His Bite (Book 1 of Bite Tril...

Por VentreCanard

19.6M 578K 106K

On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world... Mais

--
Prologue
---
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Note
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 4

533K 15.4K 1.8K
Por VentreCanard

Chapter 4

Bite

Nagising ako sa mabangong amoy ng mga bulaklak. Hindi ko maiwasang mapangiti sa gitna ng malamig na panahon. The scent of the flowers was too calming. I couldn't help but to tighten the blanket against my whole body and curled myself like it wasn't time to wake up.

I want to sleep more. Iyong walang klase na iisipin, walang assignment at nakakakabang recitation. But I should accept the fact that in any moment, my grandmother will enter my room clad with her broomstick to remind of my daily responsibilities. School.

I want to cry. My every day problem is to wake up early. Hindi ko iilang beses hiniling na sana tumigil muna ang oras at hayaan akong matulog. I want to feel the softness of my bed and the warmth of my comforter.

Should I be absent? Kahit ngayon lang. Sobrang lamig, nakakatamad pumasok.

"Claret..."

Hindi ko pinansin ang unang tawag sa akin.

"Claret..." I grabbed the nearest pillow and covered my ears to avoid the voice.

"Claret..."

Ngunit sa ikalawang tawag ng pangalan ko ay marahas na akong napamulat. Boses ng lalaki! Lalaki sa loob ng kwarto ko!

Nanatili akong hindi gumagawa ng kilos. Ano ang ginagawa ng lalaki sa kwarto ko? Nasaan si lola?

Nagsimula na akong kabahan. Siguradong ipapasunog ako ng aking lolo nang buhay dahil may lalaki sa loob ng kwarto ko!

Pero halos mapapadyak ako sa napansin ko. Wala ako sa kama ko! I was not inside my room! Paano ako nakarating dito? Wala akong matandaan. Uminom ba ako kahapon?

"Come on, Claret, stop that act."

Kilala niya ako, at ano ang sinasabi niyang act?

Napasigaw na ako nang may biglang humila ng makapal na comforter na nagtatago sa akin. Mabilis akong naupo at umatras hanggang sa headrest ng kama.

Natulala na ako nang tuluyan nang makita ng aking mga mata kung nasaan ako.

I was in a strange room with this gorgeous--- no a stranger. Sino siya? Bakit ako nandito? Ano ang nangyayari?

I was sitting on a red bed full of white rose petals. What's with this setting?

I couldn't help but to be awestruck when I looked down on myself.

Wala akong natatandaan na may ganito akong damit. I was wearing a silk black dress, and I could vividly see the traces of my nipples on it.

May nangyari ba sa amin?

Kusang yumakap ang mga braso ko sa aking sarili upang itago ang katawan ko.

"W-who are you?! Y-you molested me!"

Nang sandaling magsalubong ang aming mga mata, hindi ko mapigilang hindi mapalunok ng ilang beses.

I should hate him and curse him to death, but what's wrong with me? I couldn't help but to admire him. He's too beautiful, and damn topless.

Ano ang ginagawa ko sa kwartong ito kasama siya? Paano ako napunta rito at nagising na ganito ang suot?

He's elegantly sitting in front of me with his crystal glass filled with red wine. His eyes were too intense while staring at me. My heartbeats were getting wilder.

As our eyes battled, an image started to appear inside my mind. He's familiar...

"B-bakit ako nandito?" I asked him hesitantly. Ang huli kong natatandaan ay magkausap pa kami ni lola.

I waited for him to answer but the stranger just vanished. Sinubukan kong hanapin siya sa paligid pero hindi na ako nahirapan. I suddenly felt his warm breath on my right ear.

My heartbeats hammered rapidly while I felt my whole body go numb.

"Open your mouth..."

Hindi ko nais sumunod sa kanya pero kusang bumuka ang bibig ko na parang siya na ang nais sundin niyon.

Did he cast something on me? Hindi ako makagalaw.

Wala akong ibang nagawa kundi panuorin ang ginagawa niya sa akin. Ramdam ko ang ilang daliri niya sa itaas ng mga ngipin ko. Parang may pilit siyang kinakapa sa aking mga ngipin.

