Eric ng blackboard eraser. Nagbubura kasi siya ng mga nakasulat doon. Natamaan sa may braso si Stefan kaya kumapit sa balat niya ang chalk dust. "Ang yabang mo!" Tumayo naman si Stefan at kinuwelyuhan si Eric.

Nagbabangayan silang dalawa. Nanlilisik pa ang mga mata ni Stefan. Umingay na naman ulit ang room. May mga kanya-kanyang mundo na naman at hindi na pinansin si Stefan at Eric.. Hindi ko na lang din sila pinansin. Para silang bata. May humarang naman sa harapan ko ngayon sa tapat ng inupuan ko. Isang lalaki na mataas at may matipunong katawan. Medyo gwapo din siya. May hikaw siya sa ilong at ilang tattoo sa braso. Katabi niya ay dalawa pang lalaki na halos katulad niya ang katawan. Ang isa ay tsinito na mas mataas sa nauna at ang isa naman ay blonde ang buhok.

"Avery!" Madiin niyang sabi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit?"

Umiling naman siya. "Wala lang. Ikaw pala si GQ." Sabay tawa naman nilang tatlo. Tumabi naman bigla si Stefan sa akin.

"Umalis ka na Ray." Sabi ni Stefan at tinapunan niya ng masamang tingin ang mga nasa harap ko.

"Hah! Bakit mo pa pinoprotektahan yang si GQ eh kaya niya naman ang sarili niya." Sabi ng may pangalan na Ray. Namumukhaan ko siya at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang leader ng Verse. Verse ang pangalan nila dahil tuwing may natatalo silang gang ay nagsusulat sila sa dingding ng mga bible verses gamit ang dugo. Ironic kasi ang layo sa pagiging relihiyoso ang gawain nila. It's sickening.

"Hindi nga siya si GQ. Tigilan niyo na siya at baka mapahamak pa siya." Pagtatanggol naman ni Stefan sa akin. "Kung ako sa iyo ay lumakad ka na pabalik sa upuan mo kasama ang mga alipores mo."

"Masyado ka namang naging boring Stefan. Nagkakatuwaan lang naman tayo. Besides Avery is far from that GQ." Sabi ng tsinito.

"Han, wala akong pakialam sa opinyon mo." Sagot ni Stefan.

Lumapit naman ang isa sa akin. Hinawakan niya pa ang pisngi ko. "Avery, you can go out with me anytime you like. I can teach you many things." Sinabayan niya pa ito ng ngiti. Kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa. Kinilabutan ako pero kalmado pa din ako. Hindi ko ipapakitang naaapektuhan nila ako.

Tinabig naman ni Gray ang kamay ng kaharap ko. "Wag mo siyang hawakan, Clyde."

Napatingin ako kay Gray and I think my heart skipped a beat. Ang mukha niya nga lang ay hindi maipinta. At parang ilang minuto na lang ay sasabog na siya. Sobrang lamig ng ekspresyon ng mukha niya na may halong galit at iba pang emosyon na hindi pamilyar sa akin. Si Jules naman ay katabi niya. Sabay kasi silang dumating. 'Bakit kaya sila magkasama?' Agad ko namang iwinaksi ang isiping iyon dahil hindi ito ang oras para dito. Wala naman na ako doon kung bakit sila magkasama dahil hindi naman bawal yun. At hindi sa akin si Gray. Medyo kumirot ang dibdib ko sa isiping iyon kaya agad kong iwinaksi.

Tumayo naman si Clyde at naipamulsa na lamang ang kamay niya sa suot na pantalon. "You're all boring." Naglakad naman siya pabalik sa upuan niya at sumunod si Han.

Si Ray na lang ang natitira. Tinitigan naman siya ni Stefan at ni Gray. Nag-hands up naman siya. "Aalis na ako." Nakangiti pa siya. Pero nakita kong napasulyap pa siya kay Jules bago tuluyan umalis sa harapan namin. May kakaiba dito kasi biglang napayuko ang huli.

