Crewd Academy: Malediction of...

fevriyehiver द्वारा

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... अधिक

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 33: Mortis Forest

82.2K 3.1K 245
fevriyehiver द्वारा

□◇◇♡◇◇□

MORTIS FOREST

□◇◇♡◇◇□

"What did you say?!" Neithan exclaimed.

Nilibot nila ang paningin nila sa paligid ngunit bigo silang makita si Sendy. Wala ni kahit anino niya.

"Ngayon mo lang ba napansin na wala na siya sa tabi mo?" Airyn asked. Mukhang nababahala na rin siya.

Hindi mapakali si Winzé. "Yeah! She was standing beside me pero ngayon ko lang namalayan na wala na siya sa tabi ko!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Winzé. Parang gusto niyang sisihin ang sarili niya.

"I'll find her.."

Nagtataka silang napatingin kay Charlie at akala nila ay nagbibiro lang ito ngunit wala kang mababakas kung hindi ang seryosong mukha nito. Tumalikod na ito sa kanila at akmang aalis na nang magsalita si Neithan.

"I'll go with you—"

Tumigil si Charlie at hinarap si Neithan. "No! Stay here! Kunin niyo ang black crystal sa kaniya!" Charlie said with authority. Hindi na nakaangal si Neithan. Mas matanda sa kaniya si Charlie kaya nirerespeto niya ito.

Bigla namang nagsalita si Lavender. "Hindi ka pwedeng tumuloy. Sa bandang kinatatayuan mo ay ang Mortis Forest. The cursed forest! If I were you, I will not go there—"

"Shut up!" Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Charlie. "No one can dictate me."

Hindi sila nakapagsalita. Tumango si Airyn kay Charlie na hudyat na pinapaalis niya na ito. "I'll make sure na makukuha namin ang black crystal. Find her now!" sambit pa ni Airyn.

Tumalikod na si Charlie sa kanila at nagsimula nang pumasok sa madilim na parte ng gubat. Ang tinatawag nilang Mortis Forest. The cursed forest.

Nasa bungad pa lang si Charlie ay nakaramdam na agad siya nang paninikip ng dibdib. Mahigpit siyang napahawak sa dibdib niya at kita sa mukha niya ang sakit na dulot nito. Naisip niya na iyon ang pinaka masakit na naramdaman niya. Parang pinipigilan siyang huminga. Parang nasa makipot na daan siya.

Kahit na nahihirapan siya sa paghinga ay sinikap niyang maglakad at hanapin si Sendy. Nagpalabas siya ng apoy sa kamay niya upang makita niya ang madilim na paligid.

Masangsang ang naaamoy niya sa paligid na parang amoy nabubulok. Tumutunog naman ang mga natatapakan niyang itim na tuyong dahon. Napatingin din siya sa mga puno at halaman na lanta na at walang buhay. Ang buong paligid ay nagmistulang patay na.

"This forest is hell!" singhal ni Charlie.

Napaatras pa siya at nagulat nang may bumungad sa kaniya. Isang patay na tigre na mukhang nilapa ang tiyan nito. Inuuod na ito at nilalangaw na sobrang baho.

Nilagpasan ni Charlie 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit bigla siyang napatakip sa tainga nang marinig niya ang mga uwak. Nakakabingi ang mga ito. Nagliliparan ito sa itaas.

Dahil sa inis ni Charlie ay pinagtitira niya ito ng apoy niya. Ang mga natatamaan ng apoy ay namamatay at nalalaglag. Hindi nakayanan ni Charlie ang ingay kaya tumakbo siya. Nang makalayo na siya sa mga uwak ay siya namang nagpatigil sa kaniya dahil nakita na niya si Sendy!

Nang makita niya ito ay parang wala ito sa sarili na naglalakad papalapit sa isang puno na siyang pinaka malaki sa lahat. Wala ring buhay ang punong 'yon at parang doon nakatingin si Sendy.

Tumakbo nang mabilis si Charlie papalapit sa kaniya ngunit bigla siyang napatigil dahil may nabangga siyang matigas na bagay na siyang dahilan kung bakit hindi siya makadaan.

Kinapa-kapa niya ito at napagtanto niyang may transparent barrier ito. Nagtaka siya kung paanong nakapasok si Sendy kung gayong may transparent barrier ito?

Pinagkakalampag ni Charlie ang transparent barrier ngunit wala man lang nangyayari.

"Selendria! Selendria! Can you hear me?!"

Tila bingi naman si Sendy at hindi man lang niya naririnig ang sigaw ni Charlie. Patuloy lang si Sendy sa paglalakad papalapit sa puno na parang wala ito sa sarili niya.

"Shit! Selendria! Huwag kang lalapit diyan!" galit na sigaw ni Charlie.

Mukhang galit na galit na si Charlie. Biglang nabalutan ng bakal ang kanang kamay niya hanggang sa braso niya. That's his special ability.

