Sorry! Dapat nung Saturday 'to na-update eh! Pero nag-swimming kasi kami nun kaya ayun, ngayon ko lang na-publish. Tapos ang sakit pa ng katawan ko kahapon, buti nalang walang pasok today! Hihi. :>
Enjoy reading! :)))
Here's Chapter 1 of this story! :D
────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────
‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧Yanna's POV‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧‧
"Ano ba yan Kuya eh. Tss. Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo jan. Wala ka namang mapapala jan eh. Alam mo ba yung salitang MOVE ON?" medyo naiinip kong sabi dito kay Kuya habang hinihimas ko yung likod niya.
Argh. Pawis na pawis yung likod niya! Kadiri. =_____=
Eh pano kasi, hindi tumitigil sa kakaiyak! Hmp.
"A-ang h-hirap..." yun lang yung nasabi niya sa akin.
At that same time na sinabi niya yun eh niyakap niya ako.
Syempre, dahil ako ay isang taong madaling maawa, I hugged him back, too.
Yuck.
Corny naman ang pagka-english ko nun.
HAHAHAHA.
Oy teka wait.
Hindi tamang nagsasaya ako habang umiiyak yung kuya ko.
"B-bakit ba ang malas-malas k-ko pagdating s-sa l-l-love..." iyak pa ni Kuya.
Ang drama talaga neto!
Lol. Joke!
Uh. Kawawa naman siya. :(
"Kuya, hindi ka naman malas sa love eh. Sadyang hindi lang siya para sayo." I chose not to mention her name para hindi na lalong masaktan muna si Kuya ngayon.
"And to be honest, Kuya? Ayoko siya para sayo." Napatingin si Kuya sa akin nung sinabi ko yun.
Good, nakikinig siya.
"Ayoko siya for you kasi I don't want na magkaroon ka ng girlfriend na two-timer."
Napangiti naman siya nung sinabi ko yun. "Tatlo ngay." pag-correct niya pa sa akin.
"Ulul. Hahahaha. Pero salamat ah? Napaka-swerte ko talaga at ikaw ang naging kapatid ko, sa dinami-dami ng mga babae sa mundo."
Oyyy. Flattered ako dun! ^_^ Hahahaha. Joke. :)
Yey. Napangiti ko si Kuya. ^_____^
Nginitian ko nalang din siya tapos tumayo na ako.
"Mag-move on ka na sa kanya ha? I don't want to see you crying over that bitch." -ako.
Pinalo ni Kuya ng mahina yung braso ko.
"Hoy. Mga salita mo. Mag-ingat-ingat din noh? Parang sinasabi mo naman sakin na ang pangit ng taste ko sa mga babae."
I rolled my eyes tapos binelatan ko siya.
"Totoo naman ah. You have a bad taste for girls."
Kuya narrowed his eyes at me. Sus.
Mas lalo tuloy siyang nag-mukhang chinito. HAHAHAHA. :P
"Ang sama talaga nito kahit kelan!"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm just being honest." sabay belat ko sa kanya.
Bwahaha! :P
"Tss."
Napa-kamot nalang ng ulo si Kuya tapos sinamaan ako ng tingin.
Wow ah. Pagkatapos ko siyang i-comfort?
Ganun lang ang abot ko sa kanya? Tsk tsk.
Kawawa naman ako.
Walang kalaban-laban sa kanya.
Tapos ganun lang?!
Haha. Okay. Ang drama ko! :P
Yuck talaga.
Nakaka-hawa yung pagka-madrama ni Kuya.
Ayaw na ayaw ko pa man ding nagiging madrama.
Tsaka fudge lang ah!
May laban ata ako sa kanya!
Hindi ako magpapatalo sa mokong na yun.
Bakit ba kamo?
Simple lang.
Dahil mokong siya at maganda ako. HAHAHA! Okay. Anong konek? -___-
Hahaha. Nababaliw nanaman ako.
Tinotopak. Aish! Si Kuya kasi eh!
Ang drama-drama niya! =_______=
"Pasok na nga tayo sa loob." sabi ko kay Kuya sabay hatak sa kanya paloob ng bahay.
Nandun kasi siya kanina sa garden nung nagdr-drama siya eh.
Malamang nasa labas yun ng bahay namin.
"Wala pa ba si Dad?" tanong ni Kuya sa akin habang sumisilip dun sa may sala namin.
"Malamang wala pa. Wala ka pang narinig na sasakyan diba?" -ako.
"Oh? Nagsusungit ka nanaman jan. Tss. Kahit kelan talaga ang sungit-sungit mo!"
Piningot pa niya yung ilong ko tapos pumunta kami sa kitchen.
"Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh."
I rolled my eyes. Anong konek? Tss. -_______-
"Ano naman ngayon, Kuya? I don't need a boyfriend. Tsk. I can take care of myself naman ah." sabi ko.
"Sus. I can take care of myself mo mukha mo. Syempre kailangang magka-boyfriend ka noh! Hindi naman pwedeng forever alone ka."
Kinuha ni Kuya yung peanut butter tapos yung jelly tapos itinaas niya iyon.
"You have to have a peanut butter to your jelly."
Tapos kinuha niya yung bread at nagpalaman na.
"Tch. Peanut butter is better off without jelly, Kuya."
I hate jelly kasi eh.
Ewan ko ba kay Kuya at gustong-gusto niya yun.
So gooey. Yuck! =_____=
"Sus. Bitter ka talaga pagdating sa mga ganyan noh? Ano bang meron sa love at ganyan ka, ha?"
Ayan nanaman si Kuya eh.
Nang-aasar nanaman.
Nagtatanong kahit alam naman niya yung lagi kong sinasagot sa kanya.
"Tch. Ewan ko sayo Kuya. Sa dinami-dami ba naman ng beses na sinasagot ko yung tanong na yan, hindi mo parin ba alam kung anong isasagot ko?" -ako.
Oh diba ang sungit ko?
Normal sakin eh, bakit ba. Hahaha.