Is he a dentist?

My brows furrowed when I saw uncertainty on his expression. "I didn't turn you..."

Turn me what?

Hindi ko nagawang makasigaw nang bigla niya akong inihiga sa kama. My body couldn't just follow my own command! Para iyong nakahanap na ng bagong paglilingkuran.

My damn body was following his orders! I couldn't even utter a single word!

I screamed inside my mind when the stranger tilted my head sideways. I abruptly closed my eyes. I don't want to witness this!

My breathing started to get heavy when I felt his warm breath on my neck. But what made my mind turn upside down was his next move. He sensually dampened my neck using his tongue, until he started licking it with his slow and teasing caress.

Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng buo kong katawan.

And when his lips tried to move and explore more of my skin, I finally had the control of my whole body. Agad kong iginalaw ang aking mga kamay at buong lakas ko siyang itinulak.

He didn't even flinch.

"You are really something..." he said filled with amusement.

With his quick movement, he easily pinned both of my hands above my head.

"This is rapi--" umiling siya sa dapat sasabihin ko.

"This is feeding, baby..."

This was his last words before he bent on my neck again, and all I could do was to scream. The pain pierced on my skin overwhelmed my whole system. As his lips ruled my neck, my body started to burn and my strength started to waver.

Tama ba ang tumatakbo sa isip ko? Totoo ba ang talaga sila? Bakit kailangang ako pa?

"You're sweet..."

My eyes were getting blurry. Hindi ko na makita ang kanyang mukha. I tried to slap him, but the last thing I saw was his lips with the traces of my blood.

"You're a vampire..."

**

Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata na may kaba sa dibdib. Ilang beses ko mang ipilit isipin na ang lahat ng pangyayaring naranasan ko sa mga nakalipas na mga oras ay isa lamang masamang panaginip, hindi nito mababago ang katotohanan.

He's a vampire. Isang nilalang na inakala kong isang kathang-isip lamang. Pilit kong pinigil ang sarili kong huwag hawakan ang aking leeg nang maalala ang kirot na ipinaramdam sa akin ng lalaki nang sandaling lumapat ang kanyang labi rito.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nanatiling nakatago sa ilalim ng makapal na kumot.

"Don't think too much, Claret."

Hindi na ako nagulat sa pamilyar na boses. Sa halip na magtago pa sa ilalim ng kumot ay buong tapang na akong bumangon. Mabilis kong hinila ang makapal na kumot para takpan ang mainis kong damit.

"W-who are you?" Hindi ko na ito nagawang itanong sa kanya kanina. He was too occupied in tasting my neck.

"Hindi mo pa ba ako nakikilala?" he asked with his amused look. Sa paanong paraan ko ba siya makikilala?

Akala ko'y mananatili siyang malayo sa 'kin, ngunit napakabilis niya. Siya'y nasa kama na naman at may kaunting distansya sa pagitan namin.

"L-lumayo ka sa akin!"

"You looked prettier in long hair." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nang marahan kong pinadausdos ang kamay ko sa aking buhok, nanlaki ang mga mata ko at mas pinakatitigan ko iyon.

My short brown hair turned into an elegant curly brown hair. Naestatwa na ako nang hawakan ng lalaki ang mahaba kong buhok at masuyong hinalikan ang dulo nito sa aking harapan.

Pero may sariling buhay ang aking mga kamay, kusa iyong lumipad sa pisngi niya. The slap on his face echoed the whole room.

"Sa pagkakatanda ko ay tinawag mo akong prostitute! Inaasahan mo ba akong maniniwala sa mga sinasabi mo?" hindi niya ako mabibilog dahil may nais siya sa akin.

Nagmadali akong bumaba sa kama habang hawak pa rin ang kumot na pilit kong itinatakip sa sarili ko.

"Pangatlong beses mo na akong sinampal." He said in his coldest tone. Tipid niyang hinawakan ang pisngi niyang nasampal ko.

"Nasaan ako? I want to go home!" I tried to add intensity with my voice kahit na sa sulok ng aking pagkatao ay nagsisimula na itong sumigaw ng paghanga sa katawan ng lalaking nasa harapan ko.