Umupo na si Stefan sa tabi ko. "Okay ka lang ba, Avery? Mag-iingat ka sa tatlong yun. Mga halang na ang bituka nun. Mas malala pa sa akin. Huwag na huwag kang makikipag-usap sa kanila. Kilala sila na magaling mang-black mail. Kaya nilang pasunurin ang kahit na sino. Pero wag kang mag-alala kasi andito naman ako."

Si Gray naman ay hindi na nagsalita at dumiretso na sa likuran para pumunta sa upuan niya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Si Jules naman ay umupo na din sa tabi ko. Nginitian niya lang ako ng matipid. Hindi man lang ito umabot sa mga mata niya. 'May problema siya.' Agad kong naisip.

"Hayaan na natin sila. Wala naman silang gagawin ngayon dito. Malaki ang tiwala ko kay Sir Jamie." Sagot ko kay Stefan pero nakatingin pa din ako kay Jules.

Tumango na lang si Stefan at may iba nang ginawa. Ako naman ay humarap kay Jules. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Parang nagulat pa siya sa tanong ko. "A-ah o-oo naman. Bakit naman hindi? At ikaw nga dapat ang tanungin ko. Pasensya ka na hindi kita nabisita sa ospital."

Umiling naman ako. "Okay lang naman ako. At okay lang kahit hindi ka nakabisita." Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. Gusto ko iparating sa kanya na nandito ako kung may problema man siya.

"Mabuti naman." Sabi niya at binawi na ang kamay niya. Inayos naman niya ang gamit niya. "Buti nga nakapasok ka na. Lagi ka nalang kasi wala. Naiiwan mo na ako."

"Sorry. Hindi naman kasi inaasahan ang mga emergency at ito ngang huli. . ." Tiningnan naman niya ang cast ko.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Bakit kasi nagsinungaling ka pa?" Tapos umayos na ulit siya sa pag-upo.

"Ayaw ko na pag-usapan ito. Nangako ka sa akin." Umirap naman siya at nag-iiling-iling. Nagulat ako sa inasta niya. Para kasing hindi siya yun.

Hindi ko na lang pinansin kasi dumating na din ang teacher namin. Ngunit sa pakiramdam ko ay meron siyang itinatago sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro may tampo siya kasi nga naiwan ko na siya. Sabi ko pa naman poprotektahan ko siya. Kahit pa minsan ay nakakairita na siya ay kaibigan ko pa din siya. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag napahamak siya.

Nagsimula na nga ang klase namin. Lumilipad naman ang utak ko, kay Dad, kay Cloud, kay Mich, sa M.A.S.K.S., kay Gray at kay Jules. Idagdag pa ang tatlong lalaki kanina na halata namang walang binabalak na maganda. Hindi na matapos-tapos ang mga iniisip ko. Bakit ba naging magulo ang buhay ko? Mula sa dating simple lang, ang gusto ko lang naman noon ay maging masaya. I made it complicated.

"Avery!" Sigaw ni Stefan sa akin kasabay ang pagtaas-baba ng kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Huh? Bakit?" Tanong ko nang muling mabalik sa realidad.

"Kanina pa tapos ang klase. Half-day pala ngayon."

Napalingon naman ako. At tama siya kasi kami na lang ang nandito sa room. "Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Magtu-twelve na din." Napakamot naman siya sa ulo. "Bakit ka ba lutang? Kanina ka pa ganyan kahit nang mag-break. May problema ka ba? O dala ba yan ng mga gamot na iniinom mo? O nag-dadrugs ka na?"

Hinampas ko naman siya. "Ang OA mo. At madami lang ako iniisip. Nga pala si Jules?" Hinahanap ko siya kasi gusto ko sana bumawi sa kanya.

"Wala na eh. Nagmamadali." Sabi niya. "Tara na. Tayo na lang nandito."