"Malay ko ba kung aaminin mo na sa akin ang totoo." sabay subo ni Kuya.
Para talagang The Hulk 'to pag kumakain.
Makasubo akala mo naman kasya ang limang spoons sa bunganga. HAHAHA.
"Anong aaminin ko sayo?" tanong ko sa kanya.
Hindi ako sinungaling noh! :P
Honesto, promise! :)
"Yung totoo."
"What totoo?" kumuha ako ng juice at uminom na.
Mmm, sarap! Hehe.
Syempre gawa ko. :P
Nag-sigh si Kuya.
"Hilig talagang mag-maang-maangan. Tsk tsk." bulong niya pero narinig ko.
Lechugas talaga 'to. Hahahaha.
Tapos kinausap niya ulit ako.
"Anong truth? Edi yung truth na nagkaroon ka na ng boyfriend tapos hiniwalayan ka niya kaya nung nag-break kayo naging bitter ka when it comes to love."
*FFFFFRRRRHHHHHH*
[A/N: Hahaha yun ngay yung sound nang naibuga mo yung iniinom mo. HAHAHAHA. Sorry low quality. :)))]
Naibuga ko tuloy yung iniinom ko kay Kuya tapos napapunas ako sa bunganga ko and around it.
Sabay tingin nang masama kay Kuya.
"What the eff Kuya? Ano bang mga pinagsasasabi mo jan?" naiinis ko na sabi sa kanya.
Kulang nalang ibato ko 'tong baso sa mukha sa inis ko eh. -_____-
"Oh? Chill naman jan. Tsk. Halata ka na eh, alam mo yun? GUILTY." Tapos binelatan niya ako.
Lanja 'to!
Tanda-tanda tapos kalalaking tao nambebelat?
Putulan ko siya ng dila jan eh. =________=
Baka nakakalimutan niyang brutal ang maganda niyang kapatid.
Chos! ^_^
"Tsk. Ikaw kasi eh! Saang lupalop ng mundo mo ba nakuha yang storyang yan at ibabaon ko sa ilalim ng tubig yung lupalop na yun!" sabi ko kay Kuya.
"Tch. WALA!! Asar ka talaga bunso. Shet. Basa na ako oh? Kailangan ko pa tuloy maligo." reklamo ni Kuya sabay kamot ng ulo.
I rolled my eyes again.
"Kasalanan mo naman eh. Kung ano-ano kasi yang lumalabas sa bibig mo. Ayan tuloy napaliguan ka pa ng juice."
"Wow ah. Galing lang mag-sorry. Idol na talaga kita." sarcastic na sabi ni Kuya sa akin sabay tanggal ng shirt niya.
Bwiset 'to.
Nagta-topless na nga lang, dito pa sa kitchen. =_______=
Nginitian ko si Kuya ng pang-asar. "Alam ko namang matagal mo na akong idol eh. Hindi na kailangang ulit-ulitin pa."
Tapos binelatan ko siya.
Nung nakita kong naiinis na talaga siya, natawa ako.
"Hahahaha. Eto naman joke lang. Sorry na. Tss. Maligo ka nalang kay──asdafhahsf."
Bastos na bata 'to!!
Ibato ba daw sa akin yung shirt niyang nabasa nung juice?!
=_______=
Yuck lang!!
"KADIRI KA KUYA!!" Tapos binato ko pabalik sa kanya yun.
Bwiset.
Na-catch niya.
Sapul pa sana sa mukha yun eh. Aish. -_______-
"Anong kadiri ka jan? Sino kayang kadiri sa ating dalawa noh? Bakit? Juice naman yan na may halong laway mo eh. Hmp. Lagay mo yan sa labahin. Ikaw ang maglalagay at hindi ako." utos ni Kuya sa akin.
"Tch. Oo na nga lang. Basta maligo ka na sa taas. Amoy panis ka na eh. Dali na! Shooo!" pagtataboy ko sa kanya.
Oh diba ang galing ko lang?
Hahahaha. XD jk.
"Panis? Malamang! Panis yang laway mo eh. What do you expect?" pang-aasar ni Kuya sa akin.
Lanja talaga 'to. >______<
"CHE! Umalis ka na nga! GRRRRR. Saksakin kita ng fork, you want?" sabi ko kay Kuya sabay tingin dun sa may lalagyanan ng spoon and fork namin.
"Uhh."
Tumakbo na siya palabas ng kitchen tapos narinig ko siyang tumaas.
"NO THANKS! HAHAHA!"
-__________-
Ang abnoy talaga nun kahit kelan.
Buti nalang hindi ako nahawa sa kaabnormalan niya. Tss.
Kinuha ko nalang yung shirt niya tapos ginamit ko na pamunas sa table na naduraan ko din ng juice kanina.
Hehehe, dibale nalagyan naman na ng madaming juice yung shirt niya eh.
Tapos kahit Lacoste pa yun eh mukhang basaan parin talaga pag suot niya. Jk. ^____^
Matapos niyang maligo at matapos ko ding ilagay na sa labahin yung shirt niya, saktong nagtext si Dad sa akin.
From: Dad
Anak late na akong makakauwi ngayon. Kumain na muna kayo mauna na kayo at wag niyo na akong hintayin. Mag-iingat ha? Sorry anak. Sige na.
"Kuya hindi daw makakauwi si Dad. Mauna na daw tayong kumain, tas wag na daw natin siyang hintayin." sabi ko kay Kuya habang nag-aayos siya ng buhok.
"Ah ganun. Sige sabihin mo kakain na tayo in a few minutes. Aayusin ko lang 'tong buhok ko. Nasaan na yung gel?" -Kuya.
Kinuha ko naman yung hinahanap niya sa isang table.
"Eto oh."
Tapos binato ko sa kanya.
Nasalo naman niya yun kaya nagreply na ako kay Dad.
To: Dad
Okay po Dad. We'll be eating in a few minutes na. Ingat ka din lagi. Be safe in coming home.