How could he showcase his sinful body in front of a fragile looking woman like me? Kahit ilang taon akong inilayo ni lola sa mga lalaki, hindi nito maaalis na natuto rin akong humanga sa kanila.

"You can never come back to your world, Claret. Your are mine..."

Humugot ako ng malalim na paghinga sa narinig ko. Wala na akong salitang maaaring isagot sa kanya. Nang nagsimulang humakbang ang lalaki patungo sa akin na siyang nagpaatras sa aking mga paa, isang marahang katok ang kapwa umagaw sa aming atensyon.

Iritado siyang humarap sa may pinto at kusa na iyong nabuksan dahil sa taong nagbukas niyon mula sa labas.

Tumambad sa amin ang unipormadong lalaki na may katandaan na.

"Your Majesty is asking for your presence inside the court room, Prince--" hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ng matandang lalaki dahil tuluyan nang lumipad ang aking mga mata sa kabuuan ng malaking silid.

Hindi ko man lang iyon nabigyan ng atensyon dahil sa presensiya ng lalaki na tila lagi akong nais...

Muli kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ano ba ang nais niya sa akin?

Sa ganitong sitwasyon, mas naalala ko ang mga bilin ni lola. Kailangan kong ihinahon ang sarili ko at sa halip na makipagtalo sa lalaki, gumawa ako ng aksyon na maaaring pumabor sa akin.

I should talk to him properly.

My eyes wandered around the wholeness of the room. Most of the things inside were antique – from the intricate design of the chandeliers, the huge candles lit on each corner of room, the unusual statues and the intimidating grandfather's clock. I suddenly got goosebumps.

What's with this room's strange design?

But what surprised me was my reflection when my eyes accidentally laid on a huge size mirror. It was the same mirror where I had fallen.

Kusang humakbang ang aking mga paa patungo sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon. Ako ba ang babaeng nakikita ko?

Sa kabila ng pagkawala ng salamin ko sa aking mga mata, nakakakita ako ng malinaw!

Sa pagkamangha sa aking sarili, kusang bumitaw ang aking mga kamay sa kumot na nagbabalot sa aking katawan. Umawang ang mga labi ko dahil sa pagkamangha. Maputi na ako noon pa man ngunit tila mas tumingkad at mas kuminis ang aking kutis. Mas lalong namula ang aking mga labi na tila isang sariwang mansanas at mas nadepina ang bawat kurba ng aking katawan.

"You are my newborn mate, Claret. The most beautiful vampire in this empire." Bulong sa akin ng lalaki. Hindi ko nagawang makagalaw sa harapan ng salamin nang pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang.

Dapat ay itulak ko siya. Dapat ay tumakbo ako at hindi hayaan ang lalaking yakapin ako ngunit ito na naman ang traydor kong katawan. Ano itong ginagawa niya sa akin upang hayaan ko siyang yakapin ako?

I am almost naked!

"Please help yourself, Claret. Wake up your vampire blood. I've been dying for your fangs. I need your bites. You need to bite me back..." he whispered to my ears.

A tender kiss on my hair made me shiver and a gentle caress on my tummy started to ignite the sinful fire within me. This man probably casted an unknown trick on my body while I was sleeping...

Walang nagawa ang manipis na kasuotang bahagyang nagtatago sa aking katawan laban sa mga haplos niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagtaasan ang aking mga balahibo nang maramdaman kong gumagapang na ang kamay ng lalaking walang pangalan sa aking tiyan. Sa kabila ng telang nakaharang sa aking katawan ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit at marahang haplos niya. Lalong bumibilis ang pagtibok ng aking puso at nagsisimula na rin akong mahirapang huminga.

Ang kanyang mga mata'y unti-unting nagbabago... Tila buwan na unti-unting nagbabago ng kulay. Pula... kasing pula ng dugo.

"T-tumigil ka..." buong lakas kong itinulak ang dalawa niyang kamay na gumagawa ng sariling paglalakbay. Mariin na akong napapikit dahil sa sarili kong nagtatalo mula sa kagustuhan ng aking katawan at isipan.