Tumango na lang ako. Iniiwasan ata ako ni Jules. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Paalis na sana kami kaso may nakapukaw sa atensyon ko. May crumpled paper sa ilalim ng desk ni Jules. Kahit natural na madumi ang room at madaming papel na nakakalat ay iba ang pakiramdam ko doon kaya naman pinulot ko. At hindi naman ako nagkamali ng hinuha sa mga nabasa ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo na lang agad

Tinawag pa ako ni Stefan at sinubukang habulin pero mabilis ako kaya hindi na din siya sumunod. Kapit-kapit ko nang sobrang higpit ang papel sa kanan kong kamay. Kasabay ng pagtakbo ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. 'Jules, kung hindi ka makikipagkita sa amin ay ilalabas namin ang pinakatinatago mo. Meet us at the rooftop. Tell no one or else you're dead, kasama ng taong pinagsabihan mo.' Paulit-ulit sa isip ko ang mga nabasa ko. Sinasabi ko na nga ba at mayroong problema si Jules. Hindi din siya ganong masigla at talaga naman hindi siya yun. Sana sinabi niya sa akin. Baka mapaano naman siya.

Narating ko din ang rooftop. Medyo malayo ang natakbo ko kasi sa kabilang building pa ang rooftop na tinutukoy sa papel. Ilang palapag din ang nadaanan ko. Wala na din akong nakasalubong na mga estudyante sa building na ito. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakahiga si Jules. Hawak siya sa dalawang kamay ng isang lalaki at ng isa pang lalaki sa may paanan niya. Napatingin naman sila sa akin.

"Aba! Kapag sinuswerte ka nga naman." Sabi ni Ray.

Napatiim bagang na lang ako. Verse! Yan ang huling nabasa ko sa papel. Sila ang may kagagawan nito. Hindi ko alam kung ano ang ipinang-blackmail nila kay Jules pero hindi ako makakapayag sa ginagawa nila.

"Bitawan niyo na si Jules." Sigaw ko sa kanila.

Tumawa naman ang tatlo. Lumapit sa akin si Ray. "At ano naman ang gagawin mo?" Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para magkatitigan kami.

Tama siya. Ano nga ba ang gagawin ko? Sana hinigit ko na lang si Stefan. Masyado akong naging marahas sa pagdedesisyon. Hindi ang cast ko o ang sugat ko ang nasa isip ko. Ang nasa isip ko ay paano ko ililigtas si Jules na hindi nailalabas ang tunay na ako.

Ngayon lang ako hindi sigurado at walang definite na aksyon. Napatingin na lang ako kay Jules. Wala na ang salamin niya sa mata. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya. Pilit siya kumakawala pero kada galaw niya ay isang sampal ang natatanggap niya. Nagui-guilty ako. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya. Hindi ko naiparamdam na pwede niya akong lapitan dahil lagi akong wala. Ngayon ko lang napagtanto ito.

Sinuntok ko na lang agad si Ray. Nandidilim na ang mga paningin ko at hindi ko mapigilang hindi ito gawin. Sobra na ang ginagawa nilang ito. Natumba naman siya at Napatitig sa akin. Ganon din si Han at Clyde.

Tumitig na ulit ako kay Ray. "Pakawalan niyo na siya."

Tumayo naman si Ray at hinawakan ako ng sobrang higpit sa braso. Hindi ako nakapalag kasi ang bilis ng pangyayari. Hindi ko naman maigalaw ang kaliwa kong kamay dahil sa cast. Agad niya naman akong sinampal.

"Hindi nga malayong ikaw si GQ. Kung hindi lang namin nakikita si GQ ay iisipin kong ikaw nga siya. Nakatsamba ka lang." Mariin niya sabi. Galit na galit siya.

Hinigit naman niya ako at biglang tinulak. Napasalampak ako sa sahig. Napatama pa ang sugat ko kaya napainda na lang ako sa sakit.

"Itali niyo muna yan. Busalan niyo na din." Pagtukoy ni Ray kay Jules. Ginawa naman agad ni Han at Clyde. Nanatili naman akong nasa sahig. Binibigyan ko si Ray ng pinakamatalim kong titig.

"Paalisin niyo na siya." Sigaw ko.

Umiling siya. "At bakit naman ako makikinig sa iyo. Sino ka ba? Ha! Pupunta-punta ka dito na hindi alam kung sino ang binabangga mo. Pero okay lang din dahil pagkatapos namin sa'yo ay siya naman." Sabi ni Ray at tinuro si Jules.