-Sent-
From: Dad
Sige na anak. May gagawin na muna ako para matapos na agad.
Hindi na ako nagreply nung sinend niya sa akin yun.
Malamang he did not want to be disturbed.
Kaya eto, hinihintay ko si Kuya na mag-luto.
Eh sa hindi ako marunong magluto and I greatly depend on him eh. :))
Pagkatapos ng two minutes, Kuya went over to the stove tapos may pinainit siyang ulam namin.
"Lagay mo na yung mga plato." utos niya sa akin.
That's what I do naman everytime we eat.
Ako yung taga-set ng table.
Nung naayos ko na ang lahat, I sat down na and waited for the food.
By the way, hindi nga lang pala kami ang tao dito.
There's actually our driver, pero may sakit kasi siya kaya hindi muna nagtr-trabaho, tapos our yaya naman, umuwi muna kasi her child died yata.
Kaya eto kami, stuck with only each other.
Laging delivered yung pagkain namin, or kung hindi naman, syempre si Kuya ang taga-luto.
Alangan namang ako eh hindi nga ako marunong diba?
Nilagyan naman na ni Kuya ng rice at ulam yung plates namin sabay sabi ng...
"KAINAN NA!!!"
____________
(AFTER AN HOUR)
Oh ha?!
Ang tagal naming kumain diba?
Hahahaha.
Tama yun, isang oras kaming kumain ni Kuya.
Eh pano kasi, nang-aasar siya.
Tas ayun. HAHAHAHA.
Naglolokohan kami habang kumakain.
At dahil nga masarap ang food namin eh, nadadamihan naming kumain. :)))
I'm glad to see that my Kuya isn't crying anymore.
Hindi na siya nag-dr-drama.
Haay. Sa wakas! :D
"Yanna." tawag niya sa akin.
"Bakit?"
"Tingin mo naka-move on na ako sa kanya?" tanong niya.
Nginitian ko siya. "I think so. You seem happy naman eh. Basta wag mo nalang siya masyadong isipin kasi nava-virus yang utak mo."
"Kelan pa naging computer ang utak ko para ma-virus? Hahaha." biro ni Kuya sa akin. "Joke lang. Pero salamat ha!"
"Para saan naman?"
Anong kabutihan nanaman ang aking nagawa sa kanya?
HAHAHAHA. Kabutihan talaga eh noh. ^_____^
"Sa lahat. Napaka-swerte ko talaga at ikaw pa ang naging kapatid ko." sabi ni Kuya.
"Hahaha. Syempre naman! May libreng ligo pa ng juice."
Natawa din si Kuya sa sinabi ko.
"Sa susunod nga ikaw ang tatapunan ko ng kape." pabirong sabi sa akin ni Kuya.
"Subukan mo lang, kakalbuhin talaga kita!" pagbabanta ko naman sa kanya.
Kinurot niya pisngi ko tapos kinurot ko din yung sa kanya.
"Ang cuuuute cuuuute mo!" sabay pisil niya sa pisngi ko.
OUCH! >_<
Takte 'to. Nananadya lang eh!
Syempre babawian ko siya. >:)
"ANG CUUUUTE CUTE MO RIN!" tapos mas lalo kong pinisil yung pisngi niya ng as in sobrang sakit.
"AHHHH!" Napatakbo siya pero umupo din naman dun sa kabilang side nung table.
Hahaha. Oh diba?
Ang cute lang naming mag-asaran ni Kuya. ^_____^
Matapos yung asaran session namin eh nag-toothbrush na aketch, tapos nagbihis na aketch nang pantulog.
Wow aketch. Hahahaha. XD
Natatawa tuloy ako sa sarili ko. :P
Bumaba na ako sa sala tapos umupo na ako sa sofa, dun sa tabi ni Kuya.
Ganito kami eh, pag Friday night, nanonood kami together ng kung anong mahanap namin sa TV.
"Bukas lalabas tayo ha?" sabi ni Kuya sa akin.
"Lalabas naman talaga tayo. Diba bibili pa tayo ng school supplies natin bukas?" sabi ko.
"Ahh ganun ba."
Sabay kamot ni Kuya sa ulo.
"Tss. Nakalimutan mo nanaman eh. HAHAHA. Tanda ka na talaga. Tsk. Tandaaaa. Tandaaaaa." pang-aasar ko kay Kuya.
"Eto naman! Parang hindi ko lang naalala saglit eh tanda na agad?" sabi ni Kuya.
"Oo naman Kuya! DUH! Hahahaha! Tanda tanda tanda si Kuya!" kanta ko habang sumasayaw ng whatever dance. Lol.
"Eh kung saksakan ko kaya ng remote yang bunganga mo?" sabi ni Kuya sa akin sabay bato ng remote sa akin.
Buti nalang naka-ilag pa ako.
Nung hindi niya ako natamaan ng remote eh binelatan ko siya.
"Wahahahaha! Duling! DULING!" sigaw ko kay Kuya habang sumasayaw parin. Hahahaha. XD
Tapos bigla ba naman akong nadulas dahil may naapakan akong pillow. -_________-
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANO KA NGAYON? HAHAHAHAHAHA!" tawa ni Kuya sa akin.
Lecheng 'to!
Imbis na tinutulungan akong tumayo eh, tatawa-tawa pa dun!
Humahalakhak pa! >_<
Tumayo na akong mag-isa tapos binelatan ko siya.
"HAHAHAHA. Grabe Kuya. Nakakatawa." I told him in a sarcastic way.
"HAHAHAHA! EH TOTOO NAMAN EH! WAHAHAHAHAHA! EPIC NUN EYA! SOBRA!" humahalakhak parin si Kuya.
Almost mahulog na nga siya sa kinauupuan niya eh. -_____-
MAHULOG SANA. Tsk. =_____=
"Lanja ka talaga. Tsk." sabi ko tapos umayos na ako ng upo.