Tumigil ang lalaki ngunit ramdam kong muli ang halik niya sa aking buhok.

"I know you can't resist me, Claret. Get dressed. The empire is waiting for you..."

Nanatili akong nakatayo at hindi kumikibo. Nag-aalinlangan pa akong magmulat sa takot na hindi ko na madiktahan pa ang sarili ko. Ngunit nang sandaling muli akong salubungin ng aking sariling repleksyon sa salamin, wala na ang misteryosong lalaki.

Mabilis akong tumakbo sa bintana upang malaman kung saang lugar ako napadpad ngunit panibagong kalituhan lamang ang sumalubong sa akin.

"N-nasaan ba talaga ako?"

Kasalukuyan akong nakatanaw mula sa isang mala-palasyong gusali kung saan nakikita ang kabuuan ng isang hindi ko maipaliwanag na bayan. Kung bayan nga ba ito kung tawagin.

"N-nasa isang kastilyo ako?"

Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili. Ang gusali na siyang kinalalagyan ko ang siyang pinakamatayog sa lahat na siyang nagsusumigaw ng kapangyarihan.

Sa paanong paraan ako nakarating dito? Bigla akong nahilo sa lahat ng nakikita ko. Ang tanging natatandaan ko lamang ay ang pagsapit ng aking kaarawan ngunit ano itong mga nasasaksihan ko?

"You need to move quickly. Everyone is waiting for you."

Muntik na akong mapatalon sa bintana nang makarinig na naman ng panibagong boses. Sumalubong sa akin ang pamilyar na babaeng tumulak sa akin sa banyo.

Ilang minuto kaming magkatitigan habang siya'y tila pinapasok ang aking isipan. Naka-krus ang kanyang mga braso habang pinagmamasdan ako at habang ginagawa niya iyon, pansin ko ang unti-unting pagtaas ng kanyang kilay.

"Tulad ng inaasahan, hindi na nakapaghintay ang aking kapatid. Ilang beses ka na niyang kinagat?" kaswal na katanungan niya.

Handa na ba talaga akong maniwala na mga bampira sila? Papaano kung nakarating lamang ako sa lugar ng mga taong may problema sa pag-iisip? Ito sila ngayon at naniniwalang totoo ang mga bampira.

Siguro'y gumawa lamang ng kakaibang paraan ang lalaki kanina upang maging kapani-paniwala ang kanyang pagkagat sa akin. It could be a hallucination!

Hindi ako sumagot sa kanya.

"Magdadamit ka ba o gusto mong ako ang magdamit sa'yo?" itinuro niya sa akin ang damit na nakalatag na sa kama.

Katulad ng sa kanya ay isa iyong makapal na saya na napupuno na mga mamahaling alahas. Wala akong pinagpilian kundi isuot iyon at nang mapansin niyang nahihirapan akong ilaso iyon mula sa likuran ay siya ang tumulong sa akin.

Nang makumpirma niyang nasa maayos na ako, agad niya akong hinila palabas ng silid. Ilang unipormadong mga babae ang kapwa yumuyuko sa amin sa sandaling kami'y nakakasalubong. At habang patuloy ang mga hakbang ko, mas nabibigyang linaw ang ganda at pagka-elegante ng kastilyo na aking inakalang sa mga telebisyon lamang makikita.

Tumigil kami sa harap ng malaking pinto. Dalawang unipormadong lalaki ang unti-unting nagbukas niyon. Tila bumagal ang oras kasabay ng mas pagtindi ng kabog ng dibdib ko.

Hindi na ako gumawa pa ng hakbang nang sumalubong sa akin ang limang pares ng mga mata. At ang mga nagmamay-ari ng mga iyo'y hindi lang nagsusumigaw ng kapangyarihan, kundi pati na rin ganda at kakisigan. Ilang salitang hindi na dapat pumapasok sa isipan ko sa ganitong klase ng sitwasyon.

Iniwan ako ng babae at katulad ng limang tao'y naupo rin sa isang bakanteng upuan na kung bibigyan ko ng deskripsyon ay maaaring tawaging trono.