Malakas niyang sinuntok ang transparent barrier ngunit wala itong talab. Ni hindi man lang nagalusan ang transparent barrier sa lakas ng impact na ginawa ni Charlie. Hindi siya tumigil sa malakas na pagsuntok dito. Pabilis na nang pabilis ang pagsuntok niya ngunit wala pa ring nangyayari.

"Selendria!" sigaw ni Charlie habang patuloy sa pagsuntok.

Nang mapagod siya ay tumigil siya at naisandal niya ang ulo niya sa transparent barrier. Taas-baba ang braso niya dahil sa mabilis na paghinga. Muli niyang sinulyapan si Sendy at nakita niya itong diretsong naglalakad pa rin at malapit na niyang marating ang punong iyon.

Wala nang ibang naisip si Charlie na paraan. He have no other choice. Iyon na lang ang paraan para mailigtas niya si Sendy.

Nagpalabas siya nang pagkalaki-laking apoy sa dalawang kamay na siyang bumalot sa buong transparent na barrier. Halos nagamit niya lahat ang magic niya na siyang lubhang delikado para sa kaniya. Napasigaw si Charlie dahil sakit. Umiilaw na rin ang suot niyang kwintas na siyang sumusuporta sa kaniya. Binuhos niya ang kaniyang buong lakas.

Nakakaramdam na siya nang panghihina ngunit hindi siya tumigil hanggang sa magkaroon na ng bitak ang transparent barrier at tuluyan na rin itong nabasag. Nang mabasag na ito ay nagmadali siyang tumakbo papunta kay Sendy kahit na pagewang-gewang ito dahil sa panghihina.

Saktong nasa harap na ng puno si Sendy nang makuha ni Charlie ang kamay niya at hinila ito papunta sa kaniya. Niyakap niya ito. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng kaba at takot si Charlie. Sa unang pagkakataon ay hindi niya inaasahan na mag-aalala siya nang husto sa isang babaeng hindi niya lubos na kilala.

"Selendria.." Hinawakan ni Charlie ang mukha ni Sendy ngunit parang wala ito sa sarili.

"What's happening to you?!" nagtatakang tanong ni Charlie ngunit diretso lamang itong nakatingin sa kaniya. Nararamdaman na ni Charlie ang panghihina ng kaniyang katawan.

"Shit! Selendria! Answer me!"

Niyugyog niya ang balikat ni Sendy ngunit blanko pa rin ang mukha nito. Halos mawalan na ng boses si Charlie.

Nagulat si Charlie nang bigla itong ngumiti sa kaniya. "Ang ganda rito, Charlie! Halika—"

Ngunit bago pa maituloy ni Sendy ang sasabihin niya ay pinutol na agad 'yon ni Charlie gamit ang kaniyang halik.

Parang unti-unting bumalik si Sendy sa kaniyang ulirat at nagtatakang nakatingin sa lalaking humahalik sa kaniya. Hindi niya maaninag ito dahil parang nahihilo siya.

"SENDY!"

"Oh my gosh! Sendy!"

"Charlie ugly! Here na me!"

Narinig pa ni Sendy ang mga boses nina Kairo, Airyn at Winzé na parang nag-eecho lang ito sa tainga niya. Tila ang paligid ay parang umiikot para sa kaniya.

"Selendria!" sigaw ni Charlie nang mapansin niya na parang bumalik na ito sa dati.

Ngunit parang hindi makita ni Sendy ang itsura nang nasa harap niya. Biglang nanlabo ang mga mata ni Sendy at tuluyan nang nawalan ng malay. Mabilis namang sinalo ito ni Charlie.

SELENDRIA'S POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ngunit napapikit ako nang mariin dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko.

"Hoy! Gising na si Sendy!" Narinig ko ang matinis na boses ni Dara na akala mo ay nasa palengke.

"Oh my! Oh my! Oh my! My Sendy!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Faye.

"Hala! Nakakatakot naman si Sendy! Bakit ngumingiti habang tulog? Naalimpungatan yata!" Rinig kong sambit ni Val.

"Baka sinasaniban?!"

Minulat ko na ang mata ko dahil sa sinabi ni Dara. Nagtawanan pa sila. Sila na ang masaya. Kahit kailan para silang ewan.

"Bakit kayo nandito sa kwarto ko?" takang tanong ko. Medyo hindi pa nagsisink-in sa utak ko kung nasaan ako.

Biglang nagkatinginan si Dara, Val at Jhane at humagalpak sa tawa. "Pfft! Sabi sa'yo! Naaalimpungatan siya!"

Nainsulto naman ako sa sinabi ni Val. Pinagmasdan ko ang paligid. Teka, bakit parang nasa clinic na naman ako?! Ano na naman bang nangyari?!

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Sendy ko? Hihi!" Napatingin ako kay Faye na lumilipad sa harap ko. Nasa mismong tapat pa siya ng mukha ko.

"Bakit naman hindi? Ano bang nangyari sa akin?" Naguguluhan ako kung bakit nandito kami!