"HAHAHAHAHA! PIKON! HAHAHA! WAHAHAHAHAHAHA!" Ayy si Kuya OA na makareact.
"Tch. Timang ka na Kuya." sabi ko sa kanya.
Pero tumatawa parin.
Okay? -_______-
Medyo nainip na ako sa kakatawa niya kaya tumaas na ako sa kwarto ko.
"OY! Teka lang naman! Tch. Pikunin ka talaga! HAHAHA!" Sinundan pa talaga ako ni Kuya papunta sa kwarto ko.
"Hindi ah! Na-bored kasi ako sa kakatawa mo jan eh!" sabi ko naman sabay higa sa bed ko.
Pumasok naman siya sa kwarto ko tapos umupo dun sa bed ko.
"Hindi na po tatawa. Hahaha."
Tignan mo 'to oh.
Kakasabi lang niyang hindi na siya tatawa tapos may kasunod na 'hahaha'?
Bangag talaga 'to. Natitimang. =_______=
"Ewan ko sayo. Tss. Bakit ka ba nandito? The last time I checked, your room is on the other side of mine." sabi ko sa kanya sabay kumot ko.
"Wow naman! Nosebleed!" tapos piningot ni Kuya yung ilong niya.
Nosebleed ba kamo?
"May tissue dun! Wag ka dito kasi ayokong matuluan ng dugo yung precious bed ko." pagtataray ko.
Napailing naman si Kuya. "Arte mo talaga. Hahaha──"
♪aaaaaaahhhh. aaaaaahhhh. aaaaahhh. aaaaaaaahhh.♪
What the eff?
Ringtone ni Kuya?
Yung intro ng Just The Way You Are?
Yaish.
Ang panget.
HAHAHA.
♪Oh. Her eyes her eyes make the stars look like they're not shining. Her hair her hair falls perfectly without her trying. She's so beautiful, and I tell her everyday♪
Nilabas ni Kuya yung phone niya tapos tinignan niya kung sinong tumatawag.
Then pinakita niya sa akin.
Calling... Hannie <3
Accept | Decline
Psh. Ano namang kailangan ng gf ni Kuya ──Oops. EX pala── sa kanya?
At aba! May heart pa dun. -______-
Ano ba yan si Kuya eh. Tsk tsk.
Tinaasan ko ng kilay si Kuya.
"Hindi mo ba sasagutin yan?" sabi ko sa kanya.
"E-eh kasi..." Tch. Ang bakla talaga ni Kuya kahit kelan!
"Akala ko ba naka-move-on ka na sa kanya, huh?" -ako.
Kailangan ko sungitan si Kuya eh, for his own good.
"P-pero hindi pa f-fully. P-pwede bang i-ikaw muna ako sumagot?" Eww. Nauutal si Kuya! =________=
That leaves me no choice.
Kinuha ko yung iPhone niya and accepted the call.
Humanda lang 'tong Hannie na 'to sa mga words na masasabi ko sa kanya!
- - - - Phone Conversation - - - -
Her: Hello?! Yuan?! Nanjan ka ba?! Ikaw ba 'to?! Hello?! Naririnig mo ba ako?!
(Hindi muna ako nagsalita. Gusto ko munang pakinggan kung anong gusto niyang sabihin kay Kuya. Ni-loudspeaker ko pa para marinig ni Kuya ang lahat)
Her: Yuan naman. Sumagot ka naman please? Kahit isang salita lang? Miss na kita eh.
(bwiset din 'to eh! MISS NIYA SI KUYA?! Eh bakit siya nakipag-break sa kanya? Tanga lang eh. Tinignan ko yung reaction ni Kuya at nakita kong ang sama ng tingin niya dun sa iPhone niya)
Her: Okay. Alam kong ayaw mong magsalita muna. So I'll say it then. Yuan, mahal na mahal parin kita. And you know na hindi ko naman sinasadyang makipag-break sayo. Please, tayo na ulit──
(nagulat ako nang hablutin ni Kuya yung phone niya mula sa akin)
Kuya: ANONG TAYO NA ULIT? SIRA KA BA? NAHIHIBANG KA NA BA, HA HANNIE?! NARIRINIG MO BA YANG MGA SINASABI MO SAKIN?! Hindi na pwedeng maging tayo ulit. Bakit? Break na din ba kayo ng isa mong boyfriend? Kaya porke't wala na kayo eh tatakbo ka nanaman sa akin? HELL NO. HINDI NA PWEDENG MAGING TAYO DAHIL HINDI NA KITA MAHAL.
(Omg. Ang sakit naman nung mga sinabi ni Kuya! =______= Oh well, whatever. Ate Hannie deserves that naman)
Her: What? I─I'm sorry──
Kuya: Shut up, Hannie. Your sorry won't change anything between us. I'm sorry too. But we are done. Thank you nalang sa lahat. Pero like I said, hindi na kita mahal──
Her: Ganun nalang ba kadali yun, Yuan?! Ang bilis namang mawala yung pagmamahal mo sa akin!! Ang daya──
Him: Sino kayang madaya sa ating dalawa, noh Hannie?! Hindi ba't ikaw yun? Kasi pinagpalit mo lang ako. Kasi niloloko mo lang pala ako nung mga panahong mahal pa kita. Sorry pero wala na lahat yun ngayon. Goodbye, Hannie.
Her: Yuan──
*tooot tooot tooot*
- - - - End Of Call - - - -
Woah. Hahaha.
Nag-hang-up na si Kuya. Lol.
Ano ka ngayon Ate Hannie?
NGANGA. >:))
Nginitian ko si Kuya matapos niyang sabihin yun kay Ate.
"I have two things to say, Kuya." sabi ko sa kanya.
Tinignan na lamang ako ni Kuya, forcing a smile.
"One, I'm so proud of you kasi nakayanan mo yun. Nakayanan mong mag-hang-up sa kanya at nakayanan mong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya. Knowing you? I know it took up a lot of your courage." -ako.