Ngayo'y anim na pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Pamilyar na sa akin ang tinatawag nilang Kamahalan, ang lalaking may kulay abong buhok na narinig kong tinawag na Caleb at ang babaeng siyang sumundo sa akin na nakataas ang kilay.

Bago sa aking mga mata ang isang lalaking seryosong nakatitig sa akin habang napangalumbaba gamit ang likuran ng kanyang kaliwang kamay at ang dalawang batang kambal na lalaki at babae na kapwa nakangiti sa akin.

"Maligayang pagbabalik, kapatid. Akala ko mamamatay ka na talaga, Zen." Sabi ni Caleb na may ngisi sa kanyang labi habang nakatanaw sa likuran ko.

Nang lumingon ako, ang tinawag niyang Zen ang lalaking siyang ilang beses nang sumalubong sa aking paggising. Ang Zen na sinabi nilang kailangan ako at nag-aagaw buhay nang gambalain nila kami ni lola!

"Siya ba ang sinasabi n'yong agaw buhay at mamamatay na?! Mas malakas pa siya sa kalabaw!" sigaw ko dahil sa matinding galit.

Hindi ko makakalimutan ang paraan ng pamimilit nila sa akin at kay lola. Inakala kong talagang malubha na ang kalagayan ng sinasabi nilang si Zen. Bakit hindi ko makita sa kanya ngayon ang ipinaniwala nila sa akin?

"She compared you to a damn carabao. Very interesting." Kumento ni Caleb habang natatawa. Maging ang iba'y natawa na rin maliban sa tinatawag nila Kamahalan.

"You shouldn't make fun of vampires, newborn." Natigil sa pagtawa ang mga iyon nang may panibagong dumating na lalaki.

Naupo iyon sa libreng upuan.

"V-vampires? Tigilan n'yo ako, hindi ako naniniwala sa mga bampira. At kung naghahanap kayo ng taong maloloko, huwag ako. Gusto ko nang umuwi at hindi ako ang babaeng hinahanap at kailangan n'yo." Pilit kong pinatigas ang mga salita ko upang mas maramdaman nila ang kagustuhan kong umalis.

Tumaas ang sulok ng labi ng tinatawag nilang Kamahalan. "Really?"

Isang salita lamang iyon pero tila may dala iyong kakaibang kilabot sa aking katawan. Nayakap ko ang aking sarili nang biglang kumulog dahilan kung bakit namatay ang ilaw. Nangatal ang aking buong katawan dahil namayani ang dilim ngunit ang nagpaluha sa aking mga mata'y ang pitong pares ng kulay pulang nagliliwanag sa gitna ng kadiliman.

Ang kanilang mga matang nakatitig sa akin...

Marahas kong tinakpan ang aking bibig sa takot na ako'y kanilang marinig, muling kumulog at nasundan ng kidlat. Saglit na nagliwanag ang buong kapaligiran na siyang mas nagpabigat ng aking takot. Ngiping matutulis ang dulo...

No way...

"A-ayoko na! Tigilan n'yo na ako!" buong lakas kong binuhat ang mabigat kong kasuotan at pinilit ang sariling tumakbo sa kabila ng nangangatal kong tuhod.

Totoong mga bampira...

Habang papalapit na ako sa direksyon ng pintuan, ang aking katawan ay kusang natumba dahil sa matigas na bagay na nabangga ko. At nang mag-angat ako ng mga mata, paghikbi na ang tangi kong nagawa. Namumulang mga mata...

"Please... Tigilan n'yo na ako. Ayoko na po. Aalis na ako. Wala akong ginawang kasalanan sa inyo."

Nasapo ko ang aking buong mukha ng aking mga palad at nagsimula na akong humagulhol sa pag-iyak. Ano itong nangyayari sa akin? Ano ang naging kasalanan ko sa mga bampirang ito para habulin nila ako nang ganito?

"What the hell!? Bakit n'yo siya tinakot?!" dumagundong ang galit na boses ng lalaking may pangalang Zen.

Kailangan niya ng dugo ko. Kung hahayaan ko ba siya ay makakauwi na ako pagkatapos?