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Winzé at Zyrelle na may dalang paper bag. Wow! Magkasama na sila ngayon? Nakakapanibago yata! 

Nagulat si Winzé nang makita ako at agad na lumapit sa akin. Tinabi niya ang dala niyang paper bag at hinawakan ako.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Do you remember what happened?" Naguluhan ako sa kaniya. Ano'ng pinagsasabi niya?

"Ano ba ang nangyari?"

"Naks, Sendy! Nagka-mission ka lang nagka-amnesia ka na agad!"

Nagtataka akong napatingin kay Dara. Bumalik sa akin 'yong mga pangyayari. Naaalala ko na.

"Ano? Nakuha niyo ba 'yong black crystal?!" masayang tanong ko. Hindi ko maalala kung paano ba nila nakuha iyong black crystal.

"Yes. We're glad na natalo nila si Lavender at kusa na niya itong binigay." Napangiti naman ako sa sagot ni Winzé. Nakahinga na rin ako nang maluwag.

Nabaling naman ang atensiyon ko kina Dara. "Pagkain ba 'yan?" tanong ko nang mapansin na tinitingnan nina Dara at Val 'yong laman ng mga paper bag na dala nila Zyrelle at Winzé.

Tumingin naman sa akin si Dara. "Ay hindi! Tae 'to! Tae!"

Natawa naman silang lahat maliban kay Winzé na seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit?" naiilang na tanong ko.

"Do you remember what happened to you?"

Napatahimik ako at inaalala ang nangyari. "Ano bang nangyari sa akin?"

"I don't know either. Bigla ka na lang nawala sa tabi ko noong kausap nila si Lavender."

Parang may bumalik na naman sa alaala ko kaya napahawak ako sa noo ko. Bigla kasing sumakit na parang pinupukpok ito.

"Ano bang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Faye.

Nakatingin na silang lahat sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Napalunok muna ako. "Hindi ko alam pero ang natatandaan ko ay may magandang babae ang tumawag sa akin. I don't know why but I followed her." Seryoso ngayon silang nakatingin sa akin.

"Parang hindi ko kontrolado ang isip ko n'on. Sumunod lang ako sa kaniya at ang sabi niya ay papasok daw kami sa puno."

"Ayan! Minamaligno ka na!" Napatingin kami kay Val.

"Shut up, will you?" banta sa kaniya ni Winzé. Natahimik na lang siya.

"Tapos parang bigla akong nabalik sa reyalidad! Tapos ang huling naaalala ko ay..."

Para silang mukhang timang na naghihintay sa sasabihin ko.

"Ay..."

"Ay? Ay ano?! Sendy, huwag ka namang pabitin!" reklamo ni Dara.

"Wala na yata.." sambit ko.

"You didn't remember that Charlie saved you again?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Winzé. Nagulat din sila.

"Really?! Ang swerte naman ni Sendy!" sambit ni Jhane. Aba'y swerte raw ako.

"May knight in shining armor ka pala, eh!" natatawang sambit ni Dara habang ngumunguya ng pagkain.

"Sana lahat meron!" segunda ni Val.

"What happened to you ba, Sendy?" Napatingin ako kay Zyrelle na nakakunot ang noo.

Hindi ko maalala na niligtas ako ni Charlie. Ano bang ginawa niya? Paano niya ako niligtas? Ang naalala ko lang ay may tumatawag sa pangalan ko!

Tapos...

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala naman ako sabay napahawak ako sa labi ko. Ramdam na ramdam ko 'yon! Alam kong totoo 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali!

"Sendy, nababaliw ka na ba?"

Hindi ko pinansin si Dara.

"Pero may naalala ako..." Napatigil sila at napatingin na naman sa akin.

"Parang may humalik sa akin ngunit hindi ko alam kung sino dahil hindi ko naaninag 'yong mukha niya."

"Hahahaha! Ang taas mo naman mangarap, Sendy." Napasimangot ako kay Val. Para namang ang panget ko para sa kaniya!

"It could be..." Napatingin kami kay Winzé at unti-unting sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. Kinabahan ako sa kaniya.

"Charlie.."

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Winzé. Parang nabingi ako at sinabayan pa ng mga impit na tili nila.

Hinalikan niya ba talaga ako?!

Bakit niya ginawa 'yon!

Hindi niya ba alam na first kiss ko 'yon?!

***

AEYOUNG'S NOTE:

SANA ALL HINALIKAN HAHAHHA!

THANK YOU GHOSTERS! I HOPE YOU ENJOY READING THIS STORY! SARANGHAJA! BE SAFE AND HEALTHY ALWAYS!

THANK YOU FOR FOLLOWING ME! ^^

I also have another story! Teen fiction and Mystery/Thriller!

Diary ng Forever Single
Teen fiction


पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
Alpha Omega Yam द्वारा

काल्पनिक

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
12.3K 1.3K 68
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...