"Salamat. Effort kaya yun. Hahaha. Parang nakuha ko lang yun sa kung anong movie'ng napanood natin." Tapos tumawa pa si Kuya.
"Right. And pangalawa..."
Tinaasan ko ng kilay si Kuya.
"Ang pangit ng ringtone mo."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" sabay pa kaming tumawa ni Kuya dun sa sinabi ko.
"Ang corny mo kahit kelan! Tapos mag-ri-ringtone ka na nga lang, hindi pa bagay sa kanya! HAHAHA. Epic, Kuya. Super stupid." sabi ko kay Kuya habang tumatawa kami.
"Hahaha. Alam ko." Kinuha niya yung phone niya tapos pinakita sa akin yung contact ni Ate Hannie.
Takte. May heart pa. YUCK. =_____=
Hindi naman na ako nagulat nang i-press niya yung delete button and he selected OK.
Gusto niya talagang maka-move on na kay Ate Hannie.
Which is a good thing.
"Sige Yanna. Una na muna ako ha? Inaantok na din ako eh. Salamat talaga. Mahal na mahal talaga kita kahit pikunin ka." Tapos ginulo niya yung hair ko.
"Alam ko yun Kuya. Mahal na mahal din kita kahit minsan, tatanga-tanga ka. HAHAHA."
Ang sama ko talaga forevs. Lol. :)))
*PAK!*
Lanja 'to! Batukan ba naman ako?! -_______-
"HAHAHAHAHA! BA-BYE YANNA! GOOD NIGHT!" sigaw niya habang tumatawa.
Lumabas siya ng kwarto ko tapos sinara na niya yung pinto.
Hmp. Humanda talaga yun sa akin bukas! -_________-
Naglaro-laro muna ako sa iPad ko tapos nagtext-text muna bago ako natulog.
And before I did go to sleep, I swore to myself na ayoko talagang magmahal.
Why?
Kasi ayokong masaktan nang tulad ni Kuya.
Because I could hear him crying in his room right now.
At alam kong umiiyak siya dahil nasasaktan parin siya.
--------------------
"KUYAAAAA!! Bilisan mo na kasi!!" sigaw ko mula sa baba.
Ang kilos-pagong talaga ni Kuya! =________=
"Saglit lang kasi! Nasaan ba yung Walkman ko?!" sigaw din ni Kuya mula sa taas.
"Aba malay ko sayo! Ikaw ang nag-iisang gumagamit nun tapos ako ang tatanungin mo?!"
"Tulungan mo kaya ako dito!!"
"Wag na! Hintayin nalang kita dito! Bilisan mo nga kasi! Lahing pagong ka ata eh!"
Hindi na sumagot si Kuya nun.
Hahaha. Nainis na siguro. >:)))
Hindi nalang din ako umimik.
Instead, hinanap ko yung sarili kong earphones.
Now where did I effin' put those? :/
Ayy! Alam ko na!
Nasa taas pa yata, dun sa kwarto ko.
Tch. =______=
I decided na kunin nalang yun since alam ko namang nandun lang sa top ng drawer ko yun.
Saglit lang naman, baka nga maunahan ko pa si Kuya eh. ^______^
Kaya naman nagsimula na akong tumakbo pataas sa stairs.
*BOOGSH*
-____________________-
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ayan nanaman yung tawa ni Kuya.
Eh pano ba naman kasi...
Nadapa ako.
=______________=
Facedown pa.
==_______________==
At alam niyo naman si Kuya pagdating sa mga epic fails ko.
Lalo na pag nakikita niya.
Makatawa parang walang bukas.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHAHA!" That's Kuya laughing his head off.
His Walkman was dangling from his fingers at tawa siya ng tawa dun sa stairs, one hand on the railing to keep him from tumbling down.
-____________-
"Exhibition ko yun! Galing ko talagang magpatawa. Hahaha, sige Kuya. Wait lang kukunin ko lang yung earphones ko!" sarcastic kong sabi sabay exit ko pataas sa kwarto ko.
Nung nakuha ko na yung earphones ko at pababa na ako, nandun parin si Kuya tawa ng tawa.
Grabeyyy.
Wala na bang patawad 'to? -_______-
"Makatawa naman Kuya eh." -ako.
"HAHAHAHAHA! EH NAKITA KO YUN EH! WAHAHAHAHAHA!" sabi ni Kuya sa akin.
"Tss. Alam kong nakita mo yun dahil hindi ka bulag. Get over with it na nga and let's go naaaa!"
Hinila ko siya palabas ng bahay tapos sumakay na kami sa sasakyan.
"Good morning po!" bati nung driver namin sa amin.
Eto parang hindi nagkasakit eh.
Lagi kasi siyang masigla.
"Good morning din!" masayang sabi namin ni Kuya.
"Saan po ang punta ngayon?" -Manong Driver.
"Sa mall po." Syempre may galang parin naman kami kahit hindi namin siya kapamilya. ^______^
"Sige po. Sakay na kayo at narinig kong medyo ma-traffic ang daan ngayon." sabi ni Manong.
"Bakit naman po?" tanong ko while getting in the car.
"Hay nako. Hindi ka talaga updated ano?"
Eto nanaman si Kuya.
Ang epal talaga!! -_______-
"So ano ngang meron?" -ako.
"May darating kasing artista mamayang gabi. Dito na daw titira, syempre yung mga fans nung artista na yun eh mag-aabang sa kanya ngayong umaga." -Kuya.
"Umaga? Ba't umaga eh gabi yung pagdating niya? Tsk." -ako.
"Haaaay nako Yanna. Tanga ka ba? O sadyang bobo lang? Malamang gusto nilang may pwesto sila pag dumating yung idol nila! HAAAYY. Saan ba napadpad yang brains mo? Tsk." -Kuya.
Inirapan ko si Kuya.
"Whatever Kuya. Wala naman akong pake dyan sa artista na yan eh."
"Oh? Kahit si Philip Dorschner pa yun?" -Kuya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino naman daw yun?"