"It's okay, Claret. I'm here..."

Sa pagitan ng bawat pagkidlat ay nakikita ko ang kanyang paggalaw. Siya'y bahagyang lumuhod upang masalubong niya ang mga mata ko.

Nang sinubukan niya akong hawakan ay agad ko siyang sinalag.

"Tigilan n'yo ako! Lumayo ka sa akin! Mga bampira kayo... mga bampira..."

"See? Naniniwala na siya ngayon." Tumawa pa ang nagsabi niyon.

"Claret, you're one of us. Siguro ay napapansin mo na ang pagbabago sa'yo. I've bitten you twice and in no time, you'll crave for my blood. You need to accept the real you..."

"Ginawa mo akong bampira?!"

Mas bumaha ang luha ko. Ang pangarap kong tahimik at normal na buhay ay tuluyan nang nalusaw.

"Matagal ka nang hinihintay ng buong kahariang ito. Matagal na kitang hinihintay..."

Umiling ako sa kanya. "H-hindi..."

Hinawakan niya ang isa kong kamay. Sinubukan ko iyong hilahin mula sa kanya ngunit higit siyang malakas sa akin.

"I am Zen Lancelot Gazellian, the second prince of this empire. The born prince who is destined for you Claret Cordelia Amor."

Ang kadiliman na tanging pagkidlat lamang ang sandalan ng liwanag ay unti-unting nagkaroon ng buhay dahil sa sunod-sunod na pagsindi ng mga apoy sa bawat simbong nakasabit sa kabuuan ng tila bulwagan.

Ngunit hindi apoy at liwanag nito ang siyang gumulat sa akin kundi ang katotohanang hindi lang pala ang pitong nasa trono at ang lalaking nasa harapan ko ang nagmamasid sa akin.

Dahil halos hindi ko mabilang ang pares ng mga matang kasalukuyang nagniningas habang ako'y pinagmamasdan. Napakarami... Daang bampirang tila may nais sa akin.

"Hindi ka nila sasaktan, Claret. Dahil pagmamay-ari kita..."

Paglilis ng aking kasuotan sa parte ng aking kanang palapulsuhan ang nagpabalik ng aking atensyon sa lalaking nasa harapan ko. Mas nagkulay dugo ang kanyang mga mata nang tumambad ang aking kutis. Sinubukan kong makawala ngunit hindi man lang siya nahirapang pigilan ako.

Humugot ako ng marahas na paghinga nang gawaran niya ng halik ang aking pulso. Naglaro ang kanyang dila na tila ako'y nilalasahan. Nag-init ang mga pisngi ko sa ginagawa niya.

"Itigil mo---"

Ang aking salita'y naputol nang ang pagkirot malapit sa aking palapulsuhan ang namayani sa aking nararamdaman. Ang apoy sa paligid ay mas nagliyab, nagpatuloy ang pagkulog at kidlat at ang mga mata sa paligid ay tila naglaho. Tanging si Zen at ako na lamang ang natitirang mga nilalang sa lugar na iyon.

Hindi ito tulad ng una at pangalawang kagat niya na nanghihina ako dahil ang kaninang kirot ay nagsisimula nang maglaho at napalitan ng kakaibang ligaya na hindi ko dapat nararamdaman.

Ang pagdaloy ng aking dugo sa kanyang mga labi at ang bawat paglagok niya'y tila isang hipnotismo dahil nagugustuhan ko iyon.

Aking natagpuan ang sariling kamay na marahang humahaplos sa kanyang buhok habang hinahayaan siyang uminom mula sa akin. Dito siya tumigil sa pag- inom na parang nagulat sa ginawa ko. Dapat ay sumigaw ako at tumakbo. Nagsisimula na rin akong matakot sa mga ikinikilos ko.

Ngunit sa halip na sundin ang aking isipan, kusang gumalaw ang isa kong kamay at pinunasan ng daliri ko ang dugong naiwan sa labi ni Zen. Hinuli niya ang kamay ko at kanyang dila mismo ang umubos sa patak ng aking dugo na tila ayaw niyang masayang.

"Your eyes are glowing, love. You're aroused..." 

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...