Nakita ko namang nakatali na sa isang upuan si Jules. Tuloy pa din siya sa pag-iyak. Bigla naman akong hinila ni Ray palapit sa kanya at hinalikan ako. Pilit ko inilalayo ang sarili ko pero wala akong magawa dahil kapit niya ang buhok ko na nagtutulak palapit sa kanya. Agad namang hinawakan ni Han ang mga kamay ko. Hindi na ako makagalaw. Para kay Jules, susundin ko na lang sila.

Pinagtulungan namang wasakin ni Ray at Clyde ang damit ko. Binuksan nila ang coat ko at hinigit ang blouse ko. Lumipad naman ang mga butones nito. Kung saan-saan na din nila ako hinahawakan. Masakit din ang braso ko kasi nadadali nila. Natanggal na nga ang cast ko dahil sa ginagawa nila.

"Ikaw talaga ang gusto namin pero hindi kami makahanap ng baho mo. Pero okay lang din dahil nandito ka na. Kung alam ko lang na kaibigan lang pala ang kahinaan mo ay hindi na namin pinatagal pa ito." Sabi ni Ray. "Kung wala lang si Gray na laging nakasunod sa iyo ay matagal na talaga na sana namin itong nagawa. Medyo napansin kong ang layo niya sa'yo. Susunod ka na talaga." Si Gray? Lagi nakasunod sa akin?

"Oo nga. Kahit mas gusto ko ang mahabang buhok, okay na sa akin yan maiksi mong buhok." Sabay sabunot sa akin ni Clyde. Tumatawa lang silang tatlo.

Hinalikan naman ako ni Ray sa leeg habang ang kamay ni Clyde ay dumudulas sa mga hita ko. Lumalaban ako pero sampal lang ang natatanggap ko. Ayaw ko na lang ding tingnan si Jules. Ayaw kong makita niya na mahina ako. Nangingilabot na lang ako sa bawat halik at pagdampi ng kamay nila sa katawan ko.

Maya-maya ay may narinig na lang akong pagsuntok at paginda ng isang lalaki. Hindi ko pa din binubuksan ang mga mata ko. Liit na liit ang tingin ko sa sarili ko ngayon. Niyakap ko na lang ang sarili at napatiklop. Pilit kong tinatakpan ang katawan ko.

May nagpaupo naman sa akin at bigla akong niyakap. Sa balikat niya ako napaiyak. "Sorry Avery." Yun lang ang sabi niya at para namang natauhan ako. Ligtas ako.

Binuka ko ang mga mata ko at nakita ang mga abuhing niyang mata. "Gray." napayakap naman ako sa kanya.

Hinigpitan naman niya ang kapit sa akin. Walang nagsasalita sa amin. Tila ba walang ibang tao doon at kami lang. Kahit paano ay napakalma ako ng presensya niya. Pero napapaluha ako ulit sa isiping muntik na akong ma-rape.

"I told you I will protect you. Why do you always get yourself in trouble?" Mahina niyang sabi. Kumalas naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa katawan ko at biglang namula. Umiwas siya ng tingin habang hinuhubad ang jacket niya. Inabot niya sa akin yun at agad kong kinuha. Natakpan naman agad ang katawan ko kasi medyo malaki iyon sa katawan ko.

"You're expelled Mercado, Park, and Flores!" Napatingin naman ako kay Sir Jamie na bakas ang galit sa mukha. Tumakbo naman papunta sa kanya si Jules at yumakap.

Napansin ko naman ang mga nandoon sa roof top. Si Stefan, Eric, Jay, at Karlo. May iba ding galing sa Ace. Nakita ko naman sina Ray na duguan. Kinarga naman ako bigla ni Gray na ikinagulat ko. Agad niya akong inalis sa lugar na iyon. Bumulong naman ako sa kanya at napatigil siya sa paglalakad.

"Don't let me go." Bulong ko at pumikit na. "Take me anywhere but home."

*********

Please Vote and Comment.
Thanks for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]