*PAK!*
"Araaaay Kuyaaaa! Makabatok! Maaalog utak ko sayo eh!" reklamo ko kay Kuya.
"Eh bakit hindi mo kilala yun?! Kinababaliwan kaya yun ng mga babae. Lalo na yung mga ka-age mo kasi magkasing-age lang kayo." sabi ni Kuya.
"Eh? Ano namang pake ko? Hindi ko nga kilala eh. Who cares." sabi ko sabay saksak ng earphones sa tenga.
If I know, nababakla lang si Kuya dun sa Philip whatever Doorster ba yun?
Or Dorsmer?
Tch.
Basta yun. Whatevaaaa.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*
Fudge. Bakit ang tagal!!! =________=
Isang oras na kaming stuck dito ah!
What the eff lang talaga! >_<
Uso ang traffic enforcers dito pero bakit hindi ko sila makita?! -______-
"Manong ano bang meron at kanina pa tayo andito? Hindi na ata gumagalaw 'tong sasakyan eh." sabi ko kay Manong, trying to keep the impatience out of my voice.
"Naku, pasensya na ho kayo Ma'am, eh mukhang matatagalan po ata tayo kasi sobrang crowded na dito sa streets eh." -Manong.
What the fudge?! =_______=
"Sobrang sikat talaga nung lalaki na yun. Tsk." narinig kong sabi ni Kuya.
"Sino? Yung artistang Philip?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya habang nakatingin sa iPad niya.
"Tignan mo oh."
Tinaas niya yung iPad niya na nagpapakita ng google page.
"Last month lang sumikat 'tong lalaking 'to, pero tignan mo naman ang popularity niya. Buong mundo ang naabot." sabi ni Kuya sa akin.
"Nasaan ba yung picture niyan? Baka naman sumikat eh mukhang gurang naman pala." -ako.
"Eto oh." sabay zoom ni Kuya.
Yaich! =_______=
Infairness. GWAPO! *o*
Pero ayoko parin sa kanya!!
Dahil sa kanya eh na-stuck kami dito sa heavy traffic na 'to!!
>______<
"I hate him! Bwiset siya! Tignan mo ang nangyari sa atin ngayon oh?! Stranded! Gaahd! Instead na nasa mall na tayo eh!" -ako.
"Sus. Wala ka din lang magagawa, bunso. Masyadong gwapo eh, lahat ata ng babae gusto siya. Tsk." -Kuya.
"Anong lahat?! Eh ako?! Ayoko naman siya ah! Bwisit siya!" I really hated being stuck in the middle of traffic! >______<
"Tss. Napaka-highblood mo talaga kahit kelan. Mag-abala ka na nga lang dyan sa phone mo!" sabi ni Kuya sa akin.
Sinamaan pa niya ako ng tingin kaya syempre, inirapan ko din siya.
Sinandal ko nalang yung ulo ko against the window and waited for time to pass by.
--------------------
*yawn*
*kusot mata*
*sit up straight*
*open eyes*
O_O
WHAT THE EFFIN' HELL?!
ANDITO PARIN KAMI?!
ANONG ORAS NA AH!!
Tinignan ko yung time sa watch ko.
O__________O
What the fudge?!
It's already 9pm na and yet we're still here?!
11am kami umalis ng bahay.
So we were stuck here for 10 hours?!
FUDGE.
Tumingin ako sa harap at nakita kong nakatulog na din pala si Manong.
Pati si Kuya Yuan nakatulog din.
Pero ginising ko siya.
"Kuya! Wake up nga!"
"Ano ba.... Hmm...Fried chicken..."
Lanja talaga 'to!
Nananaginip ng pagkain! =________=
Binatukan ko nga ng malakas.
*PAAAAAK!*
"OYL€CH€NGSH€T€NGBULLSH€T!" gulat na gulat na sabi ni Kuya.
Tignan mo 'to oh.
Kakagising lang, andami nang nasabi.
Puro mura pa. -______-
"Hoy! Maka-cuss ka jan wagas ha! Langya ka talaga. Pero mas walang hiya yung artistang yun!!! Look where we are!!" -ako.
Napakamot naman si Kuya ng ulo tapos tumingin siya sa labas.
"Hala? Kanina pa tayo dito ah."
"Oo nga! That's my point! Bakit hindi umaandar yung sasakyan?!" inis na inis na sabi ko.
"Baka naman nakalimutan nating magpa-gas?" -Kuya.
"NO! The gas tank is full." Tinuro ko yung dun sa may dashboard.
"Oh. Puno pa naman. Eh bakit tayo andito?
Tinapik niya si Manong na agad namang nagising.
"Manooong. Kelan ba tayo aalis dito?"
"Mukhang mapapabukas po yata tayo dito, Sir. Hangga't hindi pa dumadating yung artistang inaabangan ng lahat, hindi aalis yung mga tao dito." -Manong.
Leche! Ang daming tao! As in! -___-
Shemay lang talaga yung artistang yun!
NAKAKAINIS!
"Hindi tayo pwedeng ma-stranded here you know?! Paano ako makakatulog?!" asar na asar kong reklamo sa kanilang dalawa.
"Tch. Eh kung sunduin mo nalang kaya yung artistang yun? Naman eh. Napaka-impatient mo." -Kuya.
"Ehhh! Tatawagan ko nga si Dad! Ano ba yan eh!" frustrated kong sigaw sabay labas ng iPhone ko.
Dinial ko na yung number ni Dad.
*ring ring*
TCH. Bakit hindi niya sinasagot?!
Anak ng tokwa naman eh!! >______<
"At eto na ang latest update mula sa mga reporters." sabi ng radyo.
Napatingin naman ako dun at nakinig na kaming tatlo.
"Paparating na ang pinakahihintay na artista ng lahat na si Mr. Philip Dorschner sa loob ng limang minuto na lamang."
Sigawan naman dun sa labas matapos sabihin ng broadcaster yun.
Nakikinig din siguro sila sa radyo eh.
Shemay siomai, pati ba naman yung mga stations siya ang topic?!
"Nakakainis!" -ako.
"Oh? Kalma lang." -Kuya.
"BWISIT YAN! KAKAUSAPIN KO YANG ARTISTANG YAN NGAYON DIN! ARGH!"
Lumabas ako ng sasakyan.
"Yanna!" sigaw nina Kuya at Manong pero hindi ko sila pinansin.
I'm gonna show that freakin' artist!
GRRRRR.
Dumiretso ako sa isang station na alam kong puntahan.
Kakilala naman ako dito kaya I went straight up to DJ Kelli.
Siya yung naka-on air ngayon.
Nang makita niya ako eh agad siyang tumayo sabay yakap sa akin.
"Hi Yanna! Long time no see!" sabi niya sa akin.
"Hi din. Pwede bang makigamit?" tanong ko.
"Ha? Bakit?"
"Sige na. Isang message lang naman para sa artistang paparating ngayon." pagpupumilit ko.
Nginitian niya ako.
"Wow ah. Fan ka rin pala niya. Hahahaha! Sige wait lang. Pasalamat ka kilala kita. Hahahahahaha. Swerte mo lang at nakikinig siya."
Hindi nalang ako umimik nun.
May ginalaw-galaw pa siyang mga whatever buttons dun.
"Okay, pakinggan natin ngayon ang message ng isang babae para kay Philip Dorschner!" pag-introduce ni DJ Kelli sa akin.
Tapos isinuot na niya sa akin yung parang head-gear na may mic na whatever tapos nagsimula na akong magsalita.
"To Mr. Philip Dorschner kung sino ka man! Pwede bang bilis-bilisan mo ang pagdating mo dito?! Hindi ka na kasi mahintay ng mga fangirls mo! Kalat-kalat sila sa streets and they are blocking our way to the mall. Dahil sayo nasira ang araw ko! Kaya pwede bang pakibilisan mong dumating?! Tch. Hate na hate na hate talaga kita! Bwiset ka panira ng araw! Ugh. From Someone."
Tapos binaba ko na yung sinuot ni DJ sa akin at binato iyon sa kanya.
Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya nakatayo lang siya dun at di alam kung anong gagawin niya.
"Don't ever reveal to anyone na ako ang nagsabi nun, okay? Kung ayaw mong mawalan ng trabaho. You know what I can do. Hihihihi. Thank you!!" tapos nginitian ko siya at lumabas na ng studio.
Pagkalabas ko ng building na iyon, ang daming commotion!
Ano ba yan.
Lahat sila nagrereklamo dun dahil sa narinig nila over the radio.
Sana lang narinig yun nung Andrei na yun at bilisan niyang makarating dito para makauwi na kami!!
Haaay. Bumalik na ako sa sasakyan and I received looks from Manong and Kuya.
"Wag mong sabihing ikaw yung nag-broadcast kanina?" panimula ni Kuya sa akin habang sumakay ako.
"Sino ba sa tingin mo?" sabay upo ko sa tabi niya.
Napa-facepalm siya.
"Baliw ka talaga kahit kelan!! Tsk. Ano nalang gagawin nung artista sayo kapag nalaman niyang ikaw yun?!"
"Tss. Aba malay ko. Papatayin, kakatayin, papaslangin? Either ways, magiging guilty siya kasi nanakit siya ng isang tao eh siya din naman yung may kasalanan kung bakit ginawa sa kanya nung taong yun ang bagay na ikinagalit niya in the first place." -ako.
Nanlaki yung mga mata ni Kuya sa sinabi ko tapos napakamot siya ng ulo
"Timang ka talaga. Abnormal." sabi niya tapos tumingin sa labas.
"AAAAAAAAHHH!"
"NANDYAN NA SIYAAAAAA!"
"OMG YUNG CAMERA AKIN NAAA!"
"PAHIRAM NG OXYGEEEEEEEN!"
"AKO DIN MAMAMATAY AKOOOO SA KAKILIGAAAAAN!"
"WAAAAAAAAAAAH!"
"PHILIIIIIIP MY LOOOOOOVES!"
"ANDITO LANG AKOOOOOOO!"
"WOOOOOOOOOOOOOOH!"
Grabe lang.
Kung makasigaw si ate akala mo naman end of the world na oh.
Tsk. =___________=
Agad-agad namang nagkalat yung mga guards tapos hinarangan nila yung mga tao na nagpupumilit na mapunta sa kalsada.
Balak nilang magpakamatay? =________=
"Oh. Ayan na pala siya eh." sabay turo ni Kuya dun sa limousine na dumaan.
Naglakad na ang lahat ng mga fans nung artistang yun tapos pumunta na sila dun sa likod ng limousine.
I mean...
SINUNDAN NILA YUNG LIMOUSINE.
-___________________-
Natitimang talaga 'tong mga 'to!
Pft.
Akala mo naman kung sinong mga ka-close nung artista eh mga hamak na fans lang naman sila.
"Saan pupunta yung mga yun?" tanong ko kay Manong.
"Naku, magpapa-mall po ata sila." sagot naman ni Manong.
"Mall? Eh diba magsasara na yun in just..."
Tumingin ako sa watch ko.
5... 10...
"15 minutes?"
"Malamang ipapa-extend nila ang closing time. Hello?! Big-time na artista yan. Sikat sa buong mundo. Tsaka kikita din ang mall neto." sabi naman ni Kuya.
"Tch. Hay nako. Umuwi na nga lang tayo. Sakit sa ulo yang artistang yan. Bwisit!" sabi ko.
"Sus. Tara na sa mall! Gusto ko din namang makita yun kahit hindi niya ako fan eh!" -Kuya.
"Eeeehh Kuya." -ako.
"Sige na. Wag KJ." -Kuya.
"Magpaalam ka muna kay Dad."
"Tapos na." sabi ni Kuya sabay pakita ng text ni Dad.
Takte. Pumayag talaga. -_______-
Tapos ako kanina hindi sinasagot yung tawag ko?!
THANK YOU HA! >__________<
"Eh baka pagod na si Manong." -ako
"Ayos lang ako. Nakatulog din naman nung nakatulog kayo eh." masiglang sabi ni Manong.
Ano ba yan.
Walang kumakampi sa akin.
Amfut@. -_____-
"Sige na Yanna." -Kuya.
I rolled my eyes.
No choice ako dito. Psh.
"Fine. Pero ililibre mo ako ng fries ha? Yung large. Tapos dalawa ang gusto ko. Okay?"
"Tss. Oo na oo na. Osya sige na po Manong. Papuntang mall na po." sabi ni Kuya.
"Sige." -Manong.
-------------------------
"Potek naman. Ang daming tao!" naiinis kong sabi kay Kuya.
"Kaya nga eh. Asan na kaya yun?" Hinahanap pa ni Kuya yung si Philip Dorschner. Tch.
"Who cares?! Amin na yung pambili, nagugutom na ako."
"Pambili ng alin?"
"FRIES!!"
"Aish. Oo na oo na."
Binigyan ako ni Kuya ng 200.
"Bumili ka na din ng burger mo. Tapos drinks. Hindi na tayo kakain sa bahay."
"Psh. Whatever! Salamat sa libre! Text nalang kita kung saan tayo magkikita!" tapos umalis na ako papuntang McDo. ^_______^
Ayos!!!
Walang mahabang pila!!!
Wahahaha, tapos libre pa yung pagkain ko!!!
^__________^
"Yes Ma'am? Ano pong order nila?" tanong nung babae sa counter.
"Dalawang large fries, isang burger, tapos coke with no ice. Magkano lahat?" tanong ko.
"165 po lahat. Dine in or take out?"
[A/N: Assume lang ha? Hahahaha. I forgot na eyy. :)))]
"Ah. Dine in. Eto."
Inabot ko sa kanya yung 200.
"I received 200 pesos Ma'am. Here is your change, 35 pesos. Eto na po yung order ninyo. Enjoy po! Next!!"
Kinuha ko na yung tray tapos naghanap na ako ng upuan.
Nakahanap naman ako agad, tapos bigla nalang dumami yung tao.
>______________<
Teka. Mga fans 'to ni Dorschner ahh?
Bakit sila andito?
Tsk.
Na-recognize ko kasi sila kanina eh.
Sila yung mga nasa malapit sa radio station.
Call me chismosa or what, but I can't refrain from hearing kung anong pinag-uusapan nila!
Ang lalakas ng boses eh! -_______-
"Sayang naman ang pagpunta natin dito!! Hindi naman pala magpe-perform si Philip!"
"Oo nga eh! Napagod siguro sa flight niya."
"Yeah nga. Pero atleast nakita natin yung limo niya!"
"Tama! Nakuha niyo plate number?"
"Hindi eh."
"Tsk. Ano ba yan. Mga shunga."
"Ikaw nga hindi mo nakuha eh!"
"Tsss. Oo na whatever. Tsaka may mall guesting naman siya bukas eh! Kyaaaaaa!"
"I know right? Bakit kasi bigla nalang siyang nawala kanina?"
"Hayaan na. Bukas gigising tayo ng 5am para 6am nandito na tayo!!"
"Tama!! Hihihi!!"
Woah.
6am?!
Eh 10am pa magbubukas 'tong mall ahh?!
Adik lang. -_____________-
Nagsimula nalang akong kumain.
Nom nom nom!
Ang sarap sarap!
^__________^
"Sht!"
Someone cussed infront of me.
Napatingin ako sa kanya tapos nakita kong nakahiga na pala siya dun sa floor, clutching his knee.
Omg! Anong nangyari dito?! :O
Lalapitan ko sana nang...
"Miss! Don't get near him!" sigaw ng isang lalaki sabay harang sa akin.
"OWWWWW!!"
Nagulat naman ako sa nangyari.
Bigla nalang natumba yung lalaki na humarang sa akin tapos nagtatatakbong tumakas yung unang lalaki kasi hinahabol na siya nung guards.
"Sht..." narinig ko namang sabi nitong nasa harapan ko.
O___________O
Fudge!! He's bleeding!!
"GUARD! MAY NASAKSAK PO DITO!" sigaw ng isang babae na nakakita sa amin.
Kumpulan naman ang mga tao habang hinawakan nitong lalaking 'to yung kamay ko.
Ginawa niya pang stress ball. =________=
But this guy saved my life.
Ako dapat yung nasaksak kanina eh.
Pero hindi, hinarangan niya ako kaya napahamak pa siya.
Fudge. Hindi ko alam ang gagawin ko! =_________=
"TABI!" sigaw ng apat na lalaki na mukhang mga bodyguards.
Binuhat nila siya palabas ng McDo tapos naiwan ako dun sa loob na may splotches ng blood niya sa kamay ko.
YUCK!!
Agad-agad kong pinunasan yun ng tissue at binuhusan ng malamig na tubig galing sa may counter.
Haaaay.
Thank you Lord sa savior ko na yun.
Kahit hindi ko siya kilala at hindi ko masyadong nakita yung mukha dahil naka-hoodie siya at shades.
Malamang kung hindi niya ako hinarangan eh... wala nako ngayon.
Kinuha ko na yung pagkain ko at lumabas ng McDo with shaking knees.
Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Pa'no kung namatay yung lalaking yun dahil sa pagligtas niya sa akin?!
What if it's all my fault?!
Brrrrrrrr. Nakakakaba, promise. Mamamatay na ako sa kaba nito.
Napaupo nalang ako sa random bench tapos nagsimulang kumain ulit, lost in thought.
Paulit-ulit na nagplay sa utak ko yung nangyari kanina.
And I don't know what or why.
Pero nung hinawakan nung savior kong yun yung kamay ko kanina...
I felt something there.
